Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 19: Tadhana

236 13 1
By issawandablue

Yna's POV

"Isang nilagang karne para sakin." Sabay lagay niya ng ulam at kanin sa kayang harapan nang kunin ito sa tray. "Isang tinolang manok na may kasamang pait ng ampalaya naman ang sayo." At inilagay naman nito ang aking pagkain sa hapag. "Isang pagkatamis tamis na orange juice naman ang sakin, isang pagkapakla na pineapple juice naman ang sayo." Pagpapatuloy niya pa. "At akin rin itong malagatas sa sarap na leche flan at sayo naman iyang kulang sa katas ng pagmamahal na gulaman." Aniya at ngumisi pagkatapos ilahad lahat ng pagkain sa mesa.

Tinignan ko naman siya ng masama saka naramdaman ang gutom kaya itinuon ko na lamang muli ang atensyon sa mga pagkain.

"Wait teka may pahabol pa." aniya at saka may hinugot pa sa tray. "Isang order ng biko para sa mga taong bigo na walang lovelife na kailangan ng tamis sa katawan. At panghuli, isang order ng chopsuey para tumabang malusog at magkalaman ang mga pusong sintigas ng bakal ang kamanhiran."

Namapaang nalang akong tinignan siya matapos niya sabihin ang mga makahulugang salita na kanyang nabitawan. Ngingisi ngisi pa rin itong umupo sa aking harapan at saka nagsimulang kumain.

Anong trip ng isang 'to?

"Uyy kumain ka na, baka pati yang pagkain mo eh ako pa ang umubos ah." wika ni Luna nang makitang wala pang bawas ang pagkain sa aking pinggan samantalang nakakalahati nang ubos ang kanin at ulam sa kanyang plato.

"Tch, ang daldal mo kasi."

"Ayooown! Apektado ang bakla.." aniya at sumipol pa at animong naipagmayabang pa ang tamang hinuha niya. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa hawak ang mga kubyertos at saka nagsimulang magsalita. "Alam mo kasi hindi mo naman kailangan magkaganyan kung tumitingin ka lang sa kung ano yung nasa harapan." Aniya pero hindi ko iyon maintindihan.

"Anong bang sinasa-"

"Kaibigan, ang ibig kong sabihin ay iyang iniaasta mo, ilang linggo ko nang wala sa sarili mo. Minsan good mood ka tas biglang magseseryoso, minsan ang tahi-tahimik mo kahit maingay lahat ng kausap mo. May mga oras na nakakausap ka naman ng matino pero kapag nagtanong na ako ay wala kang maisagot." Patuloy niya ngunit wala pa rin akong makuha. Alam kong may mga pagkakataon nitong mga nakaraang linggo na wala ako sa sarili ko. Pero ano naman ang kinalaman nun sa mga sinasabi niya kanina pa? "Bakit mo tatakasan ang bagay na kung makakabuti naman sayo?" naitaas ko ang kilay ko hudyat na wala akong naintindihan sa sinasabi niya.

"Alam mo ang korni mo, saan naman galing yang mga sinasabi mo?" bahagya pa akong natawa sa nasabi pero ang mukha niya ay seryoso pa rin at walang bahid ng sarkasmo.

Malalim pa muna siyang nagbuntong hininga bago makapagsalita. "Okay seryoso, alam ko naman na hanggang ngayon eh gumugulo pa rin sa utak mo yang Zeke mo at ngayon naman ay todo maang-maangan ka kapag napag-uusapan si Ely." Unti-unting lumiwanag sa utak ko ang mga ideya na kanina ko pa hindi maunawaan.

"B-bakit?"

"Anong bakit? Magreact ka naman! Halow? Kanina pa ako nagsasalita at halos mapanis na laway ko sa kakadadal tas ang sagot mo lang bakit?!" aniya na para bang kasalanan ko pang hindi ko naintindihan,

"Eh pwede mo naman kasing sabihin ng diretso ang dami pang paligoy-ligoy."

"Eh kahit sino naman kasi sabihan ko nun makakaintindi agad." Paliwang niya pero parang mas lumabo iyon sa utak ko. Hindi mairehistro sa utak ko ang mga salitang lumalabas sa malaki niyang bunganga. Pero maya maya ay saglit siyang natigil at nagpakawala pa ng isang malalim na buntong hininga bago muling makaagsalita. "Georgina, alam kong wala ako sa posisyon para pangunahan ang nararamdaman mo, pero please naman.. subukan mong tulungan ang sariling mong wag na magpaapekto kay Zeke. Hindi hihinto ang buhay niya para pagaksayahan yang kadramahan mo sa buhay. Hindi rin dapat huminto ang buhay mo nang dahil sa kanya."

