Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

76K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 1

2.4K 77 17
By Levelion


#KKP2Kabanata1
@levelionwp

-------------------------------

Kabanata 1
4 Years


Unti-unti ng napupuno ng tao ang concert ground dito sa cebu. Nakatakda kasing mag concert ngayon dito ang Downtown. Dahil may VIP pass kami ng mga kaibigan ko galing kay Code, hindi na kami pumila. Actually, nanggaling pa nga kami sa backstage at sinilip ang Downtown na abalang naghahanda. Binigyan lang namin ng goodluck message ang mga ito at saka nagtungo na kami rito sa harapan ng malaking stage.

Marami ang fans na nakakakilala sa akin dahil sa lantarang pagpapakilala ni Code sa akin noon, pero naka face mask naman akong itim at nakatali ang mahaba at kulay apoy kong buhok, na sinakluban ko ng navy blue new york yankees, baseball cap. Kaya walang nakakapansin sa akin ngayon. Ganito ang parati kong disguise kapag concert niya.

May dalawang malaking LED screen sa magkabilang gilid ng stage at mayroon din sa gitna. Naka-flash sa magkabilang screen ang concert poster at sa gitnang screen naman ay paulit ulit na lumalabas ang clip ng isang makulay na outer space.

Hindi rin mawawala ang mahabang ramp stage para kay Code. Si Code kasi iyong tipo ng performer na napakalikot sa entablado. Ginagawa niyang playground iyon, habang buong puso siyang kumakanta.

"Fifteen minutes na lang." dinig kong sabi ni Tyron na bakas ang excitement sa mukha habang nakatingin sa kanyang wrist watch.

Nababalot ngayon ng kulay asul na ilaw ang buong entablado at may ilang staff ang nagpapalakad-lakad doon, sinusuring mabuti kung nasa ayos ang lahat.

Ilang beses na akong nakakapunta sa concert ng Downtown, kaya alam ko na ang ginagawa ng production team bago magsimula ang concert.

They are the people behind the concert that also work really hard, so that everyone can enjoy the show.

Kung tutuusin nga ay hindi naman na namin kailangan makipagsiksikan ng mga kaibigan ko dito sa audience area, but we always choose to be there, so that we can feel the concert more.

Gusto ni Code na doon daw ako manood sa backstage para hindi ako mahirapan, pero kapag doon ako nanonood ay hindi ko gaanong nafefeel na nasa concert ako.

Mas gusto ko na mahirapan, basta makita ko siya ng harapan.

Dahil lalong dumarami ang tao, nararamdaman ko na rin na sumisikip na sa pwesto namin. I'm glad my friends are boys, they're like my human shield, ready to cover me up, so that no one can harm me.

"Oh, shit." mariin at mahinang mura ni Tyron na nasa left side ko.

Naramdaman ko naman ang pag-cover ni Robert ng kamay niya sa likod ko, mula sa left side ko at saka nilingon niya ang mga nagtutulakan sa likod.

"Hey! Wag nga kayong magtulakan. In case you didn't know, my tao rito." aniya na sinamaan pa ng tingin ang ilang babaeng nagtutulakan sa likod namin.

"You okay?" concerned na tanong sa akin ni Robert nang muli siyang bumaling sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at nginitian siya.

"Ito kasi, eh! Wag nga kayo manulak. Nakakahiya kay kuyang pogi."
"Pogi nga, suplado naman."

Pigil ko ang pagtawa ko habang naririnig ko ang sinasabi ng mga babae sa likod namin.

"Suplado ka daw." biro ko kay Robert.

"Psh. I don't give a damn." aniya.

"Ang tagal." reklamo ni Felix na panay ang pindot sa cellphone niya. Ganoon din si Joe na nasa tabi ni Robert.

Ilang saglit pa ay maririnig ang tilian at hiyawan ng lahat nang mamatay na ang ilaw sa stage at mabalot ng dilim ang paligid.

"Geez. Need to get ready. Their pyrotechnics always surprised the hell out of me." sabi pa ni Joe.

Napangiti ako sa sinabi niya. Actually, hindi lang naman siya ang nagugulat. Kahit ako ay ilang beses ng nagulat sa pyrotechnics na lumalabas sa gilid ng stage, pati nga iyong pausok at confetti nila.

Ang dalawang LED screen kung saan naka-flash ang concert poster kanina, ngayon ay ipinapakita na roon ang buong stage.

Ayan na, malapit na talagang lumabas ang Downtown.

Maya-maya'y lumabas ang usok sa bawat gilid ng stage. Isa-isang bumukas ang mga ikaw sa itaas ng stage, maging ang mga ilaw sa baba at sa paglabas ng pyrotechnics ay ang dahan-dahang pag-angat ng stage sa gitna.

Isang malakas at nakakabinging hiyawan ang bumalot sa buong concert ground. Kasabay ng dahan-dahang paglitaw ng Downtown na animo mga mannequin na naka-pose, habang hawak ang kani-kanilang musical intrument.

"Good evening, everyone!" Sigaw ni Code na nakangiti sa mga fans.

He has a messy but very sensual, medium length hairstyle. Kumikinang ang cross silver earring sa kanyang  tenga. May suot din siyang itim na choker na may pendant na cross, katulad ng hikaw niya.

Nakita ko na ang suot niya kanina pero mas lalong lumakas ang dating niya sa akin ngayon habang, nasa harap siya ng stage.

Nakasuot si Code ng itim na latex pants at itim na fitted lace button down top. Halos makita na ang half body niya sa tila see through na pang-itaas. Bakas sa suot ni Code ang taglay niyang kakisigan. Hindi maitatanggi kung gaano ka perpekto ang kanyang well-toned body na alam kong inaalagaan niya talagang mabuti.

Code can full out any kind of outfit everytime he performs on stage. Kahit gaano ka-weird pa yata ang isuot niya ay babagay sa kanya. He's not just naturally good looking, but also a natural model. Maybe because he's tall and his eyes are very expressive.

"I love you, Code!"
"Code, please marry me!"
"Anakan mo ako!"

Kumunot ang noo ko sa huli kong narinig mula sa mga babaeng nagsisigawan. Lumingon pa nga ako.

Kanya-kanyang taas ng cellphone nila ang lahat upang kuhanan ang magaganap na eksena.

Napakaeffort ng mga fans na may dalang malalaking lettering ng pangalan ni Code na may LED light. Ganoon din ang sa ibang members ng Downtown. Mayroon din akong nakitang may hawak na LED scrolling sign na ang mababasa ay. 'The sensual Code Realonda' . Mayroon din may mga hawak na malalaking banner, pero nasa dulo na ang mga iyon.

"I hope you will all enjoy the show tonight. Let's bring it on."

Pagtaas ni Code ng kanyang kamay ay muling sumabog ang pyrotechnic.

"Fuck! Magkakasakit talaga ako sa puso nito!" ani Joe na hinahaplos ang kanyang dibdib dahil sa gulat.

Nagsimula na rin tumugtog ang Downtown na sinasabayan ng hiyawan ng mga fans.

'You and I both, we come from different worlds'

Parang hinuli ng mga mata ni Code ang puso ko nang tumingin siya rito at itinuro ako.

I'm a small town kid and you're an uptown girl
We've both been hurt, we got a few scars
But it don't matter now, we're staring at the stars'

Umangat ang isang sulok ng labi ni Code at kinindatan ako at saka nagsimulang mag lakad sa ramp stage.

'When it comes to my heart you gotta catch and fall, deep down in my soul I know that I would die
If I didn't have you how could I ever fly? A hundred miles beyond the sky'

Tumuro siya sa itaas at saka nag hand sign na para bang may binabaril siya.

'It's feeling like we're high above the ground
It's feeling like we never coming down'
'Til we want to, but why would we want to?"

Code was so alive. He's very energetic. Ramdam na ramdam mo kung gaano siya nag eenjoy sa pagkanta, sa pagpeperform.

'Remember that day, we knew it from the start
We've come a long way and we're gonna go far
I see the future in your eyes, forever and always, you and I'

Lumalapit pa si Code sa mga kasama at sa mga tinginan ng mga ito ay para bang nag-uusap na sila.

Sinasabayan ng lahat si Code pagkanta at paminsan-minsan ay itinataas niya ang microphone niya at nakangiting hinahayaan na kumanta ang mga fans.

Code is a really great performer and I will never get tired watching him on stage.

Hindi nakakalimutan ni Code na tumingin sa pwesto namin at parati siyang may ngiting ibinibigay sa akin sa tuwing magtatama ang mga mata namin.

Paano akong hindi mahuhulog sa lalaking katulad niya?

Tumakbo ng tatlong oras ang concert ng Downtown pero para bang napakabilis lang 'non.

Ganoon pa man ay kitang-kita sa mukha ng fans kung gaano sila ka-satisfied, kahit kasi tapos na ang concert ay naghihiyawan pa rin ang mga ito.

Pagdating namin sa backstage ay agad kong hinahanap si Code pagkatapos kong batiin ang ilang members ng Downtown.

"Si Code?" tanong ko sa P.A niyang si Nora.

Natatarantang nilibot nito ang tingin sa paligid.

