Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

Od CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... Více

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 7

387 22 4
Od CrabLamb

CHAPTER 7

[ Court ]

---

Alex's Point of View

Hi. - Ako.

Napailing na lamang ako habang nakatingin sa aking cellphone. Magi-isang linggo na ako nagi-isip kung anong una kong ite-text kay Jazzquin, yoon pala ay sa simpleng 'hi' lang ang bagsak ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay patong ng siko sa ibabaw ng helmet na nakadantay sa hita ko.

Kasalukuyan akong naka upo sa motor ko na nakaparada sa tapat ng DSWD dito sa Mandaluyong. Inutos saakin ni Adam na kailangan kong bantayan si Nelly at mag bigay ng weekly report kaya iyon ang ginagawa ko.

Hindi ko siya pwedeng bisitahin, restricted siyang makipag-usap sa iba sa ngayon maliban kung kamag-anak niya ang bi-bisita, kaya naman nakiusap ako sa biological mother niya na kausapin siya ngayon.

Ilang araw na ang lumipas simula nang ma-discharge si Nelly sa Ospital, sinagot ng kaniyang ina ang mga bills roon pero hindi niya alam. Ayaw kasing ipaalam ni Mrs. Melanie kay Nelly dahil hindi sila magkasundo ng anak.

Legal case ang kinasangkutan ni Mr. Goliath at ng kinakasama nito kaya kailangan manatili ni Nelly sa DSWD ng isang buwan, mukhang hindi rin muna siya makakapag enroll sa susunod na semester.

Agad akong napayuko nang mag vibrate ang aking cellphone.

Hey. - Quin.

Napahigop ako ng loob ng kaliwang pisngi para iwasang mapangiti, kaso hindi ko pa rin napigilan.

Nasa trabaho ka? Sorry dahil tumanggi ako noong nakaraan sa kape. - Ako.

It's okay. - Quin.

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya, medyo kinabahan dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.

Noong nobya pa ni Jonathan si Onay  ay lagi itong nagku-kwento patungkol sa mood swing ng girlfriend. Hindi daw niya maintindihan kung yung 'okay' ba o yoong 'ikaw ang bahala' ay positibo o negatibo dahil bigla bigla na lang daw ito nagagalit minsan.

Napakamot tuloy ako ng ulo nang maalala kung paano bahagyang nagdabog si Jazzquin nang tumanggi ako.

Galit pa kaya siya?

Unang deduksyon.

Yoong ekspresyon ng mukha niya nang tumanggi ako, bahagyang kumunot ang mukha niya pero agad niya rin iyon binawi sabay talikod.

Nagpigil?

Pangalawang Deduksyon

Siguro naman ay pinag-isipan niya bago niya ako niyaya, hindi ba? Baka ganoon ang naging reaksyon niya nang tumanggi ako.

Hindi ata siya sanay nang tinatanggihan.

Pangatlong Deduksyon.

Hindi ko naiwasan ang makonsensya sa pangatlo.

Tinanggihan ko ang effort niya

Damn, ang bobo.

Napalikha ako ng ingay na tila ba napaso ako, ano bang pwedeng pang bawi?

Agad kong tinipa ang una kong naisip.

Are you free tonight?

Mabuti na lamang at hindi ko pa nase-send, naisip ko kasi na baka gantihan niya ako at hindi siya pumayag.

Agad ko iyong dinelete at dinial ang numero ni Jonathan, siguro naman ay eksperto na siya sa mga ganitong bagay.

"Oh?" bungad niya saakin, mukhang nasa Headquarters siya dahil nakarinig ako ng mga tunog ng telepono.

"May tanong ako," agad kong bungad habang kinukuskos ang helmet ko ng malumanay, may kaunting dumi kasi.

"Sige. Wag lang Math."

Napatigil ako sa pag ku-kuskos at napakunot ang noo.

"Magaling ka sa Math."

Naalala ko noong trainees pa lang kami, mayroong pagkakataon na nakahawak si Adam ng kaso ng Serial killer na may makapanabog ulo na clues sa bawat bangkay.

Mayroon mga numero at equation ang naka ukit sa dila ng bawat biktima, kasama na roon ang code sa mga palapulsuhan nito.

Tanging si Jonathan lang ang nakaisip ng isang posibilidad na nagdala saamin sa katotohanan. Sa pamamagitan ng galing niya sa Matematika ay natunton namin ang may sala.

