Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 10

368 17 3
By CrabLamb

CHAPTER 10

[ Jenny ]

---

Alex's Point of View

No. Scrambled or Fried? - Ako.

Napangiti na lamang ako sabay sandal sa swivel chair na kinau-upuan ko dito sa opisina. Nilaro laro ko pa ang labi ko habang naghi-hintay ng reply ni Jazzquin.

Scrambled. Blue or red? - Quin.

Hula ko ay para sa damit na kasalukuyan niyang hinahanap sa Ayala.

Ang sabi niya kasi sa akin ay nasa mall siya at may bibilhin dahil may da-daluhan siyang press conference sa susunod na linggo. Mula daw sa iba't ibang eskwelahan ang mga Journalist na magla-laban laban sa conference na iyon at isa siya sa mga naimbitahang judge.

Blue. - Ako.

Ang totoo niyan ay mas bagay sakaniya ang pula pero mas ki-kinang siya at mas maka-kaagaw ng atensyon kung iyon ang isu-suhestyon ko. 

Naging mas malapit kami ni Jazzquin noong gabing nilasing niya ako. Dire-diretso nga akong nakatulog noon at nagising kinabukasan dahil dinidilaan ni Reiner ang kamay ko.

Medyo irita pa rin ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang umuwi mag-isa noong gabing iyon, naisip ko rin na baka nahirapan siyang buhatin ako pahiga sa sofa. Idagdag pa na sobrang sakit ng ulo ko noong umagang iyon.

Pero nagbago ang lahat nang makatanggap ako ng mensahe mula sakaniya.

'You confessed and asked me to be your girlfriend last night. Guess what my answer is, GERM MAN.'

Wala akong matandaan na ganoon.

Ang huli kong lang natatandaan ay bumulong ako ng 'I Love You' in German language pero hindi ko akalain na maririnig niya iyon, pakiramdam ko kasi ay sa sobrang antok ko ay pabulong ko iyong nasabi.

Iyong sinasabi niya na tinanong ko siya kung gusto ko siya maging nobya ang hindi ko matandaan.

Isang linggo na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay kinukulit ko pa rin siya kung anong naging sagot niya, pero ang sabi niya lamang ay alalahanin ko.

Wala siyang balak ulitin.

Nah. I'll pick red. - Quin.

Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe niya at balak ko pa sanang magtipa ng sagot nang biglang pumasok si Adam sa opisina ko.

Agad akong umayos sa pagkaka-upo at  ibinaba ang cellphone sa lamesa, huli na nga lang ang lahat dahil paniguradong nakita na ako ni Adam na hawak hawak ito. Ang apat na sulok na naman ng opisina ko ay panay glass wall.

"Yoong full report ng Ice pick Serial Killer?" pagtukoy ni Adam sa kasasara ko lamang na kaso noong nakaraang linggo.

Dumukwang naman ako sa pinakababang drawer ng lamesa ko at kinuha ang isang folder doon sabay abot sakaniya, "Sinendan na kita ng soft copy pero inaasahan ko nang kailangan mo ng hard copy."

Napatango si Adam habang binubuklat ang hawak na niyang folder, "Para kay Nathalie ito, I'm sure may magsi-sipuntahan nanamang Journalist."

Titig na titig siya saakin, napansin ko rin na diniinan niya ang salitang 'Journalist' bilang panga-asar saakin. Hindi lang halata dahil oras ng trabaho.

"Kumusta si Ms. Nelly?" pangangamusta niya sa batang binabantayan ko, napa-ipon naman ako ng hangin sa pisngi at binuga ito sa ere.

"Maayos naman, ang sabi saakin noong kaibigan na tinitirhan niya ay sinusubukang maghanap ng trabaho ni Ms. Nelly pero wala pang gustong tumanggap sakaniya," napahilamos ako ng mukha habang nagku-kwento, "Huli kong narinig ay balak niyang mag online selling."

Napatango si Adam, "Bukas ay ibigay mo saakin ang pinaka full report, ako naman ay susubukan ko pa ring kulitin ang DSWD na mag bigay saakin ng impormasyon patungkol sa naging diagnosis ni Ms. Nelly doon."

