Splendiferous (Legazpi #1)

By ARSHERlNA

153K 6.5K 5.7K

LEGAZPI SERIES 1st Installment "Even if every single thing in life gets rearranged, even if the world forbids... More

SPLENDIFEROUS
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty
Fifty-one
Fifty-two
Fifty-three
Fifty-four
Fifty-five
Fifty-six
Fifty-seven
Fifty-eight
Fifty-nine
Sixty
Epilogue
Xarszella Addelaine Dela Gente Gorostiza
Author's Note
Extra Rice charot

Seven

2.3K 122 92
By ARSHERlNA

7.

It's been days yet what happened last Tuesday was still bothering me. Matapos kasi ang insidenteng iyon ay hindi na namin pinag-usapan ni Xerxes ang tungkol doon. Hindi ko naman magawang magtanong dahil hindi palatanong na tao ang aking kapatid.

We even acted like nothing happened after that. Balik lang sa dating gawi. Sinabi ko na rin kay Arlszent ang tungkol doon, ayon sa kanya ay kailangan kong mapalapit kay Serena para mas mapabilis ang pagkalap ko ng mga impormasyon lalo na at si Serena ang pinakabiktima sa kasong isinara.

When we become close, I'll take things slow on asking her about what happened last year. I cannot just go straight to the point and ask 'Hey who raped you?' because it might frighten her.

About approaching her, I'll just think about it once I see her again in the campus and Xerxes and his friends are not around. But for now, I need to do the things I normally do around as Arlszent.

Today's a weekend, Xerxes and Aleezah are out to attend their aunt and uncle's anniversary party while I'm driving all the way to the dental clinic in Marikina for my adjustment.

"Arlszent, bakit ka naandito? Next week pa ang adjustment mo," sambit ni Dra. Kazley pagkarating ko doon.

"Doc, hindi po ako si Zent," mahina akong natawa at tinanggal ang aking wig. Gulat ako nitong tinignan at halata sa kanya na marami siyang tanong ngunit inunahan ko na siya magsalita.

"Mahabang kwento po, doc," tipid akong ngumiti. "Tsaka medyo matatagalan pa po ata bago bumalik dito ang kapatid ko, naaksidente po kasi at nagpapagaling. Sa ngayon po ay magsimula na po tayo, may importante po kasi akong lakad mamaya," pagdadahilan ko.

"S'ya sige, higa na ikaw." Kinuha niya ang lalagyan ng rubber at ibinigay sa akin, pinapili niya ako ng kulay para daw tuloy-tuloy nalang at hindi iyong mamaya pa niya ako papipiliin.

I got the dark blue rubber and gave it to my dentist. Once finished, I went back to Arlszent's Bugatti to drive to my condo because Arlszent told me to go there.

"Hey," I greeted my brother.

Nagulat ako nang bigla ay may lumitaw na babae mula sa kitchen ko. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko. The difference is, the other girl is a bit tanned.

"Kilala mo pa 'to?" tanong sa akin ni Zent habang nakaturo sa babae.

I nodded my head. "Of course I remember her! Lagi kaming napapagkamalan sa isa't isa noong middle school."

"It's good that you still remember me, Ms. Queen Bee," the girl chuckled.

I also giggled at we she said. "Why are you here, Candice?"

"Doing your stuff," she shrugged. "I'm not informed na mataray yung isang instructor doon sa pinapasukan mo, porket ganap na piloto na."

Candice Segui, kaklase namin ni Arlszent noong sa States pa lamang kami nag-aaral. Sa totoo lang ay napapagkamalan kaming tatlo na triplets dahil hawig niya kami, lalo na ako. Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataon noon na mapapagkamalan siyang ako habang ako naman ay napapagkamalang siya.

We almost looked like the same, ang palatandaan lamang para hindi malito ang iba ay tignan ang aming mata. Mine's in hazel while hers is in blue. And when it comes to talking, mas mahahalata ang American accent sa kanya. May mga oras na tinuturuan ko siya mag-Tagalog at hindi ko naiiwasang matawa dahil bakas pa rin doon ang foreign accent.

Now that she's here in the Philippines and she said that she's doing my thing, that's where things sank into my head. It's her who attends my classes in PATTS! Siya ang nagpapanggap na ako habang nasa katayuan ako ni Arlszent.

"Ngayon, nabigyan nang kasagutan mga tanong mo," Arlszent blurted.

"Wow…" tanging bulalas ko at hinarap si Candice. "Thank you…"

"It's fine, Queen. You're welcome. Akong bahala," she winked.

"Mag-gala daw kayo kaya kita pinapunta dito," singit ni Zent.

Tumango naman ako. "Of course! Nasa isang event naman sina Aleezah kaya libre ako ngayong araw. Candice, let's go!"

"Take care, twins!" pang-aasar ni Arlszent nang lumabas kami ng unit.

We spent hours roaming around SM Parañaque and chit-chatting to catch up with each other's lives. She told me that she's not attending school for a year because her family's broke. Nalugi ang kumpanya nila hanggang sa bunagsak kaya naman ay humahanap muna siya ng racket para makapag-ipon at nagkataon naman na may ganito kaming sitwasyon ni Arlszent. It's my brother who gives her money and in exchange, she'll have to pretend like me.

"I even had to buy some contact lenses para hindi mahalata ang pagkakaiba ng mata ko sayo, plus, nagpabrace pa ako. Gosh! Ang daming gastos ni Zent sa akin para lang hindi pumalpak ang pagmumukha kong ikaw," Candice narrated.

"Hindi nga pumalpak," mahina akong natawa. "Kuhang kuha mo ang features ko. Kung hindi tayo magkakilala, iisipin ko talagang clone kita. Anyway, how's Garri, Mauve, and Ayesha?" pangangamusta ko sa mga kaibigan ko.

"Your friends are good. And that Mauve girl, araw-araw may gossip," Candice playfully rolled her eyes. "Lagi namang about guys."

"Maharot 'yon," I laughed. I remembered the times that Mauve and I were together, she always talks about boys that she finds charming, hot, etcetera.

"You know, dahil sa pagpasok ko sa eskwelahan mo, I think I know what I want to become in the near future," Candice said.

"Oh? Piloto ka rin tulad ko?" I laughed. "Kapag sakaling nagkasama tayo sa iisang flight, malilito ang ibang crew."

She also laughed at what I said. "Flight attendant ako, ayoko ng piloto, masyado akong nas-stress sa mga pinag-aaralan niyo."

I did not notice that it's almost five in the afternoon so we decided to head back to the condo. I only dropped her at the entrance and bid my goodbye for my brother and then I drove back again to Sampaloc.

On my way, I recieved a text message from Aleezah saying that they're already back at the mansion and she's asking where I am because Xerxes was looking for me. I couldn't help but smile at that thought.

But it's not literally me whom he's looking for. It's my brother.

Pero ako naman iyong nasa pwesto ni Zent ngayon. Ibig sabihin, ako pa rin ang hinahanap diba?

Hindi ko alam ang dahilan pero sa tuwing tumatagal ako sa mansyon ng mga Gorostiza ay mas napapadalas na ang pagbaling ko ng atensyon kay Xerxes. Madalas ko na ito tignan pero buti na lamang ay hindi nawawala sa isip ko na kailangan ay magpanggap akong lalaki.

Gusto ko na lamang minsan iuntog ang sarili dahil sa kaisipang nakakaramdam ako ng atraksyon sa isang taong dapat ay kamuhian ko. He killed your half brother, you should despise him. Remember that, self.

Who am I kidding? I can't stop myself from seeing him attractive and it makes me forget about his filth!