"Maryosep Aleksandro," anang niya na tila sasabog ang ulo niya dahil sa sobrang stress, "Uso kasi iyon, ang hirap mag biro saiyo puta."

"Ts," iling iling kong sabi habang nakangiti, "Yoong tanong ko."

"Oh ano?"

"Noong mga oras na nagta-tampo sayo si Onay, anong ginagawa mo para makabawi?"

Biglang natahimik ang kabilang linya, yoong pagti-tipa sa keyboard na kanina ko pa naririnig ay bigla ring nawala.

Wari ko'y gumagawa siya ng weekly report para sa bagong kasong pinahawak sakaniya ni Adam, bakit bigla siyang tumigil?

"Tang ina mo Alex."

Napataas ako ng isang makapal na kilay sa narinig ko.

"Ano?"

Malalim na napatawa si Jonathan sa kabilang linya, "Talagang pinormahan mo yoong Journalist?"

Napakamot ako ng dulo ng kilay sa tinanong niya.

"Hindi pa," sagot ko, natawa naman siya muli pero sa pagkakataong ito ay pang-bata na ang tono niya, "Ang ibig kong sabihin ay hindi, hinatid ko lang siya noong nakaraang Sabado dahil alas dos na at wala nang masakyan."

"Ang tanong ko lang ay kung pinopormahan mo, ang dami mong sinabi Fafa Alex."

"Gago, umayos ka nga."

Mas lalo siyang natawa sa reaksyon ko, pinag-iisipan ko tuloy kung tamang tinawagan ko pa siya.

"Oo na oo na, malapit ka nang mapikon eh," sabi ni Jonathan nang makabawi mula sa pagkakatawa, "Hinatid mo lang nagkaroon ka na ng kasalanan? Minanyak mo ba?"

"Hindi," madiin kong pagtanggi habang kinukurot ang ilong ko, "Niyaya niya akong mag kape kaso tinanggihan ko."

"Ay bobo. Palay na lumapit eh! Bakit mo tinanggihan?"

"Iniisip ko kasi na hindi ako makakatulog kapag nag kape ako, isa pa maabala ko pa yoong babae imbis na mag pahinga na lang siya," sabi ko sabay tanaw sa mga taong nalabas ng DSWD.

"Pero tinanggihan mo pa rin siya. Plakda tayo diyaan sir, nag effort yoon."

"Kaya nga nagta-tanong ako saiyo kung anong pwedeng pang bawi," medyo may halong irita na ang boses ko, "Mas marunong ka dito kaysa saakin."

"Naks! Salamat. Huwag ka mag alala Alex, you are in good hands. Tama ka ng nilapitan. Amen amen."

"Oo, Amen," pabiro kong sakay sa trip niya, "So ano ngang pwedeng pang bawi?"

Matagal naman siyang hindi nakasagot, mukhang nag-iisip din ng masasabi.

"Yayain mo siyang mag dinner?"

Malakas akong napahimas ng mukha sa narinig ko.

"Oh bakit? Hindi na uso ang pa love love letter, asa naman tayong makata ka ano? Eh kalahati ka ngang German! Isa pa ay hindi ka sigurado kung hindi allergic si Ms. Lebedev sa bulaklak kaya hindi rin pwede! Nakita mo ba kung gaano siya kaputi? Parang pinag kaitan ng sinag ng araw! Kalimitan sa mga kilala kong mapuputi ay allergic sa bulaklak."

Napaka reliable, minsan nagpapasalamat na lang ako na naging NBI siya kaysa Doktor.

"Huli, hindi pa kayo kaya hindi mo pwedeng i-daan ang away sa kama--"

Pinatay ko na ang tawag bago pa niya madugtungan ang kaniyang sasabihin.

Naagaw ang atensyon ko nang lumabas sa DSWD si Mrs. Melanie, mugto ang mga mata at halatang hindi maayos ang pag-uusap nilang mag-ina.

Pinilit nitong ngumiti habang papalapit saakin.

"Sir," ngiti niyang sabi saakin nang makalapit.

Napakuyom naman ako ng labi bago magsalita, "Pasensya na po, sana ay hindi ko na kayo pinilit."

Umiling naman ito habang naka pikit, pasimple pa niyang pinunasan ang luha sa gilid ng kaniyang mata.

