The Summer We Never Had (COMP...

By ANNEtouchii

768 83 3

Because of a tragedy happened in the past, Natsumi visits the place she treasures the most every summer. Hopi... More

Chapter 00: Introduction
Chapter 01: Weird
Chapter 02: Confusion
Chapter 03: The Oldies and the Old Hag
Chapter 05: Girlfriend
Chapter 06: Bridal Gown
Chapter 07: Nozomi Shrine
Chapter 08: Asahi Kaneko
Chapter 09: Cheating
Chapter 10: Seventeenth
Chapter 11: Missing
Chapter 12: Commotion
Chapter 13: Wretched Truth of Past
Chapter 14: Under The Starry Sky
Chapter 15: Escape
Epilogue

Chapter 04: Reason

39 5 0
By ANNEtouchii

Chapter 04: Reason

"You usually stay here?" I asked Asahi while looking up to the sky. It is really refreshing to see how nature always manages a way to show us how incredible its features are.

"Well, you can say that," he answered simply. I nodded, still looking at the light blue skies, also admiring the peaceful-looking clouds on it.

"I love summer." I turned my gaze to him. Our eyes immediately met. He's looking at me intently, gazes were full of unreadable thoughts.

"Ako rin." Sa kabila ng tipid niyang pagsagot ay nakuha ng puso kong maghuramentado. Bumabaon sa aking sistema ang bawat segundo ng pagtitig niya. Sinubukan kong ngitian siya ngunit wala pa ring naging emosyon ang kaniyang mukha.

"Masaya ka bang makita ako, Sumi?" Pagkaraan ng ilang segundong titigan ay iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. Maingat akong tumango at ngumiti nang malapad.

"You don't know how glad I am to see you. Matagal kang hindi nagpapakita sa mga panaginip ko. Miss na miss na kita." Dinugtungan ko iyon ng maikling tawa. Tumango siya saka suminghap.

"Kung gano'n, maaari naman tayo laging magkita rito. Kahit kailan mo naisin. Nandito lang ako palagi," malumanay niyang tugon.

I stared at him for a few seconds, getting happy and confused at the same time. But I still managed to smile and show him how great it feels to hear what he had said.

"Kung gusto mo, sa susunod na pagkikita natin ay pumunta tayo sa Nozomi Shrine. Napakaraming bulaklak doon and I'm sure that you'll love the animals wandering around there," suhestiyon niya na ikinangiti ko lalo.

I can't explain how happy I am right now. It feels surreal. I don't know how to calm my overwhelming feelings. Parang ang sakit na nangingibabaw ang saya. Everytime I look at him, I want to touch his handsome face and praise him all day. My feelings for him didn't even fade a bit. My young heart got matured and it now beats stronger and wilder for him.

"Aren't you mad at me, Asahi?" I asked and plastered an uncomfortable and apologetic smile. He raised his brow and chuckled a bit. Pati ang pagtawa ay nakakahumaling din. Ngunit hindi ko kayang itanggi na kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Why would I be, Sumi? Ako nga ang dapat magtanong niyan. I left you... alone. And I couldn't even go back and stay with you. I'm sorry." Puno ng emosyon ang kaniyang tinig ngunit nangingibabaw ang sakit dito. Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig.

I let out a loud sigh and brought my eyes back at the skies. "Right... You left me. You left me and all I c-can do is to feel bad and regret the childish acts I've done. You left me, leaving a scar which I know that it won't f-fade... It's unfair... but I admit that I was more unfair than y-you... Kung hindi dahil sa'kin, buhay ka pa ngayon at sigurado akong s-succesf-ful k-ka n-na..." naluluha kong sambit na pumiyok pa sa huling pangungusap na sinabi ko.

"Malupit lang talaga ang tadhana, Sumi. At hinding-hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko noon para sa'yo. You shouldn't be sorry for the things you didn't mean to do and regret the awful situations you didn't wish for..." Lumingon ako sa kaniya at nakita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata sa mga namumuong luha.

"No. I know I'm a-at fault but I'm happy to hear... that you aren't mad at me... It's a big help for me to move on... I won't mind regretting it for the rest of my lif-"

"No, please. It's okay. You shouldn't be guilty-"

"He's right, Natsumi. You're apologizing for the wrong person. Talking to a mad man. Feeling regretful in front of this dip shit who's just fooling you. He's right. Don't apologize and go back to where you belong. Why do you keep on going here, anyway? Tss." I heard Haru's voice from behind.