Napailing na lamang ako at napa himas ng buhok, "Adam, hindi magsasalita iyon. May sarili silang patakaran pagdating sa pribadong impormasyon."

"Mahirap mag pakawala ng posibleng baliw, Alex," makahulugang sabi saakin ni Adam, "Maraming taong pwedeng mapahamak kapag nagkamali tayo ng husga. Alam mo iyan."

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko, hindi na ako umuntag ng kahit na anong salita dahil lahat naman ng sinabi ni Adam ay may punto kahit may ka-kwestyon kwestyon sa ethics.

"Narinig kong nakauwi na si Wojtek galing sa US," pag-iiba niya ng tapika, "Kumusta ang pag-uusap ninyo?"

"Ayos naman."

"Walang... ibang nangyari?" alam kong tinutukoy ni Adam ang patungkol sa nangyari noong 2002.

"Adam..." pasimple kong suway sakaniya.

"Kung ganiyan ang reaksyon mo ay ibig sabihin lang ay wala," kibit balikat niyang sabi sabay tagilid na tila a-alis na, "Ganoon lang iyon kasimple Alex. Minsan para mawala ang sakit sa sugat ay tapikin mo ng tapikin para mamanhid."

Napakamot na lamang ako ng sentido sa payo niya.

"Oo nga pala," ani niya sabay harap muli saakin, "Ang kaso patungkol kay Cash?"

Napalunok naman ako sabay hila sa gitna ng makapal kong folder.

Tinitigan lamang iyon ni Adam ng matagal tagal bago tumitig muli saakin, mukhang alam na niyang may nadiskubre akong ka-kaiba.

"I clear mo ang schedule mo bukas ng gabi," utos niyang turo saakin, "Mula alasyete hanggang sa matapos ka. Pag-uusapan natin ito sa opisina ko."

Kapag inimbita ka ni Adam sa opisina niya mismo ay seryoso ang pag-uusapan.

Tumango ako bilang sagot at tuluyan na siyang umalis ng opisina ko. Agad ko naman hinila ang folder papunta sa gilid ng lamesa at kinuha ang aking cellphone.

I bought a red dress. – Quin.

Napakamot ako ng baba sa nabasa ko. Wala na akong magagawa dahil nakabili na siya.

Can I see? – Ako.

Gusto ko lang makasigurado kung presentable.

Agad akong naalarma nang nadanggi ng siko ko ang makapal na folder, bumuklat tuloy ito at tumapon ang lahat ng laman.

Napapikit na lamang ako at napakurot ng ilong.

"Putang."

Tumayo ako mula sa swivel chair at tumuhod sa sahig para pagsama samahin muli ang mga papel na magkakasama. Mula sa mga statements ng mga kinuwestyon namin, sa background ng mga biktima at ang huli ay mga litrato ng crime scene.

Nang pagsasama samahin ko na sana ang mga litrato ng crime scene ay bigla akong may napansin.

Kumunot ang aking noo at tinignan isa isa ang mga litrato, ang kabuuang disenyo ng Human centipede design na pabilog, ang disenyo kay Cash na nakatayo ng tuwid dahil sa pole, at ang nakabaluktot na pwesto ni Atty. Eusebio.

Napalunok naman ako at pinag isa muli ang tatlong litrato sabay balik ng folder sa lamesa.

Pumunta ako sa isang malawak na glass wall at idinikit roon ang tatlong litrato ng magka-kahiwalay.

"Magkakaiba ang disenyo," bulong sabay turo isa isa sa mga litrato, "Bakit?"

Pagilid naman akong napalabas ng ngipin sabay higop ng hangin, sa una kong deduksyon ay nakita ko lang ang pinaka primary na ibig sabihin ng disenyong ito. Pero bakit parang may secondary pa akong nakikita?

Hindi ko alam kung tama ang hula ko, sa totoo lamang ay mas marunong si Wojtek sa mga ganitong bagay kaya medyo ilang ako. Hindi ako pwedeng magsimula ng deduksyon dahil lamang sa isang teorya.

"J?" ani ko habang ina-assemble ang tatlong litrato, sa pagkakataong ito ay dikit dikit na.

Medyo hiwalay nga lang ang Human centipede design dahil tuldok ito, sumunod ang tuwid na litrato ni Cash at ang pinaka ilalim ay ang tinagilid ko pang litrato ni Atty. Eusebio.

Napalunok naman ako at napaisip, una sa lahat anong eksplanasyon ang isu-suporta ko dito?

Bakit J?

Unang Deduksyon.

Base sa mga pinapatay, ang target ng Serial Killer na ito ay mga sex offenders.

Bakit? Malaking posibilidad na dahil sa traumang tinanggap nito mula sa isang sex offender. Gustong ipalaklak ng Serial Killer ang sariling gamot ng mga sexual offender na mismong sila ang nagpapalaklak sa inosente.

Pangalawang Deduksyon.

Yoong primaryang disenyo ang nagpa-totoo. Hinuhubaran niya ang mga lalaking ito dahil gusto niyang maging kahiya hiya ang mga ito, kung minsan pa ay pinuputulan niya ng ari, simbolo na tigilan na ng mga ito ang ginagawa.

Is it Punishment? Hindi, mas matindi pa doon.

No, more like a Vengeance? Hindi, masyadong malalim, magiging 'sobrang' personal.

More like...

Retribution.

Pangatlong Deduksyon.

Alam ng Serial Killer kung anong kahinaan ng mga biktima niya. Kung ang Human Centipede design lamang ang titignan ay magmu-mukhang maraming tao ang gumawa noon.

Ngunit sumablay siya sa naging disenyo niya kay Cash, na pwedeng gawin ng isang tao.

Naalala ko tuloy ang deduksyon ko sa crime scene mismo ni Cash.

Isa lang siya.

"Dito mo gusto gawin?"

Babae.

Sira ang lock, naka kandado ang pintuan ng mga karaoke room kapag walang customer na gumagamit.

Careless.

Sociopath.

Nang may mapagtanto ay biglang napakunot ang noo ko sabay balik sa desk ko.

Sinearch ko ang nais kong hanapin at ibinungad kaagad nito saakin ang bilyong resulta na pwedeng maging sagot ng katanungan ko.

Habang nagbabasa ako ng mga kaukulang artikulo patungkol dito at napagtanto na may pagkakatulad nga sila ay napasandal ako sa swivel chair at nag-isip.

Sapat na kaya ito bilang pang suporta?

Naagaw naman ang atensyon ko nang mag vibrate ang cellphone ko. Nang makita kong si Jazzquin iyon ay agad ko iyong tinignan.

No. - Quin.

---

Hindi ko natuloy ang pag pu-push up ko nang biglang tumalon si Reiner sa likuran ko at sumunod si Jona.

Hindi ako tumigil dahil sa nabigatan ako, kung hindi dahil sa ibabaw ko sila nag-away at nag tulakan.

"Oo na, oo na pakakainin ko na kayo," iling iling kong sabi sabay tayo mula sa sahig ng sala at kuha ng kainan nilang dalawa.

Panay pa rin ang paglalaro nilang dalawa kaya mapayapa akong nakakapag handa ng pagkain, noong mga unang araw pa lang ni Jona dito ay halos hindi sila nagpa-pansinan. Lagi pang nakatanghod si Reiner pag alam niyang pakakainin ko na siya.

Nang mailapag ko na ang kainan nila sa lapag ay nag unahan pa silang tumakbo.

Napailing na lamang ako at tumalon upang lumambitin sa bar na naka dikit sa pader, sa itaas ng pintuan ng kusina. 

"7...8...9..." bawat pag pull-up at pag baba ko ay nadadagdagan ang pawis na tumatagaktak sa katawan ko, hindi ko naman iyon gaanong alintana dahil wala akong suot na pang-itaas at Hulyo na, hindi na ganoon kainit ang panahon.

"10."

Nang maka sampu ay bumaba muna ako at pinapahinga ang medyo namanhid kong mga braso. 

Napa pameywang ako at medyo hingal na tinignan ang orasan, pagkatapos ng dalawang minuto ay gagawin ko ang pull up + one arm negative.

Yoon nga lang ay hindi natuloy dahil sa sunod sunod na kalabog sa pintuan ng bahay ko.

Napakunot naman ang noo ko, mukhang desperado ang mga katok na iyon kaya palagay ko ay kailangan ng mabilisang pag sagot kaya hindi na ako nakapag abalang mag suot ng pang-itaas at dire-diretso nang binuksan ang pinto.

Napakurap naman ako nang makita ko si Nelly, nakita ko siyang nakatingin sa kaniyang likuran na animo'y binabantayan ang likuran dahil hinahabol siya. 

Nang mapansin niyang nabuksan ko na ang pintuan ay napadako ang tingin niya saakin, takot na takot ang mga mata niya at nanginginig.

"Bumalik ka ditong magnanakaw ka!"

Nang marinig ko ang boses ng isang matandang lalaki ay agad ko siyang hinila papasok at itinago sa aking likuran.

Agad ko namang na namukhaan ang matandang lalaki, ang alam ko ay ito ang tiyuhin ng kaibigan na tinutuluyan ni Nelly.

Yoong pinaka may ari talaga ng bahay.

"Ano hong problema, sir?" mahinahon kong tanong habang pinagmamasdan ang mga mata niyang nanlilisik patama sa likuran ko.

"Pinag nakawan lang naman ako ng lintik na babaeng iyan!" sigaw nito sabay duro sa likuran ko.

"Hindi kita pinag nakawan!" depensa ni Nelly sa sarili niya, "Nakita ko yoong babaeng inuwi mo kagabi, dumudukot sa pitaka mo habang nasa banyo ka!"

Napagilid naman ako ng panga sabay tingin muli sa matandang lalaki, "Sir, natanong niyo na ho ba iyong babaeng tinutukoy ni Ms. Goliath?"

"Hindi!" may halong pagkapahiya ang boses nito, pero panandalian lamang iyon, "Pero sigurado akong iyang babaeng iyan ang kumuha noon! Hindi ko nga alam kung pa iyan tinanggap ni Melissa, eh anak ng mamamatay tao iyan!"

"Sir."  

Malalim ang pagkakasuway ko kahit na pinilit ko na maging normal iyon. Napatameme ang matanda sa harapan ko at naramdaman ko rin na napayuko si Nelly sa likuran ko.

Napapikit ako at malakas na napahugot ng hangin sabay dilat muli, "May ebidensya ho ba kayo na makakapag turo kay Ms. Goliath na siya ang kumuha?"

"Eh siya nga ang kumuha!" turo nito kay Nelly na parang napapagod na akong kumbinsihin, "Pulis ka kaya dapat higit mong naiintindihan ang malaking posibilidad na gawin niya iyon."

"At bilang Investigator Agent ho ay higit na mas alam ko kung paano ituro ang tunay na may kasalanan. Kung malaki ang posibilidad na si Ms. Goliath ang kumuha ng pera ninyo ay mas lalong malaki ang posibilidad na hindi, alam niyo ha ba kung bakit?" mahinahon pero may diin kong sabi.

Nang hindi sumagot ang matanda ay napatango na lamang ako, "Walang ebidensiya. Walang witness at pakiwari ko naman ay binuklat niyo na rin ang gamit ni Nelly habang nasa Divisoria siya kanina, hindi ba?"

Hindi muli nakasagot ang matanda sa sinabi ko pero taka akong tinignan ni Nelly, iniisip ata kung paano ko nalaman na galing siyang Divisoria kanina, pero mayamaya lang rin ay napagtanto niyang binabantayan ko ang bawat galaw niya.

"Paniguradong pinanggastos na niya ang pera ko."

"Galing ho saakin ang perang pinanggastos niya kanina," depensa ko, nagpa-abot kasi si Mrs. Melanie ng allowance para sa anak noong isang araw kaya inabot ko ito kay Nelly kahapon, "Mahigpit pa pong binabantayan ng NBI ang batang ito. Hindi po porket na isang mamamatay tao ang ama niya ay ganoon na rin siya."

Napasipsip naman ng dila ang matanda sabay talikod saakin, mukhang iritado dahil wala na siyang masabi.

Isinarado ko naman ang pintuan at humarap kay Nelly, nakayuko ito na tila may iniisip.

Agad kong napansin na wala pa akong pang-itaas kaya naglakad ako palapit sa sofa para hablutin ang nakasabit na itim na sando sa sandalan nito.