"Hala, hindi ko alam." aniya.

Actually, P.A na ng bawat member si Nora kaya kitang-kita ang pagkaaligaga nito ngayon habang  binibigyan ng tubig ang bawat myembro.

"Nakita ko siyang pumasok sa dressing room." ani Gervin at saka tinungga ang bote niya ng mineral water.

"Nicodemus?" nakangiting pagtawag ko sa kanya. Kumatok din ako at saka binuksan ko iyong dressing room.

Pagpasok ko ay wala akong nakitang tao pero nagulat ako nang mula sa likuran ko ay may matigas na braso ang kumulong sa akin. I feel the love and longing in his warm embrace.

Napangiti ako at napapikit.

"Kanina pa kita gustong-gusto yakapin." namamaos na sabi ni Code na naramdaman ko ang mainit na hininga sa aking leeg at saka banayad niya akong hinalikan doon.

Umikot naman ako paharap sa kanya at nginitian ko siya. Inilagay ko sa batok niya ang mga braso ko at masuyong hinagod ang kanyang malambot at magulong buhok.

"Well done to your performance, Mr. Realonda." nakangiting bati ko sa kanya.

Tumaas naman ang isang sulok ng kanyang mga labi. "How about this one?"

Nagulat ako nang isandal niya ako sa pintuan at mariin na hinalikan. Napapikit ako at agad na tinugon ang nakakapaso at nang-aangkin niyang mga labi.

I can't resist his soft, wet and wild lips, while his tongue exploring every corner of my mouth as he pressed his body against me, feeling his hard erection inside his pants.

Habang naglalaban ang mga labi at dila namin ni Code ay naramdaman ko naman ang isa niyang palad na sapo ang isa kong dibdib at bahagya niya itong pinipisil.

"Code?"

Mabilis na humupa ang init sa buo kong katawan at tinulak si Code nang marinig ko ang boses ni Felix sa labas. Frustrated na nagkamot naman ng ulo niya si Code.

Nagmamadali akong naupo ako sa apple green couch dito sa gilid at kunwaring nagbasa ng magazine na nakita ko sa lamesita sa gilid ng sofa. Si Code naman ay nasa harap na nang malaking salamin habang nakatukod ang kanyang magkabilang kamay sa ibabaw ng puting divider.

"O, sabi sa iyo nandito si Persis, eh." ani Felix nang makapasok ito.

Hindi ako tumitingin sa kanila. Ayokong mahalata nila na may kung ano kaming ginagawa ni Code kanina.

"Congrats, pogs. Ganda ng performance kanina. Ibang klase ka talaga." pamumuri ni Robert.

"Pero nakakagulat talaga iyong pyrotechnics niyo. Muntik na ako atakihin sa puso." tila nagrereklamong sabi naman ni Joe.

"I'm glad you all enjoy the show. Thanks for coming."

"Where's the next concert?" tanong naman ni Felix.

"Davao."

"Panay ang cheer ni Persis sa iyo kanina. Very supportive as always." tila nanunuksong sabi naman ni Tyron.

Huminga muna ako ng malalim at saka nag decide na tumayo sa kinauupuan ko at masiglang lumapit sa kanila.

"Of course, ako ang number one fan ni Code Realonda."

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Robert habang nakatitig ito sa akin.

"Who's the fucker that smudged your lipstick? Fix it first, lady." kasunod ng ngisi niyang nanunukso.

Napatingin ako kay Code na nagpipigil ng tawa at saka ako hiyang-hiya na tumingin sa salamin.

Sobrang init ng buo kong pisngi at nakangiwing pinagmasdan ang kumalat kong lipstick.

"Sorry, nabitin pala namin kayo." dagdag pa ni Tyron.

"Stop teasing her, Ty." pananaway naman ni Code sa kaibigan namin, pero nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin habang nakangiti.

Habang binubura ko ang natirang lipstick sa labi ko ay may kumatok na isang staff at inaaya na si Code na lumabas dahil kailangan na nilang bumalik sa kanilang hotel.

"Tara na mga pogs." yaya ni Joe.

"Sunod kayo." ani Robert na nilingon kami bago sila nagsilabas.

Nanatili naman si Code sa tabi ko.

"Are you done, baby?" tanong niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Yup."

Burado na ang lipstick ko, pero pinatungan ko ng liptint ang labi ko.

Hinawakan ni Code ang baba ko at sinuri ang labi ko.

Bumibilis ang pintig ng puso ko sa mariin na pagtitig niya sa akin, nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga.

"Bakit ka kasi naglipstick? I like your lips without it." aniya habang nakataas ang isa niyang kilay at pinakawalan ang baba ko.

Nagpout naman ako sa kanya. "Sabi kasi sa akin nung pinagbilhan ko, smudge-proof daw iyon."

"Kiss me first, before you buy it." nakangisi niyang sabi at saka kinuha niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng dressing room.

Marami pa rin fans ang nag-aabang sa Downtown ngayon. Nakikita namin sila habang papasok ako sa itim customized van ni Code. Pumasok na rin sa loob ang mga kaibigan namin.

"Ang sarap din pala sa feeling kahit kaibigan ka lang ng superstar. May mga bodyguard din na pinoprotektahan ka." ani Joe na prenteng naupo sa likod ng van.

Malawak dito sa loob ng van ni Code. Eto ang ginagamit niya kapag may photoshoot sila o nasa filming. Kapag naman trip lang niyang gumala ay tsaka lang niya nagagamit iyong mga sasakyan niyang kasing gwapo niya at mas mahal pa nga yata sa buhay ko ang halaga ng mga iyon.

Apat na taon na si Code sa industriya ng musika at habang tumatagal ay mas lalo pa siyang sumisikat, kahit na alam ng marami na may girlfriend na siya at alam din nila na ako iyon.

Noong mga una ay nakakatanggap pa ako ng death threats sa mga iyon, pero ngayon ay mukhang nagsawa na yata sila.

May ilan din naman na nagpapahayag ng pagsuporta sa relasyon namin ni Code at masaya sila para sa aming dalawa.

"Gusto ko ng isaw." ani Code. "Parang isang taon na yata akong hindi nakakakain 'non."

"Eh, di mag-isaw tayo." ani Felix.

"Mang, Jun. Saan may bilihan ng isaw dito?" tanong ni Code sa driver niya.

"Baka sa circle, boss."

"Saan iyon?"

"Dyan lang, madadaanan natin."

"Sige, ihinto mo roon. Maglalakad-lakad na lang din kami."

"Pero, Code. Pagkakaguluhan ka ng mga tao." nangangambang sabi ko.

Nguniti naman siya sa akin "Come on, I have a props."

Pagdating namin sa isang park dito sa cebu. Nagsuot muna ng itim na bonnet hat si Code. Nagsuot din siya ng malaking nerdy glass at itim na face mask. Muli ko namang isinuot ang disguise ko kanina.

"Let's go!" excited kong yaya sa kanila.

Dahil alas-diyes na nang gabi ay hindi na ganoon karami ang mga tao rito sa park.

Nakahanap na rin kami ng isaw at kasalukuyang kumakain nito habang naglalakad-lakad. Mayroon din kaming nakitang nagtitinda ng balut at penoy, pati chicharong baboy. Lahat iyon kinain namin.

Sa paglalakad namin. Napansin ko na karamihan sa mga narito ay magkasintahan, may ilan na magbabarkadang nakaskateboard at may ilan din na nag jojogging. Ang iba ay nakahiga sa damuhan at iyong ilan naman ay nasa gilid ng fountain na naglalabas ng makukulay na ilaw.

Ngunit ang nakatawag ng pansin namin ay ang isang grupo ng street musician. Apat ang myembro ng mga ito at tila mga teenager pa, puro lalaki rin ang mga iyon.

"And I do reside in your light
That put up the fire with me and find
Yeah yeah, you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbye"

Tahimik naming pinakikinggan ang banda habang nakaupo kami rito sa park bench at kumakain.

Ang mga kaibigan namin ay panay ang kwento tungkol sa mga karanasan nila noong nagbabanda pa sila. Pero si Code ay tahimik lang na nakatitig sa mga tumutugtog. Marahil inaalala rin niya ang nakaraan. Noong mga panahong sa fiesta at school programs pa lang siya kumakanta, pero ngayon...napakatayog na niya, sobrang layo na ng narating niya, sa loob lamang ng apat na taon.

At bilang girlfriend niya. Sobrang proud ako sa kanya at hindi ako magsasawang suportahan siya hanggang sa pinakatuktok ng tagumpay niya.

"If you could only know me like your prayers at night, then everything between you and me will be alright"

Bahagya akong napakislot nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Code na sinakop ang maliit kong kamay. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at saka siya bumulong.

"Thank you, for everthing. My special fan." He said as he kissed me on my temple.

I will always be there to support you, Code Realonda.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 348K 33
TIL Series #1 (Book 2 of 2) After a long journey of coveting Chelsea's attention, Ryde finally caught not only her eyes but also her heart. If we are...
6.4M 240K 64
A battle between love and service.
5.7M 185K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...
7.6M 109K 36
[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilip...