Thorns of Roses

By MeanAndBlock

307 23 18

Even being a girl with girl siblings and girl bestfriends, Aamirose Christine de La Isla contradicts what mos... More

Thorns of Roses (Series of Hana #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 9

25 2 9
By MeanAndBlock

Chapter 9

I closed my eyes as the Angelus prayer started. Tahimik akong huminto sa paglalakad at tumungo. Ang init na nagmumula sa sinag ng araw sa gitna ng quadrangle ay hindi tininag ang kapwa kong estudyanteng naglalakad. A moment of peaceful silence enveloped the whole school.

"Through the same Christ Our Lord. Amen."

Dinilat ko ang aking mata matapos ang prayer at sinulong ang kalakihan ng quadrangle. Chattering is now already evident. Mabilis ang pintig ng puso ko at tagaktak din ang aking pawis. Patungong cafeteria, dumiretso ako. 

The smell of different dishes filled my nose, not long enough, nakita ko ang kumakaway na si Jace na may malaking ngisi.

I sat down and stared at the ordered food in front of me; Barbeque chicken with rice and pickled papaya. My mouth immediately watered. Salamat sa libre ni Renz.

"Sa tingin mo siya ang may gawa noon?" Arn started.

Kumuha ang katabi kong Si Hugh ng panyo at pinunasan ang basa kong leeg at noo. He then pulled my hair into a bun bago umusog nang kaunti para pagbigyan akong kumain. Madalas niyang gawin iyon. I smiled widely at him and began eating.

Tahimik akong ngumuya at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Arn. I don't have the energy to speak much, gutom ako.

"I mean, kapag ako ang tatanungin siya kaagad ang una kong iisipin. Ramdam naman ng lahat kung gaano siya ka-competetive kay AC." Brain added.

Uminom ako ng tubig matapos lumunok. Ang kaninang gutom ay nawawala dahil sa kanilang usapan.

Nahuli akong dumating dahil sa nanggaling pa akong faculty, sa opisina ni Mr. Alfredo. Hindi ko matanggap na bumagsak ako sa major homework niya.

Pagod kami after training ng ROTC nang may iniabot siyang bundle of papers kay Arn. It was our homework that was passed yesterday, Friday. Noong nakita ko ang aking score ay hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap dahil hindi katanggap tanggap. Yesterday, before Mr. Alfredo's class started, Josh borrowed my homework. Hindi ako nagdalawang isip na ibigay ito dahil lagi niya naman iyong ginagawa. When Mr. Alfredo came and collected it, si Josh na rin ang nagpasa sa kanya ng aking gawa.

Soon as my work landed on my hands after checking, I cannot fully comprehend that I received way lower than half of the score. Halatang binura ang mga sagot ko at pinagpyestahan ang gawa ko.

"I'm just disappointed, kaya ko namang bawiin iyon. But the fact that Josh stoop that low to get on me, iyon ang hindi ko matanggap." Sagot ko.

I get that he is a scholar and he needs to maintain his grades. Pero hindi niya naman ako kailangang hilahin pababa para mapanatili ang pagiging scholar niya. Calla is also a scholar of the same program but never in my life that she showed any signs of competition amongst her colleague. I guess nasa tao talaga iyon.

"What should we do then?" Si Jace na seryosong tumingin sa akin. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain.

I've learned my lesson. In no way I am going to lend him my notes, or any other thing academically related. Mas madaling umiwas kaysa makipag-away. Malakas lang ako sa trashtalk-an pero kapag totoong away na ang usapan, tumitiklop pa rin ako.

Umiling ako at ngumiti bilang sagot sa tanong ni Renz. Tumango na lamang sila at nanahimik kahit pakiramdam ko'y hindi sila sang-ayon.

Natapos ang huli kong klase nang nakarecieve ako ng text mula kay Sir.

Crushie:

'R u bc?'

Nagsalubong ang kilay ko. Ano raw?

Matagal kong tinitigan ang text bago ko naintindihan. 'Are you busy?' Pala ang nais iparating. Daming alam.

AC:

'No Sir. Tapos na rin po training namin.'

Crushie:

'Alright. B there in a few.'

Kumakaway ako sa sasakyan ng paalis na 5. Hindi ko talaga maatim kung paano sila nagkakasya roon. Binato pa ako ni Hugh ng isang papel galing sa pinagkainan niya at nagflying kiss paalis. Umiling ako at tinapon iyon sa basurahan.

Lumapit sa akin si Sir Nico. Wearing a fresh white sweater na may maliit na tsek sa kanang dibdib; nakaangat ang sleeves hanggang siko, white sneakers of the same brand and a faded jeans, para siyang isang K-pop idol na kagagaling lamang sa audition.

Bagay na bagay kasi ang puti rin ng kutis niya. Para kaming choco-na-gatas kapag magkatabi dahil sa pagiging kayumanggi ko. 

Iginiya niya ako sa kanyang kotse. With my ACU, fresh from the ROTC, sumakay ako sa kanyang sasakyan.

"It's my birthday today." Paninimula niya pagkatapos naming magseat belt.

Gulat na gulat ako! Hindi ako aware. Una, dahil kahit anong Social Media account ay nakaprivate account siya, second, wala ring sinabi ang aking mga kaibigan sa kanya at hindi niya rin pinaalam sa text!

I awkwardly looked at him and it's now my turn para magkamot ng ulo.

"Sorry Sir. Wala akong gift."

Consistent akong nagreregalo sa mga crush ko noong highschool. Nakakahiya at kung kailan close na ko sa crush ko ay siya naming hindi ko nabigyan ng regalo.

He chuckled and shook his head.

"I do have a gift for you tho."

He fished something from the back of his car. The crisp sound of an orange paper bag reached my ears. Nanlalaki ang mata ko nang marealize ko kung ano iyon.

"I'm really sorry at alam kong hindi mo tatanggapin iyon. But it's my birthday today and your gift is receiving this."

Tulala ako habang binubuksan ang paperbag. Sobrang generous naman ni Sir e gayong friends lang kami. I swallowed hard thinking that I can't accept this fortune-cost LV moon backpack. It's black and plain. Gaya ng mga hilig ko.

When I saw his puppy eyes at naglulungkot-lungkutan na mukha, I sighed.

Lord, 'wag naman pong gan'to. Marupok ako.

"Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap." He quickly said, ngayon ay nakangiti na.

Hay naku si Sir. Ang cute.

Tumango na lamang ako at inilagay na sa backseat ang paperbag.

I don't know where we are headed to, pero dahil siya ang may birthday ay hinayaan ko lamang siya sa pagmamaneho.

"I think I need to change my clothes Sir." I uttered matapos ang ilang minutong pananahimik.

His jaw clenched before finally nodding. Nagbuga siya ng hininga na para bang hirap na hirap.

Sa pag-aakala kong dadaan kami sa dorm, nabigo ako. We stopped and parked in a nearby mall bago niya ko iginiya papasok. Baka may bibilhin siguro siya.

"I'd like to dress you up. I don't see you wear anything other than jeans and shirt." Paninimula niya pumasok sa isang boutique.

Umiling ako nang maglahad siya sa akin ng isang skirt.

"I don't wear skirts, Sir." I immediately said. His brows furrowed with that. Marahan siyang tumango at malungkot na binalik ang skirt sa rack.

Mabilis din akong naguilty, without thinking much, ngumiti na lamang ako kay Sir at tumango. He looked clueless of what I am traying to say kaya't nagsalita ako.

"Pero para sa'yo, Sir, ay magsusuot ako. Ayie." Tinusok tusok ko ang tagiliran niya na bahagya niyang ikinatawa.

He headed to the counter at pipigilan ko na sana siya dahil mukhang siya na naman ang magbabayad ng skirt pero nang nag-abot na siya ng cash bago pa man ako tuluyang umapila ay wala na akong nagawa.

We then went to another boutique.

Paglabas ko ng fitting room, wearing a black cropped long-sleeved top na may malaking tsek sa gitna, a denim skirt and a white sneakers same as his', marahan at awkward akong ngumiti. Kita rin ang pusod ko rito and the additional black sports bra will show kapag inangat ko ang aking kamay. 

Para kaming nasa dress up game dahil kung ano-ano ang pina-try niya sa akin at ito na siguro ang may pinakamaaliwalas na mukhang reaction ang meron siya.

Matulin ang takbo ng sasakyan niya, maaliwalas rin ang hapon sa sabadong iyon. It's almost 3PM and I still don't know where we are headed. Marahan kong binababa ang hem ng aking palda dahil umaangat ito sa pag-upo ko.

"Why don't you like wearing skirts?" he asked.

"Hindi po ako sanay."

"Well, you should try it more. It looks good on you."

Umiiling ako, umiinit ang pisngi.

"It's alright to show some skin. Bagay sa'yo." He continued.

"Mas bagay tayo, Sir." I hissed at tumawa. He chuckled softly at umiling before giving me his iPod.

Pumili ako ng kanta ng The 1975 and we jammed into that. 

Nagising ako dahil sa marahang pagtapik ni Sir sa mukha ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe. Nakakahiya. It was almost 4PM. Umaliwalas ang aking mukha nang nakita ko kung nasaan kami.

It's an amusement park. Bumaba ako sa sasakyan at nag-unat. I fixed my long unruly hair and tied it into a ponytail. Nakangiti kong sinabayan si Sir at pumila.

I fished out my phone and began taking pictures. Nang masatisfy ako ay mabilis ko itong pin-post sa aking IG story. Nagnotif na kaagad sa akin ang mga bardagul kong kaibigan.

@jacesanagustin:
'Di nagyaya.

@HughAngeles:
Pasalubong. 

I quickly removed their notifs and then again, took pictures of the park. Nakuhanan ko pa si Sir na seryosong nakatingin sa akin with his eyeglasses and ruthless eyes.

Maraming nakatingin sa kanya. Maliban sa katotohanang matangkad siya, halos kuminang din ang kanyang balat sa sinag ng kahel na langit. 

Nakangiti akong lumapit sa kanya at nakipag selfie. Ayaw niya pa noong una pero dahil mapilit ako, ay napafinger-heart sign ko pa siya.

I closed my phone when we entered the park.

Maraming matang gumawi sa amin – more like sa kanya – pero nahihiya pa rin ako. I am very much uncomfortable with this skirt. Pinipilit ko lamang dahil birthday ni Sir at siya ang bumili nito.

Soon enough, nasa tapat na kami ng Space Shuttle.

"Sir, kung natatakot ka tingin ka lang sa akin." Pagbibiro ko.

"Baka ikaw ang matakot." He spatted.

Nagtitigan pa kami nang matagal bago kami tinawag ng crew. It was our first ride at alam kong sanay na sanay ako rito. Hindi naman sa pagmamayabang pero, ganoon talaga e.

As soon as we reached the top and the bell rang, sumigaw ako nang pagkalakas lakas habang tumatawa. I am very much enjoying this.

Salamat sa traumatic experience na binigay sa amin ni papa noong bata pa kami kung kaya't ngayon ay mani na lamang ang ganito.

I squeaked when we reached the highest peak. Sobrang lakas ng tili ko dahil sa enjoyment.

Natatawa kong nilingon ang katabi kong ni isang salita ay walang namutawi. And when my eyes landed on him, habang tumigil kami sa ere, nakita ko ang takot at mukhang constipated niyang reaction.

Hawak hawak ko ang aking tyan nang matapos ang ride dahil sa kakatawa. Sir Nico's face is pale, but after the ride it went paler. Para siyang naubusan ng melanin sa katawan.

Hinila ko siya sa isa pang extreme ride – Vikings. And this time, sumigaw na siya.

"AAAAAAAA! KUYA PARANG AWA MO NA ITIGIL MO NA 'TO!"

Nanginginig ang kamay niyang humawak sa akin bilang suporta. I laughed so much at his remark at pumipikit siya tuwing pababa ang parang boat na sinasakyan namin.

"PAPAAAAAAA! AYAW KO NA!!"

"AC!!! IPATIGIL MO NA 'TO!!"

Tawang tawa ako dahil kahit na halos naka90-degree na ang boat sa ere ay hindi talaga siya nagmumura.

And just after that ride, I never knew na magkukunwari siyang parang walang nangyari at nagtanong pa kung anong sunod na sasakyan. Ngumisi ako nang may naisip.

Soon enough magkatabi kaming nakatayo sa disco magic. Lalo akong natawa noong nakita ko ang kabado niyang mukha. He even uttered something at nagsign-of-the-cross pa!

In no longer enough, marahan nang umiikot ang platform.

"Our father who art in heaven."

I bursted my laugh when he started praying. Sabi niya noon sa akin, hindi siya madasaling tao pero ngayo'y kapit na kapit! Wala akong kaso sa kanyang pagdarasal, pero ang makita siyang mabilis na nagsasalita habang nakapikit ay isang malaking scene.

Lumalakas ang kanyang boses tuwing nadadarag ng ikot ng platform. He finished his prayer, but the ride still isn't. Malakas ang tilian ng mga nakasakay at ito raw ang pinaka-extreme.

Hiningal ako nang matapos ang ride at ang namumutlang si Sir Nico ay mas lalo pang namutla. Tumili rin ako kanina kapag nasa tuktok na ang platform at ang kantang tugtog ng ride ay dagdag lamang sa kabang nararamdaman ko, but nevertheless, I enjoyed.

Sinugod ni Sir Nico ang basurahan at nagsuka. I patted his back at nag-abot ng panyo. Tuloy tuloy ang kanyang suka at naguilty naman ako.

The sun is already setting nang nakaupo kami sa bench ni Sir habang kumakain ng Hotdog on stick, pizza at may sweets din. Siyempre this time, ako naman ang nanglibre.

Pagod kami matapos sumubok ng mga rides kahit na smooth at relaxing lamang iyon.

