Dealing With Him (Young Heart...

By Miss_Book-wormmmy

9.3K 273 7

" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng... More

Miss_Book-wormmmy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
A/N

Chapter 22

156 8 0
By Miss_Book-wormmmy

Untitled

---

“Claire, hatid na kita.”

Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Felix. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala, siguro ay naramdaman rin niyang wala ako sa mood para makipag-usap. Kanina pilit siyang nakikipag-open ng topic sa pagitan namin pero tipid lang lagi ang isinasagot ko sa kanya.

Binigyan ko siya ng mapait na ngiti.

“Wag na, mauna ka na. Baka hinahanap ka na rin sa bahay niyo.”

Hindi niya ako hinayaang talikuran siya dahil mabilis niyang hinablot ang aking kamay.

“May problema ba?” aniya.

Ganito siguro ako ngayon dahil sa nalaman ko kanina. Hindi ko nga alam kung paano ko napipigil ang pag-agos ng luha ko.

“W-Wala, masakit lang ang ulo ko,” pagsisinungaling ko.

“Kaya nga, ihahatid na kita.”

Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang ay ayaw kong makipag-argumento. Masyado akong nasaktan sa nalaman at ayaw kong madagdagan na naman ang sakit na dinadala ko.

Hinayaan ko na lang siyang hilahin ang kamay ko. Pumarada siya ng tricycle at pinauna akong pumasok.

“Kaya ka siguro tahimik kanina kasi masakit ang ulo mo,” saad niya.

Hindi ako sumagot. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating sa bahay.

Paano ko kaya haharapin si Javier? Magpapasalamat kaya siya? O baka naman di na niya ako kakausapin. Wala ng rason para makipag-usap pa ulit siya, paniguradong tapos na ang deal. Nakuha na namin ang gusto namin. Pero sa di inaasahang pangyayari, nahulog ako mismo sa sariling bitag ko.

“Uhm, Felix salamat sa paghatid,” wika ko.

He smiled. “You’re welcome.”

“Pasensya na kanina. Marami lang kasi akong iniisip saka masakit ang ulo ko kaya… kaya hindi tayo gaanong nakapag-usap,” saad ko pa.

Malamang, masasaktan siya kapag sinabi kong kaya ako nagkakaganito dahil si CJ na at si Chloe.

“Okay lang,” aniya. “Pero Claire, yung sinabi ko kaninang gusto kita at nagbabalak akong ligawan ka… seryoso ako.”

Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Alam kong mula grade 7 ay gustong-gusto ko na siya pero ngayon sigurado din akong hindi na. Someone has already replaced him.

Narinig ko ang pagtikhim niya. “Sige Claire, mauna na ko.”

Umangat ako ng tingin.Pilit siyang ngumiti at kinurot pa ang pisngi ko.
Pinanuod ko ang pag-alis niya bago ako pumasok. Gabi na kaya sarado na ang talyer at nasa loob na ang mga kuya ko.

Sa pagpasok ko ay pansin kong tahimik silang lahat kaya nagtaka ako. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. Tanging tunog ng kubyertos lang ang naririnig ko nang pumasok ako.

“Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah.”

I suddenly stop when I heard those words. Matalim akong tinitigan ni kuya Monday. Halatang galit siya.

“M-May dinaanan lang ako kanina, kuya.”

Napailing siya. “Pag nalaman kong iba ang pinagkakaabalahan mo, lagot ka sakin,” aniya sa seryosong tono.

Hindi ako nagawang lingunin ng mga kuya ko. Tumango na lang ako sa sinabi ni Kuya Monday at nagpaalam na magbibihis.

Napasandal ako sa pinto pagkapasok ko sa kuwarto. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, sobrang bigat. Umasa ako, inakala kong pareho kami ng nararamdaman. Binigyan ko ng mga malisya ang ginawa niya, pero sa huli kaya niya pala ginawa yun dahil sa deal.

Hinawakan ko ang kuwintas na ibinigay niya at hinaplos ang pendant nito.

Ang sakit, pero wala akong pwedeng pagsabihan ng nararamdaman ko.
Umupo ako sa kama at kinuha ang litrato ni nanay. Ginamit ko ang likod ng kamay ko para takpan ang paghagugol ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko  ay napayakap na lang ako sa litrato ni nanay at tahimik na umiiyak.

“Nay, sobra akong nasaktan sa nangyare. Ang sakit po nanay, sobrang sakit.”

Basa na ang aking pisngi sa kakaiyak. Sumasakit na rin ang dibdib ko.

“Mahal ko po si Javier, nay. Alam ko din pong mahal din siya ng pinsan ko at inaamin kong nagkamali ako hindi lang sa sarili ko kundi kay Chloe na rin. Pero  nay, hindi ko po kayang hayaan na lang at kalimutan ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang pati siya ipaparaya ko din. Pero ayaw ko din pong masira ang relasyon namin ng pinsan ko.”

Sobrang sakit. Iyong tipong kung kailan sigurado ka na sa nararamdaman mo, saka pa nangyari to.

---

NAGISING ako nang may kung sinong yumogyug sa mga balikat ko. Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at nakangiting si tatay kaagad ang sumalubong sa akin.

“Gising na bunso,” aniya.

Hindi ko napansing sa sobrang pag-iyak kagabi ay nakatulog na lang ako. Ni hindi pa ako nakapagbihis dahil hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang uniporme ko kahapon.

“Bababa lang ako bunso ah,” aniya at pinihit ang doorknob. “Siya nga pala magtricycle ka na lang daw muna bunso.,” aniya bago umalis ng kuwarto.

Inilagay ko muna ang litrato ni nanay sa tabi ng kama ko at pumunta ng CR para maligo. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at hindi ako sigurado kung ready nga ba akong pumasok ngayon.

Nang makabihis ako ay nag-ayos kaagad ako sa salamin. Napansin kong namumugto ang mga mata ko. Nahihiya naman akong magshades para lang matakpan ‘to.

Hinayaan ko na lang iyon at bumaba na lang.

Kaunti na lang din ang kinain ko sa agahan.

“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong sa’kin ni Kuya Monday.

Bitbit nito ang isang mug, nagkakape 'ata.

Pilit akong ngumiti. “Hindi naman po kuya.”

Tumango naman ito at ibinaba ang mug sa ibabaw ng mesa.

“Pansin ko lang kasing kaunti lang ang kinain mo. Saka hindi ka daw kumain kagabi,” aniya at lumapit sa akin.

Inilapat niya ang likod ng kanyang palad sa aking leeg.

“Hindi ka naman mainit,” ani nito.

“Wala lang akong ganang kumain ngayon kuya,” saad ko bago inayos ang mga gamit ko.

“Wag ka munang umalis.”

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Dali-dali siyang kumuha ng tinapay at naglagay ng palaman doon. Nang matapos siya ay siya na ang naglagay ng sandwich sa bag ko.

“Salamat  kuya,” saad ko. “mauna na po ako.”

Tumango na lamang ito at ibinalik ang atensyon sa iniinom na kape. Napangiti ako, kahit papaano ay may pakealam din pala si Kuya sa akin.
Nagmano ako kay tatay at nagpaalam sa mga kuya ko bago ako lumabas. Pansin kong walang Javier na nandito  at wala din text galing sa kanya na hindi niya ko mahahatid. Siguro sa mga ganitong oras, sa bahay na siya ni Chloe para sabay na silang pumasok.
Dapat siguro ay tanggapin ko na lang ‘to.

“Claire!”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Felix. Dala nito ang kotse nila.

“Good morning,” aniya. “Ihahatid na kita.”

He licked his lower lip. Napakamot din ito sa kanyang batong.

“Uhm, good morning din.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa driver’s seat. Medyo nagulat naman ako dahil hindi ko alam na marunog din pala siyang magmaneho.

“Nagmamaneho ka?”

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Isa iyong student license.

“Sa tingin ko…” aniya.

“Pero sa pagkakaalam ko, hindi ka pa pwedeng magmaneho kahit na may student license ka.”

Nagkibit balikat na lang siya. “Wala namang checkpoint ngayon,” sabi pa niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya. Doon ko lang napansin na isinuot na pala niya sa akin ang seatbelt.

Pinanuod ko kung paano niya pinaandar ang sasakyan at kung paano siya magmaneho. Napangiti siya nang magsalubong an gaming mga mata.

“Kailan ka pa natuto?” tanong ko.

“Matagal na, I think since grade eight.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Talaga? Ang galing naman.”

Ibinalik niya ang tingin sa daan. Hindi ko mapigilang mamangha sa ginagawa niya.

Hanggang sa makarating kami sa school. Siya na ang nagbukas ng pinto para sa’kin. Actually natutuwa ang sa ipinapakita niya pero di ako sanay ng ganito.

Pinagtitinginan kami kaagad ng mga napapadaang estudyante. Hindi ko na sila pinansin at nagpaalam na lang kay Felix na mauuna na ko.

Wala akong naabutang Scarlette pagdating sa room. Ibinigay sa akin ng kapatid niya ang escuse letter niya dahil sumakit daw ang ulo nito. Bigla naman akong nalungkot.

“Sana umabsent din ako.”

Buong araw ko na naman itatago ang nararamdaman ko. Pumasok nga ko para may pagsabihan ng hinanakit ko tapos absent pa siya. Kainis naman.

Wala sa sarili kong inihiga ang ulo sa ibabaw ng desk ko. Parang gusto ko na lang matulog buong araw.

“Si Chloe!”

“Grabe oh, nagkabalikan na?”

“Oo nga, sila na ulit.”

Nagtilian at nagsinghapan ang mga kaklase ko. Doon ko lamang inangat ang tingin ko at hinarap ang pinto. Dumating si Chloe kasama si CJ. Gumala pa ang mga mata nito sa classroom at nang magtama ang tingin namin ay agad akong umiwas.
Kaya pala hindi na niya ako nahatid.

Umiling ako. “Malamang sila na ulit eh. Ano pa bang pakinabang ko?”

Itinuon ko sa ibang atenyon ang sarili ko. Inaamin kong nasasaktan ako sa nakikita ko pero hindi ko dapat ipakitang naaapektuhan ako.

Grabe!”

“Nakakakilig!”

Gustuhin ko mang balewalain ang kurot sa puso ko ngayon ay hindi ko kaya. Mas doble ang sakit ngayon kumpara kahapon.

Ibinalik ko lang ang tingin ko sa pintuan nang hindi ko na marinig ang tilian ng mga kaklase ko. Wala ng Javier doon. Nagtipunan ang mga kaklase ko sa upuan ni Chloe at pinag-usapan ang buong nangyare. Samantalang naiwan akong mag-isa sa kinauupuan ko.

Buong umaga silang nag-uusap tungkol sa paghatid ni CJ kay Chloe at buong araw din akong umiwas sa kanila.

Felix:

Claire, where are you?

Ako:

Sa canteen

Ayoko sanang pumila sa canteen ngunit wala akong magagawa dahil kung di ko ‘to gagawin ay hindi ako makakakain. Kung nandito lang sana si Scarlette, hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.

Napaawang ang labi ko nang makitang pumasok si Felix. Suot pa nito ang kanyang jersey, halatang kakagaling lang sa practice. Agad nitong iginala ang paningin sa buong canteen at nang makita ako ay mabilis siyang lumapit sa akin.

“Claire ako na diyan,” aniya at hinawakan ang kamay ko.

Dahan-dahan niya akong hinila paalis sa pila. Umupo kami sa bakanteng mesa.

“Ako na ang bibili. What do you want?”

“Uhm, kahit ano lang,” sagot ko.

“Alright. Hintayin mo lang ako.”

Pinanuod ko siyang pumila. Panay ang pabalik-balik nya ng tingin sa akin kaya natawa ako sa ginagawa niya.

“Charles, dito tayo oh.”

