She's The Billionaire's Obses...

By RainMaxxx

127K 4.1K 218

Every moment of her life is like a mystery,like a puzzle piece, magugulo ang dati nang magulong buhay ni heav... More

Prologue
Fall Chapter 1
Fall Chapter 2
Fall Chapter 3
Fall Chapter 4
Fall Chapter 5
Fall Chapter 6
Fall Chapter 7
Fall Chapter 8
Fall Chapter 9
Fall Chapter 10
AUTHOR'S NOTE
Fall Chapter 11
Fall Chapter 12
Fall chapter 13
Fall Chapter 14
Fall Chapter 15
Fall Chapter 16
Fall Chapter 17
Fall Chapter 18
Fall Chapter 19
Fall Chapter 20
Fall Chapter 22
Fall Chapter 23
Fall Chapter 24
Fall Chapter 25
Fall Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Author's Note

Fall Chapter 21

2.2K 69 0
By RainMaxxx

PS. Medyo maikli  lang 'to pero sa next chapter bawing-bawi. Salamat sa paghihinaty, Guys. 9 chapters left, kasama na ang epilogue. 

****

Tulala lamang ako habnag nakatingin kay Jana, at hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kwento niya o dapat ko bang bigyan ng kahulugan ang sinabi niya. Bakit nga naman ba matutuwa si Joshua na hindi na ako maka-alala? Siguradong may dahilan iyon. Kailangan kong makausap si Joshua at itanong mismo sa kaniya ang bagay na 'to. Joshua are one of my trusted friend.

Sa hindi malamang dahilan, pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cyrene. Wala akong dapat pagkatiwalaan, hindi kahit sino. Pero hindi ko makonekto sa masamang bagay ang sinabi ni Jana. Baka kapakanan ko ang iniisip ni Joshua kaya ganoon ang reaksyon niya, I mean nasaktan ako ni Cosmer nang araw ng aksidente, baka ayaw niyang maalala ko ang mga masasamang bagay na nangyari sa akin noon.

"Alam naman natin kung ano ang reason ni Joshua kaya ayaw ka niyang maka-alala. He wants you, Heaven. Iyon din ang dahilan kung bakit pinipigilan niya akong magsalita at kung bakit lagi siyang nakamanman sa bahay."

"Nakamanman?"

"Yes, lagi. Siguro para bantayan ang kilos ko o baka naman para abangan ang pagbalik ni Ate."

"Sandali, kilala mo ba ang kausap ni Joshua ng araw na iyon?"

"HIndi ako sigurado."

Tinitigan ko siya ng mabuti. May tao siyang pinaghihinalaan at dapat niyang sabihin sa akin iyon. Kasi nahihirapan na ako pagdugtong-dugtongin ang lahat. Parang sasabog na ang utak ko sa mga impormasyon na ibinibigay nila.

Nag-iwas ng tingin si Jana sabay lunok. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. ilang segundo pa bago bumalik ang tingin niya sa akin. Kumukurap-kurap ang mga mata niya at hindi niya ako magawang tignan ng diretsyo.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Si Ate. Sa tingin ko si Ate iyon. Jonah Jan ang pangalan ni Ate. Jana Jon ang sa akin. Konti lang ang tumatawag na Jan kay Ate. Mostly kaming malalapit lang sa kaniya na kaya siyang asarin at pikonin."

So ganoon ka-close si Joshua sa Ate ni Jana. Nakakapagod mag-isip, lalo lang gumugulo ang lahat. Mas lalo lang ginugulo ni Jana ang isip ko. Kailangan ko mamili, kung maghihintay ba ako o kikilos na para mabilis akong makaalala.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cosmer. 'Heaven, sa ayaw mo at sa gusto mo, asawa mo na ako. Gusto mo bang mabuhay sa miserabling marriage life kung p'wede naman natin I-work out ang marriage natin?' Napatulala ako at ilang minutong nag-isip. Ano ba ang dapat na unahin ko? Makakapaghintay naman siguro si Jana. Si Cosmer na mismo ang nag-assure sa akin na ako mismo ang makakasagot sa mga tanong ko. Tama, si Cosmer ang uunahin ko, ang marriage namin. Lalabas at lalabas din naman ang totoo sa tamang panahon.

"I'm sorry, Jana. Pero gusto ko munang ayusin ang marriage namin ni Cosmer. 'Wag kang mag-alala dahil sa oras na maka-alala ako. Ikaw ang unang makaka-alam. Sorry-"

Napaigtad ako at nanlaki ang mga mata nang maramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa akin sa bewang mula sa likod. Inis na nilingon ko ang taong iyon. Buti na lang medyo nabawasan belbel ko sa tiyan. Baka mamaya asarin niya pa ako kapag naramdaman niyang nagka-bilbil ako kakalamon. Kasalanan ko bang masarap ang pag-kain.

