The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 5

126K 4.1K 570
By Maria_CarCat

Happy eating






"Sabi sayo Doc eh, gusto ka din talaga ni Sera" ngiting ngiti pang sabi ni Abby dito. Pinuno ko ng mura ang mga tenga nilang dalawa dahil sa nalaman ko. Mga hayop na to, ginawa pa akong kalokohan.

Nahihiyang ngumiti si Kenzo at napakamot pa sa kanyang batok. Puta, nagpapacute pa ang gago. Sinamaan ko sila ng tingin na dalawa. Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin ay paniguradong kanina pa sila bumagsak na dalawa.

"Sana" mahinang sabi ni Kenzo kaya naman kaagad na nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok pababa sa braso. Naikuyom ko ang aking kamao.

Bayolente akong napakamot sa aking batok dahil sa pagkairita. "Super tangina niyo talaga to the highest level. Nakakabwiset" gigil na sabi ko pa sa kanila kaya naman muling napatawa si Abby.

"Hindi ko talaga maexplain yung itsura ni Sera kanina nung ipakita ko sa kanya yung my day mo eh...selos na selos eh" patuloy na panlalaglag sa akin ng gaga kong kaibigan.

Parang tuwang tuwa pa sa kilig ang gagong si Kenzo. Mga hayop.

Muling napaalam si Abby na aalis pagkatapos nuon. Mukhang babalikan na nito ang pinxerox naming handouts. Napasimangot naman ako ng muli nanaman kaming maiwan ni Kenzo.

"Nagmirienda ka na ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot, nanatili ang matalim kong tingin sa kung saan.

"Hindi na ulit kita pagseselosin. Mukhang mahirao kang suyuin" nakangising sabi pa niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"Fuck you" inis na asik ko sa kanya. Napaayos ako ng upo ng muling humilig papalapit sa akin si Kenzo. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga.

"You don't know how hard it is for me...I really want to kiss you everytime you curse Sera" mapanindig balahibong pagbabanta niya sa akin.

Imbes na magpakain sa takot ay naikuyom ko ang aking kamao. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tangina" tipid na sabi ko para asarin siya.

Muling bumaba ang tingin ni Kenzo sa aking mga labi. Sa kabila ng pagiging matapang ko ay naramdaman ko ang panlalambot ng aking mga tuhod dahil sa kakaibang tingin niya dito, lalo ng nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kayang adams apple.

"Tangina...tangina" paulit ulit na sambit ko para hamunin siya. Mariing napapikit si Kenzo. Nagulat ako ng mabilis niyang tinakpan ang bunganga ko gamit ang kanyang palad.

"You're such a tease. Don't provoke me, baka maguidance tayo for PDA" natatawang suway niya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla pa din sa palad nitong nasa aking bibig, ang bango nuon at ang lambot parang hindi kamay ng lalaki.

"Ano ba!" inis na suway ko sa kanya ng makabawi ako. Kaagad kong tinaboy ang kamay niya sa aking bibig.

Marahas kong pinunasan ang aking bibig. "Baka mamaya eh kakalabas mo lang ng banyo. Kadiri ka" inis na sabi ko pa habang pinupunasan ng panyo ang aking pisngi at labi.

Nakangiti lamang si Kenzo na nakatingin sa akin. Para bang aliw na aliw itong nabwibwiset niya ako. Dahil duon ay kaagad kong itinaas ang middle finger ko sa mukha niya, mas lalong natawa ang gago.

Hindi tumigil si Kenzo sa panliligaw sa akin kahit pa ilang beses ko siyang tinatarayan at minumura. Imbes tuloy ba mainis minsan ay nasasanay na lamang din ako sa kanyabg presencya. Kaya naman nung isang araw na hindi ko siya nakita ay nanibago na ako.

"Ay ang lungkot natin ngayon ah" pangaasar sa akin ni Abby. Sinimangutan ko siya at tsaka mas lalong humaba ang aking nguso.

Napatawa si Abby dahil sa aking naging reaksyon. "Baka busy lang si Doc Kenzo, syempre nagaaral din iyon. Hindi naman pwedeng palagi lang siyang nakasunod sayo" paliwanag pa sa akin ni Abby ba akala mo naman eh hiningi ko ang opinyon niya.

Inirapan ko ito at tsaka ako muling nagdoodle sa likod ng aking handaouts. Hindi ko napigilang idrawing si Kenzo tsaka ko nilagyan ng sungay ay pangil. Siraulong iyon.

