Gangster's "I Hate You"

By chuporybeer

146K 1.6K 452

[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is un... More

[Prologue]*
Chapter 1 [What Happened?]*
Chapter 2 [Present Time]
Chapter 3 [First Day of School]*
Chapter 3 [First Day of School] (Part two)
Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*
Chapter 5 [Explosion (~~,)]*
Chapter 6 [He's a GC...] (Part one)
Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*
Chapter 7 [Answers to my Questions]*
Chapter 8 [Chismosa]*
Chapter 9 [Déjà vu?]*
Chapter 10 [Bakit sila pa?!]
Chapter 11 [Deadly Desserts]*
Chapter 12 [Baliw -.-]
Chapter 13 [Friday, Fried day!]
Chapter 14 [What's in the eyes.]*
Chapter 15 [Sister]*
Chapter 16 [Change the World =.=]*
Chapter 17 [Wicked Angels]*
Chapter 18 [We did it!]
Chapter 19 [Valentines Day :">]
Chapter 20 [Way back into Love]
Chapter 21 [Say Huwaaat?!]
Chapter 22 [Can't be Moved]
Chapter 23 [What a SURPRISE!]
Chapter 24 [Breakeven]
Chapter 25 [New but Old]
Chapter 26 [Power of Love]
Chapter 27 [Acceptance]
Chapter 28 [A day to remember]
Chapter 29 [Moving Closer]
Chapter 30 [Status: Compl...]*
Chapter 31 [TCC :">]
Chapter 32 [Raise Your Glass]
Chapter 33 [Ow-key? .__.]*
Chapter 34 [The Merge]
Chapter 35 [CMFT...WLUBMYGF]*
Chapter 36 [Realization and Expectations]
Chapter 37 [Starts with the Letter W] (Part1)
Chapter 38 [I Lied] (Part 2)
Chapter 39 [Sing it from the heart]
Chapter 40 [That Ikikikikik >.<]
Chapter 41 [Story of Us]*
Chapter 42 [Ghost]*
Chapter 43 [Guardian Angelsss]
Chapter 44 [Best best best]*
Chapter 45 [Le Visitors]
Chapter 46 [Official]*
Chapter 47 [The Right Time]
Chapter 48 [Suddenly]
Chapter 50 [Richard Flores]*
[EPILOGUE]
Special Chapter [New Lives are Formed]

Chapter 49 [Freedom]

1.5K 12 4
By chuporybeer

[One Last Love]

“Chessaaaaaa?” Sabay bukas ni Mama ng pinto. “Ready ka na ba?” Naka-ngiti niyang tanong.

“O-opo.”

“Great! I knew it! The dress would look good on you.” Napa-tingin ako sa sariling dress. Maganda siya. Sobra. Parang hindi nga ako deserving na suotin siya dahil sobrang ganda.

“Thank you po.” Sabi ko naman. Lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Tita Alice, Yaya Sol at si Mae. Naka-tingin sila sa akin pero wala silang pinapakitang emosyon.

Obviously, hindi sila sang-ayon sa desisyon ni Mama. Mali daw kasi yung arrange marriage. Pero wala na sila o akong magawa. Siya yung nanay ko eh. At isa pa, sinang-ayunan na din namin ni Jethro ang bagay na to noon pa.

“Oh Ate Alice, sumunod ka nalang kung gusto mo ha. Babuuu.” Sabi ni Mama tapos hinila na ako palabas ng bahay ni Tita Alice. Hindi ako makasalita. Halo-halo ang nararamdaman ko na feeling ko kapag nagsalita ako, mahihimatay nalang ako bigla.

Tahimik akong sumakay ng kotse. Habang si Mama, ang ingay. Kausap niya si dad. Kitang kita ko na excited sila para sa gabing ‘to. Sa okasyon na magaganap mamaya.

“Halika na baby girl. Excited na ako para sayo. Sa inyo.” :D Inalalayan ako ni Mama hanggang sa makapasok kami doon sa isang five star hotel.

Madaming tao ang sumalubong sa amin. May mga press at camera pa nga. Nakaka-ilang ang atensyon na nakuha ko lalo pa’t nanay at tatay ko ang kasama ko pero dapat confident pa rin ako. Ugh. Ang hirap nito.

