His Woeful Stare | Sixth of A...

De NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... Mai multe

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XV

1.6K 65 20
De NeifileTheDreamer

If you abide in me, and my words abide in you, ask whatever you wish, and it will be done for you.
~John 15:7

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Limang Kabanata

DUMERETSO na kaagad ako sa ospital, hindi na ako umuwi pagkatapos ng laban namin. Pagkarating ko rito, dumako agad ako sa emergency room kung nasaan si Bal.

Nakita ko sina Aera at Coast sa tapat ng ER. Nilapitan ko agad sila. Niyakap agad ako ng pinsan ko nang makita niya ako. Umiiyak silang pareho. Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan. Mayroon na ring namumuong luha sa aking mga mata.

Gaya ko, mababakas mo rin ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Hindi ko pa man din alam ang buong pangyayari, naiiyak na ako.

"Nasaan si Bal? Anong lagay niya? Bakit siya naaksindente? Ano ba talaga ang nangyari?" Sunod sunod na tanong ko sa kanila.

"Huminahon ka muna Xei." Hinaplos ako ni Coast sa likod at pilit na pinapakalma kahit siya rin ay panay iyak.

Pinaupo nila ako sa upuan sa tapat ng emergency room. Hinintay kong magkuwento silang dalawa sa nangyari.

"P—Papunta sana kami sa laban mo upang surpresahin ka... Naisipan m—muna niyang magpa-load, nang p—patawid na siya pabalik sa amin..." putol putol na wika ni Coast, "M—May motor na bigla na lamang sumulpot. Napakabilis n—nito at nahagip siya..." pagpapatuloy niya.

Nanginig ang aking mga kalamnan nang marinig ko ang buong pangyayari. Para akong nawala sa sarili at bumalik sa aking mga alaala ang naganap noong naaksidente rin ang aking mga magulang.

Ganitong ganito rin iyon. Naaksidente siya at naisugod pa sa ospital ngunit hindi na sila nagtagal pa sa mundon ito.

"Nasaan siya? Pupuntahan ko ang kakambal ko!" aking sigaw.

Hindi na ako mapakali. Nais kong makita at malaman kung ano na ang kalagayan ni Bal. Siya na lang ang katuwang ko sa buhay, ayokong pati siya ay mawala.

"Calm down Xeidrine! Nasa emergency room pa siya, ginagamot ng mga doctor."

I don't know what to do. My parents was gone. Stair was in the emergency room right now. I don't want to repeat the past. Sariwa pa ang mga alaala ng nangyari sa aking mga magulang, ayokong sumunod si Stair.

Lord, I trust you. My twin will be alright. I know You will heal him.

Nang medyo kumalma na ako, umupo muna kaming tatlo sa waiting area. Ilang sandali pa ay dumating si Axti na may dalang paper bag. He's alone. Where's Keist?

Lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng isang makabuluhang tingin. Para bang sinasabi niyang magpakatatag ako ngayon sa mga nangyayari.

"Xeidrine, andito ka na pala. Bumili ako ng pagkain para sa atin," usal ni Axti.

Tumabi siya sa amin. Axti was so different right now. I think he's going back to his old self. Ramdam kong nag-aalala  rin siya kay Stair ngunit hindi niya lang ito pinapahalata.

Kumuha si Axti ng sandwich sa paper bag na dala niya at ipinamigay niya ito sa amin. Ayoko itong tanggapin ngunit nagpumilit siya. Kailangan ko raw kumain kung hindi ako naman ang susunod sa kakambal ko na maoospital.

"Asaan na si Keist? Alam na ba niyang naaksindente si Bal?" I asked.

"Kakatapos lang ng laro nila. Papunta na raw siya," sagot ng aking pinsan.

Lumipas ang labing-limang minuto, dumating na rin si Keist at naka-jersey pa siya. Halatang nagmamadali rin siyang pumunta rito.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NAGHINTAY pa kami ng halos isang oras bago lumabas ang doctor. Kabadong kabado ako sa mga sasabihin niya.

"Doc, anong lagay ng kapatid ko?" agad kong tanong.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang aking braso. "He's stable right now but we need to monitor him. Wala pa siyang malay. Malakas ang naging tama nang pagkakabangga niya. Kinailangan naming simentuhin ang kaliwang kamay niya."

Napasinghap ako sa aking narinig. Mabuti na lang at walang mas malalang nangyari kay Bal. Baka mabalisa na ako kapag nagkataon.

"Pwede na po ba namin siyang puntahan?"

