Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 4

1.5K 56 13
By Levelion

Kabanata 4
Dinner Night


"Diba ngayon ang photoshoot niyo?" Nakangiting tanong ko kay Code habang nag-aalmusal kaming dalawa. Actually, tanghalian na nga namin ito dahil alas-onse pasado na kami nagising.

"Yup. Diba, pupunta ka rin sa papasukan mong school ngayon?" tumango ako at saka kinagat ang malaking hotdog na nakatusok sa tinidor ko.

Nakita ko naman si Code na umigting ang panga habang nakatingin sa akin.

"What?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"N-Nothing." Inalis niya ang tingin sa akin at saka nagpatuloy sa pagkain. "Siya nga pala, wag ka ng pumunta sa studio mamaya." dagdag niya pa.

Tumaas ang isa kong kilay. "Bakit?" nagtatakang tanong ko, habang patuloy sa pagkain.

Ito yata ang unang beses na hindi ako pinapupunta ni Code sa photoshoot nila. Siguro, may ayaw siyang makita ko.

"Wala ka namang gagawin doon. Baka maboring ka lang." napaka-lame na paliwanag niya.

I will not buy it. I know there's something. Kilala ko si Code, kapag may kung anu-anong activities 'yan, gusto niya na parati akong nandoon para suportahan siya. Kaya hindi ko maiwasang pagtakhan ang tila pagbabawal niya sa akin na pumunta sa studio.

"Pero gusto kong mapanood iyong photoshoot ni---"

"Wag na. Mas maganda kung makikita mo iyon sa mismong lunching."

"Sabagay." sabi ko na lang.

"Hintayin mo na lang ako rito. Tapos, magluto ka ng masarap na dinner para sa atin." nangalumbaba siya at saka ako tinitigan habang nakangiti.

"Anong oras ba ang uwi mo 'non?"

"Siguro mga six or seven. Basta tatawag na lang ako o kaya, itetext kita."



Gamit ang itim na ford mustang ni Code ay hinatid niya ako sa University of Santo Tomas, bandang alas-dos ng hapon. Dito ko kasi balak na mag enrol.

"You sure you don't want me to come with you?" tanong ni Code na nakasuot ng aviator shades, nakatukod ang braso sa manibela at sumisilip sa kanyang puting long sleeve ang kanyang dibdib dahil sa hindi niya pag unbuttoned ng tatlong butones nito sa itaas.

"Malapit lang naman dito ang studio, kayang kaya ko pumunta roon within fifteen minutes. I still have a lot time to be with you." sabi pa ni Code na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa aking mukha. Ikinawit niya iyon sa likod ng aking tenga.

Malapad na nginitian ko si Code. "Ano ka ba, kayang-kaya ko na 'to. I'm not a kid anymore, Code."

Tinignan niya ang kanyang wrist watch. "I just want to make sure that you'll be alright."

"I am, My love."

Dumampi ang isang palad ko sa kaliwang pisngi ni Code. Kinuha niya naman ito at saka hinalikan ang kamay ko.

"Call me when you get home."

Tumango ako. "Ingat sa pagdadrive and good luck sa photoshoot."

Akmang lalabas na ako nang sasakyan nang hawakan niya ang braso ko.

"Where's my kiss, Persis Neshamah?"

Ngumiti at ako saka mabilis na hinalikan ko sa labi si Code at nagmamadaling lumabas sa sasakyan niya. Leaving him unsatisfied.

Ayaw kasi niya hinahalikan ko siya ng ganoon kabilis. Hindi siya nakukuntento.



Pagbaba ko ng sasakyan ay may ilang estudyante ang namamanghang nakatingin sa kotse ni Code. Ang ilan ay nanghuhusga naman akong tinignan, habang nagbubulong-bulungan ang mga ito.

Nang lingunin ko si Code ay mabilis na niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Bumaba ang tingin ko sa suot ko. Flared jeans, paakyat sa suot kong fitted tank top na medyo bitin ang laylayan dahil bahagyang lumalabas ang flat ko namang tiyan. Gustong-gusto ko ang ganitong pormahan kapag umaalis ako. Simple lang. Ang mahaba, tuwid at kulay apo'y ko namang buhok ay hinahayaan ko lang na nakalugay. Hindi ako nagtatali kasi hindi ako kumportable kapag walang humaharang na buhok sa batok o leeg ko, pakiramdam ko kasi ay lagi akong kinikiliti ng hangin. Nanayo ang mga balahibo ko.

Habang naglalakad ako patungo sa main building ng university. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil sa mga nakakasakubong at nadadaanan ko, na napapatingin sa akin. Ewan ko kung bakit ganoon sila makatingin. Hindi naman masagwa ang suot ko, huh.

Napayuko na lang ako at tinignan ang mga paa kong humahakbang sa patag na daan.

