Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 9

1.4K 52 20
By Levelion

Kabanata 9
Nananabik



"Natutuwa akong makita kang muli, Persis. Mabuti na lang at napadalaw ka." ani donya Leticia.

Narito kami ngayon sa konkretong asotea sa mansion ng mga Bergancia. Mula rito sa kinauupuan naming synthetic rattan sofa na kulay krema ang foam, tanaw na tanaw dito ang malawak at luntiang kapatagan na may nagkalat na iilang kabayo. Pasalubong ang ihip ng hangin kung kaya't napakapresko rito.

"Pinangako ko po kay Code na bibisitahin ko kayo rito. Nanghihingi nga siya ng paumanhin dahil hindi siya nakauwi ngayon. Hectic po kasi ang schedule niya."

Sumimsim si Donya Leticia sa baso niyang may juice. "Wala naman kaming magagawa. Pangarap ni Code ang lahat ng iyan, eh. Kaya susuportahan na lang namin siya. Alagaan mo ang pamangkin ko, Persis."

Ipinatong ni Donya Leticia ang palad niya sa kamay kong nasa ibabaw ng aking hita.

"Wag mong pababayaan ang pamangkin ko. Kahit na malayo siya sa amin ngayon ay panatag ang kalooban ko dahil nandyan ka para kay Code. Kaya sana, wag kang magsasawa sa kanya."

Nginitian ko ang Donya. "Mahal ko po si Code at hinding-hindi ako magsasawa sa kanya."

Inalis ni Donya Leticia ang kamay niya sa hita ko at tumingin sa malayo. "Sayang at wala ang kuya ngayon dito."

"Nasaan po pala ang Don? Kamusta po pala siya?"

"Nasa coconut plantation. Lately ay nagkakaroon ng sunud-sunod na aberya sa planta at nakikita ko kay kuya na nahihirapan siya. Gusto ko man siyang tulungan pero, wala akong sapat na kaalaman doon at saka, napagkasunduan kasi namin na siya ang mangangasiwa ng mga planta at ako naman sa kumpanya. Kung sana, nagkaroon lang ng interest si Code sa mga negosyo ni kuya."

"Hayaan niyo po, Donya Leticia. Babanggitin ko sa kanya ang tungkol doon."

"Tumatanda na si kuya at walang ibang magmamana ng lahat ng ari-arian niya, kung di si Code. Kaya sana, kahit kaunti ay magkaroon naman ng puwang kay Code ang mga ari-arian na pinaghirapang alagaan at paunlarin ni kuya. Bakit hindi niya ulit subukang pag-aralan ang paghahandle ng mga iyon."

"Sigurado akong mapapag-isipan din po ni Code ang tungkol sa bagay na iyon. Wag kayong mag-alala. Nasa puso pa rin niya ang pamilya niya."

"Nakakalungkot nga na mas ginagamit niya pa ang Realonda, kaysa sa Bergancia. Pakiramdam ko tuloy ay hindi niya pa talagang tanggap ang pamilyang ito."

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Donya Leticia at sa tono ng kanyang pananalita ay nararamdaman at nahihimigan ko roon ang malalim na pagtatampo.

"Wag niyo pong isipin iyan. Mahal kayo ni Code. Ginagamit niya lang ang Realonda bilang stagename, pero kapag pumipirma ng autograph iyon ay parati niyang isinasama ang Bergancia." pagpapalubag loob ko sa Donya.





Hindi ako nagtagal sa mansion dahil kinahapunan ay nakipagkita naman ako kay Robert sa talampas.

"Hindi ka na ba talaga magtatagal dito?" tanong ni Robert habang tila nagsusumamo itong nakatingin sa akin.

Nakaupo kaming pareho sa damuhan. Si Robert ay nasa magkabilang gilid ang mga braso at nakatukod sa damuhan ang mga palad habang ang kanyang mga paa ay tuwid na nakalatag sa mga damo. Ako naman ay naka indian seat at kandong ang aking gitara.

Napakaganda ng tanawin mula rito. Punong-puno ng kapayapaan at katiwasayan ang buong paligid na pinalilibutan ng kabundukan, burol, parang at malalawak na palayan. Napakaganda ng luntiang paligid na pumapalibot sa amin at ang asul na kalangitan na nagsasabing napakaganda ng umaga. Ang mga ito ang pinagmamalaking kayamanan ng Ashralka na hahanap hanapin ng sino mang mapapadpad dito.

"Pasukan na next week, hindi ko na pwedeng iextend ang pamamalagi ko rito."

Napapikit ako nang umihip ang malamig at malakas na hangin. Hinayaan ko namang tangayin nito at liparin ang nakalugay kong buhok.

"Kung sabagay, kung ieextend mo naman ang araw mo rito ay hindi rin naman tayo kumpleto, wala si Code, wala si Felix at Joe, pati si Tyron. Hindi magandang mamasyal." ani Robert na nakatingin sa malayo.

"Ayun na nga, eh. Gusto ko sanang maligo sa Dodiongan, kaya lang ay mas masaya kung kumpleto tayo. Sana sa susunod na punta ko rito, kumpleto na tayo."

"Ayain mo si Code, madali namang ayain iyong tatlong mokong, eh. Si Code lang talaga ang mahirap, di na kasi mareach ang mokong na iyon." nakangising sabi pa ni Robert. 

"Hayaan mo, kukulitin ko siya. Dapat nga ay kasama ko siya ngayon kung hindi lang siya nagkaroon ng biglaang schedules."

"Namimiss ko na ang bonding natin. Minsan tuloy, hinihiling ko na sana bata na lang tayo ulit. Ang layo na kasi nating lahat sa isat-isa. Namimiss ko na iyong jamming session natin. Ang sarap lang balikan ng nakaraan."

"Are you not happy with your life now, Robert?"

Tumaas ang kilay niya sa tanong ko. "Bakit mo naman naitanong iyan?"

"Wala lang, naisip ko lang...kasi kapag nalulungkot ako, ganyan din ang pumapasok sa isip ko. Ang hilingin na bumalik ang lahat sa nakaraan, kasi sa nakaraan ka naging masaya. Parang ganoon. Nagegets mo ako?"

Ngumiti siya at tumango. "Well, kanya-kanya naman tayo ng dahilan kung bakit minsan gusto nating bumalik ang lahat sa nakaraan. Maaring tama ang sinabi mo, iyong hindi ka masaya sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon, pero pwede rin naman na...gusto mo lang talagang balikan iyong nakaraan, kasi...namimiss mo lang."

"So, alin doon ang dahilan kung bakit gusto mong ibalik ang nakaraan?"

"Dahil nalulungkot ako na hindi ko na naririnig na tumutugtog ang banda. Iyong dahilan kung bakit ako nangarap noon. Tugtugan mo na nga lang ako, masyado tayong nagiging madrama, eh." aniya.

Napangiti ako at saka inayos ang itim na capo na naka-clamped sa leegan na bahagi ng gitara ko. Inistrum ko iyon saglit at nag-isip ng aking tutugtugin.

Pagdating sa mga kaibigan ko ay game na game akong tumutugtog kapag gusto nila. Ganoon ako kakumportable kapag alam ko na sila ang makikinig sa akin.

Nang makaisip na ako ng tutugtugin ay sinimulan ko ng istrum ang gitara ko. Si Robert naman ay tahimik na nakatingin sa akin.

Minsan pa, nang ako'y napalingon. Hindi ko alam na ika'y tutugon, sa mga tanong na aking  nabitawan, hindi ko alam kung ito'y totoo...

Pangarap ka, sa bawat sandali...langit man ang tingin ko, sayo sana'y marating....

Nakangiting kinagat kong labi habang nag iistrum. Naaalala ko na madalas ko itong tugtugin noong panahong hindi pa kami ni Code. Na isa palang akong kaibigan at tagahanga niyang nagpupumilit pumasok sa puso niya.

Hanggang dito na lang yata, ang kaya kong gawin, mangarap na lang at bumulong sa hangin...Kailan kaya, darating ulit ang isang sandali na ako'y lilingon muli....

Isang malakas na palakpak ang ibinigay ni Robert pagkatapos kong tumugtog. Nakangiting itinuro niya pa ako.

"Alam mo, iyong mga katulad mo, Persis. You deserve to have an album."

"I can't. Alam mo namang napakamahiyain ko."

"Iyong hiya mo, mawawala rin iyan. For sure, nasasanay ka na rin sa limelife dahil kay Code. Why don't you try to enter the music scene? Pogs, sayang ang talent mo."

"Magagamit ko naman ang talent ko dahil lyricist na ako ng Downtown."

"You deserve more and better, Persis. More than a lyricist and you know that. Alam ko rin na gustong-gusto mong maging singer, hindi ba?"

Napangiwi ako sa mga sinasabi ni Robert, tama siya na gusto ko rin maging singer pero hindi pa ako handa sa ngayon. "Do you really think I can?"

Marahang inilagay ni Robert ang palad niya sa pisngi ko at masuyong tinitigan niya ako.

"Oo. Hindi malabong maging sikat kang solo artist. Just be confident. I want to hear your music someday."

"Maybe if opportunity will come. I will grab it." sabi ko at saka huminga ako ng malalim.

"Ganyan nga, pogs." aniya at saka inilagay ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko para lang guluhin ang aking buhok.

"Robert!"

Akmang hahampasin ko siya pero nakailag siya at mabilis tumayo. Ibinaba ko naman ang gitara ko at saka hinabol ko siya.

