Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 4

425 23 0
By CrabLamb

CHAPTER 4

[ Interest ]

---

Alex's Point of View

Isang tipid na ngiti ang aking ibinungad nang pagbuksan ako ng pintuan ni Mr. Goliath.

Katulad nang nakita ko sa litrato ng mga POI ay may bahid na ng puti ang buhok ni Mr. Goliath, mas maikli nga lang ngayon dahil mainit ang panahon.

Kulubot na ang mukha niya dahil sa katandaan pero kahanga hanga na sa edad niya ay hindi pa rin siya nagsusuot ng salamin, tama lang ang tangkad nito pero mas maliit pa rin kumpara saakin. Halata rin na matipuno ang lapad ng kaniyang dibdib noong kabataan.

Nakapang bahay at halatang naabala ko ang pagluluto niya dahil may suot pa siyang apron.

"Good afternoon po, Mr. Goliath," bati ko dito sabay pakita ng NBI badge, tumitig naman siya doon, "May mga kailangan lang po akong itanong. Pwede po ba iyon?"

Napuna ko naman agad na mabilisan niya akong inobserbahan. Puna ko rin ang minimal niyang pagkurap na tila hindi niya kayang maalis ako sa paningin ng maikling segundo.

"Magandang hapon din," isang tipid na ngiti ang iginawad niya saakin sabay bukas ng pintuan ng mas malawak, "Pasok po kayo."

Agad naman akong tumango sabay yuko para hubarin sana ang aking sapatos.

"Huwag na po," puna ni Mr. Goliath sa ginagawa ko sabay hila ng basahan palapit saakin, "Punasan niyo na lang po ang paanan ng sapatos niyo dito. Madumi kasi ang sahig."

Tumango na lamang ako at humakbang nga sa ibabaw ng basahan na iyon, pinunsan ang sapatos ko roon sabay obserba sa buong paligid.

Alam ko ang amoy ng bahay kapag may pusa kaya agad ko iyong napuna, idagdag pa na mainit ang panahon kaya singaw ang init sa buong paligid. 

Bahagya akong suminghot. Agad kong nalaman na may niluluto sa kusina dahil nakarinig ako ng tunog ng pressure cooker.

"Sandali lamang po at huhugasan ko lang yoong mga ginamit ko pang luto," paalam saakin ni Mr. Goliath. Tumango naman ako bilang pagpayag. 

Mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang kusina at ang tambak na hugasin sa lababo, sinigurado kong nakatalikod saakin si Mr. Goliath bago ko siningkit ang mata ko.

Medyo malabo ang ibang tupper ware na transparent, kung gayon ay masebo ang ulam.

Anong kadalasang pinepressure na ulam tapos masebo? 

Bulalo.

Dumako ang tingin ko sa ref, nangangati akong buksan iyon pero magmumukha akong agresibo.

Nang magsimula nang maghugas si Mr. Goliath ay iginala ko ang aking paningin sa sapatusan.

Tatlo. Karamihan ay pang babae kaya ang masasabi ko ay minsan lamang lumabas ang ama. Napakurap ako nang mapansin kong halos sakupin ng sapatos na pang babae ang sapatusan.

Hindi nagtagal ay napagtanto ko na dalawa ang sukat ng mga iyon.

May anak sila, babae. Palagay ko ay nasa kolehiyo na dahil may isang disenyo ng sapatos na pamasok.

Ngumiti naman ako nang anyayahan ako ni Mr. Goliath na umupo sa sala matapos niyang maghugas, may litrato ng isang dalagita sa pader na may mga nakasabit na medalya kaya nakumpirma ko ang una kong teorya.

Nag-aaral sa Lyceum, hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko ang dalagang ito na lumaban sa Quiz bee noong University week, base na rin sa bilang ng medalya ay mukha siyang matalino.

Saan niya ipinartner ang talino niya? Sa itura niya. 

Kumpirmado, dahil ang suot niyang pamasok ay puro high heels.

College of International Tourism and Hospitality Management.

Ang hindi ko lang alam ay kung may kinalaman ang bata sa ginagawa ng mga magulang niya, hindi malayo iyon.

"Narinig ko ang nangyari sa kasamahan mo," sabi ni Mr. Goliath habang naglalapag ng tubig sa harapan ko, "Mukhang ikaw na ang humahawak ng kaso, tama ba?"

Mukhang bantay niya rin si Cash, updated siya sa balita.

Napayuko na lamang ako at tumango tango, "Ganoon na nga po."

Lihim kong pinagmasdan ang pagbagsak ng tubig sa gilid ng baso, malamig ang ibinigay niya saaking tubig.

"Anong mga itatanong mo? Mister..."

"Mr. Schwarz," sagot ko sabay sandal sa kinauupuan ko, nilabas ko ang aking maliit na kwaderno na may maliit na ballpen na nakaipit sa strings nito, "Ang sabi po sa mga files na nabasa ko ay annuled kayo sa unang asawa ninyo."

Tumango si Mr. Goliath bilang sagot, "Oo."

Tinuro ko ang sapatusan, "Pero dalawang size ng paa ang nakita ko sa sapatusan ninyo. I assume na sa anak ninyong babae ang isa. Maaari ko bang malaman kung kanino ang isa?"

Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Mr. Goliath sa tinanong ko.

"Ang totoo ho niyan ay may kinakasama ako."

Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila magka-apelyido. 

Tumango naman ako bilang tugon at nagsimulang mag drawing ng stick man sa notebook ko.

"Alam po ba iyon ng anak ninyo?" tanong ko habang nilalagyan ng anino ang stick man na drinawing ko.

"Hindi, Mr. Alex."

Napatigil ako sa pag guguhit sa sinabi niya. Nag angat din ako ng tingin para tignan ang guhit ng ekspresyon niya.

Halos hindi nagbago. Hindi naaalis ang ngiti niya sa labi pero agad kong napansin ang panlalaki ng kaniyang mga mata.

Unang deduksyon ay hindi ko sinabi ang unang pangalan ko, apelyido at badge lang ang pinakita ko. Ibig sabihin  ay alam na niya kung sino ako bago pa man ako pumasok ng pamamahay niya.

Pangalawang deduksyon, alam na niya ang pinunta ko dito.

Napailing si Mr. Goliath at kinuha mula sa gawi ko ang tubig, "Matalino ka na mahanap kami ng kinakasama ko, Mr. Schwarz. Pero nais kong malaman mo na hindi ka marunong umarte."

Napailing na lamang ako, "Sa ganoong larangan kayo magaling, Mr. Goliath."

"Kung saan dapat ay eksperto ka rin dahil iba't ibang klaseng kriminal ang kinahaharap ninyo."

Agad kong napansin ang isang lalagyan ng gamot na inilabas ni Mr. Goliath.

"Anong ginagawa mo?" mahinahon kong tanong.

Imbis na sagutin ay ininom ni Mr. Goliath ang tubig na ibinigay niya saakin kanina.

"Akala mo ba lalasunin kita?" taas dalawang kilay niyang sabi, napaigting na lamang ako ng panga sabay lunok.

Saka ko lang napagtanto ang ginagawa niya nang kumuha siya ng dalawang tableta at ininom iyon, ginamit pa niyang panulak ang tubig na ibinigay niya saakin.

"Hindi mo susubukang tumakas?" tanong ko, hindi natitinag sa kinauupuan ko.

Umayos ng upo si Mr. Goliath sa pang isahang sofa na kinauupuan niya, relax din niyang hinimlay ang batok sa sandalan nito at pumikit.

"Tumatakas na ako ngayon, Mr. Alex."

Suicide.

Pangatlong deduksyon, Psychopath.

"Hindi mo man lang ako sinubukang labanan," ani ko, kung alam ko lang ay pantay lang kami ng katalinuhan. Baka pa nga mas matalino pa siya kaysa saakin.

Malalim at madilim na napatawa si Mr. Goliath sa sinabi ko.

"Una sa lahat, wala nang punto. Paniguradong parating na ang mga kasamahan mo para hulihin ako."

Napaubo si Mr. Goliath at tumikhim.

"Pangalawa, may singkwenta na ang edad ko," bahagya niya akong pinagmasdan, "Anong laban ko sa mas bata at isang NBI agent?"

Umigting ang panga ko at lumikha iyon ng tunog na parang ngumunguya ako ng ngipin.

Sa ginawa ko ay napatawa si Mr. Goliath.

"Habang may malay pa ako ay tanungin mo na ang mga bagay na gusto mong tanungin," nagsisimula nang mamungay ang kaniyang mga mata, "Yoong matino."

Pumasok sa isip ko na ano pang punto, baka hindi niya rin ako sagutin ng totoo.

Pero mahalaga na may statement siya.

"POI ka sa kaso ng The Bomber, pero ikaw ang Sketch Pad serial killer. Tama ba ang deduksyon ko?"

Tumango lang siya bilang sagot.

"Isang house husband ang Sketch Pad serial killer," sabi ko habang nilalaro ang mga labi ko, "At isang Museum Director ang The Bomber."

"Nakakatawa lang na baliktad ang pagkakadiskubre ng kasamahan mo," iling iling na sabi ni Mr. Goliath habang nakapikit, "Tama ang mga kinuha niyang piraso pero mali siya ng lagay."

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Wala ba kayong kinalaman sa pagkamatay niya?"

Bumaba ang labi ni Mr. Goliath na tila wala siyang natatandaan sabay iling.

"Isa na kami sa pinaghihinalaan, kung papatayin ko pa siya ay mas lalong didiin."

Napadaing si Mr. Goliath na parang nakaramdam siya ng sakit sa loob ng kaniyang katawan, pero hindi rin kalauna'y napangiti siya.

"Pagsasabihan ko nga siya pag nagkita kami, hindi lahat ng gumagawa ng art ay kailangan nasa museo."

Noong una ay hindi ko nakuha pero nang mapagtanto ko na uminom siya ng lason ay parehas na sila ni Cash ng kalalagyan.

"Bakit naman kayo magkikita ni Cash?" tanong ko sakaniya habang nakakunot ang noo, kahit pa parehas sila na sa kabaong ang punta ay sigurado akong hindi sila parehas ng daan sa susunod na buhay.

"Hindi siya katulad mo."

Napatawa si Mr. Goliath sa sinabi ko pero nasundan na iyon ng lumalala niyang ubo, umigting ang panga ko at napaatras ng kaunti nang naglabas na siya ng puting likido sa bibig.

"Paano ka.... nakakasiguro?" makahulugan niyang sabi, halatang hirap na hirap.

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinuro niya ang pader kung nasaan ang litrato ng anak niya.

"Noo..ng nakaraang....pumunta siya dito," umubo siya at napayukod, Hawak hawak ang sarili niyang leeg.

Napatayo na ako sa aking kinauupuan nang marinig ang mga sasakyan na pinadala ni Adam, naglakad ako patungo kay Mr. Goliath at kinuwelyuhan siya.

"Ano?" sabi ko na tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

Napansin kong may bahid ng dugo na ang bibig niya at ang mga puting likido na isinusuka niya.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nanginginig, unti unti na kasing bumibigat ang katawan niya.

Pungay ang mga mata niyang tinignan ako pabalik, may pagkakataon pa na habang kumukurap siya ng paulit ulit ay nakatirik na ang mata niya.

Isang pitik na lang.

"Nak... Nakita ko kung paano siya tumitig sa anak ko," nanginig ang mga mata ko sa sinabi niya, pabulong na rin siya kung magsalita kaya mas inilapit ko pa ang tainga ko sakaniya.

"Paano...nakaka..amoy na....ng kapwa... sinung...aling ang.... sinunga..ling?"

Nang tuluyan nang bumigay ang katawan niya ay dahan dahan ko siyang binitawan pabalik sa pang isahang sofa.

Saktong paglakad ko patungo sa refrigerator ay ang pagpasok ng mga pulis sa loob ng bahay.

Kinuha ko mula sa freezer ang limpak limpak na karne, ilan doon ay mga baboy at ang ilan doon ay...

"Jesus Christ."

Nanginginig kong kinuha ang isang puso ng tao sa mismong freezer, sa bandang likuran ito nakalagay at tinatakpan ng ibang karne.

Agad na dumako ang tingin ko sa lamesa.

Dalawang pinggan ang nakahanda doon.

Deduksyon.

Bakasyon na dahil tapos na second semester, trimester ang C.I.T.H.M pero may dalawang linggo sila laging pahinga pagkatapos ng isang semester.

"Nahuli niyo na si Ms. Hannah Madrid?" tanong ko habang tinitingala ang ikalawang palapag.

"Nasa presinto na siya," sagot saakin ni Chief Agbayani habang pinagmamasdan ang mga karne na inilabas ko sa freezer, "Hinihingan na siya ng statement."

Humakbang ako paakyat ng ikalawang palapag.

"Nak... Nakita ko kung paano siya tumitig sa anak ko."

