CAPTIVATED BY MR.DEMON

Pat_Nhel által

2K 916 19

Erika Dela Torre. Known as nerd at matabang babae,at tahimik na nag-aaral sa Thompson University. At dahil sa... Több

Captivated by Mr.Demon season1
Prologue
Characters
Chapter 1 📖
Chapter 2-3 📖
Chapter 4 📖
Chapter 5 📖
Chapter 6 📖
Chapter 7 📖
Chapter 8 📖
Chapter 9 📖
Chapter 10 📖
Chapter 11 📖
Chapter 12 📖
Chapter 13 📖
Chapter 14 📖
Chapter 15 📖
Chapter 16 📖
Chapter 17 📖
Chapter 18 📖
Chapter 19 📖
Chapter 20 📖
Chapter 21 📖
Chapter 22-23 📖
Chapter 24 📖
Chapter 25 📖
Chapter 26 📖
Chapter 27 📖
Chapter 28 📖
Chapter 29 📖
Chapter 30 📖
Chapter 31 📖
Chapter 32 📖
Chapter 33 📖
Chapter 34 📖
Chapter 35 📖
Chapter 37 📖
Chapter 38 📖
Chapter 39 📖
Chapter 40 📖
Chapter 41 📖
Chapter 42 📖
Chapter 43 📖
Chapter 44 📖
Chapter 45 📖
Chapter 46 📖
Chapter 47 📖
Chapter 48 📖
Chapter 49 📖
Chapter 50 📖
Chapter 51 📖
Chapter 52 📖
Chapter 53 📖
Chapter 54 📖
Chapter 55 📖
Chapter 56 📖
Chapter 57 📖
Chapter 58 📖
Chapter 59 📖
Chapter 60 📖
Chapter 61 📖
Chaptet 62 📖
Chapter 63 📖
Chapter 64 📖
Chapter 65 📖
Chapter 66 📖
Chapter 67 📖

Chapter 36 📖

9 5 0
Pat_Nhel által

Chapter thirty-six: In Danger

Third Person's  POV.

Sumikat ang araw at walang kaalam-alam ang dalawa na magkatabi pala sila sa kama habang natutulog.
Maging ang apat ay walang kamalay-malay na nasa kuwarto pala nila si Erika,kanina lang din kasing madaling araw sila nakauwi galing sa foam party.

Unti-unti ng nagigising ang dalaga at napatagilid ito dahilan para mapayakap siya kay Darryl.
Maya-maya lang din ay nagising na ang dalagang si Erika at nakapikit na pumuntang banyo upang umihi.

"Arrray ang sakit ng ulo ko...."
Mahinang banggit niya na napahawak pa sa noo.
"Ano bang ginawa ko at ganito ka sakit ang ulo ko??"

Kasalokoyang umiihi ang dalaga ng magising naman ang binatang si Darryl.At nakalimotan niya na hindi pala niya naiuwi sa kuwarto nila si Erika.

"Tsk..."
Bahagya pa siyang napangisi ng makita ang mga kaibigang nag-uunahan sa paghilik.

At sa di inaasahang pagkakataon biglang naiihi ang binata at agad na pumunta ng banyo.

O_O >> Ganon nalang ang reaksiyon niya ng makita ang dalagang si Erika sa loob ng banyo nila!nakaupo ito sa inidoro at nakapikit ang mga mata.

Para siyang nakakita ng multo sa sitwasyon niya.Hindi siya makagalaw at hindi makaimik.

Ganon pa man ay tapos ng umihi ang dalaga kaya binuka narin niya ang mga mata ng biglang magtama ang paningin nilang dalawa.

O.O

>>.<<!!

"Waaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"
Sabay pang sigaw ng dalawa.

"Bastos bastos!bakit ka andito ha manyak ka manyak!!!"

Hindi agad nakapagsalita ang binata.
Ganon pa man ay marahas na lumabas ng kwarto si Erika dahilan para maka-recover siya at sumunod palabas.

"Waaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"
Sigaw ulit ng dalaga ng makita ang apat dahilan din para magising ito.
"A-anong----.Hoy bakit kayo andito ha mga bastos kayo manyak manyak balak niyo pa kaming pagsamantalahan ng best friend ko!!"

"Hey tumigil ka nga muna!ikaw ang dapat naming tanongin bakit ka andito ha?!"
-si Lesther

"Oo dahil kuwarto namin 'to!"
-si Vincent

"What's happening?"
Inaantok na sambit ni Ethan.

Si Jake?ayun humihilik parin....

"Peppa..."

Gulat na napalingon ang lahat sa nagsalitang si Darryl.

"Ikaw binusuhan mo ko!manyak ka mambubuso!"
Sigaw ulit niya at dinuro pa ang binata.

"Eh hindi ko naman alam na andon ka eh!P-pagpasok ko nagulat nalang ako ng makita ka...eh sa pagkakaalam ko kwarto namin 'to!
At isa pa kung nag-lock kalang sana edi sana hindi ko nakita y-yang---.Y-yang ang ikaw!ikaw sa banyo!"

Hahahahhaah pero ang totoo ay wala naman talaga siyang nakitang kakilakilabot na bagay.
Heheheheh totoo po yun!promise....

"Tignan niyo!Bastos yang kaibigan niyo inamin niya rin!"

"What?!hindi ko nga sinasadya!Malay ko bang hindi ka nag-lock ng pinto kaya akala ko walang tao"
Sigaw naman niya sa dalaga.

"So kasalanan ko pa ngayon ha?!"

"Ba't mo pa tinatanong eh ikaw naman talaga!!
Pasalamat ka nga't hindi kita pinabayaan kagabi..."

"H-hoy anong ginawa mo sa'kin kagabi ha?!"
Takang sabi niya na bahagya pang umatras.

"W-wala!ako pa pagmumukain mong masama ngayon?....Wala nga!"

"Anong wala eh bakit ako andito sa kuwarto niyo?!Ha ano sabihin mo anong ginawa mo sa'kin,o baka anong ginawa niyo sa'kin???"
Pahina ng pahina ang pagsigaw niya na napayakap pa sa sarili.

"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano nakakadiri ka!
Lasing na lasing ka kagabi at inuwi kita dito sa hotel kaso naka-lock kuwarto niyo kaya dito ko na ikaw dinala...Pasalamat ka nga at hindi kita pinabayaan eh"

"Nilasing mo siya JD?"

Sinamaam naman niya ng tingin si Lesther.

"Hindi noh!"
Depensa niya.

"Anong hindi?!ang sabihin mo nilasing mo ako dahil may pagnanasa ka nga sa'kin!"
Sigaw ulit ng dalagang si Erika.

"Kadiri ka talaga babae ka!
Naiisip mo ba talagang papatulan kita ha?"
Nandidiring sigaw ng binatang si Darryl.

"JD ano ba talagang nangyari?"
Tanong ni Vincent
"Bakit nalasing si Erika?May kinalaman ka ba dun?"

Napaisip naman bigla ang binatang si Darryl.

Naisip niya yung sinabi sa kanya ni Erika kagabi,dahil nga daw sa kanya kaya siya naglasing dahil nakipag-date siya sa iba....

"Bakit ako tinatanong mo?
Siya!siya ang tanongin niyo bakit yan naglasing kagabi...
Baliw yan eh,bigla nalang kaming sinugod ng ka-date ko,hindi lang yun sinampal at binuhusan pa niya ng wine!...Sobrang nakakahiya talaga kabaliwan niyan kagabi."

Sa sinabing yun ni Darryl,biglang naalala ng dalaga ang mga pangyayari kagabi maging ang mga pinaggagawa niyang kahihiyan sa ka-date ng binata.
Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa hiyang nararamdaman niya,ganon paman ay hindi niya pinahahalata.

"Ano?wala kaba talagang naaalala kagabi Erika?"
Tanong naman ni Ethan.

"W-wala...."

Pero ang totoo ay lahat naaalala niya.
Nakakaramdam lang siya ngayon ng kahihiyan kay Darryl kaya hindi niya inamin.
Ayaw niyang may isipin ang binata tungkol sa kanya ng kung ano-ano...

"Ano naman kasi nakain mo at naglasing ka?"
-si Lesther

Hindi ulit nakasagot ang dalaga dahil nag-iisip pa siya ng idadahilan niya.
Ayaw niyang isipin nila na nagalit siya kay Darryl dahil nga nakipag-date ito sa iba.Sobrang nakakahiya yun sa kanya pag nalaman nila.

"A-array....ang sakit ng ulo ko!"

"Erika ayos kalang?"
-si Ethan na nilapitan pa siya.
"Sandali at kukuha ako ng kape,para mabawas bawasan yang hangover mo...."

"Arrayyy salamat Ethan...Ahhh!"

"Hoy,hindi mo pa sinasagot ang tanong ni Lesther..."
Biglang sabi ni Darryl.
"Alam kong naaalala mo ang lahat,wag kanang magsinungaling.
Kung hindi ako ang magsasabi sa kanila ng lahat-lahat ng mga nangyari!"

Biglang kinabahan ang dalagang si Erika.

"W-wala talaga!pero pwede ba,kung ano man yung pinaggagawa at pinagsasabi ko kagabi epekto yun ng kalasingan ko...K-kaya kung maaari ay wag mo ng ipaalala sa'kin dahil sasakit lang lalo ulo ko....
Pwede ba yun ha Young Master?...."

Hindi nalang niya sinagot si Erika at nagtungo nalang ulit sa banyo.

Erika's  POV.

~Flash Back....

"Kapag-hindi-mo-nilubayan-si-Mr.Demon-ikaw-ang-mapupunta-sa-hell!...."

"Hindi kayo bagay noh ang panget mo kaya!"

"Wait Darryl,kilala mo ba ang baliw na 'to?"

"Sinabi ng hindi ako baliw!"

"Ano bang ginagawa mo ha nakakahiya ka!"

"Anong ginagawa ko?...Eh ikaw?ano sa tingin mo ang ginagawa mo?
Nakikipag-date ka sa babaeng yan?!Hindi mo man lang ba naisip na nasasaktan ako sa ginagawa mo ha?"

"Hey,sino kaba sa tingin mo sa buhay ni Darryl?...
You look like a maid"

"Ano naman ang pakealam mo kung ganon ha?oo!maid nga niya ako,and then?...and then ha?"

"Hey ano bang nakain mo't naglasing ka ha?"

"Eh ikaw eh!bakit ka kasi nakipag-date dun?"

"Nagseselos kaba ha Peppa?"

"Ano ka boyfriend ko hindi noh!..."

"Alam mo wag na wag kana ulit titingin sa pwet niya ha!kahit na malaki at malambot pa yun!"

"K-kung hindi?"

"Kung hindi tatanggalin ko yang pwet mo!sobrang liit pa naman niya...
Ano sagot!"

"O-oo o-oo...."

~End of Flashback....

"Hays ano ba yung ginawa ko?!
Nasabi ko ba talaga yun?...Nakakahiya ka Erika!naglasing lasing kapa kasi!"

Napasabonot nalang ako sa sarili ko.
Hindi ko talaga lubos maisip na nangyari yun kagabi....
Nakakahiya nga naman talaga ako!

Hindi na kami nakapag-agahan pa dahil 10 am na kami nagising.
Dumating ang oras at lunch time na,at maging sa hapagkainan ay parang wala parin akong gana.
Napapansin ko rin na hindi lang pala ako,parang lahat yata kami ay walang gana ngayong araw.
Ang alibi ko ay kahihiyan dun sa Gabby at kay Mr.Demon,hindi ko lang alam kung ano ang sa kanila pero wala rin akong gana upang alamin pa yun.

Natapos ang tanghalian namin ng nakakaisang subo lang ang nagawa ko.
Magkasama kami Nur at mabuti wala siyang kung ano-anong tinanong sa'kin tungkol sa mga ginawa ko kagabi,hindi rin niya kasi namalayang mala ako sa kuwarto namin nung umuwi siya galing sa party.....

'Totoo nga kaya yung sinabi nila Maxie at Sofia kagabi?
Nagseselos nga ba ako?
Pero bakit?Parang ngayon ko lang ata naramdaman yun ahh....
Nakakalito,bakit ko nga ba naman pag aaksayahang maglasing sa isang lalaking kaaway ang turing ko sa buong buhay ko?...
Uhhh parang sasabog na yata 'tong ulo ko!Hanggang ngayon masakit parin,masakit na nga dahil sa kalasingan ko mas lalo pang sumakit dahil sa mga pinag-iisip ko!
Sobrang nakakasakit naman talaga ng ulo ang mga pinaggagawa ko!!!Akalain mo yun,nagsayaw ako na parang baliw dun sa kalagitnaan ng maraming tao.
At basta ko nalang sinampal yung babae,tapos binuhusan ko pa ng wine!Nakakaloka naman talaga oo!'

"Matutulog na nga lang ulit ako!...
Kainis!"
Inis na sabi ko sa sarili at padabog na humiga sa kama.

After 3 hours....

Andito ako ngayon sa tabing dagat,palakad lakad lang ang ginagawa ko.Ako nga lang pala mag-isa kasi gusto ko ring mapag-isa muna....

"Alam mo wag kana ulit titingin sa pwet niya ah!kahit malaki at malambot pa yun!"

"Kung hindi tatanggalin ko yang pwet mo!kaliit pa naman niya....."

"Wahhh Erika ano kaba stop imagining thoes zany scene of you!!
Erase rease!kalimotan mo na yun okay?...Arrgh nakakainis----."

"Ate..."

Bigla nalang akong napalingon ng may tumawag sa'kin.

"Mmm?"

"Bili ka po ng burloloy,pang kain ko lang po..."

"H-ha?hindi ka pa ba kumakain?"

She nod.

"Ganon?"
Sabi ko na kinapa-kapa pa ang bulsa ko
"Nako pagpasensiyahan mo na at 50 lang ang nadala kong pera eh,pero oh ito kunin mo nalang.
Hindi ko na bibilhin yang ornaments mo sa iba mo nalang ibenta yan pero ito sayo nalang 'tong singkuwenta ko...."
Nakangiting sabi ko sa kanya at iniabot yung pera ko.

Ganon nalang ang biglang pagbuo ng ngiti sa mukha niya.

"Talaga po?!"
Galak na tanong niya sa'kin.

"Oo....sige na kunin mo na para makabili kana ng pagkain mo"

"Salamat po talaga ate ganda ah!ang bait bait niyo po!!..."

'Ate ganda?...Ako?hehehe talaga?'

Well bata yan hindi yan marunong magsinungaling!Hahahahhhahahh
Hahahha....

"Nako nambula pa,sige na at baka masyado akong matuwa sayo mabibigay ko pa lahat ng pera ko....Hahaha mag-iingat ka ah!"
At bahagya pa akong natawa sa pinagsasabi ko.

"Sige po salamat po talaga ng marami....Bye po ate ganda mag-iingat karin po!"

At sinundan ko nalang ng tingin yung batang babae na pumunta yata sa mga magulang niya.
Ganon din ang saya nila ng malaman sigurong binigyan ko siya ng singkuwenta,at kahit papaano ay nakatulong ako at napasaya ko sila kahit sa maliit lang na bagay...

"Ang bait ah..."

Sa tuno ng buses na yun ay alam ko na kung sino 'yun.Hinarap ko siya kasabay ang pilit na ngiti.

"Kilala mo yun bess?"

Umiling lang ako at nilagpasan ko na sila ng bigla ulit siyang magsalita.

"Ahh bess"
Napahinto ako sa paglakad.
"Gusto ka sana naming yayain eh,alam mo na bonding with the girls..."

Kasama niya ngayon yung mga alipores niya,yung dati pa niyang mga kaibigan bago pa kami naging magkaibigan.

"Saan naman?"

"Ano sana eh sasakay kami ng bangka,at pupunta kami sa isa sa magandang island dito.Alam mo na picture picture,pang instagram,post sa fb....Hehehe ano sama ka?"
Aya ulit sa'kin ni Colleen.

Wala naman sigurong masama kung makikipagbonding ako sa kanila...
Magkaibigan na naman kami eh,
pero siya lang,at yung mga alipores niya hindi ko pa close,baka ano pang gawin sa'kin....Pero hindi naman siguro,oo baka yun pa nga ang dahilan para maging kaibigan ko narin sila.

"Teka at sasabihan ko lang si Nur---."

"Ayy wag na!"
Biglang pigil niya sa'kin.

"B-bakit?"

Tumingin pa siya sa mga kasama niya bago humarap at nagsalita.

"K-kasi andiyan na yung bangkang inarkila namin,b-baka kung hahanapin mo pa si Nur lalo lang tayong matagalan,at baka maiinip pa yung magdadala sa'tin dun sa isla."

"Oo nga Erika para makauwi rin tayo ng maaga..."
Sambat naman nung isang kasama niya.

"Oh sobrang excited na ako!Ano tayo na?"
Galak din na sabi nung isa.

"P-pero..."
Mahinang banggit ko
"Baka hanapin ako ni Nur,at nung LIMA"

"Hindi yun,ang gagawin lang natin ay magpicture picture sa mga magagandang views  tapos babalik tayo agad...promise"

"Eh bakit hindi nalang natin sila isama?"

"Erika naman!Ang dami mo pang sinasabi eh matatagalan nga tayo kung hahanapin pa natin sila!"
Bigla nalang tumaas ang buses niya na ikinagulat ko.
"S-sorry....Tara na kasi."

Hindi nalang ako umimik pa at yun nga nagpunta na kami sa sinasabi niyang magandang isla.

'Bakit parang ang layo na nito sa resort?...Kanina pa kami bumabiyahe eh,nagsisisi na tuloy ako.Kung pwede lang sana akong tumalon ngayon dito at lumangoy pabalik kanina ko pa ginawa!'

Maya-maya pa.

Mula sa malayo ay may natatanaw na akong isla kaya nawala narin ang kaba ko.Akala ko kasi pupunta kaming korea gamit lang ang bangka....

"We're here!"

At isa-isa na kaming bumaba ng bangka.

Kunot noo kong tinignan ang bawat sulok ng islang to pero ni isa wala akong makitang magandang view!
Puro kahoy lang naman ang andito at halatang hindi pinupuntahan ng mga turista.

"Mga kuya hintayin niyo ho muna kami ah at magsasaya muna kami dito.Sa huling pagkakataon,diba Erika?"

Napalingon naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ok girls tayo na!"
Sabi ni Colleen sa mga alipores niya.

Yun nga ang ginawa namin,picture picture kahit kapanget ng view!
Sayang lang ang storage ng phone nila kakapicture sa panget na view ng island na 'to....

#PangetNgTaste!

"Oh bess ikaw naman..."
Hindi nalang ako umangal pa.
"Diyan ka oh,hahahaha hindi ang panget mo diyan.Diyan,ayy panget ka parin diyan eh dito nalang oh!...
Hahahhha parang walang pinagkaiba!"

At nagtawanan silang lahat,maliban sa'kin.Hindi ko alam kung iniinsulto niya ako o ano,alam ko namang panget ako pero grabi naman yun!

"Ohh ayan...Ok narin"

"Hindi pa ba tayo babalik?"
Bored na tanong ko sa kanila.

"Bakit may lakad ka?"

"Hahahhaha sandali nalang bess at babalik na tayo!wag kang atat okay?"

Maya-maya pa ay naglabas na sila ng alak!

'Hindi na maganda 'tong nangyayari!
Akala ko ba saglit lang?bakit may mga alak?ano to?!'
Nasabi nalang ng utak ko.

"Bess oh..."
Sabi niya sa'kin sabay abot ng isang basong may alak.

I wagged my head.

"Huh?sige na kunti lang naman!"

"Yeah ang kj mo!"

"Oo nga!just a little bit lang Erika..."

"Go girl!just one try..."

"Akala ko ba picture picture lang ang pinunta natin dito?Tapos ano 'to?Ano to Colleen?"
At tinawanan lang nila ako.
"Kung gusto niyong uminom bakit dito pa?may bar naman ang MBR ah!B-bakit dito pa?..."

