My Knight in Shining Fangs [F...

By Thyriza

3.7M 100K 5.8K

[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own versi... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Epilogue
NOTE!!
SPECIAL CHAPTER (1)

Chapter Forty

52.4K 1.4K 35
By Thyriza

Sorry for the delay of update.

Chapter 40

NASA baba kami nang office ni Ivo at tahimik lang kaming nakatayo sa entrance. Siya napapakamot sa leeg samantalang ako nahihiya sakanya.

“Ivo, ayaw kitang madamay sa problema namin ni Kent. Sorry kanina, ah.” sabi kong nakatingin sa baba.

“Matagal na akong damay, Theyn.” He beamed at me and tapped my back. “Be strong, okay? Kapag hindi mo na kaya ako ang back up mo.” Sincere niyang sabi kaya napangiti na ako sakanya.

Tiningnan ko ng maigi si Ivo. Crush ko siya dati at halos mag-drool ako sa kagwapuhan niya. Pero bakit hindi ako nagkagusto sakanya? Bakit hindi ko siya mahal gayong napakabuti niya sa akin? Kasi sa totoo lang, hindi siya mahirap mahalin. Napaka swerte ng babaeng mamahalin niya ng totoo.

“Why are you staring at me like that?” he asked. Umiling naman ako sakanya.

“Salamat sa lahat, Ivo, ah?”

“Sus, wala ‘yon. Ikaw pa.” kumindat siya sa akin kaya nahampas ko braso niya.

“Umuwi ka na. Baka nakaka-istorbo pa ako.” Biro ko sakanya.

“Haha, sige na.”

“Ingat,” sabi ko. Tumalikod siya at naglakad na. Pero bago pa siya makalayo, lumingon siya sa akin tapos ngumiti.

“Theyn,”

“Hmm?”

“Sana kailanganin mo ulit ako.” He said that tapos tuluyan ng umalis. Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago ako bumalik sa loob ng building.

Bago ako bumalik sa taas ay pumunta muna akong comfort dito sa baba. Walang tao sa loob pati rin ata sa cubicle.

 I stared at the mirror saka ngumiti. Kahit ngumiti ako halata pa rin naman na malungkot ako.

“Magiging okay din ang lahat.” Bulong ko sa sarili ko. I closed my eyes para maging normal ang tibok ng puso ko. Pero kahit anong pikit ang buntong-hininga ang gawin ko, masakit pa rin. Hindi maaayos ang problem akong ‘to sa isang kisap-mata.

Naramdaman kong biglang humangin kaya minulat ko mga mata ko. Nagulat na lang ako at napaatras na makita kong hindi na ako nag-iisa. A man wearing a black cloak standing next to me. paglingon ko sa tabi ko, wala naman akong kasama. Tiningnan ko ulit ang salamin at nandoon siya—nakatayo.

Nagtindigan ang balahibo sa braso ko. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makasigaw. Nanlalamig din ang buo kong katawan at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko kahit gustong-gusto ko nang tumakbo.

“Theyn,” isang mababang boses ang nagsalita. Sobrang lalim nito na parang galing sa pinaka ilalim ng mundo.

“L-layuan mo ako!” I tried my best na hindi ipahalata na hindi ako natatakot pero alam kong sobrang obvious ng facial expression ko. Sino bang hindi matatakot? Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng nilalang ang nasa tabi ko.

“Huwag kang matatakot sa akin, Theyn.” Nagulat na lang ako nang biglang magbago ang boses niya. Tinanggal niya ang takip sa ulo at tumambad sa akin si Cindy. At kagaya no’ng huli ko siyang nakita, magulo ang buhok niya at sobrang putla niya.

“C-Cindy! B-bakit…b-bakit sa salamin lang kita nakikita?” nanlalaking mga matang tanong ko.

“T-tulungan mo ako, Theyn.” Nagmamakaawa ang mukha niya at parang hirap na hirap sa nangyayari sakanya.

“P-patay ka na! A-alam kong hindi pa natatahimik ang kaluluwa mo pero…”

“Binuhay nila ako, Theyn! Ginawa nila akong kasapi nila!” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

“P-paanong nangyari ‘yon?”

“Hindi ko totoong katawan ang pinagluksaan niyo! Nasa illusyon kayo at akala niyo katawan ko ‘yon! Masasama sila, Theyn! Napakamakapangyari nila kaya wala akong magawa!”

“Bakit nasa loob ka ng salamin? Bakit hindi kita makita sa  tabi ko?”

“Dahil sa suot mong kwintas! Hindi kita malapitan dahil diyan.” Sabi niya. Nakapa ko bigla ang kwintas ko sa leeg ko. Bigay sa akin ‘to ni Kent. Sabi niya ‘wag ko daw huhubadin. Wala naman siyang sinabing iba pero mahigpit niyang bilin na huwag ko ‘tong huhubarin kahit saan.

Tatanggalin ko sana ang kwintas sa leeg ko nang pigilan ako ni Cindy.

