Playful Destiny (ON-GOING)

By pjsluvr

1K 312 258

As Aerynne met Matthew, she didn't expect that they would find love. Everything was perfect. Not until destin... More

PROLOGUE
Chapter 1: The Beginning
Chapter 3: HER
Chapter 4: That Feeling
Chapter 5: Unexpected
Chapter 6: First Kiss
Chapter 7: The three words
Chapter 8: She's back
Chapter 9: Besties
Chapter 10: Hindrance
Chapter 11: Note
Chapter 12: Fridate
Chapter 13: Message
Chapter 14: Audition
Chapter 15: Pageant
Chapter 16: Sabotage
Chapter 17: Risk
Chapter 18: Sorry
Chapter 19: girls day out

Chapter 2: First Day

91 26 43
By pjsluvr

MATTHEW'S POV
Pagpasok ko sa room ay nagbasa muna ako ng libro. Maya-maya ay dumating na ang Lecturer. Binati pa namin ito saka nagpakilala sa'min.

"Goodmorning I will be your lecturer for this year. My name is Eduardo Bartolome, I'm handling English subject. I want you to introduce yourselves so that I will get to know you all." mahabang sabi ng Lec. Isa-isang nagpakilala ang mga estudyante. Hanggang sa ako na ang magpapakilala. Tumayo muna ako saka nagsalita.

"Goodmorning. My name is Matthew Gabriel Ramirez." yon lang at bumalik ako sa pagkakaupo. Natapos ang introduction at magsisimula na sana ang Lec sa pagtuturo nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok ang isang babae. Napalingon ang lahat pati ang Lec sakanya.

"I'm sorry sir, I was lost and I had to find my way here." paliwanag ng babae. Ngayon ko lang naalala na siya pala yong babae kanina na nakita ko sa harap ng building.

"It's okay. What's your name?" Tanong ng Lec sakanya. Naglakad ang babae papunta sa gitna. Umugong ang mga bulungan kaya sinenyasan ito ng Lec na tumahimik.

"Hi everyone! My name is Aerynne Meionette De Villa, I hope we can be friends." nakangiting pagpapakilala nung babae.

"Ms. De Villa how are you related to Maximillo De Villa?" tanong ng Lec sakanya. Nilingon pa muna siya nito saka nagsalita.

"He's my grandfather, sir."

"Oh okay. You can sit beside Mr. Ramirez." ani Lec.

Napalingon ako sa tabi ko, at noon ko lang napansin na bakante pala ito. Paglingon ko paharap ay nakita ko ang babae na palapit ng palapit sa gawi ko. Napalunok ako ng nakangiti siya sa'kin.

Naaalala kaya niya ako? Nah imposible.

"Ba't ka nakatitig sa'kin?" tanong niya na nagpatinag sa aking sarili, hindi ko namalayang nakatitig pala ako sakanya.

"Anong nakatitig ka jan, hindi ah." depensa ko sarili ko.

Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako ulit. Ano bang nginingiti-ngiti nitong babaeng 'to?

"Hehe I'm Aerynne but you can call me 'Mei'. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya sa'kin.

"I didn't ask and you don't need to know my name." nag-iwas na'ko ng tingin at humarap ulit sa Lec na nagsisimula na.

"Hmp. Suplado" rinig ko pang bulong niya pero di ko na yon pinansin pa at nakinig nalang sa Lec.

DISCUSS.
DISCUSS.
LUNCH BREAK.

Nagsilabasan na ang mga estudyante. Lalabas na din sana ako nang tinawag ako nung Mei.

"Matthew!" nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"How did you know my name?" tinanong ko siya.

"Ahh hehe narinig ko kasi kanina nung nasa labas pa'ko" ayon na naman yung ngiti niya.

"What do you want?" Inis na tanong ko sakanya.

"Pwede bang sumabay ako sayong maglunch?" umaasang tanong niya sakin.

"No"

"Pleaseee~"

"I said no"

"Why?"

"I just don't want to."

"Sige naaa!"

"Bakit ako pa?! Ba't hindi ka sa iba sumabay?"

"Nahihiya ako eh at ikaw lang ang una kong nakausap sa first day ko." nginusuan niya ako.

"Tapos sa'kin di ka nahihiya? Tss ayoko." pagmamatigas ko.

"Sige na pweaaaseeee~" nagpuppy eyes pa siya. Ang kulet ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung bakit at paano niya akong napapapayag na sumabay maglunch.

Pagdating namin sa cafeteria ay sinalubong kami ng mga tingin at bulong-bulongan, hindi na bago sakin 'yon pero hindi ko 'yon nagustuhan ngayon kasi dahil iyon sa kasama kong babae. Nilingon ko si Mei at mukha itong walang naririnig dahil panay ang ngiti nito. Parang tanga. Nakakita kami ng mauupuan at don umupo, ako nalang ang umorder sa'ming dalawa kasi ayokong pati sa pila ay pagchismisan kami. Ewan ko ba hindi naman ako umoorder para sa isang babae, hindi na, pero heto ako ngayon sa pumipila para umorder para sa'kin at don sa babaeng mukhang tangang ngiti ng ngiti. Pagkatapos kong umorder ay bumalik na ako sa table namin dala ang pagkain, at nagsimula na ding kumain.

Tahimik akong kumakain nang magsalita siya.

"Thank you nga pala dahil sinamahan mo'kong maglunch" sabi niya sa'kin na ngumunguya pa. Tss walang table etiquette. Tinapos ko muna ang pagnguya saka siya sinagot.

"Wala akong choice, ang kulit mo." tanging tugon ko lang na hindi siya nililingon.

"Wala pa kasi akong kakilala dito eh, ikaw lang. Kaya sa'yo ako sumabay." ako naman ang lumingon sakanya, nakanguso siya at nasa baba ang tingin. Cute, wait what did i just say?! Ugh! Agad kong iniwas ang aking tingin sa'kanya at nagpatuloy ng kain. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na rin sa pagkain. Pagkatapos 'non ay bumalik na ako sa room, siya daw ay may kukunin sa locker niya. Pagdating ko sa room ay nagbasa nalang ulit ako.

AERYNNE'S POV
Habang naglalakad papunta sa locker ko ay inalala ko muna kung anong nangyari kanina nung naligaw ako papunta sa classroom ko.

~FLASHBACK~
Naglalakad ako papunta sa classroom ko, si Xian daw ay andon na sa secondary campus. Habang naglalakad ay naisip ko yung lalaking nakita ko kanina. Naka uniform siya at bagay na bagay sa'kanya iyon. Gwapo, matangkad, maputi at mukhang mayaman, pasado sa ideal man ko hehe. Hindi ko namalayang naliligaw na pala ako dahil sa pag iisip, may nakita akong babae kaya tinanong ko ito.

"Uhm miss alam mo ba kung saan yung room ng 2A Star?"

"Ahh maglakad ka pa ng kaunti at lumiko pakanan, pangalawang room na 'yon" paliwanag niya sakin.

"Ahh hehe sige salamat." nakangiti kong sabi sakanya. Ginantihan naman niya ako ng ngiti saka ako tinalikuran at naglakad paalis. Nagmamadali ako habang sinunod yung sabi niya, baka kasi late na'ko, naglakad pa ako ng kaunti at lumiko pakanan at nakita ko ang pangalawang room na may nakalagay na '2A Star'. Haay salamat! Nakarating din. Ipipihit ko na sana yung doorknob nang may narinig akong boses mula sa loob.

"Goodmorning. My name is Matthew Gabriel Ramirez." rinig kong sabi ng isang lalaki mula sa loob.

Napagdesisyunan kong patapusan muna ang introduction bago pumasok. Ilang sandali ay natapos na nga ang introduction, pinihit ko ang doorknob at pumasok. Nilingon ako ng lahat kaya nakaramdam ako ng hiya, humarap muna ako sa Lec saka nagsalita.

"I'm sorry sir. I was lost and I had to find my way here." paliwanag ko sa Lec.

"It's okay. What's your name?" tanong sa'kin nung Lec. Naglakad muna ako papunta sa harap at nagpakilala.

"Hi everyone! My name is Aerynne Meionette De Villa, I hope we can be friends." nakangiting pagpapakilala ko sa'kanila.

"Ms. De Villa? How are you related with Maximillo De Villa?"  tanong sa'kin nung Lec. Nilingon ko siya at sinagot.

"He's my grandfather, sir." sagot ko sakanya.

"Oh okay. You can sit beside Mr. Ramirez." Itunuro pa niya ang bakanteng upuan na 'yon at nilingon ko ito. Nagulat ako nang makita ang lalaking nakita ko kanina. Naglakad ako palapit sakanya, nakatitig lang siya sa'kin. Ba't kaya niya ako tinititigan?

"Ba't ka nakatitig sa'kin?" tanong ko nang makalapit na'ko sakanya. Bahagya siyang nagulat sa tanong ko.

"Anong nakatitig ka jan, hindi ah." tanggi niya. Suus! Nahuli na't lahat tinatanggi pa.

"Hehe I'm Aerynne, but you can call me 'Mei'. Ikaw? Anong pangalan mo?" kunwaring tanong ko sa'kanya.

"I didn't ask and you don't need to know my name." tanging sagot niya lang sa'kin at humarap sa Lec at nakinig nalang.

"Hmp. Suplado." bulong ko sa sarili ko. Humarap nalang din ako sa Lec at nakinig.

~END OF FLASHBACK~

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ang locker ko. Binuksan ko 'yon at kinuha ang libro ko para sa next subject. Pagkatapos ay bumalik ako sa classroom. Buti nalang at wala pa ang Lec, hinanap ng mata ko si Matthew at andon sya sa upuan niya, nagbabasa ng libro. Dahan-dahan akong lumapit at pinagmasdan ang mukha niya at mukhang tutok na tutok siya sa binabasa niya kaya hindi niya napansin ang paglapit ko. Doon ko mas nakita ang kabuuan ng mukha niya, matangos na ilong, mahabang pilik-mata, namumula-mulang mga labi at pisnge, makapal na kilay, at mapupungay na mga mata. Laking gulat ko nang mag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming mga paningin at doon ko lang napansin na kulay asul ang kaniyang mga mata. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang titigan niya ako.

How can someone be so perfect as him?





Continue Reading

You'll Also Like

1M 89.5K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
53.5K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
34.1K 2.2K 15
ุงู„ูƒุงุชุจู‡ : ุฑู†ุฏ ุงู„ุณุจูŠุนูŠโœ๐Ÿผ ุฑูˆุงูŠุชูŠ ุงู„ุงูˆู„ู‰ ุฃุชู…ู†ู‰ ุชุนุฌุจูƒู… ูˆุงุณุชู…ุชุนูˆ...
993K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...