"Para naman ito sa kapakanan ni Nelly, nararapat lang din naman ito saakin kasi pinabayaan ko siya sa ama niya," depensa niya sa sinabi ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, hindi na ako naasang nagsalita si Nelly. Hindi ko naman pwedeng tanungin ang Psychiatrist niya dahil paniguradong hindi pwede.

"Nag-usap kami patungkol sa mangyayari pagkatapos ng isang buwan niya dito," bukas muli ni Mrs. Melanie, "Inaya ko siyang saakin tumira, pumayag na naman ang asawa ko pero buo ang desisyon niya na hindi siya u-uwi saakin."

Iyon ay dahil hindi naman talaga bukal sa loob ng asawa ni Mrs. Melanie na tumira ang anak nito sa ibang lalaki sa mismong pamamahay nila.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, parehas ko kasing naiintindihan si Nelly at Mrs. Melanie.

Hindi ko naman maibuka ang bibig ko para sabihin sa Ginang na asawa niya ang dahilan kung bakit ayaw umuwi ng anak niya sakaniya.

"Saan ho daw siya titira kung sakali?" napag desisyunan ko na lang na baguhin ang tapika.

"Sa kaibigan niya daw," iling iling na sabi niya, "Hindi ko alam kung sinong kaibigan, naga-alala lang ako na baka sa nangyari ay walang bahay na tumanggap sakaniya."

May punto ang Ginang roon, hindi naman tago ang nangyari at paniguradong kumalat na sa mga kaibigan ni Nelly ang balita.

Nakasama niya sa i-isang pamamahay ang dalawang serial killer, malaki ang epekto niyon sa kaniyang social life kahit saang anggulo pa tignan.

"Ano hong balak niyo?" tanong ko sa Ginang, dahil paniguradong kahit anong pilit kay Nelly ay hindi iyon papayag na umuwi sa ina.

Sa tono pa lang ng mga sagot ni Nelly sa mga tanong ko ay halata na kung gaano kataas ang pride niya.

"Ang totoo niyan may pabor sana akong gusto hilingin saiyo, Agent Schwarz," ani nito saakin, napataas naman ako ng dalawang kilay.

"Ano ho iyon?"

Napakuyom ng labi si Mrs. Melanie, "Kung sakali man na wala siyang mapuntahan sa oras na makaalis siya dito sa DSWD, sana ay matulungan mo siya."

Napansin siguro ng Ginang ang paga-alangan sa mukha ko kaya agad niya iyong dinugtungan.

"H-hindi ko naman sinabing kupkupin mo siya," pagli-linis niya sa kaniyang mga salita, "Kung maaari lang ay tulungan mo siyang makahanap ng matutuluyan, huwag kang mag-alala tungkol sa gastos at ako ang bahala doon. Saiyo ko na lang ipa-padaan ang pera kung sakali dahil paniguradong kapag nalaman ni Nelly na galing saakin iyon ay ta-tanggihan niya."

Napaigiting ako ng panga, nai-ilang pa rin ako sa hinihiling niya.

Pero wala naman akong lalabagin sa trabaho ko kung ga-gawin ko iyon, isa pa ay malaking advantage iyon dahil hindi ako mahihirapan sa weekly report ko. Mas mababantayan ko si Nelly.

Napatango na lamang ako bilang sagot.

Nginitian naman ako ng Ginang, kitang kita ko kung paano umaliwalas ang mukha niya. Parang nabunutan siya ng isang tinik sa lalamunan.

Hindi nag tagal ay napag desisyunan ko nang bumalik sa Headquarters, may sariling sasakyan na dala si Mrs. Melanie at magka-hiwalay kami ng da-daanan kaya bumusina siya saakin, inangat ko ang kaliwa kong kamay bilang pamamaalam.

Nang makabalik ako sa Headquarters ay agad kong napansin na wala si Jonathan, kalimitan naman saamin ay wala dito dahil lagi kaming nasa labas.

Mabuti na lang. Hindi pa handa ang tainga ko sa mga nakahandang asar niya saakin.

Bago ko pa maitulak ang pintuan ng opisina ko pabukas ay napatingin ako kay Nathalie.

Doon ko lang naalala na nobya pala ang mayroon siya at hindi nobyo, bakit ba si Jonathan una kong nilapitan?

"Hey," bungad ko pagkabukas ko ng pintuan ng opisina ni Nathalie.

