The Summer We Never Had (COMP...

By ANNEtouchii

1K 83 3

Because of a tragedy happened in the past, Natsumi visits the place she treasures the most every summer. Hopi... More

Chapter 00: Introduction
Chapter 01: Weird
Chapter 02: Confusion
Chapter 03: The Oldies and the Old Hag
Chapter 04: Reason
Chapter 06: Bridal Gown
Chapter 07: Nozomi Shrine
Chapter 08: Asahi Kaneko
Chapter 09: Cheating
Chapter 10: Seventeenth
Chapter 11: Missing
Chapter 12: Commotion
Chapter 13: Wretched Truth of Past
Chapter 14: Under The Starry Sky
Chapter 15: Escape
Epilogue

Chapter 05: Girlfriend

52 4 0
By ANNEtouchii

Chapter 05: Girlfriend

"Anong hiniling mo?"

Malapad akong ngumiti kay Asahi at hinigpitan ang kapit sa magkahawak naming kamay. Tinatahak namin ang daan paalis sa Nozomi Shrine kung saan kami nanggaling kanina. Ang Nozomi Shrine ay kilala bilang isang pinaka espesyal na dambana sa buong probinsya ng Del Kyushu. Kung ano man raw ang hilingin mo sa dyosang si Nozomi ay matutupad.

"Secret," sagot ko sa kaniya at dinugtungan ng pilyang ngiti. Pabiro niya akong inirapan at diniretso na lang ang paningin sa daanan.

"I won't force you to say it though," sambit niya na tinawanan ko na lang ulit. Parang may mga bulateng gumagalaw sa tiyan ko sa tuwing magsasalita at tatawa siya. He can even make my knees tremble just by looking at his perfect features.

I want this kind of dream. A dream where I am aware of the real reason why this is happening. Where I can say what I want, do what I want, see the people that I want. Kontrolado ko ang lahat. Isang panaginip na gugustuhin kong maging totoo na lang. Na mas nais ko kaysa sa masakit na realidad.

I can't question Asahi's existence and actions here. I am not sure if it's just one of my illusions or not. I didn't care though. This is more than satisfaction. This is my salvation in my lonely days and nights.

I just want to see him and be with him. Hindi man ako makapunta nang totoo sa Del Kyushu due to critical situations, at least dito, nakikita ko siya, nakakausap at nahahawakan. I am beyond happy and grateful for this dreamcatcher.

We were almost near our favorite place, the river inside Del Kyushu Forest called Felisiti River, when I heard sounds up in the sky. I looked up and gave it a glance and I saw a group of black birds flying along the sky. My eyes immediately widened due to realization and panic.

Shit. It's already time!

"Sumi." Ang bilis ng takbo ng dibdib ko dahil naramdaman ko ang paghipigpit lalo ng mga kamay namin. Seryoso ang mukha niya at bakas sa reaksyon na napagtanto niya ang sunod kong gagawin at ayaw niya akong paalisin.

"It's time, Asahi. I'll come here as often as possible but I need to go. Thank you for today and I really enjoyed it! Let's see each oth-"

"Stay here, please," he pleaded with gentleness in his voice but I can't see the softness on his face. His reaction was tough and intimidating.

I swallowed hard and tried to remove my hand from his grip. I saw how he clenched this jaw and tightened his hold on my hand.

"I'll come back here, promise! Mas aagahan ko ang pagtulog ko mamayang gabi para mas mahaba ang bonding time nat-"

"No. Please. No. Stay here. Akala ko ba gusto mong magkasama tayo palagi? Just stay here." Sinibulan ako ng kaba sa pagpupumilit niya. His voice was getting tougher and scarier.

"Oo. Gusto kong magkasama tayo palagi but they'll freak out kapag buong araw akong tulog. Please. Let me go. Babalik ako." I gave my best to withdraw my hand from our intertwined fingers. Good thing, it succeeded.

Napaatras pa ako nang mabawi ko ang kamay ko. Maging siya ay nagulat. Nakita ko ang dumaan na galit sa mukha niya ngunit bumuntong-hininga na lamang kalaunan.

"Fine. Come back, okay? I'll wait for you at the Nozomi Shrine," paalala niya na tinanguan ko. I wanted to hug him but I was panicking already. I just tapped this shoulder twice and ran as fast as I could.

Buti na ay magaling ako sa direksyon. I followed the path where Haru was always dragging me to. Hindi ko na ininda ang pamumutik ng mga paa at binti ko. Halos magkanda-dapa na ako. Gustuhin ko mang manatili sa loob ng panaginip kong ito, ayaw ko namang makulong.

When I finally saw the gray door which I think I really own, I opened it and went inside it. Bumungad muli ang sa akin ang puting kapaligiran. Kagaya ng mga ginawa ko noong mga nakaraan, I just walked until I felt the falling feeling.