Wala pa rin siyang imik nang makapag bihis ako, paniguradong sa nangyari ay hindi na siya babalik sa bahay na iyon.

Napakamot ako ng ulo, "Gusto mong umupo muna?"

Sa sinabi ko ay naagaw ko ang atensyon niya, hindi niya ako sinagot pero dahan dahan rin siyang lumapit at umupo sa sofa.

Napansin siguro ni Reiner at Jona ang presensya niya kaya nagsi puntahan ang mga ito sa sala, nakita ko namang nag ningning bigla ang mga mata ni Nelly at kinuha si Reiner.

"Hi..." ani ni Nelly habang pinanggigigilan ang balahibo ni Reiner.

Nakita ko namang inantok si Reiner sa pagkakahimas sakaniya kaya papikit pikit itong dumantay sa panggigigil ni Nelly.

Si Jona naman ay nakatingin lang kay Nelly, inaantok ang mga mata pero mas mukhang nagsu-sungit.

"Gusto mo bang tawagan ko ang Mama mo?" tanong ko, mukha kasing wala siyang ibang matutuluyan.

Hindi naman rin niya magugustuhang manatili dito sa bahay, mainit ang dugo niya saakin.

Nawala naman ang ngiti ni Nelly sa mga labi at inilapag si Reiner sa sahig.

Bahagyang umuwang ang labi ko nang padabog siyang tumayo, "Kung ayaw mo akong nandito ay sabihin mo lang! Kaya ko namang matulog sa kalsada eh."

"Hindi iyon yoong ibig kong sabihin," kamot pisngi kong depensa sa sarili ko.

Mali ba ako ng deduksyon?

"Naisip ko lang na hindi ka magiging kumportable na dito ka mananatili," hindi ko siguradong pagdadahilan pa, "Kaya naisip ko na baka mas kailangan mo ang Mama mo ngayon?"

"Mas pipiliin kong matulog sa kalsada at mapag samantalahan kaysa tumira kasama ang bagong pamilya niya!" 

Umigting ang panga ko sa narinig ko, sa sinabi ni Nelly ay parang yoong pasensya ko na sobrang laki ay biglang umikli.

Ngayon lang yata ako nakarinig ng mga katagang ganoon sa isang babae.

"Kuya!" umiiyak na tawag saakin ni Jacky.

"Kuya!" pagsusumamo pa niya.

Ayokong sumigaw ng masasakit na salita kaya agad kong tinalikuran si Nelly at dumiretso sa kwarto. 

Iritado kong inalis bed sheet ng kama ko pati na rin ang ibang pili na punda ng unan. Pumili rin ako ng tatlong unan at itinabi ito sa isang gilid.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Nelly, nakatayo na siya sa may pintuan.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy lamang ang paha-handa ng panibagong kobre kama, gigil ko pang hinapit ang bawat dulo upang walang maiwang gusot.

Pinaikot ko naman ang comforter ko at ipinatong iyon saglit sa ibabaw ng mga unan na inihiwalay ko. Tumalikod ako at kumuha sa aparador ng panibagong kumot at inihagis iyon sa ibabaw ng kama.

Binalikan ko yoong comforter at ilang unan na hiniwalay ko kanina sabay binuhat ng mga ito palabas.

Walang emosyon kong tinignan si Nelly, "Wag mo munang isarado at ku-kuha pa ako ng mga damit."

Hindi siya nakasagot saakin pero kita ko sa mga mata niya na wala na iyong inis, ang totoo niyan ay para nga siyang guilty.

Nang bumalik ako sa kwarto ay nakita kong nakaupo na siya sa gilid ng kama. Hindi ko pa rin siya pinansin at dumiretso lamang sa aparador ko at kumuha ng damit na ipang papasok ko bukas at pantulog.

"Sorry!"

Hinayaan ko na lamang ang malakas na pagsara ko ng pintuan ang sumagot para saakin.

---

"Der Mist!" napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko muli ang sakit ng likuran ko. Paniguradong dahil ito sa hindi kumportableng higa ko sa sofa.

"Aga aga nagmu-mura ka," napatingin naman ako kay Jonathan na kararating lamang.