Parang dati lang, hindi ako kilala ng mga taong ‘to bilang anak nila. Ang alam lang nila, may isang Twein na tagapag-mana ng yaman nila. At si Zack Twein yun. Ang kuya ko. Dati, wala akong pakialam sa business world dahil wala din namang paki sa akin ang parents ko. Pero ngayon, ito na. Kasama na nila akong humarap sa madaming tao.

I can’t believe this. I just can’t. :o Ang daming tao sa loob. Halatang mayayaman lahat. Ang gaganda pa ng damit nila. Yung iba mag-asawa yung iba kasama naman ang mga anak nila. Mga tao galing sa business world. Ang laki din ng lugar at ang ganda. Ginastusan talaga.

Luminga-linga ako para hanapin si Jethro pero sila Tita Dianne at ang asawa niya lang ang nakita ko. Dumiretso naman kami sa table kung nasaan sila nakaupo.

“You’re so gorgeous Chessa.” Bati ni Tita Dianne.

“Thank you po. Kayo rin po.” :)

“Ay nako Dianne. Kanino pa ba magmamana? Hmm?” Tanong ni Mama habang paupo. Nagtawanan naman sila. Pati ang daddy ni Jethro at yung sa akin din tumawa. Ako naman umupo nalang.

May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao. May nagsasayaw, umiinom ng wine, may nagk-kwentuhan tungkol sa buhay at may nagya-yabangan din. Psh. -_-

Ilang minuto pa akong tumunganga. Mayamaya, bigla nalang nagkaroon ng madaming tao sa may entrance hall. Yung katulad sa nangyari nung pumasok kami nila mama. Bakit kaya may entrance hall pa eh dito naman sa mismong area may dalawang malaking gate sa likod? Psh. :3 Siguro for shortcut purposes? Hmm. Fire exit? Nvm. -.-

“Si Jetty na kaya yun?” bulong ko sa sarili ko. Nakarinig ako ng ilang tilian. Siguro nga si Jetty na yon.

“I knew it! She will come. Hahaha. At nagsama pa.” Biglang sabi ni mama. Ano daw? She? Napa-angat yung ulo ko mula sa pagkakayuko ko.

O__O

“D-Drake…”

“What?” Tanong ni mama sa akin nang marinig niyang mag-salita ako.

“W-wala po.”

“Ate Alice!” Tawag ni mama at kinawayan si Tita Alice. Lumapit naman ito sa amin. Straight face lang siya pati si Tita Ana. Oo. Kasama siya. Sila.Wicked Angels pati ang Deadly Desserts. Except kay Mark dahil nga nasa ibang bansa sila ni Raiza.

Nasampal ko nalang ang noo ko at napayuko. Hindi ko kayang tignan sila. Ugh! This is… Bullcrap.

Nag-upuan na sila doon sa katabing table namin. My mom’s insane as well as Jethro Park. Nasaan na ba siya?! >.< Pinapahamak niya ako.

Well, napag-usapan na namin last week ang lahat. Nakapag-desisyon kaming ituloy nalang. Kami nga ba o ako lang? Ewan ko -__- Basta sabi ko itutuloy namin ‘to. At sinabi ko rin sa kanya na gumawa siya ng paraan para hindi makapunta ang mga kaibigan namin. I even broke up with Drake. Pero bakit sila nandito ngayon? >o< Sa katunayan, ngayon nalang ulit kami nag-kita. Christmas vacation na kasi. Actually, mayamaya lang pasko na.

Nung araw na nag-usap kami ni Jetty, hindi na kami bumalik tapos wala na. Christmas vacation na. Hindi ko na binalak makipag-kita sa kanila tapos ito sila ngayon, katabi ng table namin. AWKWARD, okay? Tapos hindi man lang ako dinamayan ng Jethro na yun.

Feeling ko, pati sila Tita Alice at Tita Ana naiinis na rin sa akin or something like that. Last week nag-umpisa yung vacation. At nang magsimula yon, kay mama na muna ako sumama. *sighs*

“Tita Dianne, nasaan po si Jethro?”

“Ah! That guy. I really don’t know. Ang sabi niya sa amin kanina, may aasikasuhin lang daw siya sandali.”

“Ah. Sige po.” Napa-tingin ako sa wall clock. 11 pm na. Anong oras ba ‘to mag-uumpisa? Hmm. Kung sa bagay. Midnight naman talaga nila balak umpisahan ‘tong lahat eh.

“Chessa, pumunta ka muna doon sa Tita Alice mo. Mukhang nabo-bore ka na dito eh. Go na.” Pinatayo ako ni mama at inupo doon sa table nila Tita Alice.

AAAAAAAHHHHH! >____< Konti nalang, mababali na yung ulo ko dahil sa sobrang pagkakayuko. Ano ba naman ‘tong nanay ko! Palait lang pwede? Isa lang?

Ang engooooot niya.T_T Hindi ko ba alam kung sinasadya niya yun eh!

“Chessa, wala diyan sa baba ang bisita.” Boses yun ni Tita Ana. Sa wakas may nag-salita din! Medyo itinaas ko yung ulo ko. Naiiyak na ko. Argh!

Ako naman talaga yung nagsabi kay Jetty na ituloy ‘tong engagement party na ‘to pati na rin yung pagka-fixed marriage namin. Nagalit pa nga siya sa akin pero nagkabati din naman kami agad at pumayag na rin siya pero bakit sobrang naiilang ako? T_T

“Tita Alice, Tita Ana… So—“

“Good evening! May I request everyone, to please stand for our opening prayer? Thank you.” Ugh! Di ko natapos sasabihin ko dahil biglang nagsalita yung emcee. Nagtayuan na kami tapos nagdasal na.

“And now, let’s call on the two lovely ladies behind this grand event, Madam Dianne Park and Madam Alyson Twein!”

*Clap * Clap * Clap *

Pumunta si Mama at si Tita Dianne sa mini stage sa harap. Naiwan naman sa table nila yung mga asawa nila.

“Good evening everyone! We would like to thank all of you for spending your precious time on this engagement party and for Christmas Eve. Thank you for choosing to be with us.” Inabot naman ni Mama kay Tita Dianne yung mic.

“Hello beautiful ladies and gentlemen! Again, thank you. Don’t worry. A little more minute to wait and we’ll be welcoming the Christmas Eve and we’ll all witness the love of my son…”

“And my daughter. So sit back and relax.” ~ Mama.

Bumaba na sila ng stage paupo na sana sila nang biglang…

*Click*

EH?! O__O

“Aaah!”

“Omg! What happened?!”

“Friend? Friend where are you?!”

Sari-saring sigaw ang narinig ko nang mamatay ang ilaw. Sa year na ito, ilang beses na ba ako namatayan ng ilaw?

Hindi naman totally black yung lugar eh. Nakakakita ako ng shadows pero hindi ko pa rin ma-recognize kung sino ang sino. Siguro nagsisigawan din dahil nagulat sila. Bat kaya nawalan ng ilaw?

“H-ho—“

“Sshhh. Just follow me.” Dahil sa boses niya, hinayaan ko nalang na hilain niya ako.

Medyo mahaba yung nilakad namin. Nakakapagtaka nga kung paano niya alam yung daan kahit madilim. Baka mamaya may harang pala o something.

Nakarating kami sa lobby ng hotel kung saan may ilaw na.

“Jetty… Sa wakas. Nagpakita ka na. Saan ka pala galing? Bakit mo ako dinala dito? Alam mo ba kung bakit namatay yung ilaw?”

“Nandun lang ako malapit sa table niyo. Dinala kita dito dahil kailangan mong magpakatotoo. At oo. Alam ko kung bakit. Actually, ako ang nag-plano nun.” Nanlaki ang mata ko pero hindi na nakapag-salita dahil nag-salita na ulit siya.

“Kerry-kerry, please wake up. Mahihirapan lang tayong dalawa kung itutuloy natin ‘to. Sinadya kong papuntahin sila Claire at Tita Alice dahil di talaga ako sang-ayon sa pinag-usapan natin last week. Gusto mo bang magalit ako sayo forever dahil sa marriage na ‘to?” Galit talaga siya >3<

*Flashback*

“Don’t worry best friend. Gagawan natin yan ng paraan. Diba nga kapag si Jethro at Chessa pinagsama, the best? So, trust me. We’ll pass this thing.” Naka-ngiting sabi niya.

