The Art of Falling

By jowanderstruck

863 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
Part 1- 1: UCaf
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
5: School Fair
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
13: Birthday Eve
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
20: Different
21: Trouble in Paradise
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

14: Miss You

17 0 0
By jowanderstruck

14: Miss You

Naglalakad ako papuntang library kung saan ko imi-meet si Caeus para sa tutorial session namin. Malapit na kasi finals kaya nag-request siya ng tutorials every day this week. Pumayag naman ako para ma-distract ako from thinking of Xander and my crushed feelings for him. Okay na rin yun. Makakalimutan ko rin. I have decided to stop crushing on him and focus on important things.

Pagpasok ko ng lib, mabilis kong nakita si Caeus kasi napapaligiran siya ng tatlong babae. Siyempre mukha silang naglalandian. Napailing na lang ako.

Caeus being Caeus.

Caeus Celeste in his natural habitat.

Caeus Celeste in action.

Nang makita niya ako, mabilis siyang nag-excuse dun sa nga fangirls niya at sinundan ako dun sa spot namin sa library.

"What took you so long?" Tanong niya agad sa akin pagkaupo namin. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Wala pa akong five minutes na late. OA talaga nito. "Been waiting here since 5."

"Bakit ka kasi nandito ng 5 e 5:30 usapan natin? Isa pa, hindi ka naman mukhang bored habang naghihintay." Napatingin ako dun sa mga babaeng kausap niya kanina. Sinundan ng mga mata niya yung tinitingnan ko.

"Aww. Don't be jealous, BG. They were just wishing me a happy birthday."

Nasamid ako sa sinabi niya. Sino naman may sabing nagseselos ako? "Bakit naman ako magseselos?"

"It's okay to admit it. I won't judge you."

"Gago! Mag-review na nga tayo. Kung anu-ano sinasabi mo e."

"Okay." He simply shrugged still convinced that I was jealous of seeing him with other girls.

Hello? Ako? Nagseselos? Bakit? As if naman. Baka kahit halikan niya pa yung tatlong babaeng yun sa harap ko, diri lang mararamdaman ko. Selos daw? Patawa talaga kahit kailan itong si Caeus.

Parehas kaming naka-focus sa mga reference materials namin kaya hindi namin namalayan na gabi na pala. Ilang minuto na lang at magsasara na din yung library kaya nilapitan na kami nung student assistant. Mabilis naming inayos yung gamit namin at lumabas ng lib.

"Let's eat dinner." yaya ni Caeus habang naglalakad kami sa may parking lot. "My treat."

"Hindi na." tanggi ko. Nakaramdam na ako ng pagod. Gusto ko nang maligo at matulog. "Uwi na ako. Next time na lang."

"Okay. I'll just drive you home then."

"'Wag na. Kaya ko na-."

"C'mon, BG. No to dinner na nga tapos no to ride home pa. You're breaking my heart, you know."

"Asus! Breaking my heart ka diyan! Baka stepping on your ego ibig mong sabihin. 'Di ka kasi sanay na sinasabihan ng 'No'."

Caeus was used to getting whatever or whoever he wants whenever he wants it. Girls wants to be with him and guys wish to be like him. They all want to be around him one way or another. He is Caeus Celeste after all.

"That's why you're different. You always say no to me. It's quite bothering but I like it."

"Is that why you're hanging out with me? Natsa-challenge ka?"

"I don't want to just hang out with you, BG. I want to be with you."

"Gutom lang yan. Tara na, ihatid mo na ako para makauwi at makakain ka na." sabi ko sa habang pasakay sa sasakyan niya.

"You know what? Fine. You still don't believe what I say? Then I won't say anything about this anymore."

"Um, thank you?" sabi ko na lang pero inisnab niya ako at mabilis na naglakad.

Nagtatampo ata si Caeus sa akin. Absent siya ng isang linggo sa Chem. Hindi siya nagpaparamdam sa text o chat. Pati online 'di siya nagpo-post. E dati araw-araw siyang nagpo-post ng suot niyang sapatos sa IG stories niya. Tsaka naggu-good morning siya sa Twitter followers niya.

Hindi siya sumisipot sa tutor namin kaya mag-isa akong nag-aaral sa library. Okay lang naman sa akin kasi nakakapag-review ako ng maayos.

Pero hindi maalis sa isip ko si Caeus. Nag-aalala ako sa kanya.

Bakit nami-miss ko siyang kausap? Bakit gusto ko siyang makita?

Bakit may kirot sa dibdib ko?

Kinapalan ko yung mukha kong lapitan si Xander. Gusto ko lang malaman kung nasaan si Caeus. Gagong yun! Inbox-zoned ako palagi. At least yung Seen-zone alam kong nabasa niya pero hindi e. Talagang hindi ako pinapansin.

"Hi." bati ko sa kanya. Nakakunot yung noo niya nang tumingin sa akin. Nagre-review ata kasi siya tapos inistorbo ko. Dapat kasi pati ako nag-aaral. Pero imbis na yung ang gawin ko, ito ako hinahanap si Caeus.

"Hi." Nagulat ako nang batiin niya din ako. Pero siyempre poker face pa rin si kuya.

"Sorry sa istorbo. Tatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Caeus. Hindi niya kasi ako nirereplyan tapos inindian niya ako sa tutor namin."

"I'm not sure where he is right now. Do you want me to call him?"

"Ha? A hindi na. Pakibigay na lang 'to sa kanya." Inabot ko yung reviewer na ginawa ko para sa amin. "Thank you."

"Okay."

"Sige, alis na ako. Aral ka na ulit." Tumingin tingin ako ng bakanteng mesa at nginitian si Xander.

