W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》

By imuselesswriter

239K 2.6K 134

WARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it beca... More

W NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
W#1: 1
W#1: 2
W#1: 3
W#1: 4
W#1: 5
W#1: 6
W#1: 7
W#1: 8
W#1: 9
W#1: 10
W#1: 11
W#1: 12
W#1: 13
W#1: 14
W#1: 15
W#1: 16
W#1: 17
W#1: 18
W#1: 19
W#1: 20
W#1: 21
W#1: 22
W#1: 23
W#1: 24
W#1: 25
W#1: 26
W#1: 27
W#1: 28
W#1: 29
W#1: 30
W#1: 31
W#1: 32
W#1: 33
W#1: 34
W#1: 35
EPILOGUE
W LAST NOTE

W#1: 36

3.4K 45 5
By imuselesswriter

Hindi naman makapaniwala si Sienna dahil ang inaakala niyang dugo ay hindi sa kanya kundi kay Angelique na siyang humarang para saluhin ang balang para sa kanya.

Agad niyang dinaluhan si Angelique at inangat ang ulo sabay nilagay niya sa kanyang braso.

"Ange! Ange! B-bakit? Bakit mo ko niligtas? Bakit mo yun ginawa?" naiiyak niyang tanong dito ngunit ang isa ay hirap na hirap na.

Niyuyugyog niya ito at hinaharangan ang dugong lumalabas sa katawan nito.

"Hindi.....hindi! Bumalik kayo sa loob parang awa niyo na. Bumalik kayo! Ange! Ange! Pakiusap kausapin mo ako! Pakiusap! Gumising ka! Ange! Ange!!!!" nagsusumamong sambit ni Sienna.

Para namang nahugutan ng tinik si Sienna ng gumalaw si Angelique at minulat ang mga mata nito.

"S-sienna...." Nahihirapang sambit nito.

"Oo ako nga, ako nga ange" naiiyak niyang tugon.

Inangat naman ni Angelique ang kamay niya at pinahid ang luha ni Sienna. Agad naman hinawakan ni Sienna ang kamay nito.

"S-sienna......" sambit na naman nito sabay nag-uunahang pumatak ang luha.

"Ange, ako nga, Ange, sssssssh! Tahan na. Huwag ka ng umiyak huh. Pakiusap, pakiusap" ngunit siya ay hindi maiwasang umiyak.

"I-i-ikaw d-din. H-h-huwag....k-ka...k-kanang umiyak" nahihirapang saad nito.

"Oo, oo hindi na ako iiyak. Pakiusap lumaban ka. Huwag mo akong iwan Ange. Pakiusap!" nagmamakawa niyang sambit dito dahilan para mapangiti ito.

"H-hindi....h-hindi ko ma.....maipapangako, S-sie. N-na...nahihirapan n-na ako eh. P-patawad....patawarin m-mo ako" hirap na hirap na saad nito.

"Okay lang Ange. Basta lumaban ka at huwag mo akong iwan. Huwag ka ng mawala ulit sa akin. Pakiusap, nagmamakaawa ako Ange, please!" todo pakiusap niyang sambit dito.

"P-patawad.......m-mukhang....m-mukhang i-iiwan u-ulit kita" Saad nito sabay umubo na naman ng dugo.

Dali-dali namang ibinalik iyon ni Sienna ngunit panay labas ng dugo nito sa bibig at sa tinamaan ng bala.

"Ano ba! Huwag kayong lumabas! Bumalik kayo sa katawan niya! Parang awa niyo na! Please!" parang baliw niyang pakiusap sa dugong nalabas kay Angelique.

"T-tama na.....Sienna....P-pakiusap....Pakiusap Sienna" sabay higop nito ng hangin "H-hindi na ako mag.....m-magtatagal pa. S-sienna m-makinig ka...G-gusto k-kong humingi....humingi ng tawad....P-patawad kung....k-kung n-nagtanim ako ng galit sayo" iyak naman ng iyak si Sienna dahil sa wala siyang magawa. "P-patawarin mo ako. Patawad, S-sienna. H-hangad kong....h-hangad kong l-lumigaya ka" saad nito habang nahihirapan na sa paghinga.

"Ange....Ange huwag mo namang sabihin yan. Para ka ng nagpapaalam eh. Ayoko Ange, ayoko!" naiiyak niyang saad "Lalaban ka, alam kong lalaban ka. Hindi ka pa mamamatay, Ange! Ange!" Sigaw niya ng makita niyang pipikit na ang mata nito.

"N-nakikinig ako" tugon nito.

"Pakiusap, pakiusap huwag kang bibitaw. Tutulungan tayo ni Mikhail. Alam kong tutulongan niya tayo. Nakikiusap ako, Ange" tuloy tuloy niyang sambit.

Ngunit ngumiti lang ito sa kanya. Yung ngiting ibinigay sa kanya nito nung mga panahong una silang nagkakilala.

Yung ngiting totoo at tunay. Napakagat naman ng labi si Sienna habang hinahayaang maghalo ang luha at sipon niya kakaiyak.

"S-sienna....." sambit nito sa pangalan niya.

"A-ano yun?" tugon niya agad dito.

"M-may p-pabor.....m-may p-pabor a.......akong h-hihilingin sayo" saad nito.

"Ano yun? Makikinig ako" hikbing sagot niya.

"I-ilapit mo.....ilapit mo a-ang....ang tenga m-mo s-sakin" agad naman niyang sinunod ito.

Napatindi naman ang kagat niya sa kanyang labi dahil sa ibinulong nito sa kanya. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya iyon o ikakadismaya niya sa mga oras na ito.


"P-promise mo....M-mag promise ka" saad nito.

"O-oo promise ko" at sa sandaling iyon ay gumuho na naman ang mundo ni Sienna.

Bumalik na naman sa ala-ala niya ang nangyari nung limang taon na ang nakakaraan. Kitang kita niya ang walang buhay na kaibigan na ngayon ay ganoon din. Matapos silang mag pinky promise sa isa't isa ay doon na ito nalagutan ng hininga.

Iyak naman ng iyak si Sienna habang yakap yakap ang katawan nito. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Halos madurog ang puso niya sa tindi ng sakit nito. Ito na naman ang pangalawang nawala ito sa kanya at sa pagkakataong ito alam na niyang hindi na ito muling babalik sa kanya upang paghigantihan siya.

"Ange......ANGELIQUE!!!!!" nagsusumamong sigaw niya habang napakatindi ng sakit.

"Well, well, well. Nakakalungkot na pangyayari. Ako'y nakikiramay" hindi alam ni Sienna kung may sinseredad ba sa mga boses ni Lathea. "Pasensya na. Hindi ko naman alam na haharang siya at magpapakabayani. Ikinalulungkot ko ang nangyari" natawa naman siya sa sinabi nito.

"Pasensya? Hindi alam? Nagpakabayani?" may halong sarkasmong saad ni Sienna sabay tinignan niya ito ng walang buhay.

