The Art of Falling

By jowanderstruck

840 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
Part 1- 1: UCaf
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
5: School Fair
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
13: Birthday Eve
14: Miss You
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
20: Different
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

21: Trouble in Paradise

15 2 0
By jowanderstruck

21: Trouble in Paradise

Dahil sa Arts Festival, meron kaming mga free cut. Yung ibang subjects naman nire-require kami manuod sa mga games at competitions. Ramdam ko ulit yung pagiging first year. Pa-easy easy muna. Pahinga saglit sa acads.

Pinanuod namin si Steph sa dance festival. Si Carly at Ate Faith naman sa music festival. Marami ring booths ng pagkain sa may university park kaya ang saya saya ko. Pinadalhan pa ako ng extra allowance ni mama para daw may panggastos ako. Mataas naman daw yung mga grades ko last Midterms kaya may reward ako.

Nag-promise si Caeus na magdi-dinner kami at manunuod together. I was really looking forward to it. Kung pwede lang i-fast forward yung oras, gagawin ko para gabi na at magkita na kami. We agreed to a meeting time and place. I waited for him.

Thirty minutes have passed and I was still waiting. My stomach began rumbling but I ignored it. Baka na-traffic lang. I kept repeating in my head.

I tried texting and calling him but he was unreachable. After an hour of waiting, I got worried. I asked our friends if they knew where he was. Nobody knew. I met up with Steph and Hailey again so they help me look for Caeus. I was really getting worried about him.

Habang naglalakad kami sa school grounds, nakasalubong namin si Xander. Na-message ko na siya kanina. Nag-reply naman kahit 'No.' lang.

" Jess. We'll just use the toilet quickly." sabi ni Steph bago kami lumapit kay Xander.

"Sige, sige. Hintayin kayo dito."

Pumasok na sila sa isang building at iniwan kami ni Xander. "Did you find him?" tanong agad niya.

"Hindi pa. Okay lang kaya yun?"

"Maybe he's also looking for you. You might be going in circles and missing each other."

"Oo nga noh. Sige balik ako ng gym."

Doon kasi kami dapat magkita. Baka pagka-alis ko dumating naman siya. Sana talaga nandun lang si Caeus. Ramdam ko na ulit yung gutom.

I was about to turn around and head for the gym when the fireworks started. Loud sparks of light shoot up in the sky. It was beautiful. I couldn't help but smile. For a few minutes, I forgot about everything in my mind.

Parehas kaming nakatingala sa langit ni Xander. I felt his hand brushed on mine or was it my hand that touched his. Nabalik yung lungkot ko. Dapat si Caeus yung nasa tabi ko e. Dapat siya yung kasama ko ngayon na nanunuod ng fireworks.

Caeus, where are you?

Naalis lang yung mata ko sa madilim na langit nang magsalita si Xander. "Ha?" tanong ko. Hindi ko kasi narinig ng mabuti yung sinabi niya.

"Take it easy."

Kumunot yung noo ko. Pakiramdam ko talaga ang slow ko kapag si Xander kausap ko. Laging loading yung utak ko sa mga sinasabi niya. "Sige, punta na akong gym."

"I'll be right here."

Weird na talaga nito. Nag-okay na lang ako kahit hindi kung bakit kailangan niya pa sabihin sa akin yun.

Naghintay ako pero walang Caeus na dumating. Kinailangan ko ng umalis dahil ila-lock na ng security yung gym. Sarado na karamihan nung mga booths. Konti na lang yung nga taong nandun. I found myself sitting on a bench at the campus park. Hindi ko namalayan tumutulo na yung luha ko habang nakatitig sa phone ko. Hindi naman ako natural na iyakin. Ngayon lang.

I had no idea what to think. Nasaan ba si Caeus? Okay lang ba siya? I was desperate to know.

Hoy Caeus! Mag-reply ka naman please. Okay ka lang ba?

Kaka-send ko lang nung text nang may umupo sa tabi ko. Pagkatingin ko si Xander pala. Umiwas ako ng tingin at pasimpleng pinunasan yung pisngi ko. "Uy. Nandito ka pa pala."

"The campus is closing soon."

"Oo nga." Tumayo ako mula sa bench. "Sige, uwi na ako."

"I'll take you home."

"Okay lang. Walking distance lang naman yung dorm."

"Jess."