"Ops! Watch where you walk." dinig kong sabi ng isang boses ng lalaki. Nabunggo ko kasi ito.

Nag-angat naman ako ng tingin. "Sorry." paumanhin ko sa kanya.

Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa akin. Kaya naglakas loob na akong tanungin ito.

"Bakit ba ganyan kayo tumingin? May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa akin?" nagtatakang tanong ko rito.

Tumawa naman ito. "I-I'm sorry. Actually, there's nothing wrong with you. You just look... perfect."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito at napaatras pa ako nang ilapit nito ang mukha sa akin.

"Totoo ba iyang mga mata mo? Ang ganda."

Napalunok ako.

"Ako nga pala si Brayden Manjeron." inabot nito sa akin ang kamay niya. Nakikipag kamay.

"Persis Buenrostro." Nag-aalinlangan man ay kinuha ko pa rin ang kamay nito upang makipagkamay.

"Anong nationality mo? You don't look like a filipino. Nakakaamaze nga na naririnig kitang magtagalog." aniya.

"Filipino-British."

"Kuhang-kuha mo ang pagiging foreigner. Iyang kulay ng buhok mo, Is that real?"

Tumawa ako. Kung namamangha ang lalaking ito sa akin ay naaaliw naman ako sa kanya.

"Opo, totoo ang kulay ng buhok ko."

"Amazing."

Nag insist si Brayden na samahan akong mag enrol. Hindi ko siya tinanggihan dahil mukha naman siyang mabait.

Matangkad si Brayden. Kasing tangkad ni Code. Maputi rin ito at gwapo. Matangos ang ilong at malalim ang mga mata, makapal ang kilay at perpekto ang hubog ng kanyang mga panga.

Actually, napapansin ko nga na marami rin babae ang naaagaw niya ang atensyon.

Katulad ko ay nagbabalik eskwela rin si Brayden at nalaman ko na artichect din ang kukunin nitong kurso and he's one year older than me. Twenty three years old.

Naging abala raw kasi siya sa pagtatrabaho noon kaya hindi niya napagtuunan ng pansin ang pag-aaral, kaya ngayon ay gusto niyang ituloy iyon.

"Girlfriend ni Code iyan, diba?"
"Oo, siya nga iyon!"
"Napanood mo iyong viral video niya?"
"Oo! Nag viral lang naman kasi sikat ang syota. Ayoko ng kanta, nakakaantok."

"Are they talking about you?" bulong sa akin ni Brayden habang nakapila kami rito sa gym.

Tumango naman ako sa kanya.

"Girlfriend ka pala ni Code. Kaya pala, you look familiar. Nakita ko na rin yung viral video na sinasabi nila and for me, that's actually good. Shinare ko pa nga iyon, eh." nakangiting sabi niya.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at inilagay ang kamay ko sa aking batok. "Salamat."

"Mukhang malaki ang naging impluwesya ng boyfriend mo sa iyo."

"Oo, siya ang pumilit sa akin na tumugtog nang araw na iyon. He awakens my talent."

"Iyong kinakanta mo sa viral video. Sana marinig kong kantahin mo iyon ulit."

"Hala. Nakakahiya."

"But  that's good. Walang halong biro." itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay na para bang nagpapanata siya.

Pagkatapos kong makapag-enrol ay nagpaalam na ako kay Brayden at muling nagpasalamat dahil hindi naging boring araw ko.

"Hatid na kita. Saan na ba ang punta mo?"

Balak ko sanang mamalengke muna para sa ihahanda kong pagkain mamaya sa dinner namin ni Code, pero gusto ko rin siyang surpresahin. Gusto kong pumunta sa studio. Gusto kong makita kung paano siya mag project sa camera ng mga professional photographer.

"Sa Rise Records." sabi ko.

"Tamang-tama! Daan na kita roon. May pupuntahan din kasi ako malapit doon."

"Talaga?"

"Yup. Let's go."

Mukhang may sinabi rin sa buhay itong si Brayden. Kulay pula ang kanyang kotse at alam ko na mercedes-benz iyon dahil sa logo na bilog na may tatlong hati.

Habang nasa kotse ako ni Brayden ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa Downtown.

"Actually, fan din nila ako."

Nagulat ako sa sinabi ni Brayden. Bihira lang kasi ako makakilala ng Downtown fanboy.

"Nakapunta ka na sa mga concert nila?" tanong ko.

"Isang beses pa lang. Nakakabilib mag perform si Code Realonda. Kahit na masyado siyang magalaw sa stage, nararamdaman ko iyong kinakanta niya. He really knows how to captured heart with their music."

"Magaling talaga siya!" proud na sabi ko.

"Diba, isa rin siyang tagapagmana? Paano niya nahahandle ang pagiging heredero at musikero?"

"Sa ngayon ay si Don Leonardo pa rin ang humahawak ng mga negosyo nila, his dad. Sa tulong ng kapatid nitong si donya Letecia. Ayaw kasi talaga ni Code na mag handle ng mga negosyo dahil hindi naman daw iyon ang pangarap niya. Sinubukan naman din niya. Kaya lang, wala raw talaga doon ang puso niya."

"But he has to learn it. Siya lang ang inaasahan ng tatay niya, diba? Nag-iisa siyang anak."

Tumango ako.

"Maiisip din ni Code ang tungkol sa mga iyon, pero sa ngayon ay hindi ko pa talaga nakikita sa kanya na maghahawak siya ng mga property nila. He's really into music, that's all his priority now."

"Ibang klase. Heredero na, superstar pa. Ang taas ng boyfriend mo."

"At sobrang swerte ko sa kanya."

"Well, I think he's also lucky to have you. Nakikita ko kung gaano ka kaproud sa kanya and that made him lucky, to have a very supportive girlfriend."

Dahil masarap kausap si Brayden ay hindi ko namalayang nandito na pala kami sa harap ng Rise Records.

"Salamat sa paghatid, Brayden."

"Walang anuman, kita kits nalang sa pasukan."

Sumaludo ito sa akin at saka pinaandar na ang kanyang kotse.

Nagmamadali naman akong nagtungo sa studio kung saan nagaganap ang photoshoot ng Downtown.

"O, late ka na, Persis. Akala ko'y hindi ka na pupunta dahil ayaw mong makita ang photoshoot na nagaganap ngayon." tanong sa akin ng isa sa mga staff.

Nagtatakang kumunot naman ang noo ko. Bakit naman iniisip niya na hindi ko gustong makita ang photoshoot ngayon?

"Wag kang maingay, gusto kong surpresahin si Code. Ano bang ganap sa photoshoot nila? Hindi kasi sinabi sa akin ni Code, ayaw niya pa nga akong pumunta rito."

Ngumiti ito. "Palagay ko, hindi mo nga talaga dapat mapanood ang photoshoot." anito at saka nagkamot ng ulo.

"Bakit?" lalo akong nahihiwagahan sa sinasabi nito.

"Pumunta ka na lang doon para malaman mo. But I don't think, Code wanted you to see it."

Nakakaintriga ang pinagsasabi ng ito. Pero mas lalo akong tinutulak ng kuryosidad ko para tunguin si Code.

Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makarating ako sa studio at maabutan ko sa si Code na may kayakap na babae and they are both...naked?

Naalala ko ang concept na sinabi ni Mr. Frazer noong nagmeeting ilang araw pa lang ang nakalipas. Mas gusto niya nga pala na gawing matured, sexy at dark ang bagong album ng Downtown.

At ito ang sinasabi niya? Ganitong klase ng mga larawan ang ilalagay sa album nila Code?

Mapusyaw na kulay abo ang background nila Code may kamang puting-puti kama, na nasa gitna. Naroon si Code na nakaluhod at yakap niya ang isang babaeng walang kahit anong saplot.

Magkadikit ang katawan nilang dalawa, nakayakap ang mga braso ng babae sa leeg ni Code at tanging puting tela lamang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng kanilang katawan. Seryosong nakatingin si Code sa camera.

Nanghahalina ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Alam ko na trabaho lang ang ginagawa ni Code pero bahagya pa rin sumikip ang dibdib ko habang nakikita ko siya na kasama ang isang babaeng walang saplot at ikinukulong niya sa bisig niya.

Pilit kong pinapawi ang selos na nararamdaman ko at ramdam ko na nagtatagumpay ako.

Kahit na medyo malayo ako sa kanila. Nararamdaman ko si Code. Ang kamay niyang nasa likod ng modelong kasama niya ay para bang nakalapat din sa likod ko. Nag-iinit ang buo kong katawan dahil pakiramdam ko ay nakadikit iyon sa balat niya.

"Okay, one more!" sigaw ng photographer.

Hinawakan ni Code ang itim na buhok ng babaeng kasama at sinamyo iyon, sabay tingin sa camera.

Napalunok ako.

Napakaganda ng mga ekspresyon ng mga mata niya. Sobrang nakakaakit. Pakiramdam ko ay ako ang kasama niya.

"Last shot." sigaw muli ng photographer.

Nasa tabi pala nito si Mr. Frazer at sa kanilang gilid ay ang iba pang myembro ng Downtown.

Dahil nga narito ako sa likod ay walang nakakapansin sa akin.

"Alright." nag thumbs up ang photographer at nang akmang lalapit na ako sa kanila ay para akong napako bigla sa kinatatayuan ko nang  makita kong may ibinulong ang babaeng modelo kay Code na nagpangiti sa kanya.

