His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVI
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XIII

1.9K 91 33
By NeifileTheDreamer

"Hear, my son, your father's instruction, and forsake not your mother's teaching, for they are a graceful garland for your head and pendants for your neck."
~Proverbs 1:8-9

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Tatlong Kabanata

IT'S Monday morning and it was not a normal day. I feel so uncomfortable with the gazed of the people.

Kanina nga pagkarating namin ni Bal sa parking lot, ang daming nagpa-picture sa amin. Hinahanap pa nila si Nash.

Last Friday, mayroon na naman ngang nag-post sa West Wood Secret Files na pictures namin ni Nash. Hindi ko malaman kung sino ang kumukuha noon.

Also Known As, iyan lagi ang nakalagay sa name ng sender. Hindi na nga ako makatulog kakaisip kung sino ang taong nasa likod noon.

I tried to ask the admin of the page who's sending those pics using my dummy account, but they said it was confidential.

Si Bal naman paniwalain sa issue. Ilang beses na akong pinagsasabihan na dapat dumaan muna si Nash sa kaniya bago maging kami. As if naman na nanliligaw si Nash. We're just friends.

Nakaabot na nga sa church namin ang issue. Buti na lang nga at dalawang linggong wala si Ate Natrix. Kung hindi baka na-hotseat na niya ako. Syempre kapatid niya si Nash. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit parang wala lang ito kay Nash.

Natapos ang klase namin sa umaga at papunta na sana akong canteen upang mag-lunch. Hindi ko kasabay ang mga kaibigan ko ngayon. May kani-kaniyang lakad at gawain sila.

Kahit si Aera kahit kaklase ko siya , hindi sumabay sa akin dahil busy siya sa practice sa Lakan at Lakambini. Ilang araw na lang kasi ay pageant na nila.

"PRAISE!" napahinto ako sa paglalakad ng mayroong tumawag sa akin. As usual kilala ko na kung sino ito dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin nito. Si Aqui.

Minsan na lang din kami magkausap. Busy kasi kami sa mga projects, activities at marami pang iba na ipapasa next week before midterms. Kakatapos lang ng prelims tapos midterm agad. I hate senior high. Kidding.

Dumagdag pa ang whole day training namin for cluster meet. Aqui was also a player. He was a part of West Wood Volleyball Team. Nalaman ko lang na volleyball player siya nang mag-umpisa na ang training nila at nakita ko siyang naglalaro sa court.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kaagad pagkalapit na pagkalapit niya sakin.

"Wala kang kasamang mag-lunch 'di ba? Tara, libre ko," aya niya at ginulo ang buhok ko. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil sa ginawa niya.

"Hindi mo kasabay 'yung pinsan mo?" tanong ko.

I am pertaining to his cousin. Aqui always mentioning to me that he always eats lunch with his cousin that just got back from Manila this school year.

"Absent siya."

Kaya naman pala may gana siyang mang-aya. Hindi ko pa rin nakikilala 'yung pinsan niya hanggang ngayon. Ni hindi nga sa akin mabanggit ang pangalan nito.

Nahihiya raw siya sa amin at ayaw magpakilala. Kung ano ang kinahiya ng pinsan niya ay siyang kinakapal ng mukha ni Aqui.

"Okay, tara libre mo na ako," sambit ko at nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Ang hilig mo pa rin sa libre!"

Ngumisi naman ako sa kaniya. Parang hindi na siya nasanay sa akin. Sa kaniya lang naman makapal ang mukha ko sa libre. Pineperahan ko lang talaga si Aqui kaya ko siya kinaibigan. Biro lang.

Nililibre ko rin naman siya paminsan minsan. Hindi rin naman ako abusadong kaibigan. Minsan at nahihiya rin ako sa kaniya.

Bumili agad kami ng pagkain pagkarating namin sa canteen. I only ordered sisig, rice and bottled water. While Aqui ordered beef tapa, rice, fries, siomai and soft drinks.

Syempre kahit libre niya ito nahihiya ako, but he insists to buy siomai for the both of us. Ilang beses na niyang sinasabi sa akin na kapag nagpapalibre ako sa kaniya, kapalan ko na ang mukha ko.

Napahinto kami sa aming pagkain ng mayroon naglagay ng bottled water sa table namin. Napaangat kami ng tingin. I saw Quias smiling at me.

"Pwedeng makiupo?" tanong ni Quias sa amin. Kasama niya si Nash at mayrooon silang hawak na food tray.

