HETHERIA ACADEMY : School Of...

By minsijj

67.5K 2.1K 80

(COMPLETED)✔ Have you ever wondered if someone is keeping a secret from you? Have you ever had a complicated... More

HETHERIA ACADEMY : SCHOOL OF ROYALTIES
Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 : Masquerade Party
Chapter 7 : Masquerade Party
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 : Halloween Party
Chapter 21 : Halloween Party
Chapter 22 : Halloween Party
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36 : 22nd ROYAL CHAMP : Opening
Chapter 37 : 22nd ROYAL CHAMP
Chapter 38 : 22nd ROYAL CHAMP
Chapter 39 : 22nd ROYAL CHAMP
Chapter 40 : 22nd ROYAL CHAMP
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue:

Chapter 35

466 21 0
By minsijj

Naglalakad ako sa hall habang hinahanap ang Training Room. 'Team Ardians' yung  naiwang papel na para kay Rude sana. Kaya ako na ang kabilang ngayon sa Team Ardians. Sinabi naman sa akin ni Tashia kung ano yung isa pang Team. 'Team Perians', iyon ang isa pang Team ng Hetheria. Ewan ko lang kung sino-sino ang kabilang doon.

Hanggang sa huminto ako sa tapat ng isang silid. May nakaukit sa itaas nito na 'Ardians'. Batid ko'y ito yung training room namin. Agad ko naman binuksan ang pinto at bumungad sa akin sina Galion, Mitch, Jude at Sheena. Sila ata yung magiging ka-team ko.

"I'm glad na kasali ka!" masayang bungad ni Mitch. Ningitian ko siya at lumapit naman si Galion sa akin.

"Mabuti't pinayagan ka." aniya pa.

"Yeah," sagot ko.

"Here," singit ni Jude at inihagis sa akin ang isang dagger. Agad ko naman iyon nasalo. Tinignan ko pa iyon at sinusuri. Gagamitin ba namin 'to?

Malaki ang training room. Maraming gears at weapon. Marami namang bagay na pwede mong gamitin para makapagpraktis ng iba't ibang bagay. Sa paligid naman nito ay may nakaukit na 'Ardians'.

"We only have 3 days to practice. Don't waste our time." sabat naman ni Sheena na may hawak na maraming daggers. Halos walong daggers ata iyon, apat sa bawat kamay.

"Magsimula na ulit tayo," tugon ni Galion. Agad din naman sila nagsimula at naiwan akong nakatayo doon. They practiced individually. Nasa iba't ibang sulok sila ng silid. Iba-iba rin ang pinagsasanay nila.

Dahan-dahan akong humakbang at nag stretching. Tsaka ako umikot at inihagis ang dagger sa isang stuff toy na nakadikit sa pader. Huminga ako ng malalim nang hindi ko ito natamaan. Isang pulgada lang ang layo ng dagger ko doon.

"Okay lang 'yan. Just keep on trying." sabat pa ni Jude pero hindi ko siya nilingon at kinuha ulit yung dagger ko.

Pumikit ako at pinuwesto ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at nakapikit na inihagis ang dagger. Dumilat ako at nakita kong nakatusok na sa noo ng manika ang dagger ko. Ibinaling ko sa kanila ang tingin ngunit abala silang lahat. Kumuha ako ng maraming dagger at isa-isang inihagis ko iyon sa lahat ng manikang nakapaligid sa akin.

"The fvck?" singhal ni Sheena nang muntik ko na siyang mahagisan. Malapit lang siya sa isang manika na hinagisan ko ng dagger. Pero hindi ko naman siya nadaplisan.

"Sorry," usal ko at lumapit doon sa manika at hinugot ang dagger. Nakita ko pang napailing si Jude sa ginawa ko. Si Mitch naman ay abala sa pagpapatid-patid sa ere.

Nang mag lunch break na ay naisipan naming kumain sa garden, as usual. Kumuha lang kami ng pagkain sa cafeteria at idinala sa garden. Nandoon narin sina Tiara tsaka pawis na pawis yung iba.

"Talaga? Bakit raw?" tanong ni Tiara. Kinuwento ko sa kanya yung usapan namin ni mommy kanina.

"Ewan ko nga. Mabuti nalang at nakumbinsi ni Tashia si mommy." sagot ko at sinubo ang fried chicken.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napatulala. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon.

"Wow! Fried chicken!"

"Paborito mo!"

"Salamat papa!"

I kept on hearing those voices. Hindi ko alam kung kaninong boses iyon. Palagi nalang iyon nag fla-flash sa utak ko. Ngunit boses lamang ang naririnig ko. Paulit-ulit iyon, daig pa ang sirang plaka. Hindi ko na maririnig ang nasa paligid ko, tanging boses lang ng babae at lalake.

