The Art of Falling

By jowanderstruck

840 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
Part 1- 1: UCaf
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
5: School Fair
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
13: Birthday Eve
14: Miss You
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
21: Trouble in Paradise
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

20: Different

14 1 0
By jowanderstruck

20: Different

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Lagi naman kaming magkakasama pero kinakabahan pa rin ako.

Sa wakas natuloy yung dinner na plano ni Caeus noon. Yung kasama si Amber at Xander. Medyo sosyal yung pinuntahan namin. Fine dining restaurant kasi. Na-Google ko naman kaya alam ko kung anong dapat i-suot.

Buti na lang at meron akong dress galing kay Caeus na hindi pa naisusuot. I wore a white flare dress and strapped heels. Halatang pinaghandaan ko ang gabing ito. Confident naman ako sa suot ko dahil mukhang naghanda rin naman sila. Yung mga guys naka semi-formal attire. Pareho silang naka dress shirt magka-iba lang ng kulay. Si Caeus naka-white sneakers samantalang naka-Sperry si Xander as usual.

Si Amber naman na kahit anong isuot e bagay, naka-peach dress na maiksi at stilettos. Naka-make-up din siya pero yung labi niya talaga yung nag-standout. Mapang-akit sa sobrang pula. Kahit siguro buhaghag buhok niya at nakasuot siya ng sako, maganda pa rin siya. Kaya siguro patay na patay sa kanya si Xander.

Habang naglalakad kami papasok dun sa fine dining restaurant, pinagtinginan kami. Paano ba naman kasi, ang gagwapo at ang ganda ng mga kasama ko. Nakakahiya nga kasi parang hindi ako bagay na kasama nila. Mukha siguro akong alalay nila. Nakakaloka!

Hindi naman ako pangit. Wala namang taong pangit sa panlabas. Ugali meron pero sa mukha wala. Kanya kanyang ganda lang. Minsan nakakainis yung social standards ng maganda. Bakit dapat maputi? Hindi ba pwedeng i-celebrate lahat ng skin colour?

Hugis oval yung mukha ko. Malapad ng kaunti yung noo ko kaya halos buong buhay ko naka-bangs ako. Nung senior high school ko lang pinahaba. Nitong bagong taon nagpagupit ako ng buhok lagpas balikat. Pinilit ko din si mama na magpa-perm kami kaya kulot kaunti yung buhok ko sa dulo. Naiinis nga ako kay Caeus kasi lagi niyang sinusuklay ng mga daliri niya yung buhok ko. Nawawala tuloy yung kulot.

Ewan ko ba kung bakit sobra yung kaba ko. Siguro dahil hindi naman kami naiiiwan na kaming apat lang ang magkasama. Kung magkakasabay kami ng break, lagi namang kasama yung iba. Ngayon lang talaga yung kaming apat lang. Ang weird ng feeling lalo na't alam kong may gusto si Xander kay Amber na may gusto naman kay Caeus. Kami lang ni Caeus ang mutual ang feelings sa isa't isa.

Napaisip tuloy ako. Paano kung nangyari 'to noon na crush ko si Xander? Ang complicated ng sitwasyon kapag nagkataon. Hindi lang basta love triangle kung 'di love square pa. If there's such a thing.

Hinayaan ko sila na umorder. Wala naman akong alam sa mga sobrang sosyal na pagkain. Sa dessert lang ako pumili. Habang hinihintay namin dumating yung mga pagkain, lalo akong napapaisip. Alam kaya nila na may secret feelings sila para sa isa't isa? Sobrang clueless naman nila kung hindi. Na-realize ko kaagad na mahal ni Xander si Amber base sa mga tingin at galaw ni Xander para kay Amber.

May nakitang kakilala si Caeus at Xander na kaibigan ata ng parents nila. Nag-excuse sila para batiin yung matandang lalaki. Nagsalita naman si Amber pagkaalis nila. "So, Jess." Amber leaned forward with a smile. "Did you like the polaroid camera?"

"Ha?"

"Caeus showed me this little scrapbook that you made and I thought it was so cute. Then he asked me for V-day gift ideas and I suggested the camera."

"Ah." I had no idea what to respond to her. I was thinking how I should feel about what she told me. Why would Caeus show her the scrapbook? "Pinakita niya pala sa'yo yun."

"Yeah. He talks about you all the time too."

Alam ko naman friends tell each other things. Ako din naman nagkukwento sa mga kaibigan ko pero hindi naman ako secretly in love sa kanila. Saka hindi naman ako nagkukwento kapag hindi sila nangungulit. Does Caeus really tell her everything? Even things about us?

"Talaga? Ano sinasabi niya?"

Bago pa man makasagot si Amber, bumalik na yung dalawa. Ngumiti siya sa kanila. Pinagtatanto ko pa kung genuine ba yung ngiti niya. Tinanong ni Caeus kung anong pinag-uusapan namin. Si Amber ang sumagot para sa amin. "You, of course."

"Tsk. I know you guys love me so much but you don't have to be obsessed with me." mayabang na sabi ni Caeus. Parehas kaming umirap ni Amber kaya tumawa siya ng malakas.

Dumating na yung mga pagkain. Siyempre puro sosyal. Parehas na steak yung sa amin ni Caeus pero magkaiba ng klase. Ganun kasi yung ginagawa namin kapag kumakain sa restaurant. Magkaiba oorderin namin tapos ipapatikim namin sa isa't isa. Kapag 'di masarap yung akin siyempre, kakainin ko yung kanya. Kapag hindi masarap yung kanya, oorder pa ulit siya. Hindi naman kasya sa amin yung isang plato dahil parehas kaming matakaw.

Nag-salmon naman yung magkatabi sa harap namin. Napansin kong nakatingin sa amin si Amber at Xander habang naghihiwa ng ibibigay namin sa isa't isa. Nginitian ko lang sila. Wine yung inumin pero hindi ko gusto kaya inorderan ako ng iced tea ni Caeus.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Amber na ma-OP ako sa mga usapan nila. Lagi kasing hindi ako maka-relate sa mga kinukwento niya. Yung mga ino-open niyang topic ng conversation e tungkol sa business nila na wala naman akong kaalam alam. Yung mga taong binabanggit niya hindi ko naman kilala. O kaya yung mga nangyari sa kanila nung bata pa sila. Kinukwento niya rin yung mga travels nilang tatlo.

Doon ko na-realize na may galit talaga sa akin si Amber. May karapatan naman siyang magalit dahil hindi ko inamin noon na ako si BG. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya pero parang ganun na rin kasi hindi ko sinabi sa kanya. Isa pa, may gusto nga siya kay Caeus 'di ba? Natural galit siya sa akin. Kung ako naman yung nasa posisyon niya, malamang ganun din mararamdaman ko. Iintindihin ko na lang. Be the bigger person kumbaga.

Sinubukan ko naman makipagsabayan sa usapan nila. Updated naman ako sa current events at happenings sa campus, thanks to Hailey na alam lahat ng ganap sa Carlyle dahil sa school paper. Ayoko naman maging buzzkill at panira ng gabi kaya hindi ko pinahahalata na nao-OP ako. Isa pa masarap naman yung pagkain kaya masaya ako. Na-excite nga ako sa dun sa dessert. Mukhang masarap yung strawberry shortcake na inorder ko. Na-miss ko tuloy yung sikat na strawberry shortcake sa Baguio. Ipapatikim ko sana kay Caeus yung cake nang magprotesta si Amber.

"Jess, Caeus is allergic to strawberries. You didn't know?"

Nahiya ako bigla. Sobrang in your face kasi yung tono niya. Kulang na lang itanong niya sa akin na bakit hindi ko alam yun. Girlfriend ka ba talaga niya?

"It's okay, Bear. It's just cake. C'mon, Jess. I'm waiting." Caeus opened his mouth wide waiting for me to feed him the cake.

"Please don't be stubborn, Cae. Don't you remember the last time you had an allergic attack? We were in the hospital for almost two weeks."

Nakanganga pa rin si Caeus pinipilit akong subuan siya. Si Amber naman nagri-rehash ng mga nangyari noong na-ospital si Caeus. Kesyo 'di daw siya makaalis sa tabi niyo dahil sobrang clingy at umiiyak pa na parang bata si Caeus.

"Xander, help please." Amber scowled at both guys. Xander just shrugged before finishing off his drink.

Tinanggal ko yung kamay ni Caeus sa binti ko. Hinarap ko yung platito ng cake. "Allergic ka pala. E 'di more for me." Pinagpatuloy ko yung pagkain ko para itago yung inis na nararamdaman ko.

Akala ko yun ang huling beses na ipaparamdam sa akin ni Amber na mas kilala niya si Caeus kaysa sa akin. Nagkamali ako ng akala dahil yun pala ang una.

*****

It's been a few days after that dinner. I did my best to let go of my negative thoughts and feelings during that night. I understood how Amber felt so I wanted to be considerate. I didn't want to make her feel that Caeus and I were flaunting our relationship to her. The last thing I want was to hurt her feelings or worse, make an enemy of her.

It was unusual for Caeus not to send a 'good morning'' text. He usually sends one as soon as he wakes up around 6 AM. I decided to be the one to greet him first today. A few hours have passed and still no reply. He hasn't even seen it. I tried calling him but no answer.

Nag-alala ako. It wasn't like him to just go MIA for an entire morning. Ramdam ko kaagad na may nangyari. Kahit na ayaw kong pumupunta sa cafeteria, doon ako dumiretso nung lunch break. Si Amber at Xander lang ang naabutan ko dun sa tambayan nila. No choice ako kung hindi tanungin sila.

"Hi, guys. Alam niyo ba kung nasaan si Caeus? Hindi kasi siya nagre-reply."

"He's not coming today. Didn't he tell you?" Amber said nonchalantly.

"Ang alin?"

"Today is his mum's death anniversary, Jess." Xander answered.

"Caeus prefers to spend this day alone so we just let him be. It's been like this ever since. Can't believe he didn't tell you. I guess he's not ready share with you everything."

"He should be around tomorrow so don't worry." dagdag ni Xander na parang naaawa siya sa akin.

"Yeah, don't worry Jess. It's not like Caeus will meet someone new at the cemetery."

"Amber,"

"What? You know Caeus. He meets trashy people everywhere." Kumunot yung noo ni Xander. "I'm kidding!" she said with an evil smirk before leaving us dumbfounded.

We knew she wasn't kidding. Her words meant to insult me but I couldn't care less. I just wanted to see Caeus. I can only imagine what he was feeling right now. I knew how much he loves his mum.

Hindi man nabanggit ni Caeus kung anong meron sa araw na 'to pero lagi niyang kinukwento sa akin ang mummy niya. Alam ko na mama's boy si Caeus. Isa yun sa mga paborito kong bagay tungkol sa kanya. Kung gaano siya kalapit sa mummy niya. Kahit na wala si Mrs. Celeste physically e buhay na buhay pa rin siya sa puso at isipan ni Caeus.

"Do you wanna go to him?" tanong ni Xander na ikinagulat ko.

"Akala ko gusto niya mag-isa."

"Things are different now. He has you. C'mon, I'll bring you to him." Nakakapagtaka na napakabait sa akin ngayong ng lalaking 'to. May sakit kaya siya?

"Wala ka bang klase?"

"I do but skipping that class won't change the fact that I'm on top of it."

"Grabe ang hangin. Ramdam mo ba?" Tumawa naman siya kaya napangiti din ako. Pinagbigyan ko na lang. Minsan lang naman siya magyabang.

Naghanap kami ng pinakamalapit na mabibilhan ng bulaklak. Tumigil yung sasakyan ni Xander. Nandito na pala kami. Tinuro niya sa akin kung saan yung mausoleum ng mga Celeste. Nagpasalamat ako sa paghatid niya sa akin bago naglakad.

Natigil ako sa labas nung mausoleum nang marinig ko yung tunog ng gitara at pagkanta ni Caeus. Nakaupo siya sa isang bench hawak yung gitara. Naalala ko paborito daw ng mama niya si Celine Dion kaya siguro 'Because You Love Me' yung kinakanta niya. Sumisikip yung dibdib ko habang pinakikinggan siya kumanta. Ramdam na ramdam ko kasi yung pangungulila niya sa mummy niya.

Pagkatapos nung kanta, tsaka ako lumapit. Naupo ako sa tabi ni Caeus at niyakap ko siya mula sa likuran. Nagulat siya pero hinayaan niya lang ako na yakapin siya. Mga ilang minuto kami sa posisyon na yun.

"Hi." Nakangiting Caeus yung humarap sa akin. "You're here. I'm so happy you're here." Gumaan yung loob ko sa sinabi niya. Akala ko kasi magagalit siya dahil inistorbo ko siya. Siguro nga tama si Xander. Things are different now. "Come, meet my mum."

Lumapit kami kay Mrs. Celeste. Geraldine Jacobs-Celeste. Yun pala buong pangalan niya. Nine years na siyang wala. Caeus was thirteen when his mum died of a car crash. His parents had a big fight, his mum left their house out of anger and her car got into a road accident. He blamed his dad for his mum's death. They had a distant relationship ever since.

"Hi, mum. This is Jessica, the girl I was talking about." sabi ni Caeus bago bumulong sa akin. "She knows pretty much everything about you."

Siniko ko siya. "Hello po. Para po sa inyo." Nilapag ko yung maliit na bouquet ng tulips sa ibabaw nung puntod. Nabanggit kasi ni Caeus na paborito daw ni mummy niya yung yellow tulips. Napansin ko na marami ng bulaklak at kandilang nakasindi. Baka nakabisita na si Carly at yung daddy nila.

Siguro mukha kaming tanga na kinakausap yung libingan. Wala kaming pakialam. Ang dami dami naming naikwento sa mummy niya. Parehas kaming sinusumbong at nirereklamo ang isa't isa. Kinantahan din namin si tita. Kahit 'di maganda boses ko, sumasabay pa rin ako kay Caeus. Mahina nga lang. Baka bumangon yung mga patay para patigilin ako sa pagkanta. Nakakatakot.

"I'm sorry, I didn't tell you about today." Nagmamaneho na si Caeus para ihatid ako. May dinner pa kasi sila para sa mummy niya. "I didn't want you to see me sad and pathetic."

"Caeus, missing your mum doesn't make you pathetic. That's you being a son."

"It's just I wanna be the best version of myself every time we're together."

I grabbed his free hand and intertwined my fingers with his. "I need you to be just yourself when you're with me, masaya man o malungkot. I just want you, Caeus Celeste."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...