Perfect Distraction

By rusz-avhin

6.1K 81 124

This is a story of Mia Concepcion and Kid Fuentebella. Two different people. Two different state of heart. Tw... More

Intro ni Author :)
1. Nakamove On
2. Temptation
3. One Night Stand
4. Own You
5. Dumb Ways To Die
6. I Want More
7. Okay Again
8. Pa-sweet
9. SHOWER...
10. Pride
11. Worried
12. Ang Simula
13. Surprise!!!
14. Problema
15. Hinala
16. Palalim ng Palalim
17. Away
18. That guy!
19. Nagseselos sino kay kanino? 🤣
20. Imbitasyon
21. Apat na Lamesa
22. Mission
24. Paalam
25. Natuto
26. Walang Natapos
27. Imbitasyon
28. Pag Uwi
29. Malapit Lang
30. Dalaw
31. Posas 😂😂😂
32. Wakas

23. Anong meron kay Laine?

119 3 3
By rusz-avhin

Author's Note:

Ano, Mia? Kaya pa?! hahaha

Ikaw, Kid? Gusto mo pa ba ng more bashers? 🤣🤣🤣🤣

Ang sadistang writer, bow! 😂😅

----------------

Mia:

Nakakamangha na nandito na agad ang tinawagan ni Bernard.

Nagkamayan sila at ipinakilala ako ni Bernard bago niya ako inalalayang sumakay sa chopper. "Ditching the event huh?" biro niya kay Bernard na sinakyan na lang ng huli.

"Sort of, Charles."

"Wait..she looks familiar. Nagkita na ba tayo?" the stranger asked.

Umiling ako. Malamang pamilyar, baka nabasa niya rin ang profile ko sa agency office ng Fuentebella. Tang'nang misyon 'yan!

Hindi na ako nagtanong kung saan pupunta.

"We'll land to the nearest airport. Kakain muna tayo pagkalapag doon." Bernard said. Halatang kinakalma ang sarili at nagpipigil magsalita ng kung ano pa dahil sa piloto na siguro ay isa ring Fuentebella. Napagtanto ko iyon dahil bukod sa nakabalandrang Fuentebella logo sa chopper ay kahawig nila Kid ang lalaking tinawag na Charles.

Kinalma ko na lang rin ang sarili ko at baka magreport pa ang hinayupak na 'to kay Kid kung gaano ako kawasak kapag naalala niya kung saan niya ako nakita.

Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe. Nagpasalamat ulit si Bernard kay Charles at tuluyan nang nagpaalam.

Bernard let me choose a fastfood chain. Alam niyang gutom ako sa event. I chose Chowking. Wala kaming memories nj Kod sa Chowking. Sa Mcdo at Jollibee meron dahil iyon ang madalas na may drive thru kapag magkasama kami.

Kakain ako ng halo-halo. Baka sakaling manlamig na lahat ng pakiramdam ko at mamanhid.

Si Bernard na ang pumila matapos tanungin ang order ko at hanapan ako ng pwesto.

I smiled wryly while watching him. Sanay 'to sa resto. Pero dahil sa akin nagtityaga siya sa ganitobg klase ng kainan.

Ang haba ng pila, pero balewala iyon sa kanya. Panaka-naka siyang tumitingin sa table namin, tila ba sinisiguro na nandoon ako at maayos ang lagay.

Kung kay Bernard ako nagkagusto, siguro hindi ganito kakomplikado. Kaya lang, matay ko mang lunurin ang mata at isip ko kay Bernard, hanggang pagkakaibigan lang talaga eh.

"How did you end up coming to Laine's party again? She invited you?"
Ilang sandali ay basag ni Bernard sa katahimikan.

Tumango ako.

"But you're wearing a waitress uniform. Why is that?"

"Naabutan ako ni Laine sa condo ni Kid. Ilang beses niya na akong naaabutan doon at naghihinala na siya na may ugnayan kami ni Kid. Itinatanggi ko. Sabi niya patunayan ko raw. Pumunta raw ako sa birthday party niya at magpart time waitress."
paliwanag ko.

"Tss. Pumayag ka naman." Dismayado niyang sagot.

"I got curious. Nandun daw si Kid at ang pamilya niya. Gusto ko lang malaman kung anong meron..kasi kung umasta si Laine..parang sila pa rin ni Kid. Kahit bilang kaibigan ni hindi ako maipakilala ni Kid sa pamilya niya..not that I am aiming for it. Pero..kasi di ba..parang may mali."

Bernard sighed. "Kid should be the one explaining this..but I guess..I have no choice now. Matagal nang walang relasyon si Kid at Laine."

He paused and stared at me. "Bata pa lang kami nila Laine at Kid, magkakaibigan na kami. We were seven years old when Laine's parents died at car accident."

Napamulagat ako. "You mean..hindi mo talaga kapatid si Laine?!"

Tumango siya at tila hirap nang ilahad ang mga susunod niyang sasabihin.

"I am an only child. Hindi na magkakaanak ang Mama ko due to some medical conditions. While Kid has brothers and a little sister. My parents decided to adopt Laine legally."

He swallowed hard. Parang hirap na talaga siyang magkwento. "It was fine with me at first dahil nga kababata naman namin si Laine. But then while growing up..we're having this different connection. We started liking each other..romantically."

Natulala ako sa sinabi niya. I don't know how to react. I wished he was just kidding but no. He wasn't that type.

He shrugged his shoulders. "We knew it's wrong. Hindi kami blood related biologically but legally we are. The documents about her adoptation makes our feelings for each other-forbidden. Kaya ginawa namin lahat para maiwasan ang nararamdaman namin. Ako, kabi-kabilaang nambababae. Siya naman sinagot na si Kid na matagal nang nanliligaw sa kanya. Halos hindi ako umuuwi sa bahay namin just to kill my fucking feelings. Akala namin sapat na lahat ng prevention na ginawa namin to kill the connection that we have."

He drank some of his tea.
"Pero magaling manukso ang buhay, Mia. Kid had to study masterals abroad and co manage their businesses there. While my dad and mom needed me because dad was sick. Ayoko man manatili sa bahay, wala na akong magawa. Ganoon din si Laine. Then one day, we crossed the line, Mia. We broke all the fucking rules. We made love, countless times.
Ang problema, hindi namin mailantad. So we kept it a secret, until one day, Kid made a surprise visit. He saw us..making out.. Of course he was fuming mad. He was betrayed. He was fooled by his most trusted persons. Akala ko dahil doon, magkakalakas ng loob na si Laine na samahan akong ilantad ang lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa kukote niya."

"Biglang narealize niya raw na si Kid ang dapat niyang piliin at hindi ako. Kay Kid raw siya lubusang sasaya. Maybe she cannot stand complications and judgement. She said sorry to Kid and Kid used to love her so much that he forgave her. He accepted her still, and made everything a secret. Kaming tatlo lang ang nakakaalam nang totoong nangyari. Months later we found out Laine was pregnant. Ako ang ama. But Laine got depressed. Ang gusto niya si Kid ang maging ama ng bata. At sa hindi ko maintindihang dahilan, ayos lang iyon kay Kid. Kid even proposed to her. Takot siguro na baka umeksena na naman ako. I was fucking devastated that time. Hindi ko maintindihan si Laine. Ako ang ama ng ipinagbubuntis niya at handa ako sa responsibilidad pero sa ibang tao niya gustong ipasalo."

"I hated her. Bumalik ako sa pambababae. Tumira na siya kila Kid habang naghahanda sa kasal.
Damn them. Nagpakalunod ako sa galit. Minsan nag uwi ako ng babae sa bahay. My parents went to a travel that time. Laine caught me fucking a woman near our pool. Hindi ko alam na uuwi sya sa bahay. Nagulat na lang ako na may mga yabag akong narinig at siya na pala iyon. She hated what she saw. Sa sobrang galit niya umiyak siya ng umiyak at nadulas siya malapit sa pool. Dinugo siya and..she lost the baby. Kid found out what happened and he hated what happened. Hindi niya matanggap na nawala ang bata dahil sa akin. Hindi niya na napatawad si Laine pagkatapos ng lahat. Pero nanatili si Laine sa bahay nila. At nananatili pa ring sikreto hanggang ngayon ang lahat, Mia."

His eyes are bloodshot now at halos hindi na makatingin sa akin. Naiimagine ko ang nangyari. Kid must be so hurt. I can't help but be amazed. Nagawa niyang ilihim sa pamilya niya ang lahat para protektahan si Laine.
Tama si Bernard. Kid loved her that much.

"You can hate me all you want now, Mia."

Umiling ako. I tapped his shoulders."That's love, Bernard. Hindi natin gusto, pero nahuhulog tayo. May mga bagay talagang hindi natin makokontrol sa mundo."

He nodded. "His family loves Laine so much like their own. Patuloy nilang
hinihiling kay Kid na ituloy na ang kasal. Laine is using that privelege.
Laine has a bipolar condition, Mia.
She's using that against Kid. Tinatakot niya na magpapakamatay siya kapag
may umagaw kay Kid. And Kid has a soft heart, Mia. Hindi halata sa kanya pero napakahina niya pagdating sa pagiging maawain. Kaya hanggang ngayon nakatali pa rin siya kay Laine at sa paniniwala ng pamilya niya. Tsss. Hindi dapat ako ang nag eexplain ng lahat sa'yo but you deserve to know everything."

Tumango ako. "Salamat, Bernard."

"Mia, Kid loves you. Sigurado ako doon. Noong nalaman kong may ugnayan kayo, inakala ko na baka gusto niya lang gumanti sa akin dahil sa mga nangyari noon. Nauna mo akong nakilala kaya hindi ko maiwasang isipin na noong nalaman niyang interesado ako sa'yo ay inagaw niya ang atensyon mo. So I watched from afar. I saw how worried he was everytime you work at MG. I saw how jealous he was everytime you talk to some other guy. "

Mapait akong ngumiti. Naalala lahat ng pag-aalala at pagseselos ni Kid.
"Bernard, that was just his mission. To make me believe that he's into me. Kinausap ako ng mama niya kanina.
Misyon lang ako para kay Kid para maikasal si Shanella st Eric."

"Holy cow! How..fuck. Akala ko nagkataon lang na marupok at babaero si Eric..that it was just a coincidence. She was her boss, right?"

Tumango ako.

"Imposible. Hindi naman bababa ng ganoon si Shanella. She might loved Eric so much..pero hindi aabot sa ganoon. I quite knew her. Hindi siya ganoon." uniiling pa siya at hindi talaga makapaniwala.

Nagkibit-balikat ako. "Welcome to the club, Bernard. You were also fooled like me." Pagak pa akong tumawa.

Continue Reading

You'll Also Like

520K 7K 5
"Masakit na ang mga paa ko. Hay..." May narinig si Jhunnica na munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga...
687K 3.5K 5
Dela Marcel Series: Kristian Fourth Dela Marcel Story by Diyosangwriter Cover by CookieMallows
193K 5.9K 20
Walang kahirap-hirap na nilundag ni Polly si Ian Jack at mahigpit itong niyakap mula sa likuran nito. "Bakit naman hindi mo sinabing pupuntahan mo pa...
3.7K 561 33
Walang gamot or treatment sa pagiging " PAASA " kasi hindi naman yan Mental disorder! alam nyo kung ano? - Attitude Disorder - PS : joke only! eh a...