"Oooh scary. Look Matt, Sienna is scary" nang-aasar na saad nito habang si Matt ay iniinda ang sakit na ginawa ni Sienna dito.

"Hindi ko alam kung bakit ginanito niyo kami. Kung bakit nandamay kayo ng inisenteng tao. Kung bakit masaya kayong nakakakita ng nahihirapang tao" saad niya sabay dahan dahang inihiga si Angelique sa sahig at sabay tumayo siya. "Basta ang alam ko lang. Gusto ko ng matapos ito"

"Talaga? Kami din eh. Hinihintay na lang namin tumumba ang dalawang iyon" sabay turo nito kanila Mikhail dahilan para mapalingon din siya.

Subalit na bigla siya sa nakita niya. Puro dugo na ang damit nito maging ang kalahating mukha at hingal na hingal na ito. Tila ay napagod na rin ito dahil sa dami ng napapatumba. Ngunit mas lalong dumami ang nakakalaban nito.

"Ang sama mo! Napakasama mo! Wala kang puso! Wala kayong puso! Paano niyo nakakaya ang mga ito?! Paano niyo masisikmura ang.....ang mga nakikita niyo?! Mas masahol pa kayo sa hayop. Buti pa ang hayop kahit papaano may puso samantalang kayo wala! Wala kayong puso!" singhal niya kay Lathea na hindi naman nito ininda.

"Because I born with this" sapat ng sagot iyon para makaramdam ng awa si Sienna.

Ito na naman siya. Ito na naman ang malambot niyang puso.

"Pinalaki kaming ganito, Sienna. Maging si Mikhail ganito rin lumaki" saad nito sabay napangalumbaba sa bakal na nakaharang upang hindi sila mahulog sa baba.

Natameme naman si Sienna sa sinabi nito. Marahil ang mundong kinalakhan nila Lathea ay iba sa mundong kinalakhan niya. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Mikahil sa kanya.

Ngunit bakit? Bakit kailangang maging ganito ang pagpapalaki sa kanila? Bakit?. Napuno naman ng katanungan ang isip niya dahilan para masyadong mawala siya sa sarili.

Naging daan naman iyon upang atakihin siya ni Lathea. Napaaray siya at bumagsak sa semento ng sipain siya nito sa hita at hampasin sa noo dahilan para umagos ang dugo noon.

"Masyado ka kasing nagpapaniwala kaya ayan ang napala mo. Haytsss, ang dali mong lokohin Sienna" sabay tawa nito.

Nainis naman siya sa ginawa nito. Kaya kahit medyo nahihilo siya at masakit ang hita niya tumayo siya at nilabanan ito. Hinawakan niya ang buhok nito sabay hinila patungo sa tuhod niya dahilan para pumutok ang ilong at labi nito.

Hindi pa na kontento si Sienna bagkus ay pwersahan niyang hinila ang buhok nito pasubsob sa semento at walang awang kinaladkad iyon. Nang hindi pa siya makontento, inangat niya ito gamit lang ang buhok nito at sabay pinagsisipa sa sikmura.

Hindi naman nakalaban sa kanya si Lathea at halos hindi na makilala ito dahil sa sugat sa mukha. Ngunit natigilam si Sienna ng mapansing balewala lang ang ginawa niya.

"Tao ka pa ba Lathea? Seryoso ka? Wala lang sayo ang ginawa ko?" sarkasmong saad niya dito.

"Of course! I told you I'm born with this" saad nito sabay dumura lang ng dugo at pinunasan ang dugong tumutulo sa labi nito.

"Ganun ba?" walang sabi sabing hinugot ni Sienna ang kahoy na nakalagay sa gilid ng pader at inihampas kay Lathea.

Napasigaw naman sa sakit si Lathea na nagbibigay kasiyahan kay Sienna. Sa bawat hampas nito sa katawan ni Lathea at daing nito ay parang may kung anong kagalakan ang hatid noon. Kaya naman halos madurog ang hita at binti nito.

Nagmamakaawa naman si Lathea na itigil na ni Sienna ang ginagawa niya ngunit parang hindi na makontrol ni Sienna ang sarili hanggang sa may pumigil na sa kanya.

"Tama na. Huwag kang tumulad sa kanila" pigil sa kanya ni Mikhail.

Dahil doon ay natauhan siya at gulat na gulat sa ginawa niya. Hindi niya aakalaing magagawa niya iyon kay Lathea.

"A-anong ginawa ko? M-mikhail a-anong nangyari sakin?" naiiyak niyang saad sabay binitawan ang kahoy na hawak at yumakap ng mahigpit kay Mikhail.

Niyakap naman siya nito pabalik habang siya ay iyak ng iyak na para bang batang inagawan ng candy. Samantalang si Lathea ay hirap na hirap sa kalagayan at durog durog ang hita pati ang binti nito.

"M-magbabayad ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin! Makikita mo! Sisingilin kita!" galit na galit na saad ni Lathea.

Tinakpan naman ni Mikhail ang tenga niya para wala siyang marinig. Kaya naiangat niya ang kanyang ulo at tumingin dito. Kitang kita niya ang dugong tumalsik sa mukha nito.

"M-mikhail" sabay hikbi niya.

Ngumiti naman sa kanya si Mikhail at may sinasabi ngunit hindi niya marinig dahil sa kamay nitong nakatakip sa kanyang tenga. Gusto niyang tanggalin ang kamay nito pero ayaw ni Mikhail. Kaya naman hindi na niya tinanggal pa ito at nagtiwala na lang dito.

Napaigtad naman si Sienna ng pumaibabaw ang tunog ng baril. Sunod-sunod ang putok ng baril hanggang sa mawala ito. Doon na lamang tinanggal ni Mikhail ang kamay nito sa tenga niya.

"Your safe now" saad nito at nanubig na naman ang mga mata ni Sienna.

Naitakip na lang ni Sienna ang kamay sa kanyang mukha at doon ay umagos ng umagos ang luha niya. Niyakap naman siya ni Mikhail at inaalo.

"Sssssssh!! Tahan na, tahan na. Okay na ang lahat. Tapos na. Wala ng manggugulo pa sa atin. Wala n--------" nilukuban naman ng takot ang buong sistema ni Sienna at unti-unti yun nanlamig ng tatlong putok ng baril ang pumailanlang sa buong paligid.

Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa kanyang mukha at tumingin kay Mikhail. Nakatayo lang ito habang nakayakap sa kanya. Napatingin naman siya sa taong may hawak ng baril. Si Matt iyon na ngayon ay nakatayo na at nakatutok ang baril kay Mikhail.

Napamura naman si Drew sabay walang sabi sabing inatake si Matt at buong lakas itong pinatumba subalit nahirapan si Drew dahil kahit may tama si Matt ay nagagawa pa rin nitong makipagsabayan kay Drew.

