MORRISTON The Secret Academy(...

By Ellipcyst

3.5K 369 91

[English-Tagalog story] MORRISTON is the most hidden place, where only not ordinary people can enter. People... More

⚜️SYNOPSIS⚜️
⚜️CHAPTER ONE⚜️

⚜️CHAPTER TWO⚜️

358 112 14
By Ellipcyst

Chapter 2

Where am I?

Napabangon  ako at napaayos nang pagkakaupo sa kama. Malaki ang espasyo ng silid, halos lahat ng kagamitan ay naglalaro sa abo at itim na kulay lamang. Natatanaw ang malaking bintana sa kanang bahagi ng silid at tumatagos doon ang sinag ng araw. Nahagip ng aking mata ang maliit na orasan sa bedside table. It was already ten o'clock in the morning. Wala akong ibang nagawa kundi ang mahiga ulit sa malambot na kama, habang napapaisip kung ano nga ba ang nangyari at kung paano ako napunta dito. 

Napatingin ako sa bintana at tila napakapayapa ng kapaligiran, napapalibutan ng nagtataasang puno at kabundukan. Sa kabila ng kalmadong kapaligiran ay siya namang bigat ng aking nararamdaman at sinamahan pa ng sakit ng katawan. Napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi sa aking tuhod, gayon rin ang kirot sa aking sikmura.

Biglang may kumatok sa pinto kaya't napukaw ang atensyon ko. Dahan-dahan ang pag bukas nito at pumasok ang taong hindi ko inaasahan.

"Mabuti at gising kana," nakangiting aniya at inilapag sa lamesa ang maliit na tasa. "I brought you tea," dagdag pa n'ya.

"Ms. Temi..." hindi makapaniwalang wika ko.

Mas lalo akong naguluhan at mas lalong hindi makapaniwala ng mapagtantong ngumiti siya sa akin. Nakakapanibago. Hindi ko lubos maisip kung bakit siya ay nasa harapan ko ngayon, lalong lalo na at bago sa paningin ko ang mga gawi ng kilos niya.

Tumango lamang siya at naupo sa gilid ng kama. "Kumusta? May masakit ba sa'yo?" aniya.

Kung ikukumpara siya sa Ms. Temi na aking nakilala sa unibersidad ay para bang ibang tao siya ngayon lalo na sa paningin ko. Wari'y tila nag-aalalang ina sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay nagbalik tanong din ako sa kaniya. "Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?"

Ang hinihintay kong sagot ay hindi ko nakuha. Instead, she handed me the tea at wala akong nagawa kundi ang inumin ito. Natigil lamang ako sa pag higop ng tsaa nang maramdaman kong tumayo siya.

"I want to say something very important, But, I don't know if this the right time," aniya.

May pagtataka ngunit mas lamang ang kaba na aking nararamdaman, "What are you saying Ms.?"

"I'll be back, wait me here," at lumabas siya sa kwarto.

Habang tumatagal ako sa kwartong ito ay mas tumitindi ang pananabik kong malaman kung nasaan nga ba'ko.

Naisip ko na kung ayaw niyang sabihin sa akin ay ako na mismo ang gagawa ng paraan upang alamin kung anong lugar nga ba ito. Kahit na nanghihina pa ang aking katawan ay pinilit kong bumangon at lumabas sa kwartong iyon.

Bumungad sa akin ang napakagandang sala. It was  a comfy living room with white sofas, chairs, a huge flat screen TV, and dining table. It has a perfect mix of art that complements the room's style, along with a healthy dose of minimalist space to give the eye spots to rest.

Napansin ko ka agad ang pigurang papalapit sa akin, malayo pa lamang ay ramdam ko na ang bigat ng presensya niya. Kabado man ay pinilit kong tumayo ng tuwid at inintay ang paglapit niya sa akin.

"How was your sleep?" pagtatanong agad nito.

I didn't get a good look at him, but that voice must have been the owner of this huge house— I must say a mansion.

He sounds so cold-blooded...

Well, he was a devastatingly handsome from the depth of his eyes to the cold expression of his voice. He had sea rover-blue eyes and a loamy cologne scent swirled around him. And for his hair, it was a casual jumble yet neat and flowing. His crescent-of-moon eyebrows were thin and narrow. This man... he carried an imperious nose well and his angular cheeckbones carved down towards a flinty jaw. He looks like a model, he had a manly like Apollo physique—Apollo was considered to be the most handsome of all gods.

Wait... how do i compared him at the most handsome god in greek mythology?

"Apollo..." 

"H-huh?" utal kong sabi.

Nagtataka na tila ba nabasa niya ang kanina pang iniisip ko. Subalit tinalikuran niya lamang ako at dumeretso siya sa kwartong kanina lamang ay tinutulugan ko.  Wala akong nagawa kundi ang sundan siya at alamin kung anong ginagawa niya.

I almost dropped my jaw while staring at him as he lay on the bed peacefully.

Seriously?

Lalabas na sana akong muli ng bigla siyang magsalita, "You haven't answered my question yet".

Nilingon ko siya at nakapikit na ang mga mata niya. Hindi ko mawari ang bigat ng presensya na nanggagaling mula sa lalaking ito.  Pakiramdam ko ay napaka delekadong tao niya at siya 'yong tipo ng taong hindi ko kailanman gustong makasama. Muli ay hindi ko pinansin ang kaninang tanong niya, bagkus ay tinanong ko din siya.

"Who are you?" I asked.

"Why do you need to know?" wika niya habang nakapikit padin ang mga mata at payapang nakahiga sa kama.

"Nasaan ako?" pagtatanong kong muli at hindi parin sinasagot ang mga katanungan niya.

"You're at my house"

Gulat akong napatitig sa kaniya ng sabihin niya iyon. "Why am I at your house? Who brought me here?"

Marahang dumilat ang kaniyang mga mata at ako'y pinakatitigan. "Who knows?" seryoso niyang turan.

Pilit kong inaalala ang lahat ngunit wala talaga akong maalala tungkol sa mga nangyari sa akin bago ako napunta dito. Kung iisipin ay hindi magandang tignan na ako'y nasa ibang bahay especially I'm at the house of a man I even don't know. Batay sa mukha niya ay hindi siya nagbibiro, kung ganon ay kaano-ano niya si Ms. Temi? Hindi ko naman lubos maisip na anak siya ng babae dahil sa kadahilanang hindi sila mag kamukha.

Speaking of that woman ang tagal naman niyang bumalik.

"I bet you need to know about-"

Hindi ko na pinansin pa kung ano man ang mga sasabihin ng lalaking iyon, ayaw kong magtiwala sa taong hindi ko naman kilala. Tama hindi ko siya kilala, I don't even know his name. Super akong na i-intimidate sa kaniya lalong lalo  na sa gawi ng kaniyang pananalita, malumanay ngunit seryoso ang tono, walang emosyon. Nakakatakot!

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa paghahanap sa aking guro na nag paalam na babalik din daw. Ilang minuto ang lumipas ngunit ni anino ay wala. Natigil lamang ako sa paglilibot nang maramdaman ang lalong pagsakit ng aking katawan dahilan para ako'y mawalan ng balanse. 

"It is not good behavior to turn your back on the person who's still talking to you"

Natinag lamang ako na maramdamang sinalo ako ng mga bisig ni Apollo- i mean sa lalaking kanina lamang ay iniwan ko sa kwarto. Subalit tila nagbago sa pakiramdam ang presensya niya at nawala ang kaninang takot na lumulukob sa aking dibdib.

"L-look who's talking?" pagtataray ko na lamang at mabilis kumalas mula sa pagkakasalo ng bisig niya. 

He stepped closer to me and carefully touched my left arm. "You need to trust me..." at tumitig siya saglit sa aking mga mata bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Just trust me, what may ever happens-" 

Sinampal ko siya dahilan para matigilan ang lalaki. 

"B-bastos," kabado man ngunit nilakasan ko ang aking loob para titigan siya ng matalim. "Anong akala mo s-sakin easy to get?" agaran akong umatras palayo sa kaniya.

"Pfftt idiot" turan niya na tila ba ay naubusan ng pasensya. "What do you think of me? will take a steps to take advantage of a woman like you?"

Paangil akong tumingin sa kaniya, "Insulto ba 'yan o ano?" asik ko.

"You're not my type of girl, tssk. Wala akong gagawing masama sa'yo, idiot." Pabulong niyang sinabi ang huling salita na halata namang intensyon na ipakinig sa akin. 

Humakbang muli siya papalapit sa akin at ibinulong ang katagang "Trust me, Elina".

Ano itong pakiramdam na tila ba may laman ang mga salitang binitiwan niya?

"A-ano bang sinasabi m-mo? sino kaba at bakit mo ako kilala?" at marahan ko siyang tinulak palayo. Kinakabahan man ngunit nag lakas loob akong irapan na lamang siya.

Ayon na naman ang nakakatakot niyang presensya, namulsa at tumalikod na. Walang paalam na umalis mula sa kinatatayuan kanina. Hanggang sa hindi ko na matanaw ang kaniyang pigura ay bigla namang may tumawag sa akin.

"Elina, are you alright?" 

Boses iyon ni Ms. Temi. Nawala ang atensyon ko sa lalaking kaaalis lamang. Hindi ko na nagawa pang alamin ang pangalan niya dahil mukha namang hindi na ulit kami magkikita. Sana...

"Yeah of course," I immediately replied.

"Hindi pa lubos na bumabalik ang lakas mo subalit umiiral na agad ang katigasan ng ulo mo, sa ngayon ay dapat nagpapahinga kapa," she seriously said and after that she handed me the envelope. 

"I just want to give you this, here," dagdag pa niya.

I looked at her with a questioning look.

"Buksan mo," wika lamang niya at sinunod ko naman ang sinabi niya.

I opened it at binasa ang nilalaman ng papel.

"A letter of enrollment," nagtataka man ngunit nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Enrollment in the Academy of Morriston?"


To be continued...


Author's Note: It tooks me years to be able to edit and write again, but yeah I'm revising this story again and I hope someone still reads it. 

Continue Reading

You'll Also Like

181K 4.2K 101
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...
1.4M 99.6K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
2.8M 131K 49
when a rich spoiled bad boy Jeon Jung-hoon gets into an encounter with a Muslim girl and they become enemies so he bully her humiliates her and insul...
993K 42.4K 88
Kenta Bernard, a seventeen-year-old, died of leukemia in the hospital and was reincarnated in a novel that he has yet to finish. He is the ill second...