Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 20: Naked

269 15 2
By issawandablue

Ely's POV

"Oh ang bilis naman natin, tapos na klase mo?" bungad na tanong ni Ash pagkarating ko ng gym. Tanging tango na lamang ang isinagot ko rito.

"Nasan yung dalawa?" tukoy ko naman kay Kiko at Gio.

"Ah may klase pa si Kiko hahabol na lang raw siya. Eh si Gio naman mukhang hindi makakapunta at hayon nagmamaktol dahil raw yung terror niyang prof eh pinagalitan na siya. Wala pang dalawang linggo nang magsimula ang klase at hayon ang loko nakahanap na ng katapat niya." Iiling-iling na kwento ni Ash.

Nagpaumuna na kaming pumasok sa loob ng gym at may mangilan ngilan na ring naroon na nag-aantay sa amin. Pati si coach ay naroon na rin at yung iba pang seniors naman ng basketball team.

Kami lamang ang narito sa gym at may mga mangilan ngilan rin namang estudyante, mukhang kakatapos lang ng PE ng mga iyon. Nang linugunin ko ulit ang team ay nakaupo ang lahat sa tatlong hilera ng benches kaya agad naman kaming nagtungo roon.

"Mabuti naman at nandito na kayo Garcia at Montemayor." bati ni Coach. "Maupo na kayo at magsisimula na rin tayo. Ang mga first year ay maupo rito sa unahan." Turo niya pa sa unang hilera kaya naupo na rin kami. Bago pa man nagsimula muling magsalita si Coach ay kakarating lang rin ni Kiko. "Late ka Gonzales. Umupo ka na."

"Pasensya na coach, kakatapos lang ng klase." Paliwang nito at tinanguan naman siya ni coach bago pa tumabi sa amin.

"Unang-una ay binabati ko ang lahat nang nakapasok sa team natin ngayong taon at inaasahan ko na gagawin niyo lahat ng makakaya niyo sa bawat ensayo at laro. Nais ko rin ipaalala sa mga seniors na kayo ang mangunguna sa pag-alalay sa akin para i-train pa ang mga bago nating miyembro sa team. Maasahan ko ba kayo?"

"Yes coach!" bigay na sigaw ng mga senior.

"Maraming salamat, ngayon naman mga first year ay ipapakilala ko sa inyo si Tristan, ang team captain ng team. Kung may kailangan kayo o kaya nais ninyo ng tulong sa pagensayo ay wag kayong mahiyang sabihan kami. Maliwanag?"

"Yes Coach!" sagot naman naming mga first year.

Ipinakilala pa ni Coach isa isa kaming mga first year sa lahat ng miyembro ng team.

"Nasan si Perez?" tanong nito nang mapansin na wala si Gio pagkatapos magpakilala ng lahat.

"Hindi raw po siya makakapunta coach kasi napagalitan ng terror prof niya."

"Tignan mo nga naman talaga si Perez at hanggang ngayon ay sakit sa ulo ng mga guro niya." nagtawanan naman kaming tatlo sa sinabing iyon ni coach.

Pagkatapos nun ay nagkaroon rin ng mahabang anunsiyo si coach patungkol sa mga schedule ng ensayo, mga paparating na laro at kung anu-ano pa.

Panay ang sulyap ko sa aking relos at hindi ko namalayang kanina pa akong tinatawag ni Kiko.

"May lakad ka ba?" inosenteng tanong niya.

"W-wala naman." Tipid kong sagot rito.

"Kanina ka pa kasi hindi mapakali."

"Psh. Ikaw tong late at mas kailangan nito." Turo ko pa sa relos ko.

"Oo na kaw na most punctual." Ngumiwi naman ito saka tumawa.

Pagkadismiss mismo ni coach ay agad akong lumabas ng gym.

"Oy Rigel.." rinig ko pang tawag ni Ash kaya napalingon naman ako.

"B-bakit?" utal kong naitanong nang lumapit pa ito sakin na kasama si Kiko.

