Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 5

412 22 2
By CrabLamb

CHAPTER 5

[ Buffet ]

---

Alex's Point of View

Unang Deduksyon

Height is 1.73 m. Age ranges from 22 to 26 years old. Good posture. Heart shaped lips tainted with nude and shiny lipstick. Long brown hair tied in a neat ponytail and flaky blue eyes.

Not a Pure Filipino. Maybe she's a half? Pero wala akong makitang katangian ng pagiging Pinoy. She looks so fierce even though her makeup is not that heavy.

A Russian?

Pangalawang Deduksyon

She's wearing a black dress with short sleeves that hugs her curves from waist to upper thigh, para akong masisilaw sa puti at kinis ng binti niyang nakadekwatro. Idagdag pa ang taas ng classic high heel sandals na nakapulupot sa paa niya.

Just how do girls walk with those? Tinitignan ko pa lang ay namimilipit na ang hinlalaki ko.

Judging from the way she dress, klima ang sagot. Tag-init kaya medyo naglalabas siya ng balat, I guess?

Is she a Journalist?

Pasimple akong umiwas ng tingin nang bahagya niyang napansin ang titig ko. 

Igting ang panga kong binuksan ang pinaka makapal na folder sa lamesa para ayusin iyon. Napasinghap naman ako ng tawa nang mapagtanto ko na inayos ko na ito nang bumalik ako ng Dibisyon.

Napagdesisyunan ko na lang na basahin iyon dahil isa ito sa mga folder na hindi ko pa nababasa, makapal kasi at sobrang daming biktima dahil mass murder ang nangyari.

Sumandal ako sa aking swivel chair at ipinatong ang kanang paa sa kaliwang hita. Iginalaw galaw ko pa ang swivel chair ng kaliwa't kanan para maaliw ako ng kaunti habang pinaglalaruan ang labi ko.

Walang galaw galaw ang ulo na tumitig ako sa gawi muli ng babae, nakalabas ang mala perlas niyang mga ngipin dahil sa paraan ng pagsa-salita ni Nathalie. Mukhang detalyado ang kinukwento ng kapatid ko dahil may pag postura pa siya ng kamay.

Mukha ngang Journalist siya. Hindi nga lang katulad ng iba ay wala siyang dalang kwaderno, voice recorder lang.

Nang lumipat siya ng pagkakadekwatro ay parang kidlat na bumalik sa papel ang paningin ko.

Baka mahuli niya ako.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pinilit ang utak ko na papasukin ang mga impormasyon na binabasa ko.

(February 14, 2010) Shaw Boulevard Massacre

Unang bumungad saakin ay ang listahan ng mga biktima, binasa ko naman ang aking dila bago bilangin ang mga pangalan gamit ang aking ballpen.

Labing apat na tao ang pinatay, katulad ng bilang ng araw kung kailan nangyari ang massacre.

Nang ilipat ko ang pahina ay nakalagay roon ang litrato ng mga biktima, napataas pa ako ng dalawang kilay dahil ilan doon ay kung hindi mga Businessman ay mga pulitiko o kaya naman ay artista.

Ah. Malalaking tao ang mga ito at paniguradong may kani-kaniyang kaaway.

Unang potensyal na suspect ay kailangan may kinalaman sa kanilang lahat.

Binasa ko naman muna ang profile ng bawat isa bago ko hinanap ang papel ng mga potensyal na POI.

Bahagya akong napangiwi nang apat na pahina ang listahan ng mga Person of Interest, kada isang pahina pa ay siyam ang nakalagay kaya kumirot agad ang sentido ko.

Dinoble ko ang hawak kong papel, sa kanang kamay ay ang litrato ng mga POI at sa kaliwa naman ay ang papel ng mga biktima. Pabaling baling ang tingin ko upang kumpirmahin kung ang mga inilagay ni Cash dito na POI ay konektado sa lahat ng biktima.

Napaihip ako ng hangin dahil nakita kong lahat nga sila ay konektado sa lahat ng biktima, napapaisip tuloy ako kung isang grupo ang pumatay o isa lang. Hindi naman imposible iyon, si Hitler nga ay kinaya.

Para masagot ang tanong ko ay naghanap ako ng litrato na magpapakita saakin ng crime scene.

Agad akong nahilo sa nakita ko.

Human centipede design. Nakatahi ang bibig ng bawat isa sa pwetan ng bawat isa. Ang pagkakaiba lang nito ay walang unahan, nakabilog ang labing apat na biktima at purong nakahubad ang pang-ibaba.

Pinagpawisan naman ako ng malamig kung gaano ka brutal ang disenyo.

Napakurap ako ng paulit ulit sabay bitaw ng papel at tayo ng swivel chair.

Malas lang na sa pagmamadali ko kaninang umaga ay hindi ako nakapag handa ng kape bilang baon, mabuti na lamang ay may vending machine ang Headquarters para sa kape.

Pasimple kong dinaan ang paningin ko sa opisina ni Nathalie, napansin niya ako kaya tinaasan niya ako ng kilay. Ngumiti lamang ako sa kaniya ng mabilis sabay palihis na sinulyapan ang babaeng kausap niya, lumingon rin kasi ito saakin ng bahagya nang maagaw ko ang atensyon ni Nathalie.

Habang nilalabas ko ang pitaka sa bulsa ko ay saktong bumukas ang pintuan ng opisina ni Jonathan.

"Kakape ka?" tanong niya nang makitang dinudukot ko ang pitaka sa bulsa ko.

Tumango lamang ako bilang sagot sabay lagpas sakaniya. Naramdaman ko namang sumunod siya saakin, mukhang magka-kape din.

"Maayos ba porma ko?" tanong bigla ni Jonathan matapos kong pindutin ang button ng caramel coffee.

Tumingin ako pababa sa suot niya.

Suot niya ang NBI t-shirt namin na dark-blue ang kulay, fit iyon dahil malapad ang katawan ni Jonathan, naka tuck-in din ito sa itim na slacks na pinalilibutan ng dark brown na sinturon.

Bumalik ang tingin ko sa mukha ni Jonathan habang nakataas ang isa kong kilay. Malawak ang ngiti niya saakin habang naka pameywang.

Tinuro ko ang suot niyang salamin,  "What's with the glasses?"

Hindi naman kasi malabo ang mata niya.

Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko.

"Ang tagal mo akong tinitigan tapos iyon lang isasagot mo saakin?" reklamo saakin ni Jonathan sabay kuha ng kape na pinili ko, napailing ako nang a-akma niya iyong inuman bago ibigay saakin.

"Ayos naman," komento ko sabay turo muli ng bahagya sa salamin niya, "Panira lang talaga yoong salamin. Bakit ka ba nagsuot niyan?"

"Hindi ba ako mukhang matalino?"

"Kabaliktaran ang nakikita ko," walang pakundangan kong sabi sabay higop sa mainit kong kape.

Bumagsak ang balikat ni Jonathan sa sinabi ko, padabog niyang hinubad ang salamin na suot at sinamaan ng tingin si Nathalie.

"Ang sabi ni Nathalie ay bagay daw saakin," iling iling niyang sabi at isinabit ang salamin sa kaniyang dibdib, "Totoo bang mukha akong bobo? Nakakahiya naman doon sa magandang Journalist."

Napataas ako ng dalawang kilay habang nakadikit ang paper cup sa labi ko, kung gayon ay Journalist nga siya. 

Hindi ko naiwasan na hindi tumingin sa opisina ni Nathalie, naka talikod naman saakin yoong babae kaya libre akong matitigan siya. 

"Anong pinunta niya dito?" wala sa sarili kong tanong habang humihigop sa aking kape.

Nakayukod si Jonathan kaya hindi niya pansin ang titig ko sa babae, "Nakasarado ka ng dalawang Serial Killer case ng isang araw lang, syempre magdadagsaan ang mga Journalist."

Napakurap naman ako sa sinabi ni Jonathan. 

Gusto kong tanungin kung bakit hindi ako kinokonsulta ni Nathalie tungkol dito, baka mamaya ay maling impormasyon ang binibigay niya sa mga Journalist. Napapaisip tuloy ako kung tumpak yoong mga kinukwento niya patungkol saakin.

"Tumawag daw siya saiyo noong isang araw," sabi ni Jonathan, may hawak na rin na isang baso ng kape.

Napatigil ako sa pag inom sa narinig ko, dumiretso tuloy ang init ng kape sa manipis kong labi kaya naitakip ko ang kamao ko sa aking bibig.

