IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Kabanata 10

3.1K 112 4
By Lorenzo_Dy


Buwan ng Agosto nagsimula ang pasukan para sa college at masaya ako na qualified ako sa kursong Agriculture at gano'n din si Zendy na pasok rin para sa Business Administration course.

"My summer vacation in US wasn't fun and somehow I regret spending my life for almost three months there! Sobrang boring! Panay shopping lang ang ginawa ko na kinokontra pa ni grandma." Naiiritang turan ni Zendy habang hawak ang apple juice dito sa cafeteria sa loob ng college campus.

"By the way, nagustuhan mo ba 'yong pasulubong ko?" Isinarado ko ang agricultural book na binabasa ko bago ko binuksan ang apple juice na nasa mesa. Hindi talaga ako makapagpokus sa pagbabasa dahil sa kadaldalan ni Zendy.

"Oo naman. Tsaka lahat yatang nabili mo sa states ay ibinigay mo lang sa 'kin." Saad ko dahil sa daming bag at damit na ibinigay sa 'kin si Zendy pagkauwi nito dito sa Casa Bel Palazzo at lahat ng iyon ay branded at mukang mga mamahalin pa.

"Good. Anyways, may nagugustuhan ka na ba sa mga manliligaw mo?" Si Zendy talaga ang tipo ng kaibigan na mas priority pa ang lovelife ng iba kaysa sa sarili niya.

"I knew it! Wala pa rin. Mamimili ka na lang oh." Ibinaba ko ang hintuturo ni Zendy nang ituro nito ang mga lalaking nakatayo malapit sa may entrance ng cafeteria na naghihintay sa akin para ihatid ako sa classroom department ko na iniiwasan ko lagi.

"Alam mo naman ang rason ko 'di ba? 'E, ikaw? Kumusta ang lovelife mo?" Napangiwi si Zendy sa tanong ko.

"May nanliligaw pero 'di ko gusto." Sagot nito sa 'kin at pinakita ang picture ng isang lalaki sa cellphone niya. ''Siya si Ford sa political science, maharot lang sa mga text pero shy type sa personal." Umikot pa ang mga mata ni Zendy bago ibalik sa bulsa niya ang cellphone.

"Pareho lang tayo," sambit ko.

"Big NO! Kasi ako, hindi ko talaga gusto ang tukmol na 'yon habang ikaw naman ay may hinihintay na someone." Umarko ang kilay ko. "Stop acting like you don't know what I'm talking here. Sino ba kasi ang hinihintay mo?" Usisa nito at alam kong hindi niya talaga ako titigilan.

"Wala akong hinihintay. Gusto ko lang na walang distraction sa pag-aaral ko at alam mong gusto ko kaagad na makapagtapos ng pag-aaral para makagawa ako ng project na makakatulong sa mga magsasaka ng Casa Bel Palazzo."

Totoo iyon dahil ngayon pa lang ay talagang nag-iisip na ako kung anong puwedeng gawing proyekto na makakatulong para sa mga magsasaka ng Casa Bel Palazzo. Gusto ko rin tulungan si Señor Freigo na mapalago pa ang sentro gulayan na nagbibigay ng pangunahing negosyo sa mga tao sa bayan sa Casa Tranquillo dahil ang guluyan at sakahan ang s'yang pangkabuhayan ng mga simpleng mamamayan ng Casa Bel Palazzo sa pamamagitan ng pag-angkat at kalakalan sa ibat-ibang lugar.

Ang Azìenda Agrìcola naman ay binabalak namin ni Señor Freigo na paramihin pa ang mga alagang hayop na makakadagdag kita rin kapag naimbenta at ang perang makukuha namin mula rito ay ibabahagi namin sa bawat pamilya sa Casa Bel Palazzo.

Ang usapan din namin ni Señor Freigo ay kailangan makapagtapos muna ako ng pag-aaral bago ako tumulong sa pangangasiwa sa sakahan at sentro gulayan, kapag bakasyon naman 'saka lamang ako pinapayagan ni Señor Freigo na mangasiwa ng farm ang Azìenda Agrìcòla.

Mas marami pa lang ginagawa sa college, kaliwat-kanan ang mga projects, reportings, at research kaya minsan na lang kami nakakapag-usap ni Zendy at 'yon ay kapag lunch time o hindi naman kaya kapag nagkikita kami sa library katulad ngayon.

"Ayoko na pala mag business ad., panay business proposal ang ginagawa namin feeling ko tuloy malalagasan ako ng brain cells."
Bungad na reklamo ni Zendy sa 'kin habang nag rereview ito sa library dahil sa may exam daw sila mamaya. Umupo ako sa tapat niya at inilahad sa kaniya ang paborito niyang toblerone.

