Cute Girls with Guns (BTS Fan...

By desteenx

92.4K 6.8K 8.1K

Min Yoonji is your typical high school girl, aside from the fact that she have gun in her bag. More

Cute Girls with Guns
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 31

1.2K 131 188
By desteenx


Author's Note:

Dapat ito na yung Epilogue pero lumagpas ng 10k words yung chapter na 'to kaya hinati ko na sila, dadagdagan ko na rin para umabot hanggang Chapter 35. Pasensya na kung natagalan ang pag-update ko sa story na 'to, babawi na lang ako guys. <3


___________________


Chapter 31: Jeon the Killing Machine


"Wait, wait, what?!"

Hindi makapaniwala si Yoongi sa sinabi ni Hoseok kaya't mabilis siyang tumingin kay Taehyung, hanggang sa unti unting bumagsak ang balikat ni Yoongi nang makita niyang umiiyak si Taehyung, nakayukom ang kamao nito at patuloy ang pagbagsak ng luha niya.

"T-Taehyung..." Mahinang tawag ni Jungkook dito pero hindi sumagot si Taehyung, nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.

"P-Please tell me, i-it's not you..." Akmang lalapit si Yoongi kay Taehyung pero mabilis na lumayo sa kanya si Taehyung.

"I don't know!" Malakas na sigaw ni Taehyung na umecho sa buong laboratory, "h-hindi ko alam Yoongi, h-hindi ko alam..."

"Anong ibig mong sabihin sa hindi mo alam? Taehyung kilala mo yung mga magulang mo, kapatid ka ni Seokjin hindi pwedeng—"

"Hindi ako kapatid ni Dr. Kim!" Sigaw pa ni Taehyung kaya't mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Yoongi, walang naglalakas loob na magsalita sa kanila bukod kay Yoongi.

"A-Ano bang sinasabi mo? Taehyung magkapatid kayo—"

"Hindi nga! Hindi nga sabi!" Napapaurong sa takot si Taehyung, "hindi ko alam kung sino ako, hindi ko totoong kapatid si Dr. Kim, hindi ko totoong mga magulang ang mga magulang niya, lumaki ako sa loob ng isang malaking mansyon at hindi ako lumalabas, itinatago lang nila ako, hindi ko alam kung bakit!" Unti unting bumuhos ang luha sa mga mata ni Taehyung.

"Binata na ako nang magkakilala kami ni Dr. Kim, alam ko lang na may kapatid ako na nasa ibang bansa pero hindi ko siya kilala..." Mabilis na pinunasan ni Taehyung ang mga luha sa mata niya, "10 years old ako nang malaman kong hindi ko totoong mga magulang ang mga magulang ko, aksidente ko lang nalaman yun nang marinig ko silang nag-uusap sa kwarto, nung una hindi ako naniniwala sa mga naririnig kong usap-usapan ng mga maid na hindi ako totoong anak."

"Hanggang sa dumating na nga si Dr. Kim, kinuha niya ako at sa kanya na ako nakatira, doon na ako simulang nakalabas na ng bahay, noon na lang rin ako nakapag-aral sa eskwelahan dahil buong buhay ko ay homeschooled ako, doon ko nakilala si Jimin..." Dahan dahang napatingin si Taehyung kay Jimin na hindi rin mawala ang tingin sa kanya, "si Jimin ang unang naging kaibigan ko, ang una't huling kaibigan ko, kapag kasama ko siya pakiramdam ko malaya ako..."

"Kaya ayun! Iyon ang dahilan kung bakit ayokong umuwi sa bahay, ayokong tumira kasama si Dr. Kim kasi alam kong nagsisinungaling lang rin siya sa akin, hindi ko siya totoong kapatid, pero dahil tutal malaya na ako kaya hindi na ako umuuwi sa bahay, ayoko na ng pakiramdam na nakakulong at napapalibutan ng kasinungalingan."

"K-Kaya baka nga tama ka..." Napatingin si Taehyung kay Hoseok, ngumiti siya dito kahit nakatutok pa rin sa kanya ang baril, "baka nga tama ka na ako nga ang hinahanap nila."

Napayuko si Taehyung, "kasi kahit ako hindi ko alam kung sino nga ba talaga ako."

"T-Taehyung, hindi—"

Biglang natigilan sa pagsasalita si Yoongi nang may isang malakas na kalabog silang narinig, napatago silang lahat sa ilalim nang makita nilang mga armadong lalaki ang mga iyon, pero nagkahiwa-hiwalay sila ng tago.