"Yes, ililipat lang namin siya sa kuwarto niya and you can got to Room 277."

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon at dumeretso na kami sa kuwarto ni Bal. Sakto ang pagdating namin, kakalipat lang din ng mga nurse sa kaniya galing emergency room.

Pagkakita ko sa kaniyang itsura, hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Ang dami niyang mga pasa at sugat sa mukha at katawan. Iniiyak ko na lamang ito at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

I just woke up when Tita Aliza came. She goes here after her work.

"Xeidrine, umuwi ka muna. Mayroon ka pang laro bukas. Kami na muna bahala kay Stair," Tita Aliza said.

Alas onse na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagpapalit ng damit. Gusto ko kasing bantayan lamang ngayon ang aking kakambal.

"Dito lang po ako hanggang magkamalay si Bal."

"Kung iyan ang gusto mo. Papakuha ko na lang ang mga gamit mo para bukas. Alagaan mo rin ang sarili mo."

Nagpaalam din si Tita Aliza na lalabas muna siya upang bumili ng pagkain. Naiwan akong mag-isa sa kuwarto. Umuwi na kanina ang mga kaibigan ko. Gustuhin man nilang samahan akong magbantay ay hindi maari. Limitado lamang kasi ang pwedeng bantay sa ospital.

I don't know what to do right now. My twin needs me but I have a tournament tomorrow. I wish Bal will be okay as soon as possible.

Dapat sasamahan ako ni Tita Aliza ngayong gabi, ngunit sabi ko sa kaniya ay ako na ang  bahala rito. Baka naghihintay din sa kaniya si Aera sa bahay nila. Kaya ko naman ang sarili ko. Kaya ay umuwi rin siya pagkabili ng pagkain.

Nang pumatak ang ala una ng umaga, napagpasyahan kong matulog ulit. Mayroon pa nga pala akong chess tournament.

Hindi pa nahihimbing ang aking pagtulog, nakaramdam akong mayroong naglalaro ng aking buhok. Napaangat ako ng aking ulo. Kinusot ko ang aking mata, nakita ko si Bal na nakangiti sa akin.

Akala ko'y namamalik-mata ako ngunit hindi. Gising na ang kakambal ko!

"Bal! You're awake!" Masayang wika ko at niyakap ko siya.

"A-aray! 'Yung braso ko." Daing niya.

Nahigpitan ko yata ang pagyakap ko sa kaniya. Sa sobrang sabik hindi ko namalayan na nasasaktan ko na pala siya.

"Akala ko iiwanan mo na ako. Sasama ka na kila Mama," naluluhang wika ko.

"Ano ka ba Bal? Hindi kita iiwan. Actually, sinusundo na nga ako kanina nila Mama, kaso tumanggi ako."

Binatukan ko si Bal dahil sa sinabi niya. Nakuha pa niyang magbiro sa lagay na 'yan.

"Sabi ko sa kanila kawawa ka naman. Mawawalan ka ng gwapong kakambal." Dugtong pa niya.

Hay nako. Kala ko noong naaksindente siya, magbabago na si Bal. Nagkakamali pala ako. Lalo pa siyang humangin ngunit mas ayos na ito kaysa naman nag-aalala ako sa kalagayan niya.

Nagkuwentuhan pa kami ng saglit bago matulog muli. Kailangan din niyang magpahinga dahil baka mabinat siya. Ako naman, kailangan kong matulog dahil mayroon pa akong chess tournament.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

MUNTIK na akong ma-late sa laban dahil walang magbabantay kay Bal. Pumasok kasi sa trabaho si Tita Aliza.

Buti na lang at dumating si Axti at siya ang pinagbantay ko. Wala silang pasok ngayong araw dahil karamihan daw sa coaches ay mga subject teacher niya.

Inalis ko muna sa aking isipan ang kalagayan ni Bal. Kailangan kong makapasok sa top 3. Para ito sa kaniya at sa school namin. Sayang lang ang training ko kapag natalo ako.

"Chess players, shake hands. Black players press the clock. Good luck."

The game was formally started. Bawat moves ko ngayon sinisigurado kong pinag-iisipan ko munang mabuti. Ayoko nang maulit ang pagkatalong nangyari sa akin kahapon.

Since nasa losing bracket ako ngayong unang laban, medyo madali lamang ang naging game ko. Masasabi kong magaling na siya ngunit padalos-dalos siya kung tumira.

"Checkmate."