"Anong kailangan mo?" ani ni Nathalie habang may binabasang folder, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng pintuan niya, napagalaw pa ako ng panga habang nakaiwas ng tingin.

"Kuya?"

"Hmn?" mas mabilis pa sa alas kwatro akong napabalik ng tingin kay Nathalie, nakayuko pa rin ito pero ang mata niya ay nakatingin na saakin.

Nabasa ko naman ang labi ko bago magsalita.

"Ah..."

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Nathalie at bahagyang napailing.

"Sundin mo na lang sinabi ni Jonathan," sabi niya sabay baba muli ng tingin.

Napahinga na lang ako ng malalim, napakalat kaagad ni Jonathan.

"Sa ingay ng boses ni Jonathan kanina ay alam ko na agad ang problema mo," kumurba ang labi ni Nathali habang inililipat sa pinaka likuran ang papel na tapos na niyang basahin, "Kung magtatanong ka saakin ay wala rin akong matinong maisasagot saiyo. Si Sarah ang nanligaw saakin."

"Walang pagkakataon na ikaw ang sumusuyo?"

"Hindi mo gu-gustuhing marinig kung paano ako manuyo," ngisi ngisi niyang sabi habang nagbabasa.

Napailing na lang ako dahil nakuha ko ang ibig niyang sabihin.

Napapaligiran ako ng mga taong hindi maganda ang impluwensya.

"Why did I choose this job?" biro kong bulong kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang dahilan ko.

Hindi nga nag tagal ay pumasok na ako ng opisina ko, balak kong simulan ang weekly report ko kay Adam para sa ngayong linggo gawa ng galing na ako ng DSWD kanina.

Naputol nga lang ang pagti-tipa ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Jonathan.

Nakita ko crush mo Fafa, nandito sa Glorietta. -- Jonathan.

Napalunok naman ako sa aking nabasa, naitagilid ko ang swivel chair at nag tipa ng sagot.

Anong ginagawa mo sa Glorietta? -- Ako.

Para saakin ba talaga ang tanong na iyan o kay Ms. Lebedev? -- Jonathan.

Ite-text ko na ba kay Adam na oras ng trabaho ay nasa lakwatsahan ka? -- Ako.

Ito na daddy hindi na, nagpapalamig lang eh. -- Jonathan.

Napailing na lamang ako at hindi na nag abalang mag padala ng sagot kay Jonathan.

Sinubukan kong bumalik sa pagti-tipa ng report ko pero pakiramdam ko ay may nakalimutan akong gawin.

Ano kayang ginagawa niya sa Glorietta? Wala siyang trabaho?

Bigla naman akong napaisip. Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon kanina. Siguro ay wala? O kaya naman ay nasa mall ang trabaho niya, palagi rin naman nasa labas ng opisina ang trabaho ng Journalist.

Nahablot ko naman muli ang nananahimik kong cellphone at nagtipa ng mensahe kay Jazzquin.

Are you free tonight? -- Ako.

Sa pagkakataong ito ay ipinadala ko na. Wala nang atrasan.

Nang makita kong nag send ay ipinatong ko na muli ito sa ibabaw ng lamesa at tinitigan iyon.

Papayag kaya siya?

Sa sobrang pag-iisip ko sa magiging sagot niya ay imbis na magawa ko ang weekly report ay pinag laruan ko lang ang swivel chair na kinau-upuan ko.

Hindi ako mapakali.

Ngayon lang naman ako ulit nagkaroon ng interes sa isang babae, yoong mga nailalabas ko noon ay hindi tumatagal. Kung hindi dahil saakin ay oras ang problema, mas prioridad ko kasi ang pag-aaral noon at ang hustisya para kay Jacky.

Hindi ko lang alam ngayon.

Mas mabilis pa sa bilis ng ilaw kong kinuha ang aking cellphone nang makatanggap ako ng mensahe.

Yes, why? -- Quin.

Nabasa ko naman ang nanunuyo ko labi. Sinagot niya lang ang tanong ko, naghi-hintay kaya siya ng espisipikong tanong mula saakin?

Kabado akong nag tipa ng mensahe.

Let's have dinner? -- Ako.

---

"Agent Schwarz!"

Napalingon naman ako mula sa may tabi ng escalator nang marinig ko ang boses ni Jazzquin.

"Alex na lang," malalim ang boses ko na sabi nang makalapit siya saakin.

Napanguso naman siya at tinignan ang kabu-uan ko.

