The Undestined Love

By Atasshae

4K 1.3K 44

Xyrene Silvestria She lost his father, mother and older brother, at a very young age. She lost everything she... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 7

108 29 1
By Atasshae

"Okay ka lang?" Naghahabol na hiningang tanong sa akin ni Kenzo.

Basang basa ang mga damit namin nang nakarating kami sa harap ng mansyon ni Lola dahil inabutan kami ng malakas na ulan.

"Xyrene! Pahiram ako ng damit ha." Sabi ni raine habang nagtatampisaw pa sa ulan.

Para talaga syang bata, Sigurado ako magkakasundo din sila ni kat pero mukhang malabong magkasundo sila ni Xavier, Ayaw non ng makulit.


"Hindi ka ba nalulunod?" Paglapit naman sa akin ni zaffiro na basang basa na rin ang damit.

Magulo na ang buhok dahil sa malakas na ulan na lalong dumagdag sa kagwapuhan nya at ayon nanaman ang mga mata nyang nakakaakit titigan.


"Malulunod? Pinagsasabi mo?" Mataray kong pagtatanong sa kanya at pilit iniiwas na tumingin sa kanya.

"Hindi ka ba nalulunod? Eh halatang malalim ang iniisip mo eh." sabay tawa ng malakas at may paghawak pa sa tyan dahil sa waley nyang joke.

"Joke ba yon? Sabihin mo lang pag tatawa na ako." Then i rolled my eyes again... Pero tama sya malalim nga ang iniisip ko.

Namimiss ko lang ang Manila, Ang bahay namin don at lalong lalo na sina kat. Thirteen years old lang ako noong huli ko silang nakita.


And I'm sixteen now. It's been a years.


Naalala ko noong sinurprise ako nila Kat. It was my 13th birthday. Hinatid sila ni Tita Mariella na mama ni Kat dito kahit sobrang layo sa Manila.

Pero dahil nga ayoko lumabas. Sa kwarto nila ako pinuntahan para maglaro, Kumain ng mga dala nilang pagkain at Magkwentuhan tungkol sa nangyayari sa Manila.

Sobrang pinasaya nila ako that time pero umalis din sila agad.

And i feel lonely again...

Bumalik lang ako sa wisyo ng mapansin ko ang pagtitig ni kenzo. Na nakatayo parin ngayon sa harap ko.

Nakatitig sya sa mga mata ko at dahang dahan na bumaba sa labi ko.

Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa pisngi ko at hinaplos ang kabilang pisngi ko.

"Ano ang ginawa mo sakin xyrene? Bakit nagkakaganito ako sayo?"

Tumitig muli sya sa mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang sincerity sa bawat katagang sinasabi nya.

"If i was your boyfriend, I'll never let you go."

f i was your boyfriend, I'll never let you go.

If i was your boyfriend, I'll never let you go.

If i was your boyfriend, I'll never let you go.

Paulit ulit kong nadinig ang sinabi nya kahit isang beses nya lang sinabi 'to!

What the hell are you saying...

Tama ba ang narinig ko kenzo?

Sobrang gulo ng inaasta nya at lalo na ng mga sinabi nya ngayon.

Hindi ko sya maintindihan, Gusto nya ba ako? Mahal nya ba ako? Special ba ako sa kanya?


Because if yes, I think we both feel the same way.....

"What do you mean? gus-"

"Xyrene! Ang kotse!" Hindi ko na natapos ang itatanong ko kay Kenzo ng sumigaw bigla si Trevor.

Napatingin kaming lahat sa kanya, Ganon din si raine na gulat na gulat sa lakas ng pagsigaw ni Trevor.

Tumingin ako sa kanya at buhat buhat nya si Lola na walang malay.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko!

Naiiyak ako sa takot na baka iwan ako ni lola, hindi ko na kayang maiwan.

Hindi ko na kayang may isa pang taong mawawala sa buhay ko.


Sa pagkakatayo ko ay bigla na lang akong hinawakan sa kamay ni Zaffiro at tumakbo papunta sa kotse.

Pinagbuksan muna nya ng pinto si Trevor para maipasok si Lola sa backseat. Tumabi ako kay Lola at inaalalayan sya habang wala paring malay. Sumakay naman sa unahan si trevor at zaffiro.

Nakarating agad kami sa malapit na hospital dahil sa sobrang bilis magmaneho si Trevor. Mabilis nilang ipinasok si Lola sa loob kasama ng mga Doctor.

Tanging paghihintay na lamang ang ginawa namin.

Dumating din ang secretary ni Lola na si Ms. leinel, Kasama niya si Raine na may dala dala bag at agad inaabot sa akin.

"Magpalit ka na, Baka lagnatin ka pa. Basang basang ang damit mo. Nandito na rin ang damit ni kenzo, Ibigay mo na lang sa kanya." pagaalalang sabi sakin na raine habang pinupunasan ang luha ko.

Nakalimutan kong nabasa nga pala kami ng ulan kanian!

"Magiging okay din ang lahat, Kilala ko si Lola Leah. Matapang at malakas yon." nakangiting sabi nya sa akin.

Napakalikas na mapagmahal talaga ni lola. Kahit siguro tanungin mo pa lahat ng mga nakakilala sa kanya ay may kabaitang masasabi sayo.

Agad ko namang binigay kay kenzo ang damit nya at nagpalit na rin ako ng damit.

"Mr. Silvestria?" Pagtawag ng doctor pag labas nya ng kwarto na kung saan naroroon si lola.


"Yes Doc. Lim." sSgot naman ni trevor na agad tumayo ng nakita ito.

Lim?kaano ano kaya sya ni Rafael lim na nagkwento ng kung ano ano kay Kenzo?

Noong pagpasok ko sa school kanina ay pangalan agad ni Rafael Lim ang nadinig ko sa buong klase kaya tinanong ko si Raine na wala sa sarili at sobrang nagaalala.

Sinabi nya sa akin nasa office daw ang loko dahil late nanaman at sinabi pa ni rafael na tumatambay daw ito sa palengke kaya may chance na masuspend si kenzo.


Gulat lahat ng kaklase ko ng pinagkakalat ko ang mga gamit nila rafael at madaling pumunta sa office para sabihin ang totoo.

Sigurado ako halos sinusumpa na nila ako ngayon dahil sa ginawa ko sa mga gamit nila pero wala akong pagsisihan kung pati ako saktan nila kayang kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

I'm a demon when it comes to battle..

"Mr. Silvestria, Okay na po ang lola nyo napagod lang sya masyado kaya ganon ang epekto sa katawan nya. She needs to rest." Mahabang sabi ni Doc. lim. Nagpasalamat naman sa kaniya si Trevor atsaka ito umalis.

Pumasok naman kami sa private room kung saan nakaconfine si Lola.

Malaki at elegante ang kwartong ito. May flat screen TV, May long sofa at dinning table pa.

"Nacontact ko na ang si Sir Frank." Sabi ni Ms. leinel na kapapasok lang, Nakaupo naman ako sa upuan na katabi ni lola at nasa sofa si Trevor na masama na ang mukha nang marinig ang pangalan ng daddy nya.

Nasa dinning table naman sina Zaffiro at Raine na kumakain ng prutas.

"Anong sabi nila? Uuwi ba sila?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ko na hindi sya pinansin ni Trevor.

"Hindi daw sila makakauwi, inaayos pa nila ang problema ng company nyo." She sighed.

"Daddy doesn't care about lola's condition." pagsabat ni trevor na ikinatahimik naming lahat.

"Trevor." Pagsaway ng secretary ni Lola pero suminghal pa ito.

"Tama naman ako diba?" Sabi nya habang tinignan kaming lahat. "Nandon sila sa Manila, Taking care of that damn company while grandma was here." pagpupunto nya sa hospital. Nagingilid na ang luha nya.

Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya.

"Buti pa ang company naalagaan nila." Lumapit sya kay lola at hinalikan ang noo nito. "Samantalang si Lola nipuntahan ay hindi nila magawa." Sabi nya pa at agad lumabas, Susundan sana sya ni zaffiro pero pinigilan ko sya.

Masgugustuhing mapagisa ni Trevor ngayon.

He's the type of guy na sinosolo ang problema.

Napatingin naman ako kay kenzo na tumutulong kay yaya na maghanda ng hapunan naman dito sa hospital.


Bukas pa daw makakalabas si lola dahil sa mga test na gagawin pa nila.

Hindi parin ako matahimik sa sinabi nya kanina...

Alam ko sa sarili ko na hindi lang crush ang pagtingin ko sa kanya kasi kung paghanga lang 'to, Bakit umaasa ako na totoo ang sinabi nya kanina?

Hindi pwede, hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.

I sighed. Ayoko masakatan.

-

"Buti pa ang company naalagaan nila." Lumapit sya kay Lola Leah at hinalikan ang noo nito, Kitang kita sa kanya ang pagmamahal nya sa lola nya. "Samantalang si lola nipuntahan di nila magawa." Huling sabi nya at agad lumabas. Akmang susundan ko sya pero pinigilan ako ni xyrene.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo na lamang para tulungan mag ayos ng pagkain si Yaya Helen.

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Trevor, Gusto nya ng pagmamahal na kahit kailan ay hindi naibigay ng magulang nya pero nabigay ng Lola nya..


"Iho makikiabot naman ng baso don." Utos ni yaya helen sa akin. Agad ko namang kinuha ang mga baso sa bag na tinuro nya.

Unang nagkakilala kami ni Trevor sa hacienda ni Lola Leah na kung saan naroroon ang iba't ibang bulaklak na sikat na sikat dito.

Noong labing limang taong gulang palang ako ay naroroon ako sa kubo na pahingahan ng mga trahabador sa hacienda ni Lola, Umiiyak ako noon dahil iniwan ako ng isang taong napakahalaga sakin pero lumapit sa akin si Trevor para damayan ako.

Ang dami nyang sinabi sa akin na sobrang tumatak sa akin.

Simula noon, Naging matalik ko na syang kaibigan kahit na magkaiba kami ng buhay na pinanggalin. Tinanggap nya parin ako na maging kaibigan nya. Kaya nga hindi ako naniniwala na walang kwenta syang anak gaya ng sinasabi ng magulang nya.

Ilang minuto ang nakalipas ay hinihintay na lang namin na pumasok si Trevor para kumain ng biglang maring ang phone ni Xyrene.


Naalala nya pa kaya ang sinabi ko kanina?

Sana ay nakalimutan na niya.

Bakit ko kasi sinabi yon!?


Tiningnan nya muna ng cellphone nya, Ngumiti sya na tila excited ng sagutin ang tawag nito."Excuse me, Sagutin ko lang to." Sabi nya nang nakatingin kay Raine at Ms. Leinel

Tss, Hindi man lamang tumingin sa akin.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok na si Trevor ng may dala dalang gamit. Inabot nya naman sakin ang isang hoodie jacket at sinabing isuot ko ito dahil masyadong malamig raw.

"Wow, Bagay ka palang maging mayaman kenzo!" pangaasar sa akin ni Raine nang pagmasdan ang suot ko, Thmingin naman ako kay Trevor na tila nagtatanong na tingin kung bagay sa akin.

Hindi kasi ordinaryong hoodie. Sa tingin ko ay mas mahal pa ang hoodie na 'to sa buhay ko.


"Wag mo sya pakinggan, Bagay sayo." Masungit nyang sabi at tumingin ng masama kay raine.

Pumunta na si Trevor sa lamesa at tinikman ang mga luto ni yaya helen. "Kenzo?" pagtawag nya sa akin at umupo na. "Tawagin mo na si xyrene, Nasa dulo ng hallway."

B-Bakit ako?

Wala naman akong nagawa kung hindi ang lumabas para tawagin si Xyrene, Dumaretso agad ako sa dulo ng hallway nang makita kong naroroon sya at may katawagan pa.

"Sige, ako na bahala magsabi kay Lola." Sabi nya sa kausap nya, Nakatalikod sya kaya hindi na ako nakikita.

Kahit nakatalikod, Napakaganda parin nya.

"I love you too, Xavier. see you soon." Huling sabi nya at pinatay ang telepono saka humarap sakin.


May boyfriend sya?


"Oh, Andyan ka pala." nakangiting sabi nya

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan.

"Okay ka lang? bakit natulala ka?"

"K-Kain na daw kayo, T-Tawag ka ni Trevor."

Pagkasabi ko sa kanya ay agad ko syang tinalikuran at naglakad palayo.

Tinawag nya ako pero hindi ako lumingon.

T-Tangina bakit nasasaktan ako?

Dumiretso ako sa sakyan ni Trevor para don tumambay, Gutom na gutom na ako kanina pero noong narinig ko yon nawalan ako ng gana.

Nagseselos ka ba kenzo? Eh crush ko lang naman sya.

"Baliw ka na, Kenzo." Bulong ko pa.

Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok kaya umidlip ako saglit.

"Kenzo!" Nagising ako dahil sa pagsigaw sakin ni trevor na ngayon ay nasa driver seat.

Napatingin ako sa paligid ng mapansing gabi na pala.

Pucha ilang oras akong tulog ah?

"Kanina pa kita hinahanap, Nandito ka pala." Sabi ni trevor habang kinukuha sa bulsa ko ang susi ng kotse nya.

"Aalis ka?"

"Oo, May kelangan akong gawin tsaka ihahatid ko yun--"

"Trevor! Wait!" Pagsigaw ni raine habang tumaktabo papunta samin habang bitbit ang mga gamit nya.

"Pucha ihahatid mo yan? Akala ko ba ayaw mo sa madaldal?" Pagtuturo ko kay raine na ngayon ay pinapaalis na ako sa inupuan ko.

"No choice bro." Pagsinghal nya habang tinatakpan ang tenga sa kaingayan ni raine.

"Pakibantay muna sa kanila ha?hinahanap na kasi to sa kanila." Dagdag pa nya.

Aangal pa sana ako pero sinarado na nya ang pintuan ng sasakyan.

Nakakainis naman oh! Ayoko ngang makita sya eh.

Nakasimangot akong bumalik sa kwarto nila Lola Leah.

Humiga ako sa sofa ng mapansin kong wala si Xyrene, Napatingin naman ako sa latag sa sahig. Siguro don sila tutulog.

Tumayo ako para kumuha ng mansanas na sakto namang kalalabas lang ni Xyrene sa banyo na kaliligo lang.

Nakamaong shorts sya at oversize na damit. Nakapuyod naman ang mahabang nyang buhok.

Napakaganda.

Umupo sya sa sahig kung saan naroroon ang latag at sumandal sya sa hinihigaan kong sofa habang may pinagpipindot sa laptop nya.

Hindi talaga ako pinapansin.

"Hi K!" Masayang sabi nya sa kavideo call nyang babae.

"Wah! Ang gandaa mo na lalo xy!" Sabi ng babae na tinatawag nyang K.

Sya siguro yung kinukwento nya ay Raine na kaibigan nya.

Busy makipagkwentuhan si xyrene kaya maslalong hindi nya ako pinapansin. Pasimple kong dinadanggi ang likod nya na nakasandal sa sofa pero wala parin.

"Ano ba!" Pagsigaw nya sakin nang nilakasan ko ng danggi sa likod nya.

"Ay sorry." Sabi ko at tumawa ng tumawa.

Humarap sya sakin at pinaghahampas ako ng unan "Arghhh! fuck you ang sakit non ah!" Kaya tinawanan ko lang sya at gumanti rin ng hampas.

"X! sino yon?" Narinig namin sabi ng kausap nya at agad namang kinuha nya ang laptop para iiwas sakin.

"Ah wala yon, Langgaw lang!" Sabi nya habang tinatarayan ako.

"Anong langgaw!? Ang gwapo ko namang langgaw!" Sabi ko pero binato nya lang sakin ang phone nya na sampol sa mukha ko.

Puta ang sakit.

Nasapo ko ang mukha ko dahil sobrang sakit talaga!

"X sino yon? Ang gwaapo ah!" Sabi noong kausap nya kaya napatawa ako ng malakas.

Lumapit naman ako sa tabi ni xyrene para makita ako.

"Hi! kenzo ang pangalan ko." Sabi ko habang kumakaway pa.


"Ano ba! Umalis ka nga dyan!" Pagtataboy sakin ni Xyrene na hinahampas nanaman ako pero pinisil ko lang ang pisngi nya na lalong ikinagagalit nya.

"Alam nyo bagay kayo." Biglang sabat nung K na ikinatahimik namin.

"Hindi ah!" Sabay namin sigaw ni Xyerene na lalong ikinatawa ni K.

"Anyways, I'm Katrize. Nice too meet you kenzo." Nakangiting sabi nya. "X mamaya na lang ulit may gagawin pa ako e. loveyaaah!"

Anong X at K? Endearment!?

"Sige K, love you too." Huling sabi nya at pinatay ang tawag.


"Bakit ka ba nakikisali ha?" Mataray na sabi nya sakin.

"Bakit bawal?" pagtitig ko sa kanya.

Malapit lang ang mukha namin sa isa't isa kay namula nanaman sya.


Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag sa laptop nya.

Xavier is calling.

"Oh tumatawag na pala boyfriend mo." Sabi ko at umalis ka sa tabi nya.

"Boyfriend?"

"Oo, kaailoveyouhan mo yan kanina diba?" Inis Kong saad.

"Chismoso!" Sabi nya habang tumatawa at sinagot ang tawag.

Anong nakakatawa?

"Hi babe!" sabi nya sa katawagan nya habang tumingin sakin na tila nang-aasar.

"What? Babe?" Sagot naman ng kausap nya.

"Miss na kita babe, Ang gwapo gwapo mo talaga." Sabi na parang kinikilig pa at tumitingin pa ulit sakin.

Problema neto?Akala nya siguro nagseselos ako, hindi! no!

"Don ka nga sa labas! napakaingay mo!" sigaw ko sa kanya at tumalikod.


"Selos ka lang sa boyfriend ko"


"A-Ano?"

Malakas siyang tumawa. Tumayo sya at uminom ng tubig "May nagseselos!"

Tumayo ako at humarap sa kanya ngumiti lang ako ng pilit bago ako tumalikod.

Oo, nagseselos ako.

"Oh san punta mo?" sabi nya kaya humarap ako sa kanya.

"Wala akong gusto sayo para magselos ako." Mapakla kong sagot na ikinagulat naman niya agad. Lumabas naman agad ako ng kwartong iyon.

Hindi kita gusto dahil... Mahal kita.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 310 37
[Accuse Series #2] Victoria Mendez is a secretary of a happy-go-lucky businessman. Her life was simple, she's the breadwinner of her family. Having a...
56.2K 1.1K 60
We all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed...
86.6K 3.3K 38
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
5.5K 249 43
Skyler Racaza x Trixie Ann Velasquez