His Game (His Series #3)

By luhansbaobei

9.4K 191 45

a story of an innocent girl who just love, trust and gave everything to a guy but at the end she feels like a... More

His Game
Prologue
Chapter 1 - Meeting Him
Chapter 2 - Punishment
Chapter 3 - Ms. Innocent
Chapter 4 - Cupcake Delivery
Chapter 5 - Perfect Timing
Chapter 7 - Thinking out Loud
Chapter 8 - First Date

Chapter 6 - Not bad

602 11 1
By luhansbaobei

 ELENA


"Uy! Ganda natin ngayon, Nana ah!", puri ni Aling Marcia paglabas ko ng apartment. Kalong nito si Andrea, ang dalawang taong gulang nitong apo. Sya pala yung parang landlady na din sa limang apartment dito. Pagmamay-ari kasi ito ng anak nya na ina ni Andrea. Di naman istrikata si Aling Marcia, mabait naman ito. Nana na din ang nakagawain nyang tawag sakin. Siguro nahawa sa apo nya na ganun din ang tawag sakin.

"Kayo talaga Aling Marcia! Porket ngayon nyo lang ata ako nakitang nakasuot ng maayos at disenteng damit, maganda na agad?", natatawang sabi ko dito. Suot ko kasi ngayon yung binili ni Mich sakin na floral dress. Yung halos 10,000 yung presyo! Hindi na kasi ako nakaangal nang binigay na nya agad yung card nya sa cashier. 

Tinernuhan ko naman 'to ng pink doll shoes courtesy of Mich again with matching purse na white and pink combination na binili ko pa talaga kahapon sa Divisoria binagay ko rin sa isang silver earring na bigay ng nanay ko noon at necklace.  Naglagay din ako ng light make-up, yung simple lang habang yung buhok ko ay nakalugay na inipitan ko lang sa may side ng simpleng hairpin na kumikinang yung maliit na heart-shaped na binili ko din sa divisoria kasabay nung binili kong purse. 

Ipinihit ko pa ulit yung doorknob ng apartment ko para masiguradong naka-lock na ba talaga bago ko mas nilapitan si Aling Marcia.

"May deyt ka ata ngayon, ineng?", tanong nito habang sumayaw sayaw ng bahagya dahil parang naiiyak na si Andrea sa mga bisig nito. Naubos na kasi yung kinakain o di kaya inaantok na.

Medyo natawa naman ako sa sinabi nito at pinisil yung pisngi ni Andrea nang makalapit. Ang cute cute kasi! Di ko mapigilan kurutin ang chubby cheeks nito. Nakakagigil.

"Hindi po. May birthday lang pong dadaluhan", sabi ko naman dito na tumango-tango lang ito. Naalala ko ang Nanay ko sa kanya. Namimiss ko tuloy yung Nanay ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Na...na", tawag ni Andrea sa'kin. Hinawakan ko naman ang kamay nito at bahagyang pinisil-pisil. Naku-cute-tan ako lalo nung nag-beautiful eyes pa ito.  Ang cute talaga!

"Oh hala! Baka ma-late ka pa sa date ay este birthday nga pala na dadaluhan mo!",  sabi ni Aling Marcia sakin. Napailing na lang ako habang nilaro-laro ko si Andrea.

"Kayo talaga, Aling Marcia! Sige po. Aalis na po ako", paalam ko dito. "Bye-bye na baby Andy", paalam ko naman kay Andrea na binigyan naman ako ng matamis na ngiti habang inaabot-abot yung pisngi ko. Mahinang kinurot ko muna yung pisngi nito at nginitian bago umalis.

May 45 minutes pa naman ako bago mag-umpisa yung party at tingin ko mga 20 minutes lang yung byahe galing dito samin papunta kila Mich. Sinadya ko lang talagang advance ng ilang minuto pupunta para di gaano nakakahiya kung mahuli ako. Hindi naman ako VIP para magpahuli! 8:00PM pa naman magsisimula at 7:15PM pa nung tignan ko yung wall clock ko sa apartment ko kanina.

Nang matanaw ko na ang mansyon nina Michelle ay pinahinto ko na sa driver ang sinakyang taxi sa tapat ng malaking nakabukas na gate ng mansyon.