"Hindi mo ako kaya" nakangising saad ni Matt habang si Drew ay hinihingal.

"Really? Are you sure?" pangungumpirma ni Drew dito.

"Of course! I'm better than you." maangas na saad ni Matt at inataki si Drew ng mabilis.

Subalit sa bawat atake ni Matta ay nagagawang salagin ni Drew kaya naman na pangisi na lang si Drew at humanapo ng oportunidad para mapabagsak niya ito.

Subalit isang putok ng baril ang pumailanlang sa buong paligid dahilan para mapatigil ang dalawa at mapatingin kung saan iyon nanggaling.

Hawak hawak ni Sienna ang baril habang nakatutok kay Matt na ngayon ay umaagos ang dugo sa tiyan. Hindi naman makapamiwala si Matt dahil doon.

"S-sienna......w-why?" gulat at hirap na tanong niya dito "W-why? why? Why did you shoot me? Why all of the people? why?" tanong niya ditop sabay umagos ang malinis nitong luha.

"Because........because you hurt him. You hurt the person I love." naiiyak na saad ni Sienna habang nanginginig ang mga kamay nito.

May lungkot namang sumulyap sa mga mata ni Matt "I see. Did you love him that much?" may pagkukumpirma nito.

"Yes. Yes! I love him!" Matapang na sagot ni Sienna dahilan para tuluyang mawarak ang puso ni Matt.

"But........but I love you." saad nito sabay napaluhod habang hawak hawak ang tiyan niyang natamaan ng bala "ako ang naunang nagmahal sayo at ako rin ang unang minahal mo pero bakit siya ang pinili mo?" puno ng sakit na saad nito.

"Dahil pinaramdam niya sakin ang tunay na pagmamahal na hindi mo binigay Matt. Buong buhay ko takot lang ang naramdaman ko" saad ni Sienna habang masaganang umaagos ang luha nito.

"I-I-I see. I'm sorry......I-I'm s-sorry if I scared you. I'm sorry if I hurt you but' and he looked Sienna in her eyes "I can't deny the fact that I love you. I love you with all of my heart baby. I guess, I guess my love for you was too much, too much to hurt you and kill people surrounding you. I'm sorry but I love......you" huling litanya nito matapos itong maoutbalance dahilan para malaglag ito sa hagdan dahilan para ikamatay nito.

Samantalang si Sienna naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Matt. Hindi siya makapaniwala na ganoon siya nito kagusto dahilan para magawa nitoi ang mga bagay na makakapanakit pareho sa kanila.

Samantalang si Mikhail naman ay napasandal kay Sienna at unti unting bumagsak sa semento. Hindi naman nakagalaw si Sienna dahil sa gulat. Pakiramdam niya nangyari na ang ganitong sinaryo. Mukhang naulit na naman.

"Mikhail!! Mikhail!!" boses iyon ni Drew habang niyuyugyog niya si Mikhail.

Tila'y tumigil naman ang oras para kay Sienna. Halos hindi na siya makahinga sa nangyari. Parang tumigil ang pagtibok ng puso niya kasabay ng pagbagsak ni Mikhail sa semento.

Bigla namang umikot ang paningin niya at nanlambot ang mga tuhod niya dahilan para mawalan siya ng balanse at tumumba din siya.

Ang huli na lamang niyang natatandaan ay ang pagliwanag ng buong paligid at may mga taong binibigkas ang pangalan niya.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~+~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu, Santo, naway maging mapayapa ang iyong kaluluwa at maging masaya ka sa piling ng ating Ama. Sanay makita mo ang iyong kapayapaan. Amen" sabay basbas ng pari sa hawak nitong holy water sa putting kabaong.

Pagkatapos noon ay kanya kanya na silang lagay ng puting bulaklak sa kabaong habang inilalagay ito sa ilalim ng lupa. Hindi naman maiwasang maging emosyonal ng mga nakiramay at nakipaglibing.

Lahat sila ay nakasuot ng puti habang may ribong itim sa kanilang damit. Matapos kasi ang madugong gabing iyon. Lumipas ang isang linggo ay naging mapayapa na rin ang lahat.

Habang hawak ang bulaklak nakatingin lang si Sienna sa puntod ni Angelique. Habang ang mga luha ay walang tigil sa pag-agos. Bigla namang kumulog ang langit at nagdilim sabay bumuhos ang mabibigat na tubig.

Kasabay ng pagpatak ng ulanay ang pagpatak ng luha niya habang namamaalam sa kaibigan. Hinding hindi malilimutan ni Sienna ang masasayang araw nilang pinagsamahan ni Angelique. Lalo na ng sagipin siya nito.

"P-patawarin mo ako Ange. Patawad" bulalas niya sabay napaluhod.

Agad naman siyang dinaluhan ni Niks at Cassidy. Inalalayan siya nitong makatayo ngunit tila nawalan ng lakas si Sienna. Kaya naman ay naging lakas niya sina Niks at Cassidy.

"Beb, alam kong pinatawad ka na niya. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya" saad ni Niks habang pinapalakas ang loob niya.

Tama naman ang kaibigan. Tulad nga ng sinabi ni padre kanina, magiging masaya na ito sa piling ng May Likha.

"Alam ko beb, alam ko" sabay hikbi niya "Kaya naman.....gusto kong magpasalamat sa kanya. Salamat kasi kahit nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanya. Iniligtas pa rin niya ako" sabay sunod sunod na hikbi ang pinakawalan niya.

Hinagod naman ni Cassidy ang likod niya sabay niyakap siya nito. Ganoon na din ang ginawa ni Niks. Hinayaan ng mga ito mabasa ang kanilang balikat dahil sa luha ni Sienna.

"You need to say goodbye to her, Baby Sie" saad ni Cassidy dahilan para kumawala siya ng yakap.

"Yeah, I should" sabay tingin niya sa kabaong ni Angelique na ngayon ay nasa ilalim na ng hukay "Bye Ange, sorry for everything I've done to you and thank you. Thank you so much. I hope you'll happy there" saad niya sabay inihulog ang bulaklak na hawak.

Pagkatapos noon ay tinabunan na ng lupa ang kabaong nito. Kanya kanya namang alis ang mga nakipag libing. Kaya ang natira na lamang ay sina Sienna.

"I think you need to take a rest na baby Sie. Let's go?" yaya ni Cassidy sa kanya ngunit hindi niya kayang ihakbang paalis ang paa niya sa lugar na ito.

"Mauna na kayo, Miss Cass. Hindi ko pa kayang umalis" saad niya sabay tumingin sa pinaglibingan ni Angelique.

"Oh sige pero pagnakaramdam ka ng pagod umuwi ka na ah. Nandito naman si Mikhail eh" na patingin naman siya kay Mikhail na malungkot ang mukha.

Napakagat naman siya sa pang-ibabang labi at umiwas ng tingin. Mas nasasaktan siya ng husto kapag nagtagal ang tingin niya dito. Nakikita niya kasing kahit kakaunti ay may nararamdaman pa rin ito kay Angelique.

