She's The Billionaire's Obses...

Por RainMaxxx

125K 4K 218

Every moment of her life is like a mystery,like a puzzle piece, magugulo ang dati nang magulong buhay ni heav... Más

Prologue
Fall Chapter 1
Fall Chapter 2
Fall Chapter 3
Fall Chapter 4
Fall Chapter 5
Fall Chapter 6
Fall Chapter 7
Fall Chapter 8
Fall Chapter 9
Fall Chapter 10
AUTHOR'S NOTE
Fall Chapter 11
Fall Chapter 12
Fall chapter 13
Fall Chapter 14
Fall Chapter 15
Fall Chapter 16
Fall Chapter 17
Fall Chapter 18
Fall Chapter 19
Fall Chapter 21
Fall Chapter 22
Fall Chapter 23
Fall Chapter 24
Fall Chapter 25
Fall Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
Author's Note

Fall Chapter 20

2.4K 75 1
Por RainMaxxx

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko habang may labing lumalapat sa leeg ko, paulit-ulit iyon at minsan ay hindi pa nakukontento dahil kinakagat at binabasa niya pa ito ng dila sabay sipsip. Nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko ngunit agad din nawala nang bumaling ang ulo ko at sumalubong ang nakakasilaw at masakit sa mata na sikat ng araw.

Sinalo ng braso ko ang sikat ng araw dahilan para maimulat ko ang aking mga mata. Naniningkit ang mga mata na lumingon ako sa katabi ko ngunit hindi ko inaasahan ang labing sumalubong sa akin. Lumapat iyon sa labi ko dahilan para manlaki ang mga mata ko at maestatwa. Ibang klase ang guts ng lalaking 'to.

Parang sandaling tumigil ang oras maging ang paghinga ko. Ang lambot ng labi niya este ng labi ko. Nang matauhan ako ay hinawakan ko siya sa magkabilang balikat sabay marahang tulak sa kaniya. Agad naman itong ngumiti na parang walang ginagawang kabulastugan. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

Let's say he is my husband and I'm his wife, but first of all, I still have all the right to say no if I don't want to. If there is no consensual there, then it's a forced thing and it's still part of women's rights.

Ang lakas ng topak niya. Kahapon lang ay hindi niya kinakausap at hindi niya ako pinapansin. Kapag inutusan ko siya ay susunod naman siya pero hindi niya ako tinataponan ng tingin at hindi siya kumikibo. Para siyang batang nagtatampo. Ayos lang sana e, hindi ko ramdam 'yung awkwardness nung nandito pa si Flor pero ang bruha pagkatapos ayusin ang mga gamit namin umalis din agad.

"Bibigyan ko po kayo ng space," kinikilig na sabi ni Flor bago umalis.

Tanging masamang tingin lang ang ibinigay ko kay Cosmer. Ngumisi naman si Cosmer bago bumati ng goodmorning at nagpaalam na maliligo muna. Inirapan ko lang ito bago umiwas ng tingin. Ang lakas ng topak niya. Para siyang ni-regla kagabi, hindi mamansin tapos biglang gagawa ng kalokohan. Isa kang dalagang ginoo, Cosmer.

Mabuti na lang at uuwi na kami ngayon. Malawak ang bahay namin for sure makakatakas ako sa kaniya pag-nakauwi na kami. Wow, Heaven. Ang lakas maka-bahay namin, feeling co-owner ng mansyon. Napapitlag ako nang mangibabaw ang notification ring ng phone ni Cosmer sa buong k'warto.

Napahawak ako sa dibdib ko sabay lingon sa side table kung nasaan ang phone ni Cosmer. Tinignan ko muna ang c.r dahil baka biglang lumabas si Cosmer. Nang masigurong wala pa si Cosmer ay mabilis kong dinampot ang cellphone niya.

Isang message galing sa unregistered number ang bumangad sa akin. Binasa ko iyon sa isip lang. Hey, Babe. I hope you're doing fine. Don't worry, I'll be back soon. Halos magsalubong ang dalawang kilay ko sa nabasa. Babe? Ang corny, ang common. Sino kaya ang babaing 'to? Baka wrong number lang pero feel ko hindi. May mistress ba si Cosmer? O baka ako ang mistress?

