Enclave Series 1 : Rush Villa...

By _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush More

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY THREE
Chapter TWENTY FOUR
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter TWENTY-FIVE

873 52 11
By _AyEnNe_

"One of the hardest decisions you'll ever face in your life is choosing whether to walk away or try harder."

********

Brianna's (POV)

Kinabukasan ay napagpasyahan kong pumunta ng mas maaaga sa meeting place namin ni Dani.

Baon ang lungkot at pangungulila ay tumambay ako sa tahimik na bahagi na iyon habang iniisip pa din si Rush.

Samu't saring emosyon ang aking nararamdaman pero nangingibabaw duon ay ang pananabik na muli itong masilayan at makasama.

Sana nga lang ay bukas pa ang pag-iisip nito para ipagpatuloy ang namumuong kaganapan sa aming dalawa, dahil kung sakaling hindi na ay siguradong masasaktan ako ng sobra.

For the record ay ngayon lang ako naging ganito ka-eager na plantsahin ang anumang gusot sa pagitan ng isang taong naging malapit sa akin. Even Blue na naging girlfriend ko ay hindi ko nabigyan ng ganitong effort lalo na ang pagbaba sa sariling pride. Mas madalas na siya ang gumagawa ng paraan para ako ay amuin and not the other way around.

I sighed at napayuko while silently praying na sana ay mapatawad ako ng namayapa kong kasintahan dahil sa kusa kong pagsukol sa sarili at pag-amin na hindi na lamang basta biro ang nararamdaman ko para kay Rush. Pakiramdam ko ay hindi naman siguro maituturing na kasalanan iyon lalo pa at matagal na siyang namayapa.

It's time for you to be happy.

Bulong ng aking isang bahagi.

Pero paano na lamang kung tuluyan ng naka-move on si Rush?

Pagkontra naman ng kabilang panig.

Napatigil ako at napaisip kapagdaka'y pilit iwinaksi ang agam-agam.

Kahit gaano man kaliit ang chance ay panghahawakan ko pa rin iyon, kagaya ng hindi ko pagbitiw sa pangako ni Rush kung gaano niya ako kamahal.

I close my eyes for a while stabilizing my emotion and letting it aligned on my belief that Rush cannot unloved me.

Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Alam ko nagkamali ako ng ipagtabuyan siya palayo pero alam ko din na hindi niya ako basta-basta kakalimutang mahalin.

And that's what my heart is keep on telling me.

Oo. Tama.

Mahal ako ni Rush.

Mahal pa din ako ni Rush.

Hindi man siguro magkapantay ang nararamdaman namin sa ngayon pero alam ko sa sarili kong mahal ko na rin siya sa paraang alam ko. Sa paraang maski ako ay hindi kayang ipaliwanag kung gaano kalakas at kalalim ang emosyong aking dala-dala.

Weird it may seem but I never felt this way before and this strange feeling making me alive in the most unusual way.

The connection between us is too strong na sadya ko lamang pinaglalabanan simula't sapul pa. But now, I quit.

I'm done.

I'm done re-building the wall between us na sa tuwina ay manaka-nakang gumuguho sa tuwing ipinaparamdam ni Rush sa akin kung gaano ako kaimportante at kung gaano niya ako kamahal.

I am now willing to take the risk of letting myself to be loved and be in love.

Napapikit ako while trying to shrug the heavy feeling that constantly succumb inside me.

Sana ay mabigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, Rush. Sana ay hayaan mo pang makabawi ako sa lahat ng mga maling aking ginawa.

Gathering all my thoughts, I release a deep sigh one more time at tuluyang iwinaksi ang anumang pangambang umaakmang sumungaw when suddenly I heard commotion at my back.

"sinasabi ko na nga ba at nandito ka na eh" pukaw ng isang maarteng tinig na kahit hindi ko pa nakikita ay kaagad kong nakilala.

It was Alice.

Nilingon ko ito at kinunutan ng noo didn't even bother kung mapansin niyang nadismaya ako sa kanyang presensya. "anong ginagawa mo dito? Hindi ba at sabi kong umuwi ka na?" paninita ko ng tuluyan na itong makalapit at umupo sa aking tabi.

She hissed , padaskol nitong inilapag ang sariling gamit sa sementadong lamesa na nanduon atsaka bumaling sa akin na hindi maipinta ang pagmumukha.

Umirap ito.

"hindi ako tanga para pabayaan ang kaibigan kong sumama sa warfreak na iyon" pagsinghal nito. she's obviously referring to Dani. At base sa kanyang reaction ay hindi talaga humupa ang disgusto nito sa tao kahit na nga ba ilang beses ko ng ipinaliwanag na baka nagmamagandang loob lamang ito.

"kahit naman naiinis ako sa mga pinag-gagawa mo this fast few days ay hindi naman kita matitiis na mag-isang hanapin si Rush" pagpukaw nito sa akin habang pinapagpag ang kanyang mga hita na animo inaalis ang kung anumang mikrobyo.

Kapagdaka'y lumingon ito sa akin. "isa pa, nangako ako sayo hindi ba? " dugtong nito na kapansin-pansin ang malumanay na tinig sa huling tinuran.

Bahagya akong napangiti and didn't react when I remember her promise.

"pero maiba ako "pukaw ng aking katabi "have you heard anything about Clay?" she ask's with voice full of curiosity.

Ang ngiting bumalatay sa aking mukha ay kagyat na nawala ng marinig ang pamilyar na pangalan.

Humupa naman na ang pagka-inis ko sa taong tinukoy nito pero sa hindi malamang kadahilanan ay naghatid ng kakaibang kaba ang pagbanggit ni Alice sa pangalang iyon.

I pause for a while at umiling " wala na akong balita sa kanya" matipid at diretso kong sagot sa kaibigan kasabay ng pagbaling ng tingin sa di-kalayuan.

Alice didn't say anything which cause me to shift back my gaze to her, only to creased my eyebrow dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. "why Alice? did you know anything?" pag-usig ko still puzzled by the unfamiliar looks on her eyes.

Natigilan ito at alinlangang tumingin sa akin bago nag-iwas ng tingin " w-wala n-naman" she response with her crack voice.

"n-nga pala, a-anong oras ang u-usapan niyo ni D-Dani" bigla nitong pag-iiba ng topic na aking nahalata.

Dumiretso ako ng pagkakaupo at mariing tumitig dito. "spill it, Alice" direkta kong utos dito, totally disregard her question.

She paused and then throw me a fake smile "spill what?" pagmamaang-maangan nito.

"oh, come on. I don't buy it. You know how stubborn I am so you better tell me whatever it is that your holding"

Umiling-iling ito, tumingin sa kawalan and bite her lower lip as if trying to suppress something.

"ano?" paghahamon ko sa naiinip na tono while staring at her intently.

Anak ng tokwa! Ano bang nalalaman nito tungkol kay Clay na ayaw niyang sabihin?

From the way she reacted, it's obvious that there's a reason kung bakit out of the blue ay naitanong niya ang babaeng iyon.

Bumuntong hininga siya ng malalim at humarap sa aking gawi. "Okay" I heard her surrender.

Hinawakan pa nito ang magkabila kong kamay na naghatid ng hindi maipaliwanag na kaba.

I didn't react and just wait for her next sentence ng hindi kumukurap.

"Nakausap ko si Chrome kanina" panimula nitong titig na titig sa akin "...and she says, nag drop out na daw si Clay sa school nila" dugtong nito na ikinasimangot ko.

I roll my eyes "so? anong pakialam ko kung nag-drop out na ang babaeng iyon?" masungit kong pagsupla sa kaharap while creasing my forehead.

Nanatili itong nakatitig sa akin at hindi natinag sa aking pagsusungit.

Tinaasan ko ito ng isang kilay at nadidismayang hinatak ang sariling kamay"pwede ba Al----"

"Clay is not her real name" she cuts me off na muling nagpakunot ng aking noo.

"Ang totoong pangalan niya ay Yuna..... Yuna Mari Samaniego" she continues, didn't even bother to respond on my reaction.

I dart her with my questioning eyes na mukhang hindi niya nakuha.

I hissed and look away trying to calm my nerves.

Do I look like I care kung anong tunay na pangalan ng gagang iyon?

Kapagkuwan ay ibinalik ko ang aking tingin sa kaharap.

"really Alice? sa panahong ganito mo pa ako bibigyan ng facts tungkol sa babaeng iyan? " nang-uuyam kong tanong kasabay ng sarkastikong pagngiti.

Wala akong kiber sa mga pinagsasabi nito lalo pa at ang involved ay ang taong naging dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.

Atsaka bakit ba kung kailan namumublema ako kay Rush ay duon naman niya i-bo brought up ang walang ka-kwenta kwentang isyu na ito?

Fuck!

She creased her forehead "you didn't recognize her real name?" nagugulumihan nitong tanong desididong mai-push ang sinimulang usapin.

I hiss. "what are you saying?! Do I really need to know that bitch?!"naiirita kong buwelta dito in a high tone.

Pinag-iinit talaga nito ang ulo ko eh!

"just so you know! Wala akong pakialam kay Clay or kay Yuna or whoever she is. Madami akong iniisip kaya kung pwede lang---- "

"ex-girlfriend siya ni Blue." She quickly cuts me off which cause me to pause para hayaang mag-register ang sinabi nito.

Saglit akong napa-atras at tinitigan ito waiting for her na bawiin ang kanyang tinuran. But she was serious.

After a while ay napangisi ako "you really are funny" I stated while shaking my head but then natigil ako sa ginagawa ng hindi man lang natinag ang aking kaharap.

"ako lang ang naging girlfriend ni Blue" I voice out with full of confidence na dagli ko ring pinagdudahan dahil sa nakikita kong reaction ng aking kaibigan.

Bumuntong-hininga ito at tumitig sa akin na puno ng simpatya.

"Chrome confirmed it a while ago...... "

"... she said nakuha niya ang information sa isang tao na malapit din kay Yuna "

I shook my head desperately.

"She was her first, Brianna." pagdugtong nito. "... girlfriend na ni Blue si Yuna before nagkaroon ng kayo" malumanay niyang paliwanag na animo pinagsisink in sa aking mabuti ang bawat katagang kanyang binitawan.

I crease my forehead while trying to find any words but it really caught me off-guard.

Nag-iwas ako ng tingin sa katabi at wala sa sariling tumayo.

Tumalikod ako dito at kinapa ang sariling damdamin ukol sa bagay na kanyang sinabi.

I was hoping to find bitterness or any negative emotions na normal para sa isang babaeng pinagsinungalingan. But then, kataka-takang wala akong maramdamang iba bukod sa pagkagulat na usual naman sigurong maramdaman ng isang taong walang naging idea sa mga bagay na iyon.

Ipinikit ko pa ang mga mata sa pag-aakalang may nagtatagong emosyon pero ang tanging ibinibulong ng aking isang bahagi ay ang kagustuhang makita si Rush.

Nothing more. Nothing less.

"Blue is clearly out of the picture dahil nakikita at nararamdaman ko namang naka-move on ka na sa kanya" pukaw ni Alice na nakapagpabiling sa akin.

I tilt my head at nagugulumihan akong tumitig sa kanya "then why are you telling me all this shit?"pagsita ko.

"because I think this Yuna Samaniego is implying something"

"implying what?" iritado kong salag dito trying to get her point na hindi ko makuha-kuha.

"what if..... sinasadya talaga ni Yuna ang pagiging malapit kay Rush?"

I pause and think of the times na nahuli kong gumagawa ng paraan si Yuna para makausap si Rush.

Ang pag-alok ng cookies, ang kagustuhang makitulog sa tent namin at ang araw na nahuli kong....

"yes. i admit I respond to her kisses. But... that's because I thought it was you."

"oh, come on! that's bullshit!! "

"I was dreaming of you and me when she did it. I thought it's still part of my dream kaya nag respond ako.. "

"I'm not buying it!"

"pero iyon ang totoo"

Napapikit ako ng mariin ng tila nag-rewind sa akin ang mga nangyari kasabay ng pagrehistro ng nagmamakaawang mukha ng taong minamahal.

"what if nagsasabi ng totoo si Rush? what if si Yuna talaga ang gumawa ng paraan para makupot mo sila sa kompormisong sitwasyon?"susog ng aking kaibigan.

Napaisip ako.

Kung totoo ngang tama ang hinala ng kausap, ibig bang sabihin ay desidido si Yuna na makuha ang buong atensyon ni Rush at maibaling iyon sa kanya?pero para ano? kung alam naman niyang matagal na akong nililigawan nuong isa?

"I didn't know na isasama mo iyang kaibigan mong mahadera" pagpukaw ng taong aming hinihintay.

Kagyat na natigil ako sa pag-iisip at ang buong atensyon ay napunta sa bagong dating.

I turn my back towards my friend and about to approach Dani but it was too late dahil kaagad na itong binalingan ng aking kaibigan. At kagaya ng inaasahan ay sinugod niya si Dani na nuon ay ibang-iba ang ayos sa nakaraan naming pagkikita.

