Love Shot ✅

By babyboobaek

98 63 8

A nameless pub witnessed different love stories that will be tackled every chapter! Continue reading to find... More

Maxine
Dani
Author's words
Shy
Theo
Love
PLAYLIST

Joraine

11 8 2
By babyboobaek

HER POV



"Sorry, pinilit ko naman e. Pero wala talaga." Paulit-ulit na pagtanggi ko. Ilang beses na ba kong humingi ng tawad dahil hindi ko maibalik ang nararamdaman nila sakin. I don't deserve them.





"Alam ko naman na 'yan ang magiging sagot mo, nagbakasakali lang ako." Ani Jerome. Dalawang linggo na siyang nanliligaw sa akin. Isa siya sa mga close ko sa school.







Ayaw ko naman patagalin. Alam ko namang wala talaga. Hindi naman siya ang una e.






Isang taon na mahigit, lagi na lang ako ganito. May magtatapat sakin, susubukan ko pero bandang huli, wala rin.






Lumakad ako papalayo at sumakay na ng tricycle. "Sa ikalawang kanto po."






Kailan kaya ako tuluyang makakalaya?






Umaasa pa rin ako. Hinihintay ko pa rin siya. Pero imposible. Kailangan ko ng mag move on.






Umiling na lang ako. Bumalik ako sa ulirat ko ng madatnan kong nasa tapat na ako ng tindahan sa tabi ng bahay ko. Naku si manong hindi pa sakto.





"Bayad ho."





"Joraine! Tumawag ang tita mo. Kapag raw nakagradate ka e maipapasok ka na raw niya sa trabaho kaagad! Sa Dubai! E konti na lang no, tatlong bwan na lang at matatapos ka na, anak ko!" Salubong sa akin ni mama.





"Wag ka maexcite, ma. Sinabi lang ni tita yun kasi ang kulit mo." Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.





Hinampas naman niya ako sa braso ko. "Napaka nega mo talaga!" Bago pa ko makapag walk out, nilampasan na ako ni mama.






Pumasok ako sa kwarto. "Hi. Nakauwi na ko, Marco." Ngumiti ako bago hinaplos ang litrato namin ni Marco. Mahigit isang taon na, pero ikaw pa rin.





Umupo ako sa gilid ng kama ko. Tumulala sa kisame habang hinayaan ang mga alaala na manumbalik sa aking isipan.






Blockmate ko si Marco simula first year ako. Pero third year na kami ng maging ganap na magnobyo kami.




Isa sa mga crew si Marco sa pub ng tito ko sa kabilang kanto. Isa itong simpleng pub ngunit sopistikadong tibgnan dahil sa salamin nitong pader. Tuwing Sabado at Linggo nandun ako at tumutulong. Doon lalo kaming naging malapit. Lagi din kasi nakatambay si papa don at pinababantayan ni mama sa akin.






Part time job yun ni Marco.  Napakasipag niya. Nagtatrabaho siya pero di niya pinababayaan ang pagaaral niya. Dean's lister din siya sa department namin.






"Pag nakatapos ako, maghahanap talaga ako ng trabaho. Yung kahit hindi sobrang malaki ang sahod, pero stable." Ani Marco.





Nakikinig ako sa kaniya habang nagpupunas ng lamesa. Wala na kasing tao. Magsasara na kami.





"Bat ba parang atat na atat kang makaipon? Wala ka namang sinusoportahan na kapatid. Iisa ka lang diba?" Balik ko naman sa kaniya. "Oo. Pero maraming utang si papa."






Yun pala ang dahilan niya. Maraming kumakalat na balita dito na adik ang papa ni Marco. Pero wala naman silang pruweba.






"Pero siyempre, habang nasa process ako ng pagabot ng mga pangarap ko, pwede naman akong mag girlfriend." Pinataas baba niya pa ang dalawa niyang kilay habang nakangisi.





"Loko." Yun lang ang nasabi ko. Wala e. Kinilig.





Araw-araw, palagi kaming magkasama ni Marco. Sa loob ng dalawang bwan na panliligaw, sinagot ko rin siya. Halata naman kasing gusto ko siya. Pakipot pa ba?




Hinahayaan kami lagi ni tito na magsara ng pub. Sinasamantala naman namin yung para nasolo ang isa't isa.




"Malungkot ka na naman." Napaangat ang tingin ko sa kaniya at nakitang may bit bit siya. "Ano yan?" Usisa ko. Inilapag niya ito sa tapat ko. Sa ibabaw ng lamesang pinangangalumbabaan ko kanina.





"Dalgona." Tumaas naman ang kilay ko. "Nakita ko yan online." Sambit niya habang kumakamot sa batok. Namumula si Marco. Ang cute.







"Wag ka na kasi sumibangot. Okay lang na minsan mababa ng konti yung nakukuha nating grades." Sabi niya habang umiiwas sa mata ko. Napangiti ako.






"Malungkot pa rin ako." Sabi ko naman. Nagtataka naman siyang tumingin sakin. "Huh? Anong gusto mo?" tanong naman niya sa akin.





"Kiss." Nakita ko namang pinagpawisan si Marco. Nakakatawa. Para ba siyang laging kinakabahan.






Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at hinalikan siya sa labi. Saglit lang. Ngumiti ako. "Masaya na ko." Sabi ko naman sa kaniya. Nanatiling nanlalaki ang mga mata ni Marco.






Uupo na sana ako para tikman ang ginawa ni Marco pero laking gulat ko ng hapitin niya ako sa baywang. Kinabahan ako. Ang lapit namin sa isa't isa.






Amoy ko ang mint na siyang flavor ng toothpaste ni Marco. "Ako naman ang malungkot." Sabi niya sabay halik sa akin. Sa una ay mabagal at dahan dahan.






Ngunit ng makabawi ako mula sa pagkakabigla, ay tumugon ako. Lumalim ang bawat halik.






Dama ko na gusto ako ni Marco.





Gusto rin kita, Marco.





Araw-araw namamalengke kami sa umaga ni Marco. Alam na rin sa lugar namin na kami na. Alam na rin ni mama at papa. Sa una ay ayaw pa ni mama dahil nga sa papa ni Marco.






Pero sinigunahan na siya ni papa. "Mabait na bata si Marco. Matalino at may pangarap sa buhay. Wala kang dapat ikatutol. Hindi naman tatay ni Marco ang gusto ng anak mo, si Marco mismo." Yan yung sinabi ni papa.







Sa school, focused kami. Nagkukumpitensiya nga kami ni Marco e. Pero pag intense na, tumatawa na lang kami.








"Andaya mo, di ka nagpatalo sakin kanina!" Nag pout naman ako. Sinundan naman ako ni Marco. Nauna kasi akong maglakad sa kalye papunta sa bahay namin. "Malungkot ka?" Tumango naman ako.







"Alam ko pano mawala yan. Dalgona?" Nakangisi niyang sambit. Alam naming pareho na hindi dalgona yun. Na etchapwera nga yung dalgona e.





Mas masarap kasi ang kiss ni Marco.






Siniko ko naman siya habang nagpipigil ng ngiti.





Ang bawat araw namin ay punong puno ng mga pangarap at pagmamahal, hanggang isang araw..,





Alas diyes na ng gabi yon, pero wala pa rin si Marco. Ala sais pa siya umalis. Sabi niya kailangan daw siya ni papa niya.






Nasa galaan kami non. Nasa tabing dagat. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng tumayo. Baka bukas na lang kami magkita.






Nakalayo na ko sa dagat ng marinig ko ang isang putok. Putok ng baril. Napatingin ako sa gawi kung saan ko narinig ang putok.







Isang lalaki ang nakita ko na lumaglag sa gitna ng dagat mula sa tulay sa di kalayuan. Kinabahan ako.







Tinawagan ko si Marco. Pero nagring lang. Namatay yung tawag. Hindi pwede.





"Marco, sagutin mo!" Sigaw ko.






Nakahinga ako ng maluwag ng may sumagot sa pangalawang pagkakataon. "Hello, Marco? Nakauwi ka na ba?" Nanginginig ang mga daliri ko pero kailangan kong kumalma.






"Hindi." Hindi si Marco to. "Hindi na siya makakauwi." Narinig kong may tumatawa sa paligid ng lalaking nasa kabilang linya. Muling nanumbalik ang kaba at mas lalong nadagdagan ang panginginig ko.






"Nakipagkita siya kay spongebob!" Lalong lumakas ang tawanan saka naputol ang linya.







Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko, ang mga lalaki na sa isip ko'y kausap ko kanina.






Hindi! Hindi si Marco yun!






Nagising na lang ako na nasa hospital ako. Sabi nung nurse, may nagligtas raw sa akin. Nakita daw niya akong lumalangoy sa dagat hanggang sa malunod. Hindi ko maalala. Nahihilo pa ko.






Isang linggo rin bago bumalik sa akin ang mga alaala ko. Nung una'y wala pang nagsasalita kina mama at papa tungkol kay Marco kasi hindi ko naman naaalala. Pero ng magtanong ako..,






Nasa salas kami non. "May balita na ba kay Marco, pa?" Tanong ko na ikinalaki ng mata nilang pareho ni mama. "Naalala mo na?" Tanong ni mama at lumapit sa akin.






"Saang hospital ma?" Tatagan mo, Joraine. "Anak..," bakit hindi makasagot si mama?






"Wala pang balita, nak." Mariin na sambit ni papa. "William! Sabihin mo na." Pabulong na asik ni mama kay papa.






"Ano yun ma?" Ako na ang nagtanong. "May nakita kasing bangkay sa tabing dagat kung san ka nakuha. Sabi nila bugbog raw yung muka kaya di makikilala kung sino yung lalaki."







Nanginginig ako. "Saka may tama ng baril." Nalaglag ang balikat ko. "Sheela! Hindi pa naman siguradong siya yun, anak." Wala na kong naririnig. Wala na kong maintindihan.





Bumagsak ang mundo ko nung mga oras na yon. Sinusubukan kong buuin ulit, pero mahirap.







Bumalik ako sa kasalukuyan at naghanda na para pumunta sa pub ni tito.






Inayos ko ang damit ko ko at nang matuyak kong handa na ako ay lumabas na ako ng bahay. Akala ng marami ay okay na ko.






Lumilipas ang bawat araw na nakangiti ako. Pumapasok ako sa school, tumutulong ako kay tito. Namamalengke, kumakain at lumalabas sa bahay na.., ayos lang.






They thought I'm mow okay, but it seems I'm not.






Binuksan ko ang pinto ng pub ni tito. "Bunso, padala to sa table sa dulo." Iniabot sa akin ni tito yung order yata sa dulong table. Medyo natakot ako ng konti kasi medyo lasing na sila.





Mga matatanda sa baranggay namin. Teka, tanod to a.





"Heto po." Inilapag ko yung order. "Birthday ko iha. 69 na ako." Sabi ng isang lalaki sa tapat ko. Ngumiti naman ako at sinabing, "Happy birthday po!"







"Kantahan mo naman ako. Alam ko magaling ka kumanta. Pag napaparito ako, boses mo lang ang nakakapagpalasing sa akin ay. Haha kahit gano ang inumin ko talagang boses mo lang e."







Simula kasi ng mawala si Marco, wala na rin ang Joraine na laging kumakanta rito. "Wag niyo ngang punteriyahin yang pamangkin ko!" Pabirong saway naman ni tito.






"Bunso, punta ka na dito dali!" Sabi naman ni tito slash tita ko.





"Kahit ano lang na kanta!" Halos lahat ng tao sa pub nakatingin na. Nakakahiya namang tumanggi.





Kakantahan na lang kita, Marco.






"Sige po." Ngumiti ako kay tito. Alam niya lahat sakin. Siya ang best friend ko.





Umakyat ako sa maliit na entablado sa pub ng tito ko. Hinawakan ko ang mic. Huminga ako ng malalim. "Dahil kinakabahan ako, acapella lang po." Tumawa naman yung mga matatandang kanina ay nagre request.






"Aaminin ko
Sa lahat ng taong nandito
Aaminin ko
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Tanda mo pa ba
Mga panahong tayo ay laging magkasama
Puno ng ligaya
Di ko naisip na bigla na lang nawala

Aaminin ko
Sa lahat ng taong nandito
Aaminin ko
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Aaminin ko

Sa lahat ng taong nandito
Aaminin ko
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Aaminin ko
Sa lahat ng taong nandito
Aaminin ko
Ikaw pa rin ang hinahanap ko…"







Buong pagkanta ko, si Marco lang ang iniisip ko. Nanumbalik ang sakit at pangungulila.






Nakapikit ako habang dinadama ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko.





Ngunit sa pagmulat ng mga mga mata ko, imahe ni Marco sa gitna ng madla ang nakita ko. Ngumiti ako. "Marco." Mahina kong sabi. Ngunit rinig dahil sa mic.





"Joraine." Ani Marco.




"Joraine." Paguulit niya at tumulo ang luha niya.





Totoo ba to? Tila napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Imposible, pero gusto kong maniwala. Ang mga mata ko ay nanlalaki, tumingin ako sa paligid.






Lahat sila ay nabigla at nakatingin sa gawi ni Marco. Hindi ako namamalik mata.




Kahit nanginginig, pinilit kong bumaba sa stage. Lalapit ako Marco, wag ka muna mawawala.





Lalapit ako saglit lang. Sandali lang. "Marco." Sambit ko kasama ang mabigat na paghinga.






Nang makalapit ako ng tuluyan, "T-totoo ka ba?" Tanong ko kahit nasa harapan ko siya.






"Oo, sorry Joraine. Ang tagal mong naghintay." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagsimula na kong humagulgol.






Bumitiw ako sa yakap at sandali siyang hinarap. "Akala ko.., akala ko patay ka na. H-hinintay kita." Muli, niyakap ko siya.





Sobrang saya ko.





"Salamat, kasi bumalik ka." Muli kong bulong sa tainga niya.





Alam kong hindi madalaling maghintay sa'yo, Marco. Ngunit alam ko rin na mas mahirap ang manatiling buhay at bumalik sa'kin.




"Finally I'm home." Muli, niyakap niya ko ng mahigpit.






'Wag kang mag-alala. I'll be your home.










I know the scariest part is letting go, cause love is a ghost you can't control. I promise you the truth can't hurt us now. So let the words slip out of your mouth.~ Christina Perri.








I thought happy endings were lame, but we must try hard to get it.





Continue Reading

You'll Also Like

105K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...