"Si Doc Kenzo!" pagturo ni Abby sa pintuan kaya naman agad akong lumingon duon. Dahil sa aking ginawa ay napahalakhak siya. Inis na inis kong hinila ang buhok niya.

Natahimik lamang kaming dalawa nang dumating na ang professor namin. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit dahil sa sobrang antok. Mahirap ang pharmacology, pero mas mahirap kalabanin ang antok lalo na at ayaw nang magpaawat ng talukap ng aking mga mata. Bumabagsak na talaga sila.

"You can have your 5 mins. Break" anunsyo ng professor namin na nagpagising sa akin. Kita ko kaagad ang makahulugang pagtingin nito sa akin.

"Sarap ng tulog natin ah, kanina pa nakatingin si Ma'm sayo" bulong ni Abby sa akin. Napasimangot ako.

"Kasalanan ko bang nakakantok ang boses niya. Para akong hinehele eh" pagrarason ko pa na ikinatawa ni Abby. Imbes na manatili sa room ay kaagad akong nagpaalam sa kanya na pupunta ako ng Cr. Hindi na siya sumama pa sa akin dahil agad na siyang dumokdok sa kanyang armrest. Buti pa si Abby kahit pareho kaming bobo ay napipigilan niya ang sarili na hindi matulog sa klase. Ako mahina ako. Para sa akin, Health is Wealth.

Tamad akong bumaba para magtungo sa Cr. Pagkadating ko sa PJP 3rd floor ay naabutan kong puno ng mga Med student ang hallway. Parang mahihiya kang huminga dahil sa sobrang tahimik nila. Nagkalat sila sa 3rd floor habang may hawak na kanya kanyabg libro at handouts. Kulang na lang ay aakalain ko ng library iyon.

Napataas ang kilay ko ng matamaan ko si Mandee. Busy din ito sa kanyang hawak na handouts. Kaagad kong naisip na maaring nandito din ang damuhong si Kenzo. Inilibot ko ang aking paningin sa buong hallway hanggang sa makita ko si Andrew na nakaupo sa may sahig, may hawak itong handouts pero nakapikit ang kanyang mga mata.

Yunuko ako para kalabitin siya. "Andrew si Kenzo?" mahinang tanong ko para hindi  din kami makaistorbo sa mga kaklase niyang tutok na tutok sa pagbabasa.

Pumungay pa ang kanyang mga mata bago niya ako tuluyang nakita. "Oh Sarah ikaw pala yan" nakangiting bati niya sa akin kaya naman napangiwi ako.

"It's Sera...Sera" madiing paguulit ko sa kanya. Napakamot ito sa kanyang batok. "Ah Sera, sorry" paghingi pa niya ng paumanhin kaya naman tipid na lamang akong tumango sa kanya.

"Si Kenzo nasaan?" tanong ko pa ulit.

Dahan dahang napatayo si Andrew habang naguunat unat pa. "Bumilo ng gamot sa baba. Nilalagnat yun eh...kaya nga hindi ka daw niya mapuntahan" kwento niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"May sakit siya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napatango tango lamang ito. Bago pa man siya makapagsalita ulit ay kaagad na akong naglakad ng mabilis para makababa sa hagdanan.

Pagkababa ko sa 1st floor ay kaagad kong namataan ang pagpasok ni Kenzo, nakasuot iton ng jacket. Namumula din ang kanyang ulo at malamlam ang kanyang mga mata. Napangiwi ako ng makita ko sa kanyang tabi ang bwiset na si Fidez.

Nagulat si Kenzo nang magtama ang aming mga mata. Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin dahilan kung bakit naiwan niya ang naglalakad sa buwan na si Fidez. Sumama ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ng kaibigan. Inirapan ko na lamang siya. Pake ko sa kanya.

"Hindi pa tapos ang klase mo ah" puna ni Kenzo sa akin kaya naman humaba ang nguso ko. Kung makapuna akala mo guard siya.

"5 minutes break kami noh!" asar pang sabi ko sa kanya kaya naman marahan siyang napatango.

"Kenzo tara na, may exam tayo" yaya sa kanya ni Lola Fidez nang tuluyang makalapit sa akin.

"Mauna ka na, hihintayin ko si Sera" sabi nito sa kaibigan. Dahil pakiramdam ko ay nanalo ako laban sa kanya ay nagtaas ako ng kilay sabay iwas ng tingin para hindi masyadong halatang waging wagi ako.