"Kokonyatan kita kapag nahuli kita!" banta ko sa kanya.






Kinabukasan ay hinatid ako ni inay at itay Noel sa  Terminal ng bus. Bago ako makasakay ay panay ang bilin sa akin ni inay na halos hindi ko na matandaan ang iba dahil sa dami. Isa lang naman ang parating tumatatak sa isip ko sa tuwing magbibilin siya sa akin, iyon ay ang alagaan ang sarili ko at wag makakalimot sa diyos.

Isang sakong hilaw na mangga at saging na saba ang ipinadala sa akin ni inay at itay. Ipamahagi ko raw iyon sa mga kakilala namin sa maynila. May usapan na rin kami ni Code na susunduin niya ako sa bus terminal dahil marami akong dala.

Habang nasa bus ako, papalayo ng Ashralka ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil muli ay iiwan ko na naman ang lugar na ito. Kung pwede lang na wag na akong umuwi ng maynila. Kung pwede lang sana na dito na lang kami ni Code ulit.





Pagdating ng bus Terminal ay imbes na si Code ang sumundo sa akin ay si sir Gerry ang natanawan ko pagbaba ko ng bus. May kasama pang isang lalaki ang mananger ng Downtown.

"Nasaan po si Code?" nagtataka kong tanong habang pinagtutulungan nilang dalawa na ilagay sa likod ng sasakyan ang isang sakong mangga at saging.

"May biglaan silang meeting, susunod na lang daw siya. Pauwi na rin siguro iyon." ani sir Gerry.

"Naku, nakakahiya naman po pala at kayo ang sumundo sa akin, sir. Paano po iyong meeting? Diba po dapat ay naroon din kayo?"

"Napag-usapan na namin ni Frazer ang tungkol doon kaya okay lang kung hindi na ako sumama roon."

Pumasok na ako sa kotse. Sa likod ako naupo dahil sa tabi ni sir Gerry naupo ang lalaking kasama niya.

"Tungkol saan po pala iyong meeting? Mukhang hectic na naman po ang schedule ang Downtown ngayon."

"Tungkol sa bago nilang project for the next month. Code will be having a tv drama. Siya kasi ang napili ng producer dahil bagay na bagay daw sa kanya ang role."

Code will be having a drama?

"Ibig sabihin mag dedebut na siya as an actor? Wow! Kailan po magsisimula ang filming?" namamanghang tanong ko.

"Hindi ko pa alam, kailangan niya pang sumalang sa isang buwan na workshop."

"Isang buwan? Talaga po bang ganoon kabilis?"

"Actually, hindi. Pero dahil irerelease ang tv drama by the end of the year ay kailangan na nilang magmadali. Sa palagay ko ay nakikihype lang naman talaga sila sa kasikatan ng Downtown, lalong lalo na ni Code. Pero magandang promition na rin iyon sa banda."

Naeexicte ako na makita si Code na umarte. Hindi kahit minsan sumagi sa isip ko na papasukin niya rin pati ang pag-arte.



"Thank you po, sir Gerry." sabi ko nang maihatid niya ang isang sako ng mangga at saging na dala ko.

"Maraming salamat din po, sir." sabi ko naman sa kasama ni sir Gerry.

"Lagi mong ilolock ang pinto mo. Wag kang magpapapasok ng kahit sino." bilin pa sa akin ng mabait na manager nila Code.

Nakangiting tumango naman ako at saka tinanaw ito ang ang kasama, na naglalakad sa mahabang pasilyo ng condo, hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Nang mapag-isa ay inilibot ko ang paningin ko sa malaking condo unit ni Code. Malinis ito, wala akong makitang kalat. Ganito rin ito noong unang punta ko rito sa condo ni Code, malinis. Code is a clean freak. Napakalinis niya talaga.

I miss my Code.

Hinila ko na ang maleta ko at naglakad papasok sa kwarto ni Code. Maayos na nakatiklop ang kumot at maayos din ang bedsheet. Umangat ang tingin ko sa malaking picture ni Code na naka-frame sa ibabaw ng headboard. Kuha iyon ng isa sa mga fansite niya noong concert nila. Solo performance niya iyon, habang may hawak siyang acoustic guitar at napakalapad ng ngiti niya habang nakatingin sa audience.

Bumaba ang tingin ko sa bedside table. Nakapatong sa ibabaw 'non ang lampshade at picture frame na ang laman ay picture naming dalawa. Naka-peace sign at wink ako sa picture habang si Code naman ay nakaangkla ang braso sa leeg ko at nakahalik sa pisngi ko.

Ikinulong ng sarili kong mga palad ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko habang nakatingin ako sa picture namin ni Code.

Pabagsak kong hiniga ang sarili ko padapa sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at banayad na hinaplos ko ang bedsheet habang sinisinghot ang kumapit na amoy ni Code rito.