"Mukhang nagmamadali ka eh." Nginiwian pa ako nito bago inakbayan. "Magfo-food trip kami ni Kiko.. sama ka?"

"May lakad pako."

"Date?"

"N-no."

"Akala ko ba wala kang lakad?" Tanong ni Kiko at sumulpot sa aming usapan.

"Ngayon ko lang nalaman."

"Psh, ganyan ka. Mas mahalaga ba yang lakad mo kaysa samin?" tukso pa nitong si Ash bago pa ito kumalas sa pagkaka-akbay niya.

"Loko. I really need to go. Next time nalang." Tinapik ko pa sila isa isa bago ako nagmadaling lumabas ng gym.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko agad si George na nakaupo sa isa sa mga benches. Mukhang may kausap ito pero hindi ko na iyon pinansin pa at marahang lumapit nalang sa kanya.

"A-andito ka?... Ang ibig kong sabihin eh andito ka na ba kanina pa?" tanong ko at tanging tango lamang ang isinagot niya. "B-bakit hindi ka man lang pumasok?!" medyo iritableng tanong ko.

Bakit kasi hindi man lang siya pumasok? Ang init rito sa labas.

"Wala ka namang sinabi na mag-antay ako sa loob. Ang sabi mo lang ay antayin kita." Malamyang sagot naman nito.

"Psh. Slow." Bulong ko ngunit hindi ko malaman kung narinig niya ba iyon. Agad ako muling nakipagtitigan sa kanya at nagpaalam. "Magbibihis lang ako antayin mo ako.. saglit lang." wala man lang kaemo-emosyon siyang tumitig pa sa akin imbes na sumagot.

Agad naman akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na CR para magbihis. Nagpalit lang ako ng T-shirt at nagpunas ng pawis. Naglagay rin naman ako ng kaunting pabango at inayos pa saglit ang aking buhok.

Bakit ka ba nagmamadali Rigel? At kailangan mo pa talaga mag-ayos?

Agad naman akong lumabas ng CR at dalidali nakong bumalik kay George.

"T-tara?" yaya ko sa kanya. Medyo gulat pa siyang napalingon at hindi inaasahan ang agad na pagbalik ko.

"Ah sige mauna na ako miss. Ingat ka." Paalam nito sa kausap

"Ikaw rin." Sagot naman nung babae.

Eh sino naman ang kausap niyang yon?

Nagpaumuna na akong maglakad pero hindi ko siya maramdamang sumunod sa akin kaya naman nalingon ko pa ito. Nakita ko naman siyang lumingon pa ulit sa gawi ng babae habang may sinasabi.

"George, let's go." Tawag ko sa kanya kaya mabilis naman siyang tumalima nang lakad at sinabayan na ako papuntang parking lot.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at maayos naman siyang sumakay sa passenger seat.

Nang makapasok na rin ako sa kotse ay namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ba ang dapat ang maunang magsalita. Hindi rin nagtagal ay hindi ko akalain na siya ang pa mismo ang maglalakas loob na basagin ang nakakabinging katahimikan.

"Uhm.. pwede bang makihiram ng phone mo? Makikitext sana ako kila mommy na medyo mali-late ako ng uwi. K-kung okay lang sayo." Nahihiyang tanong niya pa kaya agad ko namang iniabot sa kanya ang aking telepono. "Salamat." Aniya at nagsimulang magpipindot roon.

"Please wear your seatbelt." Utos ko sa kanya.

"Oh, oo nga pala. Pasensiya na. Thank you ulit." aniya at saka iniabot muna sakina ang telepono bago ayusin ang seatbelt. "Parang hindi ko na yata nakikita yung motor mo."

"Pinapaayos ko pa. At ayaw rin ni mom na madalas kong gamitin ang motor dahil mas delikado raw para sakin yon."

"Ah.. I see, yun rin an sabi ni daddy kay kuya kaya puro kotse nalang rin ang naging hilig niya." Sambit habang nakatuon ang kanyang paningin sa harapan ng kotse ngunit agad rin naman niya ako nilingon bago magsalita. "Asan nga pala tayo gagawa nung project?"