She still acquiring the same aura, pero ngayon ay mas disente na ang suot nito at mapaghahalataang kabilang sa mataas na angkan. She looks smart wearing this casual wear, a mint green oxford shirt untucked, paired with dark jeans and a black leather shoe.

"paki-ulit nga ang sinabi mong hambog ka?!" panduduro ni Alice at tila gigil na gigil sa kaharap.

I didn't wait for Dani to response, kaagad kong dinaluhan silang dalawa at awtomatikong hinawakan ang kaibigan para awatin.

"so hindi ka lang pala mahadera? Kundi bingengot pa?" pang-iinis ng aming kaharap.

"aba! at gago ka pala talaga eh noh?!" bwelta ni Alice and about to take charge ng aking hapitin.

"Alice! please stop!" pagpigil ko sa akma nitong pagsugod.

"ikaw naman, tumahimik ka na!" pagbaling ko kay Dani na nuon ay ngingisi-ngising nakatanghod sa aking katabi na awtomatikong itinaas ang magkabilang kamay na animo sumusuko.

"I told you Bree, this is not a good idea!" baling sa akin ni Alice in her high tone. "umalis na tayo at siguradong walang kakahinatnan ang pagsama mo diyan sa kumag na iyan!" singhal nito while gathering all our things.

I roll my eyes and sighed.

And here we go again.

"Alice, please I need this, alam mong---- " pakiusap ko dito.

"no!" she cut's me off "maraming paraan para makita si Rush, and we will do it on our own way!" dugtong nito darting her death glare to one particular person behind me.

"pero nandito na tayo?" pagsagot ko "besides saglit lang naman ito" pangungumbinsi ko sa kaharap.

"tssss... ! pwede naman tayong bumalik na lang dito sa ibang araw ng walang kasa-kasamang asungot!" bwelta nito habang winawasiwas ang hawak-hawak na bag.

"mas mukha ka ka---"

"Limuaco! Stop it, ano ba?!" pagbaling ko sa taong akma na namang mang-iinis.

Tinitigan ko ito ng masama at animo nakuha naman nito ang aking nais kung kaya nanahimik ng tuluyan matapos imuwestra na i-zip ang sariling bibig.

"hintayin ko na lang kayo sa bukana ng Gym. Tapusin niyo ng drama niyo at magsisimula na ang laro." anito makalipas ang ilang segundo.

Tumalikod ito at walang lingong lumakad palayo.

"nakita mo na kung gaano ka-arogante ang unggoy na iyon?!" singhal ni Alice na nakapag-pabiling sa akin.

"naku Brianna! Sinasabi ko sayo negative vibes ang hatid ng Limuaco na iyon. Kaya kung ako sa'yo umuwi na tayo at buma----"

"No!"

" I'll stay here!" Naiinis kong putol dito sabay hablot sa gamit kong kanyang dala-dala. "if you want to go home. By all means umuwi ka kung gusto mo!"

Nakakapikon na, parang bata kung umasta.

"pero Brianna!" pag-awat nito kasabay ng paghablot sa braso ko.

"Alicia! Ano ba???" pagpiglas ko. " napupuno na ko sayo ha! Bakit ba ang init ng dugo mo sa isang iyon? nakita mo ng nagmamagandang loob iyong taong tumulong pinapatulan mo pa"

"eh mukhang hindi naman sincere iyong unggoy na iyon!"

"que sincere o hindi! Papaniwalaan ko! dahil iyon ang gusto ko! nakuha mo?!" pagbwelta ko dito, didn't mind kung ma-offend ito sa aking pagsigaw.

Tila natameme naman ang kaharap kung kaya nanatili na lamang itong walang kibo.

"tssss....gusto ko makita si Rush! At kahit na niloloko ako ni Dani gusto kong masiguro dahil gusto ko makita si Rush. Naiintindihan mo ba iyon" I explained mumbling on my last word when the familiar emotion consumed me.

Tila natauhan ito kung kaya nawalan ng kibo. Kumibot-kibot pa ang nguso na animo may gustong sabihin when I sighed deeply and stared intently at her.

"So ano?" pukaw ko dito in a low tone. "magbababag ba tayong dalawa o sasamahan mo ko kagaya ng ipina-ngako mo?"

She remains still until I decided na sundan si Dani.

The next thing I know ay kasunod ko na itong tinatahak ang dinaraanan ng taong kanyang kinaiinisan.

********

Hindi mapigil ang kaba sa aking dibdib habang tinatahak namin ang pasilyo.

I'm fidgeting making me play with fingers unconsciously. Bawat hakbang papalapit sa pakay na lugar ay nagbibigay ng hindi maipaliwanag na emosyon na pilit kong pinaglalabanan.

My mind is occupied for a while hanggang sa unti-unti akong makarinig ng ingay.

Sinalubong kami ng malakas na sigawan at kantiyawan pagkabungad sa gymnasium.

Hindi naman masasabing puno ng tao ang loob pero dahil wala naman event at tila basketball practice lamang ang nagaganap ay marami na rin sa karaniwan ang nagsisipag nood.

My eyes automatically landed on the court, scanning the group of students playing in blue and yellow jersey. I'm about to check kung sino ang mga iyon ng maramdaman ko ang marahang pagsiko ni Alice

" hindi ba't sila iyong hinarang mo nuong nakaraan?" sabay nguso sa mga tinutukoy .

Sinundan ko ang kanyang paningin hanggang makita ko ang kulumpon ng mga babaeng hindi magkandaugaga sa pagchi-cheer. Sila ang mga babaeng pinilit kong paaminin kung nasaan si Rush. 

Ang mga babaeng higad.

"Go Storm! Go Storm! Go baby baby Storm!!!"

Eskandalosang paghiyaw ng mga ito habang nakatunghay sa court at tila mga kiti-kiting hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan.

Storm?

Napakunot ako ng noo then followed their gaze only to be shock when I saw this blond person in blue jersey na agresibong tumatakbo sa court habang dini-dribol ang bola.

"OMG! Akala ko ba nag-drop out na si Adrianne Lee?" pagsasatinig ng kaibigan sa aking iniisip..

Someone hissed.

"drop out her face" maanghang na sabad ni Dani na hindi namin namalayang nakalapit " hindi magda-drop out ang kumag na iyan, nagpalipat lang sa evening classes"

"evening classes!!" magkapanabay naming komento ng aking kaibigan sabay lingon kay Dani.

She glances at us then sarcastically smile atsaka ibinalik ang paningin sa court.

"natapyasan yata ang kayabangan ni loko dahil hindi makaya ng utak niyang sabayan ang matatalino niyang kaklase sa umaga kaya hayan at bumagsak sa mga pang gabi" maangas na sabi nito.

"ay wow!really? coming from you?" salag ng aking katabi atsaka tinitigan ang kaharap ng mula ulo hanggang paa "eh mas nuknukan ka kaya ng hambog! kaysa kay Storm! "

"Aba at loko ka ah"

Umiling-iling ako at muling itinuon ang paningin sa paligid habang nagsisimula na namang magbangayan ang dalawa.

Seryoso akong tumitingin sa paligid kipkip ang hindi maipaliwanag na kaba hanggang humantong ang paningin ko sa isang pamilyar na bulto ng katawan.

I'm about to smile but then it quickly faded ng mapansin ang babaeng nasa kanyang tabihan.

Anong ginagawa ni Clay dito?

Unexplained feeling consumed me when I saw how the two of them seated side by side at animo kampanteng nag-uusap.

Napatiim-bagang ako lalo na ng matunghayan si Clay kung paano titigan ng malagkit si Rush.

I felt a sudden pang in my chest when they exchange glances which make me more uncomfortable at manaka-nakang manugod pero pinilit kong kumalma.

I didn't leave my gaze on them until the ball accidentally went to their side.

Hindi ko matanggap ang sumunod na eksena kaya awtomatikong nag-iwas ako ng paningin sa pag-aakalang maibsan nuon ang sakit na sumigid when I saw Rush protect Clay by hugging her.

Damn it! At sa pagkarami-raming eksenang makikita ko ay iyon pa talaga?!

"oh my god!! Tignan niyo si Rush"

"who's the lucky girl?!"

"grabe!! Sana all pinoprotektahan at niyayakap!"

Magkakasunod na komentong nadinig ko from different people.

Masakit sa tainga, masakit sa mata at higit sa lahat ay masakit sa dibdib!

"what the hell?" narinig kong usal ng aking katabi na siyang tuluyang nagpa-angat ng aking paningin.

I glance at them again and find Rush in disbelief while staring at me. She become agitated for a while habang ako ay nanatiling nakatitig without any reaction from my face kahit na nga ba nagbabadyang tumulo ang namumuong luha habang nag-uumigting ang inis ko sa kanila.

God knows how much I wanted to confront them pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maikilos ang aking katawan. Tila ako ay naipako sa aking kinatatayuan while battling with my inner self.

"tignan mo nga naman hano? Akalain mong may itinatago ding kaharutan sa katawan iyang si Villanueva?" pasaring ni Dani. Obviously referring to Rush.

Hind ako kumibo dahil sa kaloobang nagpupuyos na lalo pang lumala dahil sa mga sinabi nito.

"magaling din pumili si mokong at ----"

"shut up, Dani!" pagsaway ng aking kaibigan.

"oh eh bakit? May masama ba sa sinabi ko kung hayan at kitang-kita niyo naman kung anong----"

"isa pang komento mo at sasapakin na kita!!" galit na binalingan nito ang kausap.

Dani didn't react pero bubulong-bulong itong bumaling sa court. Kapagdaka'y hinarap ako ng aking kaibigan "I told you this is not a good idea".

I want to protest pero alam kong susuplahin lang niya ako lalo na at nakita niya rin ang komosyong ginawa nuong dalawa.

"Let's go Bree.Umalis na tayo dito!" Pagyaya ng katabi kasabay ng paghatak sa akin na kaagad ding natigil ng humarang sa amin si Dani.

"teka lang! akala ko ba gusto niyong makita ang kumag na iyon?"

"oh eh nakita na namin, kaya aalis na kami." buwelta ni Alice na akmang hahawiin ang kaharap ng muli itong pumalag.

"aren't you going to say hi to her??" nagugulumihang tanong ni Dani. Didn't know if she's concern or just trying to annoy us dahil sa tono ng pananalita nito.

"Ano ba, Limuaco??!pwede bang lumayas ka diyan at baka hindi na talaga kita matantiya!" tungayaw ng aking kaibigan na bahagyang ikinagulat ni Dani.

"okay, okay.. chillax" she said smiling sarcastically na nakataas pa ang dalawang kamay na animo sumusuko. "akala mo'y kayganda kung magtaray"

"may ibinubulong ka ba??! Huh?! " pagsita ng katabi ko.

I sighed.

Magsisimula na naman silang magbangayan.

Pahapyaw kong sinulyapan sila Rush na hindi ko na nakita dahil sa mga estudyanteng humarang sa aming harapan. I sighed atsaka kusang hinatak ang kaibigan. "tara na Alice".

Hinawi ko si Dani pero bago pa ulit makahakbang ay binalingan ko ito.

"Thank you"

"no prob-----"

I didn't bother to let her finish at tinalikuran na ito.

Rude as It may seems, pero wala na akong pakialam lalo pa at nangingibabaw sa akin ang galit at sakit dahil sa eksenang nasaksihan.

Pagkatalikod ay pasimple kong pinunasan ang aking luha.

Blangko ang isip ko habang naglalakad kami palayo sa lugar na iyon ng maramdaman ko ang paghinto ni Alice sa aking likuran.

I stop and turn around only to find her staring at me like she was digging further into my mind.

"what?" I complain creasing my forehead ng hindi makatiis.

"alam mo, tama rin si Ugok. Dapat nga siguro magpakita ka kay Rush para makausap mo na siya once and for all "

I pause weighing what she said then hiss afterwards " hayaan na" at akmang tatalikod when i felt her hand on my arm.

"eh bakit?" she asks in confusion which make me think too.

Marahan akong humarap sa kanya then tilt my head.

"Serysoso ka ba?? eh halos kaladkarin mo na ako kanina palabas hindi ba?"

She sighed.

"oo nga pero kasi naisip ko,mainam na ri------"

Ang anumang sasabihin nito ay naputol ng pareho kaming makarinig ng komosyon.

"ano iyon?!" she ask.

Nagkibit balikat ako at kapagdaka'y nagmartsa pabalik sa aming pinanggalingan kung saan nanggaling ang sigaw na aming nadinig. 

Pagkaliko sa hallway ay pareho pa kami ni Alice na napatigil.

Nagkatinginan at kapagdaka'y kumaripas ng takbo para awatin ang dalawang taong tila nasa kalagitnaan ng pagtatalo.

Si Rush at si Dani.

********

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
174K 9.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
30.7K 2.6K 41
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...