Hindi rin iyon nagtagal at bumalik ang mga mata niya sa paningin ko, "You like turtleneck shirts too?"

Natawa ako sa sinabi niya sabay iling, "No, ito lang nahablot ko sa ibabaw ng aparador ko."

Parehas kasi kaming naka turtleneck, magkaiba nga lang ng kulay.

She's wearing a fitted maroon long sleeve turtleneck, gray high waisted jeans and black ankle boots. Mainit tignan pero medyo bawi naman dahil nakataas ang buhok niya, masyado lang messy dahil may ibang strand ang nakalawit, sa tingin ko estilo iyon?

Magaan lang din ang kolorete niya sa mukha, pinaka napansin ko ay yoong labi niya na nude ulit ang bahid.

Mukhang maghapon siya dito sa Glorietta, malamig naman sa loob ng mall kaya ayos lang ang suot niya.

Ang pinagkaiba lang ng suot ko sakaniya ay short sleeve ang turtleneck shirt ko, dark brown din ang kulay.

Yoong itim na skinny jeans at tactical combat shoes na suot ko pamasok sa Dibisyon ay hindi ko na inabalang palitan dahil sayang sa oras.

Yoong buhok ko lang yata ang pinagtuunan ko ng pansin na i-gel paatras, kahit pa nasira din dahil naka motor ako.

"So," kamot sa sentido kong panimula, "Saan mo gusto kumain?"

Gumilid ang labi niya at nagpalinga linga sa paligid, mukhang nagha-hanap rin kung saan pwede.

Doon ko lang napansin na maraming lalaki ang tumitingin sa gawi niya.

Napalunok naman ako dahil ako ang hindi kumportable sa tingin ng mga ito, lihim tuloy akong lumapit ng kaunti kay Jazzquin.

"I don't know, kahit saan na lang siguro," sabi ni Jazzquin sabay lingon pabalik saakin, medyo napaatras pa siya nang makita na mas napalapit ako.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin at bahagyang umatras ng kaunti.

Napaiwas rin ako ng tingin para tignan kung may mga lalaki pang tumitingin sakaniya.

Nakita kong pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya habang nakatingin saakin, hindi ko alam kung iniiwasan niyang hindi ngumisi.

"You like Mary Grace?"

"Ha?" sabi ko sabay tingin muli sakaniya, "Ang ibig kong sabihin hindi, wala nga akong kilalang Mary Grace."

Bahagyang umuwang ang labi niya sa sinabi ko, kumuyom pa ang kamao niya sabay takip noon sa labi niya.

Napangiti naman ako nang mapagtanto kong natatawa siya, itinagilid ko pa ang ulo ko para habulin ang tingin niya, "What?"

"It's a Café, you cinnamon roll."

Ngayon pa lang ay naririnig ko na ang pangungutya ni Jonathan sa likuran ng utak ko.

Napagalaw ako ng panga at napa pameywang sabay iwas ng tingin, narinig ko pa ang malalim na pag tawa ni Jazzquin sa gilid ko.

Ito ata ang napapala ng halos siyam na taong single.

"Let's go?" sabi niya kasabay ng pag-una niya sa paglalakad, sinundan ko naman siya dahil mukhang alam niya kung saan iyong tinutukoy niyang café.

Lihim kong minura ang sarili ko, ako ang nagyaya pero siya ang nagdadala saakin ngayon sa kakainan namin.

Sana pala nag pa reserve ako ng restaurant. Mali pala ako ng sabi kay Adam na mapurol na ako sa pagde-deduksyon, sa pag porma ng babae ako lipas na lipas.

Walang gaanong tao sa café kaya agad kaming nakahanap ng pwesto.

Para pa makabawi ay ipinagtulak ko siya ng upuan na ikinataas niya ng kilay.

Ngumisi siya ng malawak saakin sabay hila ng sarili niyang silya at upo roon, bahagya akong ipinahiya.

Napailing na lamang ako sabay upo sa upuan na hindi niya tinanggap.

Mukhang galit pa rin siya sa pag tanggi ko.

"I'll pay," malalim na sabi ko habang tumitingin siya sa menu.

Palihim niya akong tinignan pero hindi siya umangal.

Habang abala si Jazzquin sa paghahanap ng makakain ay hinayaan ko ang sarili ko na tignan siya.

