Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 6

1.4K 55 13
By Levelion

Kabanata 6
Zenith


"Kinakabahan ako sa mga plano ni Mr. Frazer, Code." nag-aalalang sabi ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng Rise Records.

Seryoso ang mukha ni Code at hindi umiimik. Para bang nag-iisip din siya.

"Actually, maganda naman ang plano niya, pero delikado. May posibilidad na mag backfire iyon kay Code." si Chard.

Nasa likod namin siya, pati ang ibang myembro ng Downtown.

"Iyon din ang inaalala ko. Dapat hindi ka agad pumayag sa plano niya, Code." sabi ko naman.

"I trust him. He's young but very smart." ani Code.

"Tama, matalino si Mr. Frazer at nakikita ko kung gaano siya kadeterminado na paangatin pang lalo ang banda natin. Kaya dapat, magtiwala lang tayo sa kanya." sabi naman ni Gervin na nakaakbay kay Ashton, habang ang mga mata nito ay nakatutok sa cellphone.

"We have to believe in him. That's all we can do." si Valdemir na nasa gilid ni Chard at nakapamulsa.




Pagkatapos ng urgent meeting ni Mr. Frazer ay nagkasundo ang banda na magliwaliw muna sa isang exclusive clubhouse.

Dahil ito ang unang beses na nakarating ako rito ay inilibot muna ako ni Code sa clubhouse, habang ang iba niyang kamyembro ay nauna na sa kanilang tambayan na narito lang sa club house. Dadalhin daw ako ni Code roon mamaya.

Nakatayo ang clubhouse sa gitna nang golf course dito sa maynila. May dalawang pool ito. Isang indoor na madalas daw gamitin sa pool party at isang outdoor na nasa roof deck ng club house.  Mayroon din itong gym na kumpleto sa equipments. May malaki at eleganteng function hall, bar at restaurant. Ipinakita rin sa akin ni Code at malaking theater ng club, dalawang beses pa lamang daw silang nakakapag perform doon dahil kadalasan sa palabas na nagaganap doon ay stage play. Pinuntahan din namin ang basketball court at volleyball and tennis court. May maliit na playground din para sa mga bata.

Hindi ko akalain na makakarating ako sa ganito kagarbong lugar na pawang para lamang sa mga mayayaman o may katayuan sa buhay.

"Tara, puntahan na natin sila." nakangiting yaya ni Code sa akin habang magkasalikop pa rin ang mga kamay namin. Kanina niya pa ako hindi binibitawan.

Isang puting french door ang binuksan ni Code. Nagsilingon naman sa amin ang Downtown na napatigil sa kani-kanilang ginagawa nang pumasok kami sa loob.

"Welcome to our playroom, Persis." ani Chard na may hawak na cue stick at ang isang kamay ay nakapamaywang. Kalaro niya si Gervin na ngayon ay inaasinta ang isang puting bola.

Sa tabi ng isang malaking bookshelf ay may royal blue single couch doon kung saan nakaupo si Ashton, na may hawak na libro. I didn't know he likes reading.

May hawak na pulang dart naman si Valdemir sa kanang kamay at ang kaliwa niya ay may hawak na kupitang may mapusyaw na kulay pulang likido. Red wine.

May mini bar din sa gilid ng silid at may itim na grand piano, katulad ng piano sa condo ni Code na hindi ko pa nakikitang ginamit niya. Hindi ko nga alam kung marunong ba siya gumamit 'non dahil ang alam ko ay sa gitara siya magaling.

Kulay pula ang dingding sa apat na sulok ng silid at may ilang paintings na nakalagay sa magagandang kwadradong kulay ginto. Naroon din ang malaking pictures ng banda na naka-frame. Palagay ko ay iyon ang debut photo nila dahil ibang-iba pa ang hairstyle nila roon at mukha pa silang mga totoy.

Does it mean, sila lang ang gumagamit ng malaking silid na ito?

"This room is exclusively for us." ani Code na tila nabasa ang nasa isip ko.

Hindi ko napansin na may doorway pa pala roon sa dulo at nang takbuhin ko iyon upang tignan kung saan iyon patungo ay mas lalo akong namangha nang makita ko na may isa pang malawak na kwartong kunektado roon.

Halos malaglag ang panga ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang silid, kung saan naroon ang mga musical instrument ng banda. Nakaset-up iyon ng maayos sa isang maliit na stage. Drumset, keyboard, Tatlong electric guitar at isang acoustic. Sa harap ng stage ay may malaking flatscreen TV at itim na leather L-shaped sofa.

Binuksan ko ang isa pang french door sa likod ng sofa at muli akong namangha ng ilahad nito sa mga mata ko ng veranda na ang katapat ay ang malawak na lawa, napapalibutan iyon ng matingkad na luntiang bermuda grass ng golf course. Napakaaliwalas ng paligid.

Humawak ako sa puting railings at napapikit habang sinasamyo ang hangin. Bigla kong namiss ang Ashralka.

Sobrang ganda ng lugar na ito, para maging tambayan. I wouldn't mind staying here forever. Pero para sa kanila, lugar lang ito para magpalipas ng oras.

Pagbalik ko sa bungad ng silid ay nakikipaglaro na ng billiard si Code at inaasinta niya ang puting bola, sa palagay ko'y ang green na bola ang target niya.

Seryoso ang mukha ni Code habang naka-bend ang katawan niya. Binasa niya pa ng dila niya ang kanyang labi. Ang gwapo-gwapo ni Code.

Kinagat ko ang ibaba kong labi, kasabay 'non ang pagtira niya sa bolang puti na tumama sa edge ng billiard board. Nagbounce ang bola patungo sa direksyon ng kulay green na bola at dahan-dahang gumulong naman ang bola patungo sa butas.

Napapalakpak ako nang mashoot iyon.

Lahat ng ginagawa ni Code, sobrang nakakamangha sa paningin ko.

Nakangiting tumayo naman ng tuwid si Code at nakangiting tumingin sa akin habang sumesenyas siyang lumapit ako sa kanya.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Hawakan mo." aniya habang ibinibigay sa akin ang cue stick.

"H-Hindi ako marunong."

"Tuturuan kita." nakangiting sabi niya.

"A-Ayoko. Hindi ko kaya."

"Tsk!"

Napatingin ako kay Chard na hindi naipasok iyong bolang gusto niyang patamaan. "Sayang!" dagdag niya pa.

Nakita ko namang ngumiti si Code at saka inikot niya ako patalikod sa kanya.

"Code!"

"Bend over, baby." namamaos na bulong ni Code sa akin.

Hinawakan ni Code ang baywang ko habang nasa likod ko siya. Inayos niya ang form ng legs ko at napalunok ako nang para bang napaso ako sa pagdikit ng dibdib ni Code sa likod ko.

Bumibigat ang paghinga ko dahil ramdam ko siya sa likod ko. His hard rock length inside his pants, poking me in the ass.

"I'll just guide you." aniya at saka itinutok niya ang cue stick sa puting bola.

"Tatamaan natin iyong blue at itutulak 'non iyong orange na nasa bungad ng butas." ani Code.

"Kaya natin iyon?" nagtataka kong tanong.

"Of course." confident na sabi niya at saka hinalikan ako sa tenga.

Kinilabutan ako sa halik niyang nakakakiliti. Parang tumayo ang mga balahibo ko sa malambot at mainit niyang labi at hininga.

Ang awkward ng posisyon namin, nahihiya ako sa ibang members ng Downtown na nakatingin sa amin ni Code.

"Relax." ani Code.

Namilog ang mga mata ko nang tirahin ni Code iyong puting bola, kasabay ng pagdiin ng sarili niya sa akin.

Shit. Nanlambot ang tuhod ko nang mas maramdaman ko ang pagkalalaki niya.

His such a tease.

Agad namang nakabawi ang tila nanghihinang katawan ko nang pumasok iyong bola na tinamaan ng isa pang bola. I don't know what's the right term for that.

Ang galing ni Code!

"Good Job." puri naman niya sa akin at saka ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ipinulupot sa leeg ko ang kanyang braso.

"Ang hirap mo talagang talunin dito, Nicodemus." ani Chard na nagkakamot ng ulo.

"Wag mong kakalabanin si Code kung ayaw mong ma-feel na mahina ka sa billiard." nakangising sabi ni Gervin, may kandong na itong gitara ngayon, habang nakaupo siya sa itim na stool ng mini bar.





"Lumabas na ang picture mo with the model. Remember, don't answer any questions from the reporters. Hayaan mo silang mag-isip ng kung ano, para humaba ang issue." ani Mr. Frazer.

Nakaloud-speak kasi ang phone ni Code na nasa phone holder na nakakabit sa harap ng sasakyan niya. Nagmamaneho kasi siya at pauwi pa lang kami sa condo niya ngayon.

"So, what am I going to do?"

"Be quiet. Iwasan mo ang mga tanong ng reporters. By the way, may party tayong kailangang daluhan bukas."

"Do we really have to be there?"

"Of course. It's publicity. Nandoon ang bagong banda na sinasabi ko sa inyo. Napanood mo ba ang interview nila kanina?"

"Hindi. We're busy a while ago." Bakas sa mukha ni Code na bored na bored itong kausap si Mr. Frazer. Kaya siguro naramdaman ko ang paglikot ng kamay nito na ngayon ay hinahaplos ang legs ko.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngitian lang ako nito, habang nakatingin sa daan.

"Pwede ko bang isama si Persis sa party?" tanong ni Code kay Mr. Frazer.

"Ayokong pumunta roon, Code!" mahinang sabi ko naman sa kanya.

"Sure. Mas lalong maguguluhan ang reporters kapag nakita nila kayong magkasama ni Persis. Basta ayokong mahuli kayo, be there on time. Nakakahiya naman kung late kayong pupunta." ani Mr. Frazer.

"Alright."


"Code, ayokong sumama." tutol ko pagkatapos ng usapan ni Code at Mr. Frazer.

Kumunot ang noo niya habang nagmamaneho. "Why not? I want you to be my date tomorrow night. Gusto kong maging pamilyar ka sa mundo ko, Persis."

"Paano kung may kapalpakan akong magawa?"

"I got you, baby." Nakangiting sabi niya na hindi pa rin tinitigil ang paghaplos sa hita ko.





Sa bahay ni Mr. Gerry ako inayusan kasama ang Downtown. Malaki ang bahay ni sir Gerry at wala pa itong pamilya kaya mag-isa lang siya sa bahay niya.

May dalawang guest room ang bahay niya. Naroon sa isang guest room ang Downtown at ako naman dito sa isa, kasama ang isang hair and make-up artist na si Code mismo ang kumuha.

Matingkad na kulay kayumanggi ang kulay ng suot kong aline lace gown, na may disenyong floral ornament sa bandang itaas at tulle fabric naman ang ginamit sa may skirt. Parang alikabok na sumabog ang metallic sparkle sa buong gown ko. Napakaganda ng gown na iyon na binili ni Code para sa akin. 

"Ang ganda ng buhok mo, girl." puri ng hairstylist na kinukulot ang dulo ng buhok ko. Balak niya raw na i-bun ang kalahati ng buhok ko at ang iba ay hahayaan niya lang na nakalugay. Lalagyan niya raw iyon ng floral wraps.

It's almost seven o'clock in the evening nang kumatok si Code sa kwartong kinaroroonan ko. Tamang-tama at katatapos lang din akong ayusan.

"Persis, tapos ka na?" tanong ni Code mula sa labas.

"Oo."

"Can I come in?"

"Uhm."

Binuksan ni Code ang pinto at nakita ko ang pag-awang ng kanyang bibig habang nakatitig siya sa akin at pinapasadahan ako ng tingin. Maging ako ay namangha din sa suot niyang plain grey two-button suit and messy fringed hairstyle.

"Ang gwapo!" kinikilig na sabi ng make-up artist ko. 

"Iwan niyo muna kami." maawtoridad na utos ni Code sa dalawa kong kasama na agad lumabas ng kwarto.

My heart started pounding really fast while he's walking towards me with his hands on his pocket and his chenching jaws.

Para siyang isang prinsepe. He's too good to be true.

"Ang gwapo mo." nahihiyang puri ko kay Code. Napayuko pa nga ako upang itago ang pisngi kong siguradong namumula dahil ramdam ko ang init nito.

Hinawakan naman ni Code ang baba ko at inangat iyon upang magpantay ang tingin naming dalawa.

"I can't believe that I can still make you blush. It's turning me on." Kinagat ni Code ang ibaba niyang labi. "Gusto kong halikan ang labi mo, but I'm afraid I might ruin your lipstick."

Binitawan ni Code ang baba ko at hinaplos naman niya ang mukha ko habang masuyo niya akong tinititigan.

"You're the pretties girl I've ever seen, Persis." aniya at saka inilabas niya sa kanyang bulsa ang isang kumikinang na gintong kwintas na may pendant na 'note'.

"Ang ganda." namamanghang sabi ko.

Bahagyang hinawi ni Code ang buhok ko at ikinabit ang kwintas sa leeg ko.

"For the beautiful woman like you." aniya.

Pagkatapos niyang ikabit sa akin ang bagong kwintas na ibinigay niya ay humarap ako sa salamin at tinignan ang reflection ko rito, suot ang kwintas na bigay niya sa akin.

Mayroong ibinigay na kwintas sa akin si Code noon. Mumurahin lang iyon pero sobrang iniingatan ko, hindi ko na nga lang isinusuot dahil iba na ang kulay.

Bumagay ang bagong kwintas na bigay ni Code, sa suot kong gown.

"Do you like it?" tanong ni Code at saka ipinulupot niya sa baywang ko ang kanyang mga kamay at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.

"I love it."

Napapikit ako nang halikan niya ang pisngi ko at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin.

"Psst! Kayong dalawa, tama na muna iyan, aalis na tayo. Baka magalit si Frazer kapag nalate tayo." ani sir Gerry na biglang pasok sa silid na kinaroroonan namin ni Code.

Mabuti na lang at wala sa naughty mode niya si Code.



"Code, totoo bang ikaw ang nasa larawang kumakalat sa internet ngayon?"
"Gaano na katagal nangyari iyon?"
"Nagkakalabuan ba kayo ng girlfriend mo ngayon? Magkasama ba kayo para pagtakpan ang ginawa mo?"

Pagbaba pa lang namin sa mustang ni Code ay sinalubong na kami ng maraming media. Agad namang hinawi ng mga guard ang mga ito upang makapasok kami sa hotel.

Katulad ng utos ni Mr. Frazer ay iniwasan ni Code ang mga media na panay ang tanong sa kanya.

"You look good, Persis." nakangiting papuri ni Mr. Frazer sa bungad ng hotel, pagkatapos naming makawala sa media.

"Salamat po." nahihiyang sabi ko naman.

Tumingin si Mr. Frazer sa glass door ng hotel at saka tumingin sa Downtown.

"My plan is working." nakangiting sabi pa nito na tinapik ang balikat ni Code.


Pagdating namin sa isang eleganteng ballroom hall ng kilalang hotel sa manila ay marami ng tao ang naroon. Nag pose pa nga ang Downtown sa camera bago kami makapasok. Nahihiyang nagpose din ako, kasama si Code na inaalalayan ako kung saan ako titingin dahil sa dami ng camera na nakatapat sa amin. Hindi rin nawala ang kamay niyang nakapulupot lagi sa baywang ko.

Mga beterang actor and actress, mga super model, sikat na teen-stars, magagaling na directors at producers, talkshow host, comedian, boy group at banda ang narito.

Busog na busog ang mga mata ko sa mga artista.

Pinaghila ako ni Code ng upuan sa may malaking bilig na mesa na may magandang table setting.

At nang paupo na rin si Code sa tabi ko ay bigla namang hinawakan ni Mr. Frazer ang braso nito.

"Sumama kayo sa akin. May ipakikilala ako sa inyo." aniya. "Let's go." apura niya pa.

Nag-aalalang tumingin naman sa akin si Code, but I gave him an assurance smile.

"Don't worry I will be fine."

Kinuha naman ni Code ang kamay ko at nag-init ang pisngi ko nang halikan niya ang likod ng aking palad.

"I'll be back. Stay there." aniya.

Nginitian at tinanguan ko naman siya.

Habang tahimik at mag-isa akong narito sa pwesto ko ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Ang saya ng lahat. Nagtatawanan at kwentuhan.
Nahihiya ako. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay sa ganitong lugar, kahit pa katulad nila ay magarbo rin naman ang suot ko.

Para akong isang gumamela sa gitna ng mga rosas.

Di kalayuan sa kinaroroonan ko ay may ilang reporter ang lumapit sa isang lalaking pompadour ang hairstyle at ash blonde ang kulay ng buhok nito.

Matangkad ang lalaki at kagalang-galang ang kasuotan. Maganda rin ang pangangatawan nito.

Nag-init muli ang pisngi ko nang lumingon ito sa akin at nginitian ako. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Bakit ako nginitian 'non?

"Persis?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses ng tumawag sa akin at nagulat nang makita ko si Brayden. Naglalakad siya palapit dito, kasama ang apat na lalaki.

"Brayden? Anong ginagawa mo rito?" nagtatalang tanong ko. Pinasadahan ko siya ng tingin.

Kulay puti ang suot niyang suit at ang kanyang buhok ay naka-slicked back. Dumako ang tingin ko sa apat niyang kasama.

Magkakasing tangkad lang yata silang lima at dalawa sa kanila ay may balbas at bigoteng hindi naman kakapalan at kahaba. Ang isa ay blonde ang buhok at may hikaw sa ilong, ang isa naman ay buzz cut ang hairstyle. Lahat sila ay gwapo.

"Naimbitahan din kasi ang banda namin." ani Brayden.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam na may banda rin pala siya. "May banda ka rin pala?"

"Don't tell me you don't know it?" tanong ng lalaking blonde ang buhok na nasa likod ni Brayden sa may kanan.

Hilaw akong napangiti. "Hindi kasi naikwento ni Brayden sa akin nang huli kaming nagkasama."

"Oo nga." nagkamot naman ng batok niya si Brayden.

"Ipakilala mo naman ang grupo natin sa kanya, Bray." sabi ng lalaking buzz cut ang buhok.

"We're the Zenith, from Dream Record Label." ani Brayden.

"D-Dream Record Label? Kayo iyong b-bagong banda na sinasabing makakalaban ng Downtown?"

"Exactly, baby." sabi ng lalaking blonde hair at may hikaw sa ilong.

Itutuloy...



Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.8K 36
Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not enough to keep her heart, will she reconsi...
226K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
5K 733 44
Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pagkatapos ng ulan, iniwan mo akong luhaan...