"Hon, bakit mo ko iniwan?" puno ng hinanakit na turan ni Cosmer.

"Ang O.A mo, nauna lang ako lumabas e," pagsusungit ko. Inis pa rin ako sa kaniya..

Nilingon ko si Jana, tinitignan niya kami gamit ang nagtataka at gulat na tingin niya. May nagawa ba kami? Pinanlakihan ko ng mata si Jana kaya natauhan ito. Awkward na ngumit ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Cosmer. Tinanong ko kung ayos lang ba siya at natawa na lang ako sa sinagot nito.

"Kinikilabotan ako, Heaven." Ngumiwi ito sabay halos sa mga braso niya.

"Gaga, so ikaw na ngayon ang papalit sa puwesto? Bitter."

"Ewan ko sayo, basta. Tawagan mo ko huh?" tinignan niya ako ng may kahulugan. Agad ko naman naintindihan iyon kaya tumango ako.

Pagkatapos magpaalam ni Jana ay agad din itong umalis. Pinili ko namang hindi kumibo. Bahala siya diyan. Inis pa rin ako sa kaniya, malading nilalang. Akala ko ay susuyuin ako nito pagkatapos umalis ni Jana pero ang mukang nanahimik din. Ang lakas tuloy naming maka-PDA dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang nag-alis ng dalawang braso niya. Naglakad ako palapit sa side ng highway. Again, akala ko pipigilan niya ako pero ang mukang nang lingonin ko nakasunod lang ang tingin sa akin. May kasalanan siya bakit hindi niya kaya subukang lunukin pride niya para magkaayos kami? Tsk, para namang kinasal kami because of love. Bakit niya naman ako susuyuin? Anong bang nangyayari sa akin? Argh. Hindi big deal na wala siyang pake sa akin.

Saktong may taxi na parating. Akmang itataas ko ang kamay ko para ipara ang taxi pero nabitin iyon sa ere. 'Nasaan ang wallet ko?' kinapa ko ang apat na bulsa na mayroon ang jeans ko. Wala akong dalang wallet! Kainis!

Nanggagalaiti akong nagmartsa balik kay Cosmer. Kakapalan ko na muka ko, babayaran ko naman e. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan ni Cosmer. Tinignan niya lang iyon ng puno nang pagtataka.

"Pautang," mahinang boses na sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Huh?" Nakangising tanong nito.

"Pautang pamasahe sabi ko!" naiinis na ulit ko.

"Wow, mangungutang ka na nga lang, ikaw pa itong inis. Hindi dapat ganiyan, hindi ka papautangin sa ganiyang ugali-"

"Papautangin mo ba ako o hindi?" napipikon na tanong ko.

Nangangalay na ang braso ko. Nilunok ko na nga pride ko e. Nasaan ba kasi ang wallet ko? Kainis.

Biglang naging maamo ang muka ni Cosmer. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Salubong ang kilay na tinignan ko siya pagkatapos makabawi sa gulat dahil sa ginawa niya. Hindi ito nagpatinag bagkus ay nilapit niya pa ang kaniyang muka sabay sabing sorry.

Nag-iwas ako ng tingin. Manigas siya, ano yun? Sorry lang? Okay na? No way! Bumuo siya ng sorry word gamit ang cash na tig-iisang libo, ayon, baka mawala pa inis ko sa kaniya. Paulit-ulit na sorry ang pinagbubulong ni Cosmer. Bahala ka diyan, dapat maisip niya kung ano ang gusto ko. I need cash not sorry.

"Hija, Hijo, respeto naman sa mga single. 'Wag naman sa harap ng hospital, baka mas lumala ang sakit ng mga pasyente dahil sa ingit."

Pareho kaming natigilan ni Cosmer sabay lingon kay Manong na naka-bike. Tama nga naman. Awkward na nagpumiglas ako sa pagkakayakap ni Cosmer. Napapailing naman ngunit may ngiti sa labi na umalis si Manang.

"Kasalanan mo 'to e!" inis na sabi ko sabay duro sa kaniya.

"Sorry na, hindi ka kasi namamansin e."

"E bakit hinayaan mo akong mag-taxi kanina?"

"Hindi ako pumayag nuh! Alam kong wala kang pamasahe kaya paano ka makaka-uwi?"

"Kaya pala, huh. Nakakainis ka! Ayoko sayo!"