"Pat!" nagising ang diwa ko nang tinawag ako ni Tiara. Kinaway-kaway niya pa sa pagmumukha ko ang kamay niya.

"H-Ha?" nauutal na tanong ko.

"Nakikinig ka ba??" tanong nito.

"Sorry, may naisip lang." paumanhin ko at akma na sanang subuin yung manok ko ngunit pinigilan ako ni Tiara.

"Wag mong kainin!" sigaw niya at kinuha ang manok ko tsaka iyon itinapon sa basurahan.

"Bakit mo ginawa 'yon?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Eh kanina pa 'yon nilalangaw! Tas kakainin mo pa?" asik nito kaya napanguso nalang ako. "Oh, ubusin mo na 'yan." pagtutukoy niya sa pagkain ko.

"Busog na ako." sabi ko tsaka tumayo. Nakailang hakbang na ako nang biglang lumakas ang hangin. Bigla iyon' bumuo ng isang buhawi. Nahahawi ng malakas na hangin ang mga buhok ko. Wala akong ibang marinig kung hindi ang mga bulong ng hangin.

"Pat!" agad nangibabaw ang boses ni Tiara. Nakita ko siya sa doon sa kung saan kami kumain. Palipat-lipat ang tingin niya sa buhawi tsaka sa'ken. Dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay niya at hinawi iyon tsaka tumakbo papalayo sa'min.

Nagulat nalang ako nang sumunod sa kanya ang buhawi. Sinundan namin siya ng tingin habang hinahabol ng malaking buhawi. Hanggang sa hindi ko na makita si Tiara ngunit nandoon parin ang buhawi. Susundan ko sana siya kaso may pumigil sa akin.

"Hindi mo siguro alam kung anong kakayahan ang meron si Ara." sambit ni Galion habang nakahawak sa isang braso ko. Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"May kakayahan si Ara. Sa apat na elemento, 'Hangin' ang sa kanya." sagot niya. Lalo pang sumalubong ang kilay ko.

"H-Hindi parin kita maintindihan," asik ko at tumingin doon sa direksyon kung saan tumakbo si Tiara. Nandoon parin yung buhawi.

"Tubig naman 'yong sayo." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-Huh? Hindi kita maintindihan, Galion." sabat ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Look, hindi mo kailangan intindihin lahat ngayon. Take your time—"

"Tama na ang drama." putol ni Blade sa linya ni Galion. Inirapan naman siya ni Galion tsaka bumaling sa akin si Blade.

"Anong elemento ang sinabi niya? Bakit nagkaroon ng gano'n si Tiara?" tanong ko kaagad kay Blade.

"We don't know. Parang nasa loob na natin ang kakayahan iyon. Ikaw yung unang nakadiskobre ng kakayahan mo." sagot niya. Napatingin naman ako sa kamay ko.

'May kakayahan ako?'

"Sino-sino pa??" agad na tanong ko.

"Ana, Ara and me." sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Paano nangyaring tubig 'yong sa akin? Paano?" asik ko at hinihintay yung sagot niya.

"Eto.." panimula niya.

Kinuwento niya sa akin ang nangyari simula no'ng madiskobre kong kakayahan ko ang pakontrolin ang tubig. Kinuwento niya ang lahat ng detalye sa akin. Sinama niya pa yung sa kanya, kung paano raw pumasok yung apoy sa mga kamay niya. Palagi na raw iyon nangyayari pero hindi niya alam kung paano kontrolin.

Sinunod niya naman yung kay Ana. Yelo raw ang kakayahan ni Ana. Kagaya nga nina Tiara at Blade, hindi niya alam kung paano kontrolin. Habang nasa coma pa raw ako ay ilang beses nang nangyari iyon sa kanila pero hindi parin nila alam kung saan nanggaling iyon at bakit sila nagkaroon ng gano'ng kakayahan. Ganoon din ang nasa isip ko ngayon.

'Paano ako nagkaroon ng ganitong kakayahan? Bakit ako nagkaroon ng ganito? Saan iyon nanggaling?'

Nang matapos iyon ay agad kaming naghiwalay para bumalik na sa sari-sarili naming training room. Nauna na sa akin yung teammates ko sa training room kaya mag-isa nalang akong naglakad papunta sa room namin.

Nang mabuksan ko ang pinto, nagulat nalang ako nang may dagger na papunta sa kinaroroonan ko. Agad akong umilag at sinalo yung dagger. Nahawakan ko iyon sa mismong hawakan ng dagger kaya hindi ako nasugatan.

"See?" rinig kong sabat ni Sheena at napa-smirk.

"You almost killed her!" bulalas ni Mitch sa kanya.

"Hindi mo siguro alam na mabilis kumilos ang babaeng iyan. Parating ka pa lang, iilag na 'yan." sumalubong ang kilay ko sa sagot ni  Sheena. Agad naman ako lumapit sa kanila habang hawak-hawak parin yung dagger.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kaagad.

"Napakabilis mong kumilos. Napansin namin iyon noong nagtuturo kami sa campus niyo," singit pa ni Galion.

"Si 'Flash' ka ba?" inosenteng tanong ni Mitch. Nakita ko pa sa likuran niya si Jude na abala sa pagsuntok.

Napayuko ako at napatingin sa dagger. Mabilis akong kumilos?

"Practice na ulit tayo," sabi pa ni Galion. Kaya nagsi-alisan na silang tatlo sa harapan ko.

Bigla nalang akong nakarinig ng isang tunog ng makina. Napalingon ako doon at bigla nalang nagsilabasan isa-isa ang maliliit na bilog. Malaki ang makina, halos kalahati ata sa silid na ito. Agad akong kumilos dahil kung hindi ako kikilos, talagang matatamaan ako no'n. Napansin kong hindi nito natatamaan ang bawat sulok ng silid kaya naisipan kong doon pumunta. Maliliit ang mga bilog kaya mahihirapan kang alamin kung saan iyon papunta.

Kapag nararamdaman kong papunta iyon sa akin ay agad akong umiilag. Yuko dito, yuko doon. Gugulong dito, gugulong doon. Napansin ko ring ganoon ang ginagawa ng apat kong kasama. Parang papunta ata kami sa iisang direksyon.

Napakurap ako nang matamaan ako nito sa braso. Masakit kapag natatamaan ka no'n ngunit hindi naman iyon ganoon ka delikado. Nagma-marka lang ito ng mapupulang bilog sa balat. Paulit-ulit lang akong umiilag sabay takbo papunta sa sulok ng silid.

Hanggang sa marating ko ang sulok at naabutan si Galion doon. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nagsilabasan parin ang maliliit na bilog. Mabilis ang kilos ni Jude pero hindi iyon kasing bilis ni Sheena. Sa totoo, manghang-mangha ako sa kilos ngayon ni Sheena.

Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa at doon ko nalang nakita si Mitch. Nasapo ko nalang ang noo ko sa nakita ko. Nakatalikod siya sa machine habang nakahawak magkabilang tenga niya.

"Mama!" naiiyak na sigaw niya habang nakatungo.

"Oh, that hurts," singit ni Galion na nasa gilid ko. Bigla naman akong naawa kay Mitch.

"Tulungan mo!" sigaw ko sa kanya. Napalingon naman ako sa harapan nang dumating na si Sheena.

"That was hard. Look, I've got so many dots!" singhal niya at napalingon sa likuran niya. Nandoon na si Jude, halos mapatawa ako sa isang pulang tuldok na nasa noo niya.

"Si Mitch!" sigaw ko. Napalingon naman silang lahat sa likuran.

"Help me, please!" sigaw parin ni Mitch.

Akma na sanang susugod si Jude doon para tulungan si Mitch ngunit pinigilan siya ni Galion.

"Don't help her, part ito ng training natin." tugon niya kay Jude kaya naman wala nang nagawa si Jude.

Hanggang sa huminto na ang machine. Dahan-dahan nang binaba ni Mitch ang kamay niya na mula sa tenga niya. Batid ko'y masakit ngayon ang katawan niya.

"Well done, everybody!" napalingon kami sa pinto nang may pumasok. Si Tashia iyon habang pumalakpak.

"That was unexpected Tashia," sabat ni Galion.

"Yeah, lahat naman ay hindi expected." sagot pa ni Tashia.

"That was too soon Tashia. First day palang ng training. It's still Christmas, you know." singit ni Sheena. Tashia chuckled.

"I know right. Punta kayo mamaya sa rooftop ng hall. May handa ako." sabi ni Tashia at kinindatan kami.

"Tashia! Ang sakit ng buong katawan ko!" angal ni Mitch.

"Oh, let me see your back." ani Tashia. Tumalikod naman siya at itinaas ang suot niyang damit.

"Whew," usal ni Galion at napailing na tumalikod. Ganoon din si Jude.

Nang humarap ako kay Mitch ay doon ko nalang nakita kung gaano karami ang mapupulang marka sa likuran niya. Halos buong likuran niya ay kulay pula na.

'Woah. Malala na ata 'yan.'

.....................................................................

~minsijj

Continue Reading

You'll Also Like

64K 1.8K 65
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
452K 18.7K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
442K 10.6K 37
Sa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peter...
73.1K 2.5K 31
Nine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what ma...