Isa pa mahihiya siyang harapin ito dahil sa nangyari. Lalo na nung nakaraang limang taon. Alam niyang kahit hindi ito magsalita. Alam niyang may bahid ng galit itong nararamdaman para sa kanya. Kahit na parehas nilang nalaman ang katotohanan.

Matapos kasing mangyari iyon ay isang linggong hindi ito nagpakita sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari dito ngunit alam niya ang dahilan kung bakit. Dahil doon ay nadudurog ang puso niya.

Alam niyang sa kanilang dalawa. Si Mikhail ang mas nasasaktan ngayon. Nakikita niya ito sa mga mata ni Mikhail ng minsang magsalubong ang kanilang paningin. Mabuti na nga lang dumalo ito sa libing ni Angelique.

Nagpaalam naman na sina Cassidy sa kanya. Ganundin ang mga ibang nakiramay. Kaya naman sila na lang nila Mikhail ang natira.

Kahit na umuulan ay naisipang umupo ni Sienna sa lupa kung saan nakalibing si Angelique. Kaya naman natatalsikan siya ng putik pero wala lang ito para sa kanya.

Walang pakialam si Sienna kung nababasa at napuputikan na siya. Gusto niya kahit sa huling sandali makasama niya si Angelique at mabawi ang limang taon nilang pagkakawalay.

Subalit tanging tunog lang ng ulan ang maririnig ngayon sa simenteryo. Ni isa kanila Sienna at Mikhail ay walang naimik. Ano na kayang nangyari sa kanila matapos ang isang linggo?

Walang kaide-ideya si Sienna subalit napatingin si Sienna kay Mikhail ng maglakad ito patungo sa kanya habang may hawak na payong. Pinayungan siya nito subalit hindi sa kanya nakatingin ang mga mata nito. Kundi deretso ito sa puntod ni Angelique

Hindi naman na kumibo si Sienna at hinayaan na lamang niyang payungan siya ni Mikhail.

"Limang taon. Limang taon ako nagtiis at hinanap ang taong gumawa sa kanya nito" saad ni Mikhail out of nowhere.

Hindi naman umimik si Sienna at hinayaan niya lang ito.


"Limang taon akong nabaon sa dilim. Limang taon akong nagtanim ng galit sa taong gumawa sa kanya nito. Kaya ngayon tapos na ang lahat. Siguro panahon na para kalimutan ko ang nakaraan" saas ni Mikhail at sabay tinignan siya nito.

Eto na naman ang walang buhay nitong mga mata. Ang maitim nitong awra na akala mo'y wala ng kaluluwa. Bigla namang kinabahan si Sienna sa mga sinabi ni Mikhail. Tila ba'y may gusto itong sabihin na magpapawarak sa kanya ng husto.

"Siguro panahon na para iwan ko ang nakaraan" sabay huminto ito saglit "At isa ka na doon, Sienna. Naging parte ka ng nakaraan ko kaya dapat na rin kitang kalimutan" sa pagkakasabi nito sa kanya tila'y huminto na naman ang oras.

Bumagal ang pagpatak ng ulan ngunit nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha niya. Marahil sa araw na ito isang drum ng luha ang mailalabas niya.

Sobrang nasaktan si Sienna sa sinabi ni Mikhail. Akala niya pagnatapos na ang lahat ay magiging masaya na sila subalit nagkakamali siya.

Ngunit imbis na magmukmok at magpadala sa nararamdaman. Pinili ni Sienna na magpakatatag at labanan ang sakit dahil may kasalanan rin naman siyang dapat niyang pagbayaran.

"G-ganun ba? K-kung ayan ang desisyon mo. Sige lang, Mikhail. Susuportahan kita" saad niya kahit patuloy sa pagtulo ang luha niya.

Inalis naman niya ang paningin kay Mikhail sabay nagpunas ng luha. Naisip ni Sienna na ganun na lang ang gawin niya kesa naman ipagsiksikan ang sarili.

"Salamat kung ganun. Kaya naman......." Sabay lumuhod si Mikhail at hinawakan ang baba niya at pinihit paharap dito "Kaya naman, magpapakilala ako sayo. Ako nga pala si Mikhail Miller" napaawang naman ang bibig ni Sienna sa sinabi nito.

Nalito tuloy siya bigla. Parang kanina lang sinabi nito nakakalimutan siya pero ngayon nagpakilala naman ito.

"Ako si Mikhail Miller na mamahalin ka at aalagan hanggang kamatayan. Ibubuwis ko ang aking buhay para lang sa babaeng nasaharapan ko ngayon. Kaya naman sa harap ng puntod ni Angelique. Miss Sienna Alcazar" sabay binaba ni Mikhail ang hawak na payong at may dinukot na kung ano sa bulsa ng pantalon nito at inilabas iyon.

Sabay lumuhod ito at binuksan ang maliit na kulay itim na box at ang laman noon ay isang simpleng singsing. Kulay ginto ito at may nakaukit na letra.

S.A <3 M.M

Hindi naman makapaniwala si Sienna na gagawin ito ni Mikhail. Ang mag propose. Akala niya na tuluyan siya nitong itataboy at kalilimutan dahil sa nangyari at dahil na rin sa sinabi nito kanina.

"M-mikhail" bigkas niya sa pangalan nito.


Kinuha naman ni Mikhail ang kaliwang kamay niya kahit nakaipit ito sa pagitan ng tuhod at tiyan niya.

"Miss Sienna Alcazar, my soon-to-be-Mrs. Miller. Will you marry me....for real this time? No more contract and no more play" Hindi naman agad nakasagot si Sienna dahil halo-halo ang nararamdaman niya ngayon.

Hindi niya alam kung kikiligin siya, maiinis, maiiyak, o matutuwa. Subalit isa lang ang nasisiguro niya. Ang maging tototo na siya sa nararamdaman niya para sa binata.

Siguro panahon na para maging masaya na sila. Para narin tuparin ang huling kahilingan ng yumao niyang kaibigan na si Angelique.

Napansin naman niyang hinihintay ni Mikhail ang sagot niya. Napansin niya ding napuputikan at basa na ito sa ulan. Ngunit naandoon pa rin ang paghihintay nito sa isasagot niya.

Napangiti na lamang siya sabay tumayo at inagaw ang kamay niya sa kamay nito. Nagulat naman si Mikhail sa naging reaksyon niya.

"B-ba....A-ah...Sienna" hindi mawarian ni Mikhail kung anong bagay na salitang ibibigkas niya ng gawin iyon ni Sienna.

Subalit nanatili lang itong nakaluhod at nakaawang ang box na may lamang singsing. Tila'y nawalan ito ng pag-asa.

"Ayaw mo bang isuot sa akin yan, Mikhail? Nangangalay na ang kamay ko" saad ni Sienna sabay inilahad ang kaliwang kamay niya.

Napangiti naman si Mikhail at dali-daling sinuot sa kanya ang singsing sabay hinalikan ito. Tuwang tuwa naman itong tumayo sabay niyakap siya ng mahigpit.

"Salamat. Salamat Sienna. Maraming maraming salamat. Akala ko, akala ko ayaw mo" maluha luhang saad nito na ikinatawa niya.

"Possible ba yun? Palalgpasin ko na naman ba ang pagkakataong ito?. Ayoko ng saktan pa ulit ang sarili ko Mikhail. Sa mga oras na ito, siguro dapat ko ng sundin ang nararamdaman ko. Tsaka isa pa...." sabay lumapad ang ngiti niya.

Hinihintay naman ni Mikhail ang sasabihin niya. Kaya naman hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. May kinuha siyang isang picture na nakalagay sa bulsa ng coat niya at inabot iyon kay Mikhail.

Nagtataka namang tinignan iyon ni Mikhail subalit nanlaki ang mata nito at tila'y nagningning.

"S-sienna i-i-isa itong......isa itong.....isa itong------" hindi naman nito natapos ang sasabihin ng mag-unahan ang mga luha nito sa pagpatak. Kahit hindi halata dahil sa ulan subalit nahalata naman ni Sienna dahil sa pag-angat baba ng balikat nito.

"Isa yang ultrasound result, Mikhail. Congratulations you're soon to be a father, Mr. Mikhail Miller. I'm 3 weeks pregnant. Mabuti na nga lang malakas ang kapit ng bata eh. Nagpapasalama--------" hindi na natapos ang sasabihin niya ng yakapin siya nito ng mahigpit.

Kaya niyakap na lang din niya ito sabay napangiti na lamang. Kumawala naman si Mikhail sa pagkakayakap sabay hinaplos ang mukha niya at hinalikan ang kamay niya.

"Thank you Sienna. Thank you so much. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kasaya. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo." Masayang masayang sambit nito sabay niyakap ulit siya.

"Thank you din Mikhail dahil sa huli, minahal mo pa din ako at ngayon ginawa mo ulit akong isang ina" saad niya at kumawala ito sa pagkakayakap.

Panandalian naman silang nagtitigan sabay binigyan siya ng isang matamis at may pagmamahal na halik ni Mikhail. Tumugon naman siya sa halik nito. Ngunit saglit lang iyon subalit punong puno ng pagmamahal. Pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.

Naramdaman naman ni Sienna ang kuryenteng dulot noon. Sa paghalik ni Mikhail sa kanyang noo pakiramdam ni Sienna siya na ang pinakang maswerteng tao, hindi, babae sa balat ng lupa.


MATAPOS ANG DALAWANG linggong preparasyon sa kasal nila Sienna at Mikhail. Ay naging abala ang lahat. Kaliwa't kanan ang mga bisitang dumarating. May mga press din na nagsidatingan upang makisaksi sa kasal nila.

Dumating din ang iba't ibang uri ng klase ng tao. May mga maharlika, makapangyarihan, mayayaman, tinitingala, at higit sa lahat ang pinakang importanteng tao sa buhay ng dalawa-------kaibigan at pamilya.

Samantalang sa kabilang banda ay hindi magpakali si Mikhail. Kanina pa ito palakad lakad, paroon at parito. Padami na kasi ng padami ang mga tao sa simbahan. Konting oras na lang ang nalalabi ay matatalina siya sa taong pinakamamahal niya. Kaya katakot takot na kaba ang nararamdaman niya ngunit excited.

"Chill boss, nahihilo kami sayo eh" sita ni Isaac habang nakahawak ito sa balikat niya.

"Okay lang yan. Ikaw ba naman ang itatali na hindi ka ba kakabahan? Pero seryoso ako, Mikhail sigurado ka na ba? Kung hindi pwede ka naming itakas?" natatawang saad ni Grey dahilan para samaan niya ito ng tingin.

"Alam mo Grey, kusang naputok ang baril ko" may pagbabantang saad niya dito dahilan para manlaki ang mga mata nito.

Alam niyang bawal magdala ng baril sa simbahan pero maigi ng sigurado. Hindi pa naman kasi tuluyang naubos ang mga sindikato. Baka mamaya manggulo ito sa pinakang mahalagang araw para sa kanya.

"Boss" tawag sa kanya ni Hacker dahilan para maagaw nito ang atensyon niya.

"Ano yun?" sagot niya dito.

"Walang kuhaan ng ninong ah. Labas ako jan" sabay ngiwi nito dahilan para mapakalma siya kahit papaano.

"Hayaan mo Hacker, ikaw pa ang una sa listahan nila" biro naman ni Drew dito dahilan para dumilim ang awra nito.

"Gusto mong i-hack ko pagkatao mo at ikalat ang nudes mo? Pati mga bahong tinatago mo?" may pagbabantang saad ni Hacker dito.

"Sige gawin mo. Hindi ako magdadalawang isip na sirain ang pinakamamahal mong si Betty" dahil doon ay nagkainitan ang dalawa.

Subalit natigil agad iyon ng biglang tumunog ang kampana dahilan para umayos na ito at maging siya. Inayos niya ang medyo magusot na suot at tumuwid ng tayo.

Unti-unti namang bumukas ang pinto ng simbahan at niluwa nito ang nakakasilaw na babaeng nakasuot ng white na gown. Tila'y nagniningning ito sa kagandahan. Bumilis naman ng husto ang tibok ng puso ni Mikhail. Tila'y nagwawala sa loob niya at gustong kumawala at tumakbo papunta sa babaeng naglalakad sa aisle.

KABADO NGUNIT MAY HALONG EXCITEMENT na nararamdaman ngayon si Sienna. Kaba dahil baka mamaya may taong gumulo sa pinakamahalagang araw para sa kanya. Excitement dahil ito ang araw na mag-iisang dibdib sila ng lalaking handang ibuwis ang buhay maprotektahan lang siya.

Kaya naman habang suot suot ang A-line V-neck Cathedral Train Tulle Appliqued Long Wedding Dress niya ay handang handa siyang tumayo sa harap ng pintuan ng simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal.

"Are you ready, my princess?" tanong ng kanyang ama sabay inangkla niya ang kanyang kamay sa braso nito.

"Yes, I'm ready papa" sagot niya dito sabay ngumiti.

Lumamlam naman ang mukha ng kanyang ama habang nangingilid ang luha nito sa gilid ng mga
mata.

"You look beautiful, my princess. Sinisigurado kong masayang masaya ang mama mo ngayon pag nakita kang ganyan ang ayos mo. I'm so proud and blessed to have a beautiful and kind daughter like you. I love you, my princess. I hope you'll be happy with him" litanya ng kanyang ama dahilan para lumambot ang puso niya at maiyak na din.

