Chapter 45

69 4 2
                                    

HAPPY 8K MGA KAPITBULLS!


Senior highschool. Grade 12.

Diana's POV

"Hay salamat tapos na ang defense natin." sabi ko. Kakatapos lang ng defense namin, masasabi ko lang 'ang hirap'.

"Kaya nga e." wika naman ni Althea.

"Parang ang dami mo namang nagawa." pambabara ni Sandra.

"HAHAHAHA ang ingay mo." sabi ni Althea.

Sila ang kasama ko dahil kami ang magkakaklase. Sina Jenny at Claire kasi HUMSS kapag uwian lang kami nagkikita-kita at gumagala. Si Rosendall kasi nag-transfer na.

Sakto uwian na namin.

"Punta na tayo sa tambayan hintayin natin sina Jenny at Claire." sabi ni Sandra.

Naglakad na kami papunta sa may kubo malapit sa garden. Doon kasi kami naghihintayan kapag uwian.

Nang makarating kami at mga ilang minuto lang dumating na sina Jenny at Claire.

"First time, nauna kayo. Sa buong Senior highschool life natin ngayon lang kayo nauna dito." di makapaniwalang sambit ni Jenny.

"Gagraduate na tayo doon lang sila nauna." sabat naman ni Claire.

"Grabe naman kayo. Lagi kasi late magpauwi yung teacher namin. Defense namin kaya maaga na kami pinauwi, hiniram kasi time ng lahat ng subject kaya maaga kami nagprepare." nakapout na sabi Althea.

"Tara mall?" aya ni Sandra.

"G." sabay-sabay namin sabi.

"Claire." tawag ko kay Claire. Lumapit naman siya dahil alam niya na kung bakit.

"May bago ba?" tanong ko.

"Wala pa nakukuha, masyado daw malinis ang pagkagawa ng krimen pero sabi ni Daddy for sure makakahanap din tayo ng evidence." Yung nakuha kasing CCTV footage hindi maidentify yung mukha nung nakamotor, nakahelmet na kasi pero may nakita kaming parang tatoo sa may braso, infinity sign.

"Sana nga 'e."

Napahinto kami ng makasalubong namin si Marky. Parang naiilang lang itong ngumiti sa mga kaibigan ko. Pero pagdating samin ni Claire ay napayuko siya.

"Nangyari don?" nagtatakang tanong ko.

"Hayaan mo na yon. Ikaw wag kang masyadong magtiwala sa mga tao na ngumingiti sayo baka sila rin ang mag-pabagsak sayo." weird na sabi ni Claire.

Lately parang naging masama ang tingin niya sa magkapatid na si Charles at Marky. Nung sinabi ko sakanya parang di na siya nagulat parang nagalit pa nga siya.

"H-hahaha baliw! Hindi naman ako ganon no. Alam ko naman yon!" naiilang na sabi ko.

"SIGE TARA NA SA MALL! WUHUU!" biglang masiglang sabi niya at naunang naglakad. Bipolar din ang isang to.

Sumunod naman kami. Isinantabi ko na lang ang mga weird na sinabi ni Claire.

"Ice cream tayo!" excited na sabi ko. Lagi kasi kami nag-a-ice cream dito kapag pumupunta kami. Panata ata namin. Charot.

"Ate pabili po. Ano sa inyo?" tanong ko sakanila.

"Cookies and Cream." Jenny.

"Chocolate." Sandra.

"Cookies and Cream din." Althea.

"Buko Pandan." Claire.

"Ate dalawang Cookies and Cream po, dalawang Chocolate, isang Buko Pandan po." order ko kay Ate.

Highschool LifeWhere stories live. Discover now