¤CHAPTER 17¤ Thank you ^_^

4.2K 170 20
                                    

¤CHAPTER 17¤ Thank you ^_^

 

Arabella's POV

Pagkapasok ko sa classroom namin kaagad na tumambad ang nagugulong mga classmates ko…, kasama na roon si Pat.

“Pat…, bakit ang gulo-gulo niyo dito. Anong problema?” tanong ko sabay upo sa tabi ni Pat.

“yung assignment na’tin sa math…., wala pa kasi kaming answer at yun namang  meron.., mali naman ata. Sabi kasi ni Sir kapag hindi daw tayo pasado sa assignment na’yon….., may punishment.” Natataranta niyang sagot.

“wala ka pang assignment?” tanong ko sa kanya. ‘si Pat walang assignment? Imposible yon!! Eh kaagad nitong ginagawa assignment niya eh!!’

 

“wala pa eh.., bakit ikaw meron na?” tanong niya at tumango lang ako. “talaga lang ah…,” sabi niya na parang sinasabing ‘hindi ka naman nakikinig tapos nagawa mo? Weh di nga’ o yung parang sinasabi niya na ‘meron ka nga pero sigurado ako mali naman yan!! Kaya wala rin hahah’

“oo…, pinanggawa ako ni Panget este Harvey…., bakit? Hindi nga rin ako sigurado na tama yung sagot niya eh!!” sabi ko nalang na nakasimangot.

“si Harvey? As in si Harvey Park? Pinanggawa ka niya? So totoo pala ang balita na may GF na si Harvey?” tanong niya.

“ah…,oo kami na. pero pwede ba huwag mong ipagsasabi?” sabi ko nalang.

“sabi ko na eh!! Masaya ako para saiyo friend!!” sabi niya na nakangiti ng napakalapad.

“gusto mo bang kumopya sa sagot ko? Pero walang sisihan kapag mali ang sagot ha?”

“talaga papakopyahin mo ako?” tanong niya saakin at tumango lang ako. “at huwag kang mag-alala…, sigurado ako na tama ang sagot niya. Eh genius yon eh… kaya imposibleng mali ang sagot niya.” Sabi niya na tuwang-tuwa.

“talaga genius siya? Kala ko matalino lang siya…, pero hindi ko alam na genius pala siya.” Thoughtful na sabi ko.

“hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka!! Swerte mo talaga friend kay Harvey” sabi niya na tuwang-tuwa buti nalang busy ang lahat kung hindi lagot na ako.

“anong swerte? Alam mo ba na bago niya ginawa yan sinabihan niya pa akong mahina sa Math?! Nainsulto pa ako dahil sa busit na assignment na’yan kaya kumopya kana at huwag ka nang magsalita at baka magbago ang isip ko…,” naiinis kong sabi.

“ikaw naman friend…, baka hindi naman talaga ‘yun yung sinabi niya. Alam mo kilala na kita eh…, ine-exaggerate mo ang maliit na bagay.”

Sabi niya at wala naman akong nasabi dahil feeling ko tama siya. “tama ako noh? Alam mo friend wag mo naman masyadong pahirapan si…,” hindi niya naituloy dahil napansin niyang may nakikinig.

<3 Blackmailed to be His girlfriend <3Where stories live. Discover now