"Papa naman eh, masisira ang make-up ko niyan. Naiiyak tuloy ako. I love you too, papa and I promise magiging masaya ako sa piling ni Mikhail" lakas loob niyang tugon dito na ikinangiti na lang ng ama.

Kaya naman ng tumunog ang kampana ng simbahan hudyat na papasok na siya sa loob ay hinigpitan niya ang hawak na bulaklak sabay bumuga ng hangin.

This is it! Wala ng atrasan 'to. Here I come Mikhail!

Nang bumukas ang pinto ng simbahan tumambad kay Sienna ang ganda ng pagkakadesenyo nito. Tumambad din sa kanya ang nagkikislapang mga flash ng camera. Ngunit naagaw ng atensyon niya ang interior design ng simbahan.

Sa aisle nito ay may purple carpet. Sa gilid nito ay may mga nakautang na kandila at petals ng bulaklak. Sa bawat upuan naman ay may mga bouquet na bulaklak habang may telang putting parang alon na nakalagay dito simula sa unahan hanggang sa dulo kung saan matatagpuan ang gitnang bahagi ng simbahan.

Kung saan may lamesa at dalawang upuang nag-aantay. May Arch namang nakalagay sa bawat pagitan ng upuan na pinalibutan ng bulaklak. Hindi pa doon nagtatapos ang disenyo.

Sa dingding ng simbahan ay may mga nakaukit na pangalan. Pangalan niya at ni Mikhail. May mga picture din doon na nakasabit kung saan mga mukha nila ang nakalagay pati mga taong importante sa kanila.

Sa gitnang bahagi naman, may kulay purple na telang nakapalibot sa bawat helera ng upuan. Maging ang telang nakabalot sa kanila ay purple. Maging ang mga kasuotan ng mga dumalo ay purple din.

Tanging ang kanya at kay Mikhail dahil puti ang kanilang suot subalit purple ang kulay ng bulaklak na hawak niya at ang nakalagay sa kanang bahagi ni Mikhail.

Nang maglakad na siya ay itinuon niya ang atensyon sa lalaking nag-aantay sa kanya sa gitna. Tila'y bumagal naman ang oras habang siya ay naglalakad. Bawat hakbang niya ay bumabalik siya sa nakaraan kung saan paano sila nagkakilala ni Mikhail.

Sa bawat hakbang niya ay sumabay ang tugtog ng musika na talagang bumagay. Cello at Piano lang ang ginamit para sa tugtog na ito. Walang halong lirika dahil tanging melody at beat lang ang maririnig mo.

Sa bawat hakbang niya ang mga alaala nilang dalawa ni Mikhail ang nakikita niya. Ang pag-iisang naig nila, ang pagpirma sa kontrata, ang pagiging malamig nito sa kanya, ang pagtatago niya ng feelings, kung paano nila sinaktan ang isa't isa. Kung paano sila nakaalis sa madilim nilang nakaraan.

Kung paano nila nalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Higit sa lahat kung paano nila ngayon haharapin ng sabay ang mga pagsubok na darating sa hinaharap.

"Sir" Sabay bow ni Mikhail dito upang magbigay galang.

Tinapik naman ng Papa ni Sienna ang braso nito sabay hinawakan ang kamay niya at kamay ni Mikhail at pinag-isa.

"Ikaw na ang bahala sa prinsesa ko. Huwag mong sasaktan yan. Ni lamok hindi ko pinadapo jan, kaya naman, kapag nalaman-----" hindi naman nito natapos ang sasabihin dahil pinutol ito ni Sienna.

"Papa! Ikakasal na po ako't lahat lahat tinatakot mo pa din si Mikhail" saway niya dito.

"Hindi naman sa ganun, anak. Ang akin lang alagaan ka niya ng higit pa sa buhay niya. At alam kong maggaawa niya iyon. Pero...." Sabay sumama ang mukha ng ama na ikinaistatwa ni Mikhail "May kasalanan ka pa sa akin. You! Young Man! Manang mana ka talaga sa ama mo" sabay nguso nito.

"Nagsalita ang nagmamalinis" sabay eksena ng ama ni Mikhail at tinapik ito sa braso "Congrats Son"

Para namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mag-ama. Hindi alam ni Sienna kung bakit pero parang uminit ang hangin sa loob ng simbahan. Subalit saglit lang iyon ng tignan ni Mikhail ang ama na may kinang sa mga mata.

Napangiti naman siya at nakahinga ng maluwag.

"Himala ata at naging malambot ka ngayon, Orlando?" pang-aasar na saad ng kanyang ama.

"Malambot? I'm just doing what other fathers do to their sons when they get married" plain na saad nito sa ama niya.

"Aysuuuuus! Kunyari ka pa jan. Ang sabihin mo may softie side ka din, Orlan" pangungutyo ng ama niya dahilan para mas dumilim ang awra nito.

"Hey gentlemen, alalahanin niyo kasal ng mga anak natin ito. Nakikisawsaw pa kayo. Para kayong mga bata" nakapamewang na saad ni Millain ang ina ni Mikhail.

Para namang mga batang napagalitan ang dalawa. Napangiti na lang ng malapad si Sienna dahil sa nasaksihan niya ngayon.

Nung una kasing ipakilala siya ni Mikhail ng pormal sa pamilya nito ay todo kabog ng husto ang puso niya. Pakiramdam niya ay aatakihin na siya sa puso. Lalo na ng makaharap na niya ang mama at papa ni Mikhail.

Nakakatakot ang dating ng dalawang ito. Tingin pa lang parang pinapatay ka na subalit medyo nagkamali siya sa panghuhusga dahil ng nakasama na niya ito ng matagal ay nakita niya ang kalahating side ng pag-uugali ng mga ito.

Lalo na ngayon, para silang mga teenager. Kaya naman imbis na pagalitan niya ang ama dahil sa pangungutyo sa ama ni Mikhail ay hinayaan niya na lang ito dahil naandiyan naman ang mama ni Mikhail para sawayin ito.

Lumapit naman sa kanya si Mikhail at may ibinulong. Natawa na lamang siya at agad na inangkla ang braso sa braso ni Mikhail.

"Papa, Tita Millain,Tito Orlando, baka po pwede ng simulan ang kasal namin? Baka lang po?" sabay ngiti niya sa mga ito.

Dahil doon ay umayos ang mga ito. Tumuwid ng tayo at inayos ang suot na damit. Tinignan naman siya ng kanyang ama na parang maiiyak na.

"You young man! Protect my princess no ma------" napairap na lamang siya sa kadramahan ng ama.

"Pa! Ano? Itutuloy ko po ba 'to o magdadrama na lang kayo jan?" taas kilay na saad niya dito dahilan para mapaawang ang bibig ng ama pati na rin sina Mikhail.

"Okay, okay....Sige na, magpakasal ka na" saad ng ama dahilan para matawa siya.

Niyakap naman niya ito ng mahigpit at kiniss sa pisngi. Pagkatapos ay inalalayan na siya ni Mikhail sa altar. Nang nasa altar na sila ay inumpisahan na ng pari ang seremonya.

"Bago ko simulan ang kasalang ito. Nais kong tanungin ang lahat kung sino sa inyo ang tumututol sa kasalang ito?" tanong ng pari.

"Hey father! Bakit naman ganyan ang tanong mo? Kasal 'to ng anak ko tapos magtatanong ka kung may tututol? Paano kung meron? Ikaw ba ang mananagot" saad ng kanyang ama habang labas ang mga ugat sa leeg.

Tumawa naman ang mga tao sa loob ng simbahan. Hindi naman makapaniwala si Sienna sa ginawa ng ama.

"P-pasensya na. Parte ito ng seremonya baka po kasi mamaya pilit lang ang kasalang ito at------"

"Hindi ko siya pinilit father kaya naman pwede na tayong nagsimula. Tama na sa mga kalokohang salita na 'yan" madilim na awrang saad ni Mikhail dahilan para mapakurap kurap si Sienna pati ang pari.

"That's my son!" bwelta naman ng ina niya.

"Smoooooth!!" dagdag ng mga kaibigan niya.

"That's my soon-to-be son in law!" pumapalakpak na saad ng ama dahilan para pandilatan niya ito ng mata.

Subalit hindi naman iyon pinansin ng ama niya. Kaya naman napailing na lang siya at hinarap ang pari pati si Mikhail.

"Manahimik po ang lahat, para magsisimulan na ang seremonya ng kasal. Naway makinig na lang po tayo at saksihan natin ang dalawang irog na mag-iisang dibdib ngayong araw." Saas ng madre sa gilid para manahimik ang mga ito at umupo sa kani-kanilang upuan.

Mabuti naman

"Mga kapatid, mga anak ng Diyos, ngayong araw ay masasaksihan natin kung paano mag-iisang dibdib ang dalawang mag-kasintahan sa aking harapan. Saksihan natin an----------" hindi na naman natapos ang pagsasalita ng pari.

"Father, pwede po bang tama na sa intro? Pwede bang doon na agad tayo sa palitan ng OO" Napatingin naman siya kay Mikhail.

Akala niya nagbibiro lang ito pero kitang kita niya sa mga mata nito na seryoso ito.

"Mikhail, hayaan na natin si Father sa gagawin niya. Parte iyon ng seremonya, ano ka ba?" saway niya diro subalit napanguso lang ito.

"But I can't wait it anymore. I wanna be your husband now! Masisisi mo ba ako?" parang batang saad nito na ikinaawang na lang ng bibig niya.

"Oo nga naman father! Doon na agad sa I DO, YES MAHAL KITA para kuratsa na!" biglang singit ni Grey habang nagningning ang mga mata.

"Oo nga naman tama ka jan kaibigan! Para matapos na ito at doon na tayo sa kasiyahan!" dagdag naman ni Drew sabay nakipag-apir pa kay Grey.

"Tama kayo mga iho!" nakisali naman ang ama niya.

Tumikhim naman ang pari dahilan para matigil ang mga ito. Mukhang hindi nagugustuhan ng pari ang inaasal ng mga ito.

"Kung nagmamadali po kayo, edi sana nagpirmahan na lang kayo at hindi pumunta sa sagradong lugar na ito" saad ng Pari dahilan para mapakamot ng ulo ang mga ito.

Natawa na lang ng lihim si Sienna habang si Millain ay pinapagalitan ang mga kalalakihan.

"Sorry po, Father. Ituloy na po natin, don't mind them" paumanhing saad niya dito.

Lumambot naman ang mukha ng Pari at inayos ang suot sabay binuklat ang bibliya. Pagkatapos noon ay sinimulan na talaga ang seremonya. May mgailang bible verse na binasa ang Pari para sa kanila maging sa mga dumalo.

Sunod ay sinabitan sila ng puting tela at lubid. Pagkatapos ay binasbasan sila ng pari. Sumunod ay ang pagpalitan nila ng Vow sa isa't isa. Kaya naman ay inalalayan siya ni Mikhail na tumayo at humarap sila sa isa't isa.

"Ngayon, masasaksihan natin ang pagpapalitan ng pangako nila Mr. Mikhail Miller at Ms. Sienna Alcazar" anang saad ng pari.

"Correction Mrs. Miller not Ms. Alcazar" pagtatama ni Mikhail sa pari dahilan para magtawanan ang mga bisita.

"Iho, kinakasal pa lang kayo kaya hindi pa siya ganap na Miller" pagpapaliwanag ng pari.

"Pero doon na rin naman ang punta noon Father. So call her by my surname" saad nito para kiligin si Sienna.

"Hay ewan, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong klaseng kasal" natatawang saad ng Pari "Napakaswerte mo, Iha" sabay puri nito sa kanya.

Binigyan naman niya ng malawak na ngiti ang pari dahil tama ito sa tinuran nito.

Napakaswerte niya nga dahil isang Miller ang nagustuhan niya. Isang Miller na handang ibuwis ang buhay para lang sa babaeng minamahal.

Isang Miller na kahit hindi perpekto pero handang magmahal kahit napakapanganib nito.

"Ngayon, kung mayroon kayong hinandang pangako para sa isa't isa, pwede niyo ng simulan. Mauna ka, lalaki" saad ng pari at inabutan si Mikhail ng mic ng sakristan.

Tinanggap naman ito ni Mikhail at tinapik tapik pa para masiguradong gumagana ito.

"Mic test! Mic test! Ah! Ah! Ah!" napailing na lang si Sienna sa ginawa ni Mikhail.

"Aaaaaah, okay mukhang gumagana siya" nagtawanan naman ang mga bisita dahil sa sinabi nito at sa seryoso nitong mukha na hindi man lang nagbago. "When do I start?" sabay umakto itong nag-iisip.

Hindi naman mapakali ang puso ni Sienna dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Kinakabahan kasi siya kung ano ang sasabihin/mga sasabihin ni Mikhail.

"Alam ko na. Maybe I start how we met" saad nito sabay tinitigan siya sa mga mata "Nagkita tayo sa isang lugar kung saan napakaraming tao. Abala ka noon sa kakakaway at papicture. Kaya naman nasa isang sulok lang ako habang pinapanood ka ng hindi ko namamalayan. Nagtaka nga ako kung bakit ako nagkakaganon. Halos ayaw umalis ng mga mata ko sayo. Sa bawat ngiti mo may kakaiba sa loob ko. Sa bawat halakhak mo pinapatibok mo ng mabilis ang puso ko. Kaya naman pinilit kong kontrolin ang sarili ko. Alam kong mali iyon dahil may dapat pa akong gawin, tapusin. Ayun ang malaman kung sino ang pumatay sa babaeng una kong minahal" mahabang litanya nito.

Dahil sa sinabi ni Mikhail nakaramdam ng kirot si Sienna sa kanyang dibdib.

"Pero habang tumatagal. Palagi na lang kita nakikita sa kung saan saan. Palagi mo na lang ako inaabala sa mga gawain ko. Kaya hindi ko namamalayan palagi na pala kitang sinusundan. Ewan ko kung anong ginawa mo sa akin bakit ako nagkaganun. Sa halos araw na ginawa ng Diyos, ni isang segundo hindi ka man lang maalis sa isip ko. Kaya naman gumawa na ako ng paraan para mapalapit sayo. Oo, plinano ko ang lahat. Lahat lahat. Ang paglapit sayo, ang contract, ang pinilit kang maging akin." Hindi naman alam ni Sienna kung anong magiging reaksyon niya sa mga sinasabi ni Mikhail.

"Kaya nung naging akin ka na. Naging malapit ka na. Doon naman ako na duwag. Naduwag ako dahil baka mamaya isang araw iwan mo din ako ng wala man lang paalam. Kaya ginawa ko ang lahat para saktan ka, para paluhain ka. Subalit Sa tuwing nangyayari iyon, milyon-milyong kutsilyo ang tumutusok sa puso ko. Kaya naman.....kaya naman mas pinili ko iyon para hindi na mangyari ang kinatatakutan ko, pero........Pero sa huli, ako rin ang talo. Natalo ako dahil sinayang at sinaktan ko ang babaeng mahal ko, babaeng pinangarap ko. Kaya naman bilang ganti, ibinuwis ko ang buhay ko para lang sa babaeng mahal na mahal ko. Handa akong makipag laban kay kamatayan, maging ligtas ka lang, Misis ko" dahil doon tumulo ang luha ni Sienna.

Hindi niya alam kung bakit pero ito ang gusto ng mga mata niya. Ang puso naman niya ay tuwang tuwa sa mga sinabi nito.

"Kaya naman, ngayon, sa harap ng maraming tao o sa buong mundo, at sa harap ng Diyos, ipinapangako ko na hinding hindi kana muling masasaktan pa. Hindi ka na iiyak pa. Dahil gagawin ko ang lahat lumigaya ka lang dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Misis Sienna Alcazar Miller. I love you till the end. Until our God took my last breath. I love you. Kaya naman huwag na huwag mong huhubarin ang singsing na ito. Isa ito sa tanda ng pagmamahal ko. I love you" saad ni Mikhail sabay hinalikan ang daliring sinuutan nito ng singsing.

"Ngayon, ikaw naman babae" nakangiting tugon ng Pari.

Tinanggap naman ni Sienna ang mic na binigay sa kanya. Bumuga muna siya ng hangin bago nagsalita.

"I, Sienna Alcazar but later Sienna Miller will promise you to stay by your side forever. Tulad mo, hindi ako naging perpekto. Hindi ako tulad ng ibang babae na pinapangarap ng kalalakihan. Isa lamang akong anak na mapagmahal at babae na handang lumaban hanggang kamatayan. Mikhail" sabay pinisil ni Sienna ang kamay nito "Hindi man naging maganda ang una nating pagkikita. Hindi man naging masaya. Kahit na puno ito ng pasakit. At least masasabi kong, isa iyon sa pinakamaganda ngunit masakit na ala-ala. Alam ko na, maraming bagay tayong ni lihim sa isa't isa. Pinagtaksilan ang isa't isa pero sa huli, naging tayo pa rin at tumayo sa harap nila at sumumpa na panghabang buhay na. Mikhail, hindi man ako magiging perpektong asawa sayo, pero ipinapangako ko habang nabubuhay ako, gagawin ko ang makakaya para maging masaya ka sa piling ko. Gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Salamat Mikhail, salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita hanggang sa aking huling hininga. Ikaw lang ang mamahalin ko magpakailan pa man. Pangako yan" Korni mang pakinggan, alam na alam ni Sienna na ito ang nilalaman ng puso niya at isipan.

"Ngayon, dahil sa kapangyarihang iginawad sa akin ng Diyos, ikaw Mr. Mikhail Miller at Ms. Sienna Alcazar ay inaan-----------" hindi naman natapos ang sasabihin ng pari ng biglang hapitin ni Mikhail si Sienna palapit dito sabay hinalikan. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Masyado silang nagmamadali. Oh siya, inaanunsyo ko na kayong dalawa ay mag-asawa na! Naway maging masaya at masagana ang inyong pagsasama. Hindi ko na saaabihin na you may now kiss your bride dahil hinalikan mo na" natatawang saad ng pari.

Kaya naman nagtawana ulit ang mga bisita dahil doon. Pinutol naman nila ang halikan ng parehas na silang hindi makahinga.

Nagkatitigan muna sila bago nagyakapan ng mahigpit.

"I love you, Mrs. Sienna Miller. Finally, you are mine now" bulong ni Mikhail sa kanya.

"I love you too, Mr. Mikhail Miller ang lalaking nag-iisa sa puso ko" tugon ni Sienna kay Mikhail.

Ngayon masasabi nga na sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Kaya naman si Sienna na ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. Hindi dahil magsasama na sila ni Mikhail pang habang buhay kundi bubuo sila ni Mikhail ng isang pamilya. Pamilya kung saan magiging daan para magtibay pa ang kanilang pagmamahalan.

Matapos ang seremonya ay nagsilabasan na ang lahat. Maging sina Sienna ay nasa labas na din at handa na niyang ihagis ang bulaklak na hawak. Kaya naman ang mga kababaihan ay handang handa sa pagsalo nito.

"Okay ito na One! Two! Three!" sabay hinagis na niya ang bulaklak at derederetso iyon kay Niks na hindi man lang nag-effort saluhin ang bulaklak.

"Mukhang may susunod na ah?" biro niya dito na ikinasnob ng kaibigan. Natawa na lamang siya sa inakto nito.

Pagkatapos noon ay sumakay na sila ni Mikhail sa kotse at doon ay masaya silang nagsama.




TO BE CONTINUE.........

- W
- FB ACCOUNT ¤MIEMIE PENN REVYS-BEOWULF¤
- FB PAGE ¤W STORIES¤
- TWITTER ACCOUNT ¤@W25424675¤

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 466 37
Most impressive Ranking attained; #1 in Filipino as of 8/12/22 #2 in Filipino as of 8/11/22 She thought, she doesn't matter to him... He thought, she...
75.4K 733 40
Ang buhay mag-asawa ay hindi palaging sweet at masaya. Meron ding mga pagsubok at temptasyon na kapag hindi niyo kayang lampasan, mauuwi sa hiwalayan...
421K 7.2K 24
Empire Club 5: Winston Hunter SPG | R18 "You can't resist me, Serenity." - Winston Hunter Started: May 18, 2020 Ended: July 26, 2020 Source of Photo:...
411K 7.9K 43
Chraizel was already 33 years old. A late bloomer...... Graduate in Calendar..... Freshmen in Lotto line..... In short? Ranking for oldmaid. Walan...