Hindi agad ako nakapagsalita. Parang naestatwa ako nang sabihin niya iyon sa paraang prangka at puno ng katotohanan.

"Luna.. sinubukan kong alisin ang nararamdaman ko sa kanya.. maniwala ka."

Ngumiwi siya nang bahagya sa naisagot ko. Hindi ko malaman kung naiintindihan niya ba ako. "Alam kong sinubukan mo. Pero hindi sapat yon Yna. Hindi ko sinasabing pilitin mo ang sarili mo, pero sana ay tulungan mo ang sarili mo. Pwede mong ituon ang atensyon mo sa maraming bagay o tao."

"Anong ibig mong sabihin? Luna, maniwala kang sinubukan ko. Inaaliw ko ang sarili ko at nakakalimutan ko naman talaga ang mga bagay na yon pero hindi ko rin maiwasan kung biglang may mga bagay na bigla nalang magpapaalala ng nararamdaman ko."

"Kaya nga tulungan mo ang sarili mo."

"Paano? Sinubukan ko na lahat Luna."

"Uulitin ko.. Ituon mo sa ibang bagay o tao ang atensyon mo, wag mo takasan kung yon ang makakatulong sayo."

"Gaya ng?"

"Gaya lamang ng nakikita ko ngayon." Bahagya niyang nilihis ang kanyang paningin mula sa akin papunta sa likod ko. Inangat pa nito ng kaunti ang ulo upang mas makita ang nasa likuran. Pagkatapos tumingin sa likod ay tinignan niya ulit ako ng diresto sa mata. "Wag mong tatakasan ang isang 'to Georgina." Ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng ngiti. "Whew! Hi Ely!" aniya at gulat naman akong nilingon ang direksyong tinitignan niya.

Ibig sabihin ay si Rigel pala ang tinitignan niya kanina pa?

Papalapit sa aming gawi si Ely at huminto nang marating ang aming mesa.

"Uy congrats nga pala at nakapasok kayo sa basketball team!" bati ni Luna sa kanya. Kitang-kita ko ang mga ngisi niya sa akin habang kausap si Ely.

"Ah... Thanks Luna."

"Bakit ka nga pala nandito?"

"I need to talk to her." Nguso niya sa akin. "May sasabhin lang ako."

"Aaaaaaah. Ganun baaaaa." Kunwaring tugon ni Luna pero ngiting ngiti nsiya sakin habang sinsabi iyon. "Oh siya, mukhang kailangan ko nang umexit?"

"Ah.. hindi na kailangan. Saglit lang naman ang sasabihin ko." Aniya at saka humarap sa akin. "May meeting kami mamaya ng basktball team, antayin mo nalang ako ng 5pm."

"A-ano?! Ang aga naman-"

"Pumunta ka nalang sa gym by 5pm."

"Wow, date ba yan?" prangkang tanong ni Luna.

Kita kong bahagya pa nitong naitaas ang gilid ng kanyang labi bago nakapagsalita. "Project." aniya at tinalikuran kami. Walang lingon lingon at diretsong bumalik sa kanyang mga kasama. Nakita ko pang kumaway si Gio sa gawi namin pero hindi ko na yon pinansin.

Natuon ang pansin ko sa mga mapanuksong tingin ni Luna.

"Ayieeeee. May pa project pa kayong nalalaman ah." Usal niya na may halo pa ring panunukso.

"Luna, mali yang iniisp mo."

"Eh ano nga ba kasi ang iniisip ko?"

Kainis naman ang isang to! Ang hirap lusutan.

"Kasi nga siya yung kapareha ko sa project namin sa Humanities."

"Ah oo nga pala, yung ikinapuputok niyang pasensya mo. Eh paano nga palang nangyaring kayo ang magkapareha?"

Wala na rin akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang mga nangyari. Alam ko rin naman kasi na magtatanong at magtatanong lang rin siya. Hahaba lang ang usapan kaya sinabi ko na lahat.

"Ayieeeeeee! Eh di tadhana na yon Georgina! Yung ending eh.. kayo pa rin!" aniya na kilig na kilig nang ikwento ko sa kanya ang tungkol ron.

