Your Blood Is Mine

By FinnLoveVenn

1M 33.2K 1.8K

Fiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago an... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
AUTHOR's NOTE
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
EPILOGUE
BOOK II
THANK YOU

CHAPTER 44

8.6K 299 18
By FinnLoveVenn

MARSHALL's POV

Bakit ang saklap ng tadhana?

Nandito kami sa bulletin board at nakikipagsiksikan sa mga istudyanteng nakikitingin din sa mga schedule nila.

May kumokopya at may pinipicturan na lang ang schedule nila, lahat ng andito sa bulletin na 'to ay mga HRM four years at two years course.

KanIya-kaniya kasi kaming bulletin dito ng mga course masyado kasing madaming istudyante kung sa iisang bulletin lang ipopost ang mga announcement.

"Na saan kaya si Fiolee?" Naghiwalay kasi kami saglit para daw mabilis namin mahanap ang mga schedule namin, siguro naman magkikita sila nung Reyly alam ko same sila ng course na kinuha.

"Yow," napalingon ako sa kakaibang awra ng tumawag sa'kin, hindi ako nagkakamali bampira siya.

"HRM dude?" Tumango ako.

"YES! Sama ka sa'min lima lang tayong lalaki sa room." napatingin ako sa iba niyang kasama, may nakasalamin at 'yung isa long hair at 'yung isa naman parang baklain.

"As in lima lang tayo?" Tumango 'yung nakasalamin at inayos ang salamin niya.

"Ayon sa na basa ko sa listahan ng mga istudyante lima lang tayong lalaki, ako nga pala si Dexter." inabot niya ang kamay niya. Ang weird.

"Marshall." nakipagshake hands ako sa kanila is- isa at pinagkatitigan ko 'yung nag ngangalang Jonas na kaninang tumawag sa'kin.

"Dude crush mo ko?" Umiling ako.

"Alam ko kung ano ka." pabulong ko sabi sa kaniya kaya namutla siya at napatingin sa mga kasama pa namin sabay hila sa'kin papalayo.

"Alam mo?" Tumango ako.

"Pano? Wolf ka ba?" Napataas ang kilay ko, saka ko pinakita ang braso ko sa kaniya na sobrang putla.

"Sheeet hindi ko na pansin o na amoy, dhampir ka?" Tumango ako.

"Dude I love you may karamay na ko." niyakap niya ko kaya kinilabutan ako at pilit siyang inilalayo sa'kin.

"Marshall!" May lumilipad na sapatos na tumama sa mukha ni Jonas at sapol 'to sa noo.

"Anong ginagawa mo sa boyfriend ko bakla ka!?" Tumawa lahat ng nakakita sa ekspresyon ni Jonas at ni Fiolee.

"Hindi ako bakla Bam---." pinigilan ko na siya isigaw ang mga susunod na sasabihin niya.

Parang tanga kasi ipagsigawan ba namang bampira siya?

"Ow I see gets ko na." ngumiti si Fiolee at umupo para makapantay si Jonas na napaupo dahil sa pagbato ni Fiolee sa kaniya ng sapatos.

"Sorry Jonas kala ko kasi bakla ka na nilalandi ang boyfriend ko." inalalayan ni Fiolee si Jonas tumayo ay nakipagshake hands dito.

"Fiolee." lumapit siya dito at bumulong.

"Bampira rin ako." ngumiti sa kaniya si Fiolee at niyakap din siya ni Jonas na ikinagulat ni Fiolee miske ako.

"Grabe hindi ko akalain na mabilis akong makakahanap dito ng kauri ko." napangiti na lang kaming dalawa.

"Ehem ehem." napatingin kami sa lalaking nasa likod namin.

"Ay oo nga pala Shun." nanlaki ang butas ng ilong ko sa nakita ko.

Anong ginagawa ng Shun na 'yan dito?

"Marshall Classmate ko si Shun." masayang pumalakpak si Fiolee habang papunta kay Shun, doon nag init na naman ang ulo ko.

"Hep hep hep," sabi ni Shun at lumapit sa'kin saka ako inakbayan.

"Wag kana magalit pinsan makalawa." halos mahulog ang panga ko sa paa ko sa gulat nung sabihin niyang pinsan makalawa ko siya.

"Pinagsasabi mo?" ngumiti siya sa'kin.

"Ako si Shun Perez anak ni Albert Perez na pinsan ni tito Jazon na papa mo." okay para akong hinagisan ng bomba sa harap ko mismo.

"Weh 'di nga?" Pakikiusisa ni Fiolee kay Shun at tumango lang ito.

