Epilogue

39 5 0
                                    


Summer.

For some people, summer means vacation, hot weather, dry season, beaches, travels, rest, no school.... time when they can relax and do everything they want to do.

And I don't include myself in that "some people."

Summer's definition for me... is a season of punishment and therapy at the same time.

Punishment because it tortures the hell out of me and therapy because it helps me to cure the wound that keeps on bleeding which I had since then.

Punishment because I kept on remembering my bad days in summer when I was younger and therapy because it never fails to remind me that I've been through a lot... and I deserve all the success and happiness I have right now.

Pero kalabisan bang tatawagin kung sasabihin kong hindi pa rin sapat ang lahat ng mayroon ako ngayon? Abuso na ba kung sasabihin kong may kulang pa rin? Kasi iyon ang tunay na nararamdaman ko.

Hinigop ko ang mainit na kape na nakapatong sa lamesa. Pinagmasdan ko ang mga empleyado kong abala sa pags-serve sa customers ng mga order nila. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng shop at hindi ko mapigilang maging masaya para sa sarili ko. It's been a month since this coffee shop of mine opened. Dugo't pawis ang inialay ko para sa negosyo kong ito. Hindi ko alam kung gaano karaming oras ang iginugol ko para dito. At wala akong pinagsisisihan. Marami pa akong balak na abuting pangarap para sa sarili ko at baka pag nakuha ko na ang mga iyon, maging kuntento na ako sa kung ano man ang mayroon ako.

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang may nagpatong ng nakatuping stationary paper sa lamesang nasa harap ko. Puno ng pagtatakha ko itong binuksan. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba at pagkabigla. Wala mang nakalagay na pangalan kung kanino nanggaling ay alam ko na agad kung sino ang nagsulat nito. Hindi dahil sa sobrang inaasahan ko na ito mula sa kaniya pero ilang beses niya na rin kasi akong pinadalhan nito. At ito ang pang unang beses ngayong taon. Taon-taon ko itong natatanggap. Akala ko ay hindi niya na ako padadalhan dahil kadalasan ay unang linggo ng Marso niya ito pinapadala. Pero third week na ng March ngayon.

Huminga ako nang malalim at binasa muli ang nakasulat.

I will wait. It's okay if you don't want to come here. But I will wait, Sumi.

Luminga-linga ako sa paligid habang itinatago ko sa bulsa ng pants ko ang papel na natanggap ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpatong nito pero malakas ang pakiramdam ko na napag utusan niya ang isa sa mga empleyado ko.

Tumayo ako at isinakbat ang sling bag ko. Sinuklay ko ang dulo ng buhok ko gamit ang mga daliri ko at madaling binasa ang mga labi.

Saktong papalabas pa lang ako ay bigla naman akong sinalubong ni Seika na posturang-postura. If I am not wrong, nakipag date na naman ang bruhildang 'to.

"Oh saan ka pupunta? Kadadating ko lang!" tanong niya at itinapat ang palad sa harap ko. Umirap naman ako at binigyan siya ng seryosong tingin.

"Madali lang ako! May pupuntahan lang ako sandali! Babalik ako agad! D'yan ka muna, bantayan mo sila kung gusto mo, okay? Bye!" nagmamadali kong sabi nang maramdaman ko ang biglaang pagkasabik.

Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Agad akong dumiretso sa nakaparada kong kotse at pinaharurot ito sa lugar kung saan niya ako hinihintay. Halos isang oras ang biniyahe ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nag-aalangan pa rin ako pero gusto ko siyang makita.

Halos manginig ang katawan ko sa kaba nang makarating ako sa parke. Ito ang lagi niyang sinasabing address kung saan siya naghihintay. Nakakapagtakha lang na wala siyang inilagay sa note na natanggap ko kanina lang. I don't know if he forgot to include it o sinadya niya. He's probably not expecting me to come.

Nang makababa na ako ay agad kong sinuyod ng tingin ang paligid. Maraming tao kaya hindi ko alam kung saan siya mabilis na hahanapin. Kalmado akong naglakad patungo sa isa sa mga bench sa park at doon muna umupo. Ilang minuto ang ginugol ko sa pagmamasid doon nang maramdaman kong may umupo sa gilid ko. Sa bigat ng presensya ng umupo ay malakas na agad ang pakiramdam ko na siya iyon.

"It's been eight years... I'm glad you came..." rinig kong sambit ng isang pamilyar na baritonong boses. Agad akong nataranta sa loob-loob ko nang malanghap ang pamilyar niyang amoy. God! I missed him so much!

Huminga ako nang malalim at nanatiling sa harap ang tingin. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko habang kinakalma ang sarili dahil sa presensya niya. Marami akong gustong sabihin at klaruhin. Pero alam kong hindi ito ang tamang oras pag usapan ang lahat ng nangyari noon. Isa pa, ayaw ko nang balikan pa kung ano man ang mga nangyari noon. Totoong natanggap ko na ang lahat at masaya na 'ko ngayon. Pero iba pa rin kasi talaga sa pakiramdam...

"I don't know if you're in... But maybe, we can make up for the summer we never had..." sambit nito na dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nasilayan ko ang mukha niyang halos hindi ko matandaan sa unang tingin. He has changed so much. He grew taller and he became more handsome than usual. He looks very manly now. And the way he dresses, masyadong malakas ang dating niya.

But I know deep inside, that there are things that never changed. And that's my feelings for him... and how his eyes stare at me.

I don't know if it will work this time... but I will make it happen. I just hope that we're going to experience normal things this time... Just like what others do... Just like what we missed when we were younger...





_____________________________________________________________________________________________________________________________

A/N: Hiiii!!! Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year!!! Finally, natapos ko na rin! Huhu! I couldn't believe na 2021 lang pala ang mag u-urge sa'kin tapusin 'to! I've been through a lot while I was planning the epilogue. Hindi ito 'yung first na nasulat ko. It was longer but it was half-baked. I think na mas okay kung maikli pero meaningful na lang ang epilogue. Hindi ko alam kung deserve na ba ng story 'yung ibinigay ko na ending pero I just followed my heart. I didn't care about anything else as long as I wrote this wholeheartedly. I hope you had a great time while reading this. The main characters are so problematic, LOL. I hope just like Haru and Natsumi, you can also find the genuine happiness you deserve! And love should not be rushed! Please always take your time!

I started this while we're suffering from COVID-19 and now, nag evolve na ang virus. I just hope we are all safe! Please take care of yourselves and do not go out of your homes if not needed! Please celebrate this upcoming new year with a happy heart at sana, matupad natin mga resolutions natin next year! I love youuuu and thank you for being with me in my lazy journey. LMAO.

This is the last part of Haru and Natsumi's story. This is the first entry of the Dreamcatcher series pero hindi ko alam kung kailan ko maisusulat ang mga susunod! Again, thank you and keep safe!

Time Check: 3:47 am

The Summer We Never Had (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें