The Art of Falling

By jowanderstruck

863 32 0

There are a hundred ways to love and a thousand ways to fall. More

The Art of Falling
Part 1- 1: UCaf
2: Carlyle's Finest
3: Chemistry
4: Saviour
5: School Fair
6: Eye Contact
7: Confession Cake
8: Tweets
9: Team Building
10: Bonfire
11: Lost
12: Enchanted
14: Miss You
15: Boyfriends
16: Rain
17: Best Friend
18: Sweet
19: Polaroid
20: Different
21: Trouble in Paradise
22: Second Chances
23: Javier Family
24: Championship
25: Going Away
Part 2- 26: Medicine
27: Papa
28: First Day
29- End

13: Birthday Eve

18 2 0
By jowanderstruck

13: Birthday Eve

Caeus' birthday eve party was definitely Carlyle's party of the year. Buong campus ata nandito sa bahay nila sa dami ng tao. Ni isa wala akong nakitang kakilala pagpasok ko. Sabi niya school friends. Gago talaga yun. Hindi man lang ako binigyan ng babala na kaibigan niya pala buong campus.

Grabe, sa mansion pala nakatira itong lalaking 'to. Talagang magkakasya ang isang daang estudyante sa Carlyle. Para akong nawawalang bata sa mall habang hinahanap sina Hailey. Tinext ko nga sila, namatay naman phone ko. Picture kasi ako ng picture kanina sa EK.

"You look like a lost puppy." May nagsalita sa likod ko.

Siyempre alam ko na agad kung sino yun. Gusto kong magpatuloy sa paglalakad na kunwari wala akong narinig. Bago ko pa man maisagawa yung plano ko, pumunta siya sa harap ko at hinarangan yung daan ko.

Poker face pa rin siya as usual. Ni hindi man lang siya affected na one week ko siyang iniiwasan at hindi pinapansin.

"Come." hinawakan niya yung kamay ko. "I'll take you to your friends."

Before he could even take a step, I snatched my hand away from him. Nagulat kami pareho sa ginawa ko. Pero siyempre he was fast to show his signature poker face again.

"S-sundan na lang kita." mabilis kong paliwanag.

Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi naman siya nagpilit na hawakan ako. Pero ilang hakbang palang ako nawala na siya sa paningin ko. Bigla kasing tumugtog ng malakas at nagsisayaw yung mga tao.

Bwisit na mga 'to! Akala mo ngayon lang nakarinig ng tugtog.

May humawak sa kamay ko at sinimulan akong hilahin.

"Don't let go this time." sabi ni Xander ng magkatinginan kami. Napatango na lang ako. Nag-iinarte pa kasi ako e gusto niya lang naman ako tulungan.

Hindi ko alam pero parang bumagal yung takbo ng oras habang hawak ni Xander yung kamay ko. Nagpa-flashback sa isip ko yung time na niligtas niya ako sa pagkakalunod. Yung time na nahanap niya ako sa gubat. Knight in shining armor ko na naman siya ngayon.

And just like that, all my feelings for him were back. The want for him to notice me. The want for him to want to get to know me. The want to be with him. Why do I like him so much? I barely knew him and worse, he's love with the perfect girl.

Kaya siguro talaga crush ang tawag kasi you'll be crushed when the person you like doesn't like you back.

We all gathered in the garden outside while Caeus stood from a balcony with Carly, Amber and some other people. It was almost midnight so there was a countdown like New Year's Eve. I was even expecting fireworks. Si Caeus na talaga may bonggang birthday party.

Caeus caught my eye and he smiled. I mouthed a 'happy birthday' and his grin grew bigger. Caeus being Caeus, he gave me a playful wink before Amber got his attention.

"He's happy." sabi ni Xander sa tabi ko. Tinignan ko siya pero his eyes were glued in Caeus' direction. If I know, si Amber yung tinititigan niya.

"Lagi naman siyang masaya." sabi ko naman. Yun naman ang gusto ko kay Caeus. Parang wala siyang problema. Basta may basketball, lasagna at babae, maligaya na siya. Kahit na nakabwisit siya madalas, hindi naman maipagkakaila na magaan kasama si Caeus. Magaling lang talaga siyang mambola at mang-asar.

"Nowadays he is. I think we both know why."

Siyempre hindi naman ako ganun ka-slow para hindi ko ma-gets. Binebenta niya sa akin yung best friend. Inutusan siguro siya ni Caeus na samahan ako papunta kina Hailey. O kaya ganun siguro talaga kapag may babaeng pinopormahan si Caeus. Kakontsaba niya si Xander. Wingman niya ganun.

Nakakagago lang kasi inamin ko sa kanya na gusto ko siya tapos ganito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Kay Caeus? Kay Xander? Sa sarili ko? Sa mundo?

"You love her." Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"I do." Sumagot siya kahit hindi naman patanong yung pagkasabi ko.

Nagkaintindihan kami kahit na hindi ko naman binaggit yung pangalan ni Amber. Alam ko naman na. Gusto ko lang sigurong marining mula sa kanya.

"Pakisabi na lang kay Caeus, nauna na ako umuwi."

"I'm sorry." Xander uttered before I could make a step.

"Para saan?"

"I know how it feels when the person you want likes someone else. It sucks."

Poker face lang siya pero ramdam ko yung guilt sa boses niya. Hindi naman kasi niya kasalanan na gusto ko siya pero may mahal siyang iba. Hindi ko naman siya sinisisi na nasasaktan ako. Nangyayari yun dahil sa kagagahan ko. Masyado lang kasi talaga akong ilusyonada at umasa.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Assumera kasi ako. Pakisabi na lang kay Caeus na umuwi na ako." I managed to fake a smile. Kailangan ko nang umalis dun kasi pakiramdam ko sasabog yung puso ko. Ang dami pa namang tao. Wala akong balak gumawa ng eksena.

"He will look for you."

"Kaya nga pakisabi umuwi na ako para hindi na niya ako hanapin." Medyo inis kong sambit. Kulit e.

As if naman hahanapin pa ako ni Caeus kapag nakauwi na ako. Party niya kaya. Marami naman siyang bisita, hindi niya ako kailangan dito.

Pagkatapos kong magba-bye, nagpaalam naman ako kina Issa, Steph at Hailey. Sabi ko na lang masakit ulo ko kaya hindi na nila ako pinigilang umuwi. Tumanggi na rin akong samahan ni Issa. Buti nga nakombinse ko siya. Sabi ko kasi magbu-book ako ng Grab para safe. Medyo nagi-guilty akong magsinungaling pero gusto ko talagang mapag-isa muna. Gusto kong maglabas ng sama ng loob na ako lang ang magdya-judge sa akin.

Nakalabas na ako ng subdivision nila Caeus nang bigla siyang tumawag. Ayoko sanang sagutin pero ang sama ko naman kung iisnabin ko siya sa birthday niya. Pagkatapos niya akong dalahin sa EK, hindi ko siya magawang balewalain.

Bago ko sagutin yung tawag ay sinubukan ko munang pakalmahin yung sarili ko. Para kasi akong tangang humahagulgol sa daan. Pagkalabas ko ng bahay nila e bumagsak agad ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan hanggang sa mga oras na ito, panay pa rin ang iyak ko.

Huminga ako ng malalim bago ko sinagot yung tawag.

"Jess! Where are you?" Hinintay kong si Caeus ang unang magsalita.

Hinga ng malalim, Jess. Kaya mo yan. Hinga ng malalim.

"Hey, Jess. Are you there? Hello?"

Hinga pa ng malalim.

"Jess?"

"Happy birthday. Sorry nauna na akong umuwi." sabi ko habang pinipigilang umiyak lalo.

"Why do you sound weird?"

"H-ha?"

"Are you crying? Where are you?"

Dahil ayaw ko nang sumagot sa mga tanong niya, pinatay ko na yung tawag. Binilisan ko yung lakad ko pero ilang segundo lang ang lumipas ay tumatawag na naman siya.

"Stay where you are. I'm coming to get you."

"C-." Wala na akong nasabi dahil ako naman ang pinatayan niya ng tawag ngayon.

Siyempre hindi ako nakinig kay Caeus at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Hindi niya naman alam kung saan ako pupunta. Kung ako nga e hindi ko alam siya pa kaya.

Napamura ako sa gulat nang may bumusina ng malakas at pagkahabahaba. Hindi ko pa agad nakita kung sino yung driver dahil nakakasilaw yung ilaw nung sasakyan. Nang mabasa ko yung plate number alam ko na agad kung kaninong sasakyan yun.

"Jess!" Mabilis na bumaba si Caeus sa sasakyan at tumakbo palapit sa akin. Balot ng pag-aalala yung mukha niya.

"Caeus." Suminghot ako. Saglit na tumigil yung pagluha ko.

He didn't say anything and pulled me into his arms. The way he embraced me made my eyes pour out all the tears left in me. I cried my heart out as he wrapped his arms around me tight. It was comforting but painful at the same time. It was as if I was feeling everything at the same time.

Caeus didn't say anything when I was done being pathetic. He simply handed me some tissue to clean up my face once we were inside his car. I saw his jacket drenched with my tears but he didn't care. He also gave me a bottle of water and waited until I was calmer.

"I'm taking you home."

"I'm sorry."

"For what?"

"Sorry kasi umalis sa party mo. Hindi mo naman kasi ako kailangang puntahan."

"You're crying on the road in the middle of the night after coming to my party. I need to know if the food was that bad." Taong 'to talaga laging may baon na pang-asar.

"Gago!" Natawa kong sambit. Talagang sa paningin niya matakaw at patay gutom ako.

"Was your idiot crush at my party?"

Kahit na 'idiot' tawag niya sa crush ko walang halong judgment yung tanong niya. Ang babaw ko kasi. Dahil lang sa crush lang e naghahagulgol ako sa daan. Kailan pa ako naging iyakin?

"Hindi ko na crush yun. May gusto siyang iba." Desido na akong patayin kung anong feelings meron ako for Xander. Magpo-focus na lang ako sa pag-aaral ko na dapat na ginagawa ko dito sa Manila. Aral muna bago landi, ika nga nila.

"Good. It'll be easier for you to fall for me if you're not crushing on some idiot."

"Sira!" Nasanay na ata ako sa mga pambobola ni Caeus kaya hindi na ako naiinis kapag bumabanat siya. Napapaisip na lang ako kung ilang babae na ginamitan niya ng bawat linya niya. "Happy birthday ulit."

"Thanks. This year was the most meaningful yet."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...