"Nung pumunta ka ng England na una akong umuwi dito at si papa naman sumabay kay ate Ainah." pinangliitan ko siya ng mata.

"Bakit 'di ka kala lolo James tumira?" ngumisi ito at bumulong sa'kin.

"Ayoko kasi ng mga dugong nasa plastic at nakalagay sa ref." napaurong ako.

"Kung ganun bakit ka andito?"Hindi ako susuko ayoko maging pinsan 'tong isang 'to.

"Nakakatamad na kasi sa England, hindi katulad dito madami pang mortal at doon naman halos karamihan na ay bampira." sumingit si Fiolee sa usapan.

"Bakit 'di mo sa'kin sinabi nung una palang?" Nag kamot siya ng ulo.

"Eh hindi ko kasi sure kung 'yung kinukwento mong Marshall ay 'yung Marshall nga na sinasabi sa'kin ni lolo James, Na confirm ko na lang nung nabanggit mo mismo si lolo James at nung unang pagkikita naman namin ni Marshall galit siya 'di ba?" Napaisip si Fiolee, wag kanag maniniwala d'yan!

"Ah kaya pala unang kita ko palang sayo akala ko si Marshall ka kasi may pagkakahawig kayo at pag nagkukwento ako minsan parang nagugulat ka at parang alam mo 'yung sinasabi ko minsan naman bored kana kasi alam mo na naman talaga 'yung kwento ko." tumango siya at nag peace sign.

"Yeah nung sabihin mo palang 'yung pangalan ni Marshall natunugan ko na kayo." napabuntong hininga kami pareho.

"Oh ano tapos na ba kayo mag-usap." napatingin kami sa likod at nakita namin 'di Jonas sabay turo sa likod niya.

"Andito pa kami." kumaway naman 'yung tatlong ugok sa likod niya at napatawa na lang ako.

"Ey guys si Fiolee nga pala Girlfriend ko at si Shun --." napabuntong hininga ako.

"Pinsan makalawa ko." Sabay-sabay silang nag 'Hi' doon sa dalawa at sumama sila sa'min kumain ng tanghalian.

❦❦❦

Andito kami sa canteen at kumakain ng tanghalian, si Fiolee lang ang babae sa table namin at anim kaming lalaki na kasama niya.

Pahaba ang table at magkakatabi kaming apat na bampira samantalang kaharap namin tatlong mortal.

"Ayon sa pang lasa ko masyadong madaming asin 'tong ulam ko," sabi ni Dexter at inayos ang salamin niya.

"Men tama na 'yang ayon-ayon na 'yan kumain ka na lang ayon sa kamao ko," sabi nung longhair na si Jude para siyang inaantok dahil sa pag sasalita niya at mapupungay niyang mata. Naka drugs ba 'to?

"Yeah yeah kumain ka na lang Dexy," sabi naman ni Angelo na sarap tawaging Angela.

"Ayon sa inyo kakain na ko." napatawa si Fiolee kay Dexter, siguro na wiwirduhan na siya kay Dexter.

Nag simula na kaming kumain at. .

"Ey pwede makishare?" Isang mistisong prinsepe ang sumulpot sa likod nung tatlong mortal.

"Prince!" Masaya siyang sinalubong ni Fiolee at niyakap 'to.

"Uy teka-teka baka matapon 'yung pagkain ko." bumitaw si Fiolee at nag peace sign kay Prince.

"Sorry." umupo si Fiolee at tinuro 'yung bakanteng upuan.

Umurong naman 'yung tatlong mortal at pinaupo si Prince, katapat niya si Shun at katabi niya naman si Angela na napakalagkit ng tingin niya rito.

"Angelo matutunaw 'yan," sabi ni Jonas at napatawa na lang kami si Prince naman parang batang muwang na walang ideya kung bakit kami tumatawa.

Hindi mo naman kasi talaga mahahalatnag bakla si Angelo dahil sa malaki niyang pangangatawan at maganda niyang mukha, mukha pa nga siyang model eh kaso wala eh baliko 'tong isa na 'to.

"Bakit kayo na tawa?" Umiling lang kami at bumalik sa pagkain na parang walang nangyayari.

"Prince sila Jonas nga pala." tinuro ko si Jonas at nag thumbs up si Jonas kay Prince.

"Si Dexter." at nakipag kamay si Dexter kay Prince.

"Si Jude." sumaludo si Jude kay Prince

"Si Angelo at si Shun pinsan ko." nag hi silang dalawa ganun din si Prince sa kanila.