I wiped my tears, getting annoyed by his presence again. I looked at him with so much irritation in my eyes.

"Bakit nandito ka na naman?!" sigaw ko na tinawanan ni Asahi. Hindi lang ako nakalingon dahil pinangtuunan ko ng pansin si Haru. Hands are on the pockets of his jogging pants, didn't even flinch after I screamed at him.

"Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, Natsumi. Bakit nandito ka na naman? Alam mo ba talaga kung nasaan ka?" I can't deny how he sounded so furious. Every words he had said scared me and I don't even know why.

Lumunok ako at muling umahon ang inis sa aking sistema. Nakakairita. Bakit kailangan niya laging mangialam at sumulpot?!

"Next time na lang ulit, Sumi. Nand'yan na ang iyong nobyo," anunsyo ni Asahi na agad kong nilingon. Nakangisi pa siya nang tingnan ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko, hindi alam kung paano siya pipigilan.

"Uy, hindi! No. S-Stay here, okay? I'll just talk to this brute! No. Just stay here, please. And nobyo? No. He isn't my boyfriend! I don't have one! Don't go anywhere!" I know I sounded so desperate but I don't want him to walk away from me again.

"I'm sorry, Sumi. I also have things to take care of. I assure you that we would meet again. Don't worry and take care." He patted the top of my head while giving me a farewell smile.

I held his wrist but he gently took off my grip on him. He smiled once again before turning his back on me.

"N-No..." Naiiyak kong sambit. Pakiramdam ko ay namamaalam na naman siya. Pakiramdam ko iiwan na naman niya ako. Pakiramdam ko, nababaliw na ako sa sakit. Hindi ko siya magawang pigilan maglaho, katulad na lang kung paano ako nagmakaawa sa ilalim ng ulan na mabuhay siyang muli. Don't leave me again, Asahi...

Nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang nangilid rito. Agad kong pinunasan ang mga pumatak mula sa mga mata ko at agad itong kinusot. Nang luminaw na muli ay nanlambot ang mga tuhod ko. Nawalan ako ng enerhiya nang matanaw na wala na si Asahi. Ang bilis niya namang nakapaglakad. Hindi ko na siya makita.

"Let's go..." rinig ko ang pag-aalinlangan sa boses ni Haru. Kahit nairita ako sa presensya niya kanina, hindi ko magawang magalit sa kaniya ngayon. Dahil dumating man siya o hindi, umeksena man o hindi, alam kong... hinding-hindi na babalik pa si Asahi. I know this is just one of my illusions and one of my wildest dreams.

He won't ever go back... He's dead.

"Hmm. Where to?" Pagkapunas ng mga mata ay agad kong nilingon si Haru. Halatang nabigla siya sa pagharap ko sa kaniya. Nakita ko kung paano siya napalunok at namutla nang kaunti.

"Where to?" tanong kong muli. He exhaled sharply and held my wrist. Bahagya niya akong hinila at nagpatianod na lang ako.

"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" seryoso niyang tanong habang sinasalubong ako ng mga nakaka intimidate niyang mata. Nanatili lang akong nakatingin, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Nasa panaginip ka ngayon. Nasa panaginip tayo, Natsumi. Lahat ng nakikita mo ngayon dito, panaginip lang ang lahat ng ito. Bunga lang ito ng mga imahinasyon natin. Nasa Del Kyushu ka ngayon pero hindi ito ang totoong Del Kyushu. Tulog ang pisikal mong katawan pero ang utak mo gising na gising dito. Naglalakbay. Delikado rito. Sobrang delikado," mahaba niyang pahayag na hindi ko makuhang intindihin kaagad. Pilit kong ipinasok sa isipan ko ang lahat pero kaunti lang ang naintindihan ko.

"Nagagawa mong maglakbay sa mga panaginip mo at makatagpo ang mga taong gusto mong makita rito dahil sa dreamcatcher mo. Katulad mo ay mayroon din ako. At ang mga makakasalamuha mong walang suot na katulad ng kwintas na ito ay walang pisikal na katawan sa realidad. Mga naliligaw lamang silang kaluluwa na ayaw pang pumunta sa mga dapat nilang patunguhan. O kaya, ikaw mismo ang gumagawa ng ilusyon para mag exist sila. Naiintindihan mo ba? Kaya tayo na. Malapit nang mag-umaga," malumanay at seryoso ang bawat salitang binitawan niya.