Kahit na labag sa kalooban ko, hinatid pa rin ako ni Xander. Nagulat pa ako kasi nilagpasan namin yung dorm at dumiretso siya sa isang fast food para mag-drive thru. Inabot niya sa akin yung paper bag nang walang sinsabi. Dun ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumain ng dinner. Kakahintay at kakahanap kay Caeus, nalipasan na ako ng gutom. Nagpasalamat ako sa pagkain at sa paghatid. Si Xander may parting words na naman sa akin kaya nagulo na naman utak ko. Hindi ako kaagad na nakatulog kakaisip sa sinabi niya at sa pag-aalala kay Caeus.

"This is just the beginning, Jess. His world is more complicated than you think."

Halos 2 AM na nang maramdaman ko yung vibration ng phone ko. Sunud-sunod na dumating yung mga messages mula kay Caeus.

Jess, I'm so sorry.

I'll explain everything tomorrow.

I'm really sorry about tonight.

I love you, BG.

I'll see you tomorrow.

Relief rushed inside me. At least I know he's okay. Whatever happened to him tonight, I'm sure there was a valid explanation. Right then, I understood what Xander was trying to tell me.

*****

Hindi ko alam kung paano tamang i-describe yung itsura ni Caeus. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Mukha siyang pagod na pagod. Ang laki ng eye bags niya. Parang hindi siya natulog ng isang linggo. Kahit na bagong ligo siya, halata pa rin yung pagod at puyat sa mukha niya.

"Jess, I don't know where to begin." yan ang unang lumabas sa bibig niya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan niya. Maaga siyang nagpunta dito dahil may pasok siya kahit Sabado. Nagdala siya ng almusal pero parang parehas kaming walang ganang kumain.

"Okay ka lang ba? Mukha kang pagod."

"I'm fine now that I saw you. I missed you so much."

"Anong nangyari kagabi?"

"I had to work overtime. I had to drive to Laguna and meet Amber's dad for an appointment with a client. I really thought I could make it so I promised to be with you. God, I wanted to see you so bad. The meeting took longer than expected then we had to take the clients to dinner. I thought I could skip it but Mr. Gray insisted. I had to stay. I was already on the road when I realised I left my phone at the factory. It was almost midnight when I got back in the city. I'm really sorry for ditching you."

"It's okay, Caeus. I understand. Wait. Amber's dad?"

"Yeah, I'm an intern in his company."

"With Amber."

"Of course. Where else would she work?"

Hindi ko alam kung may dapat ba akong maramdaman na hindi man lang niya nabanggit na sa daddy pala ni Amber siya nag-i-internship at kasama niya si Amber palagi.

"Kasama ba sa meeting niyo kagabi si Amber?"

"Yes." Caeus answered without hesitation. He saw the changed expression on my face. "BG, I know what you're thinking. Amber is her father's right hand. As soon as she graduates, most of their company operations will be managed by her. It was her job to be there."

"Curious lang naman ako. Wala ka naman siguro work bukas. Date tayo?"

"Jess,"

"Okay, fine. Gets ko na."

"Are you mad?"

I shook my head. Naiinis siguro pero 'di naman ako galit. Lilipas din yung inis ko. "It's okay. I understand. 'Wag ka masyado magpapagod tapos kumain ka on time."

"Yes, boss. Thank you for understanding." Caeus pulled me into a hug. I missed this. I missed him. "You're so good. Sometimes I feel like I don't deserve you. I must have done something in my past life."

"Drama mo."

"I'm so lucky to have you." His embrace tightened.

"Ako din naman. Sa dinamidami ng babae sa paligid mo, ako yung nasa tabi mo."

"Sa dinamidami ng babae sa paligid ko, ikaw yung mahal ko. I love you, BG. Stay with me, no matter how hard it gets. Stay with me."

Kumirot yung diddib ko sa mga sinabi ni Caeus. Siguro dahil hindi ako sanay na ganito kami kaseryoso. Madalas nag-aasaran at nagbabangayan lang kami.

Alam ko sa puso't isip ko na mahal na mahal ko si Caeus.

I'm happy and scared at the same time. I never expected to feel this way about someone. I've always believed that love was just chemical reactions in the body. Little did I know that love was so much more than that.

"Promise me, Jess. Promise me you'll stay with me no matter what."