“Oo naman!” :D Tapos ay nag-apir kami.

“Pero Jetty, naisip ko rin ano kaya kung ituloy nalang natin yung arrange marriage. Kaso nga lang…” >,<

 

“No Chessa.Ayos na ang lahat. Ayos na kayo ni Drake. Medyo close na din kami ni Claire. Edi ipa-cancel nalang natin yung plano ng parents natin.” Magagalit na naman sa akin ang nanay ko?!

 

“Ayoko Jetty. :(“

“Pero Chessa, papahirapan mo lang ang sarili mo. Wag ka ngang makulit!”

“Please…”

 

“UGH! Fine! Bahala ka! Magkita nalang tayo bukas.” Lumabas si Jetty ng garden. Ilang minutong makalipas, lumabas na din ako at dumiretso ng bahay ni Tita Alice. Nag-impake ako ng ilang damit at nung gabing din yon, pumunta ako sa condo nila mama kung saan hindi alam ng mga kaibigan ko.

 

Sa mga sumunod na araw, um-absent na ako sa school hanggang sa dumating ang Christmas vacation. Tumulong lang ako sa pagpe-prepare ng mga kailangan para sa party. Si Jetty minsan sumasama kay Tita Dianne at nagkikita kami pero minsan niya lang ako pansinin.

 

Pero wala namang nagawa si Jetty dahil mag-isa lang siyang may ayaw.

 

*End of Flashback*

Kaya ito ngayon, engagement party na namin.

“Eh ano bang tama kong gawin? Kapag di to natuloy, magagalit sa atin ang mga parents natin. At hindi ko rin matutupad ang promise ko na hindi na kita sasaktan.”

“Chessa! Mas lalo mo lang akong sasaktan kung matutuloy to! Ayaw mo ba akong sumaya? Si Claire, siya lang yung babaeng alam kong kaya kang palitan sa puso ko. Kapag hindi na to natuloy, alam ko magiging masaya kami ni Claire and in that way, matutupad mo pa rin ang promise mo. Please, Chessa. Let us be with our own happiness.” Tumigil siya sandali at nagpatuloy ulit…

“Sa mga parents natin, I know they will understand. Kahit naman hindi ituloy ‘tong engagement alam kong itutuloy pa rin nila yung merging ng business nila. Ilang minuto nalang magkaka-ilaw na ulit sa loob at papasok tayo at tatayo sa harapan nilang lahat. Gusto ko, sabihin natin ang lahat ng gusto nating sabihin sa mga parents natin at sa ibang tao na andoon. Sabihin natin yung totoo nating nararamdaman.”

“Kaya wala ako kanina dahil inayos ko na lahat. Naka-set up na lahat. Wag kang mag-alala. Hindi naman galit sayo ang mga kaibigan mo pati sila Tita Alice. In fact, kasama sila sa planong to. So, be ready. Kaya natin ‘to Chessa. Sasalubungin natin ang pasko. Tara na.” Hindi na niya ako hinayaang mag-salita at bumalik sa loob.

Umakyat ata kami sa mini stage na nasa harap or ewan ko… Saktong maka-tayo kami ni Jethro ng diretso ay nagkaroon na ulit ng ilaw. Gulat naman ang mga tao. Yung iba mukhang na-amazed pa.

Napansin kong bukas na yung dalawang magkabilang gate na kanina ay sarado. Pero may iba pa akong napansin. Ang table na pinakamalapit sa kaliwang gate ay inuupuan ni Drake at yung sa kanan naman, nandoon si Claire. All is planned.

“Uumpisahan ko na.” Bulong ni Jethro.

“Ehem. Sorry for the technical problem awhile ago. Uh. Good evening everyone. I’m Jethro Park and she’s Chessa Mianna Twein. We stand in front of you because we have an important announcement. An announcement that shouldn’t be missed by any ears. Me and this girl that I used to call Kerry-kerry are best of friends. We loved each other back then when we’re still in the states. But I know you know that everything changes.” Nang sabihin yun ni Jetty, kitang kita na naguguluhan ang mga tao.