"Anong tadhana ang sinasabi mo? Kilabutan ka nga."

"Asus ito na naman kami... indenial ang lola.. wala ka talagang kilig sa katawan no? Puro kay Zeke mo nireserve? Destiny kasi yon friend, yung maging kapartner mo siya. Tad-ha-na!"

"Ewan ko sayo! Puro ka kalokohan. Ubusin mo na nga yang kinakain mo malilate na tayo."

"Oh sure, kaw rin." Aniya na hindi pa rin matigil ang kilig. "Mukhang sumarap ang mga pagkain mo at nilalanggam pa ang mga ito sa sobrang tamis.. eh dumating lang ang gwapo nagkaroon at nakikita ko na rin ng rainbow sa mesa natin!"

"Baliw."

Inubos pa muna namin ang lahat ng pagkain bago nagpasyang umalis sa cafeteria. Kailangan na rin kasi naming umalis at may mga klase pa kami ng ala una.

"Oh siya mauna na ako ah." Paalam ko sa kanya.

"O sige, magkita nalang tayo mamaya.. oops may project ka nga pala." Walang humpay na tukso ni Luna bago ito tuluyang umalis.

Pagkarating ng classroom ay halos naroon na ang lahat ng estudyante. Una kong napansin ang natutulog na namang si Ely pero agad kong itinuon ang paningin sa pinsan nitong naroon na rin.

"Oh akala ko late ka na." aniya nang makaupo ako sa aking upuan.

"Naparami lang kain namin ni Luna."

"Gisingin mo na yang katabi mo at baka pumasok na yung prof."

Nilingon ko si Rigel at tulog pa rin ito. Hindi gaya ng kaninang umaga ay talagang sakop na ng mga braso ang mukha nito na nakaharap lang sa arm rest. Tanging mapula pulang tainga niya na lamang ang makikita mo.

Ganyan nga, wag mong ipapakita ang mukha mo kung matutulog ka rin lang.. para walang nang maabalang ibang tao.

Maya maya pa ay dumating na ang prof at kusa naman itong nagising. Tatlong subject pa ang pinasukan namin sa hapon na iyon bago maguwian.

"Yna, sabay ka ba sakin?" tanong ng bestfriend ko nang makalabas na kami sa room.

"Ah hindi pa, may kailangan pa muna akong puntahan. Mauna ka na."

"Okay, sigurado ka ha? Pwede sana kita antayin kaso kasi may pupuntahan rin kami nila mommy."

"Ayos lang. Mag-iingat ka."

"Okay sige, bye." paalam niya at tanging tango na lang ang nagawa ko nang biglang hanapin ng aking paningin si Ely.

Asan na yon? Ang bilis naman.

Alas kwatro pa lang at may isang oras ko pa siyang hihintayin gaya ng napag-usapan.

"Bakit pa kasi kailangan agad namin gawin yung project eh hindi naman nagmamadali si Sir. At isa pa pwede naman niya akong kausapin sa room kanina para sabihing magkita kami ng hapon. Hindi yung umeksena pa siya nung lunch. Weirdo talaga." Napapailing na bulong ko nalang hanggang sa hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng library.

Naisipan ko nalang manghiram ng libro na pwedeng makatulong sa project namin.

Pagkatapos kong lumabas ng library ay agad akong naglakad papuntang gym. Naisipan kong doon ko na lamang siya aantayin.

Pagkarating ng gym ay naupo ako sa mga nakahilerang bench sa labas nito.

"Huhuhu." Ni hindi pa ako nakakaupo nang maayos ay agad kong nilingon ang pinanggalingan ng iyak na yon.

"M-miss? O-okay ka lang ba?" tanong ko rito pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Marahang lumapit pa ako sa kanya dahil nakaupo lang rin naman kami sa iisang upuan. Hindi ito matigil sa iyak at hindi rin imposible na walang nakakakita sa amin ngayon. Marahil ay pinagtitinginan na rin kami ng iilang tao.

Kung aalis ako ngayon ay mas pagbubulungan lamang kami.

Nang wala pa ring tugon mula rito ay kinuha ko ang panyo ko sa bag at saka ito ibinigay sa kanya.

Bahagya niyang inangat ang ulo at saka nilingon ako. Inilahad kong muli sa kanya ang panyo at tinanggap naman niya ito. "M-maraming salamat." At nginitian ko naman siya.

Pinunasan niya ang mga luha pero panay pa rin ang hikbi niya. Wala rin akong masabi dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong eksena.

"G-gusto mo ba ng tubig?" tanong ko.

"N-no t-thank you. M-may t-tubig n-naman ako." Aniya habang humihikbi.

Pinunasan niya muli ang kanyang mga luha at pilit niyang pinakalma ang sarili. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago siyang mahinto sa pag-iyak. Hinayaan ko na rin lamang siya. Ni ang magsalita o umimik ay hindi ko nagawa.

"Thank you." Aniya kaya nilingon ko naman siya. Nakatingin siya ng diretso sa field pero kitang kita kong ngumiti siya nang bigkasin niya iyon. "Thank you." Pag-uulit niya. "Hindi k-ko alam ang gagawin ko kanina k-kung... kung hindi ka dumating. W-wala kasi akong kilala dito." Kwento niya pero hindi pa rin mapigilaang humikbi nito.

Mukhang hindi nga talaga siya nag-aaral dito dahil bukod sa hindi ito nakauniporme ay hindi rin naman siguro 'to iiyak dito nang may mga nakatingin sa kanya. Magulat nalang siguro siya kapag iyong siya na ang pinag-uusapan sa campus dahil sa ekesena niya kanina.

Eh bakit nga ba siya nandito? Bakit siya umiiyak?

"W-wag mo sana masamain ang itatanong ko pero.. Hindi ka naman estudyante rito diba? Tuwing Monday kasi hanggang Wednesday ay kailangan nakauniporme, pero ikaw, mukhang hindi ka talaga nagaaral rito."

"You're right." Aniya at nilingo ako. "M-may b-bi.. binisita lamang ako rito." Aniya

"G-ganun ba." Wala na akong masabi kung hindi iyon nalang.

Gusto kong tanungin kung bakit siya umiiyak pero baka maoffend pa siya. Gusto ko rin pagaanin ang loob niya pero hindi ko rin naman iyon magagawa.

"If you think na.. na wala kang magawa para tulungan ako ngayon ay nagkakamali ka." Nagulat ako sa sinabing niyang yon. "Your presence means a lot to me, kaya salamat." Patuloy niya.

"Ah eh.. w-wala yon." Nahihiyang sabi ko

Ni hindi pa man kami nakakapagusap nang matagal ay agad namang lumabas si Ely mula sa loob ng gym. Nagulat pa siya nang makita ako. Marahan naman siyang lumapit papunta sa gawi ko.

Gulat? Eh siya nga nagpapapunta sakin di ba? Loko.

"A-andito ka?... Ang ibig kong sabihin eh andito ka na ba kanina pa?" tumango naman ako. "B-bakit hindi ka man lang pumasok?!" inis pang usal nito.

"Wala ka namang sinabi na mag-antay ako sa loob. Ang sabi mo lang ay antayin kita."

"Psh. Slow." Rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na pinatulan. "Magbibihis lang ako antayin mo ako.. saglit lang." aniya saka patakbong pumunta sa CR.

"Boyfriend mo?" nilingon ko ang babaeng kanina lang ay umiiyak pero nakangit na sakin.

"A-ano?"

"Bagay kayo." Aniya at nginitian pa ako. "Ito nga pala yung panyo mo.. uhmm.. actually kunin ko nalang ang number mo nang maibalik ko naman sayo to."

"Nako wag na, okay lang naman sakin. Mas kailangan mo yan ngayon." At sinuklian ko naman siya ng ngiti.

"Thank you talaga ha." Ulit niyang pasasalamat

"W-wala yon."

"T-tara?" gulat akong napalingon sa gilid at nakita si Ely. Ang bilis niya.

"Ah sige mauna na ako miss. Ingat ka."

"Ikaw rin."

Agad akong tumayo at nginitian siyang muli saka ko naman siya tinalikuran.

"M-miss!" rinig kong sigaw niya kaya napatalikod muli ako para harapin siya pagkatapos. "Gab. I'm Gab."

"Yna. Nice meeting you." Kita ko sa kanyang mukha na umaliwalas ito. Maganda siya at mas gumanda nung nakangiti na. Ngunit muli akong tinawag ni Ely kaya tuluyan ko na itong natalikuran. Gusto ko pa sana siyang makausap pero mangyayari rin naman siguro iyon kung yun ang sinasabi ng aming tadhana.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...