"Wala namang ibang lugar na pwede kung hindi sa bahay namin. At sigurado akong hindi sa bahay niyo sapagkat biglaan rin naman to. Nakakahiya sa mommy mo."

"Oo, magugulat yon. A-alam ba nila tita na pupunta ako?" kunot noo'ng tanong pa nito.

"Kahit magpaalam pa ako o hindi, she will understand." Sinserong sagot ko naman sa kanya at saka pinaandar ang kotse.

Naging mabilis rin lang ang byahe namin papunta sa bahay at agad naman kaming sinalubong ni mommy pagkarating roon.

"Oh baby!" agad naman akong sinalubong ng yakap ni mommy. "Oh andito rin pala si Yna." aniya nang mapansin ang katabi ko. "Halika kayo pasok."

Habang papasok sa bahay ay hindi magkaandugaga sa kakaasikaso at kakakulit si mom sa bisita.

"Kamusta ka iha?"

"Okay naman po tita."

"Mabuti naman at napadalaw ka ulit rito."

"May project po kasi kami ni Ely."

"Project?"

"Opo. Sa humanities. Partner ko po kasi siya."

"Oh, how lovely. What a coincidence naman at nagkapareha pa kayo sa project na yan."

"O-oo nga po."

Nang makarating kami sa sala ay hindi pa rin nahinto si mom sa pagtatanong kay George. Talagang masaya itong bumisita ulit ang taong to sa bahay namin.

"Kamusta naman itong anak ko sa school?"

"Mom, stop it. Andito siya pra gumawa ng project." Pagsuway ko sa kanya.

"Aiish. Napakasuplado talaga nitong baby ko." Pangusong sabi niya habang nakatingin sa akin. "Pasensiya ka na at medyo suplado talaga ang batang 'yan." Pabulong na sabi ni mom kay George pero rinig ko pa rin naman iyon. "But he's so cute right?" pahabol pang sabi ni mom kaya medyo nahiya pa ako nang sabihin niya ito lalo na at pilit na ngiti lang ang iginanti ni George sa kanya.

Geez, mukha akong tangang nakikinig sa usapan ng mga babae.

"Mom, I think mas okay kung pagpapahingahin mo muna siya."

"Yeah of course. Teka kumain ka na ba iha?"

"Kumain naman po ako ng snack bago po ako pumunta rito."

Tch. Liar.

"Oh no, hindi enough ang snack. Teka ipaghahain ko na kayo ng dinner. Total naman eh malapit na maghapunan."

"T-thank you po tita." Hindi rin naman maitago sa mga ngiti nito ang pasasalamat kay mom.

"Of course, for you iha." Masayang tugon naman ni mom bago bumaling sa akin. "Oh Ely, pumunta na kayo sa kwarto mo at tatawagin ko na lamang kayo kapag handa na ang hapunan."

"Kwarto?!" pareho kaming nagulat ni George sa sinabing 'yon ni mom.

"Yes, bakit? Asan ba dapat?"

"Mom, pwede naman kami sa lib nalang ni dad."

"Tingin ko ay hindi kayo pwede roon at abala ang daddy mo ngayon."

Bakit nga ba hindi ko naisip yon?

"Eh pwede naman sigurong dito nalang kami." Tukoy ko sa sala.

"Baka madistract kayo son. Kita mo naman na magulo rin ang sala. Andito rin kasi ang mga kaklase ng kapatid mo, nasa garden lamang sila para magmerienda. And I'm telling you maiingay talaga ang mga lalaki! Hahaha!"

Tch. Puro sila lalake? Hindi pwede.

Nilingon ko na muna si George na hindi rin maipinta ang reaksyon niya sa ganoong sitwasyon.

"O-okay mom." Agad namang umaliwas ang mukha nito at ramdam ko naman ang mga maiigting na titig ni George na kahit hindi ko lungunin ay alam kong nakatingin siya sa akin nung sabihin ko iyon.

