W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》

Av imuselesswriter

239K 2.6K 134

WARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it beca... Mer

W NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
W#1: 1
W#1: 2
W#1: 3
W#1: 4
W#1: 5
W#1: 6
W#1: 7
W#1: 8
W#1: 9
W#1: 10
W#1: 11
W#1: 12
W#1: 13
W#1: 14
W#1: 15
W#1: 16
W#1: 17
W#1: 18
W#1: 19
W#1: 20
W#1: 21
W#1: 22
W#1: 23
W#1: 24
W#1: 25
W#1: 26
W#1: 27
W#1: 28
W#1: 29
W#1: 30
W#1: 31
W#1: 33
W#1: 34
W#1: 35
W#1: 36
EPILOGUE
W LAST NOTE

W#1: 32

2.9K 44 3
Av imuselesswriter

"Sienna! Ito subukan mo mukhang bagay sa iyo 'to" Masayang sambit ni Angelique habang inaabot sa kanya ang isang blue cocktail dress para sa gaganaping semi-party welcome para sa kanya.

"A-ah nako! M-mukhang mamahalin ang damit na yan Miss Angelique" nahihiyang sambit ni Sienna.

Napatingin naman si Angelique sa kanya na parang nagtatanong dahil sa naging reaksyon ng mukha niya.

"Hindi mo ba gusto? Panget ba? Hmm? Teka! Maghahanap pa ako ng iba sa dressing room ko" Napanganga naman si Sienna sa sinabi nito dahilan para mamula siya.

Si Angelique kasi ay isang modelo na hinahangaan ni Sienna. Matagal na sa mundo ng modelo si Angelique kaya naman sadyang mayaman ito at maganda. Napakatangkad nito at mabait pa.

Siya yung tipong kahit anong gawin mo ay ngingitian ka lang at iintindihin.

Kaya naman dahil kay Angelique ay nagpasyang maging modelo si Sienna dahil sa kabutihang taglay nito. Gusto niya kasing maging kagaya siya ni Angelique. Isang magandang mabait na modelo.

"Ayan! Bagay pala sayo yang Blue-Back Dress ko. Ang sexy'ng sexy mo!" pumapalakpak pang saad nito na ikinamula ni Sienna.

Bago pa lang kasi si Sienna sa mundo ng pagmomodelo kaya hindi pa siya sanay sa ganitong papuri. Ang totoo niyan ay si Angelique ang naging mentor niya.

Nang makarating na sila sa darausan ng party agad siyang hinila papasok sa loob ni Angelique. Pagbukas ng malaking pinto napanganga ng husto si Sienna at halos maluha dahil sa sobrang ganda ng loob.

Sa pintuan ay may mahabang red carpet na nag-aabang, sa bawat gilid ay may mga bulaklak na pumapalibot sa poste at dingding na nagtutugma sa kulay nito.

Sa gitna naman ay may malaking chandelier na nakasabit. Ang mga lamesang nilagyan ng telang gold para maging sanhi ng pagkinang nito. Ang mga kobyertos na talagang kay mahal dahil sa kapal at ganda nito. Ang mga pagkain na bumabaha sa sobrang dami.

Ngunit ang mas umagaw sa atensyon ni Sienna ay ang mga nagmamahalang damit na suot ng mga tao ngayon dito.

"A-akala ko ba simple lang ang gaganaping party?" naguguluhang tanong ni Sienna.

"Oo nga, simple lang pero mukha atang nasobrahan" napakamot naman sa ulo si Angelique dahil doon.

Napatitig naman siya dito at napangiti.

"Let's go! Let's enjoy the night, Sie!" yaya nito sa kanya na agad niyang tinanguan.

Dahil doon naging malapit sa isa't isa si Sienna at si Angelique. Halos araw araw ay hindi sila mapaglayong dalawa. Parehas silang palaging binibigyan ng project dahilan para makilala na ang pangalan ni Sienna.

Si Angelique ang naging dahilan kung bakit paunti-unti ay nakaka survive siya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nakagawa ng isang bagay si Sienna.

"H-hindi! Hindi! Angelique!" umiiyak na sigaw ni Sienna habang hawak hawak niya ang baril.

"S-sienna......" banggit nito sa pangalan niya habang unti-unting bumabalot ang dugo ni Angelique sa sahig.

"A-angelique p-patawad! H-hindi ko.....Hindi ko sinasadya! Patawarin mo ako" naiiyak niyang saad habang namginginig ang mga kamay at tuhod.

"S-sie.........nna....Sienna!!!"



"HINDIIIIIIII!!!" napabalikwas ng bangon si Sienna habang hinahapo at pinagpapawisan ng malamig.

Hingal na hingal siya at natatakot dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na matagal na niyang gustong kalimutan ngunit patuloy siyang sinusundan.

"What's wrong My Wife?. Isang linggo ka ng ganyan" nag-aalalang saad ni Mikhail habang nakatingin sa kanya.

Humigop naman ng hangin si Sienna at binuga iyon sabay nagpasyang tumayo at ininom ang baso na may tubig na nakalagay sa lamesa.

"Ano bang nangyayari, My Wife? Okay ka lang ba? Ano ba ang napapanaginipan mo at nagkakaganyan ka?" sunod sunod na tanong sa kanya nito.

Hindi naman niya agad nasagot si Mikhail dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin siya buhat sa panaginip na iyon.

Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Ang nakaraang gustong gusto na niyang ibaon pero patuloy pa rin siyang sinusundan.

Akala niya magiging maayos na ang lahat kapag kinalimutan niya iyon pero bakit nagkaganito dahil ang taong gusto niyang kalimutan at ibaon ay ang taong naging dahilan ng kalayaan ng taong kaharap niya ngayon.

"Mikhail" banggit niya sa pangalang ito dahilan para mamugto ang mga mata niya.

"Ano yun? Sabihin mo sa akin" saad nito sabay lumapit sa kanya at niyakap siya sa bewang habang ang isang kamay ay hinahaplos ang pisngi niya na dinadaluyan ng kanyang luha.

Napakagat na lang siya ng labi dahil hindi niya masabi sabi ito.

"Ano ba yun, My Wife? Sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sayo. Nandito lang ako" sabay hinalikan siya nito sa noo.

Napayakap naman siya ng husto kay Mikhail at hinayaang padaluyin ng padaluyin ang luha niya. Hindi na naman na nagtanong si Mikhail at hinayaan lang siya nito.

"Mikhail s-salamat" saad niya sabay kumawala dito.

"Para saan?" tanong nito habang hinahaplos ang buhok niya.

"For this......gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano" sabay ngumiti siya dito at pinunasan niya ang luhang kumawala sa mata niya.

Napangiti naman si Mikhail at tila naging magaan ang expression ng mukha nito dahil sa sinabi niya.

"Wala yun. Oh siya magbihis ka na baka pasukin ka ng lamig" nagulat naman si Sienna sa sinabi ni Mikhail at agad na napatingin sa sarili.

Napahiyaw siya at agad na hinila ang kumot sabay ikinumot sa katawan na ikinatawa ni Mikhail.

"B-bakit ka tumatawa?!" Nahihiya niyang tanong dito at namumula pa.

"Wala naman, bakit mo pa kasi tinatakpan yang katawan mo eh ilang beses ko ng nakita yan" matawa-tawang saad nito na ikinainis niya.

"Paano palagi mo akong hinuhubaran! Bastos ka!" inis na hiyaw niya dito.

"Eh nagpapahubad ka naman sabay umuungol pa kaya hindi ko mapigilan--------------" hindi na natapos ang sasabihin nito ng batuhin niya ito ng unan.

"Manahimik ka!" tawang tawa naman si Mikhail sa inaasta ni Sienna kaya hindi niya maiwasang irapan ito.

Ngunit hinayaan na lamang ni Sienna ang pang-aasar sa kanya nito dahil kahit papaano ay gumaan ang loob niya at nawala ang takot na kumukubli sa sistema niya.

Siguro kung ang dating Mikhail ang kaharap niya ngayon mas makakaramdam pa siya ng takot at pangamba.

"Mikhail" tawag niya dito dahilan para tignan siya nito ng may mga ngiti sa labi.

"Hmmm?" tanging sagot nito habang pinapagpag ang unan sabay inilapag nito sa kama malapit sa kanya.

"Nagugutom na ako" sabay nguso niya at himas sa tiyan niyang nagwawala.

"Ganun ba? Oh siya bababa na ako at magluluto para makakain ka na" sabay pinisil ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.

Lumabas na naman si Mikhail dahilan para mapangiti na lang sa hangin si Sienna at nagpasyang magbihis na.

Matapos magbihis sinuklayan niya ang kanyang magulong buhok at tinali ito para hindi maging sagabal. Nang matapos na nagpasya na siyang lumabas ng kwarto ngunit bago niya tuluyang isara ang pinto napatingin muna siya sa loob.

Naalala niya tuloy ang mga gabing pinagsaluhan nila ni Mikhail. Ang kulitan nila, asaran, tawanan, at higit sa lahat ay ang pagiging totoo nila sa isa't isa.

I guess I'm gonna miss that moment.

Sabay sinara na niya ang pinto at nagpasya ng pumunta sa kusina kung saan naandoon si Mikhail upang maghanda ng kanilang kakainin.
Nang makababa na tahimik niyang pinanood si Mikhail habang busy ito sa pagluluto.

Mula sa di kalayuan kitang kita niya ang saya sa mga mata nito. Ang liwanag ng mukha nito kahit seryoso ito sa pagluluto. Dahil doon lumambot ang puso ni Sienna at mas lalong nahuhulog kay Mikhail.

Sana huminto ang oras habang kami ay magkasama....

"Kanina ka pa ba jan? Come here taste it" masayang sambit nito sa kanya kaya naman agad siyang lumapit at tinikman ang niluto nitong menudo.

"Hmmm! Ang sarap ah!" saad niya sabay niyakap sa bewang si Mikhail.

"Ako pa ba?" sabay kindat nito "Masarap ata ako magluto pero mas masarap ako sa niluto ko" napatampal na lamang si Sienna sa taglay na kahanginan nito.

"Ewan ko sayo. Tara kain na tayo! Nagugutom na talaga ako" sabay nguso niya.

"Sure, sige na umupo ka na doon at ipaghahain kita" nagliwanag naman ang mukha ni Sienna at parang batang excited na umupo sa upuan at tuwang tuwang ipaghain siya.

"Hindi ka naman mukhang gutom niyan?" natatawang tanong sa kanya ni Mikhail na ikinatawa niya rin.

Habang naghahain si Mikhail ng pagkain ay biglang naging seryoso ito at naging alerto na ipinagtaka naman niya.

"Sienna, stay here" seryosong saad nito ng mailapag ang mangkok na may lamang menudo.

"O-oo naman dito lang ako nagugutom na ako eh" saad niya habang hindi pinapahalata na kinakabahan siya sa biglaang inakto ni Mikhail.

Umalis naman si Mikhail na sinundan niya gamit ang mga mata. Hinintay lang niya si Mikhail hanggang sa bumalik ito ngunit nagulat siya at nataranta ng biglang makarinig siya ng basag na vase.

"Mikhail anong nang......yari?" nanlalaki ang mga mata ni Sienna ng makitang nasa sahig si Mikhail habang ang vase ay basag.

May limang kalalakihan kasing nakapasok sa bahay at kinalaban nila si Mikhail. Agad niyang nilapitan si Mikhail at inalalayan sa pagtayo.

"Okay ka lang ba Mikhail? Sino ba sila?" nag-aalala niyang tanong dito.

"I'm fine. Umalis ka dito. I can handle this" Aangal pa sana si Sienna ngunit tinignan siya ni Mikhail ng nakangiti kaya naman kahit natatakot sinunod niya na lang ito.

Agad siyang tumakbo patungong kwarto nila na matatagpuan sa second floor. Ngunit nakakaisang baitang pa lang siya ng biglang may tumutok sa kanya ng baril mula sa itaas ng hagdan.

"Saan mo balak pumunta, Miss Sienna?" nangingising tanong nito.

Napaatras naman si Sienna dahil sa takot na barilin siya nito. Ang lalaki namang may hawak na baril ay humahakbang pababa ng hagdan habang nakangisi sa kanya.

Napalunok naman ng laway si Sienna dahil doon. Napatingin naman siya sa gawing kanan niya kung saan nakita niyang nakikipaglaban si Mikhail sa limang lalaki na sa tingin niya ay malalakas.

"S-sino kayo?! Paano niyo natuntun ang lugar na'to!" matapang niyang tanong kahit na natatakot siya.

"Tinatanong pa ba yan? Naandito kami para kidnappin kayong dalawa. Kaya naman kung ayaw mong masaktan sumunod ka sa mga sasabihin ko" Ngisi-ngising saad nito.

"As if gagawin ko!" Saad niya sabay ibinato ang vase na nahawakan niya ng makapa niya ito buhat sa pag-atras niya.

Natamaan naman ang lalaki sa noo dahilan para mapaaray ito. Tumakbo naman si Sienna papunta kanila Mikhail ngunit napahinto siya ng hawakan siya sa buhok ng lalaking binato niya ng vase.

"Halika ditong babae ka! Ang sakit ng ginawa mong hayop ka!" galit na sigaw nito sabay hinablot ng husto ang buhok niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit.

"Aaah! Aray! Bitawan mo ako! Mikhail! Tulungan mo ako!" hingi niya ng tulong dahilan para maagaw niya ang atensyon ni Mikhail.

Napamura naman si Mikhail at agad na tumakbo patungo sa kanya ngunit natamaan ito sa balikat ng bala ng baril buhat sa isang lalaking nagpaputok.

Hindi naman ininda ni Mikhail iyon ngunit para kay Sienna ay napakasakit noon.

"Bitawan mo siya! Huwag na huwag mong ihahawak ang madumi mong kamay sa kanya!" galit na sigaw ni Mikhail at sa isang iglap lang ay tumba na ang lalaki at naliligo na ito sa sarili nitong dugo.

Hindi naman alam ni Sienna kung paanong nangyari iyon basta ang alam lang niya ay hawak hawak siya nito.

"Are you okay? Are you hurt?" sunod sunod na tanong nito habang sinuri siya mula ulo hanggang paa.

"I-i'm okay, Mikhail" sagot niya dito habang nakatitig siya dito at hindi makapaniwala sa nangyari.

Nahalata naman ni Mikhail iyon kaya tumayo ito ng tuwid at tinignan siya sa mga mata.

"I'm sorry nakita mo pa yon" may lungkot sa mga matang saad nito.

Pero nagulat naman si Mikhail ng ngitian niya ito at haplusin ang pisngi.

"Okay lang. Walang kaso iyon sa akin, Mikhail. Salamat" saad niya na ikinaliwanag ng mukha nito.

"Akala ko matatakot ka sakin kaya naman-------" pinutol niya ito sa pagsasalita.
"Ssssssh why would I?" saad niya dito sabay ngumiti ng matamis.

"Aaaaah....Tapos na ba kayo?" dahil doon ay itinago siya sa likuran ni Mikhail habang ito ay nakatingin ng walang buhay sa limang lalaki.

"Give me one minute Sienna, and we will continue what we've doing earlier" saad nito sabay kinasa ang baril na hindi alam ni Sienna kung saan ito nakuha ni

Mikhail.

"Oh sige, one minute lang ah" tiwalang saad niya dito na ikinangisi nito.

Nagsitayuan naman ang balahibo ni Sienna dahil doon. Napakurap naman si Sienna sa sobrang bilis ng pangyayari. Wala pa atang trenta segundo ay napatumba na ni Mikhail ang dalawang lalaki. Parehas na itong naliligo sa sariling dugo.

"Ngayon tatlo na lang kayo" saad nito sabay tumingin sa tatlo ngayon na nanginginig na ang tuhod.

"Your wrong Mr. Miller, apat pa kami" saad ng isang lalaki out of nowhere na ngayon ay nasa likod na ni Sienna habang ang baril nito ay nakatutok sa sintido niya.

Nanlaki naman ang mata ni Sienna at si Mikhail ay parang binuhusan ng malamig na tubig.

"P-paanong........M-mikhail" natatakot niyang saad sabay tumingin kay Mikhail na ngayon ay walang buhay ang mga mata.

"One wrong move or else She's dead" may babalang saad nito dahilan para matigilan si Mikhail sa kinatatayuan nito.

"Pakawalan mo siya" utos ni Mikhail na ikinatawa nito.

"Why would I? Oh! Ganoon ba siya kaimportante para umakto ka ng ganyan, Mr. Miller?" nakangising saad nito sabay inihaplos sa pisngi ni Sienna ang dulo ng baril dahilan para maramdaman niya ang lamig nito.

Nanginginig naman sa takot si Sienna at pakiramdam niya ay maiihi siya sa sobrang takot.

"My Wife" tawag sa kanya ni Mikhail dahilan para tignan niya ito.

"B-bakit?" utal niyang sagot dahil sa takot.

"Do you trust me?" seryosong saad nito.

Hindi naman alam ni Sienna ang isasagot sa tanong nito. Kasi kahit na magkasama sila sa loob ng isang linggo.

Kahit na nagpaubaya na naman siya at nagpatangay sa bugso ng damdamin hindi pa rin niya alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan si Mikhail.

Pero ngayon dapat nga ba niyang pagkatiwalaan na ito?. Napalunok na lang siya ng laway at nagpasya na.

"Y-yes, I-I trust you, Mikhail" saad niya na ikinangiti nito.

Kaya naman kasabay ng pagbitaw nito sa baril kasabay ng pagtalsik ng lalaki sa pader at agad siyang niyakap ni Mikhail. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari napapikit na lamang si Sienna at hinayaan si Mikhail na protektahan siya.

Rinig na rinig niya ang sigawan ng apat na lalaki sa buong bahay. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito mula sa ibinibigay sa kanila ni Mikhail. Rinig din niya ang mga putok ng baril.

"Pwede ka ng dumilat, wife" saad ni Mikhail na agad niyang sinunod.

Pagkadilat ng mga mata niya tumambad sa kanya si Mikhail na puro dugo. Agad naman siyang nag-alala ngunit natigilan siya ng makita ang paligid.

Puro talsik ng dugo ang dingding habang ang mga lalaki ay hindi na makilala dahil sa sobrang bugbog ng katawan nila.

"M-Mikhail ginawa mo ang lahat ng ito?" kabado niyang tanong.

"Yes wife, ito ako. Ito ang totoong ako" pag-amin nito sabay naglakad palapit sa kanya ngunit tumigil ng isang metro na lang ang layo nito sa kanya.

Hindi naman alam ni Sienna kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga nakita.

"Are you afraid of me?" tanong nito na ikinatigil niya lalo.

Pinagmasdan naman niya ng mabuti si Mikhail. Inalala ang mga nangyari sa kanila. Sa bawat oras na magkasama sila. Sa mga araw na pinagsaluhan nila.

Kung tutuusin dapat hanggang ngayon kinamumuhian niya ito. Ngunit matapos ang isang linggo na magkasama sila, parang mas gusto pa niyang malaman at intindihin si Mikhail.

May parte kasi sa kanya na gustong gusto pang kilalanin ito. Ngunit may parte sa kanya na gusto niya na itong layuan.

"Nope. I'm not Mikhail" saad niya sabay ngumiti.

Dahil doon nakita niya ang kislap sa mga mata nito. Napangiti naman din ito at masayang nakatingin sa kanya.

"I'm glad" masayang sambit nito sabay lumapit sa kanya para yakapin ngunit napasigaw ng malakas si Sienna ng biglang may humampas kay Mikhail mula sa likod.

Nanlaki ang mga mata ni Sienna ng bumagsak si Mikhail sa sahig. Agad naman nagsituluan ang luha niya dahil doon.

"MIKHAIL!!!!!" sigaw niya sabay pinuntahan agad si Mikhail.

Napansin niyang wala ng malay ito buhat sa malakas na pagkahampas dito.

"Bakit mo siya hinampas ng malakas?! Paano kung mapatay mo siya?! We need him alive! Damn it!" galit na sigaw niya sa lalaking humampas dito.

Dahil doon humingi ng paumanhin ang isa. Tumayo naman si Sienna at pinagpagan ang tuhod. Sinamaan naman niya ng tingin ang lalaking humampas dito.

