Scarred

By BeyondTheLetter

233K 4.4K 6.5K

[ Completed ] Magagawa mo bang maghintay para sa isang minamahal kung ang tanging panghahawakan mo lang ay il... More

Try mo rin Magsulat. : )
From the Readers
About The Story
Prologue: A Look into the Future
Chapter 1: In a Glimpse
Chapter 2: Rock, Scissors, Paper
Chapter 3: A Restless Dream
Chapter 4: A String of Hope
Chapter 6: An Interlude
Chapter 7: What Are Friends For?
Chapter 8: A Token of Promise
Chapter 9: Harder Than You Know
Chapter 10: A Misguided Heart
Chapter 11: Into the Flames
Chapter 12: Taking the First Steps
Chapter 13: Someone Elses Arms
Chapter 14: Reflections
Chapter 15: Look On Up
Chapter 16: Spring in Winter
Chapter 17: Heart on a String
Chapter 18: Last Call
Chapter 19: Beyond a Dream
Chapter 20: Through Her Eyes
Chapter 21: His True Colors
Chapter 22: The Truth About Liars
Chapter 23: A Thousand Miles
Chapter 24: All Mine
Chapter 25: The Sun and The Moon
Epilogue: Those Three Words
Encore [1]: The Secret
Encore [2]: The Confirmation
Encore [3]: The Frontman
Encore [4]: The Overture
Encore [5]: The Collaboration
Encore [6]: The Moonlight
Finale: The Dream (Ending 2)
PostScript
Character Profile - Dante
Extra - List of Characters
Fan Art Compilation
Willav You Always, Anne Margaret.

Chapter 5: Under Our Flaming Skies

7K 194 371
By BeyondTheLetter

(SCAR)

Kasalukuyang nakadungaw si Scar sa bintana at nakangiting pinagmamasdan ang mga ulap sa asul na kalangitan. Kakabangon niya lang mula sa higaan subalit alam niyang magiging napakasaya ng araw na 'to para sa kanya. Bukod kasi sa ito ang huling araw ng taon, masaya siya dahil muli niyang makikita si Dante. Nangako kasi sa kanya ito.

Ilang araw pa lamang ang lumilipas simula nang huli niya itong makita ngunit nasasabik na agad siyang makasama itong muli. Sa kabila nito, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sigurado kung ano bang matatawag sa mayroon sila ng binata.

  Paano ba malalaman kung nililigawan ka ng isang tao? Hindi niya naman ako binibigyan ng bulaklak. Kahit nga chocolate man lang wala eh. Ang alam ko lang eh yung sinabi niyang gusto niya 'ko. 'Yon lang ang alam ko. Aside from that, wala na. Feeling ko tuloy hindi naman totoo ang sinagot niya sakin no'n.


  Habang naglalakbay ang isipan kasabay ng magabal na pag-usad ng makakapal at malabulak na ulap sa himpapawid ay narinig niya ang mahinang pagkatok sa labas ng pinto ng kanyang k'warto.

  "Yes, tita?" bungad niya nang pagbuksan ito. Agad niya itong nginitian.

  "Ganda naman ng gising ng Let-Let namin. Siya nga pala, nagpadala pala ang mommy mo ng panghanda natin mamaya. Mamimili ako. Sumama ka para ikaw mismo ang makapili ng gusto mo," nakangiting sabi sa kanya ng kapatid ng ina na kasalukuyang tumitingin sa kanila simula nang lumipat sila sa tirahan nito tatlong buwan na rin ang nakararaan.

  Nasa ibang bansa kasi ang kanilang ina na nagtatrabaho bilang isang nurse. Wala naman silang kahit anong balita tungkol sa ama. Hiwalay na ang mga ito simula noong sanggol pa lamang siya. Ni hindi niya nga alam kung anong itsura ng kanyang ama o kung totoo mang mayroon talaga siyang ama. Simula't sapul kasi'y tanging lola niya lamang ang nakagisnan niya hanggang sa pumanaw ito tatlong buwan na rin ang nakalilipas.

  "Okay po. Susunod na po ako."

*****

  Excited na nagtatalon sa kama si Scar matapos nilang makauwi galing sa mall. Nakasalubong at nakausap niya kasi nang sandali ang mga kaibigan ng binatang si Dante noong namimili sila ng kanyang tita sa pamilihan. Noong una'y nanlulumo siya dahil hindi nito kasama ang binata subalit agad na napalitan iyon ng kasiyahan nang may ibinulong ang isa sa mga ito sa kanya. Isang sikretong ipinangako niya na hindi niya ipagsasabi kahit kanino.

"Tyaka ka na raw niya susubukang ligawan kapag teenager ka na rin."

  Mangilang beses na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga salitang 'yon at sa bawat pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti.

    Totoo kaya 'yon?

  Matapos maglinis ng k'warto ay muli siyang bumaba at agad na nagtungo sa kusina.

"May mga bisita ba kayo mamaya?" tanong ng kanyang tita habang tinutulungan niya itong mag-asikaso ng mga ihahanda nila para sa pagsalubong sa bagong taon.

  "Meron po, ilang kaibigan lang. Pero si kuya sigurado kasama na naman yung mga kabanda niya na parang mga 'di naliligo."

  "Grabe ka naman sa mga kaibigan ng kuya mo, Scar, halika nga rito at pakihiwa 'tong sibuyas."

  "Joke lang naman po e. Ang totoo, crush ko yung isa sa kanila kaso may girlfriend na yata 'yon e," nakangiting paliwanag niya bago kinuha ang mga sibuyas sa plastic at sinimulan itong balatan.

  "Tigilan mo muna 'yang crush-crush na 'yan at napakabata mo pa. Paluin kita d'yan eh," natatawang biro sa kanya nito habang nakatuon ang atensyon sa nilulutong putahe.

"Tita naman e!"

  Hindi pa man siya nagtatagal sa ginagawa ay tumutulo na agad ang kanyang luha.

  Grabe, I really hate chopping onions!

  "O, bakit umiiyak ka?" bungad ng pinsang si Maica nang makita siya. Hindi niya agad napansin ang pagdating nito.

"Ikaw kaya magbalat nitong sibuyas, tignan ko kung 'di ka umiyak," naluluhang paliwanag niya sa pinsan.

  "Ayoko nga. Sa'yo inutos 'yan ni mama e. 'Di ba 'Ma!" Nginitian lamang ito ng ginang at nagpatuloy sa paghahalo sa malaking kaserola. Napakasarap ng amoy ng niluluto nito at talagang nakakagutom.

  "Para kanino 'yan?" tanong niya sa pinsan nang mapansing may itinatago itong kung ano sa likuran. Naaninag niya ng bahagya ang maayos na pagkakabalot nito.

  "Secret," sagot nito bago nakangiting umakyat ng hagdanan. Napanguso na lamang si Scar at hinayaan na lamang ito.

   Alam ko naman talaga kung ano 'yong tinatago niya.

*****

  Alas otso pasado na ng gabi nang dumating sila Nigiel at Mumoy sa kanila. Inimbita niya kasi ang mga ito para sa tradisyunal na pagsalubong sa bagong taon. Nakapagtatakang hindi nito kasama si Drei dahil inimbita niya rin ito. Hindi na lamang niya iyon nabanggit dahil mas inaalala niya kung bakit wala pa si Dante.

  "Bakit 'di n'yo siya kasama?" nag-aalalang tanong niya nang anyayahan ang mga itong maupo sa sala.

  "Sino? Si Andrei ba?" mapangbuskang sabi ni Mumoy habang hindi inaalis ang tingin sa pinipindot na cellphone.

  "Hindi siya!"

  "Ahh. Siya. Akala ko rin yung crush mong si Drei ang hinahanap mo eh. So, yung tahimik pala naming kaibigan ang tinutukoy mo. 'Wag kang mag-alala. Susunod 'yon," tugon naman ng palangiting si Nigiel.

  Napangiti na lamang si Scar at hinayaan na ang mga itong makisalamuha sa iba pa nilang mga bisita. Dumating na rin ang pinsan niyang si Maica kaya't ayos lang na iwan-iwanan niya ang mga ito.

  Ilang oras pa ang lumipas subalit wala pa rin kahit ang anino ng hinihintay.

   Nasan ka na ba, Dante? Ano pa bang ginagawa mo? Magagalit talaga 'ko sa'yo 'pag hindi ka nagpakita sa'kin ngayong araw na 'to.