"Bella, not now please! Baka kumain lang ang gawin ko instead of reviewing."

"Ayaw mo talaga? Sige akin na lang 'to." Nananunudyo kong saad at napangiti ako nang ibaba niya ang librong binabasa niya.

"Kaasar ka!" Mahinang sambit ni Zendy bago inagaw sa 'kin ang toblerone at nilantakan iyon.

"Ano bang gusto mong regalo sa birthday mo? Wala kasi akong oras para mag-isip 'e." Tanong ko kay Zendy habang sinasagutan ko ang assignment ko, sa linggo na ang birthday niya at wala talaga akong maisip na p'wedeng iregalo sa kaniya.

"Uhm. Actually, I want a new gucci bag or versace bag kahit alin sa dalawa."

"Wala akong perang pambili, 'ylng bag na lang na bigay mo sa 'kin ang ireregalo ko sa 'yo."
Tumawa si Zendy sa sagot ko kaya napangiti na rin ako habang nagsasagot.

"I'm just kidding and I have a lot of them na, basta mag sleep over lang tayo sa bahay, okay na ako ro'n."

"Linggo 'yon. May pasok tayo kinabukasan." Pagpaalala ko kay Zendy dahil baka nakakalimutan nito.

"I know. Kaya nga magdala ka ng uniform mo para sa bahay ka na rin magbihis at sabay na tayong papasok dito sa school."

"Magpapaalam muna ako kay nanay Carlotta at Señor Freigo mamaya. Pero sana tayong dalawa lang, alam mo naman na hindi ako malapit sa mga kaklase mo or sa ibang tao bukod sa inyo ng kuya Arnold mo."

"Don't worry dahil hapon naman ang handaan kaya sa hapon din mag-sisipuntahan ang mga kaklase ko but I'm just a bit annoyed kase kapag nalaman ni kuya Arnold na mag o-overnight ka sa bahay baka makisawsaw pa 'yon." Ayaw na ayaw talaga ni Zendy sa kapatid niya kahit mabait naman ito, sobrang strikto lang daw kasi nito pagdating sa kaniya.

Minsan, gabi na ako nakakauwi sa mansion dahil sa mga tinatapos kong notes at activity sa eskwelahan buti na lang talaga at matiyang naghihintay si manong Mario sa 'kin sa labas ng gate ng eskwelahan.

"Lady Bella," salubong ni Dario na naghihintay sa 'kin sa labas ng classroom department ko.

"Sabay na tayong bumaba, kanina pa naghihintay si tatay sa may gate." Tumango naman ako kay Dario at hinayaan ko siyang bitbitin ang bag ko na ginagawa niya kapag nagsasabay kami palabas ng gate. Lubog na ang araw pero hindi pa gaanong madilim, bukas na rin ang mga ilaw sa hallway at may mga naglalaro pang estudyante na soccer sa gitna ng field ng college campus.

"Lady Bella..."

"Hmm?" Himig ko habang nakatingin sa hallway. Naramdaman kong bumagal sa paglalakad si Dario kaya nilingon ko ito.

"Bakit?" Usisa ko rito.

"Lagi kang pinag-uusapan ng mga lalaki kong kaklase at mukhang ang ilan sa kanila ay gusto kang ligawan."

"Sabihin mo na may napupusuan na ako." Kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Dario at parang hindi ito makapaniwala.

"Sino?" Mabilis nitong tanong at lumapit na sa 'kin. "Sino po ang napupusuan niyo, Lady Bella?''
Umiling ako bago ako sumagot sa tanong niya.

"Sabihin mo lang sa kanila na may napupusuan na ako dahil ayaw kong magpaligaw at wala rin akong balak na makipagrelasyon." Parang nabunutan naman ng tinik sa lalamunan si Dario bago ito tumango.

Bumati muna ako kay manong Mario bago ako sumakay sa karwahe na naghihintay sa gilid ng kalsada sa may labas ng gate ng eskwelahan.

"Pasensiya na po kayo kung ginagabi ako." Sinserong sabi ko kay manong Mario habang pinapatakbo nito ang karwahe.

"Ayos lang iyon Lady Bella, trabaho ko naman ang ihatid at sunduin ka." Wika ni manong Mario habang nakatingin sa kalsada.

Nabanggit ko kay nanay Carlotta at Señor Freigo ang tungkol sa pagsleep-over ko sa bahay nina Zendy sa linggo habang naghahapunan kami.