"You can stay." Xander stopped me from my track. I stared at him with amusement. "Or not." he quickly took it back.

Hindi ko alam kung bakit umuupo ako sa harap niya. Nilabas ko yung notes at libro ko at saka nagsimulang mag-review. Lumipas ang oras at kumulo yung tiyan ko. Nang malakas.

Tumingin sa akin si Xander at naramdaman kong uminit yung mukha ko. Nakakahiya narinig niya ata yung gutom ko. Nagmadali akong iligpit yung mga gamit ko bago nagpaalam.

"Thank you sa pag-share ng table. Mauna na ako."

"I'm hungry. Let's have dinner." anunsiyo niya habang inililigpit yung libro at notes niya.

Kumain kami sa Jollibee. Binigay niya ulit sa akin yung balat nung chicken niya. Hindi ko na kailangan hingin dahil kusa niyang binigay. Medyo nagulat ako sa sarili ko dahil wala akong naramdaman na kilig nang gawin ni Xander yun. Dati kulang na lang maglupasay ako sa kilig. Pinicturan ko pa yung chicken nun. Pero ngayon. Masaya lang ako na may extra balat ako ng manok.

Pagkatapos naming kumain, bumalik si Xander sa cafeteria. Baka hinihintay niya si Amber. Ako naman ay umuwi na. Naglakad ako pauwi. Natanaw ko si Caeus na nakatayo sa may entrance nung dorm.

"O, buhay ka pa pala." malamig kong sambit.

"Of course. I can only die kapag sinagot mo na ako."

"Gago! Hindi mo nga sinasagot text ko tapos in-indian mo pa ako."

"Aww. Don't be mad. Sorry, I forgot to tell you that coach brings us to a surprise camping trip every year before the first semester ends. No phones and all. We just got back an hour ago. Xander told me you were looking for me. So I'm here now."

"Bibigay ko lang yung reviewer mo. Yun lang."

"Yun lang talaga?" he teased.

"Oo. Kaya uwi ka na."

"BG, it's okay to miss me."

"Feeling mo! Bakit kita mami-miss?"

"I know you did 'coz I did." He beamed at me. Parang bata.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Lumalim yung paghinga ko. Uminit yung mukha ko. May kung anong nag-iiikot sa tiyan ko. Ano ito? E ano naman kung na-miss ako ni Caeus? Bakit ganito ako mag-react?

"I missed you, BG." Hindi nagbibiro yung tono ni Caeus pero nagniningning mga mata niya. Ngayon ko lang napansin kung gaano kalalim siya tumitig. Biglang nanghina yung mga tuhod ko.

"Tama na. Uwi ka na." Napayuko ako. Alam ko kasing namumula na yung pisngi ko. At alam naming dalawa na hindi dahil sa init ng panahon iyon.

"Come here." Caeus pulled my hand and embraced me. "I feel so kilig that you missed me, BG."

Tinulak ko siya pero mas hinigpitan niya lang yung yakap sa akin. "Caeus, kasi."

"Stop being stubborn and just hug me back." he ordered and I obliged. "Good, girl. I missed you too, BG."

"Hindi nga kita na-miss." I denied. Matagal kaming ganun lang. Magkayakap na walang pakialam sa paligid namin.

"Does this mean you like me back?" tanong niya bigla.

Kumalas ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin. "Kapal mo!"

"But you're finally acknowledging that you have feelings for me too. I'm so happy right now. I want to scream. You like me too. You're falling for me too."

Ang hirap aminin sa sarili ko na may gusto na nga ako kay Caeus. Nahulog ako sa mga bola at biro niya. Kinain ko lahat ng mga sinabi ko noon.

Punyeta. I like him. Bakit? Kailan? Paano?

"Gago ka! 'Pag 'di mo ko ako sinalo, ako mismo bubugbog sa'yo."

"BG, I've already fallen deep. I'm more than ready to catch you."

"'Pag ako pinagtritripan mo lang, naku makikita mo."

"You know your threats are quite scary but I still feel kilig."

"Baliw!"

"Only for you. Come here, I want another hug." Hinila niya ulit ako at niyakap nang mahigpit. This time, ang tagal.

"Oo na tayo na." bulong ko habang nakikipagkarera yung puso ko sa bilis ng tibok.

"What did you say?" nagbingibingian siya.

"Tse! Bahala ka 'di ko na uulitin."

"C'mon, I just wanna hear it loud and clear."

"Oo na tayo na." sigaw ko. "Masaya ka na?"

He beamed at me while I scowled at him. "Can you say it one last time, I wanna record it." he requested while taking out his phone from his pocket.

Gago 'to a. Inuuto lang ako. "Bahala ka diyan! Aakyat na ako."

"Okay, okay. Wala nang bawian ah. Sabi mo tayo na."

Nagta-Tagalog lang talaga siya kapag nang-aasar. "Kulit mo. Uwi ka na. Mag-drive ka ng maayos."

"Aww. Ang sweet mo naman baka langgamin tayo."

"Galing mo talagang mag-Tagalog kapag nambubwisit. Ba-bye na. Good night."

"See you in my dreams, girlfriend."

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang sambitin ni Caeus yung 'girlfriend'. Siyempre ngayon lang naman may tumawag sa akin nun. Siya first boyfriend ko e.

Ohmaygahd! May boyfriend na ako. Halong kilig at saya at takot at kaba ang naramdaman ko bigla. Pero nangingibabaw yung saya. Ganito pala yung feeling. Shet! May boyfriend na ako.

It took some time for it to sink in. I have a boyfriend, Caeus Celeste is my boyfriend.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...