After the Chains (Costa Leona...

By jonaxx

18.4M 748K 1.1M

O More

After the Chains (Costa Leona Series #13)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 16

423K 22.8K 21K
By jonaxx

Kabanata 16

Suspect


Tulala ako nang naupo kami ni Preston sa cafe. Aniya'y may titingnan lang daw siya at makikihalubilo saglit bago kami umalis.

Sinalubong ko siya kanina. Hindi ako mapakali sa labas ng men's locker room. Nang lumabas si Preston, sumulyap pa ako sa loob at hindi na rin naman nakita si Uriel. Of course, he must be busy taking a shower now. Damn him!

The image of his full and round buttocks flashed in my mind. Kahit nasa cafe na kami at malayo na roon, binagabag pa rin ako noon.

"Titingnan ko lang ang schedule. Are you fine here?" Preston asked.

"Oo naman," I snapped out of my reverie.

Pumunta siya sa counter. May iilang tumitingin sa banda ko at sinusubukang lumapit. I realized Wesley was there too. He was about to come near me with Carver when Uriel emerged from the corridor to the locker room.

Nakita ko ang pag-ilag ng dalawa at naupo na lang sa grupo ng mga babaeng nandoon.

Uriel is carrying his duffel bag. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng paglalakad niya lang na nakasabit ang duffel bag sa balikat, parang medyo hindi na ako kumportable. Para bang bawat galaw niya napapansin ko... o malaking bagay sa akin.

He's wearing a black t-shirt, and faded jeans, matched with black caterpillar boots.

Nagtaas siya ng kilay, nakatingin sa akin pero iniwas din naman at dire-diretsong naglakad patungo sa counter. Some people called him. He socialized. Tumigil at nakipagkuwentuhan.

"Dito ka muna!" narinig kong niyaya siya.

"Ah, hindi na. May lakad pa ako-"

"Hindi ka na nakikisali..." a woman said.

Uriel laughed huskily. "Maybe next time. I have things to do."

Nagtaas ako ng kilay at iniwas na ang tingin doon. Bumalik nga lang ulit pagkatapos ng ilang saglit at nakita kong nasa counter na siya. Pabalik naman si Preston na may kasamang waiter. Nilapag ng waiter ang juice para sa amin. I was about to ask if we're eating our lunch here. Inunahan niya ako.

"Pahinga lang tayo saglit," ani Preston at naupo.

Lumipat ang mga mata ko sa likod niya. Naglalakad na ulit si Uriel pagkatapos tingnan ang kung ano sa counter. Paalis na yata siya pero dahil marami ang tumatawag, natitigilan siya.

I saw him smile for a couple of times. He seems... normal. Just like before, he's sociable. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako kumportable. All this time, whenever I think about him and summon my anger, I thought our first interaction will be worst or something.

Siguro hindi ko lang inasahan na ganito lang. He isn't bothered. Hindi niya sinumbat sa akin ang mga sinabi ko noon. Inasahan ko na magagalit din siya at ibabalik iyon sa akin pagdating ng panahon. Lalo na ngayong napabulaanan ng kaunti ang panghuhusga ko. Hindi pala niya babae ang gumawa noon at posibleng wala rin ang mistaken identity na pinaniwalaan ko.

Naglakad siya at iniwan ang mga kausap pero natigil ulit dahil sa tawag ng mga Samaniego. I sipped on my juice.

"So, iwan mo na lang ang sasakyan mo rito. 'Yong sasakyan ko ang gamitin natin."

"Malapit lang ba 'yon?"

"Isang oras mula rito," si Preston.

Ibinigay ko sa kanya ang buong atensiyon ko dahil sa excitement. My irrational thirst for the truth about Orianne's mystery is driving me insane. O siguro dahil alam kong kapag tuluyan ko na ngang malaman ang totoo, doon pa lang ako matatahimik ng tuluyan.

The truth sets everyone free, no matter how rusty the chains of darkness are.

"Dalhin ko na lang ang sasakyan ko. Medyo malayo pala."

"It's alright. Ihahatid naman kita pabalik dito mamaya."

"No, I'll bring my car. Para hindi na tayo bumalik dito. Paano kapag matagalan tayo roon?"

I'm thinking about investigating when we get there so I am sure matatagalan nga kami.

"Para diretso na rin ang uwi ko. Ayaw kong maabutan ng dilim dito," paliwanag ko.

"Matatagalan, huh?" Preston smirked. "Alright."

Dumaan si Uriel sa lamesa namin pero dumiretso siya sa labasan. May tatlong lamesa pa bago ang labasan pero diretso pa rin ang lakad niya. I saw him out of the cafe for a moment. Uuwi na kaya siya?

Nagulat ako nang pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik siya sa loob. Nagkatinginan kami saglit. Iniwas ko ang tingin at nagkunwaring iinom ulit ng juice ko.

"I'll answer this call so our lunch will be prepared..." si Preston dahil tumutunog ang cellphone niya.

Natanaw kong naupo si Uriel sa huling lamesa. Naglapag ng juice ang waiter at nagpasalamat naman siya. He took his phone out and I saw him manipulating it.

Akala ko ba uuwi siya?

"Oh?" may dumaang pumuna sa kanya. "Mamaya ka pa? Doon muna tayo sa table namin!"

Uriel chuckled. "Next time. May kailangan lang na ayusin bago umalis."

Umiling ang kaibigan niya at dumiretso sa lamesa. Sinundan ko ito ng tingin at narinig kong ibinalita sa mga kaibigan na hindi pa umuuwi si Uriel.

"I'll invite him!" the girl with a short blond hair stood.

May dala itong shih tzu sa kanang kamay. She had gold bangles, and gold hoop earrings, and black sleeveless top and sweatpants. Her lipstick is a bit bold, too. When I looked at her closely, I realized she's the daughter of a senator. Siya pala iyong pinagkakaguluhan nina Carver kanina na late daw dumating.

"Hey," sunod ko rito nang lumapit sa lamesa ni Uriel.

I swallowed hard and looked at my juice. I'm not bitter or anything but I find her very tacky. Yes she's trendy with her fashion right now, but it really looks tacky to me. Blonde hair and bright red lipstick, really?

Sunod kong baling ay nakahawak na ito sa kamay ni Uriel at hinihila na siya. Namilog ang mga mata ko. Abala pa si Preston sa kausap niya sa cellphone.

"Halika na!"

I heard Uriel's low and sensual chuckle.

"Gusto ni Poo poo na sumama ka, oh?"

Tumitig ako sa babae. She looked very westernized. Dahil sa pagpipilit niyang hila, nagpatianod naman si Uriel at napatayo. He was smiling and it's as if he couldn't resist.

"I'm done. Let's go?" si Preston.

I immediately collected my pochette and put it on my shoulder. Hindi ko alam kung gusto ko bang umalis o hindi. Pero mas gusto ko namang umalis, lalo na nang nakitang naanod na nga si Uriel ng babaeng iyon.

Preston held my waist. Pero imbes na iyon ang pagtuonan ko ng pansin habang paalis kami, nakita kong magkahawak kamay pa rin si Uriel at iyong babae kahit nakalipat na ito sa lamesa nila.

"So, I'll lead the way and you'll follow, okay?"

"Okay," wala sa sarili kong sinabi.

Hinatid niya ako sa sasakyan ko sa parking lot. Pagkapasok ko, siya naman ang sumakay sa kanyang sasakyan.

We were already driving for about fifteen minutes when I realized I'm thinking too much about what happened.

Iniisip ko si Uriel. Ang sabi marami pa siyang gagawin, bakit hindi siya umuwi kaagad? Naupo pa siya roon. Tapos nilapitan pa siya noong babaeng iyon at natatawang nagpatianod dito. Magkahawak kamay sila na sumali sa lamesa nila.

I don't understand why I'm bothered. This is on top of the already confused thoughts earlier. Maganda naman ang tungo niya sa akin nang nagkita kami sa men's locker room. He was pissed but he was just pissed in general dahil nandoon ako. Hindi dahil sa past o ano man.

He also saw me kissing Preston but he didn't seem to mind. Tapos sa huli, nagpapahiwatig siya na hindi raw siya matu-turn off sa akin? So what is he? Turned on with me? Gusto niya ba ako? It's not like I care but I'm just really confused.

Baka hindi.

It seems like he likes westernized girls. Grace Tengku was a princess in an asian country but she had western features. Ganoon din ang ibang mga ex niya na kilala ko. My brothers are both more on our spanish side with their hooded eyes. Kaya lang, hindi hooded ang mata ko. It's upturned, almost chinky. And with my thin lips and slightly pale complexion, I am definitely not Uriel Mercadejas' type. At bakit ko ba itoiniisip?

Bakit siya magpapatianod sa babaeng iyon kung gusto niya ako, 'di ba?

Let's settle with that! That's a better idea!

Isa pa, marami akong mas importanteng gagawin gaya ng mag kolekta ng ebidensiya na buhay nga si Orianne. This is for my peace of mind. I should focus on that.

Pero inaamin ko, sa isang oras na biyahe, paulit ulit ko iyong inisip hanggang sa dumating na kami.

I went out of my car and looked at a modern two-storey spanish house. Nakatingala ako nang narinig ang pagbagsak din ng pintuan ng sasakyan ni Preston. Hinawakan niya ulit ako sa baywang nang nakalapit.

"Let's go. We'll have our lunch first."

"Ah. This is your house?" medyo nalito ako.

If we're going to the Ocampo's mansion, I don't think we could freely eat our lunch there, anyway. Kaya siguro, mali ang iniisip ko.

"Yup. Bakit?"

"Ah. Akala ko kasi kina Orianne tayo didiretso," sabi ko.

"Kina Orianne?" natatawa niyang tanong.

Gumuho ang mundo ko sa reaksiyon niya.

"Hindi ba tayo pupunta?"

"Medyo malayo 'yon dito. At ano naman ang gagawin natin doon?"

"I-I thought you said we're-"

"I said they have a property here in Nasugbu. I didn't say we'll go there."

What the?! And here I thought we really are going!

"Pero-"

"Wait a minute..." nakapamaywang na siya ngayon. "Huwag mo'ng sabihin sa akin na sumama ka lang sa akin dahil gusto mong pumunta sa mansiyon ng mga Ocampo?"

This is bad. Tinawanan ko na lang iyon para hindi halata.

"No. Pero I really expected we will. I mean, I looked forward to it-"

"You didn't look forward to us spending time together? Ang mansiyon ng mga Ocampo ang iniisip mo?"

"Hindi naman sa ganoon, Preston. Pero kasama lang sa expectations ko."

"We'll don't worry. Our time here will exceed your expectations..." aniya at hinila na ako papasok sa mansiyon nila.

Sa totoo lang, hindi ako natuwa. I really really expected to go to Orianne Ocampo's mansion. Lalo na dahil pinagtaguan daw iyon ni Orianne! Hindi na nga lang ako nagpahalata dahil muling napuna ni Preston ang blank thoughts ko dahil doon.

"Are you still thinking about it?" aniya habang kumakain kami sa dining area ng mansion nila.

"Uh, no... Pagod lang kasi ang init..."

"Magpahinga muna tayo pagkatapos nating kumain..."

In short, I spent that day dodging all his advances without him noticing that I am cold. Hindi ko rin kasi alam kung tama bang itulak na lang siya at umuwi na dahil wala naman pala akong mapapala.

Paano kasi kung next time, may impormasyon na? I felt stupid for coming here. More stupid for keeping up with Preston. I tried hard to enjoy but I couldn't because of his advances.

Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos kong i-text si Sonja na tawagan muna ako.

"I need to go home," sabi ko at niyakap agad ako ni Preston.

"Now?"

"Oo. Ngayon na agad."

Maaga pa kaya nag-isip ako ng paraan paano makatakas nang hindi siya sinasabihan sa totoong dahilan.

"Tinawagan ako ni Papa kaya uuwi na ako," seryoso kong sinabi at niyakap niya ako galing sa likod.

Kanina pa siya medyo touchy. I turn him down in a funny way para walang tensiyon. At ngayong napapansin kong medyo gumagalaw pataas ang kamay niya galing sa baywang ko, agad ko na namang binaba.

"I told you, Preston. Isang linggo pa lang tayong magkakilala and I'm a virgin. I don't do that casually."

He smirked. "Dati na tayong magkakilala, Cian."

"Oo. Sa pangalan at mukha pero hindi iyong friends or acquaintances."

Sinubukan niya ulit akong hilahin pero agad akong umilag.

"I have to go."

"Pero maaga pa."

"Oo pero tinawagan na ako ni Papa. Sabi mo gusto mong ipakilala kita. If that time will come, are you willing to explain to him why I can't go right now?"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. I smirked sensually. Naramdaman kong bumibigay siya kaya lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya para mas lalo pa siyang lumambot.

"Alright."

I smirked. Gotcha!

Kalaunan, hinatid niya na ako sa garahe. Nag-iisip na siyang umuwi na rin kanina para magkasabay na kami pero natanto rin niyang hindi rin epektibo iyon. He'd have to bring his car back to Manila and I brought mine so we can't be in the same car.

"Thanks! Pasensiya na talaga at hindi ako makapagtatagal."

"It's alright. It's more than enough that you came here to see my tournament."

I smiled and went inside my car. Binaba ko ang salamin at ipinakita na aayusin ang mapa sa gps. "So... this is the way right?"

He bent and looked at my gps to check. Tumango siya.

"Hindi ko na maalala saan ako dumaan kanina. Baka mamaya madaanan ko ang mansiyon ng mga Ocampo."

"Madadaanan mo nga pero papasok pa iyon," he said.

Nagkunwari akong hindi naman gaanong interesado at nagkibit balikat lang.

"Bakit? Saan banda ba?"

Itinuro naman ni Preston iyon kaya sinaulo ko.

Honestly, I feel bad about it. Preston is a nice guy. Siguro medyo agresibo lang pero nakakatuwa naman din siyang kasama. The thought of me being with him for Orianne's information is bad. Kaya sana mahanap ko nga ang mansiyon.

Nagpaikot ikot ako sa lugar kung saan itinuro ni Preston. Binigyan ko ang sarili ko ng dalawang oras bago ako tumulak pa Maynila sana.

Inakala kong mahaba na ang thirty minutes bago ko mahanap ang mansiyon pero wala akong nakita!

I was on the highway again, driving along the long line of Mahogany trees when my car suddenly screeched! Pumikit ako ng mariin at hinawakan ng mahigpit ang manibela.

Napansin ko ang pagbaba ng isang bahagi. "Shit!"

Wala masyadong dumadaan kahit na along the highway naman ang daanang iyon. I already lost an hour and although the sun is still up, the orange hue is telling me that it's going to set soon.

"Shit!" malutong kong mura nang lumabas at nakita ang flat na gulong ng sasakyan.

Yumuko ako at natanaw ang isang gulong na may punit. Siguro habang nagmamaneho, at dahil maluwang at walang sasakyan, hindi ko na gaanong tiningnan ang kalsada. Kaya siguro may nadaanang matulis na bagay.

Hindi madaling maflat ang gulong ng sasakyan ko kaya kung ano man iyong nadaanan ko, baka pa sadya iyon. My eyes widened when I realized that.

Luminga-linga ako. May mga kabahayan akong nadaanan kanina pero sa partikular na lugar na ito, wala. Hilera ng mahogany trees ang narito at sa malayong kaliwang bahagi ay bangin.

"Oh shit!" kinapa ko ang cellphone ko.

Nalaglag ang panga ko nang nakitang walang signal! Kung saan pa talaga ako mafa-flat-an, doon pa talaga sa walang signal?!

I groaned when I realized my situation. Mabuti na lang at may spare tire ako sa likod! Medyo nawala ang kaba ko nang nakapag-isip ng mabuti.

Naglakad ako papunta sa likod nang napansin ang isa pang gulong!

"What the hell?!" I sat and saw that it was even flatter than the one in front!

Inikot ko ang sasakyan at napansing iyong dalawa lang naman ang flat pero isa lang ang spare tire ko!

Iniisip ko kung papalitan ko ba iyong isa. Kaya lang naagaw ang atensiyon ko nang tumunog ang cellphone para sa mensahe ni Preston!

"May signal!"

Kaya lang, nawala rin agad! Iyon ang sunod na tinutukan ko. Hinanap ko ang lugar na may signal at sinusubukang mag text kay Preston kaya lang hindi talaga nasi-send!

A truck passed by pero dahil sa kaba ko at sa hindi pagtitiwala, hindi na ako nakapagtawag. Iniisip ko kung okay lang kaya na magpatulong sa hindi kilala?

Another truck passed by after thirty minutes. Buo na ang loob ko na magtawag kaya lang nang narinig ang catcall galing sa sakay, hindi ko nagustuhan iyon.

"Anong nangyari, ganda? Gusto mo nang tulong?" sumipol ang sakay sa likod.

I rolled my eyes and remained on my phone. I groaned when the truck disappeared!

Hindi na ako makapag-isip ng tama. Iiwan ko ba ito at maglalakad hanggang sa may bahay o may signal?

I waited for the next car but it was very fast. Hindi man lang ako nakapara dahil masyadong matulin ang takbo!

"That's it!" iritado kong sinabi.

Nagkukulay kahel na ang langit at nasisiguro kong lulubog na ang araw sa susunod na oras. Kabado ako pero alam kong may paraan! I will just contact Preston! At pipilitin ko siyang umuwi ngayon. Kahit ano basta maligtas lang ako rito!

Kinuha ko ang importanteng gamit sa sasakyan at padabog itong sinarado. Magsisimula na sana akong maglakad nang napansin kong may sasakyan sa likod.

My eyes widened. It was a white big pick up truck, new and shiny. Palapit ito at agad kong tinaas ang kamay ko para roon.

Kakapalan ko na ang mukha ko. If I won't, I don't think I'll get out of here.

It was better than those big trucks and perverted workers. Judging from the Dodge Ram brand, siguro naman matutulungan ako niyan na ma-contact si Preston. Lalo akong nakakita ng pag-asa nang bumagal ito at sa wakas ay nagpark sa harap ng sasakyan ko.

I sighed. Sa totoo lang, kabado talaga ako kanina pa. Pero dahil alam ko namang signal lang talaga ang kailangan ko para ma contact si Preston, alam kong mareresolba ko rin ito.

Lumapit agad ako sa pick up. Nakita kong bumukas ang pintuan pero nagtagal ng kaunti bago ito tuluyang tinulak. Diretso naman ang lakad ko pero nang nakita ko kung sino ang lumabas, medyo bumagal ang lakad ko.

"What happened to your car?" Uriel asked casually.

Naka parehong damit pa rin naman siya kanina. Siguro aay galing pa siya sa tournament? Hindi ko alam. My heart pounded. It was ridiculous that I am in this predicament but it didn't pound this hard a while ago. Right now, I feel like I'm running a marathon.

"Uh. Na-flat."

Humakbang siya palapit. Umatras ako. His air really did change. Hindi ko alam kung alin o saan. He's taller, more muscular, and also ridiculously manly. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nabaliw niyang admirers. Kahit yata hindi niya ikama, mukhang mababaliw pa rin sa kanya.

What the hell am I thinking about?

Dinungaw niya ang gulong bago siya nag-squat para tingnan ng mas mabuti iyon. He sighed and stood again.

"Pati sa likod," sabi ko.

Naglakad siya papunta sa likod. Sinundan ko siya at isang sulyap niya lang doon, bumaling na agad siya sa akin.

"Spare tire?"

"Papalitan ko sana kanina kaso isa lang ang dala ko."

"Papalitan mo?" he asked and slightly looked at my clothes.

I'm wearing a tube top now with a tweed wrap short pencil skirt. I know what he's thinking with that caress of his eyes.

"May iba akong damit sa loob," sabi ko kahit na alam kong maghubad man ako sa lugar na ito, wala namang makakakita sa akin.

"I'll have this towed. I know a place here where we can find a spare..." aniya at naglakad.

"Uh, puwede rin. At ipahatid na lang sa bahay."

"Bakit? Hindi mo gagamitin pauwi?" nilingon niya ako.

I swallowed hard. "Puwedeng hindi na kung bukas pa siya maaayos. Uuwi ako ngayon."

Iniisip ko kung tatawag pa ba ako kay Preston? Eh... nandito naman si Uriel?

What is wrong with me? Am I even friends with him?! Ang kapal naman ng apog ko na uutusan ko pa siyang ihatid ako sa bahay ngayon pagkatapos ng lahat! At isa pa... mag-isa ba siya o may sakay?

"Paano?" nagulat ako sa tanong niya.

He... won't even offer himself?!

"Are you busy? Or... are you with somebody?"

He shifted his weight.

"No, I'm not."

Sumulyap ako sa Ram niya. It's heavily tinted but who in their right mind would stay in the car this whole time, right? Siguro naman bumaba na kung may babae siya.

"Wanna look? Wala akong kasama," puna niya sa tingin ko.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kumportable sa sinabi niya. It was as if I'm doubting him. So what if I am? But it's sounds pretty much like...

"Okay, then... baka puwede na lang akong sumabay. Kung hindi ito maaayos ngayon."

"Hindi ako uuwi ngayon."

Shit!

"Oh!"

Right! He may be alone but maybe he's with somebody here? May mansiyon ba sila rito? Alam ko mayroon sila sa Batangas pero hindi ako sigurado kung dito ba sa Nasugbu.

"W-Well, uh, can I hitch until there's signal? Wala kasi rito. I'll just call Preston."

Kumunot ang noo niya. "For what?"

Nalito ako. Napatingin ako kung saan saan, naghahanap ng isasagot sa tanong niya.

"Para... mahatid niya ako sa Manila?"

"Bakit? Nasaan ba siya at bakit nga ba mag-isa ka?"

Naestatwa ako sa tanong na iyon. I purposely left Preston so I could explore here and look for the Ocampo's mansion! Alam kong malaki siguro ang alam ni Uriel sa imbestigasyon pero wala naman akong plano na tanungin siya o makibalita sa kanya o lalo na ang magpatulong sa kanya!

"Nasa kanila. Uuwi na sana ako-"

"Hindi ka niya hinatid?"

"I have my own car and he has his. At bukas pa siya uuwi."

"He didn't even tail you? Just let you be..." nagtaas ng kilay si Uriel.

Wala akong masagot.

"Anong klaseng boyfriend ang hindi ka man lang ihatid kahit sa dulo ng lugar-"

"He's not my boyfriend!" agap ko sa iritasyon.

"Tss." He smirked. "At sasagutin mo naman siya bilang manliligaw?"

"Well, it's because he knows I can do it! So what, right?"

"He knows that you can do it but you are unfamiliar with this place. Sana man lang hinatid ka sa dulo ng Nasugbu."

I scowled. He smirked and shook his head.

"All that kissing, now you're going home alone, in this situation. Huwag mo sabihin sa aking sasagutin mo 'yon?"

Hindi ko alam bakit nagkukumento pa siya ng ganito. He took his phone out.

"Tutulungan mo ba ako o hindi? I can walk and find a signal, Uriel!" banta ko dahil naiirita na.

"Get your things and put it in my car. Tatawag tayo pero hindi kay Preston. We'll call your parents."

"What can they do? Mag-aalala lang ang mga iyon-"

"Sasabihin mo ang nangyari. I'll call our house to check for cars. Malayo iyon dito kaya matatagalan pa."

I gritted my teeth. "Hindi ka pa ba uuwi ng Manila? Saan ka pa ba pupunta?"

Iniisip na siya na lang sana ang maghatid sa akin. If he is so concerned, why can't he just go home? Ano pa ba ang gagawin niya bukas dito? Tournament?!

"I have things to do. Bukas pa ako uuwi."

"Are you still doing the tournament tomorrow?"

"No," aniya at siya na ang lumapit sa sasakyan ko.

Inunahan ko siya at inunlock iyon bago kinuha ang bag ko na may mga damit at toiletries. Kinuha niya iyon at naglakad na siya pabalik sa sasakyan.

"Babae?" patuya kong sinabi dahil wala nang maisip pa kung bakit pa siya magtatagal dito.

He sighed and looked at me. Kalalagay niya lang noong bag ko sa likod na upuan. Sinarado niya ang pinto.

"Investigation, Lucianna."

Natigilan ako. Oo nga pala!

"Ocampo's mansion?" nagtaas ako ng kilay.

"Uh-huh. Get it my car now. May signal na sa susunod na kanto," aniya at umikot pa.

Nagmadali agad akong lumakad pero medyo kinabahan. I don't remember anyone other than our men and bodyguards opening the door for me. Pumasok ako sa sasakyan niya. His eyes slightly lifted on mine before he slowly closed the door.

Pumikit ako ng mariin at hindi maintindihan ang paghuhuramentado. Hindi naman ako ganito noon. Siguro dahil marami ang nagbago. Hindi ko na alam kung ano talaga.

He started the car. Even looking at his arm lazily holding the top of the steering wheel is making my throat run dry. Nilingon ko na lang ang labas para idistract ang sarili ko. Hindi ko talaga matandaan kailan naging big deal sa akin ultimo ang braso niya!

"May signal na dito," aniya.

Tumingin ako sa cellphone at nakita na pumasok na nga ang mga messages at may internet na. He parked the car and started manipulating his phone. Nauna pa siyang tumawag kaysa sa akin.

He opened the door to get out but I heard him asking to tow a car here in Nasugbu. Sunod sunod ang pasok ng mensahe ni Preston sa akin pero imbes na siya ang tawagan ko, si Mama ang pinindot ko.

"Hello, Cian. Where are you? Are you on your way home?"

"Ma, uh... na flat po ang kotse ko."

"Huh?! Saan?!" narinig ko ang pagbagsak ng mahjong tiles sa background.

"Sa Nasugbu-"

"Ang kaibigan mo? Anong sinabi? Naayos ba? Makakauwi ka ba? Lucianna, you said you're going home! You are traveling alone! You are not familiar with that place! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na na-flat ang sasakyan mo?!" sunod sunod na ang sinabi ni Mama.

"Calm down, Mama-"

"Anong calm down?! I cannot calm down right now! I allowed you to go alone thinking that you will be safe-"

"I am safe, alright! Mama... uuwi rin naman ako. Baka magpahiram si Uriel ng sasakyan-"

"Uriel?!" medyo kumalma ang boses niya sa kalagitnaan ng pangalan.

"Yeah. Nadaanan niya ako. Hindi ko alam paano pero... kasama kasi siya roon sa tournament na sinasabi ko na pinuntahan ko. Kaya nadaanan niya ako pauwi habang flat 'yong gulong-"

"Is he there?! Put him on the phone!"

"H-Huh? Bakit pa? Uh... nasa labas po siya. He's towing my car para maayos na bukas at-"

"Then, bukas ka na umuwi!"

"Huh?!" medyo gulantang ako pero bumilis lalo ang pintig ng puso ko.

The door opened again. Uriel was about to speak to me when he noticed that I'm on the phone.

"Nariyan ba siya? Kakausapin ko. Ibigay mo ang cellphone, Cianna."

"Uhm..."

It pained me a bit. Gusto kong malaman ang resulta ng imbestigasyon niya pero hindi ko rin naman gusto na manatili. At saan naman? Baka makituloy pa ako sa kanila?! The thought of being with Uriel is not a good idea. Kaya nga kahit na alam kong marami siyang alam, kay Preston pa rin ako kumapit para sa impormasyon.

"Si Mama. She wants to talk to you," I explained.

Tinanggap niya ang cellphone ko. "Tita..."

He paused and looked at me. I cleared my throat a bit and waited.

"Okay lang naman po. Bukas po."

What? Don't tell me Mama is asking him to let me stay here?!

"Sa Calatagan pa po pero may matutuluyan naman dito kaya wala pong problema."

My eyes widened. Gusto kong magsalita pero hinintay ko nalang munang matapos.

"No problem po. I agree."

He then gave me the phone back. Sinipat ko siya pero agad ding nilagay sa tainga ang cellphone.

"Mama,"

"You will stay with Uriel for the night-"

"W-What? Ma, I can go home. He'll tow the car and look for any spare tire. Mayroon daw sa malapit. O p-puwedeng-"

"Hija, maggagabi na. Hindi magandang umuwi ka ng ganitong oras galing diyan lalo na't hindi ka pamilyar. Bukas pa ang uwi ni Uriel, sumabay ka na lang sa kanya. I want your car towed right now, at ihatid na sa casa."

"P-Po?!"

Yes, hija. Magagabi na. Bukas ka na lang umuwi at sumabay ka kay Uriel."

"I thought you want me to go home right now?"