Hindi ko mapigilang mapatutulala habang ang mga mata ay nasa cellphone ni Cosmer. I'm not hurt but my ego is knocking. How could Cosmer did this to me? And to my family?

Ilang minuto akong nakatulala hanggang sa marining ko ang pagbukas ng pinto sa restroom. Natauhan ako at natatarantang nilapag ang cellphone ni Cosmer sa dating kinalalagyan nito.

Nagpanggap ako na parang walang nangyari. Hinarap ko si Cosmer na may pilit na ngiti. Ngumiti naman ito habang papalapit. Kung siguro hindi ko nakita ang message sa cellphone niya. Baka nangingisay na ako sa pagkatakam. Iba rin siguro ang takbo ng isip ko ngayon lalo na at tanging pang-ibabang katawan lang ni Cosmer ang natatakpan ng tuwalya. Ang hot niya rin tignan habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang maliit na tuwalya.

"May problema ba?" pagpuna ni Cosmer sa kakaibang aura ko.

Marahan akong umiling habang may kalmadong postura. Kinuha ko ang mga damit ko maging dextrose bago nagpaalam na maliligo na. Tahimik naman siyang nagmasid sa akin hanggang sa makapasok ako sa restroom.

Habang nasa loob ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. It's been half of a year since live with him and it's been a week since a got interacted with him. It's too early to feel comfortable with him lalo na sa nakita kong message. Pero malay ko ba kung wrong send lang 'yon. Mali na pinagiisipan ko agad siya ng masama. I need to ask him, that's the only way to find the truth.

Tsk, paano ba naman kasi, technic 'yon ng mga lalaki. Kunwari walang naka-save sa phone book nila na mga babae. Iyon pala kabisado na nila ang number ng babae at kapag nagte-text sila ide-delete agad para hindi mabasa ng partner nila. Sus, alam ko na 'yang mga galawan na 'yan.

LUMABAS ako ng c.r na hindi makatingin kay Cosmer. Tahimik lang akong nakayuko habang pinapatuyo ko ang buhok gamit ang puting tuwalya. Dumiretso ako sa kama at ramdam na ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Cosmer sa akin.

Umupo ako malapit sa gilid ng kama paharap sa side kung nasaan si Cosmer. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko siya na nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang phone niya. Kinakabahan ako sa katahimikan naming dalawa. Naiinis ako sa kaniya pero natatakot ako komprontahen siya.

Bakit ganoon nuh, kung sino pa ang niloko siya pa yung mas aapektohan, siya pa yung natatakot pag-usap ang dapat pag-usapan. Kaniya-kaniya naman siguro 'yun, depende kung gaano ka katapang para malaman ang sagot. Duwag kasi ako.

Naka-all black si Cosmer. Black polo and black pants. Black din kaya brief niya? Punyawa, Heaven. Pati ba naman brief, curios ka malaman kung ano ang kulay. Ang hot niya tignan, lakas maka-oppa. Hindi ko siya dapat pinupuri. Hayts, a cheater is always a cheater. Hindi kaya nag-cheat din siya before kaya nagkahiwalay kami. Ang sabi niya iniwan ko siya nang hindi hinihinga ang paliwanag niya. Maybe because I already seen the prove enough para iwan siya nang hindi na hinihingi ang paliwanag niya. Cheater nga naman, hindi na magbabago, kahit kailan.

Wala sa sariling humigpit ang pagkakahawak ko sa tuwalya at mas naging aggresibo ang paraan nang pagpapatuyo ko ng buhok ko.

"Wrong send," pagkuwan ay rinig kong sabi ni Cosmer. Kalmado lang ang boses nito at mababang boses lang ang gamit.

Nabitin sa ere ang ginagawa ko sa buhok ko. Napalunok ako habang ang kaninang double na bilis ng tibok ko ay naging triple na. Anong pinagsasabi ng mukong na 'to.

Nanginginig ang mga kamay na ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at pilit na binalewala ang sinabi ni Cosmer. Let's pretent na wala tayong narinig. Hindi ko rin naman alam ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Talaga lang, Heaven, ha. Nakarinig ako ng foot steps dahilan kaya natigilan muli ako.

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Cosmer sabay tingin sa kaniya ng masama nang hablutin niya ang tuwalya na hawak ko. Para akong aatakehin sa puso dahil sa ginagawa niya. Ano ba ang problema niya?

"Wrong send ang text na 'yon. I'm sure of it and I assure you. Ikaw lang at walang iba, Heaven," paliwanag ni Cosmer habang unti-unting lumalapit at ipinagpatuloy niya ang pagpapatuyo ng buhok ko.

Napalunok ako dahil sa ginagawa niya. Maingat ang ginagawa niya na pagpapatuyo sa buhok ko, para bang takot siyang masaktan niya ako.

"Huh?" Maang-maangan ko habang kalmadong nakatingin sa muka niya. Sa tangkad niya at dahil na rin nakaupo ako at nakatayo siya ay nakatingala na ako sa kaniya.

Huminto siya sa ginagawa at pinakatitigan ako bago unti-unting nag-bend para magkapantay ang muka namin. Nasa magkabilang side ko ang mga braso niya nakaharang so no use to escape from him.

"Alam kong nabasa mo ang message sa phone ko kaya tahimik ka. Tell me..." He bite his lower lips surpressing the smile not to show. "Are you je-" Yumuko siya dahilan para maamoy ko ang buhok niya sa sobrang lapit. Ang bango, infairness. Muli siyang nag-angat ng tingin. "Are you mad?"

"No, no use," agad na sagot ko.

Parang gusto ko na lang magpalamon sa putik dahil sa mabilis na sagot ko. Nagmumuka akong defensive. Ano ba naman 'to. Nakakainis na. Hindi talaga ako magaling sa confrontation.

"We can call that number to confirm. I swear no other girls than you."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako, pero infairness hah, magaling makiramdam ang pogita. Pogi points 'yon. Tinaasan ko siya ng isang kilay dahilan para mas lalong lumawak ang ngisi ni Cosmer. I rolled my eye balls sabay iwas ng tingin. I released a heavy sighed before I irritatedly push Cosmer away. Masiyado naman yata siyang feeling close.

"Whatever, Cosmer. P'wede ba umuwi na tayo? Call the nurse para matanggal na ang suwero na 'to."

PUMASOK ang nurse kasama si Cosmer. Ngising-ngisi si Cosmer kaya mas nainis ako. Napansin ko rin na parang kinikilig ang nurse na kasama ni Cosmer. Don't tell me naglandian sila? Hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Playboy, jerk and what so on. Hindi ko mapigilang mainis at tignan sila ng masama.

Sinimulang tanggalin ng nurse ang suwero sa kamay ko habang nakatingin lang si Cosmer sa ginagawa ng nurse. Malanding nilalang!

Nang matapos ang nurse ay inis na hinablot ko ang kamay ko sa kaniya. Nagulat ang nurse dahil doon. Binalewala ko na lamang iyon at tumayo na habang hinahaplos ang kamay ko. Tinignan ko mula ng masama si Cosmer bago walang paalam na lumabas. Mauuna na ako sa kaniyang umuwi. Baka hindi pa sila tapos maglandian. Nakakahiya naman, magmuka pa akong kontrabida sa love story nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng hospital. Nagkandaligaw-ligaw pa ako bago nakalabas ang kaso mukang parking lot ang nilabasan ko. Ang buhay nga naman. Ang malas ko talaga.

Umikot ako para makapunta sa front side ng hospital dahil naroon ang highway. Maligaw na sa daan wag lang sa maling tao Mabilis akong mag-sawa, iyon din ang dahilan kung bakit hanggang imagination na lang ang relationship ko, gaya ngayon nagsawa agad ako sa muka ni Cosmer. Mas maganda talaga kapag LDR para hindi mo lagi araw-araw nakikita pagmumuka ng partner mo.

Halos nasa tapat na ako ng front view ng hospital. Hinahaplos ko ang kamay ko habang nag-lalakad kaya nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako nang makita ko si Jana. Napahinto ako sa paglalakad habang siya ay nakatayo hindi kalayuan sa kinalalagyan ko. Dadalaw siya kung kailan pauwi na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.

Tinignan ko ang nasa likuran niya, inaasan na may mga kasama siyang ibang kaibigan namin pero wala, mag-isa lang siya. Napabuntong-hininga ako bago marahang naglakad palapit sa kaniya. Disappointed ako na siya lang ang pumunta, pero okay na rin iyon kaysa wala.

Ngumiti si Jana pagkalapit ko. "Kamusta na? Sorry-"

"No need for that.... Thanks for what you did. It's actually a good move, Jana. Look who's with me in the hospital, it's Cosmer, the multi-billionaire businessman that actually my husband. Instant billionaire na ako." I cut her off with my sarcastic smile but damn, I meant what I've said.

"Heaven, alam kong rational ka mag-isip. And now that Cosmer is with you. For sure, maraming tanong ang nasa isip mo. All I want is to know the truth and for sure, that's what you want too. So please help me," she said with sincerity.

Ngumiti ako kahit ngiting pagod ang kinalabasan. Gusto ko ang gusto niyang mangyari pero maayos na ang lahat ngayon, oo, may mga tanong pa rin sa isip ko. Pero sinabi na ni Cosmer na darating din kami sa punto na ako na mismo ang makakasagot ng mga tanong ko.

Marahan akong umiling bilang pagtangi sa gusto ni Jana. Kung siguro hindi sinabi ni Cosmer na ayosin namin ang marriage namin hindi ganito ang magiging sagot ko sa offer ni Jana. Sa ngayon gusto ko munang magtiwala sa magulang ko at kay Cosmer.

"Heaven, ang sabi ni Ate mag-sorry raw ako sayo at kay Cosmer para sa kaniya. Ang sabi rin niya mag-iingat ka raw kay Joshua."

Sumalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Kay Josh? Bakit napasok sa usapan si Josh? Anong kinalaman niya sa amin? Sa akin?

Josh, won't do any harm with me. Pinaningkitan ko ng mata si Jana. Engaging her na magsalita tungkol sa nalalaman niya about sa sinabi ng Ate niya. Nagkibit-balikat lamang si Jana habang umiiling.

"Hindi ko rin alam. Basta ang naalala ko. Nang araw na umalis si Ate, si Josh ang unang naghanap sa kaniya. Sorry to tell this, Heaven, pero kasi nung araw na malaman namin na maaaring mabura ang alaala mo. Napansin ko na parang tuwang-tuwa si Josh. I mean baka may hidden reason si Josh kung bakit siya tuwang-tuwa at bakit niya hinahanap si Ate. Hindi ba parang konektado?"

"I don't know, but all I want right now is to rest."

JANA POINT OF VIEW

Nasa trabaho ako nang mag-ingay ang cellphone ko. Sa inis ay kinuha ko iyon sa bag at sinagot ang tawag. It's already around nine p.m. without looking who's calling I answered only to hear Client shaking voice.

"J-Jana, si Heaven daw. Si Heaven, Na-aksidente."

"What?!"

Everything happened so fast that I couldn't cope up. Basta na lamang ako umalis ng opisana at pinuntahan ang hospital kung saan daw sinugod si Heaven. I don't really have any idea how this happaned to her. Nanginginig pa ako habang nag-da-drive. I know Client are not messing around and joke about life and death.

Nang makarating ako sa hospital dumiretso ako sa operating room. Halos naroon ang lahat mukang ako ang pinakahuling nakaalam sa nangyari. Cosmer, Josh, Client, Kuya Justine, Cyrene and others was also there. Even Collen, Cosmor's brother. They are patiencely waiting for the doctors to come out.

Dahil sa takong na suot ko narinig nila ang pagdating ko. Halos sabay-sabay silang napabaling sa akin. To my surprise there are hatred, disgute and irritation in their eyes when they found out that it was me who came. Nakapagtataka pero mas pinili kong manahimik muna at umupo sa isang tabi malayo sa kanila. Mas priority ko ngayon ang kalagayan ni Heaven.