I opened my eyes and felt that I am getting used to it. Tutulog. Mananaginip. Babalik sa realidad sapagkat umaga na. Tapos, gigising. Paulit-ulit na mabilis kong nakasanayan. I can't wait for the night again.

Ilang minuto akong tumulala at nag-inat bago tuluyang tumayo. Katulad ng nakagawian ay binuksan ko kaagad ang sliding doors, hoping that I'd see Haru across.

It's been 8 days since I last saw him. Kahit sa panaginip ay hindi ko siya nakikita. Hindi naman sa nam-miss ko siya pero aaminin kong inaasahan kong magpapakita siya sa panaginip ko. Tutal ay lagi siyang umeeksena sa moments namin ni Asahi. Pero mabuti na ring hindi siya umaaligid doon. Baka magsuntukan pa sila ni Asahi. I don't know what's with them but I can feel that something is off. Ayaw ko lang mangialam dahil problema naman nila 'yon. Whatever.

Bahagyang lumaylay ang balikat ko nang makita ang saradong-saradong pinto at mga bintana sa kwarto ni Haru. I was planning to stay in the terrace for minutes when I felt someone was looking at me. Agad dumapo ang paningin ko sa baba, sa mismong tapat ng gate nila. Nakatayo roon si Mrs. Fujikawa na may hawak na sprinkler. Masamang nakatingin sa akin. I didn't know what to react. She's being a bitch again kahit wala akong ginagawa sa kaniya. Or wala nga ba?

Napa-awang ang mga labi ko nang irapan niya ako at talikuran. Dinig ko ang pagkalabog ng bakal nilang gate nang buksan at isarado niya ito. Mabilis at mabibigat ang mga naging hakbang niya papasok sa kanilang bahay.

Napairap na lang din ako at napailing-iling. I'm trying to understand and respect her more since she's an elderly and she's Haru's grandma. I'm considering Haru as one of my friends now since he's no harm naman. And he warned me about the things I should be aware of and I'm so grateful for it.

Bumalik muli ako sa aking silid at lumabas. I went downstairs at nagkasabay pa kami ni Seika ng pagbaba. She's looking at me like I am a weird creature that scientists should study. Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maunahan sa banyo. Doon na ako naghilamos at nag-ayos ng buhok.

I went in the kitchen where our dining table was also there too. Naghahain si Mama ng almusal nang umupo ako at nagsalin ng tubig sa baso. Inangat niya ang tingin sa'kin. She smirked at me but I didn't pay attention to it. Napansin ko maliit na sugat sa ibaba ng labi niya. Tuyo na ito at ngayon ko lang napansin. Agad na kumunot ang noo ko.

"Good morning, Sumi. Napapadalas ang paggising nang maaga ah?," biro niya pero hindi ko tinawanan. Normal reaction ko lang naman 'yon sa kadalasang pagbibiro nila but I was bothered by the cut below her lower left lip. Parang kalmot na hindi. I can't identify it.

"Anong nangyari sa labi mo, Ma?" walang emosyon kong tanong na ikinatigil niya sa paglalapag ng mga pagkain.

Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa paghahain.

Umupo si Seika sa tapat ko at inagaw ang baso na sinalinan ko ng tubig. Siya ang uminom noon at hindi ko na lang pinatulan pa.

"Ma?" tanong ko ulit. This time, she let out a sigh and looked at me intently. Nagtatakha namang inilapag ni Seika ang baso sa lamesa at ipinagpalit-palit ang tingin sa amin ni Mama.

"Anong meron, guys? Outdated na naman ba ako? Anyway, what's the tea, mga sizst?" sunod-sunod niyang tanong na hindi na napigilan pa ang madaldal na bunganga.

"Kahapon pa 'to. Medyo nagkasagutan kasi kami ni Mrs.Fujikawa sa daan," paliwanag ni Mama na alam kong kulang na kulang sa details.

"Nagkasagutan pero nagkasugat?" may bahid ng sarkasmo kong tanong. Bumuntong hininga muli siya at napasinghap naman si Seika.

"Oh My God! Bakit kayo nagsakitan, Ma? Hindi mo na rin ba natiis ang ugali ng huklubang 'yon?!" eksahaderang reaksyon ni Seika na nakatingin sa sugat ni Mama.

"What happened exactly? Please tell us? Anong karapatan niyang saktan ka?" Kalmado ang boses ko pero alam kong narinig nila pareho ang pagpiyok ko sa dulo.

Umupo si Mama sa sa kabisera kung saan laging nauupo si Papa. She looked at us seriously, hesitating to tell us the whole story.

"Dapat Ma, sinapak mo-"

"Natseika," sabay naming saway ni Mama sa kapatid kong war freak na pasmado ang bibig. Napa-shrug na lang siya sa ginawa namin.

"Magkaibigan na ba kayo ni Haru, Sumi? Parang kakikilala niyo lamang noong nakaraang linggo, ah?" tanong ni Mama na ikina-awang ng bibig ko. Was that the reason why they fought? Me being friends with Haru?