"Well, hindi ko kasi kilala ang kasama mo. Ngayong nariyan si Uriel, panatag ako. Mas panatag ako na magpalipas ka na lang muna ng gabi kaysa umuwi ka ngayong gumagabi na."

Pumasok na si Uriel sa sasakyan at sinarado ang pintuan.

"But-"

"I'll tell you Papa. I'm sure he'll agree. At pagagalitan ka noon kung ipilit mong umuwi ngayong gabi na at naflat pa ang gulong! Kahit pa maayos 'yan, paano kung may problema pa rin? Better tow it and drive it directly to the casa!"

"Ma..."

"Sige na. Maggagabi na..."

May tinitipa na si Uriel sa cellphone niya ngayon. Kalaunan, wala na akong nagawa kaya pumayag na sa sinabi ni Mama. Binaba ko na ang cellphone at nilingon si Uriel para sa mga tanong.

"Ididiretso ko na ang sasakyan mo sa sinabi ng Mama mo. Sabay na tayo bukas..."

I wanted to find a way to avoid this but nothing is working in my head. Sasabihin ko ba na pumunta kay Preston? Eh hindi rin naman iyon uuwi pa. Baka matulog ako sa mansiyon nila! At bakit? Saan ba kami matutulog ngayon?

"Sa Calatagan pa ang inyo?"

"The nearest house, at least. But I'm not going there tonight. Bukas, maaga ako para bumisita ulit sa imbestigasyon."

Napakurap-kurap ako. Imbestigasyon! Bukas!

"Kaya sa malapit na muna ako magpapahinga. May matutuluyan naman tayo dito."

"So... uh... investigation for the Ocampos, right?"

Nagtagal ang tingin niya sa akin.

"We'll be staying in a resort near here. Habang may ginagawa ako bukas para diyan, puwedeng sa resort ka na maghintay. At dadaanan na lang kita kapag tapos na ako at uuwi na tayo."

"Uh..."

Well, here goes nothing! Ayaw kong sumama kay Uriel pero wala na kaming choice ngayon! At kung sasama na lang din naman ako, bakit hindi pa sumama na rin kahit sa imbestigasyon? I have been longing for this. I tried it with Preston but it didn't work!

"Pu-Puwede naman akong sumama sa imbestigasyon. I-I'm curious about what happened, too."

Nagtaas ng kilay si Uriel. "You want to?"

"I don't mind," medyo mayabang kong sinabi.

"No," mataman niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi?" medyo naalarma sa sagot niya.

"It won't be good for you. Just stay in the resort tomorrow and wait for me."

"Gusto kong sumama!"

"Aren't you bothered that you'll remember what happened?"

"Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang totoo. Kung ano ba talaga ang nangyari."

Nanatili ang titig ni Uriel sa akin.

"I didn't like what happened then. It scarred me. I lived in fear for years. Pero umayos din kalaunan dahil sa mga naririnig tungkol sa imbestigasyon. None of it were proven, though... that she's alive. All of it were rumors. It would be nice if I will know the truth."

Nagkatinginan kami. Humugot siya ng malalim na hininga bago pinaandar ang sasakyan. Inayos ko ang seatbelts ko.

"Pag-iisipan ko," sagot niya bago ito pinag u-turn para makabalik kami sa kotse ko.

"Pag-iisipan mo? Bakit? Gusto ko nga'ng sumama, 'di ba?"

"I don't want you to be troubled by the memory."

"I won't be. And if I will, it will be for the better. Kasi kung totoong buhay siya, ibig sabihin..."

"Totoong buhay siya. I spent the last years heading the investigation, Lucianna."

Nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ako puwedeng magkamali. Your safety is at stake. There is no room for error because of that."

Natahimik ako. Sumulyap siya sa akin. Hindi ko na maibalik ang tingin sa kanya.

"You were not the target. I made sure of that. If you were, the suspect is probably dead by now," he said coldly.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 129K 59
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
568K 22.9K 69
Lilly found an egg on a hiking trip. Nothing abnormal on that, right? Except the egg was four times bigger than supposedly the biggest egg in the wor...
4.8M 107K 45
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Haze De Luca is the scariest, heartless, most popular boy in the school. Every-time he sees he...
157K 11.8K 15
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...