Si Hoseok at Yoongi ay nagkasama sa ilalim habang si Jungkook at Jimin ay parehong nakasiksik sa gilid habang si Taehyung ay nakahiga sa ilalim ng isang malaking machine.

Rinig na rinig nila ang yapak ng mga tao papasok sa loob, for sure hindi mga zombies yun pero kung ganoon, nasaan na ang mga zombies? Napatay na ba sila ng mga taong 'to? Kung ganun... hindi sila biro kung napatay nila ang ganung kadaming zombies.

Unti unting napapikit si Yoongi habang nag-iisip ng matinding aksyon, sa sitwasyon kasi niya ngayon ay pakiramdam niya ay isa siyang duwag na nagtatago, napatingin siya kay Hoseok na nakahawak sa bibig para bang takot na takot na makagawa ng kahit anong ingay, kaya't napapikit ulit siya ng mariin, wala na talagang maisip si Yoongi na paraan.

"Kung si Namjoon ang nasa sitwasyon ko ngayon paniguradong may maiisip siyang paraan." Ani Yoongi sa kanyang isip, napatingala siya at napabuntong hininga hanggang sa unti unti siyang natauhan.

Kung si Namjoon ang nasa sitwasyon niya ngayon paniguradong may maiisip 'tong paraan...

Nandito si Namjoon kanina...

Imposibleng umalis yun na walang iniwang babala sa kanila unless nabaril siya agad, pero wala dito yung katawan ni Namjoon kaya for sure it's either nakatakas sila or...

Nandito pa sila.

But knowing Namjoon? May gagawin siya para mabalaan kami kung alam niyang delikado.

Shit!

Napatingala na lang si Yoongi para para sana mag-isip pero napatigil siya ng ilang segundo hanggang sa unti unting nawala ang kunot ng noo niya nang makita niya ang reflection mula sa itaas, bakal pala ang nasa itaas ng laboratory, kaya't nakikita ang reflection ng nasa baba, kitang kita niya ang mga taong naglilibot sa buong laboratory, nakita niya rin si Jimin at Jungkook na nagtatago, hanggang sa unti unti niyang napansin ang sapatos na iniwan ni Namjoon.

Doon niya lang narealize na nakaturo ang isang sapatos sa isa pang kapares nito na nakaturo naman sa isang malaking kabinet, unti unting nanlaki ang mata ni Yoongi nang maalala niyang hindi nila pinakialaman iyon kaya imposibleng nagkataon lang iyon.

Pilit pang inisip ni Yoongi ang mga possibleng hint na iniwan ni Namjoon, hanggang sa marealize niyang nakatabi ang cellphone niya doon sa isang kapares ng sapatos, it means gusto ni Namjoon na iyon ang una nilang makita kapag tinawagan ang phone... Bakit hindi niya agad naisip yun kanina?!

Kasama ang coat ni Seokjin, does it mean...

Napatingin ulit si Yoongi sa malaking kabinet hanggang sa makita niyang may lumalabas na dugo doon.

"Holy shit!" Mahina pero mariing mura ni Yoongi kaya napatingin sa kanya si Hoseok.

"Bakit?" Mahinang tanong ni Hoseok, nginuso ni Yoongi ang kabinet kaya naman napatingin rin doon si Hoseok, nanlaki ang mata nito ng makita niya ang dugo kaya nagkatinginan silang dalawa ni Yoongi na para bang nag-uusap sila sa isip nilang dalawa.

At mukhang pareho sila ng naiisip.

Pero bigla na namang may kumalabog kaya napatingala si Yoongi para tingnan kung anong nangyayari, hanggang sa nanlaki ang mata niya nang makita niyang lumabas si Jungkook at Jimin sa pinagtataguan nila, noon lang rin napatingala si Hoseok at narealize na kita ang reflection nila sa itaas, nang sinugod ni Jungkook ang ilang mga lalaki ay napunta sa kaniya lahat ng atensyon ng mga tao doon, ginamit ni Yoongi ang pagkakataon na yun para ituro kay Hoseok ang malaking kabinet, naintindihan naman agad ni Hoseok ang inuutos ni Yoongi.

Habang patuloy si Jungkook sa pakikipaglaban sa mga tao ay mabilis na gumapang si Yoongi patungo sa sapatos ni Namjoon at hinawakan niya iyon, tiningnan niya ang loob noon ay nakita niyang may naiwan na maliit na papel doon, nagmamadaling magtago ulit si Yoongi, tiningnan niya si Hoseok at nakita niyang nabuksan na nito ang malaking kabinet.

Nandoon si Seokjin! Duguan at walang malay—

Pero si Namjoon? Nasaan si Namjoon?!

Pumasok si Hoseok sa loob ng kabinet at sinaradong muli ang lalagyan, napabuntong hininga si Yoongi bago niya mabilis na binuksan ang papel, na isang resibo, halatang humanap lang si Namjoon ng kahit anong mapapagsulatan.

Mabilis na napakunot ang noo ni Yoongi nang makita niyang nakasulat doon ang pangalan ni Jungkook gamit ang kulay pulang tinta? No... Isinulat iyon ni Namjoon gamit ang dugo, mukhang wala siyang ballpen kaya dugo ang ginamit niya.

Pero...

Bakit pangalan ni Jungkook ang nakasulat dito?

Nang magsink in sa utak ni Yoongi kung bakit iyon ang nakasulat doon ay mabilis niyang kinuha ang baril niya at lumabas sa pinagtataguan niya.

Paglabas na paglabas pa lang niya ay doon niya nakita na nakahandusay na lahat ng taong pumasok kanina, lahat sila ay wala ng buhay, at nagkalat ang napakaraming dugo.

Bumaba agad ang tingin ni Yoongi kay Jimin, hawak ni Jungkook na mahigpit ang mata nito kaya walang nakikita si Jimin na kahit ano.

Noon lang narealize ni Yoongi kung gaano kadelikado si Jungkook, nagawa niyang patayin lahat ng tao na nandito gamit ang isang kamay lang.

Dahil ang kanang kamay ni Jungkook ay nakahawak sa mata ni Jimin buong pakikipaglaban niya, kaya't hindi na nagdalawang isip pa si Yoongi na itapat ang baril kay Jungkook. Nang mapansin ni Jungkook na nakatapat sa kanya ang baril na hawak ni Yoongi ay unti unting napangiti ito ng kakaiba.

Isang ngiti na hindi mo aakalain na guguhit sa inosente niyang mukha.

"Yoongi!" Sigaw ni Taehyung nang makita niya ang baril nitong nakatutok kay Jungkook, nagbalik balik ang tingin ni Taehyung sa kanilang dalawa ni Jungkook hanggang sa matigilan rin si Taehyung nang makita niyang inangat ni Jungkook ang isang baril sa bulsa niya at itinutok rin kay Yoongi iyon.

"JUNGKOOK!" Sigaw ni Taehyung pero hindi siya pinansin ni Jungkook, nakangisi lang si Jungkook habang diretso ang baril kay Yoongi.

"A-Anong nangyayari?" Tanong ni Jimin habang hawak niya ang kamay ni Jungkook na nakatakip sa mata niya.

Alam ni Yoongi na hindi niya magagawang barilin si Jungkook ngayon dahil hawak nito si Jimin, pero nang paputukan siyang bigla ni Jungkook ng baril ay mabilis siyang umiwas at nagpaputok rin ng baril pabalik kay Jungkook, dahilan kung bakit napasigaw si Jimin at Taehyung.

"FUCK!" Malakas na sigaw ni Taehyung nang makita niyang nadaplisan ni Yoongi si Jungkook at the same time ay nadaplisan rin ni Jungkook si Yoongi, hindi alam ni Taehyung kung sino ang una niyang pupuntahan.

Dahil sa nangyari ay mukhang nainis si Yoongi kaya naman sunod-sunod ang pagpapaputok niya kay Jungkook, pinipilit yung sarili niya na huwag tamaan si Jimin.

"Shit! Shit! SHIT!!!" Sigaw ni Taehyung habang nakasabunot sa buhok niya dahil hindi niya alam kung papaano pipigilan ang dalawa nang magsimulang magpaputok na rin si Jungkook kay Yoongi.

"STOP! FOR FUCK'S SAKE! JUST STOP!" Nagpapanic na si Taehyung pero wala pa rin tumitigil, "Inaana-attract niyo yung mga zombie papunta dito dahil sa ingay na ginagawa niyong dalawa! Just stop! FUCKING STOP!" Nanggigil ng sigaw ni Taehyung pero wala talagang nakikinig sa kanya, hindi na talaga niya ang alam gagawin niya lalo na at ninenerbyos siya dahil literal na hawak-hawak ni Jungkook si Jimin, if ever na mamali lang si Yoongi ng pagpapaputok ng baril ay paniguradong si Jimin ang tatamaan.

Panay ang tingin ni Taehyung sa paligid niya pero hindi niya makita kung nasaan si Hoseok, kung kailan kailangan niya ng tulong nito ay tsaka niya ito hindi makita kaya naman napahawak na lang ulit siya sa buhok niya dahil walang tigil ang dalawa sa pagpapalitan ng bala ng baril.

"Yoongi! Tama na!" Sigaw ni Jimin, paulit ulit na sigaw ni Jimin para pigilan na magpaputok ng baril si Yoongi.

Napakunot ang noo ni Taehyung ng ilang saglit habang nakatitig siya kay Jimin na hawak-hawak ni Jungkook.

Bakit si Yoongi lang ang pinigipilan niya?

Bakit hindi si Jungkook?

Pero nawala si Taehyung sa kanyang iniisip nang biglang bitawan ni Jungkook si Jimin patungo sa isang office chair, napaupo si Jimin doon bago niya mabilis na kinuha ang isang necktie na nakasabit sa tabi nito at nilagyan ng takip ang mata ni Jimin bago niya itinali ito sa isang upuan.

Pati si Yoongi ay natigilan sa ginawa ni Jungkook.

"J-Jungkook?" Nagtatakang tanong ni Jimin pero hindi nagsalita si Jungkook, sa halip ay pinulot lang nito ang isang machine gun bago muling humarap kay Yoongi.

Doon na rin nagsimulang mabalot ng kaba si Taehyung kaya mabilis itong napatago sa ilalim ng lamesa, sa isang iglap ay parang naging magulo na ang lahat para kay Taehyung lalo na ngayon na nagpapaulan na ng bala si Jungkook at para bang wala na siyang pakealam kung mapatay niya ang lahat.

Naghahabol ng hininga si Taehyung habang nagtatago siya sa isang lamesa dahil kitang kita niya na nagtama ang paningin nilang dalawa ni Jungkook bago siya magtago at hindi maganda ang kutob niya doon.

Tumigil si Jungkook sa pagpapaulan ng bala, pero mas lalong kinabahan si Taehyung nang mabalot ng katahimikan ang buong laboratory, ngayon ay hindi na niya alam kung nasaan yung Jungkook.

Hanggang nakarinig siya ng papalapit na yapak na papalapit sa kanya, nagsimula na namang umusbong ang kaba at takot sa dibdib ni Taehyung, hindi niya alam kung bakit natatakot na talaga siya ng sobrang kay Jungkook ngayon.

Halos tinawag na ni Taehyung lahat ng Santo na kilala niya kahit Atheist siya, at panay na rin ang dasal niya ng Our Father in Heaven dahil iyon lang ang alam niyang dasal. Alam niyang sobrang lapit na ni Jungkook sa kanya ngayon pero biglang nawala ang tunog ng yapak ng biglang may malakas na tunog na nagmula sa labas.

Kaya't napatingin agad si Taehyung sa gilid niya at nakita niya agad ang isang katerbang zombies na mga nagwawala papasok sa pinto ng laboratory na nakabukas ng malaki, napahawak agad si Taehyung sa kanyang tenga ng sunod-sunod na naman ang pagpaputok ni Jungkook ng baril. Nanginginig na ang kamay ni Taehyung, ang kanyang katawan ang basang basa ng mga dugong nakakalat sa sahig, nakikita niyang mas lalong dumadami ang dugo na papalapit sa pwesto niya dahil kada segundo ay may napapatay si Jungkook na panibagong zombies.

Sa mga oras na 'to ay hindi na ang sariling kaligtasan niya ang pinagdadasal ni Taehyung, punong puno na kasi siya ng dugo ng mga patay na zombies, alam niyang marami na rin siyang galos kaya malaki ang tyansa na mahawa na rin siya, unti unting bumagsak ang mga luha sa mata ni Taehyung, pinagdadasal na sana ay buhay pa si Seokjin at ligtas ito kasama ni Namjoon, pinagdadasal rin niya na sana ay mahuli ni Yoongi ang totoong may sala ng lahat ng 'to.

Kung si Jungkook talaga ang hinahanap nila, pinagdadasal pa rin niya na sana ay mali ang hinala nila kahit kitang kita na ang ebidensya sa harap niya, dahil kahit sa huling pagkakataon ay naniniwala pa rin siya na may titirang kabutihan sa loob ni Jungkook, dahil sa kahit kakaunting oras na nakasama niya si Jungkook ay naging mahalaga na rin ito sa kanya.

Napasandal na lang si Taehyung sa lamesa at napatingala para muling magdasal sana pero bigla niyang nakita ang repleksyon niya sa itaas, at doon niya nakita si Yoongi na nasa medyo malayong lamesa sa kanya pero kanina pa siya nito sinesenyasan mula sa repleksyon, nanlaki ang mga mata ni Taehyung at napaayos siya ng upo. Tiningnan niyang mabuti si Yoongi at panay ang senyas nito na hindi naman maintindihan ni Taehyung.

Hanggang sa unti unting humupa na naman ang pagpapaputok ng baril, tiningnan ni Taehyung mula sa repleksyon sa itaas kung nasaan si Jungkook, at nakita niya itong naglalakad na naman patungo sa kanya, patay na lahat ng zombie na pumasok sa laboratory, kung napatay ni Jungkook lahat ng 'yun then hindi na talaga sigurado ang buhay ni Taehyung ngayon.

Kaya't mabilis niyang binalik ang tingin niya kay Yoongi na may sinesenyas pa rin sa kanya, hanggang sa unti unti niyang na-gets ang tinuturo nito, tinuturo ni Yoongi ang sapatos malapit sa kanya, hindi alam ni Taehyung ang gagawin niya kaya naman mabilis niya na lang iyong sinipa papunta kay Yoongi pero nang makita niyang napa-face palm si Yoongi ay tsaka lang niya narealize na mali ang ginawa niya.

Ngayon ay nakita ni Jungkook ang namaitsang sapatos na yun kaya naman dun na siya ngayon ang lalakad sa pinuntahan na direksyon ng sapatos hawak ang isang malaking machine gun na hindi nila alam kung bakit parang hindi nauubusan ng bala.

At dahil sa nangyari na iyon ay mabilis siyang sinenyasan ni Yoongi mula sa repleksyon sa itaas na lumipat ng pwesto, kaya naman kahit kinakabahan pa rin ay dahan dahang lumipat si Taehyung sa kabilang pwesto, habang si Yoongi naman ay mabilis na kinuha ang sapatos at gumapang sa ilalim ng mga naglalakihang lamesa, alam niyang patungo na si Jungkook sa direksyon niya kaya ang nasa isip na lang niya ngayon ay lumipat o magtago.

Sinamantala ni Taehyung ang pagkakataon na yun para lumipat ng pwesto, hindi siya napansin ni Jungkook pero mukhang napansin siya ni Jimin. Sa hindi malamang dahilan ay napatitig si Taehyung sa kanya, may nakapiring sa mata ni Jimin pero sigurado siya at ramdam niya na napansin siya ni Jimin.

Pero nanatili lang si Jimin sa pwesto niya, si Taehyung rin ay nanatili sa bago niyang pinagtataguan hanggang sa biglang may malakas na tunog siyang narinig, isang kanta... ni Billie Eilish? The fuck?

Napakunot ang noo ni Taehyung hanggang sa makita niya si Jungkook na may hawak na cellphone, naka-connect 'to sa speaker ng buong school, paano niya nagawa yun?! Nakangiti si Jungkook habang bahagyang sumasayaw sa beat ng tugtog, ibinalik niya sa cellphone niya sa bulsa niya at muling naglagay ng bala sa kanyang machine gun.

Walang damit pang-itaas si Jungkook pero punong puno na ng pinaghalong pawis at dugo sa buong katawan niya, pati ang ilang stands ng buhok niya ay dumidikit na sa kanyang mukha, sinasabayan nito ang kanta at bahagyang sumasayaw habang nililibot nito ang buong laboratory para hanapin si Yoongi at Taehyung hawak ang kanyang malaking machine gun.

Alam ni Taehyung na mahilig si Jungkook na kumanta pero hindi pa rin niya inexpect na kakanta ito na para bang isang psychotic serial killer habang hinahanap sila nito kung saan sila nagtatago, literal na sinisilip nito ang bawat ilalim ng lamesa habang kumakanta. Nakasandal lang si Taehyung sa gilid habang nakatingala, doon niya pinapanuod si Jungkook na ngayon ay nakapatong na ang machine gun sa kanyang balikat habang patuloy pa rin sa pagsabay sa beat.

Hanggang sa mapatingin si Taehyung sa bintana ay napamura nalang ito ng malutong sa utak niya, nakita niya kasi mula sa ibaba na naglalakad na papalapit sa school ang ilang mga zombies, of course, kaya siya nagpatugtog ng malakas ay para makuha ang atensyon ng lahat ng zombies.

No shit.

"I'm the bad guy, duh." Ani Jungkook

Napairap sa kawalan si Taehyung.

Of course, he is.

Continue Reading

You'll Also Like

526K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
2.8M 73.6K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
3.3M 114K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.