"Your dead if you killed him" babalang saad niya dito. "Clean this mess! And bring him to dad!" utos niya sa mga lalaking nagtatago lang sa kung saan.

Nagsilabasan naman ito at agad siyang sinunod. Napatingin naman siya sa paligid. Napakakalat, puro talsik ng dugo ang pader, sira ang ilang mga gamit, basag ang ilang mga salamin ng bintana, at higit sa lahat nagkalat ang pitong bangkay na pinatay ni Mikhail.

Napabuga na lamang ng hangin si Sienna at walang buhay na tinignan si Mikhail habang buhat buhat ng isang lalaki.

Mukhang na hulog sa pain ang isang Miller....

Ngunit natigilan siya ng makitang dumudugo ang braso nito. Nakaramdam naman siya ng pag-aalala ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at tinalikuran ito sabay lumabas ng bahay at sumakay sa van.

Bago niya tuluyang isara ang pinto ng van napatingin muna siya sa kabuuan ng bahay.

Paalam na sayo........

Sabay tuluyan na niyang sinara ang pinto ng van sabay pinatakbo na iyon ng driver. Habang nasa daan hindi niya maiwasang maalala kung paano ba o anong taktika ang gagawin nila para mahulog sa mga kamay nila ang Miller na malaki ang atraso sa kanila.

"Lorenzo, ano ng plano mo?" Tanong ni Amanda habang nakaupo sa pang-isahang sofa habang si Lorenzo ay nakatayo paharap sa bintana.

"P-plano? For what, papa?" naguguluhang tanong ni Sienna.

Hindi naman kumibo si Lorenzo dahil nasa malayo ang mga tingin nito. Tila ay masyadong malalim ang kanyang iniisip dahilan para lapitan ni Sienna ang ama sabay tapikin sa balikat.

"Pa, what's wrong? What does Amanda mean?" bumuntong hininga naman ang ama niya sabay hinarap siya pati si Amanda.

"Plano para pabagsakin ang Miller" seryosong saad ni Lorenzo na ikinagulat ni Sienna.

Parang wala man lang ito kay Amanda kahit na ang kapatid pa nito ang pinag-uusapan.

"Pabagsakin? Bakit? I mean......diba kapatid mo si Orlando, Amanda?" naguguluhang tanong niya dito sa ginang.

"Ang totoo ako at si Orlando-------" hindi na natapos ang sasabihin nito ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Lathea kasunod ang lalaking nakamaskara.

Natuon naman ang atensyon ni Sienna sa lalaking nakamaskara dahil pakiramdam niya nakita niya na ito kung saan.

"Yes, they are siblings. So what you care?" mataray na saad ni Lathea sabay umupo sa mahabang sofa at nagdeotso pa sabay krus ng braso.

Sinaway naman ito ni Amanda ngunit parang wala lang ito sa dalaga. Bigla namang kumulo ang dugo ni Sienna dito dahil sa pagtataray nito.

Ito ang kinaaayawan niya kay Lathea. Pag nasa harap ng camera, akala mo isang anghel na tinubuan ng pakpak. Ngunit pag wala na ay isang demonyo pala.

"That's enough. Back to the real topic" sita sa kanila ni Lorenzo.

Napaikot na lang ni Sienna ang mga mata niya at itinuon ang atensyon sa ama.

"I need your cooperation so please listen to me, lalo ka na" sabay tinignan siya ng ama.

"Bakit ako?" tanong niya dito.

"Dahil ikaw ang alas namin kapag nagkabulilyasuhan anak" sambit ng ama.
Napatango na lamang si Sienna at nakinig sa plano.

"Dahil alam kong walang puso si Orlando, sorry Amanda" paumanhin ng kanyang ama sa ginang.

"It's okay Lorenzo, alam ko naman na iyon. Ang gusto ko lang mabago ko ang aking kapatid. Gusto kong bumalik ang dating siya. Kaya gagawin ko ang lahat para lang sa ikabubuti niya" litanya ng ginang ngunit nakaramdam ng kakaibang bagay si Sienna sa isinambit nito.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin malinaw kay Sienna kung paano at bakit magkapatid sina Amanda at Orlando. Sinabayan pa ng pagpapakasal nila Lathea at Mikhail.

Kung magkapatid ang dalawa. It means Lathea and Mikhail are cousins.

"Una nating gagawin, papasukin natin ang business ni Orlando. Uumpisahan nating pabagsakin ito pagkatapos ay ang organization niya. Alam kong hindi madali ang gagawin natin pero may mga nakausap na ako na tutulong sa atin. Amanda, ikaw na ang bahala sa organization dahil alam kong marami kang alam patungkol doon at isa ka sa miyembro. Ikaw ang magiging mata at tenga namin" agad namang sumang-ayon ang ginang.

"Pagkatapos? How about Mikhail, papa?" tanong niya sa ama.

"Ako ng bahala kay Mikhail tutal naman malapit na kaming ikasal, and, by the way invited ka nga pala. Gusto mo bridesmaid kita para naman makita mo kung gaano ako kamahal ni Mikhail?" may pang-aasar na saad ni Lathea sa kanya.

"Sure! Why not? Para naman makita ko kung paano mo alagaan ang duming itinapon ko na" balik na asar niya dito dahilan para samaan siya ng tingin ni Lathea.

Incest!!!

"Tama na yan! Hindi ito ang tamang oras para jan!" saway ng kanyang ama dahilan para matahimik sila "Patungkol kay Mikhail, si Lathea na ang bahala doon" ngunit napansin niyang tinignan siya ng kanyang ama ng may pag-aalala.

What's with that stare????

"Good. Thanks Mr. Lorenzo" saad ni Lathea sabay tumingin sa kanya ito at nginisihan siya.
Napairap na lamang siya dito.

"Pero pag nakahalata siya. Ikaw Sienna, anak, ang magiging alas ng lahat" napatango na lamang siya at nginisihan si Lathea dahilan para mag-usok ito.

Bleeee!! Buti nga!!

"Ma'am, naandito na po tayo" nagulat naman si Sienna ng biglang kuhitin siya ng driver na kanina pa pala nakatayo sa labas ng pintuan ng van.

"H-huh? Ah I know, thank you" saad niya ng alalayan siya nitong makalabas ng van.

Napansin niyang napalalim ang pag-iisip niya kaya hindi na niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng safe house.

Agad namang binaba ng dalawang lalaki si Mikhail na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hindi na naman niya binigyan pansin ito bagkus pumasok na siya sa loob.

"I'm here, pa. Sorry kung natagalan ako" paumanhin niya sabay yumakap sa ama.

"It's okay my princess. Pasensya ka na kung idinamay pa kita dito" napangiti naman siya dahil alam niyang mabuting tao pa rin ang kanyang ama kahit na andaming nangyaring masamang bagay sa kanila.

"Oh Iha nandito ka na pala" sambit ni Amanda sabay sinalubong siya ng yakap.

Tinugon naman niya ang yakap nito at nakipag beso. Ngunit parang may iba siyang naramdaman. Parang may mali.

"Maayos ba ang pakikitungo sayo ng aking pamangkin, iha? Sinaktan ka ba niya? Nalaman ba niya ang plano natin?" sunod sunod na tanong nito.

Natahimik naman si Sienna at inobserbahan ng maigi si Amanda. Para bang may kakaiba sa ginang. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon.

"Okay lang naman po. Hindi niya ako sinaktan, katunayan sinagip niya ako ng pasukin ang bahay. Akala niya sasaktan ako ng mga iyon pero mali siya. Kaya naman nahulog siya sa patibong" sabay ngiti niya dito at tumingin sa ama. "Pa, magpapahinga lang po ako. Ikaw na po ang bahala sa kanya" tumango naman ang ama niya at naglakad na siya patungong ikalawang palapag kung saan makikita ang kwarto niya.

Ngunit bago mawala ng tuluyan ang paningin niya sa ama at sa ginang sumulyap siyang muli dito. Kumunot naman ang noo niya ng may kakaibang ngiti sa ginang habang nakatingin ito sa ama niya.

Napailing na lang si Sienna at tumuloy na sa paglalakad. Nang makapasok na sa kwarto ibinagsak niya ang kanyang sarili sa kama. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simulan nila ang plano.

Nung una ay naguguluhan pa siya kung bakit siya ang sinasabing alas sa plano pero ngayon naiintindihan na niya. Nabigo kasi si Lathea dahil si Mikhail na mismo ang lumapit sa kanya. Kaya siya na ang gumawa ng paraan para mahuli ito sa bitag.

Umunat naman si Sienna at ninamnam ang lambot ng kama. Napatingin siya sa kisame at inisip kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat.

"Anak, Sienna, can I come in?" saad ng ama habang kumakatok sa kanyang pinto.

"Sure, pa" sabay bumangon siya at umayos ng upo sa kama.

Bumukas naman ang pinto at niluwal nito ang kanyang ama. Ngumiti ito sa kanya para ngitian niya din ito.

"How was it? How was your day with that man? And, how are you, my princess?" sunod-sunod na tanong sa kanya ng ama.

"I'm fine, pa. Maayos naman ang trato sa akin ni Mikhail. Tulad ng sinabi ko kanina, iniligtas niya ako pero hindi niya alam palabas lang ang lahat" sabay ngumisi siya na ikinatigil ng ama.

"Hindi yan ang gusto kong malaman, anak." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito.

"Ano po pala?" tanong niya dito.

"Alam mo na yun, anak" makahulugang sambit ng ama dahilan para maguluhan siya.

Ginulo naman ng ama niya ang kanyang buhok sabay tinap ang balikat niya. Pansin niya na may kakaiba din sa ama niya na hindi niya maipaliwanag. Kaya ngayon pakiramdam niya may itinatago sa kanya ito.

"Pa, okay ka lang po ba?" may pag-aalalang tanong niya dito.

"Oo naman anak, lalo na't unti-unti ng natutupad ang mga plano natin" saad nito sabay tumalikod sa kanya at nagtungong pinto.

Tinignan lang niya ang ama at binabasa ang galaw nito na isa ring itinuro sa kanya ni Mikhail.