"Teka, hindi ba at  may practice kayo ng Lakan at Lakambini?" tanong ko kay Quias.

"Lunch time," tipid niyang sagot.

"Asan si Aera?"

"May ka-date ata. Bago ako umalis ng auditorium nakita kong may kausap siyang lalaki," saad niya at umupo sa harapan ko.

Si Nash naman umupo sa tabi ko at nginitian ako. Tumingin naman ng nakakaloko si Quias sa amin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin.

Napakatahimik naming apat habang kumakain. Nilamon ng katahimikan ang aming lamesa. I feel the awkwardness between the four of us. Close naman kaming lahat, pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Nash, gusto mo ba Xeidrine?" pambabasag ng katahimikan na tanong ni Aqui.

Muntik na akong mabulunan sa tanong niya buti na lang at naabutan ako ni Nash ng tubig. Ang dami daming puwedeng sabihin, ang dami daming puwedeng itanong, bakit iyon pa ang naisip niya?!

Hinayupak itong kaibigan ko. Ang sarap ingudngod ng mukha sa lamesa! Hindi ko alam kung epekto ba ng siomai ito o ano.

"Huh?" painosenteng pabalik na tanong ni Nash kay Aqui.

"Anong huh? Kalat na kalat na kaya ngayon sa buong campus na nagde-date---." hindi na niya natapos ang sasabihin sapagkat sinupalpalan ko ng siomai ang bibig ni Aqui.

"Alam mo Aqui parang gutom ka pa. Iyan siomai kainin mo," pagpapatahimik ko sa kaniya.

Nginuya naman niya ito. Pagkalunok niya ng siomai ay akala ko'y titigil na siya. Hindi pala.

"Hindi naman 'yun totoo di ba? Kung totoo, humanda ka kapag sinaktan mo si Praise," banta niya.

"Pero pwede naman nating totohanin." Nash smirked at me.

My face turns into lava. Mainit at namumula. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o niloloko lang niya ako.

"Alulululu! Si Xeidrine kinikilig!" tukso ni Quias at sinaway naman siya ni Nash.

Hindi nagpaawat si Quias at patuloy akong tinutukso sa kaniyang kaibigan. Ang sarap nilang pagbuhulin ni Aqui! Pareho silang mapang-asar.

Inungkat pa ng dalawa ang mga post sa social media ng mga shipper naming dalawa. Pati na rin ang post sa West Wood Secret Files!

"I'm just curious, kilala n'yo ba kung sino si Also Known As?" tanong ni Aqui.

Umiling pareho sina Nash at Quias. Mukhang wala rin silang alam tungkol sa taong nag-po-post ng mga pictures namin. Saka, nasabi na ni Nash sa amin nila Ailish na hindi siya gumagamit ng social media madalas, kaya paniguradong nagsasabi siya ng totoo.

"May magbabago ba tayo kapag nakilala natin siya? Hindi pa rin naman siya titigil. He or she will just post more pictures and create issues with me and Xeidrine," Nash said.

Namilog ang aking mga mata. Akala ko ba ay wala siyang alam sa mga post na ito? Binabawi ko na ang aking sinabi.

"D---Do you know already the issue?" I startled.

Tumango naman siya sa tanong ko. Akala ko ba hindi siya nagbubukas ng mga social media account niya?

"Look Xeidrine, I know what you're thinking. Ayoko lang talagang mailang ka sa akin kaya ko sinabi noon na wala akong alam tungkol sa issue."

So, all this time alam na niya 'yung about sa #NaLex thingy? Napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa nalaman ko.

"As much as possible, umiiwas aking pag-usapan ang viral social experiment ninyo or anu other issue. Ngayon pa lang tayo nagiging close, ayokong mailang ka na naman sa akin. Or worst layuan mo ako."

So he's thinking that I will get away from him? Ah. I got it. He used to be with Quias all the time. Hindi ko naman siya masisisi. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan bukod kay Quias.

"I value our friendship and I never let that issue ruined it."

He fixed his eyeglasses and look at me. Nash was sincere in his words.

Sa pagkakataong ito, mas namula ang aking pisngi at ramdam ko ang pag-init nito. Bumilis din ang tibok ng aking puso sa sinabi ni Nash.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"ARIBA HUMANISTA! ARIBA! ARIBA!"

"ABM! ABM! ABM! GO! FIGHT! WIN!"

"GO HE! GO HE! GO! GO! GO!"

"I—C—T! I—C—T! FIGHT! FIGHT! FIGHT!"

"WE WERE, WE WERE ROCK YOU! ROCK YOU! A&D FOR THE WIN!"