"Oh? Anong nangyari saiyo?" tanong saakin ni Jonathan habang palihim kong dinidilaan ang labi ko para maibsan ang paso.

Umiling iling ako, "Wala lang akong matandaan na tinawagan niya ako."

Saka lang sumagi sa isip ko na may isang tawag ako na walang sumagot, iyong pagkaka hello ko ay malalim ang boses ko dahil medyo napipikon ako sa dami nilang tumatawag.

Bahagyang umuwang ang labi ko at malakas na napabuntong hininga, kailangan ko pang mas habaan ang pasensya ko sa susunod.

Napadila naman ako ng gilagid sabay tingin kay Jonathan, nanahimik kasi siya bigla.

Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang nakangisi saakin. Hindi ko kita ang kurba ng labi niya dahil nakatago iyon sa umuusok niyang kape, pero sa klase ng tingin at banat ng pisngi niya ay alam kong nakangisi siya.

"Ikaw Alex ha."

Nahigop ko ang loob ng kaliwa kong pisngi sa tono niya, tumaas din ang isa kong kilay, "Ano?"

"Ano ha," sabi niya sabay tawa ng malalim, "Ikaw ah."

Tumingin naman siya pababa sa pantalon ko, wala naman ako sa sariling tumingin din doon pero agad din iyon umangat pabalik kay Jonathan ng may kasamang matalim na tingin.

Sinenyas ni Jonathan ang hintuturo na parang may pinapatayo.

"Sa Journalist lang pala."

Hinampas ko ang ilalim ng baso ni Jonathan para malunod siya.

Napaubo siya sa ginawa ko pero natawa pa rin sa huli dahil alam niyang tagumpay siya sa pang-aasar saakin. 

"Marinig ka, gago." 

"Kung ganoon hindi mo tinatanggi?" puna niya sa sagot ko, "Hayop ka, aagawan mo pa ako ng chic. Mukha ngang hindi kayo compatible."

Dire-diretso ko namang inubos ang kape ko at tinalikuran siya habang nailing sa huli niyang sinabi, yumukod ako sa trashcan at itinapon doon ang ginamit kong paper cup.

"Hindi ka naniniwala? Sige nga, anong Zodiac sign mo?" habol saakin ni Jonathan na tila nanghahamon. 

Napakunot naman ang noo ko, "Anong kinalaman ng Zodiac sign?"

"November 8 ka, hindi ba? Kung ganoon," hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumingin pa sa kisame, inisa isa ang Zodiac sign sakaniyang daliri.

Tamad naman akong pumameywang at tumingin sakaniya na parang malaking bagay ang makakamit niya.

"Scorpio!" biglang sabi ni Jonathan, simangot pa akong napaatras ng ulo.

"Si Ms. Lebedev ay Aries, sabi sa profile niya sa Manila Bulletin ay March 28 eh," ani ni Jonathan.

Napangisi ako, "Stalker."

Lebedev, kung gayon ay Russian nga siya.

Napamasahe ng panga si Jonathan habang binubuklat sa utak niya ang hindi ko malaman na impormasyon. Hindi naman ako mahilig tumingin ng mga Zodiac sign kaya wala akong clue.

"Ha!" 

Napapikit naman ako nang makuha ni Jonathan ang ibang atensyon sa pag sigaw niya, bahagya pa akong napangiwi nang mapansing lumingon saglit saamin sila Nathalie.

"Alam mo bumalik na tayo sa trabaho," sabi ko habang minamasahe ang noo ko, hindi ko na inantay ang sagot niya dahil naglakad na ako pabalik sa aking opisina.

Ramdam ko namang sinundan ako ni Jonathan.

"Wala Alex, hindi kayo bagay. Ang chaotic ng compatibility ninyo, intense lang pero hindi pang habang buhay. Mas bagay siya sa Leo na kagaya ko."

Hindi ako palaikot ng mata pero iyon ang ginawa ko.

Naging hangin na naman ang mga salita ni Jonathan saakin nang makita kong tumayo na si Ms. Lebedev sa harapan ng desk ni Nathalie, nakita ko pang nagkamayan ang dalawa bago tahakin ni Ms. Lebedev ang daan palabas ng opisina ni Nathalie.

Mukhang aalis na siya.

Awtomatikong humawak ang kamay ko sa handle ng pintuan ni Nathalie upang pagbuksan siya.

"Ow!"

Nanlaki naman ang mga mata ko at bahagyang lumingon kay Jonathan, palabas ang bukas ng pintuan at hindi ko alam na nakasunod pa rin siya saakin.

Natamaan ang kupal.

"Ano iyan?" napatingin ako kay Nathalie nang magsalita siya.

"Oh, it's Agent Schwarz."

Bahagyang umawang ang labi ko nang magsalita si Ms. Lebedev, nasa harapan ko na pala siya.

Rough, iyon ang masasabi ko sa normal na tono ng boses niya. 

Inilahad niya ang kamay niya saakin, saglit ko naman iyong tinitigan bago ko ibalik ang aking tingin sa maganda niyang mukha.

"Jazzquin Lebedev," pagpapakilala niya habang nakakurba pangiti ang kaniyang labi.

Kuyom ang labi ko namang tinanggap ang kamay niya.

"Alex Schwarz."

Tumaas ang isa niyang kilay, "You look so handsome in person. I believe Schwarz is a German surname?"

"Ah," napangiti naman ako sa puri niya, "My mother is a German."

Kumurba naman pabilog ang hugis puso niyang labi sabay tango. 

Nakita kong tinaasan ako ni Nathalie ng isang kilay habang nakahalumbaba sa kaniyang desk, pinapanood kami.

Napayuko ako nang makita kong may dinudukot si Jazzquin sakaniyang maliit na bag.

"I came here because I'm planning to feature you in my next article. Ms. Nathalie already provided the necessary information that I needed though."

Sa wakas ay nakuha niya rin ang kaniyang cellphone. Nagpipindot pa siya bago siya tumingin ulit sa mga mata ko habang matamis na nakangiti.

"Would you mind if I take a photo of you?"

---

Bahagya akong napaatras pabalik sa kwarto ko nang bumungad saakin ang tatlong patay na daga na nakahimlay sa tapat ng pintuan.

Umangat ng kaunti ang tingin ko at nakita ko si Jona, naka tingala ang bughaw niyang mga mata saakin habang malumanay na gumagalaw ang buntot.

Nawala naman ang antok ko at napahilamos pa ng mukha, ang malamig na pawis na tumagaktak dahil sa bangungot na gumising saakin ay unti unti nang uminit.

"Jona," nagbabadyang galit kong tawag sakaniya, ilang beses na ba siyang nakakapatay ng daga tapos iaalay saakin?

Wala lang itong pakialam na nilinis ang sarili niya, mayamaya pa ay kinagat niya sa batok ang isa sa mga daga at dinala kung saan.

Taka naman akong sinundan siya ng tingin at dumungaw sa labas ng kwarto.

Napataas ang dalawang kilay ko nang makita ko si Reiner na tahimik na natutulog sa telang hinihigaan niya, lumapit sakaniya si Jona at inilagay ang dagang dala sa harapan nito.

Nanlalaki ang mga mata ni Reiner na dumilat at tumingin sa daga sabay tingin kay Jona, nagsimula muling gumalaw ang buntot ni Jona nang makita ang reaksyon ni Reiner.

"Meow," ani ni Reiner na tila galit.

Hindi nagtagal ay tumayo si Reiner sa kinahihigaan at lumayo kay Jona. Pumwesto ito sa ibabaw ng sofa at doon umupo, hindi inaalis ang tingin kay Jona.

Napailing na lamang ako sa munting drama na pinanood ko, kumuha ako ng plastik sa kusina at binalot sa loob niyon ang tatlong daga na kinalat ni Jona.

Habang nga naglalakad ako palabas upang i-dispatya ang plastik ay hinahabol ako ni Jona at kinakalmot kalmot sa binti.

Matapos niyon ay nag-ayos na ako upang makapasok sa Dibisyon.

Sinuot ko ang itim na polo na may disenyo ng NBI sa kaliwang dibdib. Halos walong taon na rin nang huli ko itong nasuot pero kasya pa rin, mas lumapad nga lang ang pagkakabuka ng nababanat namang mangas dahil lumaki ang braso ko.

Hindi na ako nag abala pang mag sinturon dahil skinny jeans ang sinuot kong pang ibaba, tinuck-in ko rin ang polo dito at nagsuot ng itim na leather shoes.

Habang sinusuot ang Itim na Megir 1010 na relo ko ay tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" bungad ko nang makita kong si Adam iyon.

"Hitting two killers in one stone. Hindi ko lubos akalain na mukha mo ang makikita ko sa headline ng Manila Bulletin, Alex," sabi ni Adam na ikinaawang ng labi ko.

Mukhang lumabas na ang article ni Jazzquin.

Napahimas ako ng sentido, mahilig nga pala si Adam magbasa ng dyaryo sa umaga.

"Tinawagan mo ako dahil doon?" tanong ko habang nilalagayan ng pagkain ang kainan ni Jona at Reiner.

Nakaabang si Reiner saakin habang si Jona naman ay hindi ko makita, mukhang nagtatampo pa rin sa pagtatapon ko ng mga daga.

"Hindi ako nagulat na may article patungkol saiyo," sabi ni Adam, "Ang kinagulat ko lang ay may litrato mo, mukhang willing ka pang nagpakuha base sa ngiti mo."

Ibinaba ko na ang lagayan ng pagkain ni Reiner at Jona sa sahig, nagsimula nang kumain si Reiner at ako naman ay hinanap si Jona.

"Niyaya ako noong Journalist, Adam. Nakakahiyang tumanggi."

Tumawa si Adam sa kabilang linya.

"Kahit kailan ay hindi ka nahiyang tumanggi sa mga ganoong bagay, Alex."

Binuhat ko si Jona patungo sa pagkain niya pero hindi niya iyon ginalaw at tumakbo pa palayo.

Napakamot ako ng ulo, "Anong gusto mong sabihin ko?"

Natawa muli si Adam sa kabilang linya, napa iling na lamang ako dahil may pang-aasar sa tawa niya.

"Tinamaan ka ba sa unang tingin, Alex?"

Binabaan ko na siya ng tawag. 

Kinuha ko na ang aking helmet at sinuot iyon. Lumabas ng bahay, sumakay na ng motor at nag maneho na papunta sa Headquarters.

Habang nagmamaneho ay hindi ko naiwasang mag-isip.

Maganda si Ms. Jazzquin, I'll give her that. Lalaki rin naman ako at nakaka-appreciate ng ganda ng babae.  

Ngunit, marami akong inaasikaso. Sa uri rin naman ng trabaho niya ay mukhang wala rin siyang oras para sa makamundong bagay.

Isa pa hindi naman ako sigurado kung magkikita pa kami ulit, sa dami ng Journalist ay nagkataon lang siguro na siya ang pinadala noong isang araw sa Headquarters.

Napailing ako habang nagmamaneho, saglit na paghanga lang siguro iyon dahil nagandahan ako sakaniya.

Nang mailagay ko na ang mga gear na ginamit ko sa katawan sa saddle bag ng motor ko ay tinahak ko na ang daan papasok ng Headquarters.

"Good Morning Mr. Headline!" bati ni Jonathan saakin pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator.

Naka checkered siya ngayon at naka tie, pansin ko rin na nagpagupit siya.

Malalim na hininga naman ang ginawa ko sabay lakad papunta sa aking opisina, may ibang kasamahan namin ang lumingon saakin saglit dahil bagong dating ako, medyo nagulat pa ako nang batiin nila ako ng may kasamang ngiti.

Nagkalat ata si Jonathan.

Napatigil ako nang makita ko si Nathalie sa tapat ng pintuan ko, may hawak na dyaryo.

"Mukha kang wanted dito, hindi detective," ngiti niyang sabi sabay harap saakin ng headline ng Manila Bulletin.

Natatawa naman akong hinablot sakaniya ang dyaryo, bahagya ko pang hinampas sakaniya ito dahil tama siya. 

"Yung dinner sa Sabado ha," paalala niya saakin.

Hindi nagtagal ang kulitan namin dahil nagkani-kaniya na kaming pasok sa loob ng opisina, inabala ko pang basahin ang dyaryo upang tignan kung paano ako isulat ni Ms. Jazzquin.

Itinago ko naman ang ngiti ko sa pamamagitan ng pag lalaro ng aking labi, mukhang maayos naman pala iyong mga impormasyon na ibinigay ni Nathalie sakaniya.

Ang alam ko naman ay nagkakaroon ng copy si Nathalie ng mga report na pinapasa namin kay Adam kaya maalam siya sa mga detalye.

Pakiramdam ko ay kilalang kilala niya ako kung ilarawan niya ako.

"Kuya..."

Bahagyang napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Jacky sa utak ko.

Napayuko na lamang ako at isinantabi ang dyaryo upang tignan ang folder ng Shaw Boulevard massacre. Ito ang pinaka makapal at pinaka subject ng mga email na pinapadala saakin dahil bukod sa maraming sangkot dito ay puro bigatin ang mga biktima.  

Ipinagpatuloy ko naman ang pag babasa ko kung saan ako natapos kagahapon.

---

Isa lang ang masasabi ko. Malaking kabaliktaran ni Sarah si Nathalie.

Mukhang tunay nga ang sinasabi nila na mas madaling ma-attract sa kabaliktaran mo ng ugali. Tahimik si Nathalie at parang manununtok ang itura kaya kung unang beses mo pa lang siyang nakakaharap ay magda-dalawang isip ka talaga kung lalapit ka ba o hindi.

Si Sarah ay hindi, sobrang giliw at sobrang approachable niyang makipag-usap.

"I'm sorry! Ngayon lang natapos ang klase ko."

Sabay sabay naman kaming napalingon sa babaeng bagong dating. Nakipag dikit ito ng pisngi kay Nathalie at Sarah kaya hindi ko agad siya napagmasdan.

Itim at umaabot sa baywang ang haba ng kaniyang buhok, maputi din ang kaniyang balat at halatang mas maliit kumpara kay Nathalie na 5'7 ang tangkad.

Deduksyon.

Med student. Nakauniporme pa kasi siya at halatang kakalugay pa lamang ng kaniyang buhok, naka boknay siguro base na rin sa bakat ng higpit ng tali sa buhok niya.

Edad? Hindi siguro nalalayo sa edad ko, pero mas bata. Kasing taon ni Nathalie.

Maganda ang mukha, kutis ng kastila pero normal na mukha ng Pinoy.

Puro ito.

Hinilahan siya ni Jonathan ng upuan pero inunahan na siya ni Nathalie, sa pagitan namin siya u-upo.

"Ah! Si Jonathan at Alex," turo ni Nathalie sa aming dalawa ni Jonathan kaya napadako ang tingin saamin noong babae.

"Si Isabella," simpleng pagpapakilala ni Nathalie sa babaeng kakaupo lang sa pagitan naming dalawa.

Ngumiti naman saamin si Isabella, sinuklian ko naman iyon ng isang tipid na ngiti.

Naglahad naman si Jonathan ng kamay, nasa tabi ko siya at harang sa pagitan nila ni Isabella kaya bahagya niya pa akong itinulak pasandal.

"Hi! Ang ganda mo namang Nurse."

Napahimas ako ng noo sa sinabi ni Jonathan.

Naibalik ni Sarah ang iniinom na tubig sa wine glass dahil natawa siya sa sinabi ni Jonathan, napakuyom ng labi si Isabella at nagtaas baba ang dalawang balikat dahil pinipigilan niyang tumawa.

Si Nathalie napahilamos na parang magulang na nagkulang sa anak.

"Nagma-masteral na siya ng Medicine, Jonathan," sabi ni Nathalie, "Isa pa Pharmacy ang kurso niya. Hindi lahat ng nakaputi at nakapalda ay Nurse!"

"Ah! Sorry," paghingi ng tawad ni Jonathan habang nakanguso, inilingan naman siya ni Isabella na tila maliit na bagay lang iyon.

"Okay lang! Hindi naman ito ang first time," ngiting pagpapatawad ni Isabella kay Jonathan, "Pasensya na daw sabi ni Darwin, hindi daw siya makakapunta."

"Mamatay na siya kamo," iling iling na komento ni Nathalie.

Nalaman kong tungong Canlubang si Isabella, mukhang nakilala ni Nathalie dahil doon nga naghasik ng lagim ang nag hipnotismo kay Wojtek.

Sumagi sa isip ko ang sinabi saakin ni Nathalie, na kay Wojtek si Isabella.

Lihim naman akong tumango bilang pag-sang ayon, sa tingin ko naman ay si Isabella nga ang tipo ng babae kung kanino mahuhulog si Wojtek. Ang narinig ko pa ay magkababata sila.

"Kumusta na pala si Wojtek?" parang nahihiya pang tanong ni Isabella.

Napatigil naman ako sa pag nguya saglit sa itinanong ni Isabella pero hindi rin nagtagal iyon dahil wala naman din akong balita. Nagpabaling baling tuloy ako ng tingin kay Nathalie at Jonathan kung sino ang sasagot.

"He is fine," kibit balikat na sabi ni Nathalie, "Tinalo niya yoong trauma niya noon, kakayanin niya ulit gawin iyon ngayon."

Nakita kong bumagal ang pag nguya ni Isabella na tila pinoproseso ang sinabi ni Nathalie. 

Hindi ako pwedeng magkamali, nakakita ako ng pagsisisi sa mga mata niya. Hindi ko nga lang alam kung anong dahilan.

Doon ko lang naisip kung may gusto sakaniya si Wojtek ay sinusuklian niya ba?

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain, hindi ko na naman siguro kailangan pang panghimasukan iyon.

Nagkwentuhan pa kami at panay lang kami tawa dahil sa mga kagaguhan ni Jonathan, samahan pa ng pagka-kwela ni Sarah na panay ang reklamo sa buhay niya sa harap ng kamera.

"Ikaw Isabella? May boyfriend ka na ba?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Isabella sa itinanong ni Jonathan, kasalukuyan siyang umiinom ng tubig at kung bibigyan ng pagkakataon ay baka naibuga niya ang kaniyang iniinom.

Ibinagsak ni Isabella ang kaniyang baso sa ibabaw ng lamesa at punas punas ang bibig na umiling, "Hindi, wala."

"Hinihintay niya nga kasi si Wojtek!" tapon ni Sarah kay Jonathan ng ginamit niyang toothpick, "Huwag kang epal."

Sumimangot naman si Jonathan, "Hirap, bigyan niyo naman ako ng girlfriend!"

"Ayaw mo pa kasi balikan si Onay," tukoy ko sa naging ex ni Jonathan na iniyakan niya ng isang planggana.

Napalakas ang tawa ni Nathalie sa sinabi ko, "Tangina! Halos maghubad si Jonathan sa dance floor noon kakainom!"

Binatuhan ni Jonathan si Nathalie ng tissue sa pikon.

"Ay!" sumakto sa bibig ni Nathalie ang tissue, nagulat din si Jonathan.

Napikon si Nathalie at tumayo sa kinauupuan para lapitan si Jonathan, mabilis naman na-alarma ang bugok kong katabi at naghabulan na nga sila pikot sa kinakainan namin.

Chinese restaurant ang kinakainan namin at may sariling kwarto kaya libre silang maghabulan ng walang nangi-insulto sa paligid. Artista si Sarah kaya kailangan talaga ay pribado para makakain kami ng matiwasay.

"Hindi na talaga ako magtataka na ikaw ang panganay sainyo," sabi saakin ni Sarah habang naka lagay ang baba sa dalawa niyang palad.

Napailing na lamang ako sabay inom ng tubig, abala si Isabella sa kaniyang telepono dahil kinukunan niya ng video si Jonathan at Nathalie.

Hindi rin nagtagal ay natapos ang dinner. Yayayain pa nga sana ni Jonathan si Isabella na makisabay sakaniya pero bukod sa magkaiba sila ng daan ay may dalang sariling sasakyan ang dalaga.

Pinagtawanan siya tuloy ni Nathalie at Sarah.

"Kapag talaga ako nagka asawa!" duro ni Jonathan sa dalawa.

"Eh di mayroon," bulong ko.

"Isa ka pa!"

Matapos ang maikli naming asaran ay naghiwa-hiwalay na nga kami ng landas.

Aakma ko namang bubuksan ang saddle bag nang maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone.

Napakunot naman ako ng noo nang makita ko ang pangalan ni Adam, Sabado at kalimitang walang pasok iyon. Kung magkakaroon man ay emergency.

Sa isiping emergency iyon ay agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Pumunta ka sa Luneta, ngayon na."




Continue Reading

You'll Also Like

82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
7.4M 375K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
885K 20.3K 52
*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may be reproduced, copied, modified or adap...