"Magdadala na rin po ako ng uniform dahil doon na po ako magbibihis at sabay na rin po kami ni Zendy na papasok sa eskwelahan." Imporma ko kay Señor Freigo habang hinihiwa nito ang lutong karne na nasa platito niya.

"Natutuwa ako na nagpapaalam ka apo. Magpapadala rin ako ng regalo para sa anak ni attorney Sebastian at iparating mo ang pagbati ko."

"Makakaasa po kayo Señor Freigo, salamat po." Nakangiti kong sagot.

"Magluluto rin ako para may madala kang pagkain sa bahay ng mga Sebastian, anak." Presinta naman ni nanay Carlotta kaya lalo akong napangiti.

"Salamat din po nanay Carlotta."
Kahit na alam kong maluwag sa akin ang Señor ay nandoon pa rin ang hiya ko dahil ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan nila sa akin ni nanay Carlotta.

Kulay kahel na ang kalangitan nang bumaba ako sa mansion dala ang regalo namin ni Señor Freigo para kay Zendy at nagmamadali namang binalot ni nanay Carlotta ang ginawa niyang Italian pizza pie na dadalhin ko sa bahay ng mga Sebastian.

"Oh anak, 'wag kang papagutom huh. Dinamihan ko na 'yan." Lagi talagang inaalala ni nanay Carlotta ang kalusugan ko at gusto niya lagi na busog ako.

"Salamat po. Mauna na po ako Señor Freigo at nanay Carlotta."
Paalam ko sa kanila habang bitbit sa mag kabilang kamay ang Italian pizza pie at ang nakabalot na regalo.

"Mag-iingat ka apo." Nakangiti akong bumaling kay Señor Freigo bago sumakay sa karwahe.

Agad naman akong pinagbuksan ng guard sa bahay nina Zendy dahil kilala na ako nito simula pa noong high school kapag gumagawa kami ng project ni Zendy sa bahay nila. Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ng mama ni Zendy na si Tita Zenaida at agad ako nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Bakit ngayon ka lang Lady Bella? Hindi mo tuloy naabutan ang mga kaklse ni Zendy." Litanya ni tita Zenaida sa 'kin habang iginagayak ako nito papunta sa sala.

"Okay lang po iyon." Sagot ko.

"Lady Bella..." Nakipagbeso na rin sa 'kin si Tito Arthur bago ako umupo sa sofa. Lady Bella na talaga ang tawag nila sa 'kin simula pa noon at nasanay na lang ako, buti na nga at napakiusapan ko sina Zendy at Arnold na Bella na lang ang itawag nila sa 'kin para talagang maramdaman ko ang pagiging magkakaibigan namin.

"Bella!" Nakangiting lumabas sa kusina si Arnold at agad na umupo sa tabi ko at kinuha ang pagkain na dala-dala ko.

"Gawa po ni nanay Carlotta."
Imporma ko kay tita Zenaida na tinulungan ang anak niyang si Arnold na buksan ang kwadradong kahon ng Italian pizza pie ang laman na gawa ni nanay Carlotta.

"Wow! Hitsura palang muykang masarap na!" Takam na saad ni tita Zenaida na kumuha ng isang slice ng Italian pizza pie.

"Bellaaaa!" Natakpan ko ang aking tainga dahil sa pagsigaw ni Zendy habang tumatakbo pababa ng hagdan. "You're late! Gabi na oh." Sumilip ako sa sliding window na nasa sala at madilim na nga sa labas.

"Sorry. Binalot ko pa kasi 'yong regalo namin ni Señor Freigo para sayo. Happy birthday!" Tumayo na ako at niyakap si Zendy pero mukhang hindi niya pinansin ang sinabi ko dahil kinuha niya agad ang dalawang nakabalot na regalo at binuksan iyon.

"Oh my god! Innamorata sandals!" Manghang-mangha si Zendy sa regalo kong sandals na isa sa mga binili para sa 'kin ni Señor Freigo, magkasize naman ang paa namin ni Zendy kaya naisip ko na iyon na lang ang i-regalo ko sa kaniya dahil hindi ko naman iyon nagagamit.

"My god!" Halos lumuwa ang mga mata ni Zendy nang buksan nito ang maliit na kahon na regalo ni Señor Freigo sa kaniya. "A real diamond!" Manghang sambit ni Zendy sa kumikinang na dalawang pares na hikaw.

"Pinaparating din ni Señor Freigo ang pagbati niya." Niyakap ulit ako ni Zendy at halos gumulong na kami sa sahig dahil sa kakatalon niya.