Ngumiti siya sa akin at kinamayan ako. Nagwika siya ng, "Congrats. Ang galing mo."

"Ikaw din. You did well," I give her a sweet smile.

Matapos noon ay lumabas kaming dalawa sa silid at nagkwentuhan. I like her. Kahit natalo siya nagagawa pa rin niyang ngumiti.

It's one of the good things in Chess, you can make friends with your opponent. But not all players you can be friends with, like the girl yesterday.

Natapos na ang unang laban ko, mayroon pang dalawa sa araw na ito. Sana makapasok ako sa City Meet. Bago mag-Regionals, dadaan muna kami sa City Meet. Ang dami pa naming pagdaraanan upang makamit ang pinakarurok ng tagumpay.

Habang hinihintay ko ang susunod na laban, napatulala na lang ako sa kawalan. Hindi pa kasi tapos ang mga game ng teammates ko. Isa ako sa maagang nakatapos at hindi ko naman mahagilap kung saan napunta si Mr. Davila.

"Hey Xeidrine, what's up?" Tanong sa akin ni Nash at bigla akong napaitlag. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

Para siyang kabute na pasulpot sulpot kung saan saan. Kung mayroon akong sakit sa puso, inatake na ako dahil sa kaniya.

"Hindi ko alam na vlogger ka na pala," biro ko sa kaniya.

Tiningnan naman niya ako at nagwikang, "How can you do that?"

"Do what?" kunot noong tanong ko.

"Magbiro at ngumiti kahit may mabigat kang pinagdaraanan." I sighed on what he said.

"Ano naman kasing magagawa kung mage-emote ako rito at iiyak? Wala naman 'di ba? Mas ayos nang ngumiti at magbiro." Sumulyap muna ako sa kaniya bago magpatuloy. "Sabi nga ng isang vlogger, stay juicy este keep smiling and stay positive."

Hay. Hindi ko alam kung paano ko ito nasasabi sa ibang tao. Kapag mag-isa naman ako, hindi ko maiwasan malungkot at mag-isip ng kung anu-ano.

Alam niyo 'yun? Iyong tipong nagagawa mo pang magbiro sa harap ng iba kasi takot kang kaawaan ka nila. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

LUMIPAS ang ilang oras, natapos na rin ang chess tournament. Hindi ako makapaniwala na dalawa sa aking laban ay naipanalo ko ngayon. Ang isa ay na-draw ko. Mas mabuti na 'yun kaysa talo.

Results na lamang ang hinihintay namin para sa official ranking. Our team did well on this tournament.

"For our Chess - Secondary Boys our third placer is none other than... Sike Ford Stokes from Southern High!"

And the awarding was started. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung pasok ba ako sa top 3 or not.

"For our second placer, he was from West Wood High! Brusenio Brooke!"

Tinulak ni Ailish si Brice papuntang harapan. Sinamaan naman siya nito ng tingin. Ang cute talaga nilang tingnan.

"And for our champion, with five wins and no losses. He was also from West Wood High, Nash Callen Waquin!"

Hindi na kami nagulat sa inanunsyo na si Nash ang champion. He's really a great chess player after all.

"Let's proceed to Chess - Secondary Girls. We have Alexeidrine Praise Monteasul from West Wood High for the third place!"

Napatakip ako ng aking bibig nang marinig ko ang pangalan ko. I can't believe that I got a place! Masaya na ako rito.

"And also from the West Wood High, our second placer is Ailish Estillore!"

I can't believe that our team was the overall winner. Hindi nasayang ang pagod at hirap namin sa training. Nagyakapan kaming dalawa ni Ailish dahil sa tuwa.

Pagkababa namin ng stage, sinalubong kami nila Mr. Davila. Malalapad din ang kanilang mga ngiti maliban kay Nash. Hindi ko alam kung bakit.

"Congratulations team! Let's celebrate, my treat!" bati sa amin ni Coach.

"Road to City Meet!"

Napangiti na lang ako sa winika ni Ailish. Alam ko kasi sa sarili ko na kahit third place ako, hindi na ako makakasali sa City Meet.

Only the first and second place were the only persons who have a chance to join the City Meet. Depende nalang kung magkaroon ng problema sa isang player, ako ang papalit. Reserba lang ako kumbaga.

Pero masaya na rin ako sa nakuha ko. At least I have a place and I know that I do my best.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

SA isang samgyup house kami dinala ni Mr. Davila. Pagkarating nga roon ay sobrang ingay naming lima. Lalo na sina Ailish at Brice.