Pagkarating ko sa mansyon ay nagtaka ako dahil lahat ng mga tauhan ay nagsisi-alisan na at dala ang kani-kanilang gamit. Nakita ko naman si Xerxes na nasa may terrace.

"Bakit umaalis mga tauhan mo?" tanong ko rito.

"Fired," sagot niya. "Bilin iyon ng magulang namin ni Satina. Once we both reached the age of twenty, paaalisin na ang lahat ng helpers at bodyguard sa bahay. Since my sister already turned twenty, then there."

Kinunutan ko ito ng noo. "Paano ang trabaho nila?"

"Hinanapan ko muna sila ng ibang trabaho bago ko sila pinaalis."

I didn't know that he has this side! Mababaw lang naman pero nakakatuwang makita na may parte sa kanyang matulungin sa kapwa. Ang hindi ko nga lamang alam ay kung sinsero ba siya doon o pakitang-tao lamang siya para matakpan ang bahong itinatago niya.

"Saan ka galing?" tanong ni Xerxes.

"Dentista. Nagpa-adjust," blangko kong sagot.

"Sa susunod, pre, magsabi ka. Hindi iyong basta kang naalis."

"Mas maganda palang pakinggan yung tawagin niya akong doll kaysa pre," mahina kong bulong sa sarili.

"You were saying, Sierra?" Xerxes furrowed his brows.

Oh no, did he hear it?! Umiling lamang ako sa kanya. "Sabi ko para kang magulang ko kung sabihan ako ng ganiyan."

"I'm still your boss, of course I have the rights to scorn you around," he snapped. "Pasalamat ka kaibigan kita, hinahayaan kitang sagut-sagutin ako ng ganyan."

"Thank you!" I sarcastically said like how Arlszent acts it.

If there's something I hate from my brother, it's the way he says 'thank you' in a sarcastic manner. It's very irritating.

"You're such an ass," Xerxes scoffed.

"So, kaya mo ba ako hinanap dahil mag-iimpake na rin ako at aalis?" I asked.

"No. I still need a driver. Kaya kita hinahanap ay dahil aalis tayo mamayang alas-diyes."

"Pasaan?" tanong ko dito.

"Revel."

"Inom?" I confirmed. "With whom?"

"Our friends," he simply answered.

You are all not my brother's friends.

"Alright," I glanced at my watch. "May ilang oras pa naman. Gagawin ko na lang muna plates ko."

"Yeah, go ahead. Mag-aaral pa naman ako." Tinungo ni Xerxes ang daan papuntang dining habang ako naman ay nagpunta sa aking kwarto para gawin ang aking plates.

Kaunting oras lang naman ang naibuhos ko sa pagtapos ng plates dahil kakaunti na lang naman ang kailangan roon. Matapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo at makapagbihis.
Simpleng puting shirt lamang at loose maong pants ang suot ko, pinatungan ko na lamang ang aking damit ng black leather jacket ni Zent tapos ay ginamit ko muli ang pabango niya. Pagbaba ko ay dumiretso muna ako sa may kusina para uminom ng tubig pero bago pa man ako makarating doon ay napasulyap muna ako sa dining.

Xerxes was there, reading his med books while eating a bowl of vegetable salad.

Healthy lifestyle, doktor na doktor ka nga naman.

He's now wearing a gray sweater, it's hood is red, and he partnered it with black fitted jeans and Airmax shoes. Nakatupi ang dulo ng kanyang pantalon kaya napansin ko na pati rin pala ang pinakaibabang parte ng kanyang buong katawan ay maputi. With his outfit, he just looked casual… pero malakas ang dating. Kahit na hoodie ang suot niya ay parang pupwede na niya iyon suot sa kahit saang lugar at ano mang okasyon dahil sa itsura niya palang, pormado na siyang tignan.

Naramdaman siguro nitong nakatingin ako kaya bumaling ang ulo nito sa aking kinaroroonan kaya naman agad akong umalis doon at kumuha na ng baso ng tubig. Agad ko iyong ininom dahil pakiramdam ko ay namumula ang aking mga pisngi.