"SISTEMA! SISTEMA! LABAN SISTEMA!"

"G—A—S BOOM BIRA BIRA! G—A—S BOOM BIRA BIRA!

"SPORTS TRACK HINDI PAPATALO! AHU! AHU! SPORTS TRACK HINDI PAPATALO! AHU! AHU!"

Ilan lamang iyan sa mga hiyawan ng bawat strand at track ngayon sa auditorium. Napaka-intense na ng mga pangyayari.

Buwan na ng wika at ito na ang pinakahihintay naming event. Ilang sandali na lamang kasi ay ipapakilala na kung sino ang mga nanalo. Lahat ay excited sa kanilang mga pambato.

"Kinakabahan ako!" gilalas ni Coast at masasabi kong pareho kami ng nadarama para kay Aera.

Ang aking mga kaibigan ay mga taksil sa kanilang mga strand. May kani-kaniya kaming pambato, ngunit mas pinili nilang suportahan si Aera. I guess that's were friends are for?

Ilang sandali pa ay dumako na ang master of ceremony sa stage. Nagkaingay na naman kaming lahat. Halos mabasag na nga ang aking ear drums.

"Mukhang nasasabik na ang lahat ah. Kaya hindi ko na patatagalin pa! Saksihan natin ang mga kandidata sa kanilang huling pag-rampa!"

Lumabas na isa-isa ang mga kandidato at kandidata. Napahiyaw ako ng malakas at halos mahulog na ang aking vocal chords nang lumabas si Aera.

I'm proud of her. Kahit na napag-tripan ko lang siya ay ipinakita niyang hindi mali ang pagpili ko sa kaniya. Ginawa talaga ang lahat ng kaniyang makakaya. Nang matapos silang rumampa, pinakalma muna kaming lahat.

Hindi nagtagal ay isa-isa nang tinawag ang mga nanalo. Mula sa Photogenic Award hanggang sa Pambansang Kasuotan.

Bigla akong kinabahan lalo kay Aera nang hindi pa siya tinatawag sa kahit anong kategorya. Maganda ang performance na pinakita niya buong pageant at mayroon akong tiwala sa kaniya. Sana ay makatanggap siya ng kahit isang award.

Maraming magagaling siyang kalaban, subalit magaling rin naman si Aera. Naniniwala ako sa kaniyang kakayahan.

"Ang Lakambini 20** ng West Wood High ay si— Abeetha Pavidda ng ABM 11-Delta!"

Halos manlumo ako sa aking narinig. Hindi naman ako kasali, pero ako ang nalulungkot para kay Aera. Ganoon din ang nadarama ng aking mga kaibigan.

Agad namin siyang pinuntahan matapos ang awarding sa backstage. Nahirapan kami sa paghahanap sa kaniya dahil napakaraming tao.

"Aera!" Sigaw ko nang sa wakas ay makita na namin siya. Agad ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap.

"Guys, sorry I failed you..." she weakly uttered.

Nakita ko ang panggigilid ng kaniyang mga luha at agad naman niya itong pinunasan.

"You didn't failed us and we are still proud of you," Bal said.

"Cheer up! Alam naman naming ginawa mo ang best mo eh," sabi pa ni Coast.

Napaiyak na si Aera nang tuluyan at nahawa kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit ganito kami. Kapag may umiyak na isa, mahahawa na ang lahat.

Nag-group hug kaming anim upang ipadama kay Aera na nandito lang kami.

"Ang corny ninyo. Huwag na kayo mag-iyakan dahil pumapanget kayo lalo," suway sa amin ni Axti at pinunasan ang kaniyang mata.

Nadala rin siya ng kadramahan namin pero ayaw niyang aminin.

"Mabuti pa, itigil na natin ang iyakan, libre ko na lang kayo!" Sambit ni Keist na ikinatuwa naming lahat.

Inalis na namin ang drama at nagkasiyahan na lang. Ipinadama rin namin kay Aera na kahit talo siya rito, panalo naman siya sa puso namin.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

LUMIPAS ang mga araw at naging paspasan na ang training namin. Pagkaraan kasi ng Lakan at Lakambini ay bumalik na kami sa pag-e-ensayo.

Hindi na rin dinamdam ni Aera ang kaniyang pagkatalo at nag-move on na. Masaya ako para sa kaniya.

Pagkatapos din ng pag-uusap namin ni Nash noong isang linggo, naging mas close kami sa isa't isa.