"Well, I'm considering him as my friend since he's kind and friendly. But we're not close. Hindi naman namin kilala ang isa't isa. Names lang ganoon," I explained, not including the dreamcatcher thingy. I'm afraid, Mama will freak out if she learned about it.

Mama nodded and remained calm. "I understand. Haru is a good guy. Kahit alam niyang may iringan kami ng kaniyang Lola, hindi niya sinasama ang sarili niya sa kung ano mang alitan. He's respectful at cheerful and I can't blame you for being friends with in just a short period of time."

I stayed emotionless, bothered inside. May thoughts are flowing in my mind and I can't wait to hear Mama's continuation.

"Iyon ang dahilan?" tanong ni Seika na hindi pinansin ni Mama.

"Kinausap niya ako kahapon sa daan, pagsabihan daw kita na lumayo kay Haru. Putulin mo raw ang kahit anong klaseng koneksyon na mayroon kayo. And it sounded so rude for me. Si Mama at siya ang may problema. Dapat labas na tayo roon, including Haru. That's why I talked back for the very first time. I told her that you are a good girl and there's nothing wrong with Haru being friends with you," she continued and heaved out a loud sigh again.

"What?! That's so lame! She hurt you just because of that?!" I can sense Seika's anger in her voice.

"Mama? You mean Lola? Lola Kaori or Lola Kocho?" puno ng kyuryosidad at inis kong tanong.

"Si Lola Kaori ninyo. Hindi ko alam a-ang pinag-awayan nila pero alam kong alam iyon ng Papa niyo. Pero hindi niya sinasabi sa'kin. Inabisuhan niya lang akong dumistansya tayo sa pamilyang Fujikawa. Grabe ang galit noon sa pamilya natin dahil kay Lola Kaori ninyo," sagot ni Mama.

Natahimik kami nang ilang sandali. Sa tagal na naming nakatira dito ay ngayon lamang namin nalaman ni Seika ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ng matandang iyon sa amin. May galit siya kay Lola. But why is she taking her anger on us? Kami ba ang kaaway niya?

"I'll ask Lola about it. Anyway, ano na ang kwento bakit ka nagkasugat, Ma?" tanong ko, na mabilis na inilingan ni Mama.

"No. She didn't hurt me physically. Well, she tried to. Pagkatapos ko sa kaniyang sumagot ay inambaan niya ako ng sampal. Nakailag ako at nahawakan ko ang pulso niya. Kaso sa sobrang pagkataranta ko ay natamaan ko itong labi ko at nakalmot ko. And this was the result of my stupidity. Don't worry about it. Thank you for the concern," mahabang paliwanag ni Mama na pinakinggan naming mabuti.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig iyon. Nako! Subukan niya lang talagang saktan ai Mama.

"Hay nako! Kaya pala! Pero ang unfair niya naman! Irap-irap siya diyan dukitin ko mata niya e-"

"Natseika, that's really disrespectful," Mama warned her.

"No, Ma. Respect begets respect. If only she respected us, I will gladly give my respect to her. Sumusobra na siya. And I think Ate, you should stop being friends with Kuya Haru. Don't deepen your connection with him," malditang sagot niya at pinagsabihan pa ako.

I just shrugged my shoulders, thinking what to say. I was out of words. Well, cutting ties with Haru isn't really hard. Hindi naman kami matagal na magkakilala and we're not close enough. I can do it and treat him coldly. Or avoid him. But it's just really irrational to do it. Bahala na. Wala namang ginagawa sa'king masama 'yung tao.

Tahimik na natapos ang agahan namin. When lunch came, we ate again. Since boredom is killing me, I tried to go out of the house and look at the new planted plants of Mama. Gusto kong magtanim ng halaman but I have no idea what to plant which is something unique. Puro flowers and vegetables kasi tanim ni Mama.

I don't how many minutes I spent at the front yard. Wala akong plano sa sunod-sunod kong gagawin. Kaya naisipan kong pagmasdan sandali ang kalsada sa labas. Napakalinis at walang mga chismosang nakatambay.

Mabilis akong napatago sa halaman ni Mama nang makita kong magbukas ang gate ng mga Fujikawa. I saw Haru and a girl coming out from the house. Nakakapit sa braso ni Haru ang babae habang nakatingin naman sa kaniya ito. They are talking about something.

Kumunot ang noo ko at hindi ko napigilang pagmasdan pa sila nang mas matagal. Saka ko lang napagtanto na si Kimika ang kasama ni Haru. I suddenly recalled what Mirai told me. He has a girlfriend. And that's Kimika.

I don't know but I felt wrong and weird. The hell.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 351 62
In Celestial Academy there is a prophecy speaks of a woman destined to hold the balance of light and dark, capable of shaping the future based on the...
184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
355K 8.8K 35
[COMPLETED] Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingd...