BARYO 1: The Brat (On-GOING)

itimnabituin द्वारा

2.4K 109 3

S Matapos mamatay ang ina ni Sapphire Light Veralde, ang kilalang spoiled brat ng baryo, ay naging magulo na... अधिक

___
0
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

3

112 8 0
itimnabituin द्वारा

Ang ganda ng araw ko. Kung pagbubungkalin man ako ni Tatay ngayon baka mabungkal ko lahat ang lupa namin. Pakanta kanta pa akong bumaba ng hagdan suot ang plaid dress ko na may hati sa gilid.

"Nasaan si Tatay?" umiikot kong tanong kay Manang, siya kasi ang naroon sa kusina. Kasalukuyang siyang naghihiwa ng karne.

"Nasa hardin Ma'am. Kape po?"

"Gatas nalang." ngumiti pa ako at kamuntik ng mahulog sa kinauupuan ng maalala ang ginawa ko sa kanila kagabi.

Napansin naman iyon ni Manang. "Ang ganda ng araw niyo Ma'am, a."

"Ganon talaga maganda ako e." I even flipped my hair. Manang laughed at me and made my milk.

Naupo na ako at napapangisi sa tuwing bumabalik minsan saking isipan ang nangyari samin kagabi. Actually, he's the reason why I'm smiling right now. Ewan ko ba kung bakit!

"Magtutungo kayong bukid Ma'am. Bakit ganyan ang suot niyo?"

Tinaasan ko ng kilay si Manang. "Anong mali sa suot ko?"

"Wala naman po, kaya lang hindi naayon sa pupunta niyo ngayon ang suot niyo. Baka po masugatan kayo niyan."

Binigay na ni Manang sakin ang gatas na agad ko namang tinanggap. Tinikman ko iyon at napapikit dahil masarap sa pakiramdam ang pagdaloy ng mainit na gatas sa lalamunan ko.

"Hindi iyan. Naroon naman si Jeremy, panigurado hindi niya ako hahayaang masaktan."

Jeremy, ang isang hardinero at magbubukid namin. Lagi siya ang kasama ko dahil bukod sa kabisado nito ang bukid magaling din ito. Kaya kampante ako na kahit na anong gawin ko hindi ako mapapamahak dahil naroon naman siya paraan gabayan ako.

"Hindi pa ba nasabi ni Sir sa inyo na nilipat na si Jeremy? Nagtratrabaho na siya ngayon kila Prof Ramos."

"Ano?!" nagulat ako at kamuntikan ng mapaso. Tumayo ako. "At sinong nag-alis sa kanya ng hindi pinapaalam sakin?!"

"Si Sir, Ma'am." natakot ko ata si Manang.

Badtrip kong nilapag ang gatas sa mesa at tinalikuran si Manang, nagtungo ako sa hardin kung nasaan si Tatay.

"Tatay!" sigaw ko.

Napalingon ito sakin. Hawak niya ang kanyang kape at nabitin sa pag-inom 'non. Kumunot ang noo niya ng makitang agresibo ang bawat lakad ko.

"Sinong nagsabing alisin niyo si Jeremy bilang hardinero?! Hindi niyo manlang pinalaam sakin!"

"And why do I need to inform you about that, young lady?" He stressed the word young lady. "To stop me?"

"Just let me now, Tay! Hardinero ko din siya at kailangang updated din ako tungkol sa kanya!"

Binaba ni Tatay ang kape niya at tumayo akala ko magtutungo siya sakin iyon pala lalagpasan ako. Gigil ko siyang sinundan ng tingin. Nagtungo ito sa bagong dating at agad naman naging malumanay ang mukha ko ng makita ko ang panauhin.

"Good morning, Sir." Tatay was greeted by Kurt.

"You're too early, Mr. Rivera." 

"Oo nga po. Narinig ko pa ang sigaw ng dalaga niyo." sabi niya at nilingon ako. Namula naman ako roon.

Tumawa si Tatay saka lumapit sakin. "She was furious because I hadn't informed her about his gardener, the one I sent to Rafael."

"O." Kurt's mouthed a part. Hindi ko ba alam kung nagulat siya o ano? "The gardener who I'm going to replace?"

Namilog ang mata ko at napalingon kay Tatay. Tumawa siya sa sinabi ni Kurt.

What the heck is going on?

"Well. Mukha yatang ayaw niyang ikaw ang kapalit. Ayaw mo, anak?" si Tatay.

Kurt smiles at me. Iyong ngiting tinatakot ako. Na para bang isang salita ko lang matatamaan talaga ako.

Nilaro ko ang daliri. "I didn't say that." halos ibulong ko iyon.

"Hindi naman pala sinabi." tudyo pa ni Tatay at sinundan pa ng malakas na tawa. Namula pa tuloy ako sa kahihiyan!

"Gusto ko lang naman na ipagbigay alam mo muna sakin kung may ililipat ka sa mga hardinero ko, Tay, para naman hindi ako nagugulat."

Nagbuntong hininga si Tatay. Magsasalita na sana ito ng biglang may sumingit.

"Mr. Veralde!" boses iyon ng dalaga.

Lumingon kami. Naka short, puting v neck na damit at nakabota ang babaeng bumungad. Hindi ko siya kilala.

"Attorney Chloe." Tatay greeted and offered his hand.

Tinanggap agad iyon ni Chloe na may malapad na ngiti. "Akala ko kung sino ang kikitain ni Attorney Rivera, ikaw po pala."

Magkakilala sila? Tumaas ang kilay ko ng hinawakan ng babae ang braso ni Kurt.

"You didn't tell me that you were meeting Mr. Veralde." kinurot pa niya ng mahina si Kurt sa braso.

Wow ha. I leered my eyes and I don't care if she saw that! Pake ko ba!

"You didn't ask." I heard Kurt's response at lumingon sakin. Naninimbang ang kanyang titig.

Pumeke naman ako ng ngiti at kusa ng lumapit sa babae. Sabihin pa na wala akong galang. Naglahad ako ng kamay.

"Sapphire Light Veralde. Nice to meet you, Attorney." sabi ko, pinigilan ko talagang huwag makitaan ng inis iyon.

"Chloe Maramag. Nice to meet you."

Nginitian ako ni Chloe at mabilis kong nilihis ang kamay ng akmang tatanggapin na niya ito. I smirked when I saw the shock on her face. Sinamtala ko na iyon para makipag beso beso sa kanya at tinaasan ng kilay ang gulat ding si Kurt.

Is he thinking that I would hurt his girl? Na ah, waste of time.

Ako ang unang lumayo at nakangiti parin. "I like your bracelet, Attorney." puri ko at nginuso ang kamay nitong nakakapit parin.

"Thank you, it was Kurt's gift to me-"

"I didn't ask that." I cut her. Her mouth parted. I even saw how her hand gripped Kurt's shoulder. I fake a laugh to lighten up the mood.

"Bagay sayo, magaling siyang pumili."

"Thank you. I love your dress too." nakangiting sagot niya. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil hindi ko ramdam na peke ang puri nito. "It shows your curves. Bagay na bagay sayo! "

Naalis tuloy ang balak kong inisin pa siya lalo dahil sa sagot niya. Inignora niya ang pag-iinis ko sa kanya at pinuri pa talaga ako.

"I loved it too. Who wouldn't love gifts from our boyfriends, right? " Looking at Kurt, I joke that Chloe laughed and agreed with me. 

Kurt's jaws moved. "Bakit ka nga pala narito, Mr. Rivera? To replace my gardener? Ano namang mapapala ko sayo?

"Light!" si Tatay.

Tinaas ko ang kamay. "And why are you applying for a gardener when you-

"He isn't applying for anything, Light! Pinapahiya mo ako!" sabat ni Tatay. "We were just joking when we said that, anak. Mr. Rivera is here to assist you in managing-

"I don't need his help." I gritted my teeth when the embarrassment conquered my body. Why do I feel like I fooled myself for believing that he was here to be my gardner's replacement?

"I didn't ask for his help. Why do you have to meddle in this, too?!" naisigaw ko para matago ko ang naramdaman kong hiya. Nagulat si Tatay. 

"Kung ikaw naman pala ang magmamanipula ng lahat bakit kailangan mo pa akong utusan na pag-aralan ito diba?" giit ko, namumula na sa inis.

"Sapphire." may banta sa boses ni Kurt.

Ang gulat na mukha ni Tatay ay napaharap kay Kurt. Maski ako napaharap din sa kanya, hindi gaya noon. Ngayon inis na akong marinig ang pangalan ko galing sa kanya! How dare him!

"Don't fucking call me Sapphire, Mr. Rivera!"
 
"Light! Ang bibig mo!" pangangaral sakin ni Tatay.

Gigil akong napapadyak at walang sabi-sabing iniwan sila. Hindi ko maitago ang galit ko at talagang tuwing may makakasalubong akong tao ay agad silang nagbibigay daan.

"Wala palang sabit, huh." Inis kong bulong sa sarili. Sa bawat apak ko sa hagdan nagkakaroon iyon ng tunog.

"Light mag-usap tayo." boses iyon ni Tatay.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad at halos tumakbo na nga patungo sa kwarto at mabilis itong sinarado.

"Open the door, Sapphire Light!" sigaw ni Tatay mula sa labas.

"Nagtungo si Kurt rito para tulungan ka sa pamamahala ng taniman."

"E ayaw ko nga, Tay. Pati ba naman ito ipipilit niyo?" sigaw ko. "Ibalik niyo nalang si Jeremy satin at ako na ang kakausap kay Tito. Kukuha ako ng isang hardinero ko para ipalit sa kanya." paliwanag ko na para bang napakaganda ng suhesyon ko.

I heard his sighed. "Fine. Nakakahiya narin naman sa kanya dahil sa ugali mo kanina."

"Lumabas ka mamaya. Magtutungo ka pang taniman." aniya at narinig ko na ang papaalis na yabag ni Tatay.

Amazingly, I let out a sarcastic laugh. Talagang kinonseniya pa ako! Nice!

Nagmukmok ako sa kwarto. Nagpalit narin ako ng short at puting sando dahil sira narin naman ang araw ko. Sinuklay ko ang diretso kong buhok nang marinig ko na naman ang boses ni Manang. Kanina pa siya pabalik balik rito.

"Ma'am Light-"

"Nakaalis na ba sila?" masungit kong tanong.

"Kanina pa po." aniya. "Nakahanda na si Manong sa baba, kanina pa po naghihintay."

"Hindi na, pakihanda si Grego."

"Ma'am? Binilin ni Sir na huwag mo munang gamitin si Grego."

Binagsak ko ang suklay at pagbaklas na binuksan ang pinto. Gulat na gulat ang mukha ni Manang. Nalipad pa konti ang bestida nitong suot.

"Ihanda niyo si Grego." pinal na sabi ko at nilagpasan siya.

Bumaba na ako. Nakahanda na nga si Manong sa pag-alis dahil nang makita niya ako agad siyang nagbukas ng pinto.

"Kay Grego ako sasakay." sabi ko at nagtungo sa likuran ng bahay. Sumunod naman sakin si Manong.

Ang taga alaga ng kabayo ang siyang naglabas kay Grego. Nawala konti ang sungit ko ng makita ang paborito kong kabayo. Nag-ingay siya.

"I miss you." I whispered and kissed my horse. Nag-ingay muli si Grego na para bang sinasabing na miss niya rin ako. Hindi ko na kasi siya masyadong nakakasama dahil napapadalas na ang tungo ko sa hotel Roma. Marami din akong ginagawa sa school. Ang huli ko pang gamit sa kanya ay nakatikim pa ako galit dahil mabilis ang pagpapatakbo ko kaya muntikan na akong nahulog, buti nalang nandoon si Jeremy noon para tulungan ako.

"Matagal akong makakabalik. Kayo muna ang titingin sa bahay at kapag dumating si Tatay sabihin niyong tinakas ko si Grego ng hindi kayo masisante." bilin ko bago sumampa kay Grego. Mahigpit kasi na bilin sa kanila ni Tatay na huwag muna akong pagamitin ng kabayo dahil hindi pa ako bihasa.

Anong hindi? Bihasa ako sa pangangabayo.

"Mag-iingat kayo, Ma'am!" sigaw nila sakin.