“Mahahanap ka na nila kapag tinanggal mo ‘yan. Malalapitan ka na nila at makukuha kapag inalis mo ang amulet sa’yo.” Sabi niya. “Gusto nilang dumami ang lahi kaya kahit sino binibiktima nila.” she added. Napalingon-lingon siya at parang may tinataguan saka tumingin sa akin.

“Kailangan ko nang umalis. Magpapakita ako sa’yo kapag puwede na ulit.” Sabi niya tapos biglang naglaho.

Nakatulala lang ako hanggang sa natauhan ako. Hindi ko naman guni-guni ang lahat. Ang dami ko pang tanong.kay Cindy pero sa palagay ko hindi naman ito ang huli naming pagkikita.

Lumabas akong CR na wala sa sarili. Hindi ko na nga pinapansin ang mga nakakasalubong ko. Ano ba ‘tong nangyayaring katatakutan sa buhay ko? Mas malala pa ‘to sa takot ko noon kay tatay. Natatakot ako sa kaligtasan ko lalo na ng mga kapatid ko. Paano kung madamay sila?

Habang naglalakad, napahinto na lang ako kasi pakiramdam ko may nabangga ako. Hindi ko ‘yon pinansin at derederetso lang ako naglakad papuntang elevator. Narinig kong may tumatawag sa akin pero hindi ko naman pinansin.

“Theyn! Theyn, ano ba!” may humawak sa balikat ko at pinaharap ako. Nakita ko si Migo na nag-aalalang nakatingin sa akin. “Theyn, bakit ka naginginig? May nangyari ba?” wala sa loob na tiningnan ko dalawang kamay ko. I was trembling at hindi ko man lang nalalaman. Nagpapawis din ang mga noo ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Theyn, ang lamig ng kamay mo!” rinig kong sabi ni Migo. Naramdaman ko na lang na para akong nanghihina at anu man na oras para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko.

“Migo,” halos anas ko lang na sabi.

“Dadalhin kita sa clinic, gusto mo ba?” umiling naman ako sakanya kahit nanghihina na ako.

“Okay lang ako,” napahawak ako bigla sa braso niya para humingi ng supporta.

“Namumutla ka, eh!” narinig kong medyo nag-ingay sa paligid.

“M-Migo…” nahawakan ko nang mahigpit ang braso niya. Bago pa magdilim ang paningin ko, naramdaman kong nasalo na niya ako. Bagsak na ang katawan ko pero bukas ang diwa ko.

Kent’s POV

 

“What was that?” tanong ni Cassey nang makaalis si Ivo at si Theyn. Nag-ngingit-ngit ako ngayon kay Primotivo dahil sa ginawa niya. Naisahan ako ngayon ng gago.

“What?” walang gana kong tanong.

“'Yung sagutan niyo ni Ivo. Anong palabas ‘yon?” napahalukipkip siya

“Umuwi ka na.” sabi ko na lang saka ko siya tinalikuran.

“Dad’s inviting you this holiday. Okay lang naman diba?” I stared at Cassey and it’s obvious that she’s hoping that my answer will be yes. Ayaw ko na siyang paasahin. Ayaw kong paniwalain pa siya sa mga bagay na hindi naman talaga totoo.

“Cassey,”

“Sige na, Kent?”

“No. I have plans.” Nasabi ko na lang saka pumasok sa office ko. Naramdaman ko naman na sumunod siya. I went to my table saka umupo do’n. Napansin ko ang couch na gulo ang cushion pillow at wala na rin sa tamang posisyon ang vase sa center table.

Nahilot ko ang sintido ko para itago ang ngiting gustong lumabas sa mga labi ko. Naniniwala  ako na magkaka-ayos din kami ni Theyn at hindi ako papayag na sa ganitong paraan.

“Hindi ba ako kasama sa plano na ‘yon?”

Narinig kong nag-ring ang phone sa table ni Theyn kaya bago pa ako makasagot ay tumayo ako. What’s taking her so long? She should be working instead of being with Primotivo!

Pumunta ako sa labas—sa station niya. Hindi lang pala inside call ang may tawag kundi pati outside. Marami ring naka pop-up na dialogue box sa PC dahil sa mga unread e-mails.

“I told you, your secretary is lazy!” I heard Cassey said behind me. “You should fire her.” She added.

“Shut up, Cassey!” I turn around and glared at her. Alam kong ayaw niya kay Theyn noon pa lang pero hindi ko siya pinatulan dahil girl’s issue ‘yon at hindi tama na makialam ako. “Why don’t you go home.”

Her face crumpled at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko, “I just got here!”

“Don’t you have a life in your company? Why are you always here?” naiirita kong tanong sakanya.

“I thought you want me here? Gano’n ang relasyon, diba?”

“What?”

“Our relationship won’t work out kung parehong walang effort. Sa atin, ako ang kailangang mag adjust kasi—“

“Cassey, there’s no us. Okay?”