Nang matunton ko na ang huling hakbang ng hagdan ay tumambad saakin ang isang maikling pasilyo sa kaliwa, nakakabit ang hagdan sa kanang bahagi ng bahay kaya sa kaliwa lang may espasyo.

Ang isa kwarto ay katabi ng hagdan, sa laki ng kama ay sigurado akong iyon ang kwarto nina Mr. Goliath at ng kinakasama nito.

Dumako ang tingin ko sa isa pang kwarto, iyon marahil ang sa anak na babae ni Mr. Goliath.

Napansin kong bahagyang nakaawang iyon kaya ginamit ko ang aking palad para mabuksan ang pintuan.

Agad akong nagmadali nang makakita ako ng dalagita, naka higa sa sahig at walang malay.

"Medic!" dumagundong ang sigaw ko habang tinitignan kung may pulso pa siya sa leeg.

Mayroon pa.

Agad kong iginala ang aking paningin sa buo niyang katawan at tumigil iyon sa hiwa sa kaniyang pulso.

Napamura ako bago ko kinuha ang panyo sa aking bulsa sabay tali sakaniyang palapulsuhan para tumigil ang pagdurugo.

Habang ginagawa ko iyon ay napansin kong nasa gilid lang siya ng kama at halos katabi lamang niya ang isang cutter.

Hindi siya bumagsak, naiimahe kong nakaupo siya sa sahig nang maglaslas siya at bumagsak pagilid kaya walang kumplikasyon kung bubuhatin ko siya.

Binuhat ko ang dalaga sa mga bisig ko, gumilid pa ako ng daan palabas ng kwarto upang magkasya kami.

Sakto namang akyat ng mga medic na tinawag ko para ma-assist ako, inutusan nila akong ibaba ng dahan dahan ang dalaga bago nila mailipat sa stretcher.

Nang asikasuhin na ng mga medic ang dalaga ay natanaw ko agad si Adam na ngayo'y palapit saakin.

"Anong nangyari?" tanong niya saakin habang tinuturo ang paalis na ambulansya.

Napalunok naman ako bago sumagot, "Nagbalak siyang magpakamatay, anak ni Mr. Goliath sa unang asawa."

"May alam ba siya sa mga krimen na ginagawa ng ama niya at ng kinakasama nito?" tanong muli ni Adam habang nagpipipindot sa kaniyang telepono.

Umiling ako at napahigop ng hangin, pakiramdam ko ay nahilo ako sa mga nangyari.

Aakma sanang maghihilamos ako ng mukha nang mapansin kong may dugo ang palad ko.

"Alex?"

Napadako muli ang tingin ko kay Adam nang tawagin niya ako. Sumagi naman saakin na hindi ko pa sinasagot ang tanong niya.

"Hindi ko alam."

---

"Sinasabi ko sainyo! Hindi ako ang pumapatay!"

Krus lamang ang dalawang braso ko habang tinitignan si Ms. Madrid na kasalukuyang kinakaladkad ng mga pulis papasok ng selda.

Sociopath.

Hindi katulad ni Mr. Goliath na malugod na tinanggap ang pagkatalo ay iba si Ms. Madrid.

Malinis ang mga statement niya noong kinuwestyon siya dahil isa siya sa mga POI, pero ngayong bistado na siya ay nagkanda leche leche ang kaniyang mga dahilan.

Humarap saakin si Adam na kasabay ko lang sa panonood kay Ms. Madrid.

"Nasaiyo na ang copy ng statement niya?"

Kumuyom ako ng labi at winagayway ang folder na hawak ko, nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang pag ngisi ni Adam.

"Ibigay mo saakin ang full report hanggang alas nuwebe bukas ng umaga," utos niya saakin habang naglalakad palayo. Tumunog kasi ang telepono niya.

Malakas naman akong napabuntong hininga, dalawang kaso ng serial killer ang nasara kaya mahabaang report ang gagawin ko.

Paper works, tang ina.

Nakaismid naman akong nagsimulang maglakad palabas ng presinto, wala na akong ibang iniisip kung hindi ang bumalik sa Headquarters at simulan ang report para matapos agad. 

Yoon nga lang ay may isang Ginang ang bumungad ng yakap saakin, napataas naman ako ng dalawang kamay dahil sa gulat.

Mas maliit ang Ginang saakin, hanggang dibdib ko lang.

Agad akong napatingin sa paligid at napansin kong may isa ring Ginoo ang nakatingin sa direkson ko, nakangiti ito saakin habang pungay ang mga mata mula sa pagkakaiyak.