Nawala ang ngiti ko nang makita si Chloe nahawak ang mga kamay ni CJ. Hinila niya ang kasintahan papunta sa bakanteng mesang kaharap ko.

“Gusto ko yung Caldereta ah saka mas prefer ko yung tubig kaysa sa juice.”

Hindi na umupo si CJ at dumiretso na lang sa pila. Ngayon ay magkasama na sa pila sina Felix at CJ samantalang naiwan kami ni Chloe. Nginitian niya ako pero hindi ko siya nginitian pabalik.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong kagatin ang kuko ko habang hinihintay si Felix na bumalik. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik na si Felix dala ang tray. Sa likod nito ay si CJ. Nagkasalubong ang mga mata namin, hindi niya ito inalis hanggang sa nagsalita na si Chloe.

“Thank you Charles!”

Naputol ang tingin ko sa kanilang dalawa nang umupo sa harap ko si Felix. Inilatag nito ang tray at inilabas ang dalawang bote ng tubig at menudo. Bumili din siya ng leche flan at dalawang kanin.

“Thank you”

Ngumiti lamang siya.

“Sorry, nauna ka pang pumunta dito,” aniya.

“Okay lang, naiintindihan ko,” saad ko at nagpatuloy kaming kumain.

---

MALUNGKOT na natapos ang klase. Buwisit! Bakit kasi umabsent si Scarlette! Pero mabuti na din at nandito si Felix, ramdam kong hindi ako nag-iisa kahit papaano.

“Claire, kanina ka pa hinihintay ni Felix sa labas,” wika ni Megan.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko bago ako lumabas. Agad ko namang nakita si Felix na nakasandal malapit sa pinto at nakapamulsa.

Bakas sa kanyang mukha ang iritasyon habang kinakausap ang mga kasamahan nito. Siya lang ang naka-uniporme samantalang ang mga kaibigan niya naman ay nakasuot ng jersey. Habang papalapit ako ay naririnig ko ang usapan nila.

“Kayo na lang ang bahala na sabihin kay coach na hindi ako makakapunta,” rinig kong saad ni Felix.

Tumuwid siya ng tayo nang makita ako. Napatingin din kaagad ang mga kaibigan nito sa gawi ko.

“Sorry, pinaghintay kita.”

“No, its okay,” saad niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ng marahan ang baywang ako. Tinalikuran na nito ang mga kasamahan niya. Muli ko silang nilingon at ganun na lang ang pagkadismaya nila.

“May gusto ka bang puntahan bago ka umuwi?” aniya.

Napakagat ako ng labi bago umangat ng tingin. Hinawakan ko ang braso nito.

“Felix, may gagawin ‘ata kayo ng mga kasama mo.”

“Don’t mind them. Gusto kitang ihatid ngayon dahil buong araw din naman kaming magpapractice bukas at baka hindi na kita mahatid.”

Gusto ko sanang mapag-isa ngayon kaso nag-iisip pa ko kung paano ko sasabihin kay Felix. Ngayon na nalaman kong tumakas siya sa practice nila, mas lalo lang akong naguilty.

I don’t want to give him hopes. Wala na kong nararamdaman sa kanya. Pero ayoko ko din namang masaktan siya ng dahil sa’kin.

“Felix, sige na magpractice ka na. Saka baka susunduin din naman ako ni kuya mamaya,” saad ko.

The truth is, it was just my alibi. Hindi ako masusundo ni kuya dahil busy sila sa talyer. Gusto ko lang talaga mapag-isa.

“But Claire-”

“Sige na, mukhang kanina ka pa nila pinipilit eh. Saka kung hindi mo ko mahahatid ngayon o bukas edi sa susunod na araw na lang. At pwede naman tayong sumabay ng lunch bukas eh,” saad ko pa para mas lalong mapalubag ang loob nito.

Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa mga kasama niya.

“Are you sure?” tumango ako bilang pagsagot. “Alright. Pero hayaan mo kong ihatid kita kahit sa waiting shed lang.”

---

HINATID niya nga ako hanggang sa waiting shed. Hindi sana siya aalis kung di ko pa siya pinilit. Maluwag pa ang tricycle pero hindi ako sumakay. Siguro ay dito na lang muna ako, mamaya na lang ako uuwi.