Paano kaya siya napadpad dito sa Pilipinas? Katulad ko rin ba siya na may magulang na Pinoy?

Wala talaga akong makitang bahid ng pagka Pinoy sakaniya. Ako naman ay maputi rin noon pero dahil sa klima ay medyo naging kayumanggi ang kulay ko, wala pang balik.

Pero kung itatabi ang balat ko sa purong Pinoy ay mas maputi pa rin ako

Naputol ang pag-iisip ko nang ibaba na niya ang menu kaya tumawag na ako ng waitress.

Agad namang may nakapansin saakin, malawak ang ngiti nito habang palapit sa table namin.

"Good evening sir! What's your order?" magalang nitong bati saakin.

"One Vongole pasta, one ceasar salad and one Muscovado cappuccino," ani ni Jazzquin. Nabigla pa ng kaunti ang waitress dahil akala niya ay ako ang o-order.

Naipatong ni Jazzquin ang dalawang siko sa lamesa habang nakapatong ang baba sa dalawa niyang palad, "How about you, Alex?"

Napataas ang dalawa kong kilay sa gulat dahil sa tatlong dahilan.

Una ay dahil tinawag niya ako sa pangalan ko sa unang pagkakataon.

Pangalawa ay dahil may pagka pilya ang boses niya nang banggitin niya ang pangalan ko na parang inaasar ako.

Pangatlo hindi ako nag abalang tumingin sa menu, kaya wala akong alam o order.

Inaasar ba ako ni Jazzquin?

Napakuyom naman ang labi ko sabay tingin sa paligid. Nakita ko sa katabi naming table na may sine-serve sila ditong sandwhich kaso hindi ko alam kung mabubusog ba ako roon.

Unang Deduksyon.

Café ito, hindi uso ang kanin. Wala rin akong nakitang ibang customer na kumakain ng mabibigat maliban sa pasta, sandwhich at pizza.

Hindi ako mahilig sa pasta at gusto ko lang ang pizza sa meryenda kaya magsa-sandwhich na lang ako.

Pangalawang Deduksyon.

Café. Madali lang para sa inumin, kape.

Pero anong klaseng kape? Lahat naman kasi ng klase ng kape ay iniinom ko.

Nag-isip na lang ako ng unang kape na papasok sa isip ko na makikita naman sa lahat ng kapehan.

Espresso.

Pangatlong Deduksyon.

Bumaba ang tingin ko sa menu at lihim na napangiti na ang cover noon ay isang sandwhich, kasama na roon ang pangalan kaya alam ko na ang sasabihin ko. May basehan na rin ako kung ilan dahil iyon ang inorder ng katabi naming table.

"Two Fili Beef and Tomato Sandwich and One Espresso."

Tinanguan naman ako ng waitress habang sinusulat ang sinabi ko sa notebook.

Dumako ang tingin ko kay Jazzquin na nakatitig lang saakin at bahagyang nakakunot ang noo.

Ipinokus ko naman ang ngiti ko sa aking kaliwang pisngi, hindi inaalis sa babaeng katapat ko ang aking paningin.

"And two water, please."

Umalis na ang waitress para ibigay sa counter ang inorder namin pero hindi pa rin natitinag ang titigan naming dalawa ni Jazzquin.

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya.

"You are really an observant, Mr. Schwarz."

"Alex," pagtatama ko sa tawag niya saakin.

Gusto kong mag reklamo dahil nasabi na niya ang pangalan ko kanina pero walang lumabas sa bibig ko.

"So," panimula niya, "Why did you ask me to have dinner, Alex?"

Napaigting naman ako ng panga sabay patong ng isang braso sa lamesa, agad nga lang iyong naabala dahil nagpatong ang waitress ng dalawang baso sa lamesa para i-serve ang tubig.

"I..." lunok kong panimula, pero hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin.

"Hmn?" panga-asar niya saakin habang umiinom ng tubig.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko, "Gusto kong mag sorry."

"For?"

"For rejecting your offer last...Sunday?" hindi ko pa sigurado pero napagtanto ko naman na tama, alas dos iyon ng madaling araw.

Bahagya namang bumuka ang labi ni Jazzquin at natawa bigla.

"I'm not mad," sabi niya habang inilalapag ang baso ng tubig sa lamesa, "I was just...disappointed. Hindi ata tumalab ang ganda ko sa isang Alex Schwarz."