Masaya kaming kumain at pakiramdam ko nga pinagtitinginan kami dahil sa kaingayan namin eh, at marami ding lumalapit na babae sa'min para manghinge ng number karamihan pa ay kay Angelo pumupunta kaso sawi sila pag narinig na nila ang boses nito.

"Grabe ha nanglalait ba sila?" sabi ni Angelo sabay irap sa mga babaeng nakatingin sa table namin.

"Gwapo ka kasi," sabi ni Shun, napakagat ng labi ni Angelo.

"Uy hindi ah pag nag wig si Angelo maganda rin siya." napangite siya at inapiran si Fiolee.

"Ay nako madami na ding nagsasabi sa'kin niyan." natawa na lang kami at 'yung iba napabuntong hininga.

Mga bandang hapon nung nag siuwian na rin kami dahil alam na naman namin ang mga room at kilala na namin ang mga instructor, bukas daw mag uumpisa ang tunay na klase pero sure ako d'yan magpapakilala muna kami isa-isa at maglilibot lang uli.

Naglalakad na kami ni Fiolee papuntang sakayan ng taxi.

"Marshall ang saya no ang dami na na'tin agad kakilala." nakatingala siya sa'kin habang sinasabi iyon.

"Oo nga eh, si Reyly nakita mo?" Umiling siya.

"Hindi nga eh." hinawakan ko ang buhok niya at ginulo.

"Bukas andoon na 'yun sa room niyo." tumango siya at ngumite.

"Oo bukas makikita ko rin siya." nginitian ko rin siya.

"Marshall Nakakatuwa talaga pinsan mo pala si Shun"

"Hindi nga ko makapaniwala eh."

"Kaya pala nung unang kita ko sa kaniya parang kakaiba saka talaga 'yung mga kinukwento ko about sayo alam niya na." ngumiti na lang ako sa kaniya at nakinig sa mga kwento niya hanggang nakarating na kami sa sakayan ng taxi.

Sumakay na siya at susunod na rin sana ako ng may bigla akong na alala, kailangan ko nga pala bumili ng ulam namin para mamaya.

"Ay Fiolee wala tayong ulam anong gusto mo?" Nag-isip siya saka sumagot.

"Beefsteak." tumango ako,

"Mauna kana sa unit at bibili lang ako ng karne." tumango na lang siya at nag intay pa ng ibang pasahero 'yung taxi, mahal kasi ang bayad pag nagpa-special siya.

Pumunta ako sa super market sa isang mall malapit sa isang sikat na unit dito sa Manila. Pumunta ako sa mga meat section nila at namili ng karne.

"Miss magkano 'yung kalahati?" Tinimbang nung babae 'yung karne.

"350 po Sir." napangiwe ako mahal pala, pero kinuha ko na rin.

"Ah Miss magkano 'tong ganito? Walang price oh." napatingin ako doon sa lalaking nagtatanong doon sa babae, may bigote siya at mukhang fifty plus na pero matipuno pa rin ang pangangatawan nito.

Napatingin ako sa kaniya at parang may kamukha siya, hindi ko lang maalala pero parang kita ko na siya dati? Saan?

"Sir ito na po." inabot sa'kin nung sales lady 'yung pinamili ko at napatingin ulit ako doon, na gulat ako ng nakatitig siya sa'kin ng masama na para bang sinusuri ako at gusto akong patayin.

"May problema po ba?" Tanong ko sa lalaki.

Umikom ang kamao niya at kinuha na 'yung supot niya saka ako nilagpasan sa paglalakad.

Pero nung makatapat ko na siya sa kinatatayuan ko tumingin ulit siya at bumulong sa'kin.

"Tandang tanda ko ang mukha mo, halimaw," sabi niya at naglakad na papalayo sa'kin.

Yung mga binigkas niyang 'yun ang nagpataas sa balahibo ko at pinagmulan ng kaba ko.

Nilingon ko siya at tinignan siya maglakad papalayo.

"Sino siya?" Naibulong ko na lang. 

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.6K 88
Resurrecting the King of the Dark : The beginning (Book 1 of Dark Series) Sya ang huling tagapagmana ng Elafry Vasileio. Ang natitirang Glasiever at...
104K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
111K 4.5K 71
"She's the pureblood's code red." ⚫btsvelvet⚫ Heavy Angst ⚠️ Slow Burn ⚠️ Happy Ending ___ DS : 06/05/18 DE : 10/04/19
1.5M 39.6K 41
A not-so-ordinary school for not-so-ordinary people. Mafias, gangsters, and delinquents who are under in this not-so-ordinary organization called Und...