Hindi na rin namin iniiwasan ang topic about sa viral photos and video namin. One time nga, napag-tripan namin basahin ang mga comment sa West Wood Secret Files.

May nag-comment na hindi raw kami tao kasi bagay daw kami, we're destined to each other, at kung anu-ano pa. Tinanong din kami kung mahirap daw ba ang STEM at nangangain daw ba ang calculus.

Tinawanan na lang namin ito ni Nash. Alam naman namin na magkaibigan lang kami. Hindi na hihigit doon ang samahan namin.

This week, whole day pa rin ang training. Hindi na kami halos pumapasok sa mga klase namin. Depende na lang kung kailangan talaga naming pumasok sa isang subject.

"So, team this is your second to the last training before the midterms next week. After that, on Thursday, you'll go back to training. And one of the alumni here will visit us tomorrow. He is a former chess master of this school. He will teach you some moves."

It was our third week of training already. Almost one week na lang at cluster meet na. Bawat araw na dumadaan, hindi ko maiwasan ang kabahan. This is my first time joining a private school athletic meet.

Since elementary kasi sa public school ako nag-aral. Kahit sabihin nating may experience na ako sa mga chess tournament ngunit iba pa rin ito.

Napahinto si Mr. Davila sa pagsasalita ng biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at bumungad ang isang estudyante.

"Mr. Davila, pinapatawag na po kayo sa office. Malapit na raw pong mag-start ang meeting," wika niya.

"I guess, that's all for now. And wait, you can go home at exactly 3 o'clock in the afternoon. Para na rin makapagpahinga kayo."

Pagkasabi noon ni Mr. Davila ay agad na rin siyang umalis. Naghiyawan naman kami matapos marinig na maaga ang uwian namin ngayon.

"Makakapagpahinga rin sa wakas! Stress na nga ako sa Accounting na 'yan, sumabay pa 'tong chess," Ailish said with frustrated tone.

"Edi sana hindi ka nalang sumali rito," pasaring ni Brice.

Ailish and Brice are both grade 12 students. Ailish is taking up ABM while Brice is a transferee student and taking up ICT-Animation.

"Accounting is life but chess is lifer! And you can be a part of my life," banat ni Ailish sa kaniya.

"Hindi tayo talo," bwelta ni Brice habang nag aayos ng chess set.

"Alam ko kasi panalo ka na sa puso ko dati pa."

At umandar na naman po ang kalandian ni Ailish. She has a crush on Brice. Ailish confessed to him last time.

Hindi kagaya ng ibang lalaki si Brice dahil noong umamin sa kaniya si Ailish, hindi niya ito iniwasan. Sanay na raw siyang mayroong nagkakagusto sa kaniya. Immune na raw siya kumbaga.

"Training na nga tayo," aya ni Nash sa amin ngunit ako lang ata ang nakarinig dahil nag iinisan pa ang dalawa.

"Mamaya na. Ang cute nilang tingnan oh. Para silang totoong couple na mayroong LQ," saad ko sabay turo sa dalawa.

"Mas cute ka." Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"A---ano?"

"Wala," wika ni Nash at pumunta sa puwesto nila Brice.

Sumingit na siya sa usapan ng dalawa. Wala na, finish na. Sinira na ni Nash ang bebe time ng dalawa.

"Mamaya na ang lambingan, let's start the training," Nash said with authority.

Nash always do that these past few weeks. Babanat siya sa akin ng mga corny jokes and pick up lines tapos parang wala lang sa kaniya.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

PUMATAK ang alas tres ng hapon at niligpit na namin ang chess set. Habang inaayos ko ang chess mat, napahawak ako sa aking ulo. Kumikirot na naman ito.

Naubos na rin ang ointment na nilalagay ko rito upang maibsan ang sakit. Wala akong nagawa kung hindi ang tiisin ito.

It was my problem every training. Masyadong napapagod ang utak ko kakaisip ng mga moves.

Kung sa larong basketball, volleyball o kahit anong physical sports, katawan ang sumasakit sa kanila. Sa chess and other board/mind games, mapipiga naman ang utak mo.

"Take this. It will ease the pain of your head." Napalingon ako kay Nash.

I thought he will just give me the ointment but he put it on my forehead. Malamig ito sa balat ngunit hindi ko gaanong naramdaman dahil nag-iinit ang pisngi ko sa ginawa ni Nash.

"Thanks."

He looked at me seriously. When our eyes met he suddenly smirked at me. And he remove the hair strands that blocking in my face.

"Gutom na ako! Kain tayo," sambit ni Ailish at pumagitna sa amin dalawa.

"Panira ng moment," Nash whispered.

Pinigilan ko ang pagtawa sa binulong ni Nash. Lumapit din sa amin si Brice at inakbayan niya kami.

Siya naman kasi ang sumira sa moment ng dalawa kanina, kaya ayan gumaganti sila Brice at Ailish.

"Tara, unli rice tayo para sulit!" Aya ni Brice.

Naghintay silang dalawa ng sagot namin ni Nash. Come to think of it, hindi pa nga kami nakakakain sa labas na magkakasamang apat.

Madalas kasing nag-aaya sina Brice at Ailish sa amin na kumain sa labas every time na hindi matindi ang schedule namin. Dalawang beses pa lang ako nakakasama sa kanila, ngunit si Nash, ni isang beses ay hindi pa siya sumasama.

"Game."

"Pass."

Sabay na wika namin ni Nash.

Heto na naman siya at tumatanggi. Lagi na lang ganito ang linyahan niya tuwing may balak kaming kumain sa labas.

"Huwag ka ngang kill joy Nash. May pera namang bigay ang school!" wika ni Ailish.

"Oo nga. Isipin mo na lang na bonding natin 'tong apat bago sumabak sa cluster meet week after next," pamimilit pa ni Brice.

Umabot pa ng ilang minuto ang pangungumbinsi namin kay Nash. Ang hirap niyang mapapayag ngunit sa bandang huli ay sumuko rin siya.

Pumunta kami sa Amiel's Sizzling House, isa itong kainan malapit sa school. Unli rice and ice tea ang promo nila rito kaya madaming kumakain. Mayroon ding libreng videoke at pwede kang kumanta rito.

This place was very homey. Para kang nasa probinsya dahil nipa hut inspired ang gusali nito. Pagtapak ko pa lang sa lugar na ito, amoy na amoy ko na ang pagkain.

"Ano gusto ninyo?" tanong ko sa kanila nang bigyan kami ng menu ng waitress.

"Ikaw gusto ko," bulong sa akin ni Nash na nasa tabi ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Tumawa naman siya.

"Inihaw kako ang gusto ko," ulit niya.

Napailing na lang ako sa kaniya at kuwari at tumitingin ng order sa menu. I hate Nash! Ano bang nakain niya ngayon at ang hilig niyang bumanat?

Habang hinihintay namin ang pagkain ay nagkuwentuhan muna kami.

"Sino kaya 'yung sinasabi ni Mr. Davila na alumnus ng school?" curious na tanong ni Ailish.

Nagkibit balikat naman kaming tatlo. Mr. Davila didn't mention the name of the alumnus. Bigla tuloy din akong na-curious.

"Kahit sino pa siya, kayang kaya ko siyang talunin. I don't care if he's a former chess master of our school," Mayabang na sambit ni Brice.

"Yabang mo! Hindi ka nga manalo ka Nash," Singhal ni Ailish sabay batok dito.

"Natalo ko na kaya siya ng limang beses!" bwelta naman nito.

Sa aming apat, si Nash ang pinakamagaling maglaro ng chess. Dehado lagi kaming tatlo sa kaniya. Kahit yata nakapikit ay kaya niya kaming labanan.

Napatigil kami sa pagkukwentuhan nang dumating na ang pagkain. Umuusok pa ito nang ilapag sa table namin.

Dahil natakam ako sa pagkain, agad ko itong nilantakan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaso ako ng sizzling plate.

"Ouch!"

Napatingin naman silang tatlo sa gawi ko.

Nash get some cold water and place it on my wound.

"How many times should I tell you this Xeidrine? Be careful."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito kung saan may paso. I saw his gray eyes were worried.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

KINABUKASAN, dumeretso na agad ako ng Azure dahil whole day pa rin ang training namin. Ngayong araw namin mami-meet ang alumnus na sinasabi ni Mr. Davila.

Next week, midterms na namin. Buti na lang at nakakahabol ako sa mga activities kahit hindi ako pumapasok ng klase. Tinutulungan kasi ako ni Aera to cope up every lesson.

"Hello!" bati ko.

"Hindi mo ba kasabay si Nash?" tanong ni Ailish.

"Nope. Why?"

"Wala pa siya. Bihira 'to ah."

She's right, Nash always an early bird, but now he's not here. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Pumasok si Mr. Davila sa room at mayroon siyang hawak na mga papel. Wala pa rin si Nash hanggang ngayon.

"Good Morning! Since lahat kayo ay nandito na---" Ailish cut his words

"Sir, wala pa po si Nash."

Mr. Davila fixes his eyeglasses. "Oh, about that Nash is absent. He said there's an emergency on their house."

Wala naman siyang sinabi kahapon sa amin. Hindi rin siya nag-chat sa GC na absent siya ngayon. What happened to you Nash?

Nagpatuloy na si Mr. Davila sa pagsasalita. Ilang sandali pa ay pinakilala na niya sa ang ang alumnus chess master ng paaralan.

"Team, kindly welcome our visitor, Mr. Nike."

Biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang pigura ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang alumnus na sinasabi ni Mr. Davila.

"Tito!" tawag ko rito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumunta sa pwesto niya. I hugged him. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong nagkapasok kami.

Isa si Tito Nike sa gumabay sa amin ni Bal mula noong nawala ang aming mga magulang. Parang tatay na nga rin ang turing namin sa kaniya.

Kahit hindi kami magkadugo, kahit na kaibigan lang siya ng aming mga magulang, tinuring na rin niya kaming parang mga anak. He's really a loyal friend of our parents and up until now, kahit wala na sila, he's supporting us.

"Xeidrine! Dito ka pala lumipat?" tumango ako sa kaniya.

Lumapit sa amin si Mr. Davila at nginitian kami.

"I guess, magkakilala na kayo. Ikaw na ang bahala sa kanila, Nike."

Tinapik ni Mr. Davila si Tito at umalis na. Mayroon pa raw kasi siyang meeting.

I cannot believe that Tito Nike was the former chess Master of this school. Tuwing nakikita kong naglalaro sila ni Papa, hindi ko makakaila na magaling talaga siya.

Nag-umpisa na kaming mag-training. Tito Nike teach us some moves. Openings, how to defend our pieces, protect the King and such.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NATAPOS ang training namin ng bangang 4:30 ng hapon. As usual, nakakasakit na naman ng ulo but ngayon, mayroon na akong dalang gamot.

Masaya akong nakalaro ko si Tito Nike after so many months. He's busy with our t-shirt business at sa phone lang kami madalas nagkakausap. Kung wala si Tito Nike, wala na rin ang negosyo namin.

Nang mawala ang aming mga magulang, hindi niya kami pinabayaan. Kahit kaibigan lang siya nila Mama at Papa, tinuring na niya kaming parang kadugo niya.

Pagkatapos naming mag-training ay dumeretso na ako ng parking lot. Weekend na bukas, buti na lang at makakapagpahinga ako. Kaso lang midterms na sa lunes! Senior High School is so stressful!

Nang malapit na ako sa parking lot, I saw Nash. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba ay may emergency siya?

"Nash!" tawag ko sa kaniya.

Tumakbo ako palapit sa kaniya. He's now wearing a navy blue long sleeves, as always and a tight short.

"Bakit absent ka ngayon at hindi ka nag-training?"

"May binigay lang akong papeles ka Mr. Davila. May ginawa ako kanina kaya hindi ako nakapasok."

Tumango naman ako. Pinagmasdan ko siya, mukhang puyat na naman siya. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to sa buhay niya?

"Xeidrine! Buti naabutan kita. Naiwan mo." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Tito Nike pala.

Ibinigay niya sa akin ang tumbler ko at tinanggap ko ito. Nang napadako ang tingin niya kay Nash, naag-iba ang kaniyang reaksiyon.

"Salamat Tito Nike. Si Nash nga po pala, kaibigan ko po," pagpapakilala ko.

Nagkatinginan naman ang dalawa at parang wala ako sa tabi nila. What does it mean? Magkakilala ba silang dalawa?

"Callen Ikaw ba 'yan?" tanong ni Tito.

"Papa..."

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Maesteries Note:
For clarification to avoid confusion, Nash and Xeidrine were not cousin. Hindi po sila blood related and there is no incest in this story. Kaibigan ng parents nila Xeidrine ang Papa ni Nash and they always calling him 'Tito Nike' as a sign of respect. Nabanggit ko na magkaibigan lang ang parents nila in some of the chapters. 'Yon lang, thank you for understanding and supporting this story! ♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 61.7K 51
Madali lang matagpuan ng mga mata ang abot-tanaw. Sa paningin ng karamihan, isa lang itong guhit-tagpuan. It's the line where the sky and the sea me...
3.1K 332 94
Moon, do I have a chance with you?
38.4K 1.7K 73
"They say that Omegle is a site for bored people. But for her case... she's broken not bored." Epistolary #1