“What are you talking about? Diba nga—“ natigilan siya nang biglang bumukas ang elevator at niluwa ang dalawang empleyado namin at hitsura ng mukha nila alam kong may mali. Alam kong may problema.

“Sir, si Ms. Theyn po!” nag-aalalangan na sabi ng isang empleyado.

“What happened to her?!” I asked.

“Sinugod po siya sa hospital at—“

Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng lalaki at agad akong pumasok sa elevator.

Cassey’s POV

PINANUOD ko kung paano mag-panic si Kent habang nakasunod ako sakanyang tumatakbo sa loob ng hospital. Don’t get me wrong. I’m worried about her. Ayaw ko lang iwan si Kent.

Nakita ko si Migo na lumabas sa isang silid kaya mas lalong bumilis ang takbo ni Kent para lapitan ang kaibigan niya. Hindi man lang niya ba alam na kasama niya ako?

“How is she? Bakit ba siya na-hospital?!” nag-aalalang sabi ni Kent.

“She’s okay. Over fatigue at anemic daw si Theyn at sobra siyang stress kaya hindi kinaya ng katawan niya. Kaya pala dumugo ang ilong niya at ang putla.” Paliwanag ni Migo.

“I got to see her!” hindi na hinintay ni Kent na mag-salita pa si Migo at bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ng sekretarya niya.

Nakita naman ako ni Migo at bahagya siyang ngumiti sa akin. “Nandito ka pala, Cass.” He said.

Mabuti pa siya pinuna ang presence ko.

“I-I’m with  Kent.” I tried to smile. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpanggap na okay lang sa akin ang mga ginagawa ni Kent. Hindi ako manhid para hindi ko mahalata na ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. At alam kong may mali.

“You want to go inside?”

“No, I’ll wait for him here.” I said habang naupo sa parang waiting longue nila.

“Alright. Punta muna akong Pharamacy to buy her prescribed medicine.” Tumango lang ako sakanya saka siya umalis.

Ilang minute pa lang ang paghihintay ko pero nababagot na ako. What’s taking him so long?

Tumayo ako saka ako humarap sa pintuan. The door has a glass panel na kita sa loob ang pasyente kaya nagulat ako sa nakita ko.

Kent was holding her secretary’s hand while sobbing. Naguluhan ako sa nakita ko at natulala. She was just a secretary. Bakit nagkakaganyan si Kent?

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko pinansin. Masyado akong nagugulat sa nakikita ko at hindi ko maitanggi na nasasaktan ako. I love Kent that’s why I’m hurting. God knows how much I love him pero bakit ganito? I thought the feeling is mutual.

“Cassey, kanina pa kita tinatawag.” It was Ivo’s voice beside me. “'Yan ba ang kwarto ni Theyn? Sino sa loob? Bakit hindi ka puma—“ alam ko kung bakit siya natigilan. Kent was kissing her hand. Ang sekretarya niyang walang malay!

Naramdaman kong pinaharap ako ni Ivo sakanya at pinunasan ang pisngi ko.

“You don’t have to cry. Masasanay ka rin sa sakit.” He said. Napatingin ako sakanya at doon ko lang na-realize na nanlalabo na pala ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko.

“H-hindi ko maintindihan. I thought he loves me. B-bakit…bakit ganito?” naguguluhan kong sabi.

He gently squeezed my hand saka ko siya nakitang ngumiti ng pilit.

 “Come, walk with me. May sasabihin ako sa’yo.”

XXXX

Long time no see... Long time no see

-Doom Da da, by TOP.

Waaaaah! Kumusta na kayo? Gaaaah, sa wakas nakapag update rin kahit alam kong hindi worth it ang paghihintay. :( Ganito kasi 'yan, medyo nawala ako sa kwento, eh. Parang hindi ko na alam kung ano ang isusunod ko? As in nahihirapan ako ngayon mag-sulat.

Anyway, kumusta na kayo? Daming parties, eh? Enjoy the holidays, guys! ^_^

And as a small gift to those reader na hindi naabutan basahin ang Book 1 kasi deleted na ang Chapter 1-17, starting tonight, isa-isa ko siyang binalik para mabasa ng iba. :) Nasa chapter 6 pa lang ako at bukas na ang iba. Arasso? :) Pero tatanggalin ko siya ulit sa February or after ma-release ang part 2. Okay ba 'yon? ^^

May mga simple gifts pa ako sa inyo na update so stay tuned. :) As of now, pag tyagaan ang update na 'to at bukas ang kasunod. :)

Hangang Chapter 50 lang po ang MKiSF so iisa-isahin ko na pong ayusin ang loop-holes and tie ends :)

FELIZ NAVIDAD Y FELIZ AÑO NUEVO

Love,

Ate Thy <3

Continue Reading

You'll Also Like

22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?
506K 27.2K 45
Deanery Mortel was a single woman with fat pocket. But despite of wealth and success, she was secretly empty inside because of a man she let go. Her...
803K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you.at she has *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na k...