A Pandemic Love Story- COMPLE...

By ggabriella_a

1.4K 80 0

I was bored during the pandemic year 2020, we're not allowed to roam outside our houses. Though, we're thankf... More

Preview
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

2

80 3 0
By ggabriella_a

I have to admit it, I am having fun talking to him, and I am comfortable with him. After dinner, hindi naman ako nakatulog agad. Syempre nagfacebook na naman ako. After hours of scrolling, he chatted me again.

'Bakit di ka pa natutulog?'

'Kasi di pa ako inaantok.' I replied.

After he sent me 'hi' earlier this day. Nalaman kong schoolmates nga talaga kami, We're both in the I.T. Department at pareho din kaming freshmen. Naging kaklase ko din pala sya sa ibang subjects and that explains everything.

Hindi kasi ako masyadong nakikisocialize sa mga kaklase ko at sino ba naman ang kikilalanin lahat ng dadaang tao sa harapan mo, I'm not the Miss Friendly type of person. Pero di din naman ako mahirap iapproach. I just don't initiate friendship they're the ones who approached me.

'Want to talk about something?' he said.

'And what is that something?' Yeah, I know, wala akong kwentang kausap, I don't know how to open a conversation. Good thing, hindi sya nawawalan ng interest na kausapin ako and he's good at opening a topic. That's why I consider him as a friend.

'Ahm, anything under the sun.'

'I'll keep you company, until you fall asleep.' He added.

I am not naive. I knew he's hitting on me or something, I just don't know how to reject him in a nice way, cause he seem to be a nice guy. Crush mo eh. I unconsciously slapped my face for that. I visited his timeline and found out that he's actually a good looking guy.

'Ahm, wala akong maisip eh.' I replied.

'Okay, what about you tell me about yourself?' How am I suppose to reply on that? Napakamot na lang ako sa ulo, natatawa na rin ako dito sa taong 'to eh, gusto pa rin akong kausapin kahit antagal ko magreply at wala talaga akong kwentang kausap.

At dahil nagpeplay safe ko, I replied

'I don't know what to say'

'Hahaha, its okay, sorry if I make you feel uncomfortable.'

'Hmm. Kung ikaw na lang kaya magkwento' Nahiya na din ako sa kanya. Let's just play along self, you even consider him as a friend.

Nagkwento nga sya. Then we talked about school. Our courses even yung mga teachers na trip namin yung pagtuturo. Sa dami ng napag-usapan namin, di ko namalayan yung oras hanggang sa inantok na ako at natulugan ko sya.

Kinaumagahan, mga 9:00 am na ako nagising at doon ko narealize na nakatulog pala ako habang kausap ko sya. Nung inopen ko yung phone ko, nakita ko yung sunod sunod na message nya,

'Tulog ka na noh?'

'Are you really asleep or ayaw mo lang ako kausapin?'

'Tulog ka na nga siguro'

'Good night and sweet dreams Light.'

Nag-goodmorning na man ako at nagsorry dahil natulugan ko sya. Online sya pero di sya nagreply, mukhang di nya ata hawak yung phone nya ngayon.

Nakibit-balikat lang ako at tumayo na at naligo bago bumaba sa kusina para kumain. Ako pala yung late na nagising ngayon, dahil pinuntahan ako ni Kuya sa kusina ng marinig nya akong pumasok dito. Umupo lang sya sa harapan ko habang kumakain ako. Automatic na nga ata yung ganitong setup namin pag huli akong magigising at alam nyang wala na akong kasabay kumain, kung wala naman sya, si Manang Rosa naman ang sasaluhan ako habang kumakain. Ewan ko ba, hindi talaga ako nakakain kung mag-isa ko lang, noong nasa school ako di na ako kakain kung wala akong kasabay.

Nagkwento naman sya ng kung ano-ano habang kumakain ako, nakwento ko nga rin si Kieffer sa kanya at hindi katulad ng reaksyon ng ibang Kuya pag nakarinig ng lalake galing sa kapatid nilang babae, na inaasahan kong makita sakanya, nagtutudyo pa itong nginitian ako habang tinataas taas yung kilay nya.

"Don't make that face. It's creepy." Sabi ko. It's really creepy.

"Crush ka man yan. Oyyyyyyy~ may nagkakagusto sayo." Tudyo pa nito.

"Wala naman syang sinasabing ganyan Kuya."

"Alam natin pareho na wala kang kwentang kausap.." At tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Pero tignan mo tinitiis ka nyang kausapin, pustahan he likes you." Dagdag pa nito.

Kinusilapan ko lang sya at tumayo na, sakto din kasing tapos na akong kumain. Habang si Kuya naman ay nagpaalam na din at maglalaro na daw sya ng online games sa kwarto nya. Matapos kong hugasan yung pinagkainan ko at ayusin yung lamesa sumilip ako sa sala na kalahati nito ay syang ginawang opisina nila Dad for now.

Nang makita ako ni Dad, kinaway ko lang ang cellphone ko dito at tinanguan ako. Pumunta na lang ako ulit sa kwarto para tumambay doon. Alam na ni Dad ang ibig sabihin non, itext or ichat nya na lang ako kung may kelangan sila dahil sa kwarto ako tatambay ngayon.

Nang nagcellphone na ako, nakita kong nakareply na pala si Kieffer, 10 minutes after kong magchat dito.

'It's okay, sinamahan lang naman talaga kita hanggang sa makatulog ka.'

'And don't mind this. I was just kidding.' Sabi pa nito sa reply nya sa message nyang 'Are you really asleep or ayaw mo lang ako kausapin?'

Nireact ko naman ng 'haha' yung chat nyang yon bago magreply. At nag-usap kami about sa likes and dislikes namin. It's really fun to talk to him kaya hanggang ngayon nagrereply pa rin ako sa mga chat nya. Usally kasi pag di ko feel yung kausap ko, di ko na nirereplyan, yung mga demanding kausap, ang OA kausap. Alam nyo yun? Yung nagtatampo agad dahil hindi ka nakareply agad. At kadalasan sila naman yung di na nagrereply kasi nga wala talaga akong kwenta kausap. But contrary to what Kuya said earlier, may kwenta akong kausap pagdating kay Kieffer, exemption, di ko alam pero parang andali nyang kausapin at naiintidihan nya ako. Kaya parang naayos ko kung pagchachat ko through him.

Naputol yung pagchachat namin ng biglang nagvideo call si Kuya. Inaaccept ko naman at bumungad sakin yung mapang-asar nyang mukha.

"What?!?" Iritado kong sabi.

"Princess, kausap mo na naman sya noh?"

"So what?"

"Wala ka ng shared post simula kahapon ng hapon ah." Sabi nito ng may mapang-asar na ngiti.

Oo nga noh? Nawala na yung routine ko na yun, dahil lang chinat ako ni Kieffer?

"Oy, Princess pag yan niligawan ka sa chat sabihin mo saken ah, di pwede yun." Seryoso nyang sabi nang di ako nagsalita.

"You're overreacting Kuya. Bat ka ba nakipagvideo call? Magkatabi lang ang kwarto natin?"

"Aysus pati oras ng pagkain nakalimutan mo na, tama na yang pagchat-chat nyo, bumaba ka na dito, kakain na kami." At walang sabi-sabing inend nito ang call.

'Sige, mamaya na lang, tinawag na ako para kumain eh.' Reply ko kay Kieffer.

'Ay lunch na pala, sige, Happy Lunch.'

'You too.' Reply ko at hindi na sya hinintay makapagreply dahil lumabas na ako sa kwarto at bumaba.

Napangiti naman ako ng makita kong kahit sila Dad at Mama ay nasa dining table. It's been a while. Ngayon na lang ata ulit kami nagkasabay sabay ngayong quarantine, dahil simula ng naglockdown, di sila makasabay sa amin dahil strikto ang company na pinapasukan nila at hindi sila binigyan ng meal break dahil work from home naman na sila at dahil dun sa harapan na ng computer at laptop na rin sila kumakain, every lunch at dinner. Maaga na man silang magising sa umaga kaya hindi din kami makompleto. Bihira ko lang silang makasabay at wala si Kuya or the other way around si Kuya naman ang meron at wala ako.

"Oy! Tatayo ka na lang ba dyan? Mukha ka ng inlove dyan ah." Kuya said pulling me out from my deep thoughts.

I just rolled my eyes on him at lumapit na sa mesa at maglalagay na sana ako ng pagkain sa plato ko ng biglang nagsalita si Dad.

"Sinong inlove?" Ngayon palang ata nagsink in sa kanya yung sinabi ni Kuya kanina. Hay.

"Dad, nagbibiro lang po si Kuya."

"Hindi Dad, alam mo bang may nagtitiis na lalake na kausapin yan." Tinabig ko naman yung kamay nitong tinuro pa ako.

"Kuya, maayos naman ako kausap eh, namimili lang ako ng kausap."

"So gusto mo syang kausapin? O sya yung gusto mo?"

"Kuya!" Saway ko dito habang pinanlalakihan ng mata.

"Do you wanna know more Dad?" Sabi ni Kuya kay Dad na tumango din kay Kuya.

"Wala na syang shared post simula kahapon ng hapon and that's odd. Mukhang nag-eenjoy syang kausapin yung lalake yon Dad."

"Really?"

"Yup, at mukhang magkakalovelife yung Prinsesa natin Dad."

"Princess, may nagkakagusto na sayo?" Baling ni Dad sakin habang nakangiti.

"Dad you made it sound na walang nagkakagusto sakin." And rolled my eyes on him.

"And di naman nya sinabing gusto nya ako, naghahanap lang sya ng kausap during this quarantine." Pag-explain ko pa dito.

"But he still talks to you even though you're not worthy to talk to." Napatanga naman ako dun.

"Really Dad? You're saying that to me? To your princess? As I've said, namimili ako ng kausap at matino syang kausap kaya kinakausap ko din sya ng matino."

"Ow. He's an exemption. That is exciting, I wanna meet him." My jaw literally dropped when Dad said that. This conversation is hopeless, Kuya and Dad are hopeless. Hindi na ako umaasang makakausap sila ng matino.

My gaze dropped to my plate. Si Mama na kasi ang naglagay ng pagkain ko. Then I look at her with a soft smile.

"Hayaan mo na yang dalawang yan, siguro excited lang silang makakita ng taong papapasukin mo sa buhay mo." Sabi nito ng may makahulugang ngiti sa labi.

"Kain ka na 'nak." Nginitian ko na lang si Mama at pinilit kumain kahit naririnig ko na pinag-uusapan ako ng dalawa na para bang wala ako dito.

"Dad, we won't let that guy have an easy way to our Princess heart."

"You're right son, even if I am excited to meet him, I won't let him have my Princess that easy."

"But Dad I'm really curious about this guy, he had an incredible patience and understanding while talking to Light, he might like her a lot."

"I bet that's true. I really want to meet him."

Excitement and joy are really painted in their faces. And while listening to their conversation I've realized na wala pa nga talaga akong pinapapasok sa buhay ko. A bitter smile appeared on my lips. I don't even have a bestfriend ever since I was a kid. Yes I have friends but they are just casual friends I don't open up to them. They were just my playmates when I was a kid and my friends now were just for my company.

And look now, I enjoy talking to someone, that's rare. I finally opened up to someone. And that someone is a guy. Kaya siguro ang OA ng pagkakaintindi nila Dad kasi ngayon nga lang ako nag-open up sa iba at lalake pa kaya tuloy feeling nila magkakalove life na ako. Ganon ba dapat? Di ba pwedeng magkaibigan lang talaga ang isang babae at lalake?

But he's hitting on you through chat. Yup nagpupunchline sya minsan but I don't take those seriously. It's like he's just kidding. And I want to keep him as a friend. Just a friend.

~Gab~

Continue Reading

You'll Also Like

499 116 29
Season Series #2 She's struggling with her studies, but she still maintains her title as a student achiever. She had lost interest by the end of high...
3.1K 254 35
simple lang nman ang pangarap ni jham ang makatapos ng pag aaral at maiahon ang pamilya. shane he is a successful business man handsome and rich m...
1.4K 80 26
I was bored during the pandemic year 2020, we're not allowed to roam outside our houses. Though, we're thankful that we're safe and stable. Then ther...