I released myself from his embrace but stayed close to him. I cupped his cheeks and looked right into his beautiful eyes. "I, Jessica Lorraine Javier promise to stay with Caeus Gabriel Celeste no matter what happens."

"That's my Baguio Girl."

*****

Sabi ko sa sarili ko, I will be the bigger person. Ako yung magiging considerate at open-minded. Araw-araw humihingi ako kay Lord ng pasensya at pag-unawa. Yun naman kasi yung tama. Yun din yung ikatatahimik ng konsensya ko. Pero minsan talagang sinusubukan ang hangganan ng pasensya at pag-unawa ko.

Sinubukan kong bisitahin si Caeus sa opisina nila nang minsang mahaba yung break ko. Naisip ko kasi lagi namang gumagawa ng effort si Caeus. Ako naman ngayon.

Nagdala ako ng lasagna na paborito niya. Nag-Grab pa ako papunta dun sa bistro tapos papunta sa office. Ubos na agad allowance ko na dapat pang dalawang araw pa. Pulubi-mode na lang ako sa mga susunod na araw. Para naman kay Caeus 'to.

Nakaka-intimidate yung building kung saan nagtatrabaho si Caeus. Halos lahat ng pumapasok dun naka-pormal. Expected naman kasi nga puro opisina. Dumiretso ako sa reception kasi sabi ni Carly kailangan daw ng Visitor's Pass. Pagkatapos kong makakuha ng pass, nakaakyat na ako sa 31st floor. Dun daw kasi yung receiving area ng Gray Industrial Corporation.

Dinala ako nung isang babae sa waiting area pagkatapos niyang tawagan yung department kung nasaan si Caeus. Naghintay ako dun ng mga sampung minuto bago bumukas yung pinto. Unti-unting nawala yung malaking ngiti sa mga labi ko nang makita kong hindi si Caeus yung nasa harap ko.

"Amber."

"Jess. What are you doing here?" Umupo siya sa harap ko. Sa suot niya, hindi na siya mukhang estudyante. Halatang siya yung nagma-may-ari sa kumpanya.

"Isu-surprise ko sana si Caeus ng lunch."

"Aww. With a takeout? How sweet. Caeus is in a meeting though. He should be done soon. Can I get you anything while you wait?"

Absent na ako dun sa isa kong klase. Dalawang oras akong naghintay simula nung iwan ako ni Amber. Hindi na siya bumalik at walang Caeus na dumating. Sumisikip yung dibdib ko habang palabas ng building. Sa inis ko, tinapon ko sa basurahan yung lecheng lasagna. Sayang lang yung pera ko. Nag-book ako kaagad ng Grab pabalik sa school.

Bwisit na Caeus yan! Leche siya. Sobrang importante ba nung meeting niya at hindi man lang makapag-send ng isang text? Gago siya!

Habang nasa sasakyan ako, biglang tumatawag yung mokong. Siyempre pinatay ko. Baka i-machine gun ko lang siya ng mura. Ngayon pa siya tatawag e nakaalis na ako. Pagkatapos kong maghintay sa wala, ngayon lang siya tatawag. Akala niya hihintayin ko siya habang buhay? Hindi ako santo at mas lalong hindi ako martir.

Bwisit ako buong hapon. Wala akong kinakausap. Nataasan ko pa ng kilay yung isa kong kaklase kasi nanghihingi ng papel. Si Steph na lang ang nagbigay. Binigyan naman ako ng space ng mga kaibigan ko at hindi ako kinulit tanungin. Alam nilang sasabihin ko naman kapag ready na ako. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Pati yung mga bumabati sa akin na hindi ko naman kilala hindi ko pinansin. Basta ang alam ko, galit ako.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Pagkatapos ng last subject ko, dumiretso ako sa library. Nakapatay pa rin yung phone ko. Wala akong balak na buksan yun. Determinado akong tanggalin sa isip ko yung bwisit na lalaking yun. Bahala siya sa buhay niya. Pagod na ako.

Hindi ko namalayan yung oras. Kung hindi pa ako nilapitan nung library assistant, 'di ko pa mari-realize na magsasara na pala sila. Nakaramdam na din ako ng gutom. Mabilis kong iniligpit yung mga gamit ko at umalis agad.