Tango ang siyang naging sagot ko at pinatakbo na si Grego. Hindi naman ganon kabilis ang takbo ni Grego. Sinadya ko talaga iyon dahil gusto kong damdamin ang simoy ng hangin at talagang nilipad nito konti ang buhok ko. Ang mga ibon ay nagkakantahan sa mga puno at sa tuwing dumadaan na kami ni Grego ay nagsisiliparan sila ng sabay-sabay.

"Ang ganda, Grego. Nakita mo ba iyon?" tanong ko kay Grego na para bang masasagot niya ako.

Napangiti ako sa ganda ng nakikita. Kinalma ako ng kapaligiran kaya lang ng malapit na ako sa taniman nakita ko ang kilalang sasakyan!

"Magandang umaga, Ma'am." bati ng mga hardinero sakin. Binuksan nila ang tarangkahan para makadaan kami.

"Bakit kayo nagpapapasok ng ibang tao sa taniman ko?" salubong ang kilay kong tanong.

"Hindi na po bago si Sir Kurt dito Ma'am. Tulungan ko na po kayo."

Tinaas ko ang kamay para patigilin si Manong at kusa sanang bababa ng biglang may humawak sa bewang ko at siya na mismo ang nagbaba sakin sa lupa!

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya at tinulak siya.

"What the hell are you wearing?" He asked me, irritatedly. Salubong na salubong ang kilay niya at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

"Pake mo?" masungit kong sabi at itinali si Grego. Hindi ko pinansin si Kurt hanggang sa matapos ako. Tinalikuran ko siya pagkatapos.

"Sapphire." tawag niya sakin.

Umakto akong walang narinig at pinagpatuloy ang paglalakad. Sabit pala huh. Ramdam ko ang pagsunod nito sakin hanggang sa makarating na siya sa harapan ko at humarang sa daraanan ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?" malumanay na iyon pero nainis parin ako.

"What's wrong with my clothes? Ganito din naman ang suot ni Chloe kanina ha bakit hindi mo sinita? Tsk." tinangka kong lumusot pero humarang siya muli at hinila ako sa palapulsuhan. Nagpupumiglas ako sa inis.

"I just think it's not suitable for the place, Sapphire." He murmured, trying to tame me. 

"Nasa taniman ka tapos magsusuot ka ng ganyan, Sapiro." parang siya pa ang nagtatampo. "It looks good on you but you shouldn't dress like that when I'm around. Respeto naman, o. " 

Umisnab ako at hindi siya sumagot. Pero ang ngiti ko hindi ko na maitago. Until he caresses my shoulder. That touch quickly melts my anger! I even tried to close my eyes to renew my anger, but fuck I didn't succeed!

"Why are you angry? What's making you angry, hmm? " He asked me huskily as he held my chin to look at him.

Ngumuso ako at gusto ko talagang ipakitang naiinis ako sa kanya pero ng makita ko ang nanunuyo nitong mata ay natalo na agad ako. Letsheng buhay!

"Bakit ka nagsusungit, Sapiro?"

"Akala ko ba wala kang girlfriend?" labas sa ilong na tanong ko.

Inosente siyang tumango. "Wala nga."

"E sino si Chloe?" namumula kong tanong. Ramdam ko ang hiya mas lalo ng nakita ko ang ngisi niya.

"So you're jealous." As he caressed my jaw, he said arrogantly. I leered with my eyes and he just laughed at that. "Kaya pala nagmukmok kana kanina at hindi na bumaba."

"Hihintayin pa sana kitang bumaba pero kailangan na ako rito sa taniman niyo." paliwanag niya pa. "At mukhang hindi ka yata naniwala noong sinabi kong wala akong sabit, a."

Malumanay ang boses niya ng sinabi niya iyon at ang ligaya sa mga mata niya ay hindi maitago.

"Friend lang talaga?" kumibot ang labi ko. "Baka naman sinasabi mo lang iyan dahil wala siya dito."

"Damn." He chuckled sexily, and I was surprised when he hugged me. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko at doon tumawa.

Damn you, Rivera! Talagang tinatawa mo pa!

"You become hotter when you're jealous, Brat." He whispered, which caused me to smile. "Handa na akong lumabag ng batas para sayo, Sapiro."

@itimnabituin

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...