Puro inisan, tawanan at masasayang alaala ang nabuo namin ngayon. Napamahal na nga 'ata ako sa chess team na ito.

Sayang nga lang at hindi nagtagal ang aming pagse-celebrate, dahil mayroon pa kaming kani-kaniyang lakad.

"Saan na punta mo ngayon?" tanong sa akin ni Nash.

Kami na lang ang magkasama ngayon dahil nagpaalam na sina Ailish kanina. Iba rin ang kanilang direksyon.

"Uuwi muna ako sa amin kukuha kasi ako ng gamit. Then, dederetso na ako ng ospital pagkatapos," tugon ko.

"I'll come with you." 

Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Nash. I want to complain, but he didn't give me a chance. Nash gets my bag and walks away. I sighed and just followed him.

Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep. I thought the atmosphere between us would be quiet all the time but not.

"Ladies first," saad niya at pinauna akong sumakay sa jeep. Sumunod naman siya.

Tumabi siya sa akin at nilibre pa niya ako ng pamasahe. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Hindi naman kasi niya ito gawain at nahahalata kong parang kakaiba ang kaniyang mga kinikilos ngayon.

"How are you?" he asked.

"I'm fine." Hilaw akong ngumiti sa kaniya.

I know Nash was just concerned with my situation right now. But I don't want to talk about it.

"You can talk to my shoulder if you want." my forehead wrinkled because of what he said

"Huh?"

"You can cry on my shoulder, talk on my shoulder, gets?"

I just laughed sarcastically. He's so corny! Bakit naman ganito siya makabanat ngayon? Ang weird niya!

"Argh. I thought she would get my pick up line,"  he whispered but I heard it.

I chuckled a bit. So he's trying to give me some pick up lines huh? Hindi ko alam na may ganitong side pala siya.

"Don't worry Nash, I appreciated your pick up line."

Napakamot naman siya ng ulo. Namula rin ang kaniyang tainga. Mukhang nahihiya siya.

"Argh! Don't mind it. Just remember, if you are stressed or frustrated with your problem, I'm always here for you."

I smiled at him. He's always like this. He knew if I have problems. I don't know if it's just obvious or Nash can read my mind.

"Me too, you can share with me your problems. That's what friends are for, right?"

Akala ko ay tatahimik na lamang siya pagkatapos nito ngunit hindi pala. Ang daldal ni Nash ngayon at parang ibang taong ang kaharap ko. 

Hindi sa ayaw ko ang kinikilos niya, naninibago lang ako. Nasanay kasi ako na masungit at tahimik lamang siya.

"Congrats nga pala sa iyo," usal niya.

"Thanks. Congrats too. Mamaw ka sa chess!"

He chuckled and shooked his head. "Wala lang 'yun." Humble na sagot niya.

"Anong wala? Sa tingin ko proud na proud nga parents mo sa iyo!"

Totoo naman eh. Sino ba naman ang hindi magiging proud sa kaniya? Ang talino na, magaling pa sa chess!

"I wish."

Napatigil kaming dalawa sa pag-uusap nang biglang may kamay na humambalang sa aking harapan.

"Bayad po! Pakiabot nga po sa may pake riyan. Nangangawit na ang gorgeous hands ko!" sambit ng katabi kong bakla.

Napatawa kami ni Nash dahil sa isang pasahero. Kinuha ko ang bayad niya at inabot sa driver.

"Jeep naman kasi 'to hindi Landian Center. Naka-couple jacket pa. Corny," bulong pa nito.

Landian Center? Yuck. Tingin niya couple kami ni Nash porket pareho ng damit? Hindi ba pwedeng varsity jacket lang ng school? Baklang 'to!

Mukhang nabi-bitteran siya sa amin. Wala naman kaming dalawa ni Nash, kung anu-ano pa ang naiisip niya sa amin.

"Ang daldal mo kasi," bulong ko kay Nash.

"Madaldal lang naman ako kapag kasama ka."

He stared at me. I saw again for the nth time her gray eyes. This time, it feels different. My heart keeps beating and I got electrified with his stare.

"You're blushing."

"I'm not! It's just hot here," tanggi ko.

Pinaypayan ko ang sarili ko wari naiinitan. Mahangin naman talaga ngayon sa jeep. I'm just pretending that I'm sweating.

"So you're saying that I'm hot?"

Si Nash ba talaga 'tong kaharap ko? Parang nasaniban nila Quias at Aqui eh! Hindi na ako magtataka kung makakabuo sila ng squad ng mga mahahangin na tao.