Sa tapat namin ay isang pamilya. The girl, which I think, the mother of the little boy, is fixing his son's collar. Marahan itong nakangiti sa kanya habang ang ama naman ay nagte-take ng picture sa kanyang mag-ina. Ngumiti rin ako.

Sana all.

Nagulat na lamang ako nang biglang lumapit si Sir Nico sa kanila at kinausap ang tatay. Soon enough, he was already taking pictures of the family. Maligaya ang ngiti ng batang lalaki habang may hawak na cotton candy.

Bumalik si Sir sa  aming bench. We ate silently. Nang tuluyang lumubog ang araw, naglikha ng tunog ang fireworks.

I was in awe, staring up. Lahat ng naroon ay nakaangat ang mata sa maliliwanag na kulay ng fireworks. The sound may be harsh and thundering but the scene was very much splendid.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Sir pero hindi ako natinag. Still mesmerized by the popping lights above, I stood still and my lips turned into a small smile.

My last memory of my mother was here under the lights of the fireworks. Ilang linggo pagkatapos ng aming bonding dito ay umalis na siya sa bahay. I never saw her again since then. 

Kahit ilang ulit man kami dalhin ni Dad rito, it still wasn't the same without Mom. But I am very much thankful and happy everytime Dad would bring us here.

Natapos ang fireworks kaya't bumalik na kami ni Sir sa bench. Nagpaalam siya sa akin na bibili siya ng tubig at nasa malayong banda pa ang store pero hinayaan ko siya.

Some guys with tambourine and flute passed by. Lima silang may iba't ibang hawak na instrument na hindi ko matukoy ang iba and one of them was holding an acoustic guitar. When a thought occurred within me, mabilis akong lumapit doon para makiusap.

Sir Nico came back with a bottled water and I know instantly that he was looking for me. Luminga linga siya sa kanyang paligid at nang humarap at dumako ang tingin niya sa akin, I smiled widely.

I strummed the guitar at mabilis na lumingon ang mga naglalakad sa akin. Nanatili ang tingin ni Sir Nico sa akin. The bottled water on his hands almost fell and his adams apple showed when he swallowed hard.

"Hi, Sir. Pasensya na at wala akong gift, but this song's for you."

"It took, one look
and forever lay out in front of me
one smile, then I die
only to be revived by you"

I held my grounds stronger when his stare stayed. Hindi ko alam kung bakit iyon ang napili kong kanta but for some reason, iyon ang una kong naisip and madali lamang iyon sa gitara.

Napako ang iba sa kanilang katayuan at maraming tingin ang dumapo sa akin. I was used to crowd's eyes when performing; pero may particular na mata ang nagpapatibok nang husto sa aking puso.

I felt like my ribcage would explode just because of his stare. Nanatili ito at nag-iiba; marahas ngunit malambot at tila nanghihina. Kahit ang boses ko'y sakto lamang, pakiramdam ko pumangit ito. But when I realized I'm already on it, I continued.

"I take on step, away
then I find myself coming back to you
my one and only
one and only you" 

We stared at each other longer, and it was the most surreal feeling I've ever felt. Tila nawala ang tao sa paligid. My eyes focused on him and everything is a blur; except him, me and the guitar I am holding.

I strummed it even more and continued, kung ano man ang kahihinatnan nito ay hindi ko na rin alam. I just know that I am singing the song, wholeheartedly and with so much emotion. Buong kaluluwa ko ata ang binuhos ko para umusad ang kanta. The crowd cheered more when I started walking towards sir.

I was always hyper, always happy, always active and I never gave in and up. But in that exact moment, gusto kong sumuko at maglahad na lamang sa kanya. I want to open myself for him, that maybe, all my life I thought I was longing for a mother's love, but the thought drifted away.

"Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine"

This felt different, way different. It's like I had everything in my life and in that very second; pakiramdam ko'y kontento na ako sa lahat ng mayroon ako dahil malapit at nakatingin ako sa kanya.

Hawak ang gitara at patuloy na kumakanta, lumapit lalo ako sa kanya. Just when I am only few steps in front of him, I stopped.

"I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you"

I strummed the guitar as an outro. Tapos na ang kanta pero nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

I am not a risk taker, I know that. No matter how much I sort out the outcome of different things that I've risked, madalas mang tama ang aking hula, I still can't depict what will happen after this very moment.

It was all a moment of being in between, between being a teacher and a student, being a friend and more than friends, or being one step away from an almost love story, or a heartbreak. 

But maybe, we all need a little risk in our life. And this is my biggest of them all.

"I know it's odd for a girl like me to do things and make moves in the first place. But the hell I care about that. Happy birthday, Nico.

When the crowd cheered more and Sir Nico's stare turned into a small smile, I knew exactly in that moment that this risk is my best gamble.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...