Gusto pa sana nitong magprotesta pero pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili na magsalita pa. Narealize siguro niyang hindi niya napipilit si Kenzo. Pinanuod ko pa ang nagdadabog na pagakyat ni Fidez. Bigong bigo dahil naputol ang kanilang moment ni Kenzo.

"Bitter na bitter talaga yang kaibigan mo. Wala ba yang boyfriend ng magkaSex life man lang" inis na sabi ko kay Kenzo habang naglalakad ako papunta sa banyo.

Narinig ko ang pagngisi nito habang nakasunod sa akin. "Parang siya meron" mahinang pangaasar niya sa akin kaya naman nilingon ko siya at pinanlisikan ng tingin. Natawa siya dahil sa ginawa ko pero kaagad ding napalayo ng maubo siya.

Hinintay ako nito sa labas ng Cr. Naabutan ko siyang nakapikit at pagod na pagod na nakasandal sa pader. Hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya.

"Hoy Gago" malumanay na tawag ko sa kanya. Mabilis siyang napamulat ng mata at tsaka umayos ng tayo. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

Wala sa sarili kong itinaas ang aking kamay para salatin ang kanyang leeg. Napangiwi ako ng maramdaman kong mainit nga siya. "Bakit hindi ka na lang umabsent. Manghahawa ka pa eh" sabi ko na lamang para hindi masyadong magtunog na nagaalala ako sa kanya.

Dinilaan niya ang kanyang labi para basain iyon. Napadapo din duon ang mata ko kaya naman naginit ang magkabilang pisngi ko ng makita kong napansin niya ang pagkakatitig dito.

"Nakainom ka na ba ng gamot?" tamad na tanong ko sa kanya. Malaki na siya at alam kong kaya na niya ang sarili niya. MagdoDoctor nga siya di ba?

"Anong gamot po ba ang dapat kong inumin Ms. Pharmacist" nakangiting tanong pa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw tong nagdoDoctor eh, sampalin pa kita diyan" inis na sabi ko sa kanya kaya naman napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi. Nagpapacute pa ang punyeta.

Kahit sa 3rd floor lang ang room nila Kenzo ay nagawa pa niya akong ihatid sa room namin sa may 4th floor. Ilang beses kong sinabi sa kanya na hindi na iyon kailangan pero masyadong mapilit ang gago.

"Uwi ka na kasi" laban ko pa sa kanya. Pero umiling lamang siya. May exam daw sila at importante iyon.

"Makinig ka sa lessons niyo wag puro daldal. Wag ding matutulog ha" pangaral pa niya sa akin kaya naman kaagad akong napasimangot. Paano naman kaya nalaman nitong natutulog ako sa klase.

"Hindi naman ako natutulog sa klase noh!" pagsisinungaling ko pa sa kanya.

Nagtaas ito ng kilay. "Kaya pala may muta ka pa" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad akong napahawak sa aking mata para icheck iyon.

Napatigil ako nang marinig ko ang pagngisi ni Kenzo. "Huli ka" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad kong naikuyom ang aking kamao.

"Tangina ka talaga" pagod na sabi ko sa kanya dahil palagi na lamang niya akong ginagawang katatawanan.

Napanguso ako at tsaka kaagad na bumagsak ang aking tingin sa sahig. Lumapit si Kenzo sa akin, itinaas niya ang ulo ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking baba. "Sige na, makinig ka ng maayos sa lessons mo" malambing na sabi niya sa akin kaya naman pagod din akong tumango sa kanya.

Narinig ko pa ang pagngisi nito. "Ngiti na" utos pa niya. Imbes na sumunod ay mas lalo lang humaba ang aking nguso.

"Hindi kita mahahalikan ngayon may sakit ako" malungkot na paalala pa niya sa akin.

Tiningnan ko siya. "Kahit wala ka namang sakit hindi mo pa din ako hahalikan dahil hindi mo naman ako girlfriend remember? Di ba kamo hindi ka humahalik sa hindi mo girlfriend" laban ko pa sa kanya kaya naman mas lalong napangisi si Kenzo.

Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Parang manghahalik na ako ngayon...kaunting mura pa, hahalikan na talaga kita kahit hindi pa tayo" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman muling humaba ang nguso ko kasabay ng pagibit ng aking pisngi.

"Tang..." hindi ko na naituloy ang dapat sanang pagmumura ko dahil sa pagtakip ng hintuturo niya sa labi ko.