Agad siyang kumuha ng paper cup at naglagay ng mainit na tubig roon, "Ang alam ko kapag nagse-sex, babae ang napupuruhan. Bakit parang ikaw yoong napuruhan?

Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinipa ang binti niya, hindi nga lang siya natamaan dahil mukhang inaasahan na niyang gagawin ko iyon.

"Biro lang! Ito naman," sabi ni Jonathan habang may mga pahabol pang tawa, "Ganiyan talaga kapag nasa trenta na, minsan rin ay nasakit yoong likod ko. Hays, ngayon naiintindihan ko na kung bakit laging nakasimangot si Head Agent noong trainees pa lang tayo at laging nakaupo."

Nawala naman bigla ang pagkakakunot ko ng noo sa sinabi niya.

"Gago ka talaga."

Hindi rin nagtagal ang pagu-usap namin dahil may kani-kaniya kaming trabaho.

Alas kwatro ng hapon, habang nasa kalagitnaan ako ng paga-ayos ng mga papel na ipe-presinta ko kay Adam mamaya ay napatigil ako nang makita ko si Jazzquin.

Napakurap ako ng maraming beses upang siguraduhin na hindi ako namamalikmata, naglalakad siya palapit sa opisina ko habang nakapako ang tingin saakin.

Tahimik ko lang siyang sinundan ng tingin hanggang sa tumigil siya sa tapat ng pintuan ko. 

Naka light pink off-shoulder blouse siya, long sleeve iyon pero mukha namang presko ang tela at kulay kaya hindi mainit tignan. Naka tuck-in iyon sa palda niya na humahapit mula baywang hanggang baba ng tuhod niya.

Pansin ko ring maalon ng kaunti ang estilo ng buhok niya ngayon, may maliit rin na porsyon nito ang nakatali palikod.

Ipinokus ko ang pag ngiti ko sa aking kaliwang pisngi sabay kindat sakaniya.

Iinikutan niya ako ng mata at tinalikuran para pumasok sa opisina ni Nathalie.

Napangiti na lamang ako at napailing sabay ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga papel.

Para akong mas ginanahan mag trabaho.

Saktong pagkasarado ka ng folder ay biglang nag vibrate ang cellphone ko, nang makita kong si Jazzquin iyon ay lihim ko siyang tinignan bago iyon buksan.

Ty vyglyadish' goryacho - Quin.

Napataas naman ako ng dalawang kilay sabay angat ng tingin kay Quin, nakahalumbaba lamang siya habang seryosong nakikinig kay Nathalie na parang wala siyang itinext saakin ngayon lang.

Rumolyo ang dila ko at pasimpleng binuksan ang desktop para i-translate ang pinadala niyang mensahe saakin.

Napahimas ako ng dalawang panga gamit lamang ang isang kamay para maitago ang ngisi ko, she really knows how to make me smile.

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang may matanggap muli akong mensahe, kaso nga lang hindi na si Jazzquin iyon. Si Adam na, pinapaakyat na ako sa opisina niya.

Nakita ko kung paano napakagat si Jazzquin sa pang-ibaba niyang labi nang makita ang pagkadismaya sa ekspresyon ko, napa iling na lamang ako habang nakangiti at tumayo na.

Nang lumabas ako ng opisina ay pasimple akong kumaway kay Nathalie kaya naagaw ko ang atensyon niya, napalingon din saakin si Jazzquin habang nakataas ang isang kilay.

"Saan punta mo?" tanong ni Nathalie.

Itinuro ko lang ang itaas, alam na niya ang ibig sabihin noon.

Tinanguan niya lamang ako bilang sagot at tumingin kay Jazzquin, nginitian ko lamang siya sabay kurap ng matagal bilang pagpa-papansin.

Bahagya pa akong napaatras sa tapat ng opisina ni Jonathan nang makita ko siyang natutulog, may mga papel sa may dibdib niya at nakanganga pa.

Tawang tawa naman akong hinugot ang cellphone ko sa bulsa at kinunan siya ng litrato.  

Hindi nagtagal ay umakyat na ako para makapunta sa opisina ni Adam, narinig ko pang may meeting silang mga Head Agents kaya saglit pa akong naghintay.

Nang mag silabasan na ang ilang Head Agents ay hindi na ako naghintay na dumungaw si Adam para tawagin, ako na ang nagkusang pumasok.

"Yes Jane," ani ni Adam sa kausap niya sa telepono, "I'll be late, don't wait for me anymore."

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalang binaggit ni Adam, akala ko Dannah ang pangalan ng asawa niya?

"Wife?" bungad ko nang maibaba na ni Adam ang kaniyang telepono.

"Second," sagot ni Adam saakin sabay suksok ng cellphone sa kaniyang bulsa, "Dannah died 5 years ago."

Napakuyom naman ako ng labi sa isiniwalat niya, hindi ko alintana na may ganoong nangyari dahil hindi naman si Adam ang tipo ng tao na dinadala sa trabaho ang personal na buhay niya.

Naagaw ang atensyon ko nang ayain ako ni Adam na lumabas ng meeting room.

Muli kaming pumasok sa isang opisina, mas malaki ang espasyo nito kaysa sa amin. Hindi rin katulad ng amin ay purong pader ang tumatakip dito imbis na glass wall.

Matapos isara ang blinds ng bintana ay inupuan na ni Adam ang makapal na folder na dala ko.

"Pinagsama mo ang murder ng Shaw Boulevard Massacre at..." napataas ang dalawa niyang kilay nang makita ang papel na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa pagpatay kay Cash at Atty. Eusebio.

Nag-angat siya saakin ng tingin, naka tayo kasi ako sa harapan ng desk niya.

Isang malalim na pag hinga ang pinakawalan ko, "Iisa lang ang pumatay sakanilang lahat."

"Kung gayon ay isa ding Serial Killer case ang sa Shaw Boulevard Massacre," tango tangong ani ni Adam habang tumitingin sa mga litrato, "Paano ka napunta sa ganitong konklusyon?"

"Disenyo," turo ko sa mga litrato.

"Misandrist din ba ang Serial Killer na ito?" sabi ni Adam habang binabasa ang mga tipid kong deduksyon sa likod ng papel.

Napagalaw ako ng panga sa tanong niya, sigurado akong iyon ang naging konklusyon niya dahil hindi pa niya alam ang tunay na ginagawa ni Cash.

"Hindi," tipid na sagot ko, "Lahat ng biktima ay mga sexual offender."

Nakita ko kung paano bahagyang umuwang ang labi ni Adam sa narinig, malalim akong napabuntong hininga at nagpatuloy sa pagsa-salita.

"Nakakita ako ng ng Date-Rape drug sa pitaka ni Atty. Eusebio."

"Isa si Cash sa mga biktima, Alex."

"Dahil isa siyang sexual offender."

Napahilamos ng mukha si Adam sa narinig mula saakin, pinipilit na hindi magulat.

"May ebidensiya ka ba?" tanong saakin ni Adam, agad naman akong tumango at kinuha mula sa loob ng folder ang statement ni Lany at ang prinint kong litrato ng Date-Rape drug na nakuha ko sa pitaka ni Cash.

"Ang sabi ni Lany ay si Cash ang nagyaya sakaniya na pumunta ng karaoke house ng silang dalawa lang. Wala masyadong kahina-hinala doon pero..."

Itinuro ko yoong litrato ng Date-Rape drug, "Ayon kay Lany, pagkagaling niya ng banyo ay wala na si Cash sa kwartong nireserba nila. Mayroon siyang hindi naubos na in-can na alak kaya na palagay ko'y may halong Date-rape drug, dahilan para mawalan siya ng kamalayan pagkatapos ng ilang minuto."

"Ito ang ginamit ni Cash?" turo ni Adam sa litrato ng Date-Rape drug, "Saan mo ito nakita?"

"Sa pitaka niya."

"Hindi mo ba naisip na baka kagagawan ito ng killer?" turo ni Adam, mukhang hindi pa rin tanggap kung anong klaseng tao si Cash, "Paano kung ginawa niya ito para i-frame up si Cash?"

"Anong makukuha niya kung gagawin niya iyon?" makahulugan kong tanong kay Adam.