"Maraming salamat po," sabi saakin ng Ginang habang umiiyak sa dibdib ko.

Umawang naman ang labi ko nang mapagtanto na isa yata ito sa mga kaanak ng mga naging biktima ng Sketch Pad serial killer o ng The Bomber. 

Medyo naiilang naman akong humawak sa likod ng Ginang at tinapik tapik ang likuran nito.

"Wala pong anuman."

Napansin siguro ng Ginang ang pagkailang ko kaya humiwalay ito ng yakap saakin, pero hawak hawak niya ang kamay ko at patuloy na yumuyukod na tila sinasamba ako.

"Kung hindi dahil saiyo ay hindi mahahanap ang hustisya para sa anak ko," ani ng Ginang sabay hagulgol, "Maraming salamat po, dahil saiyo ay matatahimik na siya."

"Ma, tama na. Nakakahiya," singit ng isang binata habang kinakaladkad ang Ginang palayo saakin.

Sinuklian ko naman ng ngiti ang binata na hiyang hiya na tumango saakin.

Nagmadali na akong umalis ng presinto dahil paniguradong magdadagsaan na ang ibang kaanak ng biktima para sugurin ang salarin.

"Congratulations po!" bati saakin ng ilan kong kasama sa Headquarters pagdating ko.

Lihim akong nanginig nang palakpakan nila ako, sinamahan pa ng mapang asar na hiyaw at pagsipol ni Jonathan.

"Good luck at paniguradong gahasa ang telepono mo!"

Iyon nga ang nangyari. Habang ginagawa ko ang report na pinapagawa ni Adam saakin ay maya't maya ang tunog ng telepono sa aking desk.

Kung hindi mga kaanak na nagpapasalamat ay mga Journalist na gusto akong makipanayam ang tumatawag, hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil baka mga abogado na iyon o kaya naman si Adam.

"Kung gusto niyo po ay pwede kayong pumunta dito sa mismong Headquarters at makipag usap kay Ms. Nathalie," mahinahon kong sagot sa pang pitong Journalist na tumawag saakin, nakaipit ang telepono sa leeg ko habang nag ti-tipa ng report.

"Pero mas mainam po kung mismong kayo ang makakausap namin, Mr. Schwarz."

Gusto kong sumabog.

"Pasensya na po pero marami pa po akong kasong hawak," magalang pa rin na sagot ko sabay baba ng telepono.

Inilagay ko ang buong deduksyon ko sa aking report.

Ramon S. Goliath a.k.a The Sketch Pad Serial Killer

Age: 53

Nationality: Filipino

Born: November 8, 1957

Occupation: House Husband

First kill: Amanda A. Canlupitan (January 20, 1980-January 23, 2010), a 30 year-old nurse. 

Pagkatapos ko fillan ang pinaka basic information at inilista ko na ang pinaka katawan ng report.

Ayon sa history ni Mr. Ramon ay namatay ang magulang niya dahil sa panloloob, inampon siya ng kaniyang Lola na sobrang strikto at maka Diyos.

Sa isinulat ni Cash sa isa sa mga kwaderno niya dito sa opisina ay hindi pinag aral si Ramon ng kaniyang Lola at hindi pinalabas ng bahay, tinuruan lamang daw siya nitong gumuhit at gumawa ng mga gawaing bahay.

Nang namatay ang Lola ni Ramon noong 1992 ay namasukan itong Janitor sa isang pampublikong eskwelahan upang may pagkakitaan. Doon niya nakilala ang unang asawa nito na si Melanie San Jose, isang guro.

Marahas akong napahigop ng hangin nang tumunog muli ang telepono.

Napadila ako ng labi habang inaabot ang telepono.

"Hello?"

"Jollibee delivery."

Sinamaan ko ng tingin si Jonathan mula sa pwesto ko. Agad naman siyang humagalpak ng tawa sa kinau-upuan nang makita ang titig ko sakaniya.

Napailing na lang ako at ibinaba ang telepono.

Iminungkahi ko sa aking report na espisipikong tatlumpung taong gulang ang mga pinapatay ni Ramon dahil iyon ang edad ng kaniyang mga magulang nang mamatay ang mga ito.

Iyon din ang dahilan kung bakit niya kinasama si Ms. Madrid, dahil ito ang susunod sana nitong biktima.