Hindi na siguro nakapagtimpi si Cosmer, bigla na lamang niya akong binuhat na parang sako at pinas-an sa balikat niya. Nagpupumiglas ako pero mas malakas hinampas niya ang pwet ko at pinagbataan na hahawakan niya iyon kapag hindi ako nanahimik.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Cosmer. Oo na, pabebe much ako. Nakakainis naman kasi talaga e. Malanding nilalang. Ang lakas ng loob niya sabihin sa akin na I-work out namin ang marriage namin tapos makikipagharutan siya sa nurse na iyon, harap-harapan niya pa talagang ginagawa. Ang sama niya. Kung may pamasahe lang ako at kung kaya ko lang mag-lakad ng malayo, hindi talaga ako sasakay dito.

Buong byahe ay hindi ako umimik kahit pilit niya akong kinakausap. Pilit niya rin hinahawakan ang kamay ko. Ganito ba talaga siya? Parang walang hiya. Ang lakas maka-hokage. Kung sa bagay mahaba ang pinagsamahan namin na siya lang ang nakaka-alala. Argh, kailan ba kasi babalik ang alaala ko. Sila naman ang dahilan kung bakit naging mabagal ang progress ko. Pinipigilan nila akong maka-alala.

Ilang beses kong nasungitan si Cosmer pero hindi pa rin siya sumusuko. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi niya ako tinantanan. Binuhat na naman niya ako papasok ng mansiyon. Hindi naman ako tatakas, tsk, magtatago lang. Sa laki ng bahay na 'to madaming puwedeng pagtaguan.

Marahan niya akong binagsak sa kama which not mine bed. Dumiretso pala ito sa kwarto niya. Agad na nilibot ko ang paningin sa buong kuwarto niya. Woah, sobrang linis, minimalist, and neated. White and black is the theme of his room. Umayos ako ng upo at tinignan ng masama si Cosmer. Ngumisi ito kaya hindi ako nakapagpigil. Sinipa ko siya without my intension na tamaan ang kahabaan niya.

Namilipit ito sa sakit habang nakatayo pa rin. Namumula na ang muka nito, maging ang tenga, leeg at batok. Sobrang sakit ba talaga?

Bigla tuloy akong nakonsensya. Akmang hahawakan ko siya para sana alalayan siyang umupo pero pinangunahan na naman ako ng inis dahil sa sinabi niya. Nabatukan ko tuloy siya.

"Hon! Paano tayo makakabuo kung mababaog ako?!

"Makaka-buo ka diyan! Asa ka."

Wala talagang preno bunganga niya, buti sana kung may sense ang mga sinasabi niya e pero puro kabulastugan.

"Sus, dati nga pinagnanasahan mo ko," naka-poker face na sabi ni Cosmer sabay upo sa tabi ko.

Siguro dati iyon pero hindi na ngayon, hindi ko na nga maalala e. Tinignan ko na lamang ng masama si Cosmer. Ayoko na lang mag-talk. Baka hindi ko mapigilan sarili ko, masaktan ko pa siya.

"Bibigyan kita ng one fact about sayo," excited na turan nito.

Kuryoso naman akong tumingin sa kaniya. Siguradohin niya lang na matino ang sasabihin niya dahil hindi ako magdadalawang isip na pisain ang itlog niya.

"Baliw na baliw ka sa akin." Malakas na tumawa si Cosmer pagkatapos.

"Kapal talaga," naiinis na bulong ko. "Akin na nga 'yang itlog mo at pipisain ko," nanggagalaiting sigaw ko sabay hila sa damit niya.

Takot na nagpumiglas ito sa akin. Akala niya ba hindi ko kayang gawin iyon, kung isang siraulo lang naman na gaya niya ay walang pagsisisi ko iyong gagawin. Sandali, hindi ko gagawin iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito mga sinasabi ko? Ang lalaswa ng mga ini-isip ko, hindi ako ganito o baka iyong dating ako?

Masyadong bulgar ang mga salitang binibitawan ko. Nasaan na ang Heaven na mahinhin at may sense ang mga sinasabi?

"Sandali, Hon. Sorry na, 'wag naman tayo umabot sa ganito," naiiyak na sabi nito. "Huwag po, wahh!"

Malakas na hinampas ko siya. Kung maka-huwag po siya akala niya pinagsasamtalahan siya. Daig niya pa ang ginigilitan na biik. Ngumuso ito dahil sa ginawa ko. Bumulong-bulong pa si Cosmer pero binaliwala ko na lamang at nahiga. Pagod ako kahit wala naman talaga akong ginawa sa hospital kundi ang mahiga. Kung sa bagay nakakapagod mahiga.

Nagpatuloy sa pangungulit si Cosmer pero mas pinili kong matulog. Pagod ang utak ko ngayon. Nasagot na ang tanong ko sa katauhan ni Cosmer, pero nadagdagan ito. Ano ba talaga ang kinalaman namin ni Cosmer sa pag-alis ni Jona? At bakit pinag-iingat niya kami kay Joshua?

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...