I'm InLove With You

By rarecrown

5.5K 249 0

Skyler Racaza x Trixie Ann Velasquez More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 2

128 5 0
By rarecrown


Maaga akong nagising dahil kailangan ko ng maghanda para sa unang araw para maghanap ng trabaho. Pumasok ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo ay naghanap ako ng damit na disente naman tignan. Baka magmukha pa akong dugyot habang nag-a-apply, baka hindi pa ako tanggapin oy!

Kaya naman pagkatapos kung mag-ayos ay bumaba na ako dahil may maliit na karenderya dito malapit sa apartment ko kaya kumain muna ako. Babalik ulit ako sa taas mamaya para mag toothbrush.

"Hi po Aleng Rosa!" Bati ko sa may-ari ng karenderya. Ngumiti naman siya sa akin, umupo naman ako sa isang bakanteng upuan.

"Dating gawi ba hija?" Tanong niya sakin, tumango naman ako at ngumiti. Pagkatapos niyang kunin ang gusto kung pagkain ay nagsimula na akong kumain. Nakita ko naman ang isang lalaki na kinalabit si Aleng Rosa.

"Aleng Rosa! Pakilala mo naman ako.." sabi niya, umirap nalang ako. Palage na akong nakakarinig ng ganyan dito kapag kumakain ako. Pero hindi ko na pinapansin yun. Minsan nga napapagkamalan akong modelo ng ibang tao.

"Tumigil ka nga, John." Sabi ni Aleng Rosa at nagbigay na sa mga costumer niya. Malakas ang bintahan ni Aleng Rosa dito, bukod kasi sa ang sarap niyang magluto malapit lang sa isang building na pinapagawa, at malapit sa hospital.

Pagkatapos kung kumain ay nagbayad na ako at nagpaalam na aakyat na ako sa apartment ko. Nagtooth-brush lang ako at tsaka naglagay lang ng cheek tint at liptint tsaka lumabas ulit.

•••

Pagdating ko sa isang mataas na kompanya, wow! Ang taas naman ng kompanya nato. Mayaman siguro ang may-ari nito, malamang ang taas nga ng building diba? Nakita ko naman na may nakalagay na Hiring for a secretary.

Nagmadali naman akong umakyat at nagtanong sa isang security guard na nasa labas.

"Ahm, Kuya? Available pa ba ang posisyon na yan?" Tanong ko kay Kuyang Guard. Sana available pa at jackpot talaga ako kung sakali.

"Ah, Oo. Hija! Bilisan muna pumasok kana sa loob. Tanongin mo ang Information desk kung saan sila mag e-interview.. dala mo ba ang mga resume mo?"

"O-Opo.." natatarantang sabi ko. Kompleto na naman ako kaya walang problema.

"Oh siya, pumasok ka na sa loob. Magtanong ka sa information desk kung saan may interview ngayon," sabi niya at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. Nagpasalamat ako sa kaniya at ngumiti. Dumiritso naman ako sa information desk na sinasabi ni Kuyang guard kanina.

"Ah, Ate? Saan po ba ang interview para sa secretary?" Nagmamadaling tanong ko. Naku! Baka may na hire na sila ah? Dapat pala mas maaga ako kanina, aguy ha!

"Nasa 3rd floor po, Ma'am!" Nakangiting sabi niya, mababait naman pala ang mga tao dito. Sana lang kung sakaling ako ang maging sekretarya mabait din ang boss ko.

"Salamat po!" Nakangiting sabi ko at nagmadali ng pinindot ang button ng elevator. Pinindot ko ang 3rd floor at kinakabahan ako habang nasa loob ako ng elevator. Buti nalang ako lang mag-isa dito sa loob.

*Ting*

Nag sign of the cross muna ako tsaka lumabas ng elevator, paglabas ko palang ay nakahilera na ang mga babaeng mag-a-apply. Pumila naman ako, buti nalang konti nalang ang natira mga 20person. Napabuntong hininga muna ako habang kinakabahan na tinitingnan ang iba't-ibang babae. Ang iba ay nagkukwentuhan, may iba rin na pinapaypayan ang sarili. Kinakabahan siguro. Wala pa namang natatanggap so far kaya may pag-asa pa ako.

•••

"Miss Trixie Anne Velasquez?" Tawag sakin ng tumatawag sa mga nag-a-apply. Aligaga naman akong tumayo, whoooo! Kaya ko 'to! Para sa pamilya. Bumuntong hininga ako bago tumayo.

"Ako po yun!" Sabi ko at para namang natataeng ngumiti sakin ang babae. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. Pinapasok na ako sa loob ng office, Wow! Ang gara naman ng opisinang 'to. May isang kwarto ata yun sa right side, may table set sa left side at couch tapos may TV sa harap. May mga paintings din na nakasabit sa gilid.

"Are you done surveying my office?" A baritone voice filled the room. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya.

"G-Goodmorning po, Sir." Nahihiyang sabi ko. Ano ba yan! Hindi pa nga ako natatanggap pinapahiya ko na ang sarili ko.

Infairness, ang gwapo niya ha! Suplado nga lang. Parang parati lang busangot ang mukha niya, medyo messy hair din siya, maganda ang mata niya, perfect ang ilong niya, kissable lips, thick brows. Hmp! Suplado naman.

"Are you done staring at me also?" Napabalik lang ako ng magsalita siya ulit, umayos ka nga Trixie! Nandito ka para mag-apply okay?

