Perfect Distraction

De rusz-avhin

6K 81 124

This is a story of Mia Concepcion and Kid Fuentebella. Two different people. Two different state of heart. Tw... Mais

Intro ni Author :)
1. Nakamove On
2. Temptation
3. One Night Stand
4. Own You
5. Dumb Ways To Die
6. I Want More
7. Okay Again
8. Pa-sweet
9. SHOWER...
10. Pride
11. Worried
12. Ang Simula
13. Surprise!!!
14. Problema
15. Hinala
16. Palalim ng Palalim
17. Away
18. That guy!
19. Nagseselos sino kay kanino? 🤣
20. Imbitasyon
22. Mission
23. Anong meron kay Laine?
24. Paalam
25. Natuto
26. Walang Natapos
27. Imbitasyon
28. Pag Uwi
29. Malapit Lang
30. Dalaw
31. Posas 😂😂😂
32. Wakas

21. Apat na Lamesa

115 2 6
De rusz-avhin

Author's Note:

Kahapon lang ako nag-update ulit.
Pero gusto ko ulit mag-update ngayon. Habang gumagana ang krung-krung mind ko. hahahhaah

Thank you sa mga loyal readers ko nito. Natouch naman ako na super inaantay n'yo talaga ang pagbabalik ni Kid at Mia. 😍😘

At ayoko na kayong biguin hahah.

Para sa inyo 'to: IamMiah06 and MichelleBihag

Lovelots,

Rusz-Avhin

------------------------------------

Mia:

Habang papalapit ang pagsapit ng linggo, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nagdadalawang isip akong pumunta.

"Mi, wala nga pala ulit ako sa Sunday ah." Paalam ni Kid.

"Family Day?" bahagya kong tanong.
Tinatantiya kung babanggitin niya ang birthday ni Laine sa parehong araw.

Nasa couch kami dito sa condo niya. Nakahiga at nanonood ng tv.

"Yeah. The usual." Kaswal niyang sabi.
Tumango-tango ako. Minsan gustung-gusto kong itanong kung bakit hindi niya ako isinasama. Not because I'm his girlfriend or what.

Just simply because..it's just weird. Kahit kaibigan mo nga lang ipinapakilala mo usually sa parents mo di ba? Parang may parte sa mundo ni Kid na..hindi ko magets.

"Kid, ilan naging girlfriend mo? Iyong serious relationship ah. Bukod kay Laine?" Imbes na mag-usisa sa panilya niya ay iyon na lang ang itinanong ko.

Ilang saglit akong naghintay pero wala na siyang isinagot. I looked up and see him eyes closed. Marami na akong nakitang babae ni Rage bago nagseryoso kay Sunny. Sina Brandon at Logan ay ganoon din. Iba-iba. Bukod pa iyon sa mga kaibigan nilang mayayamang babae na lagi rin nilang kadikit.

Kay Kid ako walang nakikitang walang kalampungan noon pa man. Kay Sunny nga lang yata siya ulit nagkagusto. Tapos..ehem..sa akin?!

Si Laine lang ang bukod tanging nagrerepresent ng past at gumugulo sa present.

Laine is very pretty. The typical spoiled brat type. Kung iisipin kong mabuti, pwede akong magselos. Parang may hawak pa rin siya kay Kid.

I sighed. Maybe I really should go to that damn party. Baka malaman ko ang mga bagay na hindi ko magets.

Nandito ako sa dorm dahil kagabi pa bumyahe si Kid pauwi sa kanila.

At ang birthday ni Laine ay sa Fuentebella Island and Hotel sa Palawan gaganapin. Maybe still Kid's clan property huh?

Sakay kami sa pribadong eroplano madaling araw ng Linggo. Lahat kaming nasa eroplano ay pawang mga crew at maintenance sa gaganaping selebrasyon.

Gandang ganda talaga ako sa mga ulap at sa ibaba kung saan unti-unting lalaki ang mga puno at halaman sa ibaba habang naglalanding ang eroplano. Gaya noong kasal ni Sunny sa isang lugar dito sa Palawan, parang ayoko ng umuwi. Parang ang sarap na lang manirahan sa tabing dagat at mangisda. Natawa ako sa naisip.

"Wow. Nandito na tayo. Pangarap kong magtrabaho dito eh. Kaya lang ayaw akong sa malayo magtrabaho ng parents ko." tinig ng isa sa kasamahan namin.

"Iyong pinsan ko dito nagtatrabaho, ang dami raw gwapo dyan. Tsaka maganda. Dun sa mismong mga lahi ng Fuentebella." sabad ng isa pa.

"Di ba may sikat na Task Force Agency din sila? Na kadalasan sila mismo ang gumagawa ng mga misyon? Ang astig nila di ba?"

"Oo balita ko, bata pa lang sila sinasanay na sila sa pagiging detective at sa pagmamanage nitong resort."

Nagpatuloy pa sila sa usap-usapan. Habang ako ay natulala na lang habang iginigiya kami sa Fuentebella Resort.

Pucha! Para akong nasa mundo ng engkanto sa sobrang ganda ng paligid. Mula sa building ng hotel. Hanggang sa mga villa na nakatayo ng may kakaibang disenyo at sa landscape..WOW. Bakit hindi na lang dito ikinasal si Sunny at Rage? At bakit hindi kami tumuloy dito ni Kid noon, eh ang lapit lang naman yata?

Di ko maiwasang mamangha nang igiya na kami sa mga magiging kwarto namin.

Parang hindi kami magiging serbidora sa ganda ng kwarto.

"You have an hour or two to rest, before the work starts..so..do that." Bilin ng nakaassign na Manager sa amin.

Nagsipasukan na sa kanya-kanyang kwarto ang aking mga kasama. Ganoon na rin ang ginawa ko.

Naroon na ang uniform na gagamitin namin mamaya. Kulay maroon na long sleeve polo at black skirt and black shoes ang mga gagamitin, may hairnet na may disenyong pasobra na  tatabon ng bahagya sa mukha ng magsusuot. Parang nakakita na ako nito sa mga foreign movies..ginagamit nga sa party. Parang mafia.

Ayon sa agency namin ay kulang ang mga original staff nitong resort lalo ngayong summer kaya hindi na makakayang magbukod pa ng ibang tauhan para sa gaganaping event. Kaya naman nanguha na sa manpower agency.

Sinilip ko ang cellphone ko, wala pang tawag o txt mula kay Kid. Ganoon naman lagi tuwing family day. Minsan iniisip ko kung may itinatago ba siyang anak o ano.

Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at nagsimula nang magbihis ng uniporme pang mamaya.

Nang sumapit ang tamang oras para pumunta na kami sa pagdadausan ng event ay umatake na ang kaba ko.

Isang napakalaking bulwagan nga ang  mayroon at nakakahilong ilibot ang paningin sa dami ng lamesang nakaayos. Maglalagay na kami ngayon ng warm up drinks sa bawat table. Table one to fifteen ang nakaassign sa akin. Nasa harap iyon malapit sa mababang stage. They must be the VIP    table.

May dalawa kaming pitsel sa tray at isang bote na dala. One pitcher of water, one pitcher of lemon juice, at isang bote ng red wine. Kada mauubos iyon ay babalik kami sa service area para kumuha ulit.

Table one...

Mag isa lang ang nasa table.

Pucha. Bakit parang si Bernard..
"Hi Sir. What do you want, water, lemon juice or red wine?"

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. Sinilip ng mabuti ang mukha kong natatakpan ng bahagya ng accessory sa buhok na ipinagamit sa amin.

"Fucking shit! Bakit nandito ka Mia?"
mariing bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakilala niya ako kaagad. "Ahmm..part time."

"Saan mo'to nalaman? Sinong nagsabi? Imposible." aniya. Tila siguradong sigurado na wala ako dapat dito kung wala lang nagsabi sa akin na pumunta rito.

"Si Laine. Sa kanya ko nalaman itong part time para sa birthday niya."

"FUCK." He groaned.

"Put that down." tukoy niya sa hawak kong tray.

Umiling ako. "Bawal. Trabaho 'to. Mamili ka na ng drinks sige na..para makalipat na ako sa ibang table." I smiled at him.

"Damn that lady. Let's get out of here. Ako na ang kakausap sa Manager nyo." Aniya at pilit na inaagaw sa akin ang tray na hawak ko.

Napalingon ako sa paligid at may ilan nang tumitingin dahil nagtatagal ako sa harapan ni Bernard. Nahagip ng mata ko ang table four. Nandoon si Kid!

Nakatitig sa direksyon namin ni Bernard. Tumingin rin doon si Bernard. "You don't know what you've entered into, Mia. C'mon. I'll help you get away with all of this."

Pero wala na sa sinasabi ni Bernard ang atensyon ko. Sa pagkataranta ko ay basta na lang ako dumampot ng pitsel at inilagay sa baso ni Bernard.

"Sige Bernard, lipat na ako sa ibang table."

Table two..

Dalawang tao..

Inulit ko ang scripted kong greeting at tanong.

"Oh I'd love lemon juice please." a woman smiled sweetly and..wait..bakit parang nakita ko na siya? Pamilyar din siya sa akin.

Tinitigan ko ang kasama niyang lalaki na maganda rin ang bihis. Shit. Kilala ko sya.

"Mia?!" nauna pang nakabawi ng pagkagulat si Eric kaysa sa akin.
Sumimangot naman ang kaninang babae.

"My juice please.." mataray niyang saad.

Natauhan naman ako at inilagay iyon sa baso niya. Nakita ko ang pangalang nakalagay di kalayuan sa kanya. Shanella Fuentebella Domingo

Domingo ang apelyido ni Eric.
Ibig sabihin ang dating apelyido ni Shanella ay Fuentebella. Kamag-anak siya ni Kid?! How the hell?!

"Best friend ni Laine si Shanella. At first cousin siya ni Kid. Yung table three sa likod namin, parents at mga kapatid ni Kid." ani Eric na tila sumagot sa iniisip ko.

"Bakit nakauniporme ka ng sa crew..eh nandito naman si Kid at.."
Eric trailed off.

"Ajm..part time ko. Sayang din kasi eh." I cut him off.

Halos lutang pa ako sa nalaman ko. Tubig ang pinili ni Eric kaya iyon ang inilagay ko.

Nginitian ko sila at binati pa ng "Congratulations!"

Table three...

So this is the family huh? May mga mas nakatatandang kapatid..

So carbon copy sila Kid ng father niya..

Meron pang lola sa table three. Kamukha ng nanay ni Kid.

They are all nice. I think.

Lahat sila nag thank you.

Table four..
Nakatayo na si Kid sa table niya at nakakunot noo.

"I'll come back Sir." senyas ko dahil kukuha pa ako ng panibagong drinks dahil ubos na ang dala-dala ko.

Nagmamadali akong bumalik at kumuha ng kailangan.

Sinamantala ko na ring huminga at bumuga ng hangin. Kanina pa naninikip ang dibdib ko.

Pagbalik ko sa table four ay may kasama na si Kid doon. Si Laine.

"Oh hi, Mia." bati ni Laine sa akin habang si Kid ay madilim ang mukha.
Napatingin ako sa kamay ni Laine na nakahawak sa braso ni Kid.

"Kid, hindi mo ba babatiin ang house maid mo? Kahit nagpapart time lang siya sa'yo, show some respect." may kaplastikang turan ni Laine at ngumiti pa ng matamis sa akin.

Hindi kumibo si Kid. Nakatingin lang siya sa akin.

"Oh pasensya ka na sa fiance' ko Mia. May pagkamasungit talaga yan minsan. Red wine sa amin pareho."

Fiance'? At heto si Kid na wala man lang yatang balak itanggi ang ilusyon ng babaeng katabi niya.

Hindi pa ako natatapos magsalin sa baso nila ay nagsalita na ang emcee.
Hudyat iyon na malapit ng magsimula.

Minadali ko na sa table nila Kid para matapos ko ang iba pang table.

-----------------------------

Continue lendo

Você também vai gostar

212K 4.4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
83K 3K 13
Ang sosyal na Bisaya at ang makulit na playboy.
221K 13.2K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
2.7M 4.1K 4
Sex Partners? Check. No strings attached? Check. No feelings involved? Mmmm...... Check on Troy's side but for Sandra, does she feel the same? Espe...