I tried to process everything but all I can comprehend is the reason why I'm having all of these illusions/dreams. It's all because of my dreamcatcher.

Agad akong napahawak dito at inangat ang tingin kay Haru. He looked at me with confusion and seriousness in his eyes. Pinapabalik-balik ko ang tingin sa kaniya at sa suot kong dreamcatcher.

"See that?" Awtomatiko akong napatingin sa kaniyang itinuro sa taas. I saw a group of black birds flying along the sky, creating gentle noises as they chirp.

"That's the sign of morning in real world. It means, you should go back to your senses and wake up. Dahil kung babalewalain mo 'yan, makukulong ka rito. Kailangan mong bumalik sa pinanggalingan mo bago pa dumaan ang mga puting ibon sa langit. Bilisan na natin. 15 minutes ang palugit pagkatapos makadaan ng mga itim na ibon." Nagpatianod na lang ako sa pagtakbo, ramdam na ramdam ang mainit niyang palad na nakahawak sa aking palapulsuhan.

Ngayon ko lang napagtantong wala akong suot na panyapak. Naka oversized tee shirt lamang ako at pajamas. Hindi ko suot ang bunny slippers ko katulad noong nakaraan.

Kaya naman nang papalapit na kami sa  maputik na daanan ay hindi na ako nakapalag pa ng pasanin niya ako na parang sako ng bigas.

I was just quiet the whole time. I want to process everything and bring back my energy. Nanlalambot pa rin kasi ako sa pag-alis ni Asahi. It hurts. I want to inflict pain to myself. But I really can't. Hihibla na lang ng enerhiya ang nararamdaman ko.

When we reached the series of doors, he immediately open the gray door and put me inside it. I gave him a small smile but he didn't even show me a single emotion.

"If you're planning to go back in here again, wear slippers before you sleep. Take care," matigas niyang paalala na tinanguan ko lang.

"Thank y-" Bago ko pa makumpleto ang sasabihin ay sinarado na niya ang pinto.

Ang kulay abong pinto ay agad naglaho. Bumalot na naman sa panginin ko ang puro puting kapaligiran. Wala akong makitang kahit ano. Ako lang ang naiiba ang kulay dito.

Gaya ng una kong ginawa ay inihakbang kong muli ang mga paa paabante. Kinakabahan ako ngunit namamangha pa rin. Ngayon ko lang napagtanto na maaring ito ang daan pabalik sa katawan ko.

Ilang minuto pa ang nagtagal bago naramdaman muli ang tila nahuhulog sa malalim na balon. Hindi ko mapigilang umirit dahil pakiramdam ko ay walang katapusan ang lalim nito. My voice echoed and I felt chills in my body.

Matapos ang saglit na pagkakahulog ay biglang umahon ang katawan ko sa di ko malamang dahilan. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang panlalamig ng balat at pagkabog nang malakas ng dibdib ko.

I opened my eyes and saw my plain ceiling. I blinked a few times, body was stiffened in its position. Minutes passed before I finally got up and sat on my soft bed. I roamed my eyes around and confirmed that I am back already.

Mabilis akong tumayo at bumaba sa kama ko. Inuna kong hawiin ang makapal na kurtina ng sliding doors ko bago ito tuluyang buksan. Saktong pag urong ko nito ay agad kong natanaw ang nagbukas na pinto ng katapat na terasa.

With his messy hair and a bit swollen-eyes, Haru went out of his room and went straight ahead to their balcony.

Kaagad nagtama ang mga paningin namin. Ang pipikit-pikit pa niyang mga mata ay mabilis na nanlaki. He gaped at me for a moment then got his composure back right away. I saw he yawned and since it's contagious, I yawned too.

He waved his hand and gave me a friendly smile. I stared at him for a few seconds, feeling a bit awkward because we've just seen each other not so long ago.

"Good morning," he greeted while a wide smile was plastered on his face.

I nodded and gave him a small smile, too. "Good morning."


_______________________________________________________________
A/N: Hi! Have a nice day! Thank you for reading! I appreciate it a lot💓

P.S. I got the photo from Pinterest. I just thought it fits in Sumi's scenario every morning💓

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
74.4K 3.9K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...