Sa loob kasi ng isang linggo tinuruan siya ni Mikhail kung paano ipagtanggol ang sarili, kung paano basahin ang bawat galaw ng tao, kung paano mag-isip ng tama sa isang mahirap na sitwasyon at marami pang iba.

"Anak, do you trust this old man in front of you?" natawa naman siya sa sinaad ng ama.
"Of course!" natatawang sagot niya na ikinangiti ng ama.

"Okay then. Trust me till the end" makahulugang saad nito sabay lumabas na ng kwarto niya.



"I'M FINE Miss Cass. I'm sorry if I make you worried. I'm totally fine. Ikaw na bahala mag-isip ng palusot sa kanila" natatawa niyang saad dito habang kausap sa cellphone.

"Seriously?! My gosh baby Sie! Isang linggo ka ng walang paramdam tapos eto! Eto lang ang sasabihin mo!" pagkasiphayong saad ni Cassidy.

"I know Miss Cass but I'm fine. Don't worry, okay?. Anyway, babalik rin naman ako pag natapos ko na ang dapat kong tapusin. Basta ikaw na bahala sa kanila. I'll hung up now, I love you! Oh by the way, just tell to-------" hindi na natapos ni Sienna ang sasabihin niya ng sumabat sa usapan si Niks ang kaibigan niya dahilan para mailayo niya ang cellphone sa kanyang tenga.

"I heard you, bitch! Arrrgh!!! You!! I'm gonna kill you when I saw you! You make me worried!" sigaw nito para mapangiti na lang siya.

"I love you too, beb!" sabay kumiss pa siya sa hangin at pinatay na ang tawag.

Nangingiting inilapag niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng drawer at magpasya ng maligo. Kumuha naman siya ng damit sa kanyang maleta at sabay nagtungo sa banyo upang pumailalim sa malamig na tubig.

Habang nasa ilalim ng malamig na tubig, biglang pumasok sa isip ni Sienna ang mga tinginan ng kanyang ama. Pati kay Amanda na para bang may ipinapahiwatig ito. Ngunit iwinaksi niya na lang ang isipin at itinuon sa ginagawa niya ngayon------ang pagligo.

Anak, do you trust this old man in front of you?

Napahinto si Sienna sa pagsashampoo ng buhok ng biglang marinig niya ang boses ng ama sa kanyang isipan. Napaisip ulit siya kung anong ibig sabihin ng mga salitang iyon.

Kung bakit ganun na lamang ang emosyong nakita niya sa mga mata ng kanyang ama. Para bang may balak itong gawin na may kaugnayan sa kanya.

O baka naman inaalala lang ng kanyang ama ang naging ugnayan niya kay Mikhail.

Tama! Ayun lang yun

Pagkumbinsi niya sa kanyang sarili at ipinagpatuloy ang paliligo. Pagkatapos maligo agad siyang nagbihis at tinuyo ang buhok.

Naglagay lamang siya ng pulbo sa mukha at liptint sa labi sabay lumabas na ng kwarto at nagtungo sa sala.

"Where's my papa?" tanong niya sa lalaking nakatayo sa gilid ng hagdan.

"Nasa basement po, Miss Sienna" magalang na saad nito sabay yumukod.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito at nagtataka kung anong ginagawa roon ng kanyang ama.

"Bakit siya naandoon? Anong ginagawa niya doon? Sino ang kasama niya doon?" sunod-sunod niyang tanong dito.

"A-ah Miss Sienna kasi po......hindi ko po kayo masasagot tungkol jan" napapantistakuhang tinignan niya ito sa mga mata at napansin niyang parang iniiwasan siya nito.

"May tinatago ba ang aking ama na hindi ko dapat malaman?" tinaasan naman niya ito ng kilay.

Napansin niyang pinagpawisan ito ng butil butil at halatang nanginginig ito. Nagtaka naman si Sienna sa ikinikilos ng lalaki.

What's wrong with this man? Nakakatakot ba ako?

Magsasalita pa sana si Sienna ng biglang lumitaw ang kanyang ama sa kung saan. Napairap na lamang siya sa lalaki at pinameywanganan ang ama.

"May dapat ka bang sabihin sa akin, papa?!" mataray niyang tanong dito dahilan para itaas nito ang kamay na parang sumusuko na.

"Wala naman anak. Bakit mo na itanong?" kamot-batok na saad nito sa kanya.

Tinaasan naman niya ng kilay ang ama at sinuri ang kabuuan nito. Nakikita niyang nakakailang lunok ito ng laway, pinagpapawisan ng maliliit na butil, at higit sa lahat ang mga mata nitong paiba-iba ng kislap.

"Lorenzo! Sienna! Nandito lang pala kayo. Halina kayo at kakain na tayo" yaya nito sa kanila.

Isa rin 'to kahina-hinala din

"Tara na anak, kakain na daw tayo" yaya ng kanyang ama sa kanya dahilan para hindi niya ito makilatis.

Tinignan naman niya ito ng masama dahilan para mapangiti sa kanya ang ama sabay iginaya siya patungong dinner table.

Pagkadating nila doon agad kumulo ang tiyan ni Sienna at naglaway dahil sa dami ng pagkain isabay mo pa ang umaalingasaw na bango nito.