"Thank you! Thank you! Pasabi rin kay Señor Freigo na super thank you talaga sa regalo niya."
Mababalian na yata ako ng leeg sa sobrang higpit ng yakap ni Zendy.

"What a childish!" 'Saka lamang bumitaw si Zendy sa mahigpit na pagkakayakap mula sa 'kin nang mag salita ang kuya Arnold niya.

"So? Papansin ka talaga. Tara na nga Bella bago pa masira ang mood ko." Nagtataray na naman si Zendy at hindi niya pinakinggan ang pagsaway sa kanya ng papa niya.

"Wag kayong masyadong magpapagabi sa pagmomovie marathon, may pasok pa kayo bukas." Paalala sa amin ni tita Zenaida at mabilis namang tumayo si Arnold mula sa pagkaka-upo sa sofa.

"Mag s-sleep over ka rito Bella?" Bago pa man ako makasagot sa tanong ni Arnold ay mabilis na akong hinatak ni Zendy papasok sa kwarto niya at ni-lock agad iyon.

"Zendy! Let me in! Gusto ko ring magmovie marathon!" Sigaw ni Arnold na kinakalabog pa ang pinto ng kwarto ni Zendy.

"E 'di manood ka sa kwarto mo! Epal ka talaga." Pasigaw na sagot ni Zendy bago tumalon sa malambot niyang kama.

"Arnold, girls night 'yan kaya hayaan mo ang dalawa sa loob. Birthday na birthday ng kapatid mo kinakalabog mo ang pinto ng kwarto." Rinig kong saad ni Tito Arthur sa labas. Tawa lang nang tawa si Zendy sa kama niya at inaasar pa nito lalo ang kuya niya.

"Sabihin mo munang bakla ka kuya at papasukin na kita sa kwarto ko or baka rito pa kita patulugin tabi kayo ni Bella." Nahampas ko ang hita ni Zendy dahil sa sinabi nito. Isang malakas na hampas pa sa pinto ang ginawa ni Arnold bago ito tumalima paalis habang mamatay naman kakatawa sa loob ng kwarto itong si Zendy.

"Maliligo lang ako." Imporma ni Zendy sa 'kin bago ito pumasok sa banyo rito sa loob ng kwarto niya. May nakasalang ng pelikula pero naka-pause ito dahil biglang gustong maligo ni Zendy dahil naiinitan daw ito habang ako naman ay nilalamig dahil nakatodo ang aircon sa loob ng kwarto niya.

Binuksan ko ang laptop ni Zendy dahil alam ko naman ang password nito at gano'n din siya sa laptop ko. Binuksan ko ang social media account ko sa laptop ni Zendy dahil matagal-tagal na rin mula nang mag social media ako dahil pokus talaga ako sa pag-aaral. Tadtad ng mga messages at notifications ang Facebook ko at ang dami ring nag friend request pero mas pinili kong mag scroll sa newsfeed para manood ng mga videos na lumalabas na lang bigla, hanggang sa isang video ang lumabas na talagang nakaagaw sa atensyon ko.

Hindi ko maintindihan ang babaeng nagsasalita sa video habang may lumalabas na mga pictures sa video na ibat-ibang klase ng wine. Ipinakita rin ang picture ng isang mataas na company building at picture ng isang factory na gumagawa ng mga alak. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naman naiintindihan ang nagsasalita sa video pero patuloy pa rin ako sa panonood nito hanggang sa lumabas ang picture ng isang magandang babae na may pangalan sa baba na Lady Vittoria M. De Lucio.

Natuptop ko ang aking bibig nang mapagtanto ko na ang babaeng iyon ay ang asawa ni Señorito Maximilian at ina ni Señorito Primo. Mas lalo ko pang itinuon ang buong atensyon ko sa panonood kahit wala akong maintindihan hanggang sa lumabas ang picture ng isang lalaki na ilang taon ko nang hindi nakikita.

"S-señorito Primo." Sambit ko.

Patuloy na lumalabas sa video ang pictures niya at pormal na pormal ang mga suot nito na tuxedong kulay itim o 'di naman kaya ay asul. Ang mga mata niyang bughaw na bughaw ay lalong tumingkad. Nagmukha rin itong modelo sa picture habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng malaking opisina.

Napalunok ako habang nararamdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Kumakabog na naman ng husto ang aking dibdib dahil lamang sa simpleng video na iyon. Hindi ko pa rin maitatanggi na hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang epekto sa akin ni Señorito Primo.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 2.9K 46
Wife's Tears Series # 2 Explode's like a fireworks or a bomb perhaps. ZALH JARED HUNTERS
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...