Bahagya kong inilipat ang tapika kay Ms. Hannah Madrid na labing walong taon ang bata kay Mr. Ramon Goliath. Isa rin siya sa mga Person of Interest sa ilalim ng kaso ng Sketch Pad serial killer, pero ang totoo ay siya ang The Bomber.

Hindi nga lang ganoon kadetalyado dahil baka wala na akong maisulat sa sariling file niya.

Naniniwala akong binalak na gawing scapegoat ni Mr. Goliath si Ms. Madrid. Kahit pa lalaki siya ay alam niya ang lakas ng mas bata sa kaniya, idagdag pa ang brutal na uri ng pagpatay ni Ms. Madrid.

Si Ms. Madrid din ang nabasa kong nagbabayad ng bills at ng tuition ni Nelly Goliath, nag-iisang anak na babae ni Ramon Goliath. Mukhang malaki ang silbi ni Ms. Madrid kay Mr. Goliath kaya hindi na nito tinuloy ang balak na pagpatay sa naturang Museum Director.

Napapikit ako ng mariin nang tumunog muli ang telepono.

Tinignan ko si Jonathan upang siguraduhin na hindi na niya ako ginagago sa pagkakataong ito, nang makita kong seryoso na siyang nagbabasa ng sariling folder ay napagtanto kong hindi na siya nagloloko.

Tumingin pa ako sa paligid, hindi naman sila ganoon kalapit saakin para biruin ako. 

Mabilis kong hinugot ang telepono at idinikit sa aking tainga.

"Hello?" malalim na bati ko dito.

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko at tumigil sa pagtipa, "Hello?"

Pagkasabi na pagkasabi ko noon ay ibinaba na ng kabilang liniya ang telepono.

Igting ang panga kong binitawan ang telepono sabay balik sa kinalalagyan nito, mukhang nagkamali lamang ng isang numero o kaya naman mga kabataan na maliligalig.

Napailing na lamang ako at nagtipa muli ng report.

Nasa parte na ako sa nangyari kanina, yoong pag-uusap namin ni Mr. Goliath. Isinaad ko kung paano siya tumayo, tumingin at makipag usap upang makatulong sa larangan ng Sikolohiya.

"Paano...nakaka..amoy na....ng kapwa... sinung...aling ang.... sinunga..ling?"

Napatigil ako sa pagtitipa nang manumbalik sa alaala ko ang mga huling salitang binitawan ni Mr. Goliath.

Paano nakakaamoy ng kapwa sinungaling ang sinungaling?

Likas na sinungaling ang mga katulad ni Mr. Goliath, ang tapika namin nang sabihin niya iyon ay si Cash.

Ang ibig niya bang sabihin ay katulad niya si Cash?

Napakunot ang noo ko sa aking naisip.

May posibilidad na nagsinungaling saakin si Mr. Goliath para paglaruan ako, pero anong punto kung kasinungalingan din ang sinabi niya? 

"Nakita ko kung paano siya tumitig sa anak ko."

Lumabas ang imahe ng dalagang nakita ko sa ikalawang palapag ng bahay.

Kumunot ang noo ko habang nakatingala sa ilaw, "Ano?"

Maganda ang dalaga. Hindi na ako magtataka kung nakita na siya ni Cash dahil paniguradong pumunta na ito sa bahay ni Mr. Goliath para mag tanong noon.

May teorya na ako sa utak ko.

"Kaya mo iyan kuya, ikaw pa," ngiting pagpapalakas ng loob saakin ni Cash.

Ayoko lang tanggapin.

Marahas na akong bumuga ng hangin nang tumunog muli ang telepono.

Padabog ko na itong kinuha at idinikit sa aking tainga.

"Hello?!" hindi ko na-limitahan, napalakas na ang boses ko.

Hindi muli sumagot ang nasa kabilang linya. Agad lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.

Magsasalita pa sana ulit ako nang magsimula na itong sumagot.

"Good evening, Agent Schwarz. This is Atty. Alfred San Jose, I would like to discuss about Sheila Barium's murder, one of The Sketch Pad serial killer's victims. Are you busy?"

Napaayos naman ako ng upo sa narinig ko, narinig kong tumawa si Nathalie at Jonathan sa kani-kaniyang desk nila nang makitang umayos ako.

"Oh sorry, no."

---

Dalawang araw ang nakalipas...

"Halatang nagsi-sinungaling siya," sabi ko kay Adam.

"Alam ko," pag-sang ayon ni Adam saakin habang papasok kami ng Headquarters.

Pagka receive ko pa lang ng mensahe kaninang umaga na nagising na si Nelly Goliath ay agad akong dumiretso ng Ospital para hingin ang kaniyang statement ukol sa kaniyang ama.

Pagkarating ko doon ay nandoon na rin si Adam upang mag matyag.

"May sinabi ba saiyo si Ramon Goliath tungkol sa anak niya?" tanong ni Adam saakin habang naghihintay ng elevator.

"Tinanong ko siya kung alam ng anak niyang may kinakasama siya," hindi ko maiwasang hindi mapailing dahil ang stupido ng kwestyon na iyon, "Makahulugan yung sagot niya saakin."

Kunot noo namang humarap saakin si Adam sa sinabi ko, "Paanong makahulugan?"

"Ang sabi niya ay hindi, tapos sinabi niya ang unang pangalan ko. Masyado na akong na distract dahil hindi ko naman sakaniya binanggit iyon."

"Anong makahulugan doon?" tanong muli ni Adam, sakto namang bumukas ang elevator.

"Alam na niya ang intensyon ko nang kumatok ako sa bahay niya," sabi ko habang pumapasok kami sa loob ng elevator, "Hindi ko alam kung ang sagot niyang 'hindi' ay para sa espesipikong tanong ko o tungkol sa krimen nila ng kinakasama niya."

Malalim na napabuntong hininga si Adam.

Habang umaakyat ang elevator ay hindi ko maiwasan na balikan ang usapan namin ni Ms. Nelly kanina.

"Alam mo ba ang ginagawa ng ama mo?" seryosong tanong ko sakaniya. Nakakrus lamang ang mga braso ni Adam habang nakikinig sa likuran ko.

"Hindi," tipid niyang sagot saakin habang nakatulala sa kaniyang mga kuko, "Simula nang maghiwalay sila ni Mama ay hindi na kami masyadong nag-uusap."

"Ilang taon na niyang kinakasama ang bagong nanay mo?"

"Hindi ko siya nanay."

Napatingin naman ako sakaniya at napatigil sa pagsusulat ng statement dahil bahagyang tumaas ang boses niya.

"Tatlong buwan pa lang," pahabol ni Nelly, halatang pinilit na pinalumanay ang boses.

Tinignan ko naman si Nelly ng mabuti. Halata sa pananalita niya na hindi siya gaanong napagtuunan ng pansin ng mga magulang niya, base na rin sa estimasyon ko ay labing isang taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay si Mr. Goliath and Mrs. Andrade.

"Bakit hindi ka sa Mama mo sumama?"

"May bago siyang pamilya, hindi ako gusto noong magiging step father ko," simpleng sagot niya, yung tono niya ay parang walang pakialam.

"Kung gayon ay maayos ang pakikitungo saiyo ni Ms. Madrid?"

Inikutan niya ako ng mata, "Siya ang nagpa-paaral saakin."

Oo ang sagot niya. Siya lang talaga ang hindi tanggap ang set up ng pamilya niya.

Napalingon ako ng bahagya kay Adam, tinanguan niya lamang ako bilang senyas.

"Narinig kong hindi ka pumasok ng dalawang linggo bago ang Finals ninyo," pagbubukas ko ng panibagong tapika, nawala naman ang pagsusungit sa mukha ni Nelly nang marinig iyon.

"Tumawag ang Research Professor mo sa bahay ninyo dahil natatambakan ka ng requirements, pero ang sabi ng Papa mo ay wala ka at dalawang linggo ka nang hindi umuuwi. Ang paalam mo ay..." ibinaba ko ng bahagya ang isang pahina ng maliit na kwaderno na hawak ko upang tignan ang statement ng guro na kinausap ko kahapon, "OJT?"

Napakurap ng maraming beses si Nelly, unti unti kong naramdaman ang kaba sa kaniyang katawan.

"Na-nasa bahay ako ng kaklase ko," nangangatog niyang sagot, "Magkasabay ang thesis at OJT namin kaya sobrang abala talaga ako."

Nakalimutan niya ata ang detalye na Research Professor ang tumawag sa Papa niya.

Sabi rin ng kagrupo niya sa thesis ay hindi naman sila nagkaroon ng overnight na pag gawa ng thesis. Kalokohan naman na iyon ang dahilan tapos dalawang linggo siyang wala.

Ang sabi naman ng mga kaibigan ni Nelly na kadalasan niyang kasabay umuwi ay noong huli nila itong nakasabay ay nakita pa nila itong pumasok ng gate ng subdivision nila.

"Anong deduksyon mo?"

Bahagya naman akong napalingon kay Adam na nakatingin sa pataas na pataas na numero ng elevator.

Hindi nagtagal ang titig kong iyon at tumingin sa aking unahan.

"Kinidnap siya."

Napasinghap si Adam at bahagyang natawa.

"Bakit?"

"Malapit na siya sa bahay nila nang mawala siya, halatang may intensyon siyang umuwi pero bakit hindi natuloy? Simple dahil may humarang sa dadaanan niya," simple kong sagot.

"Hindi ba pwedeng may nobyo siya sa loob ng subdivision at doon nanalagi ng ilang linggo?"

"Tinanong ko na rin iyan sa iba niyang kaibigan at kaklase noong isang araw pero wala, ang sabi nila saakin ay walang interes si Nelly sa mga lalaki dahil mas pokus ito sa pag-aaral," napakamot ako ng tainga.

"Hindi pa rin sapat ang posibilidad na may nobyo siya."

"Ang kaniyang ama ay walang narating sa buhay kung hindi ang maging Janitor at House Husband. Yet, hindi pa rin siya napagtuunan ng pansin," opinyon ko, "She's intelligent, mataas din ang pangarap sa buhay. Heck, halos nga daw ipagtabuyan niya ang lalaking Doktor na mag a-assist sana sakaniya."

"A man hater?"

"Misandrist," pagtatama ko kay Adam.

Napatango si Adam sa sinabi ko. Mukhang naalala niya rin kung paano kami pakitunguhan ng dalaga kanina, para kaming may epidemya kung makipag usap ito.

"I assume na lalaki ang nangidnap sakaniya?" ani muli ni Adam.

Napaismid ako, "Of course."

Si Cash.

"Paano...nakaka..amoy na....ng kapwa... sinung...aling ang.... sinunga..ling?"

"Kung gayon ang nag text sa ama ay ang lalaking nangidnap?" sabi ni Adam na ikinatango ko.

"Pero bakit pinagtatakpan ni Nelly ang kidnapper niya? Kung galit siya sa mga lalaki kahit walang ginagawa sakaniya ay bakit yoong may masamang intensyon pa ang pinoprotektahan niya?"

Tumunog na naman ang elevator, senyales na nasa tamang palapag na kami.

"Ang tanong ay pinaramdam ba ng lalaking iyon na masama ang intensyon niya kay Nelly? Paniguradong may ginawa siya para mapaamo si Nelly," nauna na akong lumabas ng elevator at tuloy tuloy na naglakad papunta sa opisina ko.

Nang makarating ay nagdire-diretso ako paupo sa swivel chair.

Si Adam naman ay sumunod pero tumigil na siya sa harapan ng desk ko.

"Stockholm syndrome?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, himas sentido pa akong tumango tango. Sa wakas ay nakuha rin ni Adam.

Tumikhim si Adam at tumitig sa labas ng bintana, halatang malalim ang iniisip.

"Bantayan mo si Nelly Goliath, kailangan ko ng weekly report para doon."

Dagdag paper work pero alam ko sa sarili kong kailangan, gayong pwede siyang pumasok sa Person of Interest sa nangyari kay Cash.

Gusto kong mag reklamo dahil para akong mag be-baby sit. Hindi magiging madali dahil mainit ang dugo ni Nelly sa mga lalaki.

Hindi ko pwedeng sabihin kay Adam na si Cash ang potensyal na kumidnap kay Nelly. Una ay wala pa akong ebidensya at pangalawa ay paniguradong hindi niya paniniwalaan ang deduksyon ko dahil bumase ako sa opinyon ni Mr. Goliath bago ito mamatay.

Nang tumango ako sa sinabi niya ay agad din niyang nilisan ang opisina ko.

Nakaharang si Adam kanina sa direksyon ng opisina ni Nathalie, occupied din ang isip ko sa mga tanong ni Adam nang pumasok ako ng opisina kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na luminga linga sa paligid. 

Hindi ko napansin na may kausap pala si Nathalie sa kaniyang opisina na maganda.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 427 50
(C O M P L E T E D) (UNDER REVISION) SEVEN BLUES #1 Roj believes in quotation, "Love is like an instrument. Perfect beat, perfect tune. Perfect beat...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...
7.3M 374K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...