Masayang nagkakantahan at nagkakatawanan na ang lahat ng mga oras na 'yon. Lahat, maliban sa kanya. Kung tutuusin siya dapat ang pinakamasaya sa araw na 'yon subalit hindi niya magawa sapagkat hindi pa dumarating ang pinakahihintay niyang bisita. Nagmukmok na lamang siya sa tapat ng gate habang patuloy na umaasang darating ito.

Ilang sandali pa ay napansin niyang lumabas si Mumoy. May kinakausap ito sa cellphone at parang naghahanap ng lugar kung saan malakas ang signal. Dahan-dahan niya itong nilapitan.

"Nasan ka na ba, p're? Kanina ka pa namin hinihintay. Hinahanap ka na rin ni Maica," sambit nito sa kausap.

Nang marinig iyon ay mabilis niyang inagaw ang cellphone sa kamay nito.

"Hoy! Wala ka bang balak na pumunta rito?" bulalas ni Scar matapos itapat sa tainga ang cellphone. Hindi na niya kinailangang tignan pa ang screen nito dahil sigurado siyang si Dante ang nasa kabilang linya.

"Ey, S-Scar, hindi ako makakapunta. Kaya ko nga tinawagan si Mumoy para ipasabi sa'yo. Sorr--"

"Hindi p'wede! Hindi ako papayag! Magagalit ako sa'yo!"

"Biglaan lang. Pasensya ka na talaga," paliwanag nitong mababakas ang kalungkutan sa boses.

"K! Bye!" pagalit na paalam niya bago nakasimangot na ibinalik iyon kay Mumoy. Wala naman na itong nagawa kung hindi mapakamot na lamang sa ulo.

  Alam kong pupunta siya rito. Pupuntahan niya 'ko. Hindi niya ako matitiis dahil nangako siya sa'kin na pupunta siya.

Nanatiling nakaabang si Scar sa tapat ng gate, mag-isa, habang naluluha dahil mukhang hindi nito tutuparin ang pangako sa kanya. Malapit na ring mag-alas dose at nawawalan na siya ng pag-asang makasama ito sa napaka-importanteng araw na ito para sa kanya. Gusto na talaga niyang umiyak ngunit bigla na lamang siyang nilapitan ni Mumoy.

  "S-Scar, 'wag mo nang hintayin 'yon. H-Hindi talaga siya makakapunta. Kaka-text lang ulit. L-Look," sabi nito matapos siyang tabihan sa inuupuan. Tila marami na rin itong nainom dahil enjoy na enjoy na pakiki-jamming sa banda ng kapatid niya. Inaabot nito sa kanya ang cellphone na hawak upang mabasa niya ang sinasabing mensahe subalit mas minabuti niyang 'wag na lamang basahin iyon.

  "Gets ko na. Sige, matutulog na lang ako," matamlay na sagot niya rito bago malungkot na naglakad patungo sa loob.

  "Scar," tawag sa kanya ng kanyang pinsang si Maica nang makita siyang paakyat ng hagdanan. Nagtinginan rin direksyon niya ang hindi hihigit sa bente kataong bisita nila ng gabing 'yon.

  "Matutulog na 'ko," walang buhay na tugon niya rito.

  "Hindi mo na ba hihintaying mag-alas dose? 'Di ba bir---"

  "Shhh," pagputol niya sa sasabihin ng pinsan.

  Minabuti niyang magpatuloy na lang na umakyat sa taas upang subukang itulog na lamang ang pagkayamot. Walang ganang pumasok siya sa kanyang kuwarto, humiga at nagtalukbong ng kumot.

   Napaka-unfair talaga ng taong 'yon! Ano bang nagustuhan ko sa kanya! Nakakainis. Ayoko na sa kanya, ayoko na! I hate him! I hate him. I really hate him!

  Sa kabila nang nararamdamang pagkainis dahil sa hindi nito pagtupad sa pangako, hindi rin naman siya nakatiis at muling bumangon bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

  Sinigurado niya munang walang nakakakita sa kanya nang tinalukbungan niya ang kanyang mga unan ng kumot. Ginawa niya iyon upang kung sakaling may sumilip sa k'warto niya ay isipin nitong mahimbing lamang siyang natutulog.

  Maingat na dumaan siya sa may fire exit sa likuran ng bahay at walang ingay na nagtungo sa gate. Buong akala niya'y wala nang magiging problema subalit may makakakita pala sa kanya.

  "Hoy, Scar, saan punta mo?"

   Lagot na. Nakakainis! Nakakainis!

  "Shhh, 'wag kang maingay," mahinang sabi niya habang sinisenyasan ang kausap na hinaan ang boses.

  "Saan ka pupunta?" sabi nitong napakalakas. Halatang may tama na ito sa ininom na alak.

  "Shhh, Nigiel, hinaan mo'ng boses mo, baka may makakita sa'kin."

  "Saan ka nga kasi pupunta, bakit ka nagtatago d'yan? Nagtatagu-taguan ba kayo? Sali ako!" lalo pang lumakas ang boses nito na halos pasigaw na. Walang duda, lasing na nga ito.

  "Haaay, kainis ka!" sabi niya rito bago mabilis na kumaripas ng takbo bago pa siya nito maisumbong.

  Malayo-layong lakaran din ang pagitan ng tirahan nila Dante mula sa bahay nila. Wala na naman siyang makukuhang masasakyan dahil wala nang pumapasada dahil sa okasyon.

  Nakakatakot din maglakad-lakad dahil sa kaliwa't kanang nagsisindi ng nakabibinging paputok sa kalsada. Kamuntikan na nga siyang maputukan sa paa nang 'di mapansing may nakasinding five star sa isang kalyeng dinaanan niya.

Ilang kanto pa ang kailangan niyang lagpasan bago tuluyang makarating sa pupuntahan. Nakaramdam na rin kasi siya ng pagod kaya napilitan siyang dumaan na lamang sa isang shortcut na daanan. Habang naglalakad sa madilim at hindi mataong kalye ay biglang huminto sa harapan niya ang isang lalaki.
 


"Miss, s'an punta mo? Bat wala kang kasama?" tanong nito habang naamoy niya ang masangsang na amoy ng alak na nagmumula sa bibig nito.

Kinakabahan man ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Alam niyang hindi siya dapat huminto.

"Gusto mo ihatid na kita? Baka maputukan ka sa daan," sabi nitong nakangisi habang sinasabayan na siya sa paglalakad. "Mukha pa namang hindi ka pa napuputukan kahit kailan."

"Thanks, but I don't need your help."

"Ay, iglisera. Me is happy, meeting to you baby," sabi nito habang patuloy pa rin sa pagsabay sa kanya.

Hindi siya makaisip kung paano niya ito matatakasan. Nagsisimula nang magkarera ang puso niya dahil nararamdaman niya ang masamang intensyon nito sa kanya.

"Me is layk you very very much. Me, see you, pretty. Yes, me layk it! Anderstan?" parang ulol na sabi nito bago biglang hinablot ang kamay niya, "Me. You. Coming. Okay?"

"Bitawan mo nga 'ko!" Pagmamatigas niya hahang pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakahawak nito.

"O, marunong ka naman palang magtagalog pa-english-english ka pa. Pinahirapan mo pa 'ko. Buwiset ka!" lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Halos mapapikit siya sa sakit.

Gusto niyang sumigaw ngunit bigla nitong inilagay ang isang kamay sa kanyang bibig. Takot na takot talaga siya sa mga susunod na puwedeng mangyari kaya't buong lakas niya pa ring pinipilit na kumawala rito kahit pa sadyang napakalakas nito kung ikukumpara sa kanya.

Hanggang sa makarinig siya ng isang tinig.

"Bitawan mo siya," seryosong sambit nito.

"Sino ka ba? Kap---"

Sasagot pa sana ang lalaking may hawak sa kanya ngunit bigla itong tumumba nang hindi makailag sa biglaang pagsugod ng lalaking may pamilyar na boses. Marahil dala na rin ng sobrang kalasingan kaya mabilis itong bumagsak. Natatarantang nagtatakbo palayo ito habang gumegewang-gewang.

Napahawak na lamang si Scar sa dibdib sa bilis ng mga pangyayari.

"Ayos ka lang?" tanong ng lalaking tumulong sa kanya bago nito inalis sa ulo ang suot na hoodie. Hindi siya makapaniwalang hindi niya agad ito nakilala sa sobrang pagpa-panic.

"S-Salamat," sambit niya rito bago nangangatog na napaupo na lamang sa sahig dahil sa nangyari.

"Ayos ka lang ba?" mababakas ang pag-aalala sa boses nito bago siya inalalayang tumayo at bahagyang hinawakan sa pisngi.

"P-Paano mo nalaman?" tanong niya rito.

"Tumawag sila sa'kin. Nakita ka raw ni Nigiel na tumakas sa inyo. Kaya nagmadali akong salubungin ka. Bakit mo naman ginawa 'yon? Napaka delikado sa lugar na 'to. Nagkalat ang mga nakainom at nagpapaputok. Paano na kung may masamang nangyari sa'yo? Paano kung sa kabila ako dumaan? Paano kung hindi kita nakita? Tingin mo ba mapapatawad ko ang sarili ko lalo na't alam ko na ako ang dahilan kung bakit tumakas ka sa inyo? Isipin mo nga 'yon."

Napatulala na lamang si Scar sa narinig niyang sinabi nito.

I find it hard to believe na si Dante ang kaharap ko, ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng ganito kahaba. Parang ibang-iba siya.

"Eh 'di kasalanan mo," galit-galitang sagot niya rito. Malapit na sana siyang maiyak pero napigilan niya ang mga luhang nangingilid na sa kanyang mga mata, "ikaw may kasalanan nito. I hate you!"

"'Wag mo nang uulitin 'to, please lang. Pinag-alala mo 'ko."

Walang maisagot si Scar sa sinabi nito kaya pinagmasdan na lamang niya ang binatang nasa kanyang harapan. Halatang-halata na totoo ang pag-aalala nito sa kanya.

He looks so serious. This is not the right time to say anything stupid.

"M-masaya akong makita ka," seryosong sabi nito sa kanya bago siya nginitian. Agad naman nitong napagaan ang loob niya, "bilisan natin, malapit nang mag-alas dose. Hindi natin p'wedeng palagpasin 'to. May alam akong magandang mapupwestuhan, tara." Marahan na hinawakan siya nito sa bandang pulso bago tumakbo habang pahilang inaalalayan siya sa daan.

Nang makarating sila sa sinasabi ay dali-dali nitong kinuha ang hagdanan na gawa sa kahoy bago ipinuwesto patungo sa bubungan ng may kalumaan nang tinitirhan nito.

"Kaya mo bang umakyat?"

"Oo naman, tingin mo sa'kin duwag?" pagtatapang-tapangang sagot niya. Ang totoo'y takot talaga siya sa matataas na lugar.

"Base sa nakita ko kanina? Oo. Iiyak ka na nga e," pang-aasar pa ni Dante sa kanya.

"Tse," nangingiting tugon niya habang maingat na sumampa sa padiretsong hagdanan.

Nang nasa taas na sila at kapwa nakaapak sa mga pinagpatong-patong na yerong nagsisilbing bubong ng bahay ay 'di na niya napigilang magtanong pa.

"Dante, Hindi ka ba kinabahan kanina?"

"Anong hindi? Kung alam mo lang. Nangangatog na nga rin tuhod ko eh. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawa 'yon. Hindi naman ako mahilig makipag-away."

Nagbago na talaga siya. Hindi na siya nauutal 'pag kinakausap niya ako.

"Hmm, siguro dahil talagang gusto mo ko at ayaw mong mong may masamang mangyari sa'kin." she assumed without giving it a single thought.

"Anong sabi mo?" tanong nito, hindi siya sigurado kung hindi nito narinig ang sinabi niya o nagbibingi-bingihan lang talaga.

"Wala. I'm just talking to myself."

Maya-maya'y sunod-sunod na ang lumalabas na fireworks sa kalangitan. Yellow. Green. Red. White. Halos lahat ng kulay. Senyales na alas-dose na ng hating gabi at nagsisimula na ang pagpasok ng panibagong taon.

"Masaya 'ko na ikaw ang kasama ko sa araw na 'to, Dante," nakangiting sabi niya sa binata.

"Ako rin. Masaya 'ko na nandito ka," sagot naman nito sa kanya.

"Totoo ba?"

"Oo naman."

"Di 'yon."

"Yung alin ba?"

"Na liligawan mo lang ako kapag... Teenager na 'ko?"

"Ha? Ang iingay talaga ng mga 'yon!" nagulat na sabi ni Dante bago kinusot ang buhok. Hinawakan nito ang hoodie sa likod ng damit bago mabilis isinaklob sa ulo. Ngayon niya lamang napagtantong halos ang lahat ng sinusuot nitong damit ay may hoodie.

"Is it true then? Totoo ba?" tanong niyang muli.

"Y-yep," seryosong sagot nito sa kanya habang nakatitig ito sa naglalakihang fireworks. Hindi niya masabi kung ano pero pakiramdam niya'y may kakaiba sa mga mata nito habang nakatingin ito sa mga nagliliyab na apoy sa kalangitan.

"What if I tell you..." nagdalawang isip siya kung dapat niya na bang sabihin.

"Ano?" tanong nito na hindi pa rin tumitingin sa direksyon niya.

"What if I tell you... na ngayon ang birthday ko?" sambit niya habang nakatingala siya at nakatingin sa mukha nito. Matangkad siya para sa edad niya pero mas matangkad pa rin ito sa kanya.

"Seryoso?" nabiglang tanong nito at mabilis na napatingin sa kanya.

"Hmm, hindi ako nagsinungaling no'ng sinabi ko sa'yo ang edad ko, remember? Bakit pa ako magsisinungaling ngayon?"

Inalis nitong muli ang pagkakatingin sa kanya at muling ibinaling ang tingin sa nag gagandahang fireworks sa kalangitan.

Pinagmamasdan naman ni Scar habang nagre-reflect ang mga ito sa bilugang mga mata ni Dante.

"Kung gano'n, sa'yo na nakadepende ang lahat," sambit ng binata habang nananatiling nakatingala pa rin sa mga fireworks.

Dahan-dahang iginalaw ni Scar ang kanyang mga kamay at unti-unting inilapit at ihinawak sa mga palad ni Dante. Medyo nanginginig ang kamay nito at napakalamig

Sa pagkakataong 'yon ay muling ibinaling nito ang tingin sa kanya.

"Scar," sambit nito sa pangalan niya bago siya binigyan ng isang makahulugang ngiti, "Happy birthday."

Naramdaman niyang inayos nito ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay. Palad sa palad. Habang magkasalungat ang pagitan ng kanilang mga daliri. Pinag-lock nito ang kanilang mga kamay na para bang wala nang makakapaghiwalay pa sa kanilang dalawa.

"Sorry kung wala 'kong regalo sa'yo. Hindi ko kasi alam," sabi nito habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya. She tried to do the same.

"Hindi naman mahalaga 'yon," sagot niyang kumukurba ang ngiti sa labi.

Naibigay mo na sa'kin ang pinakamagandang regalong matatangap ko. Wala na 'kong hihilingin pang kahit ano. Ikaw lang, Dante.

Habang magkahawak ang kanilang mga kamay ay sabay nilang pinagmasdan ang nag-aapoy at punong-puno ng kulay na kalangitan. Hindi kailanman malilimutan ni Scar ang nangyari sa gabing ito. Hindi kailanman.

No matter what happens in the future, I shall never forget this day, this moment, this place, the fireworks that sparkles above and how it reflects perfectly in your eyes. Everything.

Muli niyang ibinaling ang tingin kay Dante ngunit naunahan na pala siya nito. Diretsong-diretso ang tingin ng nakangiti nitong mga mata sa kanya.

Those stares. I still remember the first time our eyes met.

On that very moment, naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi na nito inalis pang muli ang pagkakatingin sa kanya. Nakatuon ang paningin nito sa kanya na para bang gusto na niyang maniwalang mas maganda pa siya kaysa sa nakakabighaning fireworks sa kalangitan na patuloy pa rin sa pagsabog sa mga oras na 'yon.

Parang nawala tuloy siya sa sarili at bigla na lamang nakapagbitaw ng mga salitang hindi pa niya nasasabi kahit kanino man.

"I... I... I love you, Aidan," pabulong na sambit niya bago niya ito binigyan ng kanyang pinakamatamis na ngiti.

__________________________________


End of:
Chapter 5: Under Our Flaming Skies

Up Next:
Chapter 6: An Interlude

[ SCARRED ]

Continue Reading

You'll Also Like

282K 15.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
37.4K 1.5K 26
Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the...
10.4K 839 41
Blaze Morales is a Secret Service Agent. He is a member of Secret Service Enforcement Agency. He was under the protective division of the Secret Serv...