"Salamat po, manong", nagsaludo lang ito matapos kung ibigay ang pambayad tsaka ko isinara ang pinto ng taxi nang may ngiti sa mga labi.

Papasok na ako nang napansin kong napakagara ng mga sasakyan na nakahalera sa labas ng mansyon. 

"Do you have the invitation, ma'am---", napatingin ako sa lalaking nakasuot ng black coat na tinernuhan nito ng puting inner shirt at black pants. Kasama nito'y tatlo ding tulad nito ang suot.

"Ah—teka lang", agad ko namang kinuha yung invitation na bigay ni Mich sakin sa purse na dala ko. Ibinigay ko na'to dito nang mahagilap ko.

"Welcome to Zamora's Mansion, Ma'am Elena Cortez", nakangiting sabi nito na nasa ere yung isang kamay habang nasa likod naman yung isa. Feeling ko tuloy ang yaman ko! Ang ilusyonada ko talaga minsan. Tumango lang ako dito at ngumiti't pumasok  na tsaka naman nya in-entertain yung nakasunod saking bisita. Ganito pala talaga pag mayayaman. Napakapormal. Siguro sinisigurado lang nilang walang kahit na sino ang pwedeng makakapasok ng mansyon maliban kung iniimbita ka talaga.

Nang makapasok, ngayon ko lang talaga mas na-appreciate ang mansyon nila Mich. Nung mapunta kasi ako dito minsan nang sinama nya ako, nagmamadali lang kami noon. May importante lang kaming kinuha para sa Foreign subject namin.

Lumingon-lingon ako. Yung mga taong andito napakadisente at elegante tignan. White and pink naman ang motif. Isa din yan sa common interest namin ni Mich maliban sa mahilig din sya sa alternative rock songs tulad ko kaya mas nagkakaintindihan talaga kami. 

Yung mga lalaki naman, napakaarogante nilang tignan sa mga American and Europian cut suits nila pati mga medyo kaedaran na, pormang-porma parin. Madaming babae din ang nakasuot ng iba't ibang klase at kulay ng long dress at ang sexy pa nilang tignan, may naka-cocktail dress naman na medyo revealing yung dating pero ang gaganda talaga nila. Napakasimple nga lang din nung iba pero nababakas parin ang dating at ganda nila, may kaedaran man o mga medyo kaedad ko. Nakakababa nga ng self-steem. Asa pa ako! Walang-wala lang naman ako sa kanila. Halatang mayayaman talaga ang dumadalo eh! Parang gusto ko tuloy'ng umatras at umuwi na lamang. Parang nakaka-out-of-place.

"Elena!", napalingon naman ako sa bumanggit ng pangalan ko.

Napasinghap ako ng maalala kung sino ang tumawag. The ever so beautiful! Napaka-appealing pa.

"Hi, Lana!", nakangiting bati ko dito. Si Lana na kaklase namin sa isa o dalawa atang subject nun. Sa pagkakaalam ko magka-business partners ang mga magulang nila ni Mich. Nakasuot ito ng red-black cocktail dress na medyo wavy yung buhok nitong dark brown ang kulay na may full bangs pa na bumagay dito. Napansin ko naman ang katabi nitong isang sopistikadang babaeng, maganda din ito na naka-pink cocktail dress. Medyo may pagka-blonde yung buhok nitong kulot. And i think it's natural pati yung magaganda nyang mata.

"Wala ka bang kasama?", nagtatakang tanong nito habang nilingon yung likod ko para tignan siguro kung meron ba o wala.

"Wala eh. Alam mo na, mamaya pa siguro lalabas si Mich na syang birthday girl", sabi ko dito tsaka ngumiti.

Tumango naman ito at napatingin sa katabi, "Ah, by the way, Elena, my cousin Savannah Ferrero", pakilala nito sa katabi. Parang may lahi din ata 'to katulad ni Lana. Another blue eyes. Pareho kasi silang blue eyes nito.

"Hi, pretty Elena! Savannah Ferrero, just what my cousin introduced me" , ngumiti naman si Savannah sakin at nakipag-beso-hug. Bago ulit 'to sakin kaya parang nailang akong gawin 'to, beso-hug. 

"Elena Cortez, Elle for short. Magkaklase kami ni Lana sa Philosophy 1 noon", nakangiti ko namang pakilala sa sarili ko.