“Yeah. G-gets niyo ba? Let’s get to the point. What I mean is, Chessa and I don’t love each other anymore the way we used to love each other before. Yung pagmamahal namin sa isa’t isa ngayon ay hindi enough for this marriage.” Nakita kong halos mapatayo na sila Tita Dianne. “Mom, please stay seated.” Pagkatapos sabihin yun ni Jethro ay inabot na niya sa akin yung mic.

“To all the people that spend their time here instead of celebrating Christmas Eve somewhere with your family, thank you. But I couldn’t promise you that this would be a very happy night for all of us. Especially for those people who expected that is going to be a magical engagement party… because sadly, this would never be. Let’s just say that this night would just be a grand confession for the both of us.” Sabay turo kay Jetty.

Tumingin ako kila Mama at muling nagsalita.

“To my mom and dad… Sorry. Sorry dahil hindi ako naging the best na anak sa inyo. Akala ko, itong engagement na to ang makakabuo ng paghanga niyong iyon pero na-realize ko na mali kung gagawin ko ito dahil lang dun. Thank you kay Jethro sa pagpapa-realize nun sa akin. Ma, gusto ko lang sabihin na, I will never be good as Kuya Zack. But I wouldn’t mind kung mapatawad niyo pa ako o hindi. Ang importante po sa akin ngayon ay kahit na hindi ako um-oo dito, may mga tao pa ding maniniwala sa akin. May magmamahal pa rin. At alam ko na sa huli, sasaya ako dahil sinunod ko ang puso ko. Kahit ano pong mangyari, kayo pa rin po ang magulang ko at mahal ko po kayo.” Kinuha naman ni Jethro ang mic tapos ayoko yumuko.

“Mom, dad I love you. But this is the only way para maging masaya kami. Alam ko pong hindi niyo kailangan na ipakasal kami para i-merge ang business niyo. At alam ko din po na alam niyo kung paano magloko ang puso ng isang tao. Alam ko po na maiintindihan niyo kung ayaw na naming ituloy ‘to…” Pareho naming hinawakan ang mic.

“Mom, dad, I love you. Sorry for everything. Thank you and goodbye… we, quit.” Sabay naming sabi ni Jethro sa mga magulang namin. Inilagay namin ni Jetty ang mic sa mic stand pagkatapos ay bumaba doon sa mini stage na magkahawak ang kamay at magkatinginan.

“Merry Christmas, Kerry-kerry.”

“Merry Christmas, Jetty. Please be happy.”

“I will. Thank you.”

Nag-nod kami sa isa’t isa, binitawan ang kamay at sabay na tumakbo sa magkabilang direksyon ng pasilyo papunta sa magkabilang gate.

*EEEEEENNNK! BOOOOOG!*

Habang tumatakbo, napa-tingin ako sa langit at nakita ang mga fireworks na nagsasabing Merry Christmas. Pagkatapos ba ng nangyari merry pa rin ang pasko para sa nanay, tatay ko? Kay Tita Dianne at sa asawa nito? Sana oo. Sana.

“Wow! Runaway bride and groom!” Narinig kong sabi ng isang babae habang tumatakbo ako.

Sinalubong ako ni Drake sa may gate at inabot niya ang kamay ko. Tumakbo kami palabas na parang may humahabol sa amin. Sumakay kami sa kotse na nandoon sa may labas. Ito pala yung likod ng hotel. Tama nga ako kanina. Yung dalawang gate ay shortcut at pwede ring fire exit.

Nakasakay kami ni Drake sa kotse niya at nag-umpisa siyang mag-drive. Binuksan ko naman yung player.

*Now Playing: Runaway by Bruno Mars*

Ooohhhhhh

So easy to forget our love, the little things we do.
Like callin' for no reason, just to say the words, "Baby, I love you."
I know lately I've been busy, but a second doesn't go by without chu crossin' my mind.
It's been so long since we had time, let's take a day and make everything alright.
Just take my hand, fall in love with me again.