"How nice. Tiwala naman ako sa inyong wala kayong gagawin na hindi akma sa inyong edad. Hihihi." Humalukiphip pa si mom at saka tinignan ako ng may pagbabanta. "Right Ely?"

"Mom!"

"I was just joking. Hahaha! Wag ka mag-aalala iha, sabihin mo sa akin kapag may ginawang kalokohan itong anak ko sayo."

"O-opo tita. Salamat po."

Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya talaga ako sa mga inaasal ni mommy.

"Oh siya maiwan ko na kayo. Ikaw na ang bahala sa bisita natin Rigel." Paalam ni mommy bago pa kami talikuran.

"L-let's go." Yaya ko kay George

"O-okay sige."

Nang makaakyat kami sa second floor ay hindi ko pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko.

Peste! Bakit kasi kailangan talagang nasa kwarto ko pa?

Wala rin naman akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Ako ang nagyaya na gawin na namin ang proyektong to. Ayoko rin kasing makaabala pa ito sa trabaho ko kapag malapit pa sa deadline namin gawin ito.

Yun na lamang ang naisip ko para kahit paano ay mabawasan ang kaba ko.

Kasalanan mo rin ito Ely kaya umayos ka.

"We're here." Binuksan ko ang pinto ng kwarto at marahang pumasok sa loob. "What are you doing?" inis ko pang singhal nang makita ko siyang nakatayo pa rin sa labas ng kwarto.

"A-ah eh.. saan ko iiwan yung sapatos ko?"

"Iwanan mo nalang sa labas ng kwarto."

Agad naman niyang hinubad ang suot na sapatos at marahang pumasok sa kwarto.

"You can sit there sa may desk."

"O-okay."

Inilagay ko muna ang bag sa sofa at kumuha ng isang upuan at inilagay iyon sa tabi niya saka umupo.

"What are you reading?" tanong ko nang makitang may binabasa na agad siyang libro. Malamang ay nakuha ito sa shelf na nasa tabi ng table.

"Ah, this is about greek mythology. Nagbabasa ka pala nito?"

"Mm."

"Cool." Aniya habang sinusuri ang pabalat ng libro at sinimulang basahin ang laman nito.

Habang inaayos ang study table ay nagawa kong mapansin pa si George na sobrang tutok sa binabasa at talaga namang nakakamangha ang concentration nito. Bahagya pang gumagalaw ang labi nito na mistulang mahinang binabasa ang mga nakasulat sa libro. Ang atensyon niya ay naroon lamang sa binabasa at kahit marahil anong ingay na gawin mo ay maaring hindi na niya napapansin. Hindi man lang niya magawang kabahan na narito siya sa kwarto ko.

Kakaiba talaga ang babaeg to.

Ni minsan ay hindi niya ako nilingon at talagang naging abala ito sa pagbabasa sa loob ng limang minuto. Hindi ko rin napansing tapos ko na ayusin ang mesa at matagal na rin pala akong tutok na tinititigan siya.

Geez Rigel! You're so obvious! Kung hindi lang siya tutok sa binabasa niya eh mahuhuli ka talaga.

Maalala ko palang na umamin ako sa kanyang gusto ko siya ay hindi na mapirme ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya pero hindi ako sigurado kung ganun rin ba siya sakin. At ni minsan man lang ay hindi na ulit naminnapagusapan ang kahit anong bagay na may kinalaman ron.

Agad kong inalis ang paningin sa kanya at inayos ang sarili ko.

"Tama na muna yan. Unahin mo muna gawin yung project."

"Ako lang?"

"Gusto mo?" inismiran ko isya at agad naman siyang sumimangot. "Kunin mo yung mga libro na naroon sa dulo. Magagamit natin yon."

"Wow. Really?" manghang-mangha pa nitong tugon.

"Pero wag ka masyadong magexpect na marami kang makukuha ron."

"Alam ko naman yon. Wala ka kasing alam patungkol sa Arts." Yabang pa nitong sabi.

"What?"