"Wag ka ngang masyadong OA!Eh sadyang gusto namin dito....
Sige na,isang try lang at hindi kana namin ulit pipiliting uminom"

"Sige na bess,matoto ka namang makisama..."

'Makisama?!eh ano pang tawag nila sa ginagawa ko?bakit pa ako andito sa creepy island na to kung hindi ako marunong makisama?!'

"Wag kang Kj!sige na..."

I sigh.

"Iinom ako,pero isang shot lang....
Ayaw ko ng malasing pa ulit"

"Yown!Hahahah bigyan mo siya Kie..."

Hawak-hawak ko na ang basong may alak,at nagdadalawang isip pa ako kung iinomin ko ba o hindi.

"Go Erika!Go Erika!Go Erika!Go Erika!Go Erika!!"

"Go bess isang shot lang!"

'Hindi naman siguro ako malalasing agad sa isang shot lang...Isa pa pagkatapos naman nito ay hindi na ako iinom ulit,last na to promise.Ayaw ko na talagang malasing,nagiging baliw ako kapag nalalasing eh!'

At walang sabi-sabi kong inubos agad yun.
Wala naman akong naramdamang sobra sobrang alcohol,parang wine lang siya na less ang alcohol.

"Isa pa!"

"Ano?!hindi na noh!Basta ang usapan isang shot lang...And that's it!Bahala kayo kung gusto niyong maglasing basta ako ayaw ko na!"

"Okay Hahahahhahahahahahahaha
Hahahah!!"

At nagtawanan sila na parang mga engot.

Hindi ko nalang din ulit sila pinagpapansin kahit paminsan minsan ay inaabotan nila ako.

"Sandali..."
Banggit ko at napahawak pa sa noo sa sandaling nakaramdam ako ng hilo.

"B-bakit?anong nagyayari sa'yo bess?"

"Erika are okay?"

"P-parang...parang----."

At bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

*Bloogg*

Nurkhaiza's  POV.

"Ano nakita niyo ba?!"

"Wala eh!"

"Nako saan naman kaya nagpunta ang bestfriend ko?!"

"Wala ka ba talagang naaalalang lugar na sinabi niya?!"
Galit na tanong sa'kin ni Darryl na ikinagulat ko.

Naka-recover naman ako agad.

"W-wala talaga eh!huhuhuh...."

Lahat na kami dito ay hinahanap si Erika.Kanina pa kasi siya nawawala,kinabahan na ako kaya nagpatulong na ako sa mga boys.

"Ano ate Alex nakita niyo ba?"
Nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"I'm sorry,but wala siya sa bar"

"Maging sa coffe shop wala!"

'Nasan kana ba kasi Erika?...'di kaya umuwi na siya ng Maynila?Pero hindi!kung uuwi man siya magsasabi yun....'

"Gumagabi na at wala parin ni anino niya ang nakikita natin!
Kapag nalaman kong may kinalaman si Colleen dito hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sa kanya!"

Tama si Darryl,pinaghihinalaan ko din si Colleen sa kababalaghang ito.
Wala siya at si Erika at nakakasiguro akong magkasama silang dalawa ngayon!Sana nga lang ay walang ginawang masama ang babae na yun sa best friend ko!

"Hahahahahahahahahahahahhahhahahahah!!!"

Bigla kaming napalingon sa isang pamilyar na tawa na yun.
Sina Colleen at mga alipores niya tatawatawa sila habang bumababa sa isang bangka.

"Hahaha sinabi niyo pa!Let's go girls dumidilim na."

"JD si Colleen..."

Pagkarinig palang ni Darryl sa pangalan niya ay walang pasabi-sabi niya itong nilapitan at marahas na hinawakan sa collar niya.

Ganon nalang ang gulat ni Colleen sa ginawa ni Darryl sa kanya,nakakaawa man siyang tignan ngayon ngunit ni isang katiting na awa ay hindi ako dinadalaw,nangingibabaw din ang inis ko sa kanya.

"D-darryl n-nasasaktan----."

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo sasabihin sakin kung nasan si Erika!"
Galit na may diing sabi niya.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo!"

Pilit parin niyang inaalis ang kamay ni Darryl ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"JD....Sandali lang"

"Bro hayaan mo munang magsalita si Colleen"

"Bro hindi natin malalaman kung nasan si Erika kung dadaanin mo sa ganito."

Ngunit hindi man lang niya nagawang makinig sa mga simpatya ng mga kaibigan niya.
Maging ako ay nalilito sa inaasta niya ngayon,masyado siyang galit,masyadong mainit ang ulo niya.Siguro nga nag-aalala din siya kay Erika ngunit sobra naman ang kinikilos niya!
Kagaya ngayon,kung makapagsalita siya ay talagang alam niya na may kinalaman talaga si Colleen sa pagkawala ni Erika....

"D-darryl please...I'm h-hurt"

Bigla nalang nag-vibrate ang phone ko,kaya agad ko din itong kinuha sa bulsa ko.

~Erika Calling.....

At ganon nalang ang saya ko ng makita ang pangalan niya sa phone ko.

"Guys guys!si Erika!"

"Ha?"

"Nasaan siya?!"

"Si Erika tumatawag sa'kin!"

"Anong sabi?!"
Biglang tanong sa'kin ni Darryl na hinawakan pa ako sa magkabilaang braso ko.

"S-sasagotin ko palang..."

"Sagotin mo na!"
Sigaw naman sa'kin ni Ethan.

Sasagotin ko na sana ang tawag niya ng makita ko si Colleen tumatakas sila!

"Si Colleen pigilan niyo!"
Sigaw ko.

Hanggat hindi napapatunayang walang kinalaman si Colleen dito,hindi parin mawawala ang hinala ko sa kanya.At kung tunay nga ang hinala ko malalagot talaga siya ng sobra sa'kin!Kaya hindi siya pweding makaalis.

[Bess bess tulungan mo ako nakakatakot dito!]

"Bess oo tutulongan ka namin!nasan kaba ngayon ha?a-ayos kalang ba diyan---?"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inagaw bigla ni Darryl sa'kin ang phone ko.

"Hello Erika s-si Darryl to!....Oo!.... Oo nasaan ka ngayon?!....Ano?!pero a-anong itsura ng isla?...."
Bigla nalang siyang napahawak sa noo niya dahilan para mas lalo akong kabahan.

'Bestie asan kana ba kasi?sana safe ka diyan....Nako ang dilim dilim na,bess huhuhuh kinakabahan na ako lalo sayo....Asan kaba kasi?'

"....Wag kang mag-alala pupuntahan ka namin diyan!....Oo ngayon na mismo!....Wag!wag kang matakot ah ililigtas ka namin....Oo andito.....Ano?!"
Biglang sigaw niya na napatingin pa ng masama kay Colleen.
"Sinasabi ko na nga ba eh!....Sige basta wag kang aalis diya.....Hello?!Hello Erika?!Hello anong nangyari hello?!"

"Darryl bakit?"
Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Bro what's wrong?"

"Erika!Hello?....buwisit!"
Inis niyang tinapon sa'kin ang phone ko at marahas ulit na hinawakan si Colleen sa kwelyo niya.

"Darryl w-wala akong k-kinalaman..."

"Tumahimik ka!kung may mangyayaring masama sa kanya talagang hindi mo magugustohan ang maaring gawin ko sayo!"

Ggrrrr!Hindi na kailangang itanong kung bakit ganyan nalang ang galit niya kay Colleen,batid kong siya talaga ang dahilan ng pagkawala ni Erika!

Erika's  POV.

'Nasaan ako?...'

"Colleen?... Colleen nasan na kayo?...Colleen?!"

Ngunit walang sumasagot sa'kin.

Ngayon lang ako nagising,hindi ko alam kung anong meron sa alak na ininom ko kanina,pero bigla nalang akong nakaramdam ng antok,masyadong antok dahilan para hindi ko mapigilan at nakatulog nalang....

Dumidilim na,at paikot ikot lang ako sa creepy island na to.
Walang signal ang phone ko kaya paikot-ikot ako nagbabakasakaling may mahagip na signal.

"Lord ano ba 'tong pinasokan ko?
Huhuhuh Colleen nasaan naba kayo?!....
Sa tingin ko ay iniwan na ako ng babaeng yun dito!yun na nga ba sinasabi ko eh!Nagpapanggap lang siyang mabait sa'kin....Buwisit,buwisit ka Colleen!... Huhuhuhuh tulong!tulongan niyo ako!May nakakarinig ba sa'kin dito?!tulong!tulong!!!"
Sumasakit na ang lalamonan ko at walang tulong na dumating.

Nangingilid narin ang kuha ko.
Naghahalo ang inis ang takot sa kaloob looban ko....
Kinakabahan ako,baka hindi na ako makauwi sa'min.Baka may mangyaring masama sa'kin dito....

"Yes!thank you lord!!.."

Ganon nalang ang tuwa ko ng nagkasignal na ang phone ko,at agad kong kinontak si Nur.

"Nur please s-sagotin mo....
Nur p-please...."

Natatakot na talaga ako sa lugar na 'to.Kahit may buwan ang dilim dilim parin!

"Bess bess tulungan mo ako nakakatakot dito!

[Bess oo tutulongan ka namin!nasan kaba ngayon ha?a-ayos kalang ba diyan---?]

Bigla nalang naputol si Nur dahila para lalo akong kabahan.

"Hello Nur?!Nur nasaan kana?..."

[Hello Erika s-si Darryl to!]

"D-darryl?..."

[Oo!]

Sa pagkakataong ito maslalong tumulo ang luha ko.

"Darryl please tulongan mo ako nakakatakot dito..."

[Oo nasaan ka ngayon?!]

"H-hindi ko alam,p-pero isang isla.Oo nasa isla ako Darryl tulongan mo ako!...."

[Ano?!pero a-anong itsura ng isla?]

"Malaking isla na maraming puno,oo halos puno lang ang andito,a-at hindi white sand.Please natatakot na ako...."

[Wag kang mag-alala pupuntahan ka namin diyan!Oo ngayon na mismo!]

"Ang dilim dilim dito bilisan niyo natatakot na talaga ako..."

[Wag!wag kang matakot ah ililigtas ka namin]

'Lord thank you!thank talaga....'

At bigla nalang din pumasok sa isipan ko si Colleen.

"Darryl si Colleen,a-andiyan ba siya?"

[Oo andito]

"Darryl may kung ano siyang pinainom sa'kin kaya ako nawalan ng malay!D-darryl pinlano niya 'to,siya ang dahilan kong bakit ako andito sa nakakatakot na islang 'to!"

[Ano?!Sinasabi ko na nga ba eh!Sige basta wag kang aalis diyan]

"Wahhhhhhhhhh!!!!"
Biglang sigaw ko ng maramdamang parang gumuho ang tinatapakan ko dahilan para mabitawan ko ang phone ko.

At yun na nga nahulog ako sa isang butas!Kaso ang phone ko hindi kasamang nahulog dito sa butas na to.
Sobrang lalim ng butas ni hindi ko magawang makaalis dito,maputik pa at maraming lamok!

Mas lalo lang tuloy akong natakot.
Parang wala na talagang pag-asa pang makaalis ako dito.Ni hindi nila alam kung saang isla ako ngayon,tapos nahulog pa ako sa butas na to!Wala na talaga akong pag-asa pa!

"Tulong!!....Please may nakakarinig ba sa'kin dito?Please tulongan niyo po ako!!...huhuhuhuh lord please sana mahanap na nila ako"

Sobrang sakit pa ng paa ko,at parang napilayan pa yata ako sa pagkakahulog ko dito.

××××ו••••×××××
Itutuloy....

A/nPlease as always don't forget to VOTE

and leave some COMMENTS para mas

lalong ganahan magsulat si

Author.Hehehe salamat po ng sobra

sa inyong patuloy na pagsuporta!!!

Sorry po sa lahat ng typos and of course sa badwords,hindi ko po yun sinasadya..Sorry po talaga ng sobra!

\\\Thank You again and GOD BLESS US ALL!!///

-@Patnhel


Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
WHAT LOVE IS YamYamKim által

Ifjúsági irodalom

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...