Highschool Life

By claireJLM13

12.9K 397 44

Ako si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 26
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Trivia ng Story na 'to
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
SPECIAL CHAPTER

Chapter 44

136 9 4
By claireJLM13

Ito naman ay flashback noong Grade 10 sila.

Diana's POV

Malapit na bakasyon at mag eend na ang buhay Junior Highschool namin. Mag sisimula na ang stresssss. Madaming projectssss.

"Nagsawa na ata yung teachers natin magturo satin kasi wala ng sumusulpot." tulalang sabi ni Claire.

Totoo, kasi patapos na ang school year hindi na nagtuturo pero I'm sure marami silang ginagawa. Baka ginagawa nila yung cards namin.

"Anong plano niyo sa senior high school?" tanong ko.

"Ako feeling ko HUMSS kasi yung pagiging police nakapaloob siya doon." Paliwanag ni Claire.

"Bakit ka nagagalit?" Natatawang biro ni Althea.

"Aray!" himutok ni Althea, binatukan kasi siya ni Claire.

"Masakit?" pang-aasar naman ni Sandra.

"HAHAHAHAHA." tawa nina Jenny at Rosendall.

"Lilipat ako ngayong Senior High guys..." biglang sabi ni Rosendall.

"Bakit?" sabay-sabay na tanong namin.

"...pero pipilitin ko si Mamey na dito ako sa college." nakangiting sabi niya.

"Aw. Mamimiss ka namin." naiiyak na sabi ni Sandra at niyakap si Rosendall.

"Pa'no na si Xander?" natatawa-naiiyak na sabi ni Althea at lumapit din para yakapin si Rosendall pero pinalo lang siya.

"Baka sumunod nga yun e." sabi ni Rosendall na parang kilig na kilig pa.

"Diana! Manliligaw mo!" biglang sigaw ni Althea. Napatingin ako sa pinto at nakita doon si Charles.

Napangiti lang ako. Dati pinapangarap ko lang to ngayon pinapangarap niy na ako. Chos.

Pumunta ako pinto. "Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko.

"Para mapasagot ka." seryosong sabi niya. Napatigil naman ako at parang nawalan ng hangin sa paligid ko.

"Kita na lang tayo mamaya." sabi ko. Nahihiya kasi ako. Ano ba isasagot ko?

"Sige. Bye!" kumaway lang ako.

Bumalik ako sa upuan ko at ang tingin ng mga kaibigan ko ay parang nang-aasar.

"Sinagot mo na ba?" malikot na sabi ni Althea. Parang siya ata kinikilig, hindi ako.

"Hindi pa." sagot ko.

"So, may plano? Hindi pa." tanong ni Jenny.

Nagkibit-balikat lang ako." Ewan." nalilitong sabi ko.

"Wow! Wow! Choosy ka pa inday! Lumalapit na yung grasya! Tukain mo na!" sigaw ni Claire. Wild din to talaga minsan.

"Grabe! Isang taon na yan nanliligaw. Kung ako lang yan kami na niyan." pang-aasar ni Rosendall.

Matapos ang paninisi at pang-aalispusta nila sakin. Charot. Nandito na ako ngayon sa labas, papunta na ako sa gate ng school. Tanaw ko na rin ang kumikinang na mukha ni Charles. Hindi naman siya oily, charot charot lang yung kumikinang.

"Diana!" tawag niya saakin ng nakangiti.

"Oy C-charles! Tara coffee." aya ko.

"Dapat ako nag-aaya sayo. Pero sige tara." nagpapacute niyang sabi.

Habang naglalakad ay nagkukwento siya sa buhay niya.

"Ito may sasabihin ako sayo, wag kang magagalit ha." tumango lang ako.

"Kapatid ko si Marky."

"Woah? Sabi na nga ba! May hawig kasi kayo."

"Di ka galit?" tanong niya.

"Bakit ako magagalit?"

"Ah w-wala wala!" sabi niya at napakamot sa batok niya.

Nang makarating kami sa coffee shop ay mga 20 minutes lang kami don at umuwi na rin. Hinatid na ako ni Charles kasi may dala naman daw siyang kotse.

Nang makarating sa bahay ay parang walang ng kabuhay-buhay ang lahat. Simula kasi ng mamatay si papa ay parang naglaho ang konting kasayahan sa loob ng bahay. Si mama laging nagtratrabaho, hindi na nga nagpapahinga pati dito sa bahay nagdadala ng paperworks niya sa opisina at si Ash parang traumatized sa mga nangyayari.

Flashback

Bakasyon na at walang akong magawa dahil wala man lang nag-aya ng gala ang mga kaibigan ko.

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig ngunit pagkatapos kong makainom ay biglang nadulas sa kamay ko ang baso na may laman pa ng konting tubig.

"AY!!!" sigaw ko dahil sa pagkabigla.

"ANO YON? BAKIT?? ANO NANGYARI??" o.a na sabi ni Manang.

"Ikaw talaga di ka nag-iingat. Ako na maalilinis, doon ka na." sabi ni Manang.

Di na ako umimik dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sigurado dahil sa gulat at pag-inom ng kape. Nasanay na kasi ako sa pag-inom ng kape.

Pumunta na ako sa sala at binuksan ang TV at kinuha ang selpon. Binuksan ko ang TV pero mag seselpon lang ako.

Nag online ako sa facebook. May 5 messages, 10 notification, 14 friend request. Grabe naman, dalawang araw lang akong di nag online.

Una kong pinindot ang messages. Sina Claire, Althea, Jenny,group chat ng section namin kahit bakasyon na pero active pa din at si MAMA!

SA WAKAS, NAG-CHAT DIN SIYA.

Binasa ko muna ang kay Claire, nag tatanong lang kung ano daw buong pangalan ni Nonoy Aquino, nababaliw nanaman yon kaya di ko na nireply-an. Sunod naman yung kay Althea, 'HAHHAHAHHAHAHAAHAHAHAHHAHAHHAHAAAAHAHHAHAHAHAHAH' yan yung chat niya, baliw din ang isang yon di na rin ako nag reply. Pangatlo ang gc naming walang kakwenta-kwenta, walang saysay yung mga pinag-uusapan nila.

Huli ang message ni mama. Uuwi na kaya sila?

Pero bago ko mabuksan ang message ni mama ay nagsaya muna ako sa isiping uuwi na sila pero sa kasamaang palad nasagi ng kamay ang family picture namin. Nag-bigay iyon ng malakas na tunog sa buong bahay. Ako naman ay halos malagutan ng hininga dahil sa kaba. Kita ko ang mga bubog na nagkalat. Lilinisin ko na sana pero bago ko pa mahawakan ay nauna na ang o.a na tili ni Manang.

"WAG MONG HAWAKAN YAN! NAKU! ANG BATANG ERE TALAGA! KANINA KA PA NAGBABASAG NG GAMIT MAY PROBLEMA KA BA?" o.a nanamang sabi ni Manang.

"W-wala naman Manang." nauutal na sabi ko.

Pagkatapos malinis ni Manang ay binalikan ko ang selpon ko sa sofa at binuksan ang mensahe galing kay mama.

Mama♥♥
•active now

Anak.
3 mins ago.

Bago palang pala.

                                     Bakit po ma
                                       sent

Mama is typing...

Uuwi kami 'nak.
 

                                 Talaga ma? Kailan?
                                  Kasama si papa?
                                        Seen
         

Oo pero 'nak...
Mama is typing...

Patay na si papa.

Parang bigla akong nabingi sa mensaheng iyon. Yung puso ko parang nawalan ng pintig at yung katawan ko namanhid. Bakit? Halo-halo ang laman ng isipan ko habang umiiyak. Ang nasa isip ko lang ay ang mensahe ni mama. Hindi naman yun prank dahil hindi ganon si mama.

"Ate! Manang I'm here po." sigaw ni Ash mula sa pinto.

"Ay nako batang ere talagang inere, ang dami mo nanamang shinopping." sabi ni Manang at nakahawak sa noo niya at parang namomoblema.

"Ate? Why are you crying?" tanong ni Ash. Dali-dali namang lumapit sakin si manang.

"May masakit ka ba? O baka nalaman mong may sakit ka? Nagbreak kayo ng syota mo? Ay wala ka palang syota. Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Sabihin mo sakin!" o.a na sabi ni manang.

"Una Manang, wala akong sakit at wala akong nalaman na may sakit ako.*hikbi*. Wala na nga akong jowa ipapangalandakan mo pa Manang, ang sakit mo naman magsalita Manang porket biyuda ka na at may nahanap kang sweet heart mo." sagot ko sa tanong ni Manang.

"Eh bat ka umiiyak?" tanong ni Ash.

"Si papa..."

"Uuwi na sila?" masayang tanong ni Ash.

"Oo *hikbi* pero si papa..."

"...patay na *hikbi*."

End of Flashback

Sa ngayon nandon pa yung sakit at namimiss ko na si papa. Tinanong ko si mama kung anong dahilan nung pagkamatay ni papa sabi niya na hit and run daw at alam niyang sinadya yun dahil ilang beses ng tinangka ng parehong motor ang nakapatay kay papa. 

Ang goal ko sa ngayon ay yung mahanap kung sino ang pumatay kay papa. Magbabayad sila sa mga nagawa niya/nila.

Nagpatulong ako kay Claire at sa Daddy niya, siya kasi ang makakatulong kaysa sa mga pulis dahil kailangan ko pang pumunta doon para matanong lang sila. Pinili ko na lang kay Tito dahil kaya niyang pumunta doon to investigate.

Gabi na at sobrang tahimik ng paligid ko.

*ring* *ring* *ring*

Claire's calling...

"Hello."

"I have a good news. May nakuha si dad na CCTV footage sa lugar."

Tinanong ko kasi si mama kung saan nangyari, kailan, anong oras, at yung mismong location. Binigay naman ni mama at sinabi ko ipinapa-inbistihan ko sa daddy ni Claire. Nag-agree naman si mama.

"Hellooo... Nandyan ka pa ba?"

"Uh sorry! Talaga? That's great."

"After class pwede kang dumaan dito sa bahay para panoorin."

"Sige. Thank you. Bye."

"Hoy babaita! Teka lang."

"Bakit?"

"Ayos ka lang ba?"

Napahinto ako sa tanong niya. Ayos lang ba ako?

"Ayos saan?" pagmaang-maangan ko.

"You know... Sa Papa mo?"

"Uhm... O-ok lang naman." pagsisinungaling ko.

"Really? You sure?"

"Yeaah-sss. HAHAHA!"

"Okay, goodbye. See you tomorrow."

"Bye. Goodnight. See you."

"Sweet dreams, wag mo sanang mapaniginipan si Charles at Marky." seryosong sabi ni Claire.

"Bak———*toot* *toot"

Alam niya ba na magkapatid sina Charles at Marky, hindi ata baka niloloko lang ako non. Makatulog na nga.

Charles's POV

"You're here huh?" nakangising sabi ko ng makita ko si Marky na nakaupo sa sofa at nakataas ang paa sa center table.

"Congrats! Hindi ka bulag." mapang-asar niyang sabi.

Napatigil kami ng may ingay kaming narinig mula sa opisina ni Daddy.

"What did you do again?" tanong ni Mommy kay Dad.

"I don't know. It's not my fault. It is his fault!" malakas na sagot ni Daddy.

Nagkatinginan kami ni Marky at parehong walang ideya.

"Pwedeng kang mapakulong ng Pamilya ng Alfonso'ng yan kung may makuha silang ebidensya." sabi ng Mommy ni Marky.

Wait? What? Alfonso?

Diana is Alfonso. What are they talking?

Lumapit ako malapit sa pinto ng opisina.

"You killed him. The hell? Are you out of your mind?" umiiyak na sabi ni Mommy.

Shit!

Someone's POV

"I killed her father." my Mom said.

"But Mom we have a plan. Bakit di mo sinunod yon?" frustrated na sabi ko.

"Wag mo akong turuan. I know what I'm doing." galit na sabi nito.

"But—"

"SHUT UP! May kasabwat ako, hindi lang ako. Do wanna know the reason?"

"W-why Mom?" kinakabahan kong tanong.

"'Cause I don't trust your plan. Simple as that." kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

Disappointed, as always. Kailan ba siya di nadisappoint sa lahat ng ginagawa ko?

——

(A/N:)

Hello mga kapitbull! Buhay na ulit ako. Charot lang. Maraming salamat sa pagsuporta at pagbasa nitong story. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Paramdam ka naman. Creepy! HAHAHA! Comment ka lang, huwag kang mahiya. Sa panahon ngayon, dapat wala ng hiya-hiya.

Dedicated ito sa kaibigan kong nag-birthday kahapom. Hello sayo, Inday 'oy! Stay ka lang dyan sa bahay niyo.

-c

Continue Reading

You'll Also Like

70.3K 1.8K 37
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
10.1K 495 23
Lei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siya...
21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]