Hindi ko na mabiling kung ilang minuto o oras na kaming naghihintay dito. Mabuti na lang at bumukas ang class door ng operating room. Lumabas ang isang doctor at nurse kaya lahat kami ay lumapit pero si Cosmer at Josh ang unang nakausap ng doctor dahil ito ang unang nakalapit.

"Nasaan ang family at guardian ng pasyente," turan ng Doctor.

"I'm her boyfriend, wala pa ang parents ni Heaven but you can tell me what happened to her. How's she?" Cosmer's said.

"Sa kasamaang palad, comatose ang pasyente. Naapektohan din ang mga binti niya dahil sa aksidente. Ipagdasal natin ang pag-gising niya nang sa ganoon ay masimulan ang therapy sa mga binti niya. O-obserbahan pa namin siya," the Doctor answered.

"Comatose? Kung ganoon malaki po ang naging epekto ng aksidente sa ulo niya? Magkaka-amnesia po ba siya, Doc?" it was Cyrene who asked worriedly.

"Hoy, bunganga mo. Baka magka-totoo," inis na suway ni Kuya Justine.

"E bakit ba?! Ganoon ang napapanood ko sa tv e." Naka-pout na buwelta ni Cyrene.

"Actually, maaaring ma-apektohan nga ang memorya ng pasyente. May mga kaso kaming ganoon, may iba na paningin ang nawawala dahil sa trauma, at ang iba naman hindi makagalaw. Sa ngayon, ipagdasal muna natin ang paggising ng kaibigan niyo."

Umalis ang Doctor at Nurse pagkatapos sabihin ang iba pang kailangan namin malaman. Kaniya-kaniya silang upo samantalang nagpaalam naman si Josh na aalis muna. At dahil lumayo ako sa kanila pagkatapos umalis ng Doctor, nakita ko ang sumusupil na ngiti sa labi ni Joshua nang tumalikod na ito sa mga kaibigan niya. Nang madaanan niya ako at tinaasan lang ako nito ng isang kilay.

Wala sa sariling sinundan ko si Joshua. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Lahat kami rito ay iba pa rin ang aura dahil hindi kami sigurado kung magigising si Heaven. I'm not saying na sana manlumo si Josh pero smiling after hearing that your friend is comatose is weird.

Akala ko ay sa elevator ang punta ni Josh pero dumiretso ito sa hakdan. Nagtago naman sa pader na halos nasa tabi lang ng sinasandalan niya. Nilabas nito ang cellphone at parang tinatawagan. Sinilip ko ito at nakitang nasa tapat ng tenga niya ang cellphone. Kita ang excitement sa mga nito.

"Jan! Buti sinagot mo. Kakatapos lang ng surgery ni Heaven. Good news, may chance daw na hindi na maka-alala si Heaven-" Josh paused for a while. "Makinig ka sa akin-" he paused again, but the exciment faded and replaced by irritation. "Tadhana na mismo ang gumagawa ng favor para sa atin. Bakit ka pa aatras? Come on."

UMUWI ako ng bahay pagkatapos ng narinig ko. Hanggang doon lang din naman ang naging usapan nila dahil mukang buo na ang desisyon ng kausap ni Josh. Gusto ni Josh na hindi na makaalaala si Heaven. Ano naman ang mapapala niya? Ayoko mag-isip ng masama pero kinaumagahan ay dumalaw ako sa hospital only to find out na si Josh ang nagdala kay Heaven sa hospital.

Masama mag-isip ng masama sa ibang tao pero hindi ko maiwasan na hindi isipin na baka nga si Joshua ang may pakana ng aksidente ni Heaven. Hindi ko alam, baka totoo nga. Alam naman ng lahat kung gaano kabaliw si Josh kay Heaven. O baka kaya ganito ako mag-isip ay para sa sariling kapakanan ko. Para magkaroon ako ng dahilan para alisin ko na ang feelings ko para kay Josh. Whatever it is, ang kaligtasan ni Heaven ang mas mahalaga ngayon.

Seguir leyendo

También te gustarán

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...