Let's runaway to the place where love first found us.
Let's runaway for the day, don't need anyone around us.
When everything in love gets so complicated, it only takes a day to change it.
What I have to say can't wait, all I need is a day, 
So let's runaway.
Let's runaway, just for the day.
Runaway
Runaway

Napatahimik kami ni Drake dahil sa kanta. Parang nang-aasar lang eh. Bigla kaming nagkatinginan ni Drake habang patuloy pa din ang tugtog.

“Pfft.”

“Ah.. eh…”

“HAHAHAHAHA!” Sabay kaming napahagalpak ng tawa. Ewan ko pero bigla nalang kaming nagsabay. XD

“Haha. Don’t mind the song, Mianna. Hmm. Maybe you can sleep while we’re on a ride. It’s a long ride.”

 "Uh, can we talk first?" Nag-nod siya. "I'm... sorry. Naging weak na naman ako. Believe me or not, I still love you kahit na nakipag-break ako sayo. Nagawa ko lang yun dahil--" Itinigil niya ang kotse at hinalikan ako. I endured the moment. Tears streaming down my face.

"You don't need to say sorry. I understand, okay? And I love you too. Hindi naman tayo nag-break eh. Panaginip mo lang yun. Haha. Now, pwede na ba tayong umalis? Huh, girlfriend?" He smiled and I giggled.

"Let's go, boyfriend. Hihi." Sambit ko at pinunasan ang luha ko.

"Matutulog muna ako ha. Ingat ka. Just wake me up if you need something.” Nag-nod lang siya. Lumapit ako sa kanya sa kiniss siya sa pisngi saka ko isinandal ang ulo ko sa may bintana at pumikit na.

 

[Claire’s POV]

 

Nang makalapit si Jethro sa may kabilang gate kung nasaan ako naghihintay ay hinila na niya ako kaagad.

Parang ang saya saya niya. Parang nakalaya siya from something or somewhere.

Nakasakay kami ngayon sa isang kotse at tahimik siyang nagmamaneho. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.

“Bakit ang tahimik mo? Haha.”

>///<

Err. Kapag talaga kinakausap niya ako nae-ewan ako. Ugh. Ang bait niya kasi tapos laging naka-ngiti. Parang nakakahiyang kausapin T^T

“Uy. Do you have any problem? Are you sick?” Tanong niya. Tinigil niya yung pagda-drive at hinipo naman yung noo ko. >///>

“O-o-okay lang ako. K-kasi. WAAAH. Nahihiya ako eh.” >3< Natawa naman siya bigla. Kanina niya pa ako pinagtatawanan! T_T

“Haha. Ano ka ba! Wag ka mahiya. Friends naman tayo, right? And soon, we’ll be lovers. Hihi.” ^o^

Hahaha. Ang cute niyaaa. Nakakainis. Gusto ko maging close kami ng bonggang bongga.

“Yeah. Uhmm. Jethro, gusto ko maging close tayo.” WHAT? O.O Nasabi ko ba talaga yun?!

“Oo naman. When we get to the place where we are going, we’ll have a great bonding and by that, we’ll be close to each other.”

“Ay teka lang. Nano-nosebleed na ako eh. Saan nga ba tayo pupunta?”

“Somewhere far. A wondrous place that is full of peace and joy. Matulog ka muna. Save you energy for later. Pagdating natin dun, umaga na. And we’ll start our bonding.”

“Okay. Ingat sa pagda-drive. Good night.” Ngumiti lang siya. Ako naman, natulog na.

***

“Claire? Claire… Gising na.”

“Mmm. 5 minutes.”

“Umaga na eh.”

“Wait nga sabiiii.”

*Chup*

O____O

“W-what. What. What… did you just?!” O_O

^___^ “Sorry. Hohoho. That’s the only way I know to wake you up. There you’re already awake.”

“Good decision—este! Tara na nga!” Bumaba na kami ng sasakyan. Hmm. Nasaan na kaya kami?

Shems ang lamig!

“Here.”

“Oh. Thank you.” Inabot ko yung jacket na inabot ni Jethro. Buti nalang long dress yung sinuot ko at hindi above the knee. Kaso backless naman. Thank you naman sa jacket na galing kay Jethro.

Umaga na. Siguro lagpas na rin ng 6am. Saan ba kami pumunta at inabot kami ng ganito sa biyahe? Baka ibang bansa na ‘to?