"Umupo na kayo at kakain na tayo" sumunod naman agad silang mag-ama sabay nilagyan ng kanyang ama ang plato niya.

Imbis na magpasalamat pinandilatan niya ito ng mata dahilan para mapangiti ito ng pilit.

Matapos siyang lagyan ng pagkain ganun na rin ito at kumain na sila. Ngunit kinutuban si Sienna dahilan para hindi niya isubo ang pagkaing inilagay sa kanya ng ama.

"What's wrong iha? You don't like the food?" tanong sa kanya nito dahilan para hindi rin naituloy ng ama ang pagsubo ng pagkain.

"Bakit anak?" tanong din sa kanya nito.

Para namang hinahalukay ang tiyan ni Sienna at pakiramdam niya ay maduduwal siya pero hindi. Humilab ang tiyan niya dahilan para mapahawak siya dito at walang sabi-sabing tumayo siya sabay tumakbo patungong banyo.

Matapos sumuka bumalik siya sa hapagkainan sabay napansin niyang masuri siyang tinitignan ng kanyang ama at si Amanda naman ay nakangiti lang.

"Ano hong meron? Bakit ganyan ang tinginan niyo?" taas kilay na saad niya sa mga ito.

Umiling lang ang dalawang matanda sabay tahimik na kumain. Pagkatapos kumain palihim niyang sinundan ang ama niya patungong basement ngunit biglang may tumapik ng balikat niya dahilan para magulat siya.

"Sssssh! Don't make a noise, Miss Sienna" saad ng lalaking nakamaskara.

"At bakit?" mataray na saad niya dito.

Nabigla naman ito sa kanya ngunit bumawi rin ito. Si Sienna naman ay pinakatitigan niya ito ng maigi at inisip kung saan niya ito nakita.

"Did we met before?" pag-uusig na tanong niya dito habang nanliliit ang mga matang tinignan niya ito.

Hindi naman niya makita ang emosyon sa mga mata nito dahil natatakpan ito ng maskara. Tanging kulay lilang mga mata lang ang nakikita niya.

"I think so, Miss Sienna" saad nito sabay yumukod at naglalakad patungong ibang direksyon.

Sinundan niya lang ito ng tingin at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Dahil doon ay mas tumitindi ang kutob ni Sienna. Napabuga na lamang ng hangin si Sienna at nagpasyang pumunta sa living room upang aliwin ang sarili.

Nang nasa living room na siya nakita niya doon si Amanda na naglilinis. Kaya naman tahimik siyang umuposa pang-isahang sofa.

Ngunit napansin naman siya ni Amanda dahilan para ngitian siya nito. Tango lamang ang sinagot niya dito at itinuon ang atensyon sa TV na hindi man lang nakabukas.

Pero nakikita niya doon si Amanda kung anong ginagawa nito. Habang pinapanood niya biglang pumasok sa isip niya ang tungkol kanila Lathea at Mikhail.

Gusto niyang tanungin ito ngunit hindi naman niya alam kung anong itatawag niya dito. Nagdadalawang isip siya kung Ginang o Madam o tanging pangalan na lang nito.

"May sasabihin ka ba, Iha?" nakahinga siya ng maluwag ng ito na mismo ang unang nagsalita.

"Opo, pero......" nginitian naman siya nito. Bumuga muna siya ng malalim na hininga bago nagpasyang itanong na ang gumugulo sa isip niya.

"You and Mr. Orlando is sibling, right?" umpisa niya dito.

"Oo, iha, bakit mo na itanong?" sagot nito sabay itinigil ang paglilinis.

"Naguguluhan lang kasi ako o mas magandang sabihin, wala akong maintindihan sa nangyayari" Kumunot naman ang noo ni Amanda sa tanong niya.

"Bakit ka naman naguguluhan?" tanong sa kanya nito.

"Kasi naman....Diba ho magkapatid kayo ni Mr. Orlando ang tatay ni Mikhail tapos, nanay ka ni Lathea. Ang hindi ko ho kasi maintindihan, bakit si Lathea at Mikhail magpapakasal? Ano yun? Incest?" nagulat naman si Amanda sa sinabi niya.

Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Napangisi naman ng lihim si Sienna dahil nasisiguro niyang may tinatago ang mga ito.

"Huwag niyo na lang po pansinin ang sinabi ko. Curious lang kasi ako, sabagay ganoon naman ang mga mapepera diba? Ayaw nilang maagaw ng iba ang pera nila. Kaya ganun, Am I right, Amanda?" sabay ngisi niya at tumawa. Natawa siya patungong cr.






TO BE CONTINUE.............

- W
- FB ACCOUNT ¤MIEMIE PENN REVYS-BEOWULF¤
- FB PAGE ¤W STORIES¤
- TWITTER ACCOUNT ¤@W25424675¤

Fortsett å les

You'll Also Like

352K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.5M 13.8K 32
xxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibig...
244K 3.6K 21
Story about a husband who discovered her wife is cheating on him. Ang masaklap pa kitang kita ng dalawa niyang mata na may ginagawang milagro ito kas...
211K 2.6K 12
COMPLETED. UNEDITED. SPG. R-18. MATURE CONTENT. Read at ur own risk. ××× Thunder Villegas' story FINISHED: January 20, 2021