Pagharap ko ay halos mabitawan ko na ang baso sa gulat dahil nasa harapan ko na agad si Xerxes.

"Pre, huwag ka ngang manggulat," asik ko dito.

"Bihis ka na pala. Tara na," sambit lamang nito at tumalikod na. Ngunit bago siya tumalikod ay para bang napansin kong may ngising gumuhit sa kanyang labi. I just shrugged and followed him out of the mansion.

When we arrived at the Revel, we went to the table where Lix and the others are. Lihim akong napairap nang makakita ng isang babaeng nakaupo sa hita ni Bronze at nakikipaghalikan. Jeez, they should get a room!

I glanced at the table and saw tons of hard drinks. Mukhang maglalasing ng todo ang mga ito, pero dahil magmamaneho pa ako ay kaunti lamang ang iinumin ko.

Nagkukwentuhan lang sila Xerxes ng kung ano-ano at nakikisakay na lamang ako. Nang maubos ang aming mga iniinom ay ako ang pinakiusapan nilang umorder pa kaya naman tumayo na lamang ako at pumuntang counter.

Habang inaantay ko ang aming iinumin ay napasulyap ako sa aming mesa. Wala na doon si Bronze, umalis na ito kasama iyong babaeng kahalikan niya kanina. Si Lix naman ay nasa may di-kalayuan, nakikipagsayaw sa isang babae. Tanging si Xerxes at Rave na lamang ang nasa mesa at nagtatawanan ang mga ito.

Pabalik na sana ako roon dala-dala ang mga inumin ngunit saglit akong natigilan nang may babaeng lumapit kay Xerxes at binulungan ng kung ano. I saw Xerxes placed his hand on the girl's waist and stood up to go somewhere. Hindi ko na lamang inintindi iyon at dumiretso na lamang ako sa mesa namin.

"Zent, pre, inom pa!" alok sa akin ni Rave. Kinuha ko naman ang baso at uminom doon.

"Huli na 'yan, magmamaneho pa ako," sagot ko dito. "Alis muna ako saglit, banyo lang."

Tinungo ko ang daan papuntang restroom para sana maghilamos dahil nakararamdam ako ng antok. Ngunit bago pa man ako makapasok ay nahagip na ng mata ko iyong babaeng kasama kanina ni Xerxes. Tiningala ko ang taas ng pintuan at nakitang tama naman ang pinuntahan ko, CR ng boys.

Sumilip ako ng bahagya at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang kaharap pala nito si Xerxes at hinahalikan siya sa leeg.

"Not my hair, sweetheart," ibinaba ni Xerxes ang kamay nang babae nang akma nitong hahawakan ang kanyang buhok.

What's so special about his hair that he doesn't want anybody to touch it?!

"Hmm… X… let's go to my place?" I heard the girl said in a flirtatious way. Nilalaro-laro pa nito ang tali ng hoodie ni Xerxes.

"Sorry, Nadia, I got no time."

"Nadia?!" the girl slapped Xerxes. "My name's Naliah, you asshole!"

The girl named Naliah went out of the restroom frustrated. Ako naman ay pumasok na sa loob upang maghilamos na. Tinignan ko naman si Xerxes mula sa salamin at napansin ko itong nakapikit at nakatingala. His hands are inside the pocket of his hoodie and I saw his tongue pushed the inside of his cheek.

"Sakit ba?" nangungutya ko ditong tanong.

Napamulat ang mata nito at tumingin sa akin bago bahagyang tumawa. "You know I'm used to it."

Tipid ko na lang ring tinawanan iyon at napailing. Sa tuwing may makikita nga akong babaeng makakalandian nito ay may mga pagkakataong makikita ko itong murahin ng mga babae dahil lamang nagkamali ng pangalang sinabi.