"Woah. Elena! I really love your name when i first hear it kanina pa lang! Parang sa Vampire Diaries lang kasi. I so love that movie series eh. Si Elena Gilbert na partner ni hubby kong si Damon Salvatore! Goosh! Idol na idol ko kasi si Ian Somerhalder. Well, i also love Stefan at first but i love Damon more", nasisiyahang pahayag nito. Para pa itong nagdedaydream. Napangiti lang ako dito dahil di ko naman kilala yung mga pinagsasabi nya. Nabanggit lang yang movie na yan minsan ni Mich sakin nung nag-su-suggest syang mag-movie marathon kami pero napunta sa White Chicks ang pinanuod namin.

"Adik mo talaga sa Vampire Diaries na yan! Akala mo naman alam yan ng lahat", si Lana tsaka umiling.

Nag-pout lang naman ito. "Tss. Nagsalita ang hindi adik sa katawan ng Damon hubby ko o di kaya kay Stefan my labs! Ni-screensaver pa nga! Isumbong kita sa boyfriend mo eh", sabi naman nito sa pinsan na tama lang na kami ang nakakarinig. Umirap naman ito at ganun din si Lana dito. 

Natutuwa tuloy ako sa bangayan ng dalawang magpinsan. Kahit di ko ma-gets ang pinag-uusapan nila. Di mo akalaing may side pala silang ganito sa porma at dating nila.

 "Anyway, how about...you join us, Elena?", suhestyon ni Lana. "Baka kasi, bigla ka lang hatakin ng kahit sinong mga lalaki dito. Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ka nila hanggang ngayon talaga ah! I think they can't resist your beauty! Bakit kasi ang ganda mo! Nakaka-insecure!", pabulong na dugtong nito. Kahit alam ko namang nagbibiro lang 'to, feel ko namumula ako sa sinabi nya pero nang tignan ko nga eh, nakatingin nga 'yong ibang lalaki. Di kaya, napapangitan sila sakin kaya ganyan sila makatingin? Kung ba't tinititigan nila ako? O di kaya tingin nila hindi ako bagay sa lugar na 'to? Grabe naman.

"Ano ka ba! Di nga ako tulad sa'yo na ang sexy no, na worth the stare para sa mga lalaki", natatawang bulong ko din dito. Totoo naman! Ang sexy nya at ang ganda pa. Baka nga sya yung tinitignan eh o di kaya si Savannah na pinsan nya.

"Remember? Sexy is different from pretty", nakahalukipkip na nitong sabi.

"Oo nga. Pero nagiging pretty ka naman pag-sexy ka. Parang magkapatid narin yun", sabi ko dito at umirap naman 'to. Napatawa na lamang ako sa inasta nya pati yung pinsan nya.

"Whatever! Halina nga kayo!", nagpatiuna na itong maglakad patungo sa mga nakalaang mga mesa at mga silyang sinuotan ng puting tela na may combination of pink. Nagkibit-balikat na lamang ang pinsan nito tsaka ngumiti. Napangiti na din lang ako at napailing.

Mga ilang minuto rin nang nakaupo na kami ay nagsimula ng magsalita ang MC sa harapan, sa may mini stage. Maraming pink at white na mga balloons na nakapalibot dito at mga pink at white roses din. At may white and blue lights naman. Maganda yung pagkaka-desinyo nung stage. Wini-welcome muna ng MC ang mga bisita at niri-recognize yung iba't ibang naglalakihang businessmen and women pagkatapos ay ang pag-welcome kay Mich sa stage.

Nagpalakpakan naman ang mga tao nang nasa mini stage na si Mich na syang sentro ng gabing ito. Ang ganda nito sa suot na baby pink bubble gown na tube. Mas pumuti pa ito dahil sa suot nito. Parang nagdedebut lang sya ah. Nakalugay naman ang buhok nitong medyo ni-curl yung dulo na may highlights na pink din. May floral band naman na nakapalibot sa uluhan nito. Pink addict talaga ito kahit kailan tulad ko. Goddess na goddess talaga ang dating! 'Ika nga nya, para daw syang anak ni Aphrodite, the Goddess of Love and Beauty. Napangiti tuloy ako nang maalala ko yun. Grabe talaga ang self-confidence nang kaibigan kong ito. Sagad-sagad. Buti talaga may ikabuga. Maganda naman talaga ito.