"Ay s-sorry p-po.." nahihiyang sabi ko.

"Please, take your seat." Umupo naman ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya.

"Why should I hire you?" Diritsahang sabi niya.

"Kasi po, magaling po ako! Kaya ko po lahat ng ipapagawa niyo kung sakaling matanggap ako. At hindi niyo pagsisihan na tanggapin ako para maging sekretarya." Malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya habang nagsasalita ako.

"Why are you deserving to be my secretary?" Huh? Siya ang magiging boss? Shunga! Malamang. Siya nga nag interview sayo diba?

"Oo naman po! Dahil kahit anong ipagawa niyo kayang-kaya ko." Sabi ko ulit sa kaniya. Tumatango-tango lang siya.

"Jane!!" Biglang sigaw niya, nagulat ako dun ah!

"S-Sir?" Sabi nung babae dun sa labas kanina.

"Send them home," sabi niya habang pinapaikot ang ballpen sa kamay niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya, papauwiin niya na yung iba? May na hire na ba siya?

"Right away, Sir." Sabi nung babae at kaagad lumabas ng opisina.

"You're hire!" Biglang sabi niya sakin at nanlaki naman ang mata ko at umawang pa ang labi dahil sa sinabi niya.

"T-Talaga p-po?" Malaking ngiti ko.

"Do I need to repeat it?" Striktong sabi niya. Ang sungit talaga! Pero okay lang tanggap na naman ako, yaaaay!

"N-No Sir. Thank you po! Promise po hindi po kayo magsisisi." Sabi ko.

"You'll start tommorrow, You'll be working Saturday and Sunday because as what I read. You're a student, right?" Nakangiti parin akong ngumiti kahit ang suplado niya, hmp!

"Opo, Sir." Tumango naman siya.

"But, as soon as you graduated. I'll be message you whenever I have an important meeting or I'll have a meeting. Understand?" Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Yes naman po! Yakang-yaka lang yan!" Kumunot naman ang noo niya.

"You can leave, you can start tommorrow. Dismiss." Sabi niya at yumuko naman ako sa kaniya konti. Sign of respect raw yun sa boss mo kapag ganito ka laki ang kompanya. Masaya akong lumabas ng opisina niya, malaki rin ang ngiti ko. Wala na ang mga babaeng pumila kanina.

"Congrats!" Sabi ni Jane yung tumatawag ng aplikante.

"Salamat!" Nakangiting sabi ko.

"Ngayon pa lang naka hire si Sir ng sekretarya, dalawang araw na kaming nagha-hire pero ikaw palang ang napili niya.." nakangiting sabi niya sakin.

"Talaga? Mukhang swerte ko ngayong araw." Natatawang sabi ko.

"Ako nga pala si Jane, secretary din niya." Ha? Sekretarya din niya? Ba't dalawa kami?

"Ha? Secretary karin niya?" Nagtatakang tanong ko. Natawa naman siya sa pagkalito ko.

"Oo, kailangan kasi niya ng dalawang sekretarya dahil sa busy siyang tao.. marami kasi siyang hina-handle e." Sabi niya habang ngumingiwi pa, mukhang hindi niya nga kayanin na siya lang mag-isa.

"Ako nga pala si Trixie," sabi ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya. Mukhang kilala na niya ang pangalan ko dahil siya naman ang tumawag sakin kanina.

"So, ano? Kita nalang tayo bukas?" Nakangiti naman akong tumango sa kaniya. Nagpaalam narin ako sa kaniya dahil kailangan ko ng umuwi. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag chat ako sa GC naming tatlo.

Me: May trabaho nako!!

Kian: Weh? Are you sure?

Chloe: Saan naman?

Me: Dito sa Racaza Group of Companies!

Chloe: What? Sa RGC? Oh my god!

Kian: Are you serious? Diyan ka nagtatrabaho?

Me: Oo nga! Ba't di kayo naniniwala?

Kian: anong posisyon?

Me: Secretary.

Chloe: Secretary nino?

Me: Secretary ni Sir Skyler Racaza.

Chloe: Oh my god! Ang swerte mo girl!

Kian: Oo nga! Huhu sana ako rin.

Me: bakit ba? Ano bang meron sa kaniya? Heiress lang naman siya diba?

Kian: Heiress lang? Hindi lang siya basta heiress girl! He's a damn bachelor man. Madaming nagkakandarapa sa kaniya!

Chloe: Oo nga!

Me: Oh my god?! Ganun ba? Bukas na ako magsisimula. :(

Chloe: Really? I'm so excited for you girl! Pero I just want to warn you that don't fall for him, okay? You might get hurt in the end.

Me: Ofcourse not! Ang layo kaya ng agwat namin 'no!

Pagkatapos ko silang e chat ay umakyat na ako sa taas para makaligo na at humiga. Maaga pa naman pero wala ata akong ibang gagawin ngayon. Wala rin naman akong pera. Kaya pagkatapos kung maligo at magbihis kinuha ko nalang ang sketchpad ko inisketch ang opisina ng magiging boss ko.

I'm gonna start my new day again tommorrow, with my new boss. Sana lang maging okay ang pagtatrabaho ko dun.

________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

4M 87K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
619K 55.4K 35
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
126K 6.1K 45
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
43.6K 582 24
"That mistake.... ruined the years we had together"