I didn't give any damn about it. But that was weeks ago. Ngayon, hindi ko alam pero naiinis ako sa kaisapang may kahalikan si Xerxes na iba. Para bang gusto ko'y 'wag niya iyon gawin sa iba.

"Tandaan mo na kasi ang pangalan, X," waring nang-aasar kong saad.

He tsk-ed. "Not worth remembering." He scratched his jaw before looking at me. "Tara na bumalik sa mansyon."

Habang naglalakad pabalik sa kanyang sasakyan ay bigla akong nakatanggap ng message galing kay Aleezah. Sinabi nitong umalis din daw siya noong pagkaalis namin ni Xerxes kanina. Mags-sleepover daw sa bahay ng kanyang kaibigan. Sinabi ko naman iyon kay Xerxes para alam niya.

Pagdating namin sa mansyon ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto para makapagpahinga. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang pakikipaghalikan ni Xerxes sa ibang babae kanina sa Revel. Para akong mababaliw dito sa aking kinahihigaan kakaisip doon. Gusto ko siyang pagalitan, murahin, saktan.

Gusto ko sa akin niya iyon ginagawa.

Oh, goodness gracious! I'm just going to sleep this off.

Bigla akong nagising dahil nakaramdam muli ako ng uhaw. Bumaba ako para magtungo sa kusina ngunit napansin kong bukas ang ilang doon pati sa dining. Kumuha ako ng isang basong tubig at dumiretso sa dining kung saan naroroon si Xerxes at umiinom habang may binabasa.

He manage to still study even though we went drinking?! How can he do that?!

Nilapitan ko ang kinaroroonan nito at tinapik siya sa balikat. "Pre, itulog mo na iyan. Linggo naman bukas," pahayag ko.

He didn't listen and just grabbed the bowl of strawberries and started eating it. Tapos ay kinuha nito ang isang baso na doon ko lamang napagtantong alak pala iyon.

"Nag-aaral ka tapos umiinom ka, lakas naman talaga ng utak mo pre at naaabsorb pa ng utak mo," sinubukan kong kuhanin ang baso nito. "Nakainom ka na kanina, tapos iinom ka pa ulit ngayon. Tama na, matulog ka na."

"Wow…" Xerxes cackled. "Concerned mo naman sa akin ngayon, Arlszent."

Hindi ko alam kung ako lang ba o madiin ang pagkakasabi niya ng Arlszent pero isinawalang bahala ko na lamang iyon at inilayo sa kanya ang baso ng alak. I couldn't help myself but to get worried because he already drank a lot of alcoholic beverages. He's striving to be a doctor, he should know that drinking too much is bad for the health!

I pulled his arm for him to stand up but to my surprise, he suddenly pushed me to the wall and locked my sides with his arms. His hands are placed on the wall. Mataman niya akong tinignan sa mata bago ako sinunggaban ng halik.

I could smell his breath because of his kisses. It's a mixture of mint, liquor, and strawberries. And it's making me lose my senses! He's moving his lips smoothly on mine and before I could even respond, I pushed him with all the strength that I have making him move distantly.

"Tangina, X! Bakla ka ba?!" I hissed at him. "O Bi? Sabihin mo lang!"

But he replied with a sarcastic laugh.

"Papaano naman ako magiging bakla?" he moved closer to me and held my chin. He's staring at me with a smirk playing on his lips.

My heart's beating too fast and I thought that I'll die after hearing his next question…

"Bakit? Lalaki ka ba?"

🌞

Continue Reading

You'll Also Like

39.7K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.4M 28.6K 43
A Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent h...
527K 8.9K 60
PAANO KUNG MAKAKILALA KA NG ISANG BABAENG TAMAD NA MAG-ARAL?? AT WALANG PAKI KUNG ANO MAN ANG SABIHIN NG IBA KAHIT NA TAWAGIN SIYANG BOBO..... PAANO...