Nang dinner time na ay kanya-kanya ng usapan ang mga tao. Yung iba pumupunta sa iba namang mesa para makipag-usap din siguro sa mga kakilala nila. May buffet table na nakalagay sa right at left side. May mga lalaki at babaeng nakasuot na parang pang-chef sa bawat buffet table para sila yung mag-a-assist at maglagay ng pagkain sa pinggan ng bawat bisita, may iba ding chef na naglalagay ng mga pagkain dun sa malaking mesa ng may mga edad ng mga businessmen at women.

Tumayo na ako para kumuha ng makakain. Umalis muna kasi si Lana kasama ang boyfriend nitong tingin ko'y may lahing British tulad nya, blue eyes din kasi. Ang pogi pa. Nakakamangha nga eh. Parang 20 years old version lang ni Jamie Dornan. Bagay na bagay nga silang tignan kanina, para din naman kasi syang 20 years old version ni Dakota Johnson! Oh diba? Fifty Shades of Grey lang ang peg nila! Kaya bagay eh! Napanuod ko na kasi ang trailer nyan sa laptop ni Mich. Ang hot pa nga ni Christian Grey! Ugh. My innocence is slowly fading! chos. Mich naman kasi eh! Nakakahawa talaga.

Si Savannah naman, ayun! Inaanyayaan ng kakilala nitong pumunta sa loob ng mansyon. Hays. Ang sarap tuloy ikanta ng I'm alone on my own, and that's all i know~ kantang 'A Place in this World' ni Taylor Swift. Busy pa naman kasi sa kaka-entertain si Mich sa mga bisita din nito. 

Sa dami-daming nakahain sa buffet table, fresh salad, beef steak at isang cup ng plain rice lang ang napagdesisyunan kong kainin. Kumuha na din ako ng four seasons. Umupo na ako pabalik sa kung san ako nakaupo kanina pagkatapos kung kumuha ng makakain.

"Alone?", napahinto ako sa pagsubo ng steak nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Oh no! Don't tell me, andito sya? Malamang, mayayaman ang nandito. Baka nga andito.

"Seems like you are", patuloy nitong sabi nang di ko 'to sinagot. Umupo naman ito sa tabi ko. Bigla ko tuloy naramdaman ang pagtibok ng puso ko. Para din akong di mapakali kung susubo ba ako ng steak o ano, o di kaya ay pansinin ba ito at ngitian o ano. Ugh. Nawawala ata ako sa sarili ko. Napasapo tuloy ako sa noo at napahawak sa may dibdib kung san ang puso ko.  Grabe talaga! Bakit kasi ganito ang epekto ng lalaking ito sakin? Di ako sanay sa ganito. Para itong bago sa pakiramdaman ko. Talagang bago 'to sakin!

"What happened? Are you okay?", idinampi nito ang palad nito sa noo ko. Argh. Yung pakiramdam sa tiyan ko na parang may mga paru-parong nagwawala sa loob. Buong Manila Zoo na talaga kasi ito. Ano ba naman 'to, oo! Nagdadalawang-isip tuloy ako na lilingunin ito o deadma lang. Relax, Elena! Act casually. Si Thunder lang naman yan. Oh yes! Si Thunder lang yan! Si Thunder! Si Thunder lang yan na wala namang masyadong ginagawa habang ako ay parang nahihibang na parang nawawala na sa sariling nakaupo dito.

"You're not sick either", nakakunot-noong sabi nito at inayos ang pag-upo.

Nilingon ko ito at agad na binawi. Itinuon ko pabalik sa pagkain ko ang tingin ko. "Ah---di naman t-talaga. Ano lang k-kasi, uhm, sumakit bigla ang ulo ko. Oo nga! Masakit ang ulo ko", nauutal na pagdadahilan ko dito. Tumango-tango naman ito nang nagnakaw ako ng tingin dito.

"Not bad at lying...", sabi nito at ngumiti nang nilingon ko.

Shet. Ano daw? Not bad at lying? Kung ganun...ang obvious ko lang ba? Boys instinct ba tawag dyan? Nahahalata nila kung ang babae ay may gusto sa kanila? Magaling! Huli ka na ata, Elena.

Continue Reading

You'll Also Like

822K 38.7K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...