Habang papalabas ako, nakasabay ko si Xander. Pareho kaming nagulat makita ang isa't isa. Nag-hi naman ako. Okay naman kami lalo na't tinulungan niya ako noon. Hindi ako sigurado kung friends ba kami o ano. Ayoko na mag-assume. Natuto na ako. Baka sabihin pa niya feeling close ako.

"You're the only freshman I know who studies this hard."

"Okay." Lumipas na yung galit ko pero wala pa rin ako sa mood. Ayoko namang maging bastos kaya pinansin ko siya.

"Something wrong? Trouble in paradise?" he asked with a smirk.

Minasamaan ko siya ng tingin. "Nang-aasar ka ba?"

"Oo." mabilis niyang sagot.

Aba siraulo din pala 'to! Ngayon lang nagsalita ng Tagalog, pang-asar pa. "Para kang si Caeus. Nagta-Tagalog lang kapag nang-iinis. Alam mo Xander, wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo."

"Have you had dinner? I'm craving for Jollibee." He completely ignored what I said.

Psychic ba 'to? Paano niya nalaman na doon ko balak kumain? "Kakain din ako doon pero ayaw kitang kasama. Sa magkaibang mesa tayo kumain."

"Fine by me. Who says I wanna sit with you?" Parang batang binelatan ako ni Xander. Grabe sino ba 'tong lalaking 'to? Kailan pa naging mapang-asar at childish si Xander?

Sa kabilang mesa nga siya umupo pero sa tapat ko naman kaya kitang kita ko pa rin pagmumukha niya. Tuwing magtatama yung tingin namin ngumingiti siya na parang aso. Ano kayang tinira nito? Sarap itanong kung high ba siya talaga or what. Lumapit pa siya sa akin para ibigay yung balat ng chicken niya na nakabalot sa tissue.

May mali talaga sa pag-iisip ngayong araw si Xander. Iniwan ba naman yung sasakyan niya sa loob ng campus at naglakad siya kasama ako. Hindi ko tuloy napigilang tanungin kung naka-drugs ba siya. 'Maybe' ba naman yung sagot sa akin. Baliw talaga. Nakakatakot yung ganitong Xander. Mas gusto ko yung normal niyang sarili. Yung suplado. Kapag ganitong palangiti at madaldal siya, hindi ako sanay. Parang may mali.

Hindi pa kami nakaka-isang kilometro tumigil ako para sigawan siya. Sinabi ko naman na hindi na ako kailangan ihatid pero sinusundan pa rin ako.

"Hoy! Tumigil ka na sa pagsunod sa akin. Sasapakin kita."

"Why are you so violent?"

"Xander, seryoso ako ha. Kaya ko umuwi mag-isa. Umuwi ka na!"

"I can't! I'm too tipsy to drive."

"Seryoso ka ba?"

He was sheepishly smiling when he nodded. All this time nakainom pala siya! Hindi naman kasi siya amoy lasing. Ang bango niya pa nga e.

Ganito pala si Xander kapag nalalasing. Kabaligtaran ng usual self niya. Kung nasa mood lang ako baka tinatawanan at kinukunan ko siya ng video. Kaso wala talaga akong paki. Bumalik kami sa Jollibee at sinamahan ko siyang magkape dun. Buti na lang konti lang yung tao tapos 24 hours silang bukas. Makakatambay kami. Nakaiglip pa siya saglit. Nagbasa na lang ako habang natutulog siya. Gulat na gulat siya nang magising. Mukha namang nahismasmasan na siya kahit papaano.

"What happened?"

"'Di mo naaalala?"

Kumunot yung noo niya parang nag-iisip nang maiigi. Pinipigilan kong ngumiti. "Shit."

Tumawa ako. Naalala na niya yung mga pinagsasabi niya kanina. The shock on his face was priceless. Ngayon ko lang nakitang nahihiya si Xander. Poker face kasi siya lagi kaya hindi mo alam kung anong iniisip niya. Madalas din sungit mode siya kaya nakakapanibago na ganito reaksyon niya. Marunong pala siyang mahiya.

"Okay ka na ba? Pwede na ba akong umuwi? Sober ka na 'di ba?"

"Yeah, I think. Sorry for bothering you."

"Okay lang. Thank you sa distraction." Gusto ko sana itanong kung bakit siya uminom. Ayoko lang magmukhang pakialamera kaya 'wag na lang.

"You and Caeus okay?"

I simply shrugged. To be honest, I don't know the answer to that.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...