Si Code pa mismo ang nagtakip ng roba sa katawan nito at inalalayan niya pa ang babae na bumaba sa kama at saka sabay silang lumapit kanila Mr. Frazer, sa photographer at sa Downtown.

Nagtawanan ang mga ito habang tinitignan ang mga kuha nila sa laptop ng photo editor at saka muli kong nakita na bumubulong kay Code ang babaeng kasama niya at inaasar sila ng dalawa ng ilang staff.

Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko kaya 'to. Ayoko ng ganito, kaya minabuti ko na umalis na lang ng  studio at nagpasyang magtungo sa supermarket para bumili ng ihahanda ko para sa dinner namin ni Code mamaya.

Itatanim ko na lang sa utak ko na trabaho lang ang nangyari. Hindi dapat ako nasasaktan. Mahal ako ni Code. At kung bakit ayaw niya akong papuntahin kanina, siguro ay ang dahilan ay ang reaksyon ko ngayon. Iniiwas lang niya na masaktan ang damdamin ko.

Bakit kasi nagpumilit pa akong pumunta sa studio kanina? Sana pala sinunod ko na lang siya.

Sa condo ni Code ay inabala ko ang sarili ko sa panonood ng tv at paglilinis.

Alas-sais naman bago ako magluto ay sinubukan kong tawagan si Code, pero unattended ang phone niya. Itatanong ko pa naman sana kung anong oras siya uuwi, para makapag simula na akong magluto. Hinihintay ko rin siyang tumawag, pero kahit text ay wala naman akong natatanggap sa kanya, kaya nagdecide na akong magluto ng dinner.

Nagluto ako ng pork potchero. Nagkukumahog pa ako sa pagluluto nito, pero matapos itong maluto ay hindi pa rin dumarating si Code.


Pasado alas-diyes na at nakatunganga lang ako sa mesa. Nakatingin sa kawalan. Hindi ko pa rin nililigpit ang pagkain sa gitna ng mesa na siguradong malamig na. Kanina pa ako magugutom, pero pinilit ko na wag kumain hanggat hindi pa dumarating si Code. Halos nalipasan na ako ng gutom ay hindi pa rin siya umuuwi.

Panay din ang tingin ko sa cellphone ko, umaasa na tatawag si Code, pero wala talaga akong natanggap na tawag o text man lang sa kanya.

Tinitigan ko ang niluto ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nagsimula na rin akong magsandok ng malamig na kanin at ulam.

Bakit hindi man lang niya ako nagawang tawagan? Biro lang ba iyong mga sinabi niya o sadyang nakalimutan niya ang lahat ng iyon?

"Persis?"

Mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang boses niya, pero hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Nagmamadaling lumapit naman sa akin si Code at bakas ang guilt sa mukha niya.

"Baby, I'm sorry." iyon agad ang bungad niya at saka lumuhod siya sa harap ko at pinisil ako sa hita. "Nalowbat iyong phone ko, kaya hindi ako nakatawag sa iyo. Tapos, nainvite pa kaming mag dinner ng big boss. Hindi ko naman matanggihan. Akala ko rin kasi, makakauwi ako agad pero...hindi pala."

Hindi ko pinansin si Code na nagpapaliwanag. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon at baka gumaan ang loob ko sa mga sasabihin niya.

Ang sikip ng dibdib ko. Ang sama-sama ng loob ko. Nasayang iyong effort ko. Isa pa, naaalala ko rin iyong mga eksenang naabutan ko sa studio kanina.

"I'm really sorry. Persis, kausapin mo naman ako." Nagsusumamong sabi niya.

Akmang hahawakan niya pa ako sa pisngi pero tinabig ko ang kamay niya.

"Kumakain ako, Code. Wag ka namang bastos." mariin kong sabi.

Pinaghandaan ko itong dinner na ito, tapos ganito ang mangyayari. Minsan nakakadala iyong paghandahan ang isang bagay, kasi hindi nangyayari iyong inaasahan mo. Nakakadisappoint.

Bumuntong hininga si Code at naupo sa upuang nasa tapat ko.

Nagsimula siyang sumandok ng kanin at ulam.

"Wag ka ng kumain, baka masobrahan ka na." malamig kong saway sa kanya.

Kahit papaano ay concerned pa rin naman ako sa kanya. Ayokong pilitin ang sarili niya na kainin ang niluto ko, just because he's guilty.

"I didn't eat a lot. Mas gusto kong mabusog sa luto mo." aniya bago siya sumubo.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

428K 7.8K 24
He left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA
81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...
12.9K 327 12
Las Rozas Series #3 (Book 1) COMPLETED *PROOFREADING* Aries Leiden Esquire is a kind of friend who's sweet, caring, and clingy to his girl friends th...
432K 13K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.