"Nakasinghot ka ba Nash ng katol at kung makabanat ka riyan wagas?"

"Hindi. Nakahanap lang ako ng katol-ad mo na mamahalin ko ng wagas."

I just shook my head. I don't know what to do with Nash. I think he was possessed by a corny and flirty ghost.

Hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi niya. I guess he's just making me laugh with his pick up lines. Hindi ko na siya sinagot. Patuloy sa pamumula ang pisngi ko. 

Nang makita kong malapit na kami sa kanto namin ay pumara kaagad ako. Dere-deretso akong bumaba ng hindi tinitingnan si Nash. Naiilang ako sa mga banat niya.

"Xeidrine wait! I don't know where you lived. Baka maligaw ako." Huminto ako at hinintay siya. "Maligaw sa puso mo."

Nash was really so weird right now! I cannot believe that he can say those pick up lines.

We walk towards our house and no one dares talk. Mukhang naubusan na rin siya ng mga corny na banat.

"Upo ka muna. Pasensya na at madumi," saad ko pagkapasok namin sa bahay.

Kinuha ko ang mga papel at librong nagkalat sa lamesa. Ginamit namin ito ni Bal noong nakaraang araw. Hindi ko na ito nalinis dahil sa nangyari. Ngayon lang din ako nauwi ng bahay.

Pagkatapos, dumeretso ako ng kusina at naghanda ng merienda para sa amin. Hangga't maaari ay ayoko munang makausap si Nash. Baka banatan na naman niya ako ng kung anu-ano.

"Hey Xeidrine, what are you doing? Why are you not talking to me?"

"I'm just making juice," palusot ko at nilagay na ang juice powder sa dalawang baso.

"You're not answering my other question. Bakit parang naiilang ka sa akin?"

Napahinto ako sa pagtitimpla ng juice. Bakit ba ang daldal at kulit ngayon ni Nash? Parang nasapian siya ng masamang espiritu.

"Bakit kasi kung maka-banat ka sa akin sobrang cheesy and corny?" I directly asked.

"You don't like it? Quias taught me that."

Napakunot noo ko sa sinabi niya. Bakit naman siya nagpaturo ng mga ganung bagay kay Quias? Naka-drugs na yata si Nash.

"Loko talaga 'yung kaibigan mo."

Pagkatimpla ko ng juice, inimon namin ito. Akala ko ay mawawala ma ang mga banat ni Nash na corny ngunit hindi pala. Mas lalong lumala ito.

"Ang sarap naman ng mango juice mo Xeidrine, pero mas masarap kung may graham." He said and smirked. "Mango and graham, great combination, like us," pagpapatuloy niya.

I'm done with Nash! Pinaalala pa niya talaga. Binabaon ko na 'yung mango graham shake thingy na 'yun sa utak ko eh. Pinapaalala pa niya.

Pagkaraan ng walang katapusang banat ni Nash, iniwan ko muna siya sa sala. Pumunta na ako sa kuwarto at kumuha ng gamit ko. Kumuha na rin ako ng damit ni Bal.

Binilisan ko ang aking kilos dahil ayokong paghintayin ng matagal si Nash. Baka mamaya ay mainip siya.

Pagkaraan kong ilagay ang mga gamit sa bag, lumabas na ako ng kuwarto. Nakita ko si Nash na tinitingnan ang family picture namin.

"Xeidrine andiyan ka na pala," Nash said and look at me.

He returned our family picture on the table. After that, he sighed heavily.

"I'm just looking at your family picture. You have wonderful parents and a brother."

"Yes, but sadly my parents were not here anymore. Noong buo pa ang pamilya namin, masayang masaya nga kami eh'. Kahit na minsan ay maraming problema, nasa tabi namin ang isa't isa," pagkukuwento ko.

Naalala ko na naman sila. Halos kalahating taon na pala mamula nang mawala sila. Ang tagal na rin pala.

"I wish I could have a family like yours."

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continuă lectura

O să-ți placă și

6.9K 1.1K 22
SHS Series #1 In his world full of pressures and expectations. Vance, a STEM student, tried so hard to remain a scholar and always on top. He did eve...
Unexpectedly Yours De ୨୧

Ficțiune generală

2.3K 199 56
Eve & Kael Flying Letters Series #3 🖇️Completed ©slpycat 2023
18.4K 1K 44
VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #2: ARTS AND DESIGN [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Arts and Design is a track that develops the st...