"It's not like that," agad kong tanggi sa sinabi niya, napataas siya ng dalawang kilay.

Inabot ng dila ko ang pang-itaas kong ngipin sabay iwas ng tingin. Mabuti na lamang ay dumating na ang in-order naming pagkain.

Tahimik lang kami habang kumakain pero ang utak ko ay hindi mapakali, ni hindi ko nga napansin na nakaubos na ako ng isang sandwich.

Palihim akong tumingin sakaniya pero nag iwas rin ako ng tingin nang mabilis niyang nilabanan ang sulyap ko, ginamit ko na lang ang periperal kong paningin para bantayan siya.

Salad na ang kinakain niya at rinig na rinig ko kung paano niya kagatin ang tinidor para maitulak ang croutons papasok sa kaniyang bibig. Dama ko rin ang mainit niyang titig habang ginagawa niya iyon.

Nang hindi ko na matagalan ay tinigilan ko muna ang pangalawang sandwich ko.

"Hindi ako tumanggi dahil hindi tumalab ganda mo saakin," kailangan kong tumigil dahil pakiramdam ko pipiyok ako sa mga sinasabi ko, "It's just that, magti-timpla ka pa at hindi makakapag pahinga agad dahil sa presensya ko."

Hindi naman siya agad sumagot dahil abala siya sa pag nguya, inantay ko pa siyang matapos pero nang tumusok siya ng lettuce ay napagtanto ko nang wala siyang balak magsalita.

"You are hot."

Yoong pasubo niyang lettuce ay biglang tumigil.

Doon ko lang napagtanto kung ano yoong sinabi ko. Tang ina ang bobo! Sana 'pretty' na lang o kaya 'beautiful' ang tino pa pakinggan.

Nakita ko ang pag porma ng ngisi sa labi niya habang sinisipsip ang gilid ng kaniyang ngipin, paniguradong iniisip na niyang manyak ako.

Bahagyang umawang ang labi ko nang hindi na niya napigilang matawa, napahimas naman ako ng sarili kong sentido dahil sa hiya.

"Oh my..." iling iling na sabi ni Jazzquin habang pinapaypayan at sinasandal ang sarili sa kinau-upuan.

Napakrus siya ng dalawang braso sa ilalim ng kaniyang dibdib at ngising tumingin sa mga mata ko.

"Are you hitting on me, Alex?"

Bumuka naman ang bibig ko para sana depensahan ang sarili ko pero agad ko rin iyong isinarado, naisip ko lang kasi na huli na para itanggi pa ang lahat dahil sa nadulas kong bibig.

Nang mapansin niyang wala akong balak na sumagot ay napaayos siya ng upo at seryoso  akong tinitigan.

"Hindi mo man lang ba itatanong kung single ako?" umangat ang pang-ibabang labi niya na tila malungkot ang ekspresyon ng mukha, "You might be pursuing an already taken woman."

Napakurap naman ako sa sinabi niya. Oo nga.

Hindi ko alam pero imbis na murahin ang sarili ko ay napaisip ako kung anong klaseng nobyo ang mayroon si Jazzquin.

Ano kayang itura niyon? May kaya ba? Journalist din? Kung hindi anong trabaho niya? Gaano na sila katagal?

Sa ganda ni Jazzquin ay dapat binabakuran niya ito at hindi hinahayaan na makipag dinner sa ibang lalaki.

Napakuyom ako ng kamao nang maalala ko kung paano siya tignan ng ibang kalalakihan kanina, base sa pago-obserba ko ay iba na ang iniisip ng mga iyon sa loob ng utak nila habang nakatingin kay Jazzquin.

Napansin ata ni Jazzquin ang pag laganap ng ugat sa buong braso ko kaya taas kilay niya akong tinignan ng mata sa mata.

"I'm single, I'm just joking."

Bahagyang lumuwag ang kamao ko sa aking narinig, pakiramdam ko rin ay lumuwag ang ekspresyon ng mukha ko na hindi ko inaasahang nakalukot.

"Well," panimula ko muli pagkatapos ng isang pag tikhim, "I'm sorry again, for rejecting you. I really mean it."

Umangat naman ang isang gilid ng labi ni Jazzquin sabay kuha ng tasa ng kaniyang kape, dalawang kamay ang pinang hawak niya doon bago niya inilapit sakaniyang ilong. Hindi inaalis ang tingin saakin.

"Apology accepted."

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...