"Tugma rin ang mga contents na nakita sa in-can beer na ininom ni Lany sa mga gamot na iyan," krus ang dalawa kong braso na paliwanag, "Naisip ko rin na NBI si Cash kaya madali niyang makukuha ang tiwala ng mga babae."

Isang malalim na pag hinga ang pinakawalan ni Adam, palagay ko'y may naalalang kasamahan.

Napatango na lamang si Adam kalaunan, "Hindi na rin ako magtataka sa mga biktima ng Shaw Boulevard. Ngayon ibigay mo saakin ang deduksyon mo patungkol sa bagong Serial Killer na ito."

Napatikhim naman ako bago magsalita.

"Babae."

Napataas ang dalawang kilay ni Adam sa narinig, "Puppet?"

Umiling ako, "Siya ang pumipili, pumapatay at nagdi-disenyo."

"Personal?"

"Oo? Siguro?" hindi ko siguradong sagot sabay iwas ng tingin.

Napagilid ng panga si Adam, "Ito ang unang beses na hindi ka sigurado, Alex."

"Ang una niyang disenyo ay maramihan, tapos biglang nag-isa isa kaya hindi ako sigurado kung may katulong siya o wala,"  depensa ko sa aking sarili, "At wari kong may dahilan kung bakit. Hindi lang isa ang ibig sabihin ng disenyo niya, kung may primary ay may secondary, hindi ko alam!"

Pinanood lamang ako ni Adam na mag deliryo. Palagay ko'y alam na niyang may iniisip ako.

"Anong secondary design?" sa wakas ay itinanong na niya rin.

Naga-alangan naman akong inilapag ang isang magandang kuha ng crime scene ni Cash at ni Atty. Eusebio, kagaya ng ginawa ko kahapon ay ipinag dikit dikit ko ang mga ito.

"J?" may tonong nanghula pang sabi ni Adam, "Bakit J?"

"Hindi ko rin alam," iling iling kong sabi habang nakatitig sa litrato.

Napasandal naman si Adam sa kaniyang kinau-upuan habang tinitignan pa rin ang litrato, halata sa ekspresyon ng mukha niya ang pagdududa.

"Sigurado ka ba dito, Alex?"

Napahilamos ako ng mukha habang nailing, "Ang nai-isip ko lang ay kabaliktaran siya ng isang notorius Serial Killer."

"Anong ibig mong sabihin?"

"It's a retribution," duro ko sa mga litrato, "Kung ano ang ginagawa ng mga sexual offender na ito sa mga biktima niya ay iyon ang pinaka primary na disenyo niya sa pagpatay sakanila. She made them pay ten fold."

"Wait, are you talking about Jack the Ripper?" panghuhula ni Adam sa tinutukoy kong kahalintulad ng Serial Killer na pinagu-usapan namin.

Nang tumango ako ay bigla siyang may napagtanto bigla.

"Ilan sa mga biktima ay mutilated ang ari," bulong ni Adam habang tinuturo ang ibang biktima sa litrato.

"Ilan sa Canonical Five ni Jack the Ripper ay wasak ang ari, pero may iba rin na hindi ginalaw,"  pagpu-punto ko sa pagkakatulad, "This is his genderbend version."

Matagal na natahimik si Adam habang nakatingin sa mga crime scene na litrato, nakita ko rin na biglang kumuyom ang kamao niya dahil sa stress.

"Alright," biglang sabi ni Adam na may kasama pang tango, inihagis niya ang mga litrato pabalik sa folder, "Bukod sa pagiging babae, her retribution design. Ano pang masasabi mong katangian niya?"

"She's a sociopath"

Naglaro ng panga si Adam at tumango, "Katulad ni Sebastian."

Malalim naman akong napabuntong hininga.

"Alam kong mahahanap mo siya Alex," buo ang tiwalang sabi ni Adam saakin, "Mas madaling mahanap ang socio sa psycho."

Pikit na lamang akong napahilamos ng mukha sabay tango, a-ayon na lang ako para maitago ang pagkailang ko.

"Since she's still unidentified, let's call her Jenny," deklara ni Adam, "Jenny the Stripper."

Continue Reading

You'll Also Like

101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
83.9K 4.2K 53
Naranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
37.3K 2.7K 30
Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat para lang maipaglaban ang kanilang pagmama...