Lagpas alas singko ymedia na kaya wala ng gaanong estudyanteng lumalabas sa gate. Tanging athletes na lang ang mga natira sa school.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nanliligaw na ngayon si Felix sa’kin. Dati ay halos kailangan ko pang pumasok sa butas ng karayom para lang mapansin niya ko. Napakahirap niyang abutin pero ngayon abot kamay ko na siya.

Nang makita kong isang tao na lang at aalis na ang tricycle ay agad akong sumakay.

Sa tingin ko, grabe talaga makipaglaro ang tadhana. Kung kailan namang natutupad ko na ang matagal ko ng inaasam-asam saka ko pa naramdamang mahal ko si Javier. Ngayon nahihirapan akong sabihin ang nilalaman ng puso ko.

Nagbayad kaagad ako ng pamasahe nang makababa ako sa tricycle. Dire-diretso akong pumasok sa kuwarto at umupo sa study table ko. Napaface-palm ako habang pinapanuod ang mga dumadaang mga sasakyan sa labas.

“Dati naman hindi ako ganito…”

Hanggang kailan ko kaya dadalhin ito? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong magkasama sina Chloe at CJ… paano na lang kaya kung araw-araw ko silang makitang magkasama?

Napaawang ang mga bibig ko nang makita si Javier sa labas. Nakasandal ito sa kanyang motor habang naninigarilyo. Pinapanuod din nito ang mga sasakyang dumadaan na tila ba may inaabangan ito. Tatayo na sana ako para bumaba pero lumabas na si Kuya Monday.

Akala ko pa naman ay bibili siya sa tindahang kaharap lang ng bahay namin ngunit dumiretso siya sa gawi ni Javier. Tumayo naman kaagad ng tuwid si Javier at agad na tinapakan ang sigarilyo nito.

Nanliit ang mga mata ko ng kinausap niya ito.

“Ano kaya ang pinag-uusapan nila ni Kuya?”

Tila seryoso ang pinag-uusapan nila dahil nagtagal iyon. Nanatili lang ang mga mata ko sa kanila habang nag-uusap silang dalawa. Nang matapos silang mag-usap ay bumalik na si kuya samantalang si Javier naman ay sumakay na sa kanyang motor.

Tumingala pa siya at nagtama ang mga mata namin. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Kaya agad akong nagtago sa gilid ng bintana namin habang hawak-hawak ang dibdib ko.

Makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahan akong sumilip sa bintana at nang makumpirmang wala na doon si CJ ay mabilis akong bumaba.

“Kuya!”

Nang makababa ako ay pinuntahan ko kaagad si Kuya Monday na nasa talyer.

“Kuya Monday…”

Nakapamaywang niya akong hinarap.

“Ano yun?”

Napakagat labi ako. “B-Bakit niyo po kinausap si CJ?”

Natapingin na sa gawi namin ang mga kapatid ko. Tumaas naman ang kilay ni Kuya Monday.

“Ah, yun ba?” aniya at ginulo ang buhok ko. “Tinanong ko lang kung ba’t siya nasa harap ng bahay natin dahil kanina pa yun nagmamasid. Akala ko nga ay magnanakaw eh yun naman pala inabangan lang yung girlfiriend niya.”

“A-Ah ganun ba.”

“Bakit mo natanong, bunso?”

Umiling ako. “Wala, kuya. Sige pasok na ko, gagawa pa kasi ako ng assignment ko.”

Napayuko ako at tinahak na ang daan pabalik sa kuwarto. Kaya pala siya nandito. Akala ko pa naman balak niya akong kausapin.

Napailing ako. Tama na sa kakaasa, Claire. Wala ka ng pag-asa dun, alam naman nating katulad ni Chloe ang mga gusto nun. At malayong-malayo ka kay Chloe.

---

Miss_Book-wormmmy

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5.9K 297 20
Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang saluhin ang naiwang responsibilidad. Ay...
48.3M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...