Dejk. -___- Wag na nga isipin.

“Dito tayo.” Sabi niya nang tumigil kami sa tapat ng isang bahay.

“Kanino yan?” Maganda yung labas ng bahay. Paniguradong maganda din sa loob.

“It does not matter. Tara na. Nilalamig na din ako dito eh.” Binuksan niya yung gate tapos pumasok na kami doon sa bahay. Eh hindi naman kasi naka-lock (__.__”)

Di ako nagkamali. Maganda nga pati loob. Pero kanino ba talaga to? Baka mamaya makulong pa kami nito >o<

Nilibot ko yung bahay…

“HAHAHAHAHAHA!” Napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang tawa. Si Jethro kasiiiiii. Hahaha.

Uh. Wait wait. Hoo! Kasi, nung naglibot ako, napunta ako sa sala tapos nakita kong may ilang picture frames. Nakita ko yung picture ni Jethro nung bata siya and swear sobrang… Hahaha. Mukhang koreano para talaga siya dati. Ay nako. XD

“Claaaire! Wag mong tignan yan!” >_>

“HAHAHA! Gwapo kaya! Hahaha. Di mo sa akin sinasabi na ang cute cute cute mo pala dati! Lalo na kapag bungi ka! Hahaha.”

“Aish! Naman eh >.> Wag ka na nga diyan. Doon nalang muna tayo sa kitchen. Kumain nalang tayo.” Dinala niya ako sa kitchen pero tawa pa rin ako ng tawa. Woah. I guess, this is a good start for us. Hahaha!

Lumipas ang oras. Kung anu-anong pagba-bonding ang ginawa namin. Halos malibot na nga namin ang buong lugar na pinuntahan namin sa sobrang pagba-bonding. Kahit kaming dalawa lang, nagawa naming maging masaya sa araw ng pasko.

Bumalik na kami doon sa rest house nila Jethro. Gabi na rin kasi kaya nagpasya na kaming bumalik.

“Jethro, hanggang kailan tayo dito?” Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nanonood.

“Hmm. Depende. Kung may maghahanap sa atin, edi babalik tayo sa Manila pero kung wala, we’ll live here forever.” ^o^

“What?! Seryoso?” O_O

“Joke lang. Hindi ko rin alam pero hindi naman tayo magpapatagal dito ng one week. Syempre you need to celebrate new year with your family. Tara na’t matulog.”

“Oo nga naman. Tara. Antok na din ako eh.” Tumayo na kami at pumasok sa kwarto ni Jethro. Wala na kasing ibang available. Madumi kasi yung guest room tapos naka-lock naman yung dalawa pang room. -_-

“Dito ka na. Sa sahig nalang ako.” Sabi niya habang pinapagpag yung kumot.

“Ha? Wag na. Ako nalang sa sahig.”

“But you’re a girl. And it’s very cold to sleep on the floor.”

“Oh see. Ikaw na rin ang nagsabi na malamig sa sahig. Uhmm. Tabi nalang tayo. Wag kang mag-alala hindi ako malikot matulog.”

“O-okay lang sayo?” Whatwhatwhat. Is he blushing? Hahaha!

“Oo naman! Matutulog lang naman eh. Walang malisya :D Tulog na tayo! And please stop blushing. Hahaha.”

“Meanie! Good night na nga.” Humiga na siya sa may left side ng kama.

“Hahaha. Good night, Jethro. Merry Christmas.” Ako naman sa right side. Malaki naman kasi yung kama eh.

“Merry Christmas, Claire… I love you.” Bigla niya akong niyakap from the back. Napaharap bigla ako sa kanya pero nakapikit na siya.

“I love you too.” I whispered then closed my eyes.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Okayokayokayokay. Whatwhatwhat. :33 Thank you for reading! 2 more chapters to goooo ^o^ Sorry sa typos, wrong grammars and spellings kung meron man. Edit ko nalang next time ^w^

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
3.9K 188 24
#DTBYP TITLE: Destined To Be Your Princess GENRE: Mix (Fantasy, RomCom, Action) AUTHOR: Lady_Figthers ​TeamLeader : Elvie Servan Neo ​Assist.Leader...
19.2K 510 34
May kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano ka...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.