"Wala akong masamang ibig sabihin. Pansin ko lang na hindi ka gaanong interesado sa Arts."

"At paano mo nasabi yon?"

"Nakikita ko lang... kapag may klase."

"Aahh okay... So binabantayan mo ako?"

"O-oy.. Hinde aaa! Ang kapal mo!"

"Really?"

"Oo nga! Eh paano ba naman hindi mapapansin eh panay hikab mo tuwing klase ng Humanities. Mahiya ka naman. Wag kang assuming!"

"Oh I see." Nginisian ko siya pero ang galit niyang mukha ay nanatili pa rin.

"Palibhasa wala ka kasi nung sinasabi nilang passion." Mariin pa nitong bigkas sa huling salitang pinakawalan.

"What? I know what passion is."

"Oo nga alam mo ang big sabihin, pero hindi mo alam ang pakiramdam ng may passion." Pag-uulit niya pa na may halong arte sa pagbigkas mula sa bunganga nito. (Pashen- ganern ang pagbigkas niya kung curious kayo)

"Psh. Ang dami mong alam."

"Talaga." Pagmamayabang pa nito. "Kaysa naman sayo na puro tulog ang inaatupag, kaya wala ka talagang malalaman tungkol sa Arts."

"At ayoko na rin magkaroon pa ng passion sa Arts kung magiging kasing arte mo lang rin ako." Sumbat ko sa kanya nang habang ginagaya ang pagbigkas niya roon.

"Ewan ko sayo!" singhal pa nito saka naupo ng tuwid ang pinagkrus ang mga braso.

"Maliligo lang ako. Mauna ka na munang magbasa. I can get some other books later sa library ni dad."

"Meron rin akong hiniram sa library ng school na pwede nating magamit." aniya at kinuha ang isang libro sa bag.

"Good. Maiwan na muna kita." Paalam ko at saka dumiretso sa banyo.

Hindi tulad ng mga normal na pagligo ko ay naging mabilis ang pagligong iyon. Umabot lang siguro ng trenta minutos ang pagligo ko kumpara sa dating isang oras. (Kasama na ron ang pagsipilyo at kung anu-ano pang ritwal niya kaya wag kayong ano. Maarte lang siya sa katawan.)

Pagkatapos maligo ay agad kong itinapis ang isang tuwalya sa pang-ibabang katawan ko. At saka lumabas ng banyo.

Agad namang bumungad sa harapan ko si George na nakaharap rin sakin. Tinignan pa muna niya ako mula ulo hanggang paa nang bahagya pang nakanganga ang bibig bago..

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" sigaw ni George at saka ipinikit ang mga mata at nang hindi pa nakuntento ay tinakpan pa ng mga kamay niya ang mga mata.

"George, hey stop ano ba!"

"Wag mo akong mastop.. stop. P-please." Aniya habang nakaturo sa akin kaya napunta ang paningin ko sa sarili at talaga namang doon ko lang napagtanto na naka half naked nga pala ako. Peste!

"W-wag kang tumingin. Hey ano ba.!"

"Hindi ako n-nakatingin sayo a-ang kapal mo!"

"Then stop peeping with your eyes!" Asik ko nang makitang may maliit na butas sa pagitan ng mga daliri niya sa kamay na nakatakip sa mga mata niya.

"No I'm not!"

"Really?!"

"Y-yes. J-just wear you clothes-

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin at agad na akong tumalikod sa kanya at mabilis na kinuha ang mga pamalit ko sa kama at nagtungo muli sa banyo.

What a scene Rigel! Damn!

Nang makarating sa banyo ay agad na akong nagbihis.

Naroon pa rin ang hiyang idinulot sa akin nang makita ako ni George na walang pang itaas na saplot.

Tinignan ko na lamang ang sarili sa salamin at umiling nang umiling habang patuloy na iniisip ang mga nangyari.

Nanatili pa ako ng mga ilang minuto sa banyo. Ayoko rin muna lumabas ng banyo nang hindi pa humuhupa ang hiya at kaba sa sistema ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...