I can smell his Armani perfume. Banayad lang ang amoy 'non, ngunit kumakapit ang amoy. Pakiramdam ko nga ay nasa tabi ko lang siya.

Hindi pa ako nakuntento kaya kinuha ko ang unan niyang may puting punda at niyakap ito at saka muli akong napapikit at inamoy-amoy din iyon. Nanuot doon ang amoy ng kanyang shampoo.

Just by smelling his lingering scent felt me the excitement. I can't help myself not to think of my fingers running through his soft and smooth hair, while he's in between my thighs....

"Seems like you didn't miss me."

Napadilat ako at tila nanigas sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang boses ni Code.

Mariin akong napapikit at kinagat ang ibaba kong labi at saka dahan-dahan akong bumangon at nang lingunin ko siya ay nabungaran kong nakasandal siya sa hamba ng pinto, nakahalukipkip at bakas ang amusement sa kanyang mga mata.

"K-Kanina ka pa?" utal kong tanong sa kanya.

Nakakalokong nginitian niya naman ako. "Hindi. Kararating ko lang at sapat na siguro ang mga nakita ko para sabihin kong pinagpapantasyahan mo ako."

Hindi ko maitatanggi ang sinabi niya kaya napayuko na lang ako dahil sa hiya, pero nakita kong dumiretso ng tayo niya si Code at namulsa.

"It's okay, baby. That's natural. I also do that alot."

Nag-angat ako ng tingin at kinagat ang ibaba kong labi.

"Aren't you going to hug me? Do you just really just want to stares on me?"

Nginitian ko siya at saka nananabik na patakbong sinugod ko siya at patingkayad na ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya.

Naramdaman ko rin ang pagpulupot ng braso ni Code sa likod ko at pag-angat niya sa akin. Ipinulupot ko ang mga binti ko sa baywang ni Code at siya naman ay nakaalalay ang mga kamay sa magkabila kong hita.

Isang nananabik na halik ang iginawad ni Code nang maglapat muli ang mga labi namin. Napapikit ako habang tinutugon ko at sinasabayan ang bawat galaw ng maiinit at malalambot niyang labi. Hindi rin nagtagal ang halik na iyon nang ilayo ko ang mga labi ko sa kanya at kumawala ako sa kanyang mga yakap 

Hinila ko ang kamay niya at inaya ko siya sa sala upang tulungan akong pagbukod-bukurin ang mga dala kong mangga at saging na saba na ipamimigay namin sa mga kamyembro niya, kay Mr. Frazer at kay sir Gerry.



"Kamusta sila papa at tiya?" tanong ni Code habang inilalagay niya sa isang plastic ang anim na pirasong hilaw na mango at limang pirasong saging na saba sa plastic. Nahati-hati na kasi namin ang lahat, ilalagay na lang sa plastic.

"Si Donya Leticia lang ang naabutan ko sa mansion nang magtungo ako. Abala raw si Don Leonardo nang araw na iyon. Binisita ang isa sa mga planta niyo. Pero ang sabi ni tita Leticia ay maayos naman ang kalagayan nila, wag ka raw mag-alala sa kanila at hinihiling nila na sana ay dumalaw ka raw agad kapag nagkaroon ka ng oras. Miss ka na rin ng tiya at papa mo, Code. Nagtatampo na nga ang tiya mo sa iyo."

"Miss ko na rin umuwi sa Ashralka pero ang hirap kumuha ng pahinga ngayon, sunud-sunod ang projects na dumarating sa amin. Hindi naman namin pwedeng tanggihan dahil nasa kontrata iyon at saka, ayaw ni Mr. Frazer na mapunta iyong project sa Zenith."

"Nasabi nga pala sa akin ni sir Gerry na magbibida ka raw sa isang drama. Anong details 'non? Hindi ka na lang basta singer ngayon, magiging actor ka na rin."

Kumunot ang noo ni Code. "Ayoko naman sanang tanggapin iyon pero mapilit si Mr. Frazer. Wala akong magawa kung di sumunod sa mga plano niya."

"Why don't you give it a try."

Nag-angat siya ng tingin at tumaas ang isang kilay sa akin. "Gusto mo talagang mag artista ako? Kapag nangyari iyon, may mga araw na baka hindi tayo magkita. Parati akong nasa taping, gusto mo iyon?"

Nginitian ko siya at hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Hihintayin kita. Hanggang sa bumalik ka. Sa akin ka pa rin naman uuwi, hindi ba?"

Ngumiti si Code. "Sayo lang, Persis."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 738 54
Adolescents Ardour #2 How would you know if you are falling in love? What risks are you willing to sacrifice for your loved ones? Kahit ikakasama mo...
226K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
739K 14.2K 54
Emilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. N...