"Sabing may sakit ako ngayon eh" tawawang sabi niya. Ramdam ko ang frustration sa kanyang boses.

Napairap ako. "Hmp. Arte mo bwiset" sabi ko at kaagad siyang tinalikuran.

Hindi na ako nakatulog pa sa klase pagkatapos nuon. Nanatili akong nakatitig sa white board. Hindi ako nakikinig, pero tahimik akong nakatingin duon. Nagkukunwaring may naiintindihan habang napapatango tango pa sa tuwing nagtatanong ang professor namin.

"Ano namang gagawin natin sa pharmacy?" tanong sa akin ni Abby ng imbes ba dumiretso kami para bumili ng mirienda ay niyaya ko siyang pumunta sa mercury.

"Basta may bibilhin ako" laban ko sa kanya kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang samahan ako papunta duon.

Kaagad kong bumili ng paracetamol at tsaka cool fever para kay Kenzo. Hindi ko alam kung bakit ako bumibili nuon para sa kanya eh mayaman naman siya at kayang kaya niyang bumili nuon.

"Wow, Girlfriend duties ah" pangaasar ni Abby sa akin habang nakapila kami sa may cashier. Inirapan mo na lamang siya. Bumili din ako ng chocolate na nakita ko sa may cashier.

"Mauuna na akong umuwi!" nagmamadaling paalam niya sa akin pagkabalik namin sa school.

Hanggang alastres lang ang klase namin. At kung hindi ako nagkakamali ay hanggang alasingko ang kila Kenzo. Hinayaan kong umuwi si Abby. Muli akong bumalik sa campus. Dumiretso ako sa may PJP at duon naghintay sa labas ng room nila Kenzo. Nahihiya pa akong sumilip sa may maliit na salamin sa may pintuan, seryosong nakikinig ang mga estudyante pero hindi ko nakita si Kenzo. Baka sa likuran siya nakaupo.

Pagod akong naupo sa may upuan. Sinubukan kong magbasa ng handouts para sa subject namin bukas pero kagaya ng palaging nangyayari ay napapatitig lamang ako duon. Matapos ang halos dalawang oras na paghihintay ay kaagad akong napaayos ng upo ng bumukas ang pintuan nila. Unang lumabas ang nagtuturong Doctor sa kanila bago isa isang lumabas ang mga estudyante. Napatayo ako dahil baka hindi ko makita si Kenzo.

"Kenzo" kaagad na tawag ko sa kanya.

Maging ang iba niyang kaklase ay napatingin din sa akin kaya naman medyo nahiya pa ako. Nagulat si Kenzo ng makita ako, mabilis siyang lumapit sa akin.

"Kanina pa ang uwian mo ah" puna niya na tinanguan ko lang. Kaagad kong kinuha ang plastick ng mercury para iabot iyon sa kanya.

"Binilhan kita ng gamot at cool fever" ngiting ngiting sabi ko pa sa kanya. Nagulat si Kenzo dahil duon pero kaagad ding napangiti nang makabawi.

"Salamat" sabi niya habang sinisipat ang laman ng plastick.

"Magpagaling ka ha..." sabi ko pa na ikinagulat ko din. Muling naglaro ang mga ngiti sa labi nito.

"Kasi nagaalala ako sa mga kaklase mo, baka mahawa sila kawawa naman" nahihiyang palusot ko na lamang sa kanya pero hindi na naalis ang ngiti nito.

Nagkaroon ng holiday na natapat sa araw ng monday kaya naman kahit ayaw kong umuwi sa amin sa may Sta. maria ay kailangan ko. Sinundo pa ako ni Ate sa dorm ko para sabay kaming makauwi.

Panay ang Chat namin ni Kenzo habang nasa byahe kami. Sinabi ko sa kanya na uuwi ako ng bulacan. Siya naman ay sa bahay lang nila at magaaral. Napakaboring ng buhay niya.

"Kamusta ang mga exams mo?" tanong ni Ate. Napatingin ako sa daan. Mabilis na ang byahe namin pagpasok namin ng Nlex.

"Ok naman. Sumalis ako sa study group" tamad na kwento ko sa kanya. Mabait naman sa akin si Ate. Pero kasi sa tuwing kausap ko siya kahit normal lang ang usapan namin ramdam na ramdam ko pa din ang pagiging bobo ko.

Malayong malayo talaga ako sa kanya. Mahinhin ito at hindi nagmumura. Isang tingin mo pa lang sa kanya alam mong matalino na. Samantalang ako, kahit ilang beses tingnan bobo pa din.

Napabuntong hininga ako pagpasok ng sasakyan sa aming gate. Siguradong magmumukha nanaman akong basura dito. Ganuon naman kasi palagi ang pinaparamdam ni Daddy sa akin. Napatapon ako at minsan nahihiya na lang siyang ipakilala ako na anak niya.

"Hello po Dad" mahinang bati ko sa kanga ng humalik ako sa kanyang pisngi. Ni hindi man lang ito ngumiti sa akin. Pero ng si Ate na ang lumapit sa kanya ay todo ngiti pa ito na kulang na lang ay mahulog pati ang pustiso niya.

Napairap na lamang ako at tsaka tahimik na umakyat sa aking kwarto. Sa buong buhay ko parang never ko pang narinig si Daddy na sinabing naging proud siya sa akin. Si Ate lang kasi ang palagi niyang nakikita, kaya naman kahit gaano ko paghirapan ang maliliit na achivements ko ay basura pa din kung tingnan niya.

"I heard you and Alexander Dee are dating" nakangiting tanong ni Daddy kay Ate habang nasa dinning kami at nagdidinner.

Nahihiyang tumango si Ate dito. Dahil sa sobrang saya ni Daddy ay napapalakpak pa siya. Siya lang ang nakita kong tuwang tuwa na may boyfriend na ang anak niyang babae. Imbes tuloy na ang tiyan ko ang mabusog ay ang tenga ko ang napuno ng muli nanaman niya akong mapansin.

"Nakita mo ang Ate mo Sera...dapat mo siyang gayahin." muling pangaral pa niya sa akin na hindi ko na nasundan pa dahil paulit ulit ko naman na iyong narinig.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nung linggo ng hapon nang kailanganin na naming bumalik ni Ate sa manila para sa klase namin ng lunes. Pagkalabas ko sa bahay ay para nanaman akong isang totoong tao. Yung taong may pakinabang, someone who has worth. Hindi walang kwenta na palaging tingin ni Daddy sa akin.

Maaga akong pumasok lunes ng umaga. Hinintay ko talaga ang pagdating ni Kenzo. Napatayo ako ng makita ko itong papasok sa may Second gate. Kaagad siyang napangiti ng makita ako.

"Ang aga mo ah" puno niya sa akin kaya naman napanguso lang ako.

"Ako na kasi ang bagong Janitor dito. Ako ang nagbubukas ng mga ilaw" seryosong sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

Kaagad kong iniabot sa kanya ang special chicharon na galing pa sa bulacan. "Family bussiness namin yan" sabi ko pa.

"Wow, salamat" nakangiting sabi pa niya sa akin na tinanguan ko na lang.

"Happy eating haggang sa maHigh blood ka" pangaasar ko pa sa kanya.

Napatawa siya at tsaka ako niyayang ihahatid sa aming classroom. Tuwang tuwa ito habang pinapanuod akong buksan ang mga ilaw sa bawat hallway na madaanan namin.

"Ay Puta!" hiyaw na gulat ko ng nagpatay sindi ang ilaw sa hallway ng 3rd floor.

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib at pinagpatuloy ang pagakyat papunta sa 4th floor. "Ay tangina. Pundi pa ang hayop" inis na sabi ko ng hindi sumindi ang ilaw kahit pa paulit ulit ko iyong pindot.

Napahiyaw akong ng hilahin ako ni Kenzo. Kaagad niya akong isinandal sa may pader. Napakurap kurap ako.

"Hoy Gago anong pro..." hindi ko na natapos pa ang tanong ko ng mabilis niyang inangkin ang aking labi. Gulat na gulat ako kaya naman kitang kita ko kung paano pumikit si Kenzo habang nakahalik sa akin.

Napaawang ang labi ko nang humiwalay siya. "Bakit mo ako hinalikan hindi mo pa naman ako girlfriend ah?" lutang na tanong ko sa kanya.

Ngumisi si Kenzo sa akin at muling nagpakita ang tanginang dimples niya.

"Girlfriend na kita. Hinalikan na kita eh" laban niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Dinilaan niya ang kanyang pangibabang labi kaya naman napatingin ako duon. "Tayo na kako" paguulit niya na kaagad mo namang tinanguan habang nakatitig pa din duon sa basang labi niya.

"Good. Now let me kiss you again..." sabi pa niya bago niya muling